EMPLOYMENT PASS RENEWAL

July 31, 2003

just found out that my employment pass has been renewed by the singapore government. mayron ulit akong permission to work for 3 more years. siyempre, si jet, may dependent’s pass din na 3 years. mukhang nagustuhan nila ang beauty namin at hinabaan ng husto ang aming stay dito.

medyo good news na rin in a way dahil headline ngayon sa isang dyaryo dito sa singapore: “Foreigners took most of the new jobs in recent years”. in the article, parang sinasabi nila na perhaps its time for the government to rethink its position regarding the hiring of foreigners (i.e. send them home, or mas malupit, don’t hire them anymore)

sa mga usap usapan din, maraming akong naririnig na mga reklamo na kinukuha raw ng mga foreigners ang mga trabaho ng mga locals and this study proves that it is indeed happening. pag kausap ko ang mga intsik na kakilala ko, sinasabi nila “ADB raw dito sa singapore ngayon… Ang Daming Bumbay!”

maghihigpit kaya ang gobyerno sa pagpasok ng mga foreign talent? kung na-approve na nila ang employment pass ko eh siguro ang sagot ay hindi. hindi pa.

BACK TO THE DAILY GRIND

July 31, 2003

nandidito na ulit ako sa singapore. balik daily grind. home to office. ride bus, ride train, walk to office. work, coffee break, work, lunch, work, coffee break, work, uwi. walk to train station, ride train, ride bus. office to home.

the first day at work after a trip is always hard. tinatamad akong magtrabaho at madali akong mapikon. gusto ko nang umuwi at mag shower, manood ng news, watch a movie, have dinner at makipagkulitan kay jet.

naiinip ako at kung ano-anong pumapasok sa isip ko: tick tock tick tock… alas singko na ba? ah matagal pa. tick tock tick tock… ayoko talaga ng office work, a desk job for me is like a death sentence. tick tock tick tock… mag resign na kaya ako? tick tock tick tock… ano kayang ginagawa ni jet ngayon? tick tock tick tock… teka muna, pag nag-resign ka ba, saan ka pupunta? tick tock tick tock… kamusta na kaya ang garden ko? tick tock tick tock… sa CHINA ka na lang magtrabaho, di ba may job offer ka doon? tick tock tick tock… bakit ba kanina pa kinakati ang siko ko? tick tock tick tock… may field work ka rin naman dito hindi ba? tick tock tick tock…putangina, gusto kong magbakasyon. pagod nako.

KRRRRRRRRRRRRING!!!! Coffee Break! Makayosi nga muna.

ngayong dinner ay kumain kami sa “beijing qian men quan ju de roast duck restaurant”. itong restaurant na ito ang isa sa pinakamatandang kainan sa beijing. it was founded in 1864 (during the Qing Dynasty), and is, as of this writing, 139 years old.

malaki at maganda ang restaurant na ito at isa lang ang tinda nila: peking duck. kumuha kami ng table sa 2nd floor. for 200 RMB (approximately 1,300 pesos) per head, ikaw ay makakain ng isang (peking dick? hehehe, sorry) peking duck dinner. eto lang ang ganda ng accidental tourist, libre ka na sa byahe, bongga pang pagkain mo. kung personal ang byahe ko eh malamang sa chow king lang ako kakain. o sige, tama nang pang-iinggit. let me proceed…

Read the rest of this entry »

well, i can confirm that some blog sites are blocked in china, particularly, blogspot. pero iyong interactive-X naman ay hindi blocked. may topak rin ang gobyerno rito. di ba nila alam, pag pinipigil, lalong nang gigigil. di rin naman effective ang blocking dahil, pwede siguro i-bypass ito by hosting your site outside of blogger.com, or better yet, find another blog provider.

isa pang may topak eh yung mga nag coup sa maynila. ang TATANGA talaga ng mga sundalong ito . gagawa lang ng gulo, walang kaplano plano. dapat sa inyo eh, tanggalan ng baril at hamunin ng suntukan. o ano, laban kayo pag walang baril? ha? ha? mga bobo!

narito na ako sa hotel after spending the whole day with lau, vivien and tien. nagpunta kami sa “zhouzhuang”, isang traditional at very ancient chinese town sa labas ng shanghai. according to the brochure, this town was founded in 1086 (wow!) by a guy named zhou di and has been functioning for the past 900 years.

SHANGHAI-2003-087

the town is commonly called as the “venice of the far east” because it is surrounded by canals. mayron din silang mga gondola, at ang mga boatwomen (tama ka, mga babae ang mga capitan ng bangka) ay kumakanta rin. hindi na kami sumakay at baka mapakanta lang ako ng “sana’y wala nang wakas” kasi naalala kita eh.

SHANGHAI-2003-045

na-preserve nilang halos lahat ng mga bahay sa town at ang ganda. pakiramdam ko eh ako si jet li na naglalakad sa isang siyadad na nakalimutan na nang panahon sa pelikulang “once upon a time in china part 45” (cousin yi! cousin yi! hehehe). lahat ng mga maliliit na shop eh may mga abubot na tinitinda at kung kasama lang sana kita eh ang dami nating mabibili na mga walang kwentang bagay na pwedeng idisplay sa bahay.

binili kita ng isang abubot na pwedeng ilagay sa collection mo. ibinili ka rin ni vivien nang isang porcelein na music box na may kasama pang dedication na “tell jet i miss her so much! i want her to come to shanghai so we can go out together for shopping!”. pag punta raw natin sa hainan sa october ay dumaan daw tayo sa shanghai para maipasyal ka niya.

si tien ay masarap na ngayong kasama dahil ang daldal na niya. parati pang naglalambing at parati kang hinahanap sa akin. uuwi raw siya sa singapore para makita ka niya. hehehe… 3 years old na rin ang bata at pag kinakausap ako eh english na may halong mandarin.

SHANGHAI-2003-077

nag-usap na kami ni tom at nagpasyal raw siyang mag-isa sa forbidden city ngayong umaga. malamang ay nasa silk street sila ngayon nina gk at namimili ng mga damit at souvenier. sana makapasyal din siya sa great wall para masulit ang trip niya from the us.

bukas ay diretso na kami ni lau sa beijing. alis kami rito sa hotel ng 6:45 at ang flight namin at 8:00 am. medyo maaga pero ok na rin yon para di masyadong mainit. nag bilad ako ngayong araw na ito sa init at kutis betlog na naman ako. hehehe… dating kami doon ng mga past 10 siguro at maghahanda na kami sa conference. after tuesday ay tapos nang china leg at…. tantararan! magkikita na ulit tayo ng wednesday!!! yehey! miss na miss na kita eh.

sige my lab. ingat ka na lang diyan. huwag magpapagod at magpupuyat masyado. till wednesday. lab-U!

itong past month that i’ve been travelling, i find myself turning into a news junkie even more. spending all this time in hotel rooms, the only game in town is watching tv or reading or working on my pc. if its tv, kadalasan BBC or CNN. i’ve been watching too much news that i’m starting to develop opinions about the newscasters themselves. mayron na akong “my favorite accent” at saka “o shit it’s him again” o kaya “tanginang badhair day hairdo mo sister”. kaya lang itong past two days, medyo nakakadiri ang balita. every 5 minutes they show pictures of 2 dead bodies in every angle imaginable. it’s like watching “night of the living dead”. kulang na lang, ipakita ang mga bituka at ngala-ngala eh.

Read the rest of this entry »

ISTATISTIKS

July 26, 2003

temperature. yesterday was supposed to be the hottest day in shanghai in 60 years. sabi sa dyaryo, 39.6 deg C raw kahapon. sabi naman nung kasama kong intsik na medyo jaded eh, di raw umaangat ang temperature sa shanghai ng 40. may law kasi rito sa shanghai na automatic holiday sa buong city when the temperature goes over 40. kaya ang ginagawa raw ng gobyerno ay hanggang 39 point something lang – higher than 39 but never over 40, para di matigil ang trabaho. sa tingin ko eh baka nga mas mataas pa – beterano na ako sa panahon sa singapore, manila at india. i am almost sure that it was over 40 yesterday. kagabi, lumabas ako sa terrace ng bahay ni lau to smoke: parang blast furnace pag bukas ko ng pinto. oh and by the way, this was 10 pm in the evening.

celebrities. maraming celebrities ang nasa china ngayon. si tony blair at si jay david ay nasa shanghai ngayong week. si david beckham, ronaldo, zidane, si raul-0, ang buong real madrid at si jay david ay nasa beijing next week. hehehe. umaangat nang antas ng buhay rito. may mga enrichment programs nang ginagawa ang china para sumaya ang mga citizens niya. NBA star, yao ming, nga pala is from shanghai and the people here are really proud of their native son who is here, by the way, for a series of exhibition games.

accidents. in the first half of this year, there were 27,221 road accidents in shanghai. i guess this is a reflection of the drivers and pedestrians here. may pagka reckless din kasi ang mga drivers dito. di naman ako nagugulat dahil pag nasa sasakyan ako eh pakiramdam ko, parang nasa maynila lang ako. ang kinagugulat ko eh yung lakas ng loob ng mga nagbibisikleta at yung mga pedestrians na tumawid sa mga kalye na walang tingin tingin. parang “bahala nang diyos, tatawid ako and i’m expecting the vehicles to stop so i can cross the street” kind of mentality.

population. 13 million lang pala ang population ng shanghai, hindi 30 as i originally thought i heard. more than 4 times larger than singapore. this balloons to 14 million plus during the day time dahil maraming mga chinese ang pumapasok dito sa city to work. di rin basta basta makakapagtrabaho ang mga outsiders dito, and even more difficult ang lumipat ang mga hindi taga rito. may mga permits na kailangan so the non shanghainese can work or live, or work and live here. i guess, it’s their way to control the population of the big cities like shanghai. sabi nga ni lau, pag may bisita raw na VIP dito sa shanghai or beijing, may mga pulis raw na nakaabang sa mga train station to temporarily send away all the chinese migrant workers.

bagyo. typhoon “eym-bow-dow” (imbudo, GAGO! BOBO talagang white weatherman, sasabihin mo lang ang pangalan na tagalog ng bagyo, di mo pa mapronouce maigi) anyway, typhoon imbudo wrecked more than 1 billion yuan worth of property when it lashed through southwest china this week.

o yan, halata bang nagbasa ako ng dyaryo habang kumakain ng breakfast? hehehe…

HELLO FROM CHINA MYLAB!

July 25, 2003

hello my lab. nandito ako ngayon sa shanghai office at nakikigamit ng computer. kinakamusta lang kita… sana ay nasa mabuti kang kalagayan at hindi masyadong malungkot. alam ko naman na pinasasaya ka ng mga online friends mo. may email nga pala si alma. nasagot mo na ba siya?

sinilip ko ang blog site natin dito at wala talagang access. sa tingin ko eh blocked ito sa china – siguro maraming mga blog site na against the government kaya hinarang nila lahat ng mga may website extension na “blogspot.com” – sinubukan ko na sa lahat ng mga iba ibang ISP, harang talaga. di ako tuloy makapag padala sa iyo ng message. ang nakakatawa rito ay nakakapag blog ako through blogger.com pero di ko mapuntahan ang site sa blogspot.com – iniisip ko baka somewhere in the blogger world eh may site na…

“mao-tse-tung-is-a-pickled-relic.blogspot.com”

anyway, naglunch kami kanina at umuwi na si steve pabalik sa states. si tom naman ang on the way to beijing at magkikita kami sa weenend. ok naman si steve at masarap ding kasama. di rin siya umuurong sa mga asian food. tingnan natin si tom sa beijing kung makakain ng mga pritong bulate, tipaklong at scorpion.

