narito na kami sa yunayted isteyts pagkatapos ng pagkahaba habang byahe. madaling araw na rito ngayon pero siyempre hindi pa kami makatulog. jet lag epeks na sinamahan ng gutom. ngyehehe. pero mamaya makakatulog din ako, i can feel it eh. si jet? nag aayos na. OC talaga yon. gusto kaagad niyang normal ang buhay namin one minute after setting foot in our new home. buti na lang ganito ang ugali niya. at least nababalanse ang pagka gung ho, bahala na attitude ko.

ang hirap. sobrang hirap ng naglilipat. bwakanginangyan. kasumpa sumpa talaga. nagpa FedEx kami ng 12 boxes ng gamit na darating next week. saan ito ilalagay? yan ang tanong. may ilang araw pa para pag isipan kung saan. hulaan ninyo kung ilan ang dala naming baggage sa flight? sirit… anim na checked in bags at apat na hand carry. oo virginia, sampung bagahe (buti na lang hindi kami siningil ng singapore airlines dahil siguradong overweight kami. dahil nga sa sobrang dami ng dala namin eh mayroon kaming nakalimutan na i-claim at binalikan ko pa sa LAX airport kanina. ang hirap palang makaiwan ng bag sa airport sa amerika. lahat ng tinanungan ko mali ang binigay sa akin na information kaya akyat baba ako sa arrival at departure ng airport. marami rin palang tanga sa amerika. hehehe.

pero in the end, ok namang lahat. nabawi ko ang lost luggage pagtapos makipaghabulan sa tauhan ng singapore airlines. nakakuha na kami ng rental car at nakapagbyahe na papunta sa aming temporary tahanan dito sa mission viejo. oo nasa orins kawnti na kami at excited na sa kung ano ang ibibigay sa amin ng tadhana rito.

narito na kami ni jet sa airport and on our way to la. pinaghalong lungkot at saya. mami miss ko talaga ang singapore kahit papaano. it has been home for four years. binigyan niya kami ng sustento, security, di mabilang na exciting experiences at maraming kaibigan. iba iba ring klaseng mga tao ang na meet namin itong mga nakaraang taon. may mga halos magdugo ang ilong sa pangungulangot, mayroong malakas pa sa kanyon ang putok at mayroon ding mga mas kupal pa sa tutuong kupal. bagay na madalas kong ikatuwa at ikwento rito. ngayon ang last entry ko sa singapore adventure namin ni jet at mami miss ko silang lahat.

Read the rest of this entry »

bigote atsaka balbas simula nang umakyat ako sa mount apo two weeks ago, hindi na ako nag ahit. pang good luck ko ito pag may ginagawang project. normally, i don’t shave until the project’s complete. hindi pa rin ako nag ahit hanggang sa pagdating dito sa singapore kaya medyo mahaba haba na rin. laking gulat nga ng mga kasama ko sa opisina nang mag drop by ako kahapon to get my mail. bigla ngang may sumigaw na kaopisina kong singapaporean na “ABU SAYYAF”. eh di siyempre, narinig nila ang standard reply ko sa ganitong typical bastos na cliche, isang malakas na – “SO, YOU WANT ME TO CUT YOUR FUCKING HEAD OFF”. ayun, natahimik din ang kupal kahit papaano.

bakit OK sumakay ng singapore airlines? 1. masarap ang pansit bihon guisado doon sa kris flyer lounge sa NAIA. 2. libre ang singapore sling sa eroplano (naka dalawa ako ngayon). 3. masarap panoorin ang mga stewardess pag tumutulong silang mag lagay ng mga bag sa compartment. 4. minsan masarap din daw pag nasa aisle seat ka at madikit ang mga stewardess sa braso mo.

kamusta naman ang trip mo to singapore? ewan ko, tulog ako buong flight. pero mayroong small periods na gising. just awake enough to say to the stewardess – “i like the tanigue fish meal” and then eating it before losing consciousness once more. binabawi ko pa rin ang puyat sa mount apo last week.

Read the rest of this entry »

dear unkyel batjay,

aalis na pala kayo sa pilipinas ni ate jet bukas. nakakalungkot naman. mami miss ka siguro ng mga kaibigan mo at mga kamag anak ano? sana naman ay hindi kayo masyadong mahirapan. siyanga pala, napasulat ako sa iyo dahil gusto ko pong humingi sa inyo ng payo. ano po ba ang gamot sa premature ejaculation? yon lang po. good luck na lang sa bago ninyong buhay.

nagmamahal,
gentle reader

dear gentle reader,

oo sa katunayan, bukas ay aalis na kami ng pilipinas. punta muna ng singapore tapos diretso na sa paboritong city ng mga batangueno sa america, ang Ala-Eh (Los Angeles). from there baba na kami sa aming magiging bagong tahanan sa orins kawnti. ngayon pa lang nga nalulungkot na ako. minimemorya ko na nga ang ngiti ng nanay ko, ang tabas ng damo sa aking hardin, ang bawat poste ng bahay namin. baka matagalan kasi bago kami makauwi. gusto ko, naka record lahat ng masasayang alaala sa utak ko para pag na homesick ako, ipe-play ko na lang ito na parang pelikula. mami miss din siguro ako ng mga inutangan ko, sama mo na rin diyan ang mga matrona at bading na matagal nang gustong masalat ang aking ginintuang pototoy. ano ba ang gamot sa premature ejaculation? ang pagkakarinig ko eh kadalasan ang sanhi nito ay psychological in nature, dala siguro ng over excitement. ang aking personal theory ay dahil ito sa sobrang pagjajakol nung kabataan (you can trace every adult screw up to some trauma during childhood). anyway, ang pinaka effective na treatment para hindi agad mag come ay ganito: during the actual sex, isipin mo na lang na katabi mo ang lolo mo sa kama. yon lang muna at hanggang sa muli.

adios gumbay,
unkyel batjay

ngayon ko lang ulit na appreciate ang aking kinareer. iniisip ko nga kanina habang papauwi galing sa cotabato na masuwerte ako sa napili kong propesyon. hindi man malaki ang kita eh marangal naman ang hanap buhay ko. bakit ba masarap maging isang engineer? kasi walang halong pulitika sa trabaho. hindi kailangan ng pogi points, walang SONA, walang wire tapping at walang masyadong tae ng lalaking baka (bullshit ata ang tawag nito sa english).

simple lang actually – you build things from scratch and make things work. then you take your paycheck, have a beer with your friends and take your wife out shopping.

masarap ang pakiramdam pag nakikita mong gumagana ang ginawa mo. tulad ngayon, masaya ako kasi tumakbo na yung kinalikot namin sa mount apo. mabilis ang implementation – one week lang to take out a defective system and replace it with a new one. lahat ng ito ay ginawa without shutting down the power plant. ano bang magandang analogy para ma feel mo kung paano ito ginawa…

ah ok. parang ganito yun: isipin ninyo na lang na may isang babae (itago na lang natin siya sa pangalan na matilda) na nag request kay unkyel batjay na palitan na ang asawa niyang (si pepe) dahil maliit ang pototoy nito at parati pang nag pe-premature ejaculation. so ang ginawa ni unkyel batjay ay isinama si pedro (AKA “the love machine”) at pumunta doon sa bahay nina matilda at pepe. pumasok sa kwarto habang sila ay nagsesex, kinidnap si pepe at pinalitan siya ni pedro (na may malaking pagkalalaki at matagal bago mag come). lahat ng ito ay ginawa ng hindi namamalayan ni matilda. nagulat na lang siya after the sex at may bago na siyang partner na subok na matibay, subok na matagal.

paano bang gumawa ng isang project?

1. magsisimula ka siyempre by defining your system. ano ito, at ano ang kanyang gagawin pag siya ay tumatako na.

2. you think about the different components that will make up your system. then you think of ways on how they will work and communicate with each other.

3. after that, you simplify. you do this by reviewing your design and by breaking down all the components over and over again so that you are left with an elegant and simple solution.

4. once you’ve come up with the answer, you just go through the motions of implemantation. you know for sure that it will work out in the end because you already had all the answers even before you started.

5. pag tumatakbo na ang ginawa ninyo, bibili ang boss ng lechon baka at maraming san mig light. mag iinuman kayo at magbibidahan hanggang sa pagsikat ng araw.

that’s what engineering is all about.

marami ang naiinggit sa akin dahil masayaran lang daw ang likod ko eh humihilik na agad ako. mabilis akong makatulog at nakakatulog ako kahit saan. isa yan sa mga talents ko (bukod sa mahabang dila at pleasing personality), kahit ipagtanong pa ninyo sa mga kaibigan ko at mga katrabaho. nakakatulog ako ng one click sa mga sasakyan. pag andar pa lang eh para na akong pinaghehele. nakakatulog ako kahit nakatayo, kahit nakaupo at kahit nakadapa. huwag lang kung nakadapa at naghahanap ng palakang may buhok.

ngayon lang bumalik sa aking lahat kung bakit ako madaling makatulog. dala ito ng pag train ko sa sarili ko na magpahinga pag may bakanting oras pag gumagawa ng mga projects. tulad ngayong week, typical ang 20 hour working days. mag iisang linggo na akong puyat at natutulog na lang pag may lull sa trabaho. pumipikit na lang ako pag inabutan ako ng antok kahit nasaan pa siya.

umuulan na naman habang sinusulat ko ito. nakihiram ako ng computer dahil may mga kailangang i-download na mga manuals na kailangan ko sa ginagawa namin. malapit nang magdilim at malamig na. parating na rin ang makapal na ulap at maya maya pa, babalutin na niya ang buong paligid at wala na akong makikita. siguro kung may langit, ganito ang hitsura niya. mataas na mga bundok, sariwang hangin at magandang panahon. kung pwede lang sana na mamundok poreber en eber, masaya sana.

doon sa mga nagtatanong kung ano ang amoy ko ngayon. gusto kong ipaalam sa inyo na naliligo pa rin ako araw araw kaya mabango pa rin. the wonders of technology – may hot water dito. at kahit malayo sa kabihasnan, may satellite cable connection kaya napapanood ko pa rin si kris aquino na sumisigaw ng “kee wreck” pag may sumagot ng tama sa “game na game ka” tuwing tanghali.

narito ako sa taas ng mount apo para tulungan nga ang mga kaibigan kong gumawa ng kuryente. mayroon kasing kaunting problema sila sa ilang instrumento at kailangang palitan. ang problema, hindi pwedeng magsara ang planta habang pinapalitan ang mga instrumento kaya ang bayag ko ay nasa leeg parati – nininerbyos na baka may magawang mali at mag black out sa mindanao. pero tama na ang drama… may ibabalita akong ikinatuwa ko… pag pasok ko sa opisina ng planta ngayon, may sign na nakalagay: “BATJAY, JULY 18 T0 23”.

hehehe. sikat na ang “batjay” na palayaw ko kahit sa mga kaibigan ko sa industria.

maulan ngayon dito sa taas ng bundok at malamig. pag bukas ko ng bintana, may pumasok na ulap. yan lang ang konswelo ko – kahit maraming ginagawa, mayroon pa ring mga bagay bagay (ulap, in this case) na nagpapasaya sa akin. ang hitsura ko ngayon ay parang puyat na unggoy – wala pang tulog simula nang dumating and busy as ever.

nakita ko ang peak ng mount apo ngayong umaga, nangiti ako nang makita ito ni jet. first time kasi niyang makita ang paborito kong bundok. ok na sana kaso lang ang dami kong kulangot ngayong gabi. siguro dahil sa alikabok. rough road kasi paakyat dito.

pagkatapos ng ilang taon, nakaapak na naman ako sa sa beloved kong davao. mas special nga ngayon kasi kasama ko si jet. makikita na niya kung bakit gustong gusto ko ang davao. kinuha namin ang 10:20 am cebu pacific trip from manila. ang daming tao sa airport – dami ring mga koreano. mukhang paboritong destination nila ang pilipinas dahil may special phone pa sila doon sa airport para tumawag ng collect sa bansa nila – siguro pag naubusan na sila ng kimchi at soju, pwedeng tumawag para may free delivery.

from davao diretso kami ni jet sa kidapawan. pahinga sandali tapos akyat na dito sa taas ng mount apo. it feels like home. siguro in a former life, dito ako sa bundok nabuhay (bilang isang lamok). when i die, scatter my ashes in this mountain.

batjay semikalbo batjay semikalbo batjay semikalbo
batjay semikalbo batjay semikalbo family reunion in tagaytay
batjay semikalbo batjay semikalbo batjay semikalbo

Read the rest of this entry »

time anong oras na? limang minuto makaraan ang truck ng basura! ngyehehe. nag imbento ako ng wrist watch para sa mga malalabo ang mata. magandang balita ito para sa mga milyong milyong mga taong kailangan pang magsalamin upang malaman ang oras. simple lang ang design at ginamit dito ang mga latest swiss technology upang makagawa ng orasang matibay, maaasahan at may mga numerong madaling mabasa.

GENTLE READER: unkyel batjay, bakit ka naka helmet?

BATJAY: ah, sa sobrang laki kasi ng relo eh doon nakalagay ang baterya.

dear unkyel batjay, two weeks ka na pala diyan sa maynila. gusto kong malaman kung ano ang feedback mo tungkol sa pilipinas. in terms of the political atmosphere and the current economic condition. what do you think about the volatile events happenning in manila? do you think that the opposition will have enough clout to take the presidency from mrs arroyo? i am interested in finding out your opinion because i know that you are very intelligent. at pahabol – ang ganda nga pala ng mga bulaklak mo, lalo na yung lavender na gumamela. yun lang!

dear gentle reader, hindi lang intelligent – pogi pa. bwahaha. thank you – maganda talaga ang mga bulaklak ko ngayon. hayan ang sample. napakalalim naman ng mga katanungan mo. pilitin nating sagutin. una, may problema talaga sa pilipinas ngayon. hindi effective ang mga programa ng gobyerno dahil maraming corrupt. isa pa eh bagsak ang entertainment industry kaya maraming mga artista ang sumasali sa politika. tapos, mayron din namang mga nasa politika na sa pagaakalang sila rin ay pogi eh gusto namang mag artista. heto pa ang isa kong napansin: nakaka aliw ang mga commercial sa TV. karamihan rito ay tungkol sa shampoo na nakakapagtanggal ng balakubak. marami ring tungkol sa sabong panlaba. at ang isa siguro na kapuna puna dahil dito ko lang ito napapanood sa pilipinas eh maraming commercial ang tungkol sa gamot sa pagtatae. naghihintay na lang nga ako para sa paglabas ng “pantene with diatabs – ang shampoo para sa mga nagtatae”.

kung ako ang gagawa ng commercial, kukunin ko si kris aquino na model at ipapakita kong gumagamit siya ng shampoo habang nakaupo sa inodoro.

VOICE OVER: “kris, are you using pantene with diatabs again?”

KRIS: “keee-wreck!!!”

TAGAYTAYJULY-046

curious lang ako… pag nakita nyo ba ang picture na ito, ang ang naaalala ninyo? pagkain ba or “lord of the flies” ni william golding. ako, paiba iba at depende sa oras – pag lunch eh naiisip ko lechon cebu, sawsawang suka na may toyo na binudburan ng siling labuyo at hanging rice (puso). sarap non. ispokening of pagkain. na mi miss ko ba ang pagkaing singapore? oo. dalawang linggo na kami ni jet dito sa maynila. nag iba nang panlasa ko at parang ang layo na namin sa nakagisnang buhay sa singapore. hindi ko na sana aaminin pero sige – ang isa ko pang nami miss ay ang anghit. hehehe. packingsheet. akala ko hindi ko ito hahanap hanapin. medyo weird nga eh. kanina lang nasa mall ako at napapaligiran ng maraming mga tao, i was half expecting na makakaamoy ako ng putok. wala. kahit putok ng paltik – wala. hina hanap hanap ko tuloy ang mabagsik na amoy langkang hinaluan ng sibuyas na halos mag pabiyak sa ilong ko.

