bigote atsaka balbas simula nang umakyat ako sa mount apo two weeks ago, hindi na ako nag ahit. pang good luck ko ito pag may ginagawang project. normally, i don’t shave until the project’s complete. hindi pa rin ako nag ahit hanggang sa pagdating dito sa singapore kaya medyo mahaba haba na rin. laking gulat nga ng mga kasama ko sa opisina nang mag drop by ako kahapon to get my mail. bigla ngang may sumigaw na kaopisina kong singapaporean na “ABU SAYYAF”. eh di siyempre, narinig nila ang standard reply ko sa ganitong typical bastos na cliche, isang malakas na – “SO, YOU WANT ME TO CUT YOUR FUCKING HEAD OFF”. ayun, natahimik din ang kupal kahit papaano.

Advertisements

good bye singapore. thank you for the four years.

our good friends in singapore sa PICTURE #1 above: from left to right, top to bottom - amor, jenn ang miss canada ng singapore, tin ang marikit, mylabopmayn jet, leah potpot, eder, growen at ron (click nyo na lang para lumaki ang pic) sa amin ni jet, talagang importante ang mga kaibigan. bukod sa pwede mong mautangan eh masarap talaga silang kasama sa mga lakad. masarap kakwentuhan, lalo na pag may problema at hindi sila tatakbo kahit malakas kang humilik. pero siyempre aalaskahin ka nila (e.g “putanginang hilik yan daig pang tambutso ng palyadong motorsiklo”). parte na yan ng buhay at isa sa mga nagbibigay ng kulay sa pakikpagkaibigan. pag alis namin sa singapore sa sunday, ang isang magpapasakit sa puso ko ay ang malayo sa mga kaibigan na nakilala namin sa singapore. kung iiyak ako pagsakay sa eroplano eh dahil mami miss ko ang magagandang babaeng kita pusod masarap na pagkaing maanghang ang mga kaibigan namin. mayroon ding mga maanghang na babae rito pero hindi ko sila mami miss. ngyehehe.

our good friends in singapore sa PICTURE #1 above: from left to right, top to bottom – amor, jenn ang miss canada ng singapore, tin ang marikit, mylabopmayn jet, leah potpot, eder, growen at ron (click nyo na lang para lumaki ang pic).

Read the rest of this entry »

last day ko na sa opisina kanina. isa isa kong binalik ang mga gamit ko – susi, computer, cell phone at kung ano-ano pa. pang huli kong sinauli yung ID ko na may security access na siyang ginagamit ko sa pag pasok sa opis araw-araw. ito na ang final link ko sa trabaho. alam ko kasi pagka surrender ko nito, hindi na ako makakapasok sa opisina. malungkot din pala. apat na taon din ang itinagal ko rito. kahit papaano, napalapit din ako sa mga kasama ko. kahit na hindi pa ako umaalis ay pinag aagawan na nila ang mga gamit ko. hehehe, mga kupal talaga. bilang “mi ultimo adios” eh nag bigay ng farewell lunch ang boss ko – kumain kami sa isang chinese restaurant malapit sa opis at dimsum ang nasa menu.

natural na sa mga farewell lunch ang magbigay ng speech na puno ng mga importanteng lessons para sa mga iiwanan. para sa farewell speech ko eh, itinuro ko sa kaopisina ko na “adidas” ang tawag sa pilipinas doon sa chicken feet na kinakain namin doon sa dimsum lunch. kasi, ang explanation ko, yung paa ng manok ay nahahawig sa logo ng adidas. ayun, by the end of the meal, adidas na rin ang tawag nila rito. pakiramdam ko tuloy para akong nasa recto at kasama ang mga barkadang kumakain sa bangketa dahil panay ang dinig ko kanina ng “please pass the adidas”. yan na siguro ang legacy ko rito.

good bye singapore opis. bagong mundo na naman in three weeks time.

MASARAP ANG FOO KEE SA SINGAPORE nung sabado ng gabi, nag dinner kami sa changi village. masarap daw kasi roon ang “Nasi Lemak“. eh kaso, naligaw kami, kaya nauwi tuloy sa Foo Kee. masarap pala ang pagkain sa foo kee kahit amoy isda. ang main specialty rito ay ang “tau foo” at “tau pok”. gawa ang mga ito sa tokwa na may fish filling sa loob, deep fried hanggang crispy. sa tingin ko ay magiging hit ito sa pilipinas kasi masarap at mura lang. hindi ko nga lang alam kung papayagan ang pangalan ng mga board of censors. based doon sa poster na nakapaskil sa harap ng pwesto, ang foo kee ay isang critically acclaimed eating place. and take it from me, masarap talaga rito. in fact, dalawang beses akong umorder. once to satisfy my curiority dahil nga kakaiba ang pangalan ng tindahan. umulit ako ng pangalawang beses dahil talagang masarap. naisip ko nga – bwakanginangyan, yung mga kainang may nakakatawang pangalan ang may masarap na pagkain. if ever you are in changi village, try to sample the food there – HIGHLY RECOMMENDED.

simula pa nung malaman naming aalis kami, isa lang ang gusto kong gawin parati: ang ma re-experience lahat ng mga bagay-bagay na nagustuhan ko sa singa bloody pore. ngayong gabi, kumain kami sa peborit naming thai restaurant – ang lemon grass sa downtown east. kasama namin ni jet si antonia, isa sa mga naging kaibigan namin dito. siya ang nagturo sa amin tungkol sa mga do’s and don’ts, saan masarap kumain, saan bibili ng this and that nung una kaming dumating. wala rin siyang tinatago kaya masarap siyang kausap tungkol sa singapore life. si antonia rin yung nagsabi sa amin na karamihan daw sa mga singaporean na lalaki ay boring at puro trabaho lang ang inaatupag. kulang na lang sabihin na wala silang kalibog libog sa buhay. hehehe… hay buhay. ang isa pa sa mga pinag usapan namin kanina ay tungkol sa suicide. paano ba namin naging topic ito? ah, i forgot.

Read the rest of this entry »

LIVING ON BORROWED TIME

June 23, 2005

washing machine for sale

this coming august, four years na kami ni jet dito sa singapore. nakakalungkot nga kasi hindi na namin ito aabutin. aalis na kaming mag asawa in a few weeks time. nilipat kasi ako sa opisina namin sa southern california starting this july. good news, bad news… the good news is that mapupunta ako sa lugar na matagal ko nang gustong tirhan. i love southern california. i love the weather, i love what it offers. una ko pa lang ito nakita, humiling na ako na sana one day tumira kaming mag asawa rito. ngayon matutupad na ito. the bad news is, malalayo kami sa lugar na napamahal na sa amin. i love singapore. i love the food, i love the fact that it’s only 3 hours away from manila, i love the security and the cleanliness and most of all i love our dear friends whom we’ve had the opportunity of spending time with these past few years. marami pa akong ikukwento about our big move to the united states pero siguro sa ibang araw na lang.

Read the rest of this entry »

malakas ang ulan kahapon kaya namasahe ako imbes na magbisikleta papunta sa opisina. muntik pa akong mapa away sa train. may pilit kasi akong pinaupo na babae dahil akala ko buntis. hindi pala. na offend ata at ang sama ng tingin sa akin – akala ko hahampasin ako ng payong. kung minsan ano, mahirap mag magandang loob. siguro kaya maraming nag tutulog tulugan na mga lalaki sa train. ayaw na nilang ma involve at baka mapasama pa sila.

ngayon lang ulit ako nakapag bike ng gabi. kakadating ko lang hekshuli after a short 20 minute 10K ride. umuulan kasi kaninang umaga kaya di ako nakapag bike papasok sa trabaho. pag nangyayari ito, binabawi ko na lang sa gabi – often, very late into the night. tulad ngayon, alas onse na ako lumabas. kung aalis kami rito, ang isa ko pang mami miss siguro ay ang lumabas kahit anong oras sa gabi ng walang takot. alam ko kasi puro mga supot ang mga magnanakaw at snatcher dito sa singapore. most of the petty crime here is commited against senior citizens na hindi makalaban. karamihan sa mga kaso ay mga snatcher na nang aabang ng mga lola sa loob ng elevator. pag nakita kasi nilang dagul na katulad ko, pasok ang buntot between the legs (most of the time).

