LONDON, England (Reuters) . “If brushing and mouthwash don’t improve bad breath, an Israeli scientist may have the solution: laser treatment“… hoy! mga amoy imburnal ang hininga, narinig nyo ba yan? may pag-asa pa kayong magka syota.

pero i’m sure this is not a cure all for bad breath. kaya pag ayaw pa ring tumalab ng laser treatment, ganito na lang ang gawin ninyo: bili kayong mighty bond glue sa hardware at maglagay ng kaunti sa gilagid at labi. be careful not to swallow kasi baka magbara ang pwet ninyo. close your mouth and wait for the glue to dry. KUNG may amoy pa rin pagtapos na permanente mong isara ang iyong bibig: hay naku darling, wala na akong maisip na solution – uminom ka na lang siguro ng baygon.

speaking of baygon, ikinalulungkot kong ipaalam sa inyo na hindi na matutuloy ang spiderman 3. sorry, hindi ko sinasadya. lamok lang naman talaga ang gusto kong patayin.

WUKU, Taiwan (AFP) – “A Taiwanese company, which has earned global fame with its transgenic fish, has updated its product line with a new species which glows fluorescent gold in the dark, raising concerns among environmentalists…

patay. malapit na sigurong mag end of the world (as we know it?). nakaka imbento na sila ng glow in the dark fish. at ginto pa ang glow. bwakanginangyan. who knows? in 10 years, ang technology na ito ay pwede na ring sigurong ma implement sa mga tao. iniisip ko nga ang mga possibilities habang nagbibisikleta kanina. wouldn’t it be nice kung pwedeng mag glow into flourescent gold ang mga ilong natin pag tayo ay aroused?

Read the rest of this entry »

eto na naman ako with my weekend listahan ng musika, libro, pelikula at laro. mga kalipunan ng mga ek-ek na gusto kong i-share. isa isahin natin sila:

SONG OF THE WEEK: “imitation of life” by R.E.M. isa na namang paboritong kanta galing sa isa sa aking paboritong grupo. masaya ang kantang ito at pwede mo itong patugtugin kahit saan. ako nga, pinapakinggan ko ito pag nagluluto ng weekend breakfast namin ni jet.

KASALUKUYANG NILALARO: ang titi ko. bwahaha. seriously, “HALO 2 Limited Collector’s Edition“. ang galing talaga ng game na ito. editor’s pick sa lahat halos ng mga reviews. yes virginia, the master chief RULES.

Read the rest of this entry »

BAKA MAPANIS YAN

November 27, 2004

BAKA MAPANIS YAN...

eto ang hitsura ng sinkit na pango na galit sa mundo na lalaking nangungulangot. ang cute ko no? pero kahit ganyan ang mukha ko, malaki naman ang ano ko… butas ng ilong.

Read the rest of this entry »

RAVES ABOUT MUSIC: nag record ulit ako ng kanta kagabi. cover version ito ng kanta ni cat stevens na pinasikat ni lani hall. simple lang ang melody pero minsan mong marinig, parang gusto mong patugtugin ulit – PAKINGGAN NINYO. nag record pa ako ng mga ibang kanta. kaya kung ok sa inyo ang ganitong klase ng music, punta na lang kayo sa karaoke site ko: ANG MGA AWITIN NI BATJAY, ANG DATING FOLK SINGER NG MA MON LUK

RANTS ABOUT ANGHIT AGAIN: bwakanginangyan, parang may magnet ata ako sa mga may putok dito sa singapore. pag akyat ko sa opis, amoy paksiw yung katabi ko sa elevator. yung dalawang kaharap ko naman sa train, amoy kulob na labada. tapos yung nasa unahan ko sa ATM machine, amoy hinog na langka. lahat yan, nangyari this morning in a span of less than an hour. pakiramdam ko tuloy, parang pinaglalaruan ako ng diyos ng mga kili-kili. sa elevator nga kanina, pinapanalangin ko na sana mautot ako, para naman makaganti man lang ako kahit papaano. soap, water, deodorant… yon lang ang kailangan. di ba nila magawang maligo ng mahusay? rhetorical question, don’t answer.

GENTLE READER: dear unkyel batjay. ang tanong ko lang e.. bakit walang reverse gear yung mga bike??? thanks sa reply ha.. if ever na masagot mo.

