christmas break namin ngayon. sarap nga eh – nakabakasyon ako from december 24 hanggang january 3. kung di lang mahal ang pamasahe eh di sana nasa pilipinas kami ngayon. pero ok na rin, nakapag pahinga kahit paano. ang isang maganda rito sa california eh ang dami mong magagawa. kaninang umaga nga nag bisikleta ako sa park malapit dito sa bahay. ay oo nga pala, mayroon akong bagong bike. christmas gift ni jet sa akin. mas maganda kaysa doon sa dati kong bike sa singapore. racer ang kinuha ko this time – “Specialized Tricross Sport Double” ang kumpletong pangalan. fancy smanzy ano? ang ibig sabihin ata nito eh bisikletang pwede mong gamitin kahit saang kalye (hekshuli, kahit walang kalye ay pwede rin). gagamitin ko nga ito sa pagpasok sa opisina. mayroon kasing incentive sa amin – if you bike to work, mayroon kang dagdag sa sweldo. parang binibigyan nila ng encouragement yung mga empleyado na magkaroon ng active life style. itatanong ko nga kung mas malaki ang allowance kapag nagbibisikleta na nagjajakol pa.

Read the rest of this entry »

Advertisements

prior to last weekend, hind pa ako nakakarating sa las vegas. ever. marami akong image nito simula nang mapanood kong na nagsasayaw si da king at ann margaret sa pelikula. nadagdagan pa ng mabasa ko’t mapanood ang godfather ni puzo at coppola. at last week nga na devirginize ako sa vegas. teka nga let me rephrase that: nakarating na rin ako sa wakas sa las vegas. it was everything i expected it to be: vulgar, loud, obscene and in your face. i loved it. habang gumagala nga sa strip, panay ang tingin ko sa paligid. pilit kong hinahanap yung suicidal alcoholic character na kamukha ni nicholas cage na kasama yung prostitue character na kamukha ni elizabeth shue.

Read the rest of this entry »

VIVA LAS VEGAS!

October 13, 2005

vivalasvegas-032vivalasvegas-030vivalasvegas-027vivalasvegas-026vivalasvegas-025vivalasvegas-024vivalasvegas-023vivalasvegas-022vivalasvegas-021vivalasvegas-020vivalasvegas-041vivalasvegas-040vivalasvegas-039vivalasvegas-038vivalasvegas-037vivalasvegas-036vivalasvegas-035vivalasvegas-034

kung nasa bintan, indonesia kayo nung sabado ng hapon at may nakita kayong isang lalaking tumalon mula sa itaas ng bangka papunta sa beach at sumemplang sa tubig dagat, pagulong gulong pa at tumihaya ang dalawang paang nakaturo sa langit – ako yon.

bwakanginangyan. basa ang cellphone at digital camera ko. ayun, hindi na umaandar pareho.

I THIRST

March 27, 2005

SIDEWAYS pag umaalis ako, parati akong may binibili or may dinadalang libro. this easter weekend, nag short break kami sa kuala lumpur nina eder, ronald at christine. naroon na si leah kaya mineet na lang namin siya roon. binili ko ang “sideways” sa isang bookstore sa KL dahil gusto kong makita how it compares with the movie. yung movie version ay napanood ko na ata ng tatlong beses sa eroplano nung nagpunta kami ni jet sa US last january at talagang nag enjoy ako sa storya at sa magaling na pag arte ng aking idol na si paul “pig vomit” giamatti. nasa first chapter pa lang ako and it looks really promising. sigurado akong dadalhin ko ito sa trip ko next week sa india. anyway, balik tayo sa malaysia. alam mo, ayokong sabihin dahil naiinis ako – ang gandang pasyalan ng kuala lumpur. maraming mapupuntahan, may pulso ang KL na buhay na buhay at ang daming mga turista. sana, ang isip isip ko… sana ganoon din sa pilipinas, sana tourist friendly ding tulad niya. simple lang naman ang kailangan gawin para ma achieve ito – make the place safe, alisin ang mga hustlers and clean up. everything else will follow. balik tayo sa trip: masaya naman ako sa weekend sa KL pero hindi totally masaya kasi hindi ko kasama si jet. pero, like everything else in life, you make the best out of what you have. buti na lang at ok ang mga kasama ko. kaya ayun ka holding hands ko eh dalawang barako. hehe.

Read the rest of this entry »

BATJAY IN SEOUL KOREA

February 14, 2005

happy valentines day mylab. di naman natin ito sinecelebrate pero ganon pa man…. i’m here in seoul for an hour or so. i really am having a bad day – siguro mas bad pa nga sa kung ako ay isa sa mga siamese twins, ang kakambal ko ay bakla and we share the same pwet. malayo ka kasi sa akin eh. ang consuelo de bobo ko lang mylab ay mabigat pa rin ang sipon ko. kahit amoy bulok na langka ang katabi ko ay wa epek dahil wala akong pang-amoy. ako nga yata ang gumaganiti for all those times na tayo ang nasa smelling end dahil kanina pa ako utot ng utot sa eroplano. di ko alam kung mabaho dahil, like i’ve said, wala nga akong pang-amoy.

kanina sa pagsakay ko sa eroplano sa san francisco, bigla akong nakaramdam ng matinding lungkot nang marinig kong nagsasalita ang mga pasahero sa kanilang typical singaporean accents. kakahiwalay pa lang natin ng ilang minuto, pakiramdam ko ay milya milya na ang layo ko sa iyo. miss na miss kita. pero if you have to do this then we do it the right way as you say. tiisin mo na lang. narito lang naman ako. and who knows… in 2 weeks time, i’ll be there again. lab U!

ANG DILA NA TINUBUAN NG MUKHA

February 11, 2005

ANG DAHILAN KUNG BAKIT MALAKAS ANG APPEAL NI BATJAY SA MGA KABABAIHAN hindi naman yan nadadaan sa pagandahan ng lalaki (although kyut din ako). ang sikreto kung paano mapapalapit sa opposite sex ay nasa haba ng dila. siguradong magpapatanggal ito ng itim sa mata ng mga kababaihan. hehehe. nung araw, may kasabihan na ang mga bisaya raw make the best boyfriends kasi matitigas ang mga dila nila pag nagtagalog. paano ba yan, bisaya rin ako. matigas na ang dila eh super haba pa. daig ko pa si idol gene simmons ano? naalala ko tuloy yung kwento ng isa kong kabarkada – heto medyo related pero off topic (tungkol din naman sa body parts so bear with me). sabi niya, kung kaya raw niyang i-blow job ang sarili niya eh hindi na raw niya kailangang magpakasal. naku, titigil na ako. ganito pala pag may lagnat kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. papunta na kami ng sacramento bukas. nagpapagaling lang ako rito sa modesto – hopefully bukas ay pwede na ulit akong humarabas. isang oras lang naman ang byahe papunta roon.

MODESTO, CALIFORNIA

February 10, 2005

narito na kami sa modesto, ang bayan in between sacramento and san francisco. mahaba haba ring byehe from los angeles. nagsimula kami ng mga 6:30 am kahapon at nakarating ng mga 1:00 pm. hindi na rin masama considering na masama ang traffic sa LA. medyo nahirapan lang ako dahil bigla akong sinumpong ng ubo at sipon. siguro dahil na rin sa pagod ng sobrang pagmaneho. nung byahe nga eh barado ang dalawang butas ng ilong ko at humihinga ako sa bibig. yung tunog na lumalabas sa bibig ko ay parang lalaking kakatapos lang mag orgasm.

UNIVERSAL STUDIOS CALIFORNIA

February 7, 2005

UNIVERSAL STUDIOS WITH ATE SIENNA AND JET nag punta kami ng universal studios ngayon nina jet at ate sienna. enjoy na enjoy kaming nakipaghabulan sa mga mascot doon. naroon si woody woodpecker (tinanong ko nga kung malaki ang pecker niya eh), si tommy ng rugrats, si idol kong beetlejuice, at ang mga paborito kong super heroes (and villains) na sina captain america, storm, green goblin at ang pinaka cool sa lahat – si spiderman. binigay ni jet kay spiderman ang spideman kong laruan. pinaglaraun naman ni spiderman si spiderman ko (please see picture). nakita ito ni captain america at biglang sumigaw ng – “hey spiderman, stop playing with yourself”. TAWANAN ng malakas lahat ng mga tao sa universal studios. i shit you not, this acutally happened today.

REDONDO BEACH, CALIFORNIA

February 6, 2005

REDONDO BEACH WITH JET, ATE SIENNA AND G saturday morning and our first day in LA, nagpunta kami sa redondo beach nina jet at ninang kong si ate sienna para kumain ng parang wala nang bukas makipagkita kay g – ang bagong miyembro ng pansitan na dito rin nakabase. sige na nga, kumain talaga kami na parang wala nang bukas. hehehe. masarap kasi ang seafood sa redondo beach at tangina, umandar na naman ang seefood diet ko (ie, when i see food, i order it). apat lang kaming kumain pero good for fifteen ata ang kinuha namin. mayroon kaming lobster, pritong tilapia, shrimps, lobster, sashimi, oysters, lobster, chips, rice, katakut takot na sauce at nabanggit ko na ba na may lobster? hehe. ang tangkad pala ni g, mestisahin at ang galing pang mag english. BWAHAHAHA. siyempre dito na siya pinanganak eh. nabulol tuloy ako sa pagsalita dahil kung saan saan ko hinanap ang english ko. parang lumabas tuloy ang cebuano-kapampangan english accent ko pag nagsasalita. pero sa tutuo lang, the redondo beach lunch was the best meal i had since arriving here. sariwa ang sea food doon at reasonable ang price. at ang pinaka importante sa lahat ay kasama kong kumain doon ay mga tunay na tao – magaganda, mababait at napakalakas kumain. BWAHAHAHA. salamat g (thanks for the gifts as well) and ate sienna for taking us around redondo beach. jet and i had a blast!

PANSITAN NI ATE SIENNA

February 5, 2005

PEBBLE BEACH narito na kami sa pansitan ni ate sienna. ang sarap ng pansit dito. sariwang sariwa. hehehe. gumawa si ninang ko ng sushi at sashimi. nagluto rin siya ng paksiw na isda at sinigang na baboy. ang sarap man. maraming salamat ninang. ang bait mo talaga. salamat din kina don andres, maricel at si daisy na kasama namin dito ngayong gabi. bago kami nakarating sa pansitan ay nagbyahe muna kami ng pagkalayo layo. nagsimula kami sa monterey kung saan kami natulog kagabi at bumaba ng los angeles. mga pitong oras din. balagong nga ako dahil yung navigator kong si mylab jet eh tulog ng tulog. inggit na inggit nga ako at parang gusto ko ring matulog kaya lang baka mabangga ang kotse. hehehe. sa susunod, pag nagmamaneho ako at may natulog sa mga pasahero ko… papahiran ko ng kulangot.