darning-small

ayan, kontra sa kagustuhan ng mommy ko, nag darna costume na ulit ako. bwahaha. kinailangan kong maging super hero kasi umakyat ako sa bubong kanina dahil pinutulan ko yung jasmin at masyado nang malago. nahirapan ako ng husto. ngayon lang ulit ako naka akyat ng bubong in 5 years. bwakanginang yan, iba na pala pag 40 years old ka na. hindi na sumusunod ang katawan sa kagustuhan ng utak. sabi ko sa sa paa ko – akyat! may time delay atang 10 seconds bago ito gumalaw at sumunod. hinihingal na rin ako sa akyatan. muntik pang naipit ang tiyan ko sa pagitan ng trelis. kailangan ko nang paliitin ito dahil darating ang araw, iihi ako isang umaga eh hindi ko na makikita ang titi ko. ano bang kailangan kong gawin para maibalik ang katawan ko sa tamang shape? to dream on? yeah right. lalo ko tuloy hinangaan si lance armstrong. pinataob na naman niya ang mga kalaban niya sa akyatan ng bundok kahapon. siya talaga ang malakas ang resistensya. siguro kaya ganoon na lang ang kapit ni sheryl crow sa kanya. pag nagse-sex kaya sila eh para pa rin siyang nasa tour de france?

Read the rest of this entry »

 

SLICES-JULY-059SLICES-JULY-058SLICES-JULY-057SLICES-JULY-056SLICES-JULY-055SLICES-JULY-054SLICES-JULY-053SLICES-JULY-052SLICES-JULY-051SLICES-JULY-050SLICES-JULY-049SLICES-JULY-048SLICES-JULY-047SLICES-JULY-046SLICES-JULY-045SLICES-JULY-044SLICES-JULY-043SLICES-JULY-042SLICES-JULY-041TAGAYTAYJULY-060TAGAYTAYJULY-059TAGAYTAYJULY-058TAGAYTAYJULY-057TAGAYTAYJULY-056TAGAYTAYJULY-055TAGAYTAYJULY-054TAGAYTAYJULY-053TAGAYTAYJULY-052TAGAYTAYJULY-051TAGAYTAYJULY-050TAGAYTAYJ
ULY-049TAGAYTAYJULY-048TAGAYTAYJULY-047TAGAYTAYJULY-046TAGAYTAYJULY-045TAGAYTAYJULY-044TAGAYTAYJULY-043TAGAYTAYJULY-042TAGAYTAYJULY-041TAGAYTAYJULY-040TAGAYTAYJULY-039TAGAYTAYJULY-038TAGAYTAYJULY-037TAGAYTAYJULY-036TAGAYTAYJULY-035TAGAYTAYJULY-034TAGAYTAYJULY-033TAGAYTAYJULY-032TAGAYTAYJULY-031TAGAYTAYJULY-120TAGAYTAYJULY-119TAGAYTAYJULY-118TAGAYTAYJULY-117TAGAYTAYJULY-116TAGAYTAYJULY-115TAGAYTAYJULY-114TAGAYTAYJULY-113TAGAYTAYJULY-112TAGAYTAYJULY-111TAGAYTAYJULY-110TAGAYTAYJULY-109TAGAYTAYJULY-108TAGAYTAYJULY-107TAGAYTAYJULY-106TAGAYTAYJULY-105TAGAYTAYJULY-104TAGAYTAYJULY-103TAGAYTAYJULY-102TAGAYTAYJULY-101TAGAYTAYJULY-100TAGAYTAYJULY-099TAGAYTAYJULY-098TAGAYTAYJULY-097TAGAYTAYJULY-096TAGAYTAYJULY-095TAGAYTAYJULY-094TAGAYTAYJULY-093TAGAYTAYJULY-092TAGAYTAYJULY-091TAGAYTAYJULY-148TAGAYTAYJULY-147TAGAYTAYJULY-146TAGAYTAYJULY-145TAGAYTAYJULY-144TAGAYTAYJULY-143TAGAYTAYJULY-142TAGAYTAYJULY-141TAGAYTAYJULY-140TAGAYTAYJULY-139TAGAYTAYJULY-138

Read the rest of this entry »

question and answer portion pa rin dear brader en sister. maraming salamat nga pala sa mga sumulat sa akin at nagtanong. heto na po ang partial reply.