BATJAY: very interesting gentle reader. bakit walang reverse gear ang bike? ano ito trick question. ngyahaha. ang dahilan kung bakit walang reverse gear ang bisikleta ay dahil ang kadena ng typical na bisikleta ay nakakabit galing ng pedal papunta sa likod na gulong, thus producing forward motion. imposibleng magkaroon ng reverse ang biskleta dahil dito. pero kung may matalinong scientist ang mag imbento ng bisikleta na sa harap na gulong ang connection ng kadena ay siguradong magkakaroon na tayo ng reverse gear. naisip ko rin, kung gusto mo talaga ng reverse gear, bakit hindi mo na lang baliktarin ang iyong bike seat para doon ka nakaharap sa likod pag nagbibisikleta ka.

GUY 'N PIP FOREVER - CLICK PIC TO ENLARGE nakakasenti ang larawan na ito. siguro, dahil binabalik niya ako sa panahon when life was less complicated. kinuha ito nung early 70’s, kasikatan ng tambalang guy en pip. ako’y nasa elementary pa lang at isang uhuging batang makulit (ang batang makulit, di pupunta sa langit). mga 8 years na sa akin ang larawang ito. sa sobrang tagal, ni hindi ko na nga alam kung sino ang nagbigay sa akin. hindi naman ako talagang fan ni nora aunor pero eto ako na parang siraulong nagtatago ng lumang litrato ng isang tambalang sikat nung aking wonder years. i don’t know why i still keep it. perhaps because it helps me look back and remember all the faces and places that have been part of my life. ang pinakapaborito kong pelikula ni ate guy ay ang “himala” kung saan parati ko na lang siyang ginagaya, lalo na pag nasa loob ako ng banyo. bilang pang-aliw, uupo ako sa trono at sisigaw ng – “WALANG HIMALAAAA!“.

Read the rest of this entry »

dalawang araw na akong nagbibisikleta papasok sa trabaho. so far, ok naman. mabilis akong nakakarating sa opisina at maaga akong nakakauwi. nakakatipid ako ng pera at mas healthy pa. pakiwari ko, mga 6 months pa, pwede na talaga akong maging star performer sa gay bar. parati kong sinasabi ito – biking is exhilarating. pero bukod dito, binibigyan ka pa niya ng chance na mag reflect. this is important kasi ang dami mong bullshit na natatanggap as you do your work and the time spent alone to think clearly is precious. ito ang listahan ng mga natutunan ko habang nagmumuni-muni pag nagbibisikleta…

Read the rest of this entry »

THE FIRST CUT IS THE DEEPEST, BABY IT'S TRUE rite of passage ng halos lahat ng mga lalaking pinoy ang magpatuli. o sige, isama na rin natin ang mga sister natin na bading dahil tinuli rin naman siguro sila. kadalasan ang schedule ng tuli ay during summer vacation, ie, the months between march and june. it is a long enough vacation para gumaling ng husto ang sugat na dulot ng pagputol ng balat (foreskin) at ng pagtahi. masakit ba ang magpatuli unkyel batjay? ang nagtuli sa aming mga magkakaibigan sa novaliches ay ang aming neighborhood doctor na si dr. paras. may anesthesia kaya hindi masyadong masakit. i would say uncomfortable. i can still remember everything that happened during that day, 27 years ago. packingsheet ang tagal na pala! yung subdivision namin ay nahahati ng tullahan river, at ang kabila ng neigborhood namin ay literally bulacan. nung 1970’s, probinsya pa talaga ito kaya ang mga kaibigan namin sa kabilang ibayo ay tinuli by “place your dick in the chopping block, hit it with an itak, sabay talon sa ilog” method. ang problema ay napaka unreliabe nito dahil hindi doctor ang gumagawa ng procedure (nagkakatay ng baboy ang nagtutuli? hindi naman siguro) at hindi sanitary kaya malaki ang posibilidad ng infection (pangangamatis ang tawag namin dito) or much worse maaaring ikaw ay maging “sungaw”. sa mga hindi nakakaalam, ang sungaw ay titing tinuli na bumalik sa pagkasupot. mayron mga kapitbahay kaming taga bulacan side na tinuli ng itak na naging sungaw. dumadayo pa sila sa amin para ipa-repair kay doctor paras. naawa nga ako sa kanila kasi alaskado sila ng husto. katulad ng supot, masakit masabihan ng sungaw.

LABINDALAWANG DIRTY FINGER

November 20, 2004

GENTLE READER: dear unkyel batjay, bilang isang OFW, ano ang masasabi mo sa case ni major general garcia, sa corruption in general at sa pagnanakaw sa pilipinas?

BATJAY: allow me to beat around the bush, gentle reader. alam mo, mahirap talagang mabuhay ng marangal. karamihan sa atin, kailangan pang umalis ng pilipinas para lang may makain. yung iba nga, nagpapakaputa pa. marami ang nagdurugo ang puso dahil walang maibigay na sapat na pera para maipagamot ang mahal nila sa buhay… tapos maririnig mo na lang, milyon milyon ang ninanakaw ng kung sino sinong mga tao. tanginangyan. eto ang alay ko sa kanila… a curse: “may you all die slow painful deaths”. masyado atang brutal. eto na lang: labindalawang version ng paborito kong “ngatain ninyo” finger trick.

NGATAIN NINYONG LAHAT MGA MAGNANAKAW

kanina, nag empake na si jet ng mga damit ko. hindi po niya ako pinalayas. dinala ko lang dito sa opisina kasi nagdecide na nga ako na starting monday ay magbibisikleta papasok sa opisina. nakahanda na ang lahat – may sabon, conditioner na at shampoo (paano daw bang bumili ng shampoo sa cebu? sagot: “mayroon ba kayong sham-puday? “). ang lahat ng gamit ko ay nilagay ko sa ilalim ng aking work table. wala namang daga rito kaya safe ang aking seksi polka dot bikini brief (awa ng diyos, hindi pa naman ito nagtututong). may kasabay na akong taga rito na dutchman (dutchboy siya nung siya’y bata pa, pero hindi ko alam kung magaling siyang magpintura. naku nagiging corny na yata ako). matagal ko na siyang nakikitang nagbibisikleta papasok. in his case though, nakabihis na siya at hindi na naliligo. hindi ko alam kung ano ang amoy niya pag malapit at ayoko itong malaman. some things are better left un smelled. so starting next week pag nagawi kayo ng east coast ng singapore at may nakita kayong isang lalaking golden brown na nagbibisikletang parang sira ulo sa ilalim ng matinding init ng araw… ako yon.

Racin' with the wind

November 18, 2004

pinag-iisipan ko pa ngayon kung magbisikleta na lang papunta sa opisina. sinubukan ko nung tuesday at ok naman. tingnan natin ang pro’s and cons: it takes me just 20 minutes from home to office by bike, as opposed to 40 minutes by bus and train. makakatipid ako ng halos $90 a month (halos 3000 pesoses) – ito ang cost ng pamasahe ko papunta’t parito. tapos gaganda pa ang katawan ko dahil sa extra exercise. gusto ko kasing mawala ang tiyan ko para maging katulad ako ni eddie murphy doon sa pelikulang “nutty professor” nang una siyang maging payat: looking down, nakita niya na wala na siyang tiyan kaya bigla siyang napasigaw ng – “I can see my dick! My dick“. hehehe. anyway, ang total distance ng home to office and back is around 20 kilometers. not a bad workout for a middle aging overweight loosing hair pinoy male like me. ano ang mga cons? hassle yung pagdadala ng damit sa opisina. malaking abala rin ang pag ligo dahil although may showers, wala namang locker rooms para taguan ng damit at bihisan. isa pa, mainit sa umaga at lalong iitim ang aking kutis betlog na balat. ano bang gagawin ko?

BATJAY: ano ang sinabi ng doctor nang pinanganak ako?
GENTLE READER: tangina, ang pangit namang bata nito!
BATJAY: GAGO!
GENTLE READER: sirit
BATJAY: it’s a bouncing baby boy with super big balls of steel!
GENTLE READER: tagalugin mo nga…
BATJAY: naku, isang tumatalbog na lalaking sanggol na may malaking betlog na bakal!

super batjay, ang lalaking gagamba na may malaking betlog na sintigas ng bakal.

BATJAY: ano ang tawag sa pekpek ng mga lalaking nagpa sex change operation?
GENTLE READER: sirit
BATJAY: mangina
GENTLE READER: eh paano kung hindi siya naliligo?
BATJAY: marami siyang kupal
GENTLE READER: ano ang tawag doon
BATJAY: smegmatic man-gina

GENTLE READER: dear unkyel batjay, nabasa ko ito sa balita kanina: “women who eat chocolate regularly had the highest levels of desire, arousal and satisfaction from sex”. ang gusto ko lang malaman eh: paano naman yung mga pilipino na mahilig sa “chocnut“?