CLICK TO ZOOM. FROM LEFT TO RIGHT, FRONT TO BACK: (FRONT) SARA, RINA, CHRISTINE, (BACK)EDER, LEAH, JET, OWEN punong puno ng action ang friday ko. muntik na akong hindi nakasama sa bintan, indonesia para sa aming weekend getaway. nakalimutan ko kasi na yung passport ko ay nasa indian embassy. kumukuha ako ng visa dahil may trip ako sa curry land ng end of the month. alas singko ng hapon ay kumakaripas ako ng takbo sa opisina ng travel agent namin upang makuha ang passport ko. nakuha ko ng six. uwi ng bahay at diretso sa ferry terminal kasama sina leah, eder at jet ng seven o’ clock. photo finish. tapos nagsuka ako from start to end sa loob ng ferry. ang yabang yabang ko pa – kain ako ng kain ng tuna sandwich kahit maalon. nakikipag biruan pa’t pakanta kanta. one moment normal ako, the next moment para akong naglilihi. hindi pala maganda ang pakiramdam ng sumusuka sa toilet bowl habang hinahataw ang katawan mo left and right ng malakas na alon. pakiramdam ko eh parang akong na rape ng tatlong sumo wrestler. hah! akala ko ay malakas ang sikmura ko. hindi pala. pero yon lang naman ang masamang nangyari sa buong trip. the rest of the weekend was a blast. one word: PAKINGSHEET ANG SARAP. ay, three words pala. hehehe.

Read the rest of this entry »

SI BATJAY, ANG MAHIWAGANG SIOKOY NG SINGAPORE kung nasa punta fuego kayo nung sabado at may nakita kayong isang grupo sa pool na sumisisid, nagkokodakan at nagtatawanan. kami yon. ang pag kuha ng mga underwater pictures ang bagong hobby ng pamilya namin. simple lang ang objective ng underwater photography: come up with the ugliest face while holding your breath. madali lang itong gawin kasi pag nasa ilalim ka ng tubig, siokoy ang dating kahit anong pogi mo. case in point ang picture na ito. ang galing ano? para kaming mga autistic ni donna. lalo na ako, di ko alam kung demented or criminally insane. perhaps both. i’m sure, nagtatawanan na sila sa bahay habang pinagmamasdan nila ito. ngayon alam nyo na kung saan nanggaling ang sense of humor ko.

CLICK TO OPEN WEB ALBUM. click nyo lang etong photo at diretso kayong mapupunta sa web album ng trip namin ni jet sa genting highlands itong weekend. ok naman ang trip namin, tulog kami pareho. hehehe. naka post na yung “genting highlands vacation” online. huwag kayong magtataka kung puro solo pictures lang ang makikita ninyo. yan kasi ang hirap kung dalawa lang kayong magbabakasyon… pag dating sa kodakan, you are either the photographer or the subject. well, it’s either solo photos or you can try your luck getting pictures of funny signs and nature scenes. dalawang beses naming sinubukan magpakuha from strangers, kaya lang nakaka depress yung mga resulta. yung una, naninigarillo ata yung kumuha na securtiy guard at puno ng usok yung litrato namin. gusto kong kutusan kaya lang baka barilin ako. yung next naman eh against the light at akala mo eh mga ati-atihan kami ni jet. inedit ko lang yung picture para magkaroon kami ng mukha.

as expected, hindi kami nagpunta sa casino. eh in the first place, hindi pala ako talaga pwedeng pumasok. ang sabi sa akin ng guard doon sa entrance ay: “your dressing cannot inside“. in english – hindi daw ako complying sa dress code dahil ako’y naka shorts at sandals. sayang gusto ko pa namang mag tong its.

Read the rest of this entry »

every flower tells a story. ang bulaklak na ito ay galing sa orchid na bigay sa akin ng isang kaibigang es-pulis. minsan kasi nagkainuman kami sa bahay ng kumpare niya malapit sa amin at kinaplog niya ang halaman na ito. ang bulaklak na ito ay may kwento. ito’y galing sa orchid na bigay sa akin ng kapitbahay kong ex-pulis na dating reporting sa isa ring ex-pulis na ngayo’y tumatakbo ng presidente. marami akong tsismis tungkol sa ex-pulis na ito, pero di ko sa inyo ikukwento. i-ping nyo ang site ko at baka mapilitan ako. mwahaha. masipag itong mamulaklak (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). almost year round. ang tawag nga pala rito ay phalaenopsis (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). ilagay sa parte ng garden na may shade (ayaw niya kasi ng direct sunlight) at kaunting dilig ng tubig. pwede mo na siyang pabayaan.

malapit ko na ulit makita ang mga halaman ko’t bulaklak. uwi kasi kami ni jet sa mayo para sa 13th 14th anniversary ng aming kasal. at siyempre, para sa 80th b-day ng mommy ko. isang linggo lang kami pero alam kong sulit ito. miss ko na kasi ang pamilyang naiwan. miss ko na rin ang bahay sa antipolo. miss ko nang matulog sa sariling kama sa sariling kwarto sa sariling tahanan. anim na buwan na pala kaming di nakaka uwi. ang bilis ng panahon.