sige mylab, ingat ka na lang diyan. have a nice weekend at ilang araw na lang uuwi na ako. weekend:ano bang gagawin namin dito? di ko alam kung anong hinanda ni lau para sa amin. siguro pasyal o kaya shopping. tingnan na lang natin. binili nga pala ako ni lau ng golf set. mura lang at maganda ang quality na fake callaway. yung halagang $3000 na original eh $200 lang dito na copy. bayaran ko na lang daw pag may pera ako. sabi ko thank you, sabay kuha sa set. may bag itong kasama at travelling case.

lab-U!
jay

third day ko sa shanghai, di pa rin ako nakakakain ng lumpia. pero ok lang yon, natapos na rin naman ang trabaho namin. nandito lang ako sa hotel buong araw. buti na rin – tanginang init ngayon dito. kung bakit kasi summer pa ginawa ang conference na ito eh. lumabas kami for drinks kanina at super init. pinagpapawisan pati singit ko. literally, shitdapwetnamalagkit.

Read the rest of this entry »

nothing special happened today in shanghai. busy kaming lahat sa preparation ng conference namin at buong araw akong nasa loob ng conference room. medyo pagod at masakit ang paa dahil halos buong araw nakatayo. enjoy lang ako dahil nakasama ko ang mga officemates kong chinese at tuwang tuwa silang nagtuturo sa akin ng mga bastos na salitang intsik. hehehe… kung bakit mga curse words ang parati mung unang natutunan na foreign words. universal ata ito eh – kung may aliens siguro na taga ibang planeta ang mag landing sa ating mundo, mga mura siguro ang una nilang matutunan.

Read the rest of this entry »

nandito na ako sa shanghai. nag-aaral gumawa ng lumpia.

ang bantot ng katabi ko kanina sa eroplano. bwisit talaga – minsan pag sinuswerta ka talaga oo. parang may nag gigisa ng sibuyas sa tabi ko. hehehe. kaya mahal na mahal kong mga pinoy eh: kahit below freezing na eh naliligo pa rin araw-araw. o sige tama na – baka mapagbintangan pa akong

mainit ngayon dito. siguro dahil nasa tabi ng dagat eh medyo humid din. ang dating ng panahon ay parang nasa singapore pa rin ako. literally and fuguratively, shanghai is HOT. probably more than beijing, shanghai is the center of business in china. karamihan ng mga headquarters ng mga multinational corporations ay narito. kung kaya’t parang magnet ang siyudad na ito sa mga chinese. ang sabi sa akin eh 30 million ang population ng shanghai. tutuo kaya ito? parang sobrang dami ata. mataas ang standard of living ng shanghai compared to the other chinese cities. talagang cosmopolitan ang dating niya at di mo masasabi na communist country ang china pag narito ka. maraming matataas na building, maraming mga luxury cars, maraming mga kainan at inuman. kahit saan ka tumingin ay may mga ginagawang mga bagong structures – tulay, kalye, building. ang biro nga ng mga taga rito eh – shanghai, daw, changes its look every month. kung mawala ka raw ng isang buwan dito, pag balik mo di mo na makikilala.

ang paborito kong tanawin dito ay iyung mga office buildings. parang may contest dito sa shanghai sa pinaka out of this world shape na design. may patulis, may pahaba, may manipis, may korteng triangle, mayrong may mga bilog sa taas, may mga tagilid pa nga ata eh. yung skyline tuloy ng shanghai ay parang science fiction movie. ang galing.

FISHERMAN'S VILLAGE

July 21, 2003

kagabi, pumunta kami ni jet sa fisherman’s village sa pasir ris park. kasama namin si antonia at sharon, at yung aming bagong kaibigan na sina leah at eder. si leah ay isang pinay na singaporean citizen at asawa niya si eder. masarap silang kasama, cool na cool lang ang dating nila. si antonia naman ay dati kong officemate at kayosi. kahit singaporean chinese, eh napakatakaw niya sa adobo ni jet. hehehe… minsan kinulang nga ang kanin namin sa bahay dahil sa kanya eh. si sharon naman ay dj sa isa sa mga radio stations dito sa singapore.

nakilala namin si leah dahil nag-comment siya minsan sa isa kong kwento. simula nuon ay nagkausap na rin sila ni jet and the rest, as they say, is herstory. believe it or don’t, in 2 years dito sa singapore, sila pa lang ang pinoy na nakasama namin na lumabas. ewan ko ba, mahiyain kasi kami eh (lalo na pag walang suot na damit. hehehe). masarap talagang makipagkulitan sa mga kapwa pinoy, yung sense of humor kasi natin eh minsan di nasasakyan ng mga tagarito.

mayrong bandang pinoy na tumutugtog sa beach kagabi. pagkaupo namin ay nagsimula ang set nila. laking tuwa ko dahil una nilang kanta eh cover version ng “honky tonk woman” ng stones. “rock and roll!!!”, ang bulong ko, “this is going to be a great evening”. and it was.

PABORITO KONG EPITAPH

July 21, 2003

HERE LIES AN ATHEIST
ALL DRESSED UP
AND NO PLACE TO GO

1. Batman: Manbat
2. Batman: Year One
3. Batman: The Dark Knight Returns
4. Death: at Death’s Door
5. Preacher: Until the End of the World
6. Preacher: Proud Americans

pesensya na, ngayon ko lang na-e-enjoy. medyo kasi nahinto ang pagbasa ko sa comics nung bata ako eh. ngayon lang bumabawi.

The Matrix Reloaded + IMAX = bwakanginangyan, ang galing! the only place still showing “the matrix reloaded” in singapore is the Golden Village IMAX Cinema inside the Great World City. buti na lang at naging busy ako at ngayon lang nagka oras manood. watching “The Matrix Reloaded: The IMAX Experience” was the best theater experience i have ever had. man, i was really entertained.ibang klase ang IMAX experience: big and soft cushion seats, malaking leg room, unobstructed view of the eight story high screen (kitang kita ko ang mga tagyawat ni keanu), 12000 watts of digital surround sound, malinis na sinehan, mabait na staff…sulit ang bayad.

paborito kong epitaph

here lies ang atheist

all dressed up

but nowhere to go

mayron bagong securty guard sa opis namin. long hair, may malaking tinted na reading glasses. either malay siya or bumbay, or maybe a mix of both. kamukha niya si Roy Orbison. bihisan ko lang siya ng itim na amerikana, pwede nang pakantahin ng “only the lonely”, “crying” at “pretty woman”.

idol ko si roy orbison. paborito din siya ng halos lahat ng mga paborito kong rockers, in particular, the beatles, who toured with roy orbison in the 60’s. kung titingnan mo yung mga early mtv ng beatles, yung shades ni john lennon ay pareho ng kay orbison. sa isang interview, paul was talking about how roy started composing “pretty woman” at the back of a bus while he was touring in england with the beatles. “please, please me” was inspired by roy and later on when they were touring, their song writing really became competitive. the stones also loved orbison and “pretty woman” inspired them to write “i can’t get no satisfaction”.

maganda ang panahon ngayong araw na ito sa singapore. maulap at malakas ang hangin na may konting ambon. parang panahon sa tagaytay. gusto ko nang umuwi kanina para makatulog ng kaunti.

ginawa ko na lang, in honor of this great windy day, ay pinatugtog ang “your wildest dreams” ng moody blues sa pc ko. wala lang – ito kasi yung laman ng cd sa kotse nung nag bakasyon kami ni jet a long time ago at paulit-ulit naming pinapatugtog habang paakyat-pababa sa bundok ng tagaytay .

i remember the first time i heard the moody blues. i was 11 years old and this was sometime in the late 70’s. nasa bahay ako ng mga auntie ko sa pasay at pinasahan ako ni dante ng “in search of the lost chord”. nakalimutan ko na yung mga cuts dito, pero what i remember is the great artwork of the LP and the admonition of my tiyong amon nung marinig nya yung mga kanta – “tangnang aga-aga, kung ano anong katarantaduhan ang pinapatugtog nyo!“. hehehe. rock and roll!

happy birthday to my brother dante. birthday nya kahapon.

if your name is dubya, try this link: Cannot find Weapons of Mass Destruction… hehehe. hoy georgie boy, fucking hilarious, don’t you think?

LONDON, England (Reuters) — A Web site lampooning the United States’ inability to locate weapons of mass destruction in Iraq has become one of the biggest hits on the Internet.

The site, which is designed to look like a genuine error message — replete with “bomb” icon — is the top result when “weapons of mass destruction” is entered into one of the Web’s top search engines, Google.com

AGE CHECK POP QUIZ

July 15, 2003

o sige, mag check tayo ng mga edad…

1. sino ang artistang lead character ng hit TV series na “The Six Million Dollar Man”?

2. sino ang ex-wife niyang member ng “charlie’s angels”?

3. sino ang babaeng lead ng “the bionic woman”?

4. sino ang bida sa tang-ta-rang-tang na kalbong pinoy comedian?

Q: what have i finished reading?
A: really old comic books

“Ronin” by frank miller. its release (20 years ago) was a graphic novel milestone. probably where some ideas on the matrix story came from, i’m not sure.

“Preacher: Gone to Texas” by garth ennis and steve dillon. hmmm… kung tatanungin mo sa akin kung may patayan dito sa comics na ito. hehehe… mayron. marami. definitely for mature readers only. it’s gory, it’s bloody, it’s violent, it’s really good. click the links above and read the reviews, tinatamad akong mag kwento eh.

and so, last weekend, in between taking naps and sleeping, i finished these two comic books. antonia came over last sunday afternoon for lunch. but other than than that, jet (bless her), just let me rest for the whole two days. one moment i’m watching tv, the next moment, it’s already 1 AM and i missed “ocean’s 11” and “six feet under” (that’s 4 hours i spent in front of the tv without really watching. dang). tapos, in that state between waking up and sleeping, i read the comic books. this is the way to read, when you’re in dreamland but already awake (or vice versa: you’re awake but still asleep). somehow, the stories seem more vivid.

i used to do this a lot when i was watching the mangga classic “ghost in the shell” on DVD. i come home from work and am very tired, switch on the DVD and let the cartoon put me to sleep. galing. next day, i do it again, and agan… until i eventually finished the damn anime. isa pa itong movie na ito na nag influence ng matrix story.

what i’m (still) currently reading:
a cook’s tour by tony bourdain

POSTSCRIPT

July 14, 2003

ok, so mahilig tayong mga asians na kumain ng mga exotic animal parts, pero don’t you think we are going into extremes when people start eating their own penis.

siguro gusto niyang maging soprano.

LONGGANISANG TUTUO

July 14, 2003

here i am back in singapore, riding the bus and train on the way to work. picking up the free newspaper at the train station so i won’t get bored on the 45 minutes that it takes me to travel from home to office.

inside the train: there i am, reading the weird news that once in a while pops up in the otherwise boring singapore newspapers…. whoa!!!! mahalagang weirdong balita ito: isang lalaki sa malaysia ang pumutol, nagluto at kumain ng sarili niyang pagkalalaki kahapon.

kundi ba naman sira ulo! puputol lang ng tarugo eh linggo pa ginawa. GAGO!

post conference lunch namin kanina. nagpakain ang opisina in celebration for the success of the conference yesterday. pumunta kami sa isang halal indonesian-thai restaurant at isa sa mga inorder namin ay curry fish head. pag lapag sa mesa, yung kasama naming tatlong babae eh nag-uunahan doon sa mata ng isda. hehehe… kakatawa tayong mga asians, walang kiyeme sa pagkain ng mga exotic animal parts.

pero teka, kagabi, si tom at si ceci (na mga amerikano) eh kumain din ng “drunken prawns”…ito yung buhay na hipong nilasing sa whiskey at kakainin mong gumagalaw-galaw pa.

POST CONFERENCE DINNER

July 10, 2003

tapos na yung user conference namin dito sa singapore at iniwan na namin kanina sina ceci at tom sa kanilang hotel. pero nag dinner kami at sinama ko si jet para naman makaharap niya ang mga bagong kaibigan ko. bukas lilipad na sila pabalik sa america.

nakakalungkot din. magkakasama kami ng 2 linggo at wala lang… ngayon lang ako talaga nag enjoy sa trabaho ko. it brings back memories of the days when i was working with a group of people whom i respected and whose company i loved. ceci, tom, gk and norman: they are that kind of people. they work their butts off when its time to work but they find humor in every situation. yeah, kinda like me. hehehe. i look forward to the day when we can work together again.

be safe guys, till next time.

miyerkoles ng umaga… nandito na ulit ako sa singapore sa piling ng saging ni jet.

hirap talagang mag hanap buhay. kahapon lang eh nasa perth kami at nag bibigay ng isang conference. byahe ng overnight para sa preparations mamaya. bukas naman ay ang singapore version. ang maganda lang sa akin ay madali akong makatulog. kaya kanina, di pa nag take-off ang eroplano eh tulog na ako. pag gising ko eh preparation na for landing sa singapore. binibilang ko yung oras na gising ako sa eroplano… 20 minutes out of the alomost 6 hours na flight. di na masama ito. hehehe.

tumiwalag na ang isa sa grupo namin – si norman ay kasalukuyang nasa eroplano ngayon pabalik ng sydney. iniwan na namin ni gk sina ceci at tom sa hotel nila at magkikita mamayang lunch time. pahinga muna ng 2 oras, tapos trabaho na ulit. in the meantime, quality time muna dito sa bahay with mylab.

PERTH-2003-005

My partners in crime for the Australian User Conference: Norman, the country manager for Australia. Really funny guy, kind hearted and a good companion. He is a Chinese South African who’s now an Australian Citizen. Ceci is a Fil-American, really good and realiable. She has been instrumental in making this event a success. Then there is Tom, our Marketing Manager who is also based in the US. GK is not in the picture but he has been my idol during the conference and I have been very impressed with the depth of his knowledge. Pag laki ko, gagayahin ko siya.

This week, the four of us have been working as a great well oiled team. Isang maganda sa kanila eh lahat sila ay kwela. Ang laking bagay nito lalo na’t on the road kayo at ang tanging bagay lang na nakakapagpaluwag sa lahat ay ang mga biruan at tawanan habang walang ginagawa.

I have been fortunate to be part of this team in Australia and it has been a very successful week for us. Tomorrow is our conference proper here in Perth then we fly to Singapore for our last set. By Friday, they will fly back to the US and I will probably be with GK when we do the same thing in China before the end of the month.

Wednesday ng umaga ay nasa Singapore na ulit ako at makakasama na ulit si Jet.

Perth, the city besides the Swan River. Unpretentious and simple, about 2 million people call it home. This is the last leg of our Australian Tour and I do not mind ending our Aussie activities here.

PERTH-2003-002

Medyo malamig ngayon. Dumating kami kaninang hapon from Sydney. Limang oras din ang byahe – swabe naman at dahil medyo nakakainip sa eroplano, kinulit namin nina Ceci at Tom ang mga stewardess sa pamamagitan ng malimit na pagkanta, pagsayaw, pagtawa at paghingi ng libreng ice cream. Sikat nga kami sa buong eroplano at muntik na kaming palakpakan sabay tadyak. hehehe.

Pagka-landing, diretso kami sa hotel at pagkapahinga ng kaunti ay lumabas kami para maghanap ng makakainan sa syudad. Ang isang maganda sa malamig na lugar eh pwede kang maglakad ng buong araw at di mo mararamdaman ang pagod. Kanina ay naglakad kami simula alas singko hanggang alas siyete at dahil maganda ang panahon, di mo alam, ang layo na pala ng nalakad mo. Nagsimula kami sa isang park overlooking the city at natapos kami sa mismong kainan sa may siyudad.