BATJAY: dear gentle reader, ano ba ang ingredient ng chocnut? di ba chocolate din? kaya the next time na magpabili ang partner mo ng chocnut, huwag ka ng ilokanong bato at manghinayang sa $3 price per box. itodo mo na pati pamato at panabla. ano ba naman ang sampung kahon na chocnut (a $30 price tag) kung ang katumbas naman nito ay mind-numbing, halos magka sore throat ka sa kakasigaw na sex.

SEE-HOE-HEFF-HEFF-HEE-HEE

November 14, 2004

magpapagupit sana ako ng buhok kaya lang “hari raya puasa” pala ngayon – katapusan ng fasting month ng mga muslim. equivalent ito sa pasko ng mga kristiyano, kaya sarado ang mga barber shop – well, at least the ones that have good barbers. karamihan kasi ng mga barbero rito sa singapore ay malay. karamihan ng mga malay ay muslim. parang sa pilipinas, ang magagaling na barbero ay mga kapampangan. kaya the next time kang pumasok ng barber shop sa manila at may nagsabi sa iyo na “aw har yu?” eh doon ka na magpagupit. siguradong magaling na barbero yon. at oo nga pala virginia, ang tamang spelling ng “neck tie” sa kapampangan ay “HEN-HEE-SEE-KEE-TEE-HIGH-HEE”.

MAY KATWIRAN ANG KATWIRAN

November 13, 2004

MAHALAGANG BALITA: nasa diyaryo ito kahapon at natawa nga ako ng malakas sa loob ng train nang mabasa ito: apparently – isang norwegian couple ay nag sex sa entablado ng isang rock festival at siyempre, hinuli sila ng puilis at idenemanda. in one of the breaks during the trial, the guy daw (his name is Tommy Hol Ellingsen), “dropped his pants and showed his penis“, much to the surprise of the people inside the courtroom. siguro malaki ang pototoy niya. mayabang eh. anyway, back to the story: the couple pala, are members of the notorious “Fuck for Forest Organisation” (i am not making this up) – a group that is dedicated to saving the environment by having sex in public… ang balitang iyan ay hatid sa inyo ng ruby blade pomade. ang pomada ng mga nag-aahit.

PAHABOL: nag google search ako at nakita na mayron palang ACTUAL PICTURE nang ibaba ang pantalon sa courthouse. supot siya mga kapatid. pero may ipagmamalaki naman pala. ika nga ng idol kong si rolandi tinio eh, “may katwiran ang katwiran”.

FEEL THE BEAT OF THE TAMBOURINE - maraming salamat ulit kay polo!
Read the rest of this entry »

nung bata ako, tinanong ko sa mommy ko kung saan ako nanggaling… dinala ba ako ng stork? hindi raw. lumabas din ba ako sa pinagbiyak na kawayan tulad ni malakas at maganda doon sa himlayang pilipino? hindi rin daw. eh saan? sabi niya – galing daw ako sa puwet niya. bigla akong natahimik at hindi nakaresbak.

kung madaan kayo dito sa singapore one of these days, make sure to visit the parks that are scattered all over the island. if you pay close enough attention, mapapansin ninyo ang isang grupo ng mga tao (both young and old) na naglalakad ng paatras. may nagpauso kasi rito ng backward walking as a form of excercise. alam ko, medyo parang gawain ito ng mga siraulo pero ang logic behind this activity ay para daw ma-excercise nila ang mga muscles ng legs nila na hindi ginagamit masyado dahil nga naman ang normal na paglakad ay paabante, hindi paatras.

magiging unano ba akong tulad ni mahal pag matigas ang ulo ko? based sa mga interview ng mga doctor dito sa singapore – wala naman daw effect ang paglakad ng paatras para sa mga muscles sa paa at delikado pa nga raw ito dahil magkakaroon ng strain dahil hindi raw normal ang body movements kung maglalakad ka ng patalikod. isa pa, naisip ko na mas malaki ang posibilidad na mabagok ang ulo mo pag hindi mo nakikita kung saan ka papunta pag naglalakad. pwede rin na masagasaan kayo ng mga nagbibisikletang tulad ko. in any case, patuloy pa rin naglalakad ng paatras ang grupong ito sa mga park hanggang ngayon at nakakatawa silang panoorin. ako’y may idea – gagawa rin ako ng sarili kong group. pero hindi paglalakad ng paatras kundi – paglalakad ng patagilid. tatawigin ko ang barkadahan na ito na “the crab mentalities“. ayos ba? pinoy na pinoy ang dating ano?

naaalala ko tuloy ang bukang bibig ng mommy ko pag nagagalit sa akin nung ako’y bata pa: “hoy batjay, tumugil ka sa kakulitan mo. tumatanda ka yata ng paurong“. for a long time when i was a child, i was bothered by this – ako ba’y babalik sa sinapupunan niya? magiging unano ba akong tulad ni mahal pag matigas ang ulo ko? ang mga unano ba sa circus ay mga batang matitigas ang ulo?

DOCTOR KAIBIGAN: homologue yung nipples natin, batJay. it roughly means, “counterpart.” in our case, it becomes a vestigial structure because of loss of function over years and years of evolution. di naman tayo nagpapasuso. parang appendix din yan: vestigial structure. puede mong ipaalis dahil wala namang silbi. of course, walang gumagawa kasi unusual yun. pero, logically speaking, posible.

MAY UTONG SA NOO BATJAY: maraming salamat sa napaka informative na comment mo doc. pag ikaw talaga ang nag explain ay naiintindihan ko agad. at saka maraming salamat for treating my silly questions with the same thouroughness as you answer the people who ask you serious questions. dahil sa iyo, na immerse na ako sa vestigial structures at lalo tuloy akong nagbasa tunkol sa idol kong si charles darwin. most especially the past few days when news erupted about the silly evolution bruhaha in the US state of georgia. perhaps doctor, it would please you to know na pinag isipan kong mabuti ang sinabi mo na pwedeng ipaalis ang mga nipple ko dahil evolutionary dead ends naman sila. as of today, wala na akong utong sa dibdib. yung isa, pina transplant ko sa kaliwang pisngi ng pwet ko. yung isa naman (please see picture) ay pinalipat ko sa aking noo. wala lang. fashion statement, i guess.

SUICIDE IS PAINLESS

November 8, 2004

GENTLE READER: dear unkyel batjay, parati akong depressed lately. minsan pa nga ay semi-suicidal. malapit na po akong makalbo tapos iniwan po ako ng girlfriend ko at sumama sa ibang babae. gusto ko lang pong malaman kung ano ang pinakamandang gawin ko para bumalik ang saya sa buhay ko at magkaroon ng “feel good” disposition.

BATJAY: wear comfortable shoes.

why do male mammals (including human males) have nipples?

why indeed? unless magkakaroon kami ng gatas anytime soon, wala talaga itong function. well, except the fact na nakakapag tanggal ng init ng ulo pag ito’y nadilaan. it also leads to third leg stiffness. BWAHAHA. personally, i kind of like my nipples even though these vestiges are evolutionary dead ends. why do i like them? tumitigas kasi ito whenever i’m aroused. you can read more about natural selection, male nipples as evolutionary dead ends and the legacy of darwin sa latest issue ng national geographic.

Read the rest of this entry »

tatlo pala ang version ko ng “first cut is the deepest” sa aking iPod. kanina ko lang nalaman. what’s the significance of this fact in the order of things in the universe, i ask myself. nothing much, i answer back. tangina, kinakausap ko na naman ang sarili ko. balik sa kanta: mayron akong original ni cat stevens. tama ka virginia, siya nga yung kumanta ng “father and son” at “peace train” na ironically ay dineport ng mga amerikano recently, kasi may ties daw siya sa mga terrorist. ngyehehe. mayron din akong cover version ni rod stewart na naging popular nung 1970’s. ang panghuli ay yung kay sheryl crow. paborito ko ito dahil siya ang pinaka soulful ang rendition sa tatlo. napahinto nga ako sa pagbisikleta nang tugtugin ito, tapos biglang naupo sa park bench at nakinig. pag-uwi ko, nag record din ako ng sariling version – PAKINGGAN NINYO.

GENTLE READER: dear unkyel batjay, anong gagawin mo pag may sumingit sa iyo sa pila diyan sa singapore?

BATJAY: titingnan ko ng masama at sisigawan. tulad kanina, may isang may putok na sumingit sa akin sa pila ng bus.

GENTLE READER: anong ginawa mo?

BATJAY: nagtakip ng ilong. di ko ma take kaya pinasingit ko na lang.

GENTLE READER: last question, if you had the choice, ano ang pipiliin mo – mahabang titi or super talinong utak?

BATJAY: pass

IHI NG BUTIKI

November 4, 2004

umiihi,
ang butiki
hinuli,
ng pasmadong hikain
kinain.

iniimibtahan ko kayong dumalaw sa aking bagong website – ANG MAKATANG HILAW. ang poetry website na ito ay pang complement sa aking website ng mga awitin. kaunti na lang sigurong bagong skills training ay pwede na talaga akong tawaging “renaissance boy” tulad ni ate mona. iniisip ko nga, mag-aaral akong kumain ng apoy at saka susubukan ko ring matutong magsampay ng batong buhay sa aking betlog.

CLICK TO ENLARGE: MICHELANGELO'S LOST MASTERPIECE kaunti lang ang nakaka alam na nagpunta ang world renowned renaissance artist na si michelangelo sa pilipinas para gawan ng sculpture ang isa sa mga ancestors ko. alam ninyo naman na galing kami sa lahi ni (ahem) haring david at ang mga ancestors ko ang ginawa niyang model doon sa actual david statue na nasa italy ngayon. in fact, kung makikita ninyo sa litrato, napakaraming similarities between the actual david statue and this pinoy david statue (please see photo). ang nag-iba lang ay ang hitsura ng mukha ng pinoy version ng david dahil siyempre asian looking yung facial features nito. isa pa, mas malaki yung pototoy ng pinoy version (tinakpan ko lang ng yellow smudge para walang magreklamo ng nudity sa site ko). pero other than that, talagang identical copies ang ginawa ni michelangelo. muntik na ring hindi natuloy ang commissioning ng sculpture dahil napansin ng mga kamag-anak namin na hindi pantay ang betlog ni haring david. para daw luslos at medyo mas malaki yung kaliwang betlog. dito nag flare up si michelangelo – wala raw kaming taste for art dahil hindi raw namin naintindihan ang ibig sabihin ng perspective. ang sabi naman ng mga ninuno ko sa kanya ay – “there’s no such thing as testicle perspective” and that “he can stick his perspective where the sun don’t shine”. sa pagkakagalit na ito siguro nagsimila ang mga tsismis tungkol sa authenticity ng sculpture na ito. hindi raw possible na makakagawa si michelangelo ng ganoong kagandang sculpture. kaya ang ginawa ng ating tempestuous na artist ay pinirmahan niya ang kanang pisngi ng pwet ni david (CLICK HERE to view) bilang patunay na siya nga ang gumawa ng obra na ito.

CLICK TO ENLARGE: THE HOBBITS INVADE ANTIPOLO - maraming maraming salamat kay POLO the TWISTED for making this picture possible. idol talaga kita pare SYDNEY (Reuters) – Australian scientists who found a new species of hobbit-sized humans who lived about 13,000 years ago on an Indonesian island say they expect to discover more new species of hominids on neighbouring islands… [teka muna taympers, we interrupt this news to bring you more breaking news] – MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (news break sound epeks na morse code). ABA! natagpuan kamakailan sa antipolo, island of luzon, philippines sa bahay ng isang nagngangalang “BatJay” ang mga bagong species ng mga hobbit sized hominids. hindi lang isa kundi dalawa. das right, leydisengentelmen, dalawang buhay na hominids. nakapanayam nga namin sila ng sandali. yung isang hominid ay gusto raw mag artista at yung isa naman na kamukha ni nora aunor ay tatakbo raw sa pagka presidente. may mga hakahaka kung bakit ngayon lang sila na discover. ang sabi ng mga scientist ay baka raw dahil sa sobrang liit ay hindi agad sila nakita. ANG BALITANG YAN AY HATID SA INYO NG BIRCH TREE HOLLAND POWDER MILK, ANG GATAS NG DALAGANG INA! di-dit-dit-dit-dit-di-dit

last saturday nag dinner kami sa bahay nina leah at eder. afterwards, nag karaoke kami kasi maganda ang sound system doon. at pagkatapos hinuli kami ng pulis. hehehe. akala ninyo ata nagbibiro ako. you can read about the full story sa blog ni leah: CLICK HERE.

hekshuli, di naman kami hinuli. pumunta lang doon ang pulis dahil may nagreklamo sigurong kapit bahay sa ingay namin. at hekshuli, wala na kami sa bahay nina leah nung dumating ang mga pulis. pero, nakasalubong namin sila sa elevator. masama na nga ang kutob ko nang makita sila. kinanta ko kasi yung walang kamatayang “delilah” ni tom jones. narinig nyo na ba yon? ang hirap nun kantahin dahil mataas at mahahaba ang mga nota. buti na lang mahaba rin ang nota ko praktisado ako. pero nahirapan ako talaga – iniisip ko na nga nung sabado na ipaputol ang isa sa mga betlog ko para maabot ko ang mga mataas na kantang ito.

Read the rest of this entry »