UWING UWI NA AKO

April 23, 2004

ayos bang porma ko mylabopmayn? halata bang galing sa silk street ang suot ko? obvious bang armami ito? hehehe. dear mylab. basahin mo itong sulat habang tinitignan ang piktyur ko at para mo na rin katabi si richard gomez pagtapos siyang sinapak ni robin padilla akong katabi. tapos na kami sa wakas. hintay na lang ng flight pauwi. altough malapit na ito, matagal pa rin para sa akin. naiinip na kasi akong makita ka ulit. kahit anong ganda ng tokyo, kulang pa rin pag wala ka. hirap din ng trip na ito. pakiramdam ko, para akong ginulpi ng tatlong baklang maton. masakit ang paa ko ngayong gabi dahil maghapon akong nakatayo. para tuloy gusto kong kumanta ng “magtanim ay di biro”. ang maganda lang ay wala na akong LBM. hehe. tingin ko eh fart part lang yon ng “the korean food and drink effect “.

maganda namang panghimagas ang japanese food. bongga ang dinner namin kanina during the post conference cocktails. nag hire ang host namin ng caterers from four famous japanese restaurants. ang salap salap ng rasa. ang paborito ko? tea soba at tempura. altough di ko kinain yung hipon dahil sa aking allergy – pamatay pa rin kahit vegetable tempura lang. wala siyang sauce. asin lang with a slice of lime. ang galing.

o sige, ingat ka na lang diyan. isang tulog na lang andyan na ako. lab U!

ang aking mga pamangking dalaga kasama ang kanilang papa. from left to right: my nieces atty. sara and kim, brother-in-law rene, other neice paola. ang aking mga pamangkin kasama ang kanilang papa. from left to right: my nieces atty. sara and kim, brother-in-law rene, other niece paola. sayang at di nga nakasama ang kapatid nilang si angel. mukhang nag enjoy naman sila rito kahit mainit. nag blend nga sila sa crowd dahil mukha silang mga intsik mga magagandang intsik (pinapatay kasi ang mga pangit sa pamilya namin). masarap daw ang pagkain. pinatikim ko nga sila ng curry fish head…. “ay sheeet tito batjay, it’s so masarap” ang sabi nila. hehe.

sabi ni ate sassy lawyer, ang tanda ko na raw dahil puro dalaga nang mga pamangkin ko. hehe. di niya alam may mga apo na ako (sina tj at az, anak ng mga pamangkin kong sina donna at david). dahil maagang nag-landi nag-asawa ang ate kong si gigi at late na akong ipinanganak, mayron pa nga akong nephew (si denden) who is older than me by 4 months. bunso kasi ako at menopause baby pa. my mom had me when she was 42… yes viginia, i was an afterthought (at muntik nang di ipanganak).

TO VIEW THE WEB ALBUM OF MY MAGAGANDANG PAMANGKIN – click here

kuha naming dalawa ng mommy ko sa sentosa last friday. mukhang di nga napagod ang mommy ko. isang linggo na naming nilalakad ang mga attractions sa singapore eh parang ako pa nga ang nanlata in the end. at least, naipasyal namin siya rito at nag enjoy ng husto. kuha naming dalawa ng mommy ko sa sentosa last friday. mukhang di nga napagod ang mommy ko. isang linggo na naming nilalakad ang mga attractions sa singapore eh parang ako pa nga ang nanlata in the end. kahit pagod ako ngayon ay OK lang. at least, naipasyal namin siya rito at nag enjoy ng husto. sa almost 80 years ng kanyang existence, eto ang first time ng mommy ko na mag travel abroad. ang pinaka bukang bibig niya ay ang total absence ng pag intindi niya sa family home namin sa novaliches. sa isang linggong bakasyon niya rito, wala siyang ginawa kundi kumain, mamasyal at matulog.

as icing to the already tasty cake, tumawag pa ang sister kong si ester from florida. she and her husband randy have my other niece donna as their guest for easter at tumawag sila ng madaling araw kanina (next time aga-agahan niyo ha! napuyat ako hehehe.) for one reason or another, ang ate kong si ester ay matagal na naming di nakakausap. gaano katagal? taon ang binilang. almost 8 years to be exact. and it brought great joy to my mom na makausap niya ang kanyang prodigal daughter whom she hasn’t seen in ages. nagkaiyakan pa nga sila. thank you dear big sister for calling us up.

TO VIEW THE WEB ALBUM OF MOM’s SINGAPORE VACATION – click here

biyernes santo ngayon… ang init. etong isa sa nga seven last words na ankop sa akin: “i thirst”. hehe. punta kaming sentosa ngayon. doon kami magkakalbaryo.

my mom in singapore. yesterday, we went to the singapore zoo and the night safari. my mom had a great time.

here’s a pic of my mom here in singapore. kinuha ko ito sa loob ng zoo. halata bang 80 years old na siya next month? ok ngang makasama ang mommy ko rito. ever gracious pa rin siya at sobrang bait, pati mga waiter sa restaurant ayaw pag hintayin.

mommy ni batjay: “bayaran mo na ang kinain natin at naghihintay na ang waiter.”
batjay: “hayaan nyo lang yan maghintay mommy. kaya nga waiter ang tawag sa kanila eh.”

very observant din siya. kanina, nagpunta kaming suntec city para mag shop. napansin nga niya ang isang glaring na fact – kaunti lang ang mga babaing buntis.

mommy ni batjay: “apat na araw na ako sa singapore, wala pa akong nakikitang buntis.”
batjay: “gusto ko sanang gawan ng paraan yan mommy, kaya lang may asawa na ako.”

