nagkaroon ng major blackout sa singapore kagabi dahil nahinto bigla ang supply ng natural gas from indonesia na siyang main fuel ng mga power plants dito. marami nga ang natakot dahil bihira itong mangyari. may mga report nga ng aksidente sa kalye at traffic jams dahil walang ilaw pati stop lights. marami rin ang mga nagpalipas ng oras sa pamamagitan ng isang paboritong activity ng mga singaporean – ang magreklamo. mostly mga “i cannot do this, i cannot do that” lang naman at mangilan na nag freak out.

diyan sila talo ng mga pinoy. sanay tayo sa mga kalamidad na dumarating sa ating buhay, and we normally treat this kind of event with our world renowned fatalistic epeks. bagyo? kris aquino’s love life? lindol? erap? volcanic eruption? split up ng tambalang guy and pip? coup the etat? revolution? gas hike? wala yan. but we draw the line when personal hygiene is concerned. hindi lang natin talaga kaya pag walang tubig na panligo. ayaw natin ng triple “B” – body odor/anghit, bad breath at balakubak. we are a great people, dear friends… and THANK GOD ALMIGHTY, we smell good too.

Read the rest of this entry »

Advertisements

bwakanginangyan, malapit na yatang mag end of the world. weird things are happening. ayon sa report na galing sa very reliable BBC, may isang babae sa iran na nanganak ng palaka. mukhang malapit na ngang magunaw ang mundo… nakatanggap kasi ako ngayon ng SPAM na galing sa nagtitinda ng anti-SPAM software. kundi ba naman mga ulul ang mga ito. tubuan sana ng betlog ang mga noo ninyo, para di kayo makakita. hehe.

teka, digressing na naman ako. balik tayo sa palaka. tutuo kaya ang storya na ito? pero kung sabagay, marami akong kamag-anak na palaka. ang kuya ko na matakaw: palakain. ang ate ko ay mahilig sa karaoke: palakanta. samantalang ako ay mahilig sa sex: palakant… never mind. hehehe.

…AND I FEEL FINE

June 29, 2004

end of the world or not, etong past two days, ang sarap ng pakiramdam ko. i feel well rested and for the first time in a long while, wala akong nararamdamang sakit sa kahit anong parte ng katawan. well, except for the fact that minsan makati ang singit ko, pero that’s another story. tuyo na ang sugat ko kaya naliligo na ako ngayon ng walang nakabalot na shrink wrap sa aking tiyan. alam nyo ba kung gaano kahirap maligo ng may plastic sa katawan? pakingsheet. maiintindihan siguro ako ng mga babaeng nagpa-cesarean. isa pa: last sunday was my 1st month anniversary. isang buwan na akong hindi naninigarillo. it’s been a struggle dahil i stopped cold turkey. pero, itutuloy ko na ito.

kanina nga, tamang tama habang papalabas ako ng train, biglang tumugtog sa MP3 player ko ang opening theme ng voltes V. sa sobrang saya ko eh parang gusto kong mag song and dance doon sa platform. gagayahin ko sana yung 70’s pinoy group na D’Nailclippers sa kanilang tagalog rendition ng “voltes V opening theme”. naalala nyo pa ba sila?

“The razor-toothed piranhas of the genera Serrasalmus and Pygocentrus are the most ferocious freshwater fish in the world. In reality they seldom attack a human.”

kaya mo bang i-text yan sa kaibigan mo in less than 43.24 seconds? if you can, pwede mong talunin ang current world record holder sa pinakamabilis magsulat ng text message. nanalo kahapon si kimberly yeo sue fern, isang singaporean, with a time of over 43 seconds. pero teka, kinanginanginangyan, akala ko ba eh “text capital of the world” ang pilipinas. surely, kaya nating talunin ang bruhang ito. ako? nagawa ko in 29 seconds (a prime number), kaya lang eto ang lumabas:

“The rsaxir-tiirjws pkranjad od tge hwmwra zerradiknis ans Pfhipackiag are ths madf fferoiasx freaawater fish i the woelkd. In realirt theyt selsom attalk a hian.”

CLICK TO OPEN WEB ALBUM. click nyo lang etong photo at diretso kayong mapupunta sa web album ng trip namin ni jet sa genting highlands itong weekend. ok naman ang trip namin, tulog kami pareho. hehehe. naka post na yung “genting highlands vacation” online. huwag kayong magtataka kung puro solo pictures lang ang makikita ninyo. yan kasi ang hirap kung dalawa lang kayong magbabakasyon… pag dating sa kodakan, you are either the photographer or the subject. well, it’s either solo photos or you can try your luck getting pictures of funny signs and nature scenes. dalawang beses naming sinubukan magpakuha from strangers, kaya lang nakaka depress yung mga resulta. yung una, naninigarillo ata yung kumuha na securtiy guard at puno ng usok yung litrato namin. gusto kong kutusan kaya lang baka barilin ako. yung next naman eh against the light at akala mo eh mga ati-atihan kami ni jet. inedit ko lang yung picture para magkaroon kami ng mukha.

as expected, hindi kami nagpunta sa casino. eh in the first place, hindi pala ako talaga pwedeng pumasok. ang sabi sa akin ng guard doon sa entrance ay: “your dressing cannot inside“. in english – hindi daw ako complying sa dress code dahil ako’y naka shorts at sandals. sayang gusto ko pa namang mag tong its.

Read the rest of this entry »

baligtad ang suot ko ng brief kaninang umaga. kaya pala parang masikip. buti na lang at nakita ni jet, kundi baka mawalan ng circulation ng dugo ang lower body ko. hehe. naalala ko kasi dahil kakatawag lang niya sa akin at tinatanong kung ano ang gusto kong isuot na underwear para sa aming trip. sabi ko sa kanya, di na lang ako mag u-uderwear, para kunwari bida ako ng porno movie. hehe. ok, back to story… aalis kami ni jet mamayang gabi. pupunta kami ng genting highlands. ito yung parang resort casino malapit sa kuala lumpur na nasa itaas ng bundok. kung taga morong, rizal ka eh “itaas ng bunrok sa tabi ng ragat at bukir” yon. hehe.

di naman kami pupunta sa genting para magsugal, gusto lang naming makaramdam ng baguio kind of weather. nakakasawa na itong init ng singapore. first time ni jet tumawid ng malaysia kaya excited kami. sakay kami ng bagong SVIP na coach. eto yung mga bagong 26 seater bus na pwede kang mahiga at magtambling tambling. kinky no?

Read the rest of this entry »

kung nakatira kayo sa mga bansa sa south east asia na addict sa football (tulad dito sa singapore) eh mag ingat kayo. maraming mga kawirduhang nangyayari ngayon dahil ang mga games ng EURO 2004 football championship ay pinapalabas ng live simula 2:30 ng madaling araw. obsessed ang mga tao rito sa football at faithful na nanonood ng live games. kaya the day after the games, maraming mga mukhang zombie na nagkakalad sa singapore na akala mo puyat na unggoy.

mag ingat kayo sa pagtawid sa kalye after the england-portugal game. maraming kasing mga puyat na mga driver. last week, isang pick-up sa thailand ang nag crash dahil nakatulog ang driver sa manibela. napuyat kasi kakanood ng football ng madaling araw. anim ang namatay, kasama na roon yung driver.

Read the rest of this entry »

nanonood ako ng CNN kagabi at gusto kong maiyak sa tuwa. nanalo ang isang team ng mga domestic helpers na pinay sa prestigious at world famous “dragon boat race” sa hong kong. considering na ang mga sumasali rito ay mga professional boat racers, ang pagka panalo ng mga pinay na ito ay talagang kahanga-hanga. mayron pa ngang pinay doon sa team na hindi marunong lumangoy. hehehe. pati nga si veronica pedrosa ng CNN ay napa sabi ng “i can’t help but feel proud, being filipino myself”. i love their team name, by the way. they call themselves… “The Bulldog Mabuhay Dragon Boat Team

the khaleej times online said it best:

“In a city with a snobbish disregard for the migrant workers who clean its homes, the Bulldogs have beaten off prejudice and sexism to earn respect in a sport dominated by monied Western expatriates or hard-bitten Chinese fishermen.”

HAHAHAHA! mga cute ang ina ninyong mga nagmamata sa aming mga pilipino, etong sa inyo (batjay waves a dirty finger). umm!

gusto ko lang i feature ngayon ang poetry ang aming kaibigang si belle. matagal na naming hinihintay ni jet ang mga bago niyang tula. busy kasi ang lola natin sa pambansang paaralan. busy rin ba sa kakapanood ng oblation run? after a long wait however, naka publish na sa kanyang “Short*Poetry” website ang mga bagong katha.

si belle ay talagang pinagmamalaki namin dahil her work has been featured in a number of poetry sites. more importantly, some of her poems were published recently in a book called “the sakura anthology of haiku poems. isa pa ay maganda siya, mabait at nanglilibre pag pinupuri mo. punta kayo sa poetry site ni belle and enjoy her work.

belle, bilang tribute sa iyo. gumawa ako ng haiku. eto…

may isang palaka
tumalon sa inodoro
nakulong sa septic tank

nung isang linggo, nag-ahit ako ng buhok sa katawan. simula sa dibdib, papunta sa tiyan at pababa hanggang sa dako pa roon. nahihirapan kasi ako sa bandage na pinangtatakip sa sugat ng aking appendectomy. kumakabit ng husto ang tape sa buhok ko at pag tinatanggal, talaga namang mapapa mura ka sa sakit. di ko nga alam kung paano natitiis ng mga kababaihan ang pagbunot ng buhok sa kung saan saang parte ng kanilang mga katawan na hindi naaarawan. aray. naisip ko pa lang, nangingiwi na ako. ok nga nung naahit ang buhok sa aking katawan. pinagmamasdan ko, para akong baby. hehe. sige na nga, baby hippopotamus. actually mas malapit yung hitsura sa bagong katay na baboy.

Read the rest of this entry »

ginagaya ko ang boses ng daddy ko kahapon. wala lang. naalala ko lang kasi siya. gusto nyong marining? eto click here. hehehe. ay mali. yan pala ang magiging boses ko kapag natanggal ang aking betlog. eto ang aking tutuong impression sa boses ng daddy ko. di ko nga lang talaga magaya, kahit anong gawin ko. di ko makuha ang kanyang timbre. di ko kaya ang booming deepnes na parang pinaghalong james earl jones at james coburn.

Read the rest of this entry »

3 BETLOG KAKALOG KALOG

June 18, 2004

may minura ako kanina sa train station na tatlong bumbay. sumingit kasi sa pila at sa harap ko pa nagdaan. wala, dinedma lang ako ng mga kupal. di nila siguro naintindihan yung “packingsheet, whatdapack doyutink yurdoing” said in my thick pinoy kanto boy accent. (click here para marinig nyo kung paano ko sila minura). naiinis kasi ako dahil hirap na nga ako sa sugat ko eh may nanggugulang pa sa akin. tiningnan ko ng masama. wala deadma pa rin. tapos parang nang-aasar pa nung malapit nang bumaba, nagtanong pa sa akin ng directions kung papaano pupunta sa little india. ah mga turista pala, ang isip-isip ko. ililigaw ko sana ang mga kumag pero naawa ako.

Read the rest of this entry »

nasubukan na ba ninyong magpakuha ng litrato sa mga lumang instant ID picture shops sa pilipinas? i have. one day, many years ago, kinailangan ko ng picture para sa company ID. nagpunta ako as isang cheap studio para magpakuha. eto ang nangyari. putol ang katawan ko dahil naka puti akong t-shirt during the time the photo was taken, tapos white pa ang background. dahil kutis betlog ako, ang ulo ko lang ang nakuha at litaw na litaw ang aking kayumangging balat.

CLICK TO ENLARGE. nasubukan na ba ninyong magpakuha ng litrato sa mga lumang instant ID picture shops sa pilipinas? i have. once kailangan ko ng ID picture, nagpunta ako as isang cheap studio. eto ang nangyari. putol ang katawan ko dahil puti ang t-shirt ko over a white background.

eh wala akong magawa nung time na iyon. kaya imbis na mangulangot eh nag drawing na lang ako ng kenkoy na katawan na karugtong ng aking ulo para naman hindi masayang ang tatlong litrato. ayan ang kinalabasan.

kung kilalala ninyo ako simula pa nung early 1990’s, you’ve probably seen this funny picture somewhere – either posted in a bulletin board in my cubicle or in a frame on my office desk, etc. i love this photo. it reminds me not to take myself too seriously. so go ahead, laugh at my expense. click on the picture and make fun of me.

CLICK TO ENLARGE. old pictures... punong puno ng ala-ala of days gone by. i remember when this photo was taken. kagagaling lang namin sa simbahan at sinusubukan ko ang bagong bili na SLR camera. that was many moons ago. no, to be quite frank, that was many pounds ago. old pictures… punong puno ng ala-ala. i remember when this photo was taken. sa bahay ito ng mommy ko sa novaliches. dito pa kami nakatira nung araw. siguro mga 1994 ito, kagagaling lang namin sa simbahan ni jet at sinusubukan ko ang bagong bili na camera. that was a long time ago. correction, that was many pounds ago. much younger, bolder, reckless at wala pang masyadong pakialam kung anong mangyayari sa hinaharap. parang kanta ni springsteen: “at night we ride through mansions of glory in suicide machines… ’cause tramps like us, baby we were born to run.”

nakita ko ang litratong ito na nakaipit sa isang lumang librong binabasa ko nung nasa hospital ako. di ko sigurado kung ano – either yung “american gods” ni neil gaiman or yung “a soldier’s story” na world war II memoirs ni omar bradley. typical sa akin kasi na gawing bookmark ang mga paboritong larawan. mas typical din ang iwanan ang larawan sa loob ng libro pagtapos basahin. ulyanin kasi ako.

pagtapos ng isang buwang di pagsusulat dahil sa pag-alaga sa akin, nagbalik na ulit ang asawa kong si jet na mag blog. sabihin na natin na “love your own” pero talagang masarap basahin ang mga entry ni jet. narito na kami sa singapore pero naka housewife and nurse mode pa rin siya hanggang ngayon. kailangan ko pa rin kasi ng pag-alaga dahil di pa healed ang sugat ko. yung mga pictures naman ng aming vacation, including both pre and post appendix rupture ay makikita ninyo sa “jay and jet’s summer vacation”.

bukas na ang “Manileña.Com” site ni ate sienna. dito, pwede kayong mag download ng mga ginawa niyang mga templates ng libre. magaling na artist ang ninang ko. in fact, siya ang nag design ng site ko. kung gusto ninyong gumanda ang mga websites ninyo ng walang bayad, punta kayo rito.

Read the rest of this entry »

ESSENCE OF FISH

June 14, 2004

last entry ko na ito tungkol sa aking ruptured appendix. nagsasawa na ako sa kakakwento eh. pakiramdam ko para akong si eric quizon doon sa “crying ladies” nung paulit ulit niyang kinukwento kung paano namatay ang tatay niya. hehe… oo na. bakya ako, tulad ni AnP. idol ko kasi si hilda koronel simula nang mapanood ko siya sa “kung magarap ka’t magising“, ang aking all time peborit pinoy film. nakakatawa nga si hilda sa crying ladies bilang isang ex-actress whose claim to fame eh isa siya sa mga inapakan ng mga higante sa pelikulang “darna and the giants“. teka muna, asan na ba ako? nawala na… ah. last entry tungkol sa ruptured appendix. ok, tuloy ang kwento.

Read the rest of this entry »

Essence of Fish with American Ginseng… gamot daw ito para madaling maghilom ang sugat.

THE WALKING WOUNDED

June 13, 2004

dito nag dinner sina leah at eder ngayong gabi. nag luto si jet ng sinigang na baboy. walastik sa sarap… maasim na sabaw na pinalapot ng nadurog na gabi. may okra at kangkong, pinaghalong laman at taba ng baboy. at siyempre, pamatay ang sawsawang patis na may dinurog na sili. pero packingsheet na malagkit, di ako makakain ng marami. actually di na ako dapat kumain ng marami. may restrictions na ako sa diet dahil may chance daw akong magkaroon ng full blown diabetes. dang. nabanggit ko na rin ba na two weeks na akong hindi naninigarillo? wala na talaga akong bisyo. di na nga ako nambababae, nagsusugal at umiinom, my one and only poison is taken away from me pa. parang naawa tuloy ako sa sarili ko. twisted & destructive self pity logic, i know.

katulad ko, bagong opera rin si leah. habang ako ay nag rupture ang appendix, siya naman ay nag rupture ang achilles tendon. aray. medyo mas matagal ang recovery niya. ngayon nga ay may cast ang kanyang kanang paa and she’s on crutches. nagkakatawanan nga kami kanina dahil dalawa kaming walking wounded.

pero kahit tagilid pa ang lakad, susubukan ko nang pumasok bukas. sana maawa sa akin ang boss ko at maaga akong pauwiin. makanood man lang ng NBA finals. go pistons!

BORN TO BE WILD!

June 12, 2004

kung nasa NAIA kayo kanina at may nakita kayong malaking damuhong naka wheel chair… ako yon.

pagtapos ng isang linggo sa ospital at isang linggong exile sa antipolo, pinayagan na rin ako ng doctor ko na lumipad. bago yon, tinanggal muna niya yung drain ko nung monday. tapos ang tahi ko naman nung wednesday, kasama na rito ang final check-up para siguraduhin na kaya ko nang sumakay ng eroplano. nung thursday, yung doctor naman ng singapore airlines ang tumingin sa akin. daming hassle ano?

sa arrival din ng changi airport ay naka wheel chair ako. nakakahiya nga ang special treatment, at saka, parang di ko rin ma take na medyo invalid ako. pero malaking relief talaga ito. hanggang ngayon kasi, di pa rin ako makalakad ng mabilis. at siyempre, mayron pa ring sugat na kumikirot kirot. bikini cut nga pala ang tahi ko. ok na ok nga. pag malakas nang loob ko pag magaling na ako, pwede pa rin akong mag bikining itim.

HEALTHCARE FOR ALL?

June 6, 2004

dahil naroon ang mga kaibigan kong doctor, sa st. lukes ako nag pa admit. maganda ang hospital na ito. maasikaso ang staff, bago ang equipment, mabilis ang serbisyo at magaling halos lahat ng mga doctor.

siyempre, may katumbas na presyo ang magandang serbisyong ito. ang standard appendectomy sa st. lukes ay nasa 70,000 pesos (10,000 pesos lower kung semi-private room). hiwalay pa rito ang professional fee ng mga doctor ko. total na binayad ko sa kanila? 30,000 pesos sa surgeon at 12,000 pesos sa anesthesiologist. may tawad na yon. ang galing ano po?

total hospitalization cost ko? over 100,000 pesos. that’s the best money can buy para sa isang appendectomy sa pilipinas. sobrang mahal ano? kung sa pilipinas ako nagtatrabaho, di ko ito kayang i-afford. buti na lang at mayron kaming health insurance sa pinagtatrabahuhan ko. kung hindi, talagang mauubos ang pinagputahan ko.

doctor: sir, kailan ho kayo huling nag pa surgery?
batjay: nung tinuli po ako.

doctor: nautot na po ba kayo ngayon?
batjay: hindi pa po.
doctor: nautot na po ba kayo kahapon?
batjay: hindi rin po.
doctor: e nung isang araw?
batjay: di ko na po maalala. bakit po ba importante sa inyo ang pag utot ko?

doctor: kailan ho kayo huling nadumi?
batjay: kahapon po ng umaga.
doctor: ano po ang hitsura ng dumi ninyo?
batjay: tulad po ng karaniwan. mahaba, makulay.
doctor: masasabi nyo bang normal ito?
batjay: doc, ano po bang depenisyon ng normal na dumi?

FREEDOM DAY!

June 4, 2004

my dad’s birthday is also my freedom day. ngayon ang labas ko sa hospital. sa wakas. sa wakas. nakahanda nang lahat ng mga clearance ko at nagbabayad na si jet. uwing uwi na talaga ako, not only for my sake but for jet who has been with me through all this.

each day since the operation, i feel my strength coming back. last monday, halos di ako maka galaw. ngayon i am able to make short walks outside my hospital room. my meals are beginning to get interesting.

nakakatayo na ako without any pain. nakaka ikot na rin ako sa kama. nakaka ihi na akong mag-isa. MILESTONE #1: tinanggal nang intravenous drip ko. MILESTONE #2: naka ebak na ako kaninan. hahaha! baby steps, baby steps…

ngayon nagsimula na akong kumain ng “soft food”. ang una kong disenteng meal simula nang operahan ako: sabaw ng pinakuluang gulay, lugaw na walang lasa, boneless bangus at gelatin.

pakiramdam ko, ngayon lang ako nakatikim ng pagkain sa buong buhay ko. tasteless food never tasted this good. i finish the entire meal. UBOS!

I THIRST

June 1, 2004

sobrang cranky ko ngayon. ever since saturday, di pa ako nakaka inom ng tubig. bawal pa raw sabi ng doctor, gardenget. ang relief ko lang ay ang mga ice cubes na sinusubo sa akin ni jet every 30 minutes.