nung una nga akong dumating dito, tingin ako ng tingin sa likod ko, parating nakayakap sa bag at nakikiramdam kung may tatalo sa akin. pero after a while, nawala rin ang pagka praning ko. ngayon nga, sa sobrang pagka care free, naiiwanan ko na ang susi minsan sa front door namin. para tuloy akong nangiimbita sa mga magnanakaw at nagsasabing – “hoy mga gago, ulyanin ang may ari ng bahay na ito. tingnan nga ninyo, kundi ba naman tanga, kinalimutan na naman ang susing nakapasok sa lock ng pintuan”.

nabalitaan na ba ninyo na may nakawalang jaguar sa singapore zoo recently? oo virginia, yung jaguar na hayup at hindi yung security guard (na tulad nung sa pelikula ni lino brocka starring philip salvadorr). nakawala daw ang malaking pusa doon sa kanyang kulungan at kinailangan pa nilang i-evacuate ang lahat ng mga bisita at isara ang zoo ng mga 30 minutes hanggang sa mahuli ulit nila ito. how bizarre is that? buti na lang walang nakain. ang ganda sana ng headline sa newspaper: “FILIPINO TOURIST EATEN BY HUNGRY JAGUAR“. hehehe. pero two days after that, muntik nang magkatutuo ito. hindi pinoy, pero isang chinese tourist ang nakagat ng serval cat sa animal show ng night safari dito rin sa sinagpore (and not far from the zoo where the jaugar escaped). yung serval cat ay isang pusang haliparot (wild cat) na kasing laki ng aso. kinagat niya yung chinese tourist ng mahigit 2 minutes at kinailangan pa nila itong ipa hospital (yung turista ang na hospital at hindi yung pusa).

ang sabi ng kaibigan ko, parang gumaganti lang daw ang pusa kasi mahilig daw kumain ng mga serval cats ang mga intsik. kaya simula nang incident na iyan ay banned na sila from the night safari (yung mga servil cats ang banned at hindi ang mga chinese tourists).

nabalitaan na ba ninyo yung isang singaporean blogger na nagsara ng kanyang website because he was threatened with a lawsuit? in fact before he shut down his site, he had to issue an “unreserved apology” (ano ibig sabihin nito? nag sorry ka na walang prior notice? parang pumunta ka na lang biglaan sa restaurant ng walang tawag and asked for a table?). actually – dalawang beses siyang nag apologize dahil the first one was “unacceptable”. siguro part yon ng settlement para hindi na ituloy ang demanda. yung blogger daw made some “defamatory statements kaya he was threatened with legal action. tanong: ano ba ang definition ng “defamatory statements“? kung may sinabihan ako na “ikaw ay anak ng isang babaing aso”, defamatory na ba yon?

Read the rest of this entry »

isa sa mga paboritong cath phrase ng mga singaporean pag may usap-usapan ay (tan-ta-na-nan! torotot epeks) – “is it?

BATJAY: i’t looks like it’s going to rain?

TAGARITO: is it?

BATJAY: yes, and i did not bring my umbrella

TAGARITO: is it?

BATJAY: my clothes will get wet

TAGARITO: is it?

BATJAY: you certainly sound funny.

TAGARITO: is it?

BATJAY: gago

TAGARITO: what did you just say?

BATJAY, BIKER DUDE balik bisikleta ako this week after being away for over 3 weeks. kanina lang ulit ako nag bike to work. hirap pala ng nahinto ng matagal, nag cramps ako at medyo nahirapan sa mga paakyat. tapos muntik pa akong na-late papasok kasi hanap ako ng hanap sa helmet ko sa bahay kaninang umaga. ang tagal ko – silip dito, silip doon, silip kung saan saan. kaya pala hindi ko mahanap eh suot ko na pala. sobra ata ang pagka light weight at di ko naramdaman (puro na lang dahilan ano? ayaw pa kasing aminin na ulyanin na). doon nga pala sa mga nahihiyang magtanong, sasagutin ko na po kayo: opo, mayron na rin pong helmet ang asawa ko. matagal na. kaya ngayon, kahit mauntog siya ng paulit ulit eh di magbabago pagtingin niya sa akin.