PERTH-2003-011

Nag dinner kami sa isang Indian Restaurant na may may-aring Intsik. Paano nangyari ito eh di ko na naitanong. Pwede na rin ang lasa… siyempre hindi kasing sarap ng mga kinakainan namin sa India. Bukas haharap na kami sa aming host para ayusin na ang conference details. Medyo nadagdagan ang aking responsibility – ok lang naman iyon dahil lahat naman kami ay may additional work. Aral lang ngayong gabi…

PERTH-2003-001

Habang sinusulat ko ito eh nakaharap ako sa bintana ng aking hotel room, pinagmamasdan ang mga ilaw sa magandang syudad ng Perth at humihiling na sana ay madala ko rin dito minsan si Jet. Nakausap ko siya kanina at medyo parang wala sa mood. Wala naman akong magawa kundi tumingin ulit sa bintana at mag buntong hininga. Pagod lang siguro siyang tulad ko.

ok ang araw na ito. rest day namin at lumabas kami kanina. maganda ang panahon ngayon, maaraw at di masyadong malamig. pagtapos ng breakfast ay sinundo kami ni norman at pumunta kami sa koala park.

AU-2003-020

parang mini zoo ito at maraming mga australian animals ang makikita rito. may koala ba? hehehe… halatang obvious naman sa title pa lang. ok itong zoo na ito dahil maraming mga free roaming na hayup… maraming mga kangaroo at koala’s na gumagala sa park grounds at pwede mong lapitan at pakainin. may nakita pa nga akong isang lalaking na tumatakbo dahil hinahabol siya ng kanyang asawang sumisigaw nang “hayup ka! hayup ka talaga! taksil! (ang corny ko, ano ba yan). pero enjoy talaga ako rito.

after the park, sinundo namin si le-an at nag lunch kami sa seafood market. Habang hinihintay naming si le-an ay tumambay muna kami sa isang park bench sa labas ng opsina. Mala forest gump nga ang posing ko eh. If life is a bunch of cherries… ano ang cherry sa tagalog?

AU-2003-034

masarap kumain sa seafood market, medyo similar ito sa pike market sa seattle. umoder kami ng seafood platter. kumpleto recado – may octopus, mussles, talaba, hipon, isda at sangkatutak na chips. reasonable naman ang mga presyo at masarap ang pagkain.

AU-2003-063

after lunch, umakyat kami sa sydney harbor bridge. Isa sa mga pylons ng tulay ay pwede mong akyatin. Sa taas nito ay makikita mo yung paligid ng Sydney harbor. Maganda rito at dahil walang masyadong pollution sa Sydney eh malayo ang visibility at kitang kita mo ang buong paligid. After the bridge eh tuloy kami sa opera house.

AU-2003-081

on the way to the opera house from the harbor bridge ay dock at marasap maglakad dito. Malamig ang panahon kaya di masyadong nakakapagod. Maraming tao sa opera house, karamihan ay mga turistang tulad namin na paikot ikot na parang tanga sa labas. Hehehe.

AU-2003-085

etong group picture namin. Apat na sikat na mga organizers ng exhibition at user conference sa Sydney. Si GK ang aking kasama sa Singapore ay umuwi. Magkikita na lang kami sa Perth sa lunes ng hapon.

AU-2003-078

Habang pauwi ay dumaan kami sa isang tiangge. Maraming mga tinda rito. Masarap sanang bumila ng mga abubot kaya lang pagod na ako at malapit nang magdilim.

Kumain kami sa isang South African steak house malapit sa bahay nina Norman. Kami kami pa rin sama ng mga anak nina Norman at Le-an. Dito natapos ang aming araw… isang steak at ribs dinner na sa sobrang laki eh di ko naubos. Bukas ay lipad na kami sa Perth.

Good bye Sydney – you are one hell of a city. I wish one day to show Jet what you have to offer. Sa lahat ng mga travel ko rito sa Asia-Pacific, isa ang Sydney sa paborito ko. Sa architecture, sa pagkain, sa pulso at galaw ng mga tao, bow ako sa iyo.

WWSydney-071

group picture ng staff sa conference namin. siyempre pag ganitong user conference ay kailangan identiafiable agad ang mga bida… kung kaya, orange ang kulay na mga t-shirt namin. actually, maganda siya at bagay na bagay sa kutis betlog ko.