FAMILY in singapore... we went to Suntec City today to shop. from left to right: my sister Emy, Mommy, Kim, Paula, Rene and Sara.

marami kami ngayon dito sa singapore… sa picture, from left to right: my sister Emy, Mommy, nieces Kim and Paula, brother-in-law Rene and other niece, Attorney Sara.

narito na sa singapore ang mommy ko. she arrived yesterday with my sister emy, her husband rene and their daughter paola. my other nieces kim and sarah will plane in today from manila. i’ll try to post some pics before the weekend. in the meantime, kwento lang muna ako about my mom. here goes:

ang mommy ko ay 79 years old (turning 80 next month). nag-asawa sila ng daddy ko when she was 17. ak-shu-ly, nagtanan nga sila sakay sa trambia. eto yung LRT nung unang panahon. nabuntis siya with her firstborn gigi during the war. she doesn’t talk about it much these days pero alam ko, nahirapan sila during the japanese occupation. all in all, anim kaming magkapatid na inalaagaan niya. ako ang bunso. ang baby. ang peborit.


IN OTHER NEWS…for the first time this year, i’ve got my first non-travel related cellphone SMS spam. gardemet. the text message says “HOME FACIAL, BODY OR FOOT MASSAGE AT $20! STRICLY FOR WOMEN ONLY”. dang.

STILL OTHER NEWS…happy birthday to ate sienna, our good friend from west covina and the chief cook of the pansitan blogging community. ninang, sana maligaya na bati pa ang bertday mo!
Read the rest of this entry »

SULAT SA PERSKASIN

January 29, 2004

si sel, si jet at si ate baby, nagpapakyut sa godlen gate bridge
hi sel!!!!

ok naman kami, kaya lang si jet ay mainit ang ulo ngayon kasi naroon pa rin sa flat namin ang mga may-ari ng bahay na opismeyt ko. dapat ngayon sila aalis pabalik ng china kaya lang nilagnat ang kumag. na extend tuloy ang bakasyon nila rito sa singapore.

hirap kasi ng mga ito eh medyo burara, di naglilinis, di nagaayos ng bahay at binabasag pa ang mga baso namin. si jet tuloy, kakagising pa lang ay mainit nang ulo. sabi ko nga sa kanya, huwag na lang pansinin at di worth getting a heartattack ang mga basag na kasangkapan at maduming bahay. pag pasensyahan na lang niya at ngitian ang mga kasama namin sa bahay ng ngiting aso! hehe.

kaya yan, di pa rin nakapag unpack gaano. nakakalat pa rin ang mga maleta sa spare room namin. tambak pa rin ang labada. but life is good, we are in good health at ninanamnam pa rin namin ang inyong generosity and love.

ingat, mga minamahal.
jay

MariaCelia, Jet and Ate Sienna nagpapakyut malapit sa hollywood sign
there’s nothing as miserable as going back from an enjoying trip in the US. it’s depressing and… what’s the best phrase to describe it? putanginang sobrang tagal. california was great. the people we met there were even greater. hehe. sanlingo lang sa ‘merika, puro english na ako ngayon. erase. erase… ok, ang galing nang bakasyon namin. kahit isang linggo lang, punong puno ito ng kulay, saya at katatawanan. kung pwede lang sanang i-extend ko ang aming oras, gagawin ko. kung pwede lang sanang di na bumalik dito sa singapore, gagawin ko.

reality check: yung katabi namin ni jet na nakaupo sa window seat sa eroplano kanina… may anghit, dura ng dura sa baso niya at tayo ng tayo para umihi. pakingsheet. pag ikaw ay naka upo sa isle seat ng eroplano, nakaka-asar kapag yung katabi mo ay parati kang kinakalabit at dinadaanan every hour dahil gusto niyang umihi. kung mayron lang akong gunting, puputulin kong titi niya.

narito na ulit ako sa singapore. jet lagged at hilong talilong, pinagpapawisan at malungkot.

MariaCelia, Ate Sienna and Jet nagpapakyut sa rodeo drive
pumasyal kami ni jet nung lunes kasama sina ate sienna at maricel sa hollywood last monday. sa may rodeo drive, muntik ko nang masagasaan ang lolo at lolang amerikano na tumatawid sa kalye. paliko kasi ako nang silay patawid. buti na lang at mabagal nang maglakad ang mga lekat. kundi sikat sana ako ngayon. baka na feature pa ako sa news. nakikinita ko na ang banner story: “STUPID FILIPINO TOURIST RUNS OVER SLOW MOVING ELDERLY COUPLE“. nagpalit kasi ang traffic light from green to yellow at hinahabol ko ang pag right turn. hehe. dahilan dahilan puro na lang dahilan.

ang actual dahilan naman talaga eh yung driving habits ko sa pilipinas ay dinala ko sa US. big mistake. big big mistake – ika nga ni julia roberts sa pretty woman.

si liit (asawa ni alma, si alma, si aubrey (anak nina liit at alma at si jet
after a long 6 hour drive from LA, narito na kami sa sacramento ni jet at nakikituloy sa mga pinsan niyang si alma na dati kong kapitbahay sa novaliches. matagal na sa america ang family ni alma. nag migrate sila rito ng kanyang dalawang kapatid na si leslie at jon, with their parents colonel quipot and colonel quipot. hindi po typo ito, ang mother at father nina alma ay parehong EX-colonel sa AFP. nga pala, special si alma sa amin dahil siya ang nagpakilala sa akin sa pinsan niyang si jet. the rest, as they say, is history.

