TONIGHT THIS FOOL'S HALFWAY TO HEAVEN AND JUST A MILE OUTTA HELL…

May 14, 2004

nagpunta ulit ako kaninang umaga sa embassy natin para kumuha ng OEC (overseas employment certificate). uuwi kasi kami ni jet sa pilipinas bukas at inaayos ko nang lahat ang mga certificates para di na kailangan pang magpunta ng POEA sa ortigas. nakaka inis pumunta doon dahil kalahating araw ang waiting time. sa embassy ng singapore, 5 minutes lang.

ano ba ang OEC? eto yung papel na nagsasabi basically na…

1. ikaw ay alipin sa dayuhang bayan

2. kailangang magbayad ka para naman kumita ang gobyerno tuwing ikaw ay uuwi sa pilipinas.

3. sa wallet mo ay may OFW ID na pwede mo ring gawing ATM card sa equitable bank. sino kayang bwakanginang nagpakana ng racket na ito?

4. kailangang magalang ka sa mga matataray na taga POEA sa NAIA, kahit gusto mong chupain ang kanilang mga ilong hanggang sa sila’y mahimatay.

in fairness naman sa mga taga POEA – yung mga taga main office at yung narito sa embassy ng singapore ay very professional. eto lang talagang mga taga airport ang gusto kong dagukan dahil di sila marunong humarap. siguro dahil maraming mga OFW ay mga DH, construction workers, mga dancer at musicians na karamihan ay di nakatapos sa pag-aral (i.e. perhaps naiisip ng mga taga POEA sa airport na mas may pinag-aralan sila – therefore… “look up to me you fucking OFW na mas malaking suweldo kaysa sa akin” ang kanilang mentality).

mayroon akong mga tanong:

1. lahat ba ng umaalis ng pilpinas para mag trabaho ay kailangan mag report sa POEA para magbayad ng mga dues? paano yung mga nasa europe? USA? australia? pinipili lang ba nila yung mga bansa tulad ng singapore, saudi, etc?

2. nakakatulong ba ang POEA/OWWA sa mga OFW pag may nangyari sa kanila? historically, have they helped pinoys abroad who needed assistance? pag namatayan, nagkasakit, etc. etc.

3. may balak ba sila na lagyan ng on-line processing para sa completion ng mga requirements at payment ng mga forms. aksayado sa oras at ang laking hassle talaga ng pag bisita sa POEA office.

Advertisements

No Responses Yet to “TONIGHT THIS FOOL'S HALFWAY TO HEAVEN AND JUST A MILE OUTTA HELL…”

  1. Jet Says:

    Basta ang alam ko yung mga tiga-Tourism office mababait. Yung mga nasa airport laging tarantatious kasi di sila marunog gumawa ng sistema.

  2. BatJay Says:

    hello mylabopmayn. yung mga nasa main office ang medyo ok. etong mga nasa airport minsan sarap talagang pitikin.

    nasa bahay ka na… kamustang lakad mo?

  3. AnP Says:

    weird. nung una ako nagpunta dito, working visa din na sponsored ng company pero di ako dumaan ng POEA. nagtataka nga ako eh. sayang nga kasi bayad pa din ng 550 pesos pag alis! hehe

    as for POEA/OWWA. di ko nga alam kung meron sila office dito. I tried before to ask for help sa consulate dito. Kahit na rhetorical lang yung question ko (na could have been a big big problem) dineadma ako. hindi sinagot ang fax at email ko.

  4. BatJay Says:

    guten morgen AnP.

    nung una rin akong umalis, ala akong POEA dahil direct hired ako dito sa singapore. pag balik ko, sinita ako sa airport. nagpunta tuloy ako doon sa walk-in counter sa NAIA ng wala sa oras.

    ang sabi sa POEA site (nag research tuloy ako) lahat ng employed overseas kailangan magpunta as POEA, except yung mga permanent residents ng foreign country.

  5. jhing Says:

    since magkapareho kami ng bansa ni AnP, pareho kami ng sagot. di rin kami dumaan ng POEA. ang dahilan daw dyan, kasi permanent resident kami dito. automatic (nga ba?) ata yon pag working visa ka, eh permanent resident ka na rin.

    so ang nangyayari, everytime bumabalik kami dito galing pinas, nagbabayad kami ng travel tax. ang pagkakatanda ko, mga 1500 mahigit din yon. pero nagkaron ng time na ni-waive yon. ang sabi bago na raw. pero come next year, nagbayad ulit kami. me pamaskong handog lang ata si GMA nung time na yon. hehe.

  6. jhing Says:

    naku sorry batjay, promise nung ni-post ko yung comment ko wala pa yung comment mo! ayan, nagmukha daw akong di nagbabasa ng previous comments.

    happy weekend!

  7. CG Says:

    hi batjay. lahat ng friends ko na programmers na pumuntang singapore, USA at iba’t-ibang bansa (galing kasi ako IBM before) eh dumaan daw sa POEA kasi sisitahin ka sa airport. yung representative ba sa airport, yun ba yung taga-customs na taga-check ng bagahe mo?

  8. BatJay Says:

    hehehe. hi jhing. musta na diyan sa bayan ng mga aleman? may work permit din ako pero hindi ako permanent resident. mag apply na kaya akong PR. parati na akong sinasabihan, para di na ako dadaan pa sa POEA.

    hi CG. ang sisita sa iyo ay ang tao doon sa check-in counter ng airline. kita kasi nila agad na iba ang ticket mo. so, hahanapin agad sa iyo ang OEC. pag wala ka, papapuntahin ka sa express counter ng POEA sa NAIA. doon nakatambay yung mga masusungit.

  9. AnP Says:

    noon di pa ako permanent resident. working visa pa lang yon. pero, awa ng dyos di nasita sa NAIA. ngayon, permanent resident na ako dito kasi, ayun, lumandi at nakahanap ng kasama sa trabaho na pinakasalan ako! haha

  10. Paul Says:

    Have a safe trip home!

  11. batjay Says:

    ako di ako permanent resident kasi di ako pwedeng maglandi. una, mahal ko si jet. pangalawa, baka gulpihin niya ako. hehehe.

  12. batjay Says:

    uy bossing schoolmate atty. paul. maraming salamat. sa wakas makaka uwi na rin.

  13. Ingga Says:

    Inggo, ako din di dumaan sa POEA. Mas problema pa sa check in counter, ayaw akong paalisin ng airline dahil wala sa computer nila ang bansang kinaroroonan ko.

    May pakinabang nga ba ang pag register? Di ba yung mga DH na namomolestya at napupuruhan ng mga amo nila at tumatakbo sa embassy na di naman natutulungan ng mga taga embahada naka register?

    Eh yung mga nakukwento ng mga taga Dubai na Pinoy na binubugaw ng mga taga embassy para magputa di ba naka register? tanong lang po..

    ingat sa pag-uwi tso, sobrang init! pramis.


  14. ka ibet! ako lang ata ang nagreregister sa POEA ah. musta na diyan sa somaliland? oo nga ang daming mga case ng pambubugaw. sana naman eh tubuan ng betlog sa noo ang mga bugaw na yon.

  15. markangel Says:

    sino may alam ng address at telephone # ng panama embassy dito sa pilipinas paki send naman sa e-mail ko logan_legan@yahoo.com.., maraming salamat


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: