yung state of georgia, ewan ko kung anong nakain: balak nilang i-ban ang salitang “evolution” sa mga schools. ang gusto nilang ipalit ay isang bagong euphemism called, are you ready for this… “biological changes over time”. bwakanginangyan. what’s next? a bill saying the world is flat and volcanic eruptions are caused by angry gods.

while we’re at it, paki explain nga rin tuloy sa akin: kung si adan at eba ang mga unang tao, at si cain at abel yung mga anak nila, saan nakakuha ng asawa si cain after siyang palayasin sa paraiso?

isa pang tanong. bakit di pa nilunod ni noah yung mga lamok, langaw at ipis nung magkaron ng delubyo. kakainis yung mga yon eh.

A MILESTONE OF SORTS

January 30, 2004

after moving to our new office a year and a half ago, umebak ako sa aming office toilet for the first time. milestone ito of sorts para sa akin (na proud na proud sa kanyang toilet trained ass). i do it everyday in the morning after coffee like clockwork. sorry ha, nag di-differentiate lang ako sa mga taga rito, na apparently, ume-ebs ng wala sa oras.

siguro dahil na rin ito sa super linis ng mga banyo rito. pwede kang mag “mey-ay-go-awt” anytime dahil lahat ng toilets ay may tissue paper at di puro apak ng paa ang toilet seat. in addition, medyo spicy talaga ang pagkain dito at talagang mapapatae ka ng wala sa oras. tulad ko – hinalo ko sa aking noodles ang isang platitong chili sauce. within one hour, tumatakbo na ako papunta sa toilet. in-inspection ko nga ang pwet ko for signs of wear and tear afterwards. ok pa naman, “thanks gods”. hehe.

ang isang wala rito sa singapore ay yung parang “place mat” na nilalagay sa mga toilet seat. sa US ko lang nakita ito. with this, pwede kang maupo sa trono, kahit sang banyo ka man mapadpad. di mo na kailangang mag lagay ng sankatutak na toilet paper sa toilet seat. para sa akin na mahilig maupo ng tama sa trono, ok na ok ito. i salute the guy who invented this. dapat bigyan siya ng nobel prize.

SULAT SA PERSKASIN

January 29, 2004

si sel, si jet at si ate baby, nagpapakyut sa godlen gate bridge
hi sel!!!!

ok naman kami, kaya lang si jet ay mainit ang ulo ngayon kasi naroon pa rin sa flat namin ang mga may-ari ng bahay na opismeyt ko. dapat ngayon sila aalis pabalik ng china kaya lang nilagnat ang kumag. na extend tuloy ang bakasyon nila rito sa singapore.

hirap kasi ng mga ito eh medyo burara, di naglilinis, di nagaayos ng bahay at binabasag pa ang mga baso namin. si jet tuloy, kakagising pa lang ay mainit nang ulo. sabi ko nga sa kanya, huwag na lang pansinin at di worth getting a heartattack ang mga basag na kasangkapan at maduming bahay. pag pasensyahan na lang niya at ngitian ang mga kasama namin sa bahay ng ngiting aso! hehe.

kaya yan, di pa rin nakapag unpack gaano. nakakalat pa rin ang mga maleta sa spare room namin. tambak pa rin ang labada. but life is good, we are in good health at ninanamnam pa rin namin ang inyong generosity and love.

ingat, mga minamahal.
jay

BARKADA CALIFORNIA

January 28, 2004

si papa rodger, si andres, si ate sienna, si jet at si mariacecilia nagpapakyut sa apartment nina ate sienna
pagtapos namin sa mga pinsan ni jet na si leslie, tumuloy kami sa pansitan ni ate sienna sa west covina. nagkita na kami ng ninang ko last september pero ito ang unang meeting ng magbarkadang jet at ate sienna, kaya todo embrace, emote at iyakan sila nang magtagpo sa gate ng apartment ni ninang. kukunan ko nga sana sila ng piktyur, kaya lang baka pagtulungan akong bugbugin ng dalawa.

kuha ito sa apartment ni ate sienna. from left to right, si ka rodger ang nakakatawang bagong kaibigan, si ate sienna, si papa andres, si jet at si mariacelia ang aming navigator papunta sa hollywood sign. nakaka-aliw sila at masarap kasama. pero nagkandautot sila sa kakatawa nang kinanta ko yung karaoke version ng “hello” ni lionel ritchie (version ng isang lasing na sinto-sinto). pakinggan nyo na lang… CLICK HERE.

MariaCelia, Jet and Ate Sienna nagpapakyut malapit sa hollywood sign
there’s nothing as miserable as going back from an enjoying trip in the US. it’s depressing and… what’s the best phrase to describe it? putanginang sobrang tagal. california was great. the people we met there were even greater. hehe. sanlingo lang sa ‘merika, puro english na ako ngayon. erase. erase… ok, ang galing nang bakasyon namin. kahit isang linggo lang, punong puno ito ng kulay, saya at katatawanan. kung pwede lang sanang i-extend ko ang aming oras, gagawin ko. kung pwede lang sanang di na bumalik dito sa singapore, gagawin ko.

reality check: yung katabi namin ni jet na nakaupo sa window seat sa eroplano kanina… may anghit, dura ng dura sa baso niya at tayo ng tayo para umihi. pakingsheet. pag ikaw ay naka upo sa isle seat ng eroplano, nakaka-asar kapag yung katabi mo ay parati kang kinakalabit at dinadaanan every hour dahil gusto niyang umihi. kung mayron lang akong gunting, puputulin kong titi niya.

narito na ulit ako sa singapore. jet lagged at hilong talilong, pinagpapawisan at malungkot.

MariaCelia, Ate Sienna and Jet nagpapakyut sa rodeo drive
pumasyal kami ni jet nung lunes kasama sina ate sienna at maricel sa hollywood last monday. sa may rodeo drive, muntik ko nang masagasaan ang lolo at lolang amerikano na tumatawid sa kalye. paliko kasi ako nang silay patawid. buti na lang at mabagal nang maglakad ang mga lekat. kundi sikat sana ako ngayon. baka na feature pa ako sa news. nakikinita ko na ang banner story: “STUPID FILIPINO TOURIST RUNS OVER SLOW MOVING ELDERLY COUPLE“. nagpalit kasi ang traffic light from green to yellow at hinahabol ko ang pag right turn. hehe. dahilan dahilan puro na lang dahilan.

ang actual dahilan naman talaga eh yung driving habits ko sa pilipinas ay dinala ko sa US. big mistake. big big mistake – ika nga ni julia roberts sa pretty woman.

si liit (asawa ni alma, si alma, si aubrey (anak nina liit at alma at si jet
after a long 6 hour drive from LA, narito na kami sa sacramento ni jet at nakikituloy sa mga pinsan niyang si alma na dati kong kapitbahay sa novaliches. matagal na sa america ang family ni alma. nag migrate sila rito ng kanyang dalawang kapatid na si leslie at jon, with their parents colonel quipot and colonel quipot. hindi po typo ito, ang mother at father nina alma ay parehong EX-colonel sa AFP. nga pala, special si alma sa amin dahil siya ang nagpakilala sa akin sa pinsan niyang si jet. the rest, as they say, is history.

tonie, leslie and jet
nung isang gabi, nagpunta kami sa bahay ni mickey mouse at tuwang tuwa nga si jet sa mga nakita niya. kasama namin ang pamilya ng pinsan ni jet na si leslie. nung all star parade, lumabas si tarzan na mukhang hunky sexy macho dancer. sabay sabay sumigaw sina jet at leslie ng “TARZAN I LOVE YOU!”… biglang sumabad si tonie, ang nine year old daugther ni leslie: “mom, stop it. you embarrass me“. hehe. cute.

mamaya, ipapasyal daw ni ate sienna si jet sa iba’t ibang tambayan ng mga artista sa hollywood. excited na nga ang dalawang loka. hehe. ako, dakilang driver. hehe. ok lang yon, masarap naman ang sushi dinner na ginawa ng ninang ko kagabi. dami ko ngang nakain kaya medyo masakit ang tiyan ko ngayon. hirap talaga ng matakaw. teka nga, makaligo na’t nang matapos na ang aking mga morning ritual. kumukulo nang tiyan ko.

narito kami ngayon sa apartment ni ate sienