WHAT I'M CURRENTLY READING

October 31, 2003

The DaVinci Code by Dan Brown.

I was just talking about the “so and so i forgot oh it was so long time ago” fibonacci series in my blog a month ago then I buy this novel soon afterwards and start to read. Lo and behold: one of the main clues in solving the murder in the story revolves around the fibonacci series.

Synchronicity.

RESIDUAL ANGHIT

October 29, 2003

nakapasok na ba kayo sa loob ng elevator then be arrested by an unbelievable stink? parati na lang dito sa office pag papasok ako sa elevator eh may residual anghit ng isang mabahong mystery person.

is it me they’re talking about? no way baby. tulad ng pinakamamahal kong mga pinoy, naliligo ako araw araw. naglalagay ng deodorant sa lekileki, nag sha-shampoo at conditioner ng buhok, may bote ng alcohol sa bag, may facial wash, nagbabaon ng safeguard galing pa sa pilipinas, kung may pekpek lang ako eh pati cleanser doon ay may baon siguro ako. AKO AY PILIPINO! kahit di man umaasenso ang bansa natin, at least masasabi ko na tayo ay MABANGO at… masarap amuy-amuyin. yeah, baby!

1. “top ten” by alan moore

2. “watchmen” by alan moore.

3. “the last temptation” by neil gaiman

4. “the sandman, endless nights” by neil gaiman

5. “wolves in the walls” by neil gaiman

6. “animal man, book 1” by grant morrison

7. “the invisibles, say you want a revolution” by grant morrison.

SWIMMING IN COLD POOL WITH JOJO, KUTING, TROY AND LANCE

si perskasin jojo, ang aking artistang pinsan. napangasawa niya si renee who used to be a newscaster at channel 9. for a while she also was a newscaster for the filipino channel, ang peborit cable channel ng mga pinoy sa north america. anak nila etong dalawang katabi ko… si troy at si lance. the last time i saw lance, he was just a few days old, ngayon malaki na’t makulit. si troy naman eh etong cute na bata sa kaliwa ko. long hair at lakad ng lakad. hindi nahihiyang tumabi sa kanyang uncle from singapore. heehee. we just found out during the weekend that renee and jojo will be having a third child. so excited ang lahat sa darating na bagong bagets.

yung batang bilog ang mukha sa background ay si kuting. cute nga ng pangalan niya no? parang pusa. meeyao! anak siya ni sammy, ang aking perskasin din na kuya nina jojo at simon. di siya marunong magsalita ng tagalog pero nakakaintindi pag kinakausap mo siya. pilosopo tong batang ito at puro patagilid ang sagot sa mga tanong ko.

kinunan ito nung last day ko. nag lunch kami sa bahay nina jojo at nag swimming sa backyard nila. kaya ako nakatambay sa gilid ng pool eh kasi di ko kaya yung lamig ng tubig. para kasing galing sa ref eh.

PERSKASIN SIMON AND I

October 25, 2003

si imo at ako

ang aking pinakamamahal na pinsang si simon. imo for short. siya ang umasikaso sa akin ng husto nung nasa san francisco ako kamakailan. mahal ko tong pinsan kong ito. before my visit, the last time i saw him was 20 years ago in manila. this was before they left for the states. during the in between years, nag sign up siya sa US Navy, nakapag-asawa at nagkaroon ng dalawang anak. ako naman stayed in manila, studied engineering, married jet, worked for a long time in the philppines and moved to singapore. then like magic, i had the chance to visit them during a business trip…separate lives converging for a few memorable days in the states. laking tuwa ko nga nung nadalaw ko siya at nakausap uli.

the last time we saw each other, we were both in our late teens. the same age as his panganay paul, who will graduate from high school soon. ngayon, pareho na kaming “gaining face” (better to say than “losing hair”). there is a scienctific law called that states: “a man’s age is directly proportional to facial soap and inversely proportional to shampoo”. in short, habang tumatanda ka eh, mas tumatagal ang oras ng paghilamos ng mukha kaysa pag shampoo ng buhok. asan na ba ako? ah, my perskasin…

imo and jojo took a half day off when i arrived on a friday afternoon. sinundo namin si donna sa airport at along the way eh kwentuhan pa rin. from the airport, going home, inuman sa milpitas until 4 in the morning, kwentuhan pa rin. gising ng 9am papunta sa bahay nila sa modesto hanggang pag alis ko papunta sa airport, kwentuhan pa rin. sa sobrang tagal ng di pagkikita eh di matapos tapos ang kwento.

then, like the way i came, i swiftly left. like that, we’re back to our own separate lives. pero iba na ngayon, at least now i know that even if my perskasin’s out there somewhere in the bay area, he thinks of me the same way that i do now. i also know that someday, we’ll see each other again and catch up on each other’s lives.

SINGAFOOD

October 23, 2003

For the past 3 days, since coming back from China, ang lunch ko ay ang mga sumusunod:

1. Monday: Nasi Bryani with Fried Chicken
2. Tuesday: Chicken Curry with white rice
3. Wednesday: Nasi Bryani with Chicken Curry.

Nakita nyo bang pattern? Hehehe. Nakita nyo ba ang tendencies? Napansin nyo ba na mahilig ako sa Nasi Bryani with Chicken Curry? One of the best can be found near Bedok, 10 minutes or so away from our office in Changi… great thick rich and flavorful curry sauce, soft and tender chicken, yellow bryani rice with anis seeds. Sarap nito man.

Nasi Bryani Chicken together with Chicken Rice, Curry Fish Head, Pepper Crabs, Katong Laksa at Katong Yang Tau Foo. Yan ang mga mami-miss kong pagkain kung sakaling umalis na kami rito sa Singapore.

Buti na lang masarap ang adobo ni Jet. At least, kahit saan man kami mapunta ay mayrong “to die for” na pagkaing pinoy na parating available sa bahay.

The Fourth Hand

October 21, 2003

just finished reading “The Fourth Hand” by John Irving. galing man, this is a great read. even more memorable dahil sinimulan kong basahin ito sa singapore, tinuloy sa america, tinuloy-tuloy sa china at tinapos dito sa flat ngayong gabi. all throughout the reading of this novel, while going around the world, maraming nangyari both professionally and personally in my life. and now, all those places and faces are forever associated with the story of this book.

idol ko itong si irving ever since nabasa ko accidentally ang aking all time favorite na “The World According to Garp”. naalala ko pa kung kailan ko ito nabili. nasa crossing ako nung 1989 at nagpapalipas ng oras. bago pa lang akong nagtatrabaho at walang kapera-pera para sa mga bagong libro. pumasok ako sa isang used book store at nag browse. naron sa isang sulok yung “garp”. binili ko siya and my world was never the same after that. hehehe.

Wonderware Asia Pacific Distributor Conference 2003

ang bugoy sa china

October 20, 2003

ang bugoy sa china,
sa sobrang kakatawa,
nawala ang mata.

Kunming Blues

October 19, 2003

nandito na ako sa singapore after spending a week in kunming. bukas, balik na naman sa trabaho. maganda talaga sa kunming. simple lang siya na lugar. wala yung complexity ng shanghai, or yung immensity ng beijing. little town feel nga ang dating niya… parang baguio in a way.

ang dami kong nabiling DVD. mga 30 piraso ata. mura lang kasi. ang isang high quality na DVD9 doon ay nasa 12 RMB (around 72 pesos). mga sample ng mga nabili ko: pixar’s “finding nemo”, my favorite cartoon dahil sa superb performance ni ellen degeneres, stanley kubrick’s “spartacus” criterion collection, “malena” (italian film starring monica belucci), “city of god” (ang brazilian masterpiece ni Fernando Meirelles), “raise the red lantern” starring gong li at “not one less”. both these last two films are from chinese director zhang yimou.

nakabili rin ako ng tea at dalawang chinese tea mugs na halos binigay ng libre ng tindera sa amin sa sobrang kakatawad. kilalang-kilala na tsaa sa kunming at masarap ang nabili ko – mayron siyang matamis na aftertaste na masarap sa bibig. yung tea mugs naman ay special din (daw), sabi ng kasama ko. ang isang test pala sa quality ng chinese ceramic tea paraphernalia ay yuong tunog niya kapag kinalembang mo siya. masasabi raw na high quality ang ceramic kung high pitched ang tunog. yung nabili ko parang kalembang ng kampana kaya high na high quality daw iyon. muntik nga akong mapaluhod nang kinatok ng tindera yung mga mug ng tinidor.

maraming ethnic groups sa yunnan province (where kunming is located). there are 26 groups all in all in that area alone. “economic groups” ang tawag sa kanila ng aming english guide. hehehe. tulad ko, mga singkit ang mga mata nila pero kayumanggi ang mga kulay ng balat. sa may airport, makabili ako ng ethnic chinese doll para sa collection ng brick-brack ni jet. lahat kasi ng mga trip ko accross asia-pacific, bumibili ako ng mga souvenier para sa kanya. malapit na ngang mapuno ang top shelf ng computer table namin eh.

cheap shopping aside, kunming will still be that great little place in china. i love the weather and i love the pulse of the city. perhaps one day, i can take jet there so we can spend a few days in the cool weather. then, we’d go to one of the pubs by the lake for tea and cake.

IMAGES OF KUNMING, CHINA

October 17, 2003

IMAGES OF KUNMING, CHINA

maraming mga kweba sa kunming. ang pinuntahan namin ay isa sa pinaka extensive.