T: ano ang ginagawa mo ngayon unkyel batjay?
S: nagsisimula ng bagong hobby – collection actually.

T: collection ng alin, comics ni neil gaiman?
S: hindi. kinukulekta ko lahat ng kulangot ko simula nung miyerkules, tapos nilalagay ko sa kahon ng posporo.

T: ano gagawin mo kung maging presidente si jinggoy estrada?
S: pupunta na lang ako sa mindanao para sumali sa bagong republika ni mayor duterte sa davao.

T: ano itatawag ninyo sa bagong country na itatayo ninyo sa mindanao?
S: durian republic

T: eh kung si JV Ejercito ang maging presidente?
S: itutuloy pa rin ang durian republic, tapos papalitan ko ang time zone para maiba ang oras namin sa luzon. oo, galit galit muna tayo.

T: tutuo ba na muntik mo nang matamaan si mike arroyo ng golf ball sa ulo?
S: oo, na miss ko lang ang ulo niya by a few feet. nangyari ito sa wack wack nung late 90’s. VP pa lang si GMA. kung tinamaan ko sana si mike, malamang patay yon (at the very least, masisiraan ng ulo). it makes you wonder how a simple swing of a golf club could have changed history. kung tinamaan ko ang ulo ni mike, eh di sana wala nang problema si GMA ngayon.

question and answer portion tayo ngayon, dear brader en sister. magtanong kayo kay unkyel batjay at pipilitin niyang sagutin ang inyong mga katanungan.

TANONG: dear unkyel batjay, why does superman always come to the rescue?

SAGOT: tinanong ko na yan dati kay superman kung bakit siya parating to the rescue. sabi niya eh ano raw ba ang suggestion ko na pwede niyang gawing alternative.

TANONG: anong alternative ang binigay mo kay superman?

SAGOT: sabi ko mag “BUY and SELL” na lang siya kasi malaki kita roon.

TANONG: napanood mo na ang war of the worlds? ano opinion mo rito?

SAGOT: oo napanood ko na. ano opinion ko? masarap panoorin si tom criuse pag tumatakbo siya ng mabilis.

TANONG: any other opinion?

SAGOT: oo mayroon pa – ang tatanga ng mga aliens doon sa movie. para tuloy nainsulto rin ang intelligence ko as a movie viewer. biro mo nga naman, the aliens had the advanced technology to build all those machines of destruction pero… bagsak sila sa biology dahil hindi nila alam ang tungkol sa germs? ngyehehe. sumasablay na ata si spielberg. sana ET part 2 na lang ang ginawa niya!

TANONG: should gloria resign?

SAGOT: oo

TANONG: sino ipapalit?

SAGOT: si mareng winnie

TANONG: bakit si mareng winnie?

SAGOT: mas maputi yung kanyang sabong panlaba.

TANONG: ayaw mo ba kay susan roces?

SAGOT: yung last press con niya kasi parang over acting siya dahil pasigaw sigaw pa. mas gusto ko si ate guy kasi mas magaling talagang siyang umarte kaysa kay susan. lalo na doon sa pelikulang “sidhi”. napanood nyo na ba yon? gandang pelikula noon. nakaka sikip ng pantalon ang mga sex scenes ni glydel at ni albert martinez.