tonie, leslie and jet
nung isang gabi, nagpunta kami sa bahay ni mickey mouse at tuwang tuwa nga si jet sa mga nakita niya. kasama namin ang pamilya ng pinsan ni jet na si leslie. nung all star parade, lumabas si tarzan na mukhang hunky sexy macho dancer. sabay sabay sumigaw sina jet at leslie ng “TARZAN I LOVE YOU!”… biglang sumabad si tonie, ang nine year old daugther ni leslie: “mom, stop it. you embarrass me“. hehe. cute.

mamaya, ipapasyal daw ni ate sienna si jet sa iba’t ibang tambayan ng mga artista sa hollywood. excited na nga ang dalawang loka. hehe. ako, dakilang driver. hehe. ok lang yon, masarap naman ang sushi dinner na ginawa ng ninang ko kagabi. dami ko ngang nakain kaya medyo masakit ang tiyan ko ngayon. hirap talaga ng matakaw. teka nga, makaligo na’t nang matapos na ang aking mga morning ritual. kumukulo nang tiyan ko.

narito kami ngayon sa apartment ni ate sienna sa west covina. so literally, matutulog kami ngayon sa pansitan. pangalawang araw namin dito sa america. first time ni jet dito kaya enjoy ako bilang travel guide. she has the eyes of a child full of wonder and we have a week to explore this great land.

ang hirap talagang sumakay sa eroplano ng sixteen hours. lalo na kung may katabi kang mabahong tao. mas malala yung nangyari samin – yung mga taong right in front of us, may anghit na, utot pa ng utot. tangina, ang bantot man. piso na lang, lason na. nung una ngang umutot ang lalaking in question, napasigaw ako ng “SHIT WHO FARTED?” sabay tadyak ng silya sa harap ko ng malakas. wala, no response. dito ko na realize na siya nga yung umutot. “DEADMA” my dear friends, in cases like this, is a sure sign of guilt. akala ko yun na yung last. nagkamali ako. yung buong flight from singapore to japan to LA, walang humpay ang pagutot ng bwakanginang yon. asar talaga. it was like a double edged sword that’s stabbing on your nose, running like clockwork.

narito ako ngayon sa bahay, nagesesnti. medyo malungkot dahil bilang nang araw namin dito sa pilipinas. sa lunes, lipad na kami pabalik ng singapore. para bigyang dahilan ang pananatili namin doon, iniisip ko na lang na “weathering the storm” lang ito. balang araw dito na talaga kami sa pilipinas for good. sayang, kung patas lang sana ang labanan, di ako aalis. kagabi, kasama ko ang mga barkada ko. pinag-usapan namin ang aming mga collective futures. marami sa kanila ang nag-iisip na ring umalis. the best and the brightest people i know are seriously thinking of moving out. pakingsheet. i’ve moved out earlier than them. a fact that fills me with guilt sometimes. di ko alam. minsan iniisip ko kasi, swerte ako dahil kumikita ako ng maganda samantalang…. fill in the blanks: a. marami akong kaibigang naghihirap dahil walang opportunities, b. di pa rin nawawala ang poverty sa bayan ko, c. di ko maasikaso ang mga kamag-anak kong maiiwan.

Read the rest of this entry »

10. miss ko nang magmura pag naiinis ako. di ko masabi ritong “tangingang buhay ‘to, OO“, pag may problema ako.

9. pag may nagtanong sa akin kung saan ako pupunta, gusto ko nang sabihin yung immortal na “diyan lang, sa tabi-tabi” dahil di pwede dito ang “over there, side-side”

8. gusto ko nang makarinig ng: “good morning sir, ma’am. merry christmas and a happy new year. welcome to jollibee. can i take your order please?” instead of whatcha WAAANT?

7. gusto ko nang mag salita na parang seksing kolehiyala pag nagpapa kyut ako. por eksampol: “hoy, you make pa cry cry naman da car!”, “you make tusok-tusok da fishball”

6. nagsasawa na rin akong marinig ang mga sumusunod: “i don’t friend you“(di na kita bate), “don’t play play” (tama na yang laro, magtrabaho ka na), “oh it’s so hot-hot lah, walk very long-long” (ang init! ang haba kasi ng nilakad ko), “kana-sai, i cannot tahan” (ayoko na! hindi ko na kaya)

5. nami miss ko nang magtanong sa mga kapitbahay ko ng “anong ulam nyo? pwedeng makikain?”

4. miss ko nang marinig yung SAMAY BAHAY ng paulit-ulit na may kasamang kalansing na tansan… “SAMAY BAHAY ANG AMING BATI! MERIKRISMAS NA MALWALHATI!

3. gusto ko nang magbasa ng mga nakakatawang sign, e.g. “GAGO at SUPOT ang magtapon ng basura dito!”

2. gusto ko nang magsalita ng tagalog to express myself clearly. paano mo sasabihin ito sa english pag nababagalan ka sa takbo ng trabaho: “tangina, tutulog tulog na naman kayo sa pansitan. di naman ako nagmamadali, pero gusto ko ngayon na! kaya tama na yang pakyut, ano ba?” (pakingsheet, i don’t want you to sleep in the noodle house. i am not in a hurry but i want it now! stop being cute, what now? lost in translation ang sarcasm at galit not to mention medyo incoherent)

1. ayoko nang makakita nang nangungulangot sa harapan ko, paminsan minsan gusto ko naman ng umiihi sa pader! (still more signs: “BAWAL UMEHE SA PADIR, ANG MAHOLE BOGBOG NA, POTUL TETE PA“)

nag drive ako from Southern California to San Francisco last friday. mahaba haba ring byahe yon. anim na oras ako sa I-5 freeway almost a straight line from los angeles to san francisco.

ako lang mag-isa. lakas ng loob ko no? hehehe. dala ko pa rin ang aking rental na chevy impala. ok na rin ito para sa byahe. malaki, mabilis at maganda ang sound proofing. di mo rinig ang makina kahit humahataw ka nang 80 MPH.

umalis ako ng orange county ng mga 6:30 at nakarating sa sf ng 12:30. anim na oras. di na masama considering na bumper to bumber sa LA ang traffic at nagkanda ligaw ligaw ako sa SF. in between mga 4 na beses akong huminto. once for gas, twice to pee and once to have a cup of coffee dahil inaantok na ako. yung last stop over ko eh malapit na sa gilroy, ang garlic capital ng USA. nung huminto nga ako sa truck stop eh amoy bawang ang buong paligid.

ang gilroy eh bayan ng classmate kong si vic. huminto ako sa malaking factory outlet sa downtown. habang hinihintay ko si vic eh binili ko ng sapatos si jet. nagkita kami sa loob ng shoe store tapos eh nagpunta kami sa bahay nila. sandali lang ako doon dahil tinawagan na ako ng mga pinsan ko. nagtatampo sila dahil inuna ko pa raw ang kaibigan ko kaysa kamag anak. hehehe. hirap talaga ng sikat.

anyway, napag usapan naming mag meet na lang ni vic at ang iba pa naming mga classmate sa bahay ng mga pinsan ko para everybody happy. nag drive ako from gilroy to milpitas. dito nakatira ang tiyong anas at tiyang ging ko.

milpitas with my relativessome of my cousins who visited me in milpitas. si jojo, ang aking pinsan na artista sa pinas nung araw. si donna, ang mommy ni tj. nag meet kami sa SF pa of all places. sinundo namin siya sa airport the same day na dumating ako. si jun jun na kumakaway, si tiyang ging na nakatalikod, si sammy at si simon. matagal ko na silang mga kamag-anak. hehehe.

milpitas with my classmatesnung gabi ay dumating naman ang mga classmates ko na SF based. from left to right… si gatchie, yours truly (ahem), si pareng vic at si jun. si gatchie at si jun at di ko na nakita since nag graduate from high school nung 1983. happily married na si gatchie at sa tingin ko eh ok naman ang buhay niya sa US. si jun ay isang negosyante pala at maraming mga negosyong naiwan sa pilipinas. si vic naman eh huli kong nakita nung last trip ko sa US 4 years ago. during that time eh nakalipat na siya sa bagong bahay kasama ng kanyang mag-ina. naalala ko ulit si vic dahil nag abay kami nina raymund at kuya bong sa kasal niya sa pilipinas.

anyway, nag kwentuhan kami hanggang alas 3 ng madaling araw. masarap din ang feeling ko dahil napagsama ko ang kwentuhan ng mga kamag-anak at kaibigan sa isang gabi. sandali lang kasi ako sa san francisco kaya lahat ng mga lakad ko eh compressed. salamat na lang sa inyo, mga kaibigan at kamag anak ko na nag sacrifice ng kanilang oras para lang sa akin.

bumisita kanina sa antipolo ang mga mommy ko. kasama niya ang kapatid kong si gigi, si tj, si az at si glenda. dumating rin sina denden at meng, mga classmates ko at sina kuya bong, darlene at lucas. ah, oo nga pala, humabol din sina ate lannie, dennis at axl.

PI-AUG-03-006

ito ang mommy ko, sister ko si gigi, si tj (ganda ng ngiti), si glenda at ang anak niyang si az. kuha ito sa harap ng bahay namin ni jet sa antipolo. naglambing kasi ang mommy ko na gusto nilang mag swimming sa amin kaya ginawa ko eh ni-rent ko yung clubhouse ng buong araw para naman makapagsaya sila. sinundo ko sila sa novaliches ng umaga at sa amin na sila nag lunch.

PI-AUG-03-038

nag swimming party kami. despedida ko at celebration na rin sa birthday ng pamangkin kong si denden. si denden ay anak ng ate kong si gigi. sabay si gigi at ang mommy ko na nabuntis kaya halos sabay rin kaming lumabas ni denden sa mundo. actually birthday niya ng august 17, kung kaya mas matanda siya sa akin ng apat na buwan. sabay kaming lumaki, magkaklase rin kami at magkabarkada. eto si az at ako, sa gazebo, sa tabi ng pool ng clubhouse ng subdivision namin.

PI-AUG-03-029

solo namin ang pool kanina. sarap nga eh. ngayon lang ulit ako nakapag swimming in a long while. karga ko si tj sa gitna ng pool.

PI-AUG-03-015

eto si tj nangungulit habang nagbababad sa pool. eto ang batang ayaw umahon. kanina, hehehe, para lang umahon siya eh inuto ng lola niya… sinabi eh papalitan na daw ang tubig ng pool at kailangan na ni tj umalis.

