gawan natin ng post op analysis kung ano ang nangyari sa akin:

1. my appendix daw has been ruptured (“sabog na sabog” in the words of my doctor) for at least 3-4 days already. ang taas daw ng tolerance ko sa pain, says my doctor with a bit of admiration and exhaspiration.

2. dahil sa sobrang tagal na hindi na operahan after itong sumabog, necrotic na raw yung appendix ko.

3. my doctors had to clean my abdominal area with water para malinis yung lahat ng dumi na kumalat na sa loob. i was an inch close to sepsis – i.e. blood poisoning dahil kalat na kalat na raw sa loob.

4. for the rest of the week, i will be on very strong antibiotics to counter the possible infection of the ruptured appendix at yung water cleansing aftermath.

5. mayron din akong dalawang pouch na nakadikit sa tiyan ko. dito pumupunta yung residual na tubig na pinaglinis sa abdomen ko. maya’t maya dinadalaw ako ng mga doctor at nurse para tanggalin ang fluid na nakocollect ng 2 kong supot ni hudas.

Advertisements

UNDER THE KNIFE

May 30, 2004

very early morning, sinigurado na ng doctor na kailangan ko ng appendectomy. di na rin sila nagpa tumpik-tumpik pa. agad nilang inischedule ang operation ko ng 9:30 am. like clockwork, nagdatingan nang mga doctor at iba pang hospital staff para i-prep ako.

di naman ako natakot. una dahil pinainom nila ako ng valium kaya nakangisi na agad ako at sabog maaga pa lang. ikalawa, i was expecting all will go well dahil i was in the best hospital in the country and i had the best doctors. god help them if they fuck this up.

ang experience ko during the surgery ay parang isang taong nanood ng late night movie na inaantok. one moment nakadilat at nakikita’t naririnig lahat ng nasa paligid ko, the next moment fade to black.

nagising ako ngayon with a bad sense of foreboding. medyo masakit pa rin ang tiyan ko at nilalagnat na ako. i make a mental note of following jet’s earlier suggestion a call our doctor friend para makapagpa full check-up bago mag birthday ang mommy ko.

ang takot ko ay may infection ako somewhere sa tiyan. true enough. pag tingin sa akin ng mga doctor sa ER ng st. lukes, ang suspetsa nila ay mayron akong UTI or worse – kailangan ko ng appendectomy.

VERDICT: kailangan daw akong obserbahan sa ospital overnight. we had to call my mom and tell her that i won’t be able to attend her party. dang.

THE PAIN REMAINS

May 28, 2004

i day before my mom’s birthday celebration. magkikita dapat kami sa labas nina greta at ate sharon. instead, nagpunta na lang sila sa bahay sa antipolo. di ko nakayanang magmaneho dahil sobrang sakit ng tiyan ko… pakiramdam ko eh parang may isang milyong bulateng nagwewelga sa loob.

lipad ulit pabalik ng maynila. maraming salamat sa frequent flyer miles at makakauwi ng libre. problema ko lang eh tatlong beses na akong umeebak ngayon. pesteng LBM, bad sign.

nagkita kami ulit ngayong gabi ng mga classmate ko. maganda ang topic ng discussion namin: “THE SEXUAL HABITS OF COUPLES WITH CHILDREN”. in particular, ang mga techniques kung paano makipag sex sa asawa na hindi nalalaman o napapansin ng mga anak na kadalasan ay katabi nilang matulog. nakakatawa. hehe.

WHATEVER FATE DECREES

May 25, 2004

CLICK TO ENLARGE. ngayon ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang bilis talaga ng panahon, parang kailang lang nagsisimula lang kami. isa sa mga paborito kong kanta ni john lennon ang “grow old with me“. simple lang ito na love song at ang unang dalawang linya ay galing sa tula ni robert browning na “rabbi ben ezra“. bakit ko ba ito nabanggit? nagsesenti lang ako. ngayon kasi ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang tagal na nga pala namin ano? almost double the seven year itch. pero parang kailan lang. nagsimula kami, supot pa ako pareho kaming struggling na college graduates at pilit na pinapagkasya ang maliit na kita. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay (pulipeyd!) at saka tuli na ako.

Read the rest of this entry »

1. menudo
2. re-fried adobo
3. kesong puti
4. pansit bihon guisado
5. reno liver spread
6. ligo sardines

yang ang mga paborito kong palaman sa hot pandesal.

Read the rest of this entry »

BUKANG LIWAYWAY

May 21, 2004

CLICK TO ENLARGE. eto ang scenery pag alis ko sa bahay kaninang umaga. isang magandang sunrise lang na ganito, tanggal lahat ng inis mo sa mga nangyayari sa pilipinas maagang maaga akong umalis ng bahay kanina. ang ganda nga, pasikat pa lang ang araw at ang galing ng iba’t ibang kulay ng langit. saksak ko ang beatles na CD sa kotsa at lumarga na. dinala ko ang boss ko ngayon sa laguna. tapos diretso kami ng airport pagtapos ng meeting namin. buti na lang rocker din siya at nasasakyan niya ang music ko dahil ang sama ng traffic the whole day. i almost forgot how stressful it is to drive the streets of manila on a rainy friday. boy, what a reality check this day was.

Read the rest of this entry »

ang aking pride ang joy purple gumamela. bumabagyo! hehe.. ok na ok dito sa bundok ng antipolo. masarap ang medyo malamig na simoy ng hangin na sinamahan ng makulimlim na panahon. para tuloy gusto kong bumalik sa kama at matulog. pero pupunta ako ng laguna mamayang hapon kaya kailangan nang bumangon. may appointment ako sa isang cliente na gumagawa ng gatas. gatas ng dalagang ina? hehe. gago. infant milk akshuli. makabili na rin tuloy ng kesong puti. alam nyo bang masarap ang prinitong kesong puti sa pandesal? flip nyo lang sa kawali, once over hanggang medyo halos matunaw, tapos hiwain at ipasok na sa pandesal. aytelyu, makakalimutan mong boypren mo pag natikman mo ito.

Read the rest of this entry »

Don Lorenzo de Modesto and The Prada Mama are proud to announce the arrival of their first baby daughter, REANNA LOREN SERENO last Thursday, May 13, 2004 at 9:15 in the evening. She weighed in at 7 pounds 9 ounces and was 18 inches in length.

congratulations to my perskasins. sa wakas naka babae na rin. hehe.

IN MY LIFE

May 15, 2004

di ako makatulog. excited siguro masyado sa pag-uwi ang tumbong ko at di mapakali. lipad na kami ni jet in a few hours time pabalik sa bayang magiliw. special ang pag uwi na ito: makakapag celebrate kami ni jet ng aming 13th anniversary with our family and friends. siyempre 80th birthday din ng mommy ko. it’s also about the same date that jet and i decided to move to singapore, three years ago.

looking back nga, ang dami nang nangyari sa buhay ko itong mga nakaraang taon. hanggang ngayon di ko pa rin alam kung saan kami dadalhin nitong byaheng ito. ok lang, kahit saan. pero teka, huwag lang sa india. marami kasing holy cow doon eh.

isa sa paborito kong kanta ng beatles ay yung “in my life”. somehow, it best describes how i feel about this trip home. ni record ko nga kanina. practice lang dahil baka ito ang kantahin ko sa program during my mom’s party. alay ko rin ito sa mylab ko. pakinggan nyo. bibilisan ko lang siguro ng kaunti. nababagalan ako at para akong lasing na DOM. kulang na lang magsuot ako ng puting pantalon, bulaklaking polo at alahas.

nagpunta ulit ako kaninang umaga sa embassy natin para kumuha ng OEC (overseas employment certificate). uuwi kasi kami ni jet sa pilipinas bukas at inaayos ko nang lahat ang mga certificates para di na kailangan pang magpunta ng POEA sa ortigas. nakaka inis pumunta doon dahil kalahating araw ang waiting time. sa embassy ng singapore, 5 minutes lang.

Read the rest of this entry »

LOOK! UP IN THE SKY!

May 13, 2004

it’s a bird, by steven seagle and teddy kristiansen

it's a bird, by steven t. seagle and teddy kristiansen nahilig ako sa comics dahil sa daddy ko. parati niya kasi akong pinapasyal sa avenida para bumili doon during the 70’s. di na nawala ang love affair ko with comic books to this day and i do have quite a lot in my collection already. i’ve been looking at it recently to see where my tastes for stories in this genre (dyen-re? ‘zhânru, gago! hehe) has led me. lately pala, my collection is being populated ng mga gawa nina neil gaiman, alan moore, grant morrisson, garth ennis, warren ellis, mike carey, john bolton at frank miller. batman? marami, kaya nga batjay ang pangalan ko eh. superman? in the last 10 years, isa lang ang binili ko. yung “death of superman” special edition. frankly, i hated it. nung bata naman ako, i did like him. pero, later on, i started to drift away from anything superman related. why? because he didn’t make sense at saka corny na yung mga “feel good” stories about “truth, justice and the american way”.

Read the rest of this entry »

ok so, eto ako sa opis, tuwang tuwa dahil nabili na yung DVD drive para sa notebook ko. kailangan ko kasi para sa trip ko sa US sa june dahil lahat ng mga course material namin at application programs ay nasa DVD na. isa pa, matagal ko nang gustong ipakita ang “scorpio nights 2” sa kaopisina kong mahilig sa mga sex drama.

habang pinagmamasdan ko ang DVD drive, bigla ko itong nabagsak. tinamaan ang keyboard. lipad ang “BACKSPACE” key. pilit kong ibinalik. sa sobrang pisil ko, natanggal yung “\” (backslash) key. di ko maibalik ang dalawang keys dahil tanggal yung parang spring sa likod. ginawa ko: sinilip ko yung “RIGHT ARROW” key para malaman ko yung principle of operation. ayun, sa sobrang silip ko, natanggal din siya.

Read the rest of this entry »

tinawagan ko kahapon ang mommy ko para batiin siya ng “happy mother’s day”, kahit against ako sa paghold ng mother’s day, father’s day, valentine’s day at lahat ng mga occasion na may “day” sa huli. mga commercial gimmick lang kasi ito to sell more cards, flowers at short time motel room rental. naniniwala kasi ang mommy ko sa mother’s day, kaya kailangan tawagan ko siya. hehe.

Read the rest of this entry »

eto ang mga nadagdag sa cd collection over the past year. not much, but it’s a weird mix. kinda tells you what kind of person i am. hehe. di na ako bumibili like i used to. siguro, dahil masaya na ako sa collection namin ni jet. at saka at one point, naging suki kami ni kazaa.

Read the rest of this entry »

parati kang nakakarinig ng mga bangayan ng mga singaporeans at malaysians every now and then. ever since humiwalay ang singapore sa malaysia, parang sibling rivalry ang nangyari sa kanila. case in point: pagkatapos mabalita na isang school principal dito sa singapore ang nanghataw ng libro sa isang estudyante, nasa newspaper naman kamakailan na isang malaysian school principal ang namalo ng isang teacher gamit ang isang yantok (ARAY!), dahil di sila nagkasundo sa disipline. ironic no? hehe. siguro kaya pinalo ng principal yung teacher ay para iparamdam sa kanya personally kung ano ang ibig sabihin ng disiplina. nagreklamo yung teacher pero binawi rin niya pagkatapos. siguro, ayaw rin niyang lumaki ang gulo.

MORAL opda LESSON: pag teacher ka sa malaysia, dapat marunong kang mag arnis.

habang nanonood ng “american idol” ang misis ko kanina (kunwari di ako nanonood para pa macho epeks. hehe), biglang nagpalabas ng max fried chicken commercial during the break. ito yung tungkol doon sa mag childhood sweetheart na nagsumapaan over a wishbone. naluha ako. miss ko na talaga ang pilipinas. commercial lang ng manok, nasesenti na ako. kung bakit kasi walang TFC dito. makakatanggal sana ito ng pagka homesick. may suspetsa ako… siguro ayaw nilang lagyan dito sa singapore ng filipino channel para hindi magbabad ang mga kababayan nating mga DH sa harap ng TV.

Read the rest of this entry »

pasensya na kung nawala ang mga comments nyo sa blog ko. naglipat kasi ng server ang aking host at mga bwakangnangyon, di man lang ako sinabihan. buti na lang at nag back-up ako last week. na restore ko yung database pero lahat ng comments after the back-up ay nawala. kung di pa ako nag punta sa support site nila eh di ko malalaman na nagpalit ng nameservers. yung 2 days na nawala yung site ko eh dahil lang pala rito. hehe… that’s what you get for getting a cheap host.

Read the rest of this entry »

pwede ka nang magpakasal sa partner mo kung:

1. kumain kayo ng longganisa
2. nag lips to lips kayo after the meal
3. bigla siyang nadighay
4. ok lang ito sa iyo

The Showbiz Press Gets into Politics

wow showbiz!

alas dos ng madaling araw ngayon. nagising ako ng wala sa oras, tumatawa ng malakas. napanaginipan ko kasi si na lumapit daw ako sa opisina ni FPJ para humingi ng tulong. kasama ko ang kaibigan kong si raymund. sa panaginip ko, naka-usap namin mismo si “da king”. lumapit si raymund para humingi ng pampagamot sa tulo. ako naman humingi ng pampagamot sa allergy ko sa hipon.

Read the rest of this entry »