IMAGES OF KUNMING, CHINA

nilagyan nila ng mga magagandang ilaw ang loob ng kweba at ginawan nila ng pathway para sa mga turistang tulad namin. medyo malamig nung araw na ito kaya kahit mahaba ang lakaran ay di masyadong nakakapagod.

NANDITO NA AKO SA KUNMING

October 12, 2003

mylab, nandito na ako sa kunming. swabe naman ang byahe namin. as usual eh tulog ako halos buong flight. di pa nga nag take off ang eroplano, humihilik na ako. comportable ang byahe dahil malaki ang leg room ng silk air kaysa sa singapore air lines. isa pa sandali lang from singapore to here.

kakadating lang namin from lunch at nagpapahinga dito sa hotel room. mamayang konti eh bababa na kami to prepare the room of the conference. mukhang gagabihin kami dahil may kasalan doon sa function room na paghahandaan namin at di kami makakapagayos hanggang di sila tapos. malamang ay mga alas 10 na kami makakapag start.

magbabasa na lang siguro ako dito sa kwarto. maganda ang room ko. nasa 13th floor at overlooking the city of kunming. sa bandang kanan ay isang maliit na lake na puno ng mga taong nag boboatingtingan… este, sumasakay sa maliliit na bangka. sa background na lahat ng ito ay mga bundok na pumapaligid sa buong siyudad.

parang baguio ang panahon dito. hindi masyadong mainit pag araw at malamig kapag gabi. tulad ng baguio, marami ring mga prutas at bulaklak sa buong siyudad at ito ay isang malaking negosyo rito. ang gusto ko lang sa kunming ay di siya kasing laki ng beijing at shanghai at may parang little town feel siya kapag naglalakad ka sa kalye.

habang sinusulat ko ito eh natanggap ko na ang text message mo. sagutin ko after i log-off. tapos, sige mylab, tawagan mo na lang ako mamayang kaunti. ingat ka na lang dyan. lab-U.

PALIPAD SA CHINA

October 12, 2003

lipad ako maya maya sa kunming. ang bayan na ito sa china ay tinatawag na “the land of eternal spring”, or sometimes “spring city”. located in the province of yunnan, southwest china: ito ay in between tibet from the north and thailand from the south. ang kunming ay nasa isang plateau na napapaligiran ng mga bundok at ang weather dito ay perpetual spring. hence the name.

family picture

ang tiyong anas at tiyang ging ko ang nagsimula nitong pamilyang ito. si tiyong anas ang gwaping na bunsong kapatid ng mommy ko. sabi nga ng marami eh kamukha niya si sean connery. siya ang balbas saradong lalaki sa 2nd to the upper right ng litrato. si tiyang ging naman ang nakaupo sa gitna namin ni donna.

narito rin sa litrato ang tatlong pinsang kasabay kong lumaki sa pasay. si sammy (extreme upper right), si simon (lower extreme right) at si jojo (extreme left). anim talaga silang lahat. wala sa picture si junjun, si maricel at si sever. in between sammy and jojo ay mga asawa at mga anak ng mga pinsan ko. naalala ko pa nung araw kung gaano kami kasayang naglalaro sa bahay namin sa pasay. baby pa si jojo noon. di katulad ng maskuladong lalaki sa picture. si sammy ang panganay at ang parating nanloloko sa amin. si simon naman ang ka-edad ko at ang siyang umalalay sa akin ng husto nung nasa US ako kamakailan.

alam mo, masarap talaga itong trip na ito sa akin. matagal kaming di nagkita kita pero in the two days that i was there last week, nag connect kaming lahat immediately. parang tinuloy lang namin yung huling kwentuhan nung huli kaming magkita many many years ago. you know the feeling of being a part of a big family? where everybody welcomes you into their homes and showered with the possessiveness, warmth and love that only a kamag-anak can? that’s what i experienced last weekend.

kahit dalawang araw lang kaming magkakasama, i really felt loved. now, while i am writing this a thousand miles away, i smile as i recollect everything that happened during my short stay with them, while at the same time, i feel the pain of our separation. bittersweet? i guess.

next time we meet, it will definitely be for a much longer time. AND this time, it will be with jet. i can’t wait to introduce them to her. i am almost sure it will be a blast.

nag drive ako from Southern California to San Francisco last friday. mahaba haba ring byahe yon. anim na oras ako sa I-5 freeway almost a straight line from los angeles to san francisco.

ako lang mag-isa. lakas ng loob ko no? hehehe. dala ko pa rin ang aking rental na chevy impala. ok na rin ito para sa byahe. malaki, mabilis at maganda ang sound proofing. di mo rinig ang makina kahit humahataw ka nang 80 MPH.

umalis ako ng orange county ng mga 6:30 at nakarating sa sf ng 12:30. anim na oras. di na masama considering na bumper to bumber sa LA ang traffic at nagkanda ligaw ligaw ako sa SF. in between mga 4 na beses akong huminto. once for gas, twice to pee and once to have a cup of coffee dahil inaantok na ako. yung last stop over ko eh malapit na sa gilroy, ang garlic capital ng USA. nung huminto nga ako sa truck stop eh amoy bawang ang buong paligid.

ang gilroy eh bayan ng classmate kong si vic. huminto ako sa malaking factory outlet sa downtown. habang hinihintay ko si vic eh binili ko ng sapatos si jet. nagkita kami sa loob ng shoe store tapos eh nagpunta kami sa bahay nila. sandali lang ako doon dahil tinawagan na ako ng mga pinsan ko. nagtatampo sila dahil inuna ko pa raw ang kaibigan ko kaysa kamag anak. hehehe. hirap talaga ng sikat.

anyway, napag usapan naming mag meet na lang ni vic at ang iba pa naming mga classmate sa bahay ng mga pinsan ko para everybody happy. nag drive ako from gilroy to milpitas. dito nakatira ang tiyong anas at tiyang ging ko.

milpitas with my relativessome of my cousins who visited me in milpitas. si jojo, ang aking pinsan na artista sa pinas nung araw. si donna, ang mommy ni tj. nag meet kami sa SF pa of all places. sinundo namin siya sa airport the same day na dumating ako. si jun jun na kumakaway, si tiyang ging na nakatalikod, si sammy at si simon. matagal ko na silang mga kamag-anak. hehehe.

milpitas with my classmatesnung gabi ay dumating naman ang mga classmates ko na SF based. from left to right… si gatchie, yours truly (ahem), si pareng vic at si jun. si gatchie at si jun at di ko na nakita since nag graduate from high school nung 1983. happily married na si gatchie at sa tingin ko eh ok naman ang buhay niya sa US. si jun ay isang negosyante pala at maraming mga negosyong naiwan sa pilipinas. si vic naman eh huli kong nakita nung last trip ko sa US 4 years ago. during that time eh nakalipat na siya sa bagong bahay kasama ng kanyang mag-ina. naalala ko ulit si vic dahil nag abay kami nina raymund at kuya bong sa kasal niya sa pilipinas.

anyway, nag kwentuhan kami hanggang alas 3 ng madaling araw. masarap din ang feeling ko dahil napagsama ko ang kwentuhan ng mga kamag-anak at kaibigan sa isang gabi. sandali lang kasi ako sa san francisco kaya lahat ng mga lakad ko eh compressed. salamat na lang sa inyo, mga kaibigan at kamag anak ko na nag sacrifice ng kanilang oras para lang sa akin.

kumain kami sa las brisas ngayong gabi kasama ang lahat ng mga officemates ko rito sa california. masaya ang lahat dahil maganda ang araw na ito sa amin. ang restaurant na ito ay malapit sa laguna beach. actually tanaw mo ang dagat dito, sa tabi niya ay magagandang mga bahay. from left to right, top to bottom: si serena (ang aking counterpart sa europe). feisty italian lady, masarap kasama dahil animated ang mga kwento niya. si tom, ang partner in crime ko na batang chicago but resettled na rito, si yves ang kasama naming galing pa ng montreal, si joe ang head ng studios department namin, si tom hanks star ng saving private ryan. hehehe. hindi, kamukha lang niya (pati salita at mga mannerisms, tom hanks na tom hanks ang dating). jim ang pangalan niya at nakatira sa san diego.

MGA KAUPISINA

may araw pa nang dumating kami pero di naglaon ay lumubog na ito at medyo lumamig na ng kaunti. alam nyo naman ako eh sucker for sunsets kaya kinuhanan ko siya kanina. sana mylab nandito ka para makita mo rin ito…

SOUTHERN CALIFORNIA SUNSET

SI LEVI AT DENNIS DITO SA SOUTHERN CALIFORNIA

ang mga classmates ko since kinder na naka base na dito sa southern california. from left to right: si levi, si levi ay naka base sa san diego. si dennis naman ay malapit sa santa ana. matagal ko na rin silang di nakita. si levi ay umalis ng huli from the philippines halos kasabay ko more than two years ago. pero before that, pabalik balik siya rito sa US dahil hinihintay niya ang petition ng asawa niya. nang maayos na niya ito eh dito na silang pamilya for good. si dennis naman ay di ko na nakita simula nang mag graduate kami sa high school 20 years ago. maaga kasi siyang napunta rito. nagkita kami last saturday. pumunta sila rito sa hotel ko at nag dinner kami at uminom hanggang alas dos ng madaling araw. nag imbita nga si dennis ng dinner sa bahay nila ngayon pero di ako nakarating dahil ginabi kami sa meeting namin sa office. sorry pare. baka naghanda ka pa ng pagkain para sa akin. sa susunod na lang.

ang sarap talaga ng maraming kaibigan. kahit saan welcome na welcome ako.