LEGENDS

March 15, 2005

kagabi, suwerta ako to be in the company of legends. narito na si binky lampano and the lampano alley sa singapore. they are part of the on-going Mosaic Music Festival that is currently being held at the ultra modern highly sosyal na Esplanade – Theatres on the Bay. more than that – they are here to spread the blues to the hungry people of singapore. kagabi was just the appetizer – a symposium of sorts about what the blues is all about. and binky and the band really showed us what blues is and how blues was meant to be played. i had a great time listening to his music because it was so informal and everybody was cool.

matagal na kaming nagsusulatan ni binky. nagsimula ito nang makita ko ang website niya. natuwa ako at nag email ako sa kanya. una nagpasalamat ako dahil kumanta siya sa benefit concert para sa brain surgery of my kuya. but more than that, i wrote him because i am a big fan of his music. jet and i really love to watch binky play live because he is the ultimate stage animal who always gave everything in every performance – no holds barred, big booming voice, primal, soulful, world class. and finally we met face to face last night. we shook hands for the first time. actually, it was during the show na kinamayan niya ako. hehehe. siyempre proud na proud ako. post show – we went down to the bar and talked (and binky sang a couple of songs much to the delight of the people there). what does it feel like when the artist you really admire introduces you to his band and buys you a beer? tangina, siyempre, ang saya ko. sana lang kasama ko ang asawa ko. she would have loved to get to know binky. next to me – she is probably binky’s biggest fan. baka nga mas fan pa si jet ni binky kasya sa akin.

at siyempre, kasama ko si amor at ang isa pang up-coming legend – si jenn ang paborito nating periodista. naghahanap kasi si binky ng journalist para naman ma cover ang show nila sa press. bukod sa pagiging journalist, jenn is now a full fledged mediacorp actress. kung kayo ay taga singapore, abangan ninyo mamayang gabi sa channel 5 yung teledocumentary tungkol sa tsunami called “killer waves”. jenn plays the true to life role of a thai housewife who almost loses her two sons when the tsunami hit thailand. tandaan ninyo ha: jenn – now a name, soon a legend. hehehe. sabi ko nga kunin na rin akong actor. gusto ko rin kasing mag endorse ng “Beijing 101“, yung gamot sa pagka kalbo na parating pinapakita sa TV at dyaryo featuring singapores leading actors. anyway – sabi ko kay jenn, kahit extra lang ako (halimbawa – ako yung aapakan ni kingkong sa next movie ni peter jackson), pwede na yon sa akin.

early monday morning, may highlight of the day na agad ako. umalis ako ng mga 7 am at nag bisikleta papasok like i do every single working day. nakahinto ako as isang intersection at nakatingin sa stop light nang biglang nakita ko sa gilid ng aking mata na may lalaking nakatayo sa tabi ko. nakahubad siya except for a pair of shorts and he had the silliest grin. tiningnan niya ako ng eye to eye at ngumisi na parang gusto niya akong kainin. eh di siyempre nag good morning ako at ngumiti rin pero nakahawak ako sa backpack kong may laman na computer. pag lumapit pa siya, hahampasin ko sa ulo. ngayon lang ako nakakita ng siraulo sa singapore upclose sa halos apat na taon ko rito. may tendency kasi sa mga singaporean chinese na itago ang mga kamag anak nilang may physical deformities at mental problems kaya bihira ang mga ganito sa kalye. after a while lumakad na rin siyang papaalis. nag babay pa nga ako pero hindi na siya lumingon pabalik.

malaking problema ngayon dito sa singapore ang bush fires. matagal na kasing hindi umuulan. impak simula nang dumating ako 2 weeks ako, di pa ako nakakita ng ulan. unusual for this time of the year ang drought na ito. kulay brown na ang mga damuhan dito dahil sobrang tuyo na ng lupa. nakakapanibagong tingnan. ito nga rin siguro ang dahilan kaya may bush fires. it only takes a spark, ika nga. record breaking na raw ito. 509 bush fires have been reported since the start of the year. ang total na ito ay mahigit na sa total bush fires ng buong taong 2004. paparating na nga ang tag-init at ang mga bush fire na ito ay preparasyon lang. dati rati, medyo mapapasigaw pa ako sa lamig sa unang bukas ng shower sa umaga pero ngayon napapasigaw na lang ako sa sarap.

tapos kanina, mayroong akong nakitang bulate doon sa loob ng shower room namin sa opis. siguro sobra nang init ng lupa at di na niya makayanan. kaya naka tsinelas na ako ngayon kung maligo. bumabalik kasi ang mga nightmares ko nung bata ako. pag nagpa-paa kasi ako nung araw, parating sinasabi ng mommy ko na kapag hindi raw ako nag tsinelas, papasok ang bulati sa tiyan ko. hanggang ngayon eh naaalala ko pa ito, lalo na kapag nakakakita ako ng bulati habang ako’y hubo’t hubad na naliligo sa shower room namin.

simula nung sabado, nagtaas na naman ang presyo ng sigarillo sa singapore. ang isang kaha ng marlboro ngayon ay $11 na (mga humigit kulang na 330 pesoses). tumaas ng $1.50 mula sa dating $8.50 (280 pesoses). nung una akong dumating sa singapore nung 2001, ang presyo ng isang kaha ay $ 4.50 (mga 148 pesoses). ang laki ng tinaas sa apat na taon, ano? maghihirap ka talaga rito sa singapore pag may bisyo ka. buti na lang nahinto na ako.

i used to be a one pack a day smoker at tumigil lang ako pagtapos sumabog ang appendix ko. teka lang ha… gumawa ulit tayo ng computation kung magkano ang natitipid ko sa isang buwan dahil sa aking paghinto: 330 pesos/pack taymis 30 days equals 9900 pesoses. pakingsheet. samakatwid, based on the facts which cannot be denied, sa isang taon, ang matitipid ko ay umaatikabong 118,800 pesoses. pwede na itong gawing pang down sa bahay sa pilipinas. double packingsheet.

Read the rest of this entry »

minsan salbahe ang mga drivers dito sa sinapore. pininahan na naman ako ng kotse habang nagbibisikleta pauwi ngayong gabi. namamadali pa naman ako dahil lalabas kami ni jet for dinner. nanahimik akong nagbibisikleta sa gilid ng kalye nang biglang dumikit sa akin yung kotse sabay busina ng malakas. eh di muntik na akong mahulog kasi halos mabitawan ko yung manibela dahil sa matinding gulat. balak ko sanang mag promote ng racial harmony by giving him the famous pinoy middle finger hand gesture, kaya lang bigla siyang lumiko at pumasok sa simbahan. kaya yon, nag sign of the cross na lang ako at sumigaw ng “ANG BAIT BAIT MONG HINAYUPAK KA, SANA KUNIN KA NA NI LORD!!”

CLICK TO ZOOM. FROM LEFT TO RIGHT, FRONT TO BACK: (FRONT) SARA, RINA, CHRISTINE, (BACK)EDER, LEAH, JET, OWEN punong puno ng action ang friday ko. muntik na akong hindi nakasama sa bintan, indonesia para sa aming weekend getaway. nakalimutan ko kasi na yung passport ko ay nasa indian embassy. kumukuha ako ng visa dahil may trip ako sa curry land ng end of the month. alas singko ng hapon ay kumakaripas ako ng takbo sa opisina ng travel agent namin upang makuha ang passport ko. nakuha ko ng six. uwi ng bahay at diretso sa ferry terminal kasama sina leah, eder at jet ng seven o’ clock. photo finish. tapos nagsuka ako from start to end sa loob ng ferry. ang yabang yabang ko pa – kain ako ng kain ng tuna sandwich kahit maalon. nakikipag biruan pa’t pakanta kanta. one moment normal ako, the next moment para akong naglilihi. hindi pala maganda ang pakiramdam ng sumusuka sa toilet bowl habang hinahataw ang katawan mo left and right ng malakas na alon. pakiramdam ko eh parang akong na rape ng tatlong sumo wrestler. hah! akala ko ay malakas ang sikmura ko. hindi pala. pero yon lang naman ang masamang nangyari sa buong trip. the rest of the weekend was a blast. one word: PAKINGSHEET ANG SARAP. ay, three words pala. hehehe.

Read the rest of this entry »

mayron akong malaking delay sa travel time pag umalis ako ng after 7 am. ang analysis ko ay nasasabay ako sa start ng rush hour. karamihan kasi sa mga office workers ay sabay sabay umaalis ng mga 7 AM at exponential ang increase ng tao sa kalye. buti na lang at naka bike ako. at least i can weave in and out of the traffic. exciting nga eh dahil para akong nasa obstacle course. ako lang ang gumagalaw habang naka gridlock ang mga sasakyan. enjoy talaga ako sa pag bike ko to and from work. ang medyo ayaw ko lang ay ang bwakanginang shower room sa building namin. walang naglilinis ng mga shower cubicles porke ako lang kasi ang gumagamit. paano ko nalaman? yung tinapon kong bote ng conditioner before christmas ay naroon pa rin sa basurahan hanggang ngayon.

Read the rest of this entry »

AGENT X44, ANG PINSAN NI JAMES BOND narito ako sa opisina ngayong sabado. kinuha ko ang mga gamit ko dahil pupunta ako sa australia ng monday. nag bike lang ako kasi maganda ang panahon kahit tanghali na. lately nga medyo di na gaanong mainit dito sa singapore at kadalasan ay mahangin. this is the closest we have to winter kaya enjoy it baby, while it lasts. naglalabasan na naman nga ang mga nagpapaporma rito na gustong gusto kong tadyakan – sila yung mga kupal na mahilig mag suot ng bonnet, turtle neck sweater at leather jacket. hindi yata nila alam ang depenisyon ng “tropical country” at “humidity“. the other week, may nakasabay ako sa bus na nakabonnet na biglang tumayo at nalapit sa mukha ko ang ulo. tangina, muntik na akong mahimatay sa baho. pero next week, baka maging guilty rin ako ng inappropriate clothing. summer kasi sa australia pero kailangan ay formal ang damit kasi conference ang dadaluhan ko. kaya kung sakaling magawi kayo ng perth or brisbane next week at may nakita kayong lalaking may 1960’s hairdo na kamukha ni tony falcon, alyas agent x-44… paki tadyakan lang dahil ako yun.

RAVES ABOUT MUSIC: nag record ulit ako ng kanta kagabi. cover version ito ng kanta ni cat stevens na pinasikat ni lani hall. simple lang ang melody pero minsan mong marinig, parang gusto mong patugtugin ulit – PAKINGGAN NINYO. nag record pa ako ng mga ibang kanta. kaya kung ok sa inyo ang ganitong klase ng music, punta na lang kayo sa karaoke site ko: ANG MGA AWITIN NI BATJAY, ANG DATING FOLK SINGER NG MA MON LUK

RANTS ABOUT ANGHIT AGAIN: bwakanginangyan, parang may magnet ata ako sa mga may putok dito sa singapore. pag akyat ko sa opis, amoy paksiw yung katabi ko sa elevator. yung dalawang kaharap ko naman sa train, amoy kulob na labada. tapos yung nasa unahan ko sa ATM machine, amoy hinog na langka. lahat yan, nangyari this morning in a span of less than an hour. pakiramdam ko tuloy, parang pinaglalaruan ako ng diyos ng mga kili-kili. sa elevator nga kanina, pinapanalangin ko na sana mautot ako, para naman makaganti man lang ako kahit papaano. soap, water, deodorant… yon lang ang kailangan. di ba nila magawang maligo ng mahusay? rhetorical question, don’t answer.

dalawang araw na akong nagbibisikleta papasok sa trabaho. so far, ok naman. mabilis akong nakakarating sa opisina at maaga akong nakakauwi. nakakatipid ako ng pera at mas healthy pa. pakiwari ko, mga 6 months pa, pwede na talaga akong maging star performer sa gay bar. parati kong sinasabi ito – biking is exhilarating. pero bukod dito, binibigyan ka pa niya ng chance na mag reflect. this is important kasi ang dami mong bullshit na natatanggap as you do your work and the time spent alone to think clearly is precious. ito ang listahan ng mga natutunan ko habang nagmumuni-muni pag nagbibisikleta…

Read the rest of this entry »

kanina, nag empake na si jet ng mga damit ko. hindi po niya ako pinalayas. dinala ko lang dito sa opisina kasi nagdecide na nga ako na starting monday ay magbibisikleta papasok sa opisina. nakahanda na ang lahat – may sabon, conditioner na at shampoo (paano daw bang bumili ng shampoo sa cebu? sagot: “mayroon ba kayong sham-puday? “). ang lahat ng gamit ko ay nilagay ko sa ilalim ng aking work table. wala namang daga rito kaya safe ang aking seksi polka dot bikini brief (awa ng diyos, hindi pa naman ito nagtututong). may kasabay na akong taga rito na dutchman (dutchboy siya nung siya’y bata pa, pero hindi ko alam kung magaling siyang magpintura. naku nagiging corny na yata ako). matagal ko na siyang nakikitang nagbibisikleta papasok. in his case though, nakabihis na siya at hindi na naliligo. hindi ko alam kung ano ang amoy niya pag malapit at ayoko itong malaman. some things are better left un smelled. so starting next week pag nagawi kayo ng east coast ng singapore at may nakita kayong isang lalaking golden brown na nagbibisikletang parang sira ulo sa ilalim ng matinding init ng araw… ako yon.

Racin' with the wind

November 18, 2004

pinag-iisipan ko pa ngayon kung magbisikleta na lang papunta sa opisina. sinubukan ko nung tuesday at ok naman. tingnan natin ang pro’s and cons: it takes me just 20 minutes from home to office by bike, as opposed to 40 minutes by bus and train. makakatipid ako ng halos $90 a month (halos 3000 pesoses) – ito ang cost ng pamasahe ko papunta’t parito. tapos gaganda pa ang katawan ko dahil sa extra exercise. gusto ko kasing mawala ang tiyan ko para maging katulad ako ni eddie murphy doon sa pelikulang “nutty professor” nang una siyang maging payat: looking down, nakita niya na wala na siyang tiyan kaya bigla siyang napasigaw ng – “I can see my dick! My dick“. hehehe. anyway, ang total distance ng home to office and back is around 20 kilometers. not a bad workout for a middle aging overweight loosing hair pinoy male like me. ano ang mga cons? hassle yung pagdadala ng damit sa opisina. malaking abala rin ang pag ligo dahil although may showers, wala namang locker rooms para taguan ng damit at bihisan. isa pa, mainit sa umaga at lalong iitim ang aking kutis betlog na balat. ano bang gagawin ko?

SEE-HOE-HEFF-HEFF-HEE-HEE

November 14, 2004

magpapagupit sana ako ng buhok kaya lang “hari raya puasa” pala ngayon – katapusan ng fasting month ng mga muslim. equivalent ito sa pasko ng mga kristiyano, kaya sarado ang mga barber shop – well, at least the ones that have good barbers. karamihan kasi ng mga barbero rito sa singapore ay malay. karamihan ng mga malay ay muslim. parang sa pilipinas, ang magagaling na barbero ay mga kapampangan. kaya the next time kang pumasok ng barber shop sa manila at may nagsabi sa iyo na “aw har yu?” eh doon ka na magpagupit. siguradong magaling na barbero yon. at oo nga pala virginia, ang tamang spelling ng “neck tie” sa kapampangan ay “HEN-HEE-SEE-KEE-TEE-HIGH-HEE”.

kung madaan kayo dito sa singapore one of these days, make sure to visit the parks that are scattered all over the island. if you pay close enough attention, mapapansin ninyo ang isang grupo ng mga tao (both young and old) na naglalakad ng paatras. may nagpauso kasi rito ng backward walking as a form of excercise. alam ko, medyo parang gawain ito ng mga siraulo pero ang logic behind this activity ay para daw ma-excercise nila ang mga muscles ng legs nila na hindi ginagamit masyado dahil nga naman ang normal na paglakad ay paabante, hindi paatras.