dito lang ata sa pilipinas pwedeng magbasa ng dyaryo habang nagmamaneho. ngyehehe. old bad habit ko ito nung dito pa kami nakatira. dahil sa packingsheet na traffic sa ortigas extension pag papasok ako from antipolo to work, i could actually finish reading entire articles bago gumalaw ang mga sasakyan. kanya kanyang pang aliw lang yan pag may traffic. alanangan naman na mag jakol ako. mas nakakahiya yon. ayoko naman mangulangot, kasi marami nang gumagawa niyan dito, lalo na ang mga driver ng mga truck. di ko alam kung bakit. siguro dahil salo nila lahat ng alikabok sa kalye at parating marumi ang mga ilong nila. but i digress… so, ayan nga dahil sa bad habit kong pagbabasa ng dyaryo habang nagmamaneho eh mainit ang ulo ko nang bumaba kanina dahil puro bad news sa pilipinas. puro calls for the president to step down. pati nga mga schools, involved na rin. ang sabi ng de la salle university – “gloria resign”. ang sabi ng up law school – “gloria resign”. ang sabi ng ateneo law school – “gloria should not resign. ang sabi ng ust law school – “gloria should resign but not so soon”. ang sabi ng malayan colleges – “papalitan na namin ang pangalan ng mapua institute of technology”. ngek.

ang sabi naman ng spokesman ng low school of saint andrew fields (mababang paaralan ng san andres bukid). oo siya yung nasa picture. ang sabi niya eh – “bwakanginanamanyan. mga ulul, pati ba naman kayo sumasali pa sa circus. don’t get into the current political shit and just be schools”.

ang buhay ko nitong past three days ay parang prototype ng magiging buhay ko pag semi retired na ako. balak sana namin ni jet, 5-10 years pagkatapos naming mag abroad ay mag semi retire na pero mukhang nagbabago na ang plano namin dahil sa bwakanginang problema sa bayang magiliw natin pero that’s another story. para na nga akong domesticated animal husbandry itong mga nakaraang araw. dito lang ako sa bahay – nagtatrabaho every now and then. natutulog pag inaantok. sumisilip sa internet. inaasikaso ko rin ang mga halaman ko pag huminto ang ulan. nakikinig ng radio habang kumakain ng hot pandesal na may palamang reno liver spread. nanonood ng balita at nakikipag kulitan – ginagaya ko ang boses ni mike enriquez pag kinakusap ko ang mga kasama ko rito. subukan ninyong sabihin ang “anna banana, maghanda ka na ng hapunan” sa style ng pagbabalita sa GMA 7 kung di kayo matawa.

kaya all things considered, ok na rin. masaya ako at contento (i.e. always busog, sometimes tulog). i would trade my high speed internet in singapore for a chance to spend some time in my garden. altough sa sobrang bagal ng connection ko rito eh napipilitan tuloy akong mangulangot habang naghihintay na bumukas ang mga website.

Read the rest of this entry »

good bye singapore. thank you for the four years.

our good friends in singapore sa PICTURE #1 above: from left to right, top to bottom - amor, jenn ang miss canada ng singapore, tin ang marikit, mylabopmayn jet, leah potpot, eder, growen at ron (click nyo na lang para lumaki ang pic) sa amin ni jet, talagang importante ang mga kaibigan. bukod sa pwede mong mautangan eh masarap talaga silang kasama sa mga lakad. masarap kakwentuhan, lalo na pag may problema at hindi sila tatakbo kahit malakas kang humilik. pero siyempre aalaskahin ka nila (e.g “putanginang hilik yan daig pang tambutso ng palyadong motorsiklo”). parte na yan ng buhay at isa sa mga nagbibigay ng kulay sa pakikpagkaibigan. pag alis namin sa singapore sa sunday, ang isang magpapasakit sa puso ko ay ang malayo sa mga kaibigan na nakilala namin sa singapore. kung iiyak ako pagsakay sa eroplano eh dahil mami miss ko ang magagandang babaeng kita pusod masarap na pagkaing maanghang ang mga kaibigan namin. mayroon ding mga maanghang na babae rito pero hindi ko sila mami miss. ngyehehe.

our good friends in singapore sa PICTURE #1 above: from left to right, top to bottom – amor, jenn ang miss canada ng singapore, tin ang marikit, mylabopmayn jet, leah potpot, eder, growen at ron (click nyo na lang para lumaki ang pic).

Read the rest of this entry »