PI-AUG-03-058

inimbita ko rin ang mga classmates ko at dumating ang iba. from left to right: kuya bong, jun alferez, rey opena (ate kiwi, binata ito!), ako, si denden (ang pamangkin kong kabarkada), si raymund at si lucas (na extra pa!). masaya na naman ay kwentuhan namin at siyempre, pinagusapan namin ang mga classmate naming di nagpunta. hehehe. lahat ng mga nasa litrato ay mga kaklase ko since kinder and friends for over 33 years.

PI-AUG-03-090

si az. gustong gusto ko ang kuhang ito dahil bukod sa guwapo si az, kitang kita sa background yung storm clouds na parating. actually umulan 30 minutes after kinuha ito kanina. kung gusto ninyong malaman kung anong hitsura ko nung baby ako… tingnan nyo na lang ang mukha ni az.

PI-AUG-03-050

pinalaro namin sa pool sina lucas at tj. enjoy na enjoy nga ang dalawa. lalo na si lucas, nakakapunta na nga sa malalim dala ang kanyang salbabida. kaya eto, tuwang tuwa rin ang tatay niyang si kuya bong. kung si paquito diaz kaya ang gumamit ng salbabida, tatawagin ba itong salbakontrabida? ngye-hehe.

PI-AUG-03-085

mylab, balik na ako sa singapore bukas. miss na miss na nga kita eh. kaya eto ako, umiinom na lang ng san mig light para mapabilis ang oras. sarap talaga ng malamig ng beer pag nasa pilipinas ka!

birdpark-2kuha namin ni nes sa jurong bird park kanina. matagal na kaming magkaibigan ni nes. mahigit 33 years na. isa siya sa mga classmates ko since kinder. actually, siya ang pinaka-una kong naging kabarkada kasi pareho ang section namin simula kinder, hanggang grade 6. pagtapos batch mates kami hanggang nagtapos ng high school nung 1983. patuloy pa rin kaming nagkita-kita pagtapos ng graduation at hanggang ngayon, magkaibigan pa rin kami.

yung bahay nina nes ay nasa likod lang ng school namin. kaya pag natatae kami o kaya gusto naming tumambay, sa bahay nila kami pupunta. maraming bote ng beer na ang naubos doon, maraming plano para sa outing ang napag-usapan, maraming problemang nalutas, maraming iyakan at kasiyahan ang nangyari doon. hanggang ngayon, umiinom pa rin kami sa bahay nila, using the same chairs and tables that we’ve used more than 20 years ago. time flies baby but it’s great to know that some things never change… houses, pieces of furniture, friends.

isa si nes sa mga hinahangaan kong tao. matalino, masipag at magaling mag basketball. bukod sa matataas na grades, pinuno rin niya ng extra curricular activities ang kanyang high school career. nung senior year namin, siya ang head ng sports commitee ng sudent’s advisory board, captain ng basketball team at athlete of the year ng batch namin.

si nes ay isang doctor. graduate ng UERM at espesyalista sa internal medicine. malimit siyang dumadalaw sa bahay namin para kamustahin ang mommy ko. nung minsan nagka pneumonia ang mommy ko. tinakbo ko siya sa hospital at si nes ang gumamot sa kanya. di ko pa rin makalimutan hanggang ngayon kung papaano niya inasikaso ang mommy ko. simula admission hanggang sa mga tests, hindi siya pinabayaan ni nes. suwerte talaga ako sa mga kaibigan. kahit di kami masyadong mayaman, nagtutulungan kami sa kahit anong paraan.

NES-IN-SG-029si tess at jet sa harap ng waterfall ng bird park. si tess ay asawa ni ness. si jet ay asawa ko. naging magkaibigan din sila dahil sa amin. anak ni nes at tess si cheska. siyempre, inaanak ko si cheska. kumpare ko kasi si nes eh. hehehe. si jet ay dating nurse, ngayon, isa nang masayang housewife. si tess ay isa ring doctor tulad ni nes. si cheska ay hindi pa nag-aaral kaya di ko alam kung gusto niya ring maging doctor. si tess ay isang capitan sa AFP at doctor siya sa V Luna (yung military hospital doon sa quezon city). dati siyang PSG nung presidente si erap kaya marami kaming tsismis tungkol sa pamilya ni joseph estrada. but that is another story.

si nes ay dati ring capitan sa AFP. wala na siya sa serbisyo. sabi niya sa akin eh “nabuburat na raw siya sa buhay militar” kaya siya umalis. di ko siya masisisi. tingnan mo nga ang mga ulul na opisyal sa maynila – puro pampapoging coup na punong puno ng katangahan lang ang alam sa buhay.

NES-IN-SG-069narito sina tess at nes sa singapore kasama ang kanilang pinsan na si sheila at ang kanyang asawa. bagong kasal si sheila at parang honeymoon nila ang pagparito. kagabi ay nasa night safari kami tapos nag-dinner kami dito sa aming flat. ngayon naman ay tumuloy kami sa bird park nung umaga, nag lunch sa orchard road at dumiretso sa sentosa sa hapon. gabi na kaming umuwi kanina, medyo pagod pero masaya. bihira lang dumalaw ang kaibigan dito sa singapore. mas lalong bihirang dumalaw ang matalik na kaibigan kung kaya’t masaya namin silang sinamahan sa kanilang pamamasyal ngayong weekend.

NES-IN-SG-061ito si jet kanina sa orchard road. ganda niya ano? ngayon alam nyo na kung bakit ko siya kinakantahan.