magiging unano ba akong tulad ni mahal pag matigas ang ulo ko? based sa mga interview ng mga doctor dito sa singapore – wala naman daw effect ang paglakad ng paatras para sa mga muscles sa paa at delikado pa nga raw ito dahil magkakaroon ng strain dahil hindi raw normal ang body movements kung maglalakad ka ng patalikod. isa pa, naisip ko na mas malaki ang posibilidad na mabagok ang ulo mo pag hindi mo nakikita kung saan ka papunta pag naglalakad. pwede rin na masagasaan kayo ng mga nagbibisikletang tulad ko. in any case, patuloy pa rin naglalakad ng paatras ang grupong ito sa mga park hanggang ngayon at nakakatawa silang panoorin. ako’y may idea – gagawa rin ako ng sarili kong group. pero hindi paglalakad ng paatras kundi – paglalakad ng patagilid. tatawigin ko ang barkadahan na ito na “the crab mentalities“. ayos ba? pinoy na pinoy ang dating ano?

naaalala ko tuloy ang bukang bibig ng mommy ko pag nagagalit sa akin nung ako’y bata pa: “hoy batjay, tumugil ka sa kakulitan mo. tumatanda ka yata ng paurong“. for a long time when i was a child, i was bothered by this – ako ba’y babalik sa sinapupunan niya? magiging unano ba akong tulad ni mahal pag matigas ang ulo ko? ang mga unano ba sa circus ay mga batang matitigas ang ulo?

last saturday nag dinner kami sa bahay nina leah at eder. afterwards, nag karaoke kami kasi maganda ang sound system doon. at pagkatapos hinuli kami ng pulis. hehehe. akala ninyo ata nagbibiro ako. you can read about the full story sa blog ni leah: CLICK HERE.

hekshuli, di naman kami hinuli. pumunta lang doon ang pulis dahil may nagreklamo sigurong kapit bahay sa ingay namin. at hekshuli, wala na kami sa bahay nina leah nung dumating ang mga pulis. pero, nakasalubong namin sila sa elevator. masama na nga ang kutob ko nang makita sila. kinanta ko kasi yung walang kamatayang “delilah” ni tom jones. narinig nyo na ba yon? ang hirap nun kantahin dahil mataas at mahahaba ang mga nota. buti na lang mahaba rin ang nota ko praktisado ako. pero nahirapan ako talaga – iniisip ko na nga nung sabado na ipaputol ang isa sa mga betlog ko para maabot ko ang mga mataas na kantang ito.

Read the rest of this entry »

gentle reader: dear unkyel batjay, nakita ko po kayo kagabi sa clinic. ano po ang nangyari?

batjay: ako nga yung nasa clinic kagabi. nagpakapon kasi ako.

gentle reader: aybegyorpardon, ano po yon?

batjay: nagpatanggal ng betlog – nagpakapon. gusto ko kasing sumali sa vienna boy’s choir.

gentle reader: seriously…

batjay: sige na nga – nagpa circumcise ako.

gentle reader: parang yung kay magellan?

batjay: haha – corny. circumnavigate yong ginawa niya. tuli yung sinasabi ko. nagpatuli ako.

gentle reader: seriously…

batjay: ALLERGY – sinumpong na naman ako.

gentle reader: eh di supot pa rin kayo hanggang ngayon?

batjay: ganon na nga. supot na, kamot pa ng kamot.

BIKER BATJAY IN SINGAPORE bukod sa pagluto, pagkain ng breakfast na nakataas ang paa, pagbigkas sa mga tula ni neruda, paglaro ng Xbox, pagkamot sa makating betlog paglinis ng tenga, pagtulog, pagbasa ng kung ano anong bastos na libro at pag chill out with jet, ang highlight ng aking weekend ay ang pag-ikot sa singapore gamit ang aking bisikletang itim. sabi ko nga parati – iba ang exhilaration na nakukuha mo rito. walang ibang katulad ang paghangos ng hangin sa ‘yong mukha (hindi “wind beneath your wings“, gago). napakasarap talaga kahit minsan ay bilad sa araw. kaya siguro medyo kutis betlog na naman ako ngayon. nasubukan nyo na bang mag orgasm na kala mo sasabog ang ulo mo sa sarap? siyempre hindi ganoon yung pakiramdam ng pagbibisikleta. otherwise, lahat tayo ay contestant sa tour de france. but it is close to coming, kaya highly recommended ito para sa mga malamig na babaing aso (“frigid cold bitch” ata ang english translation nito) or para sa mga supot lalaking hindi na tinitigasan.

Read the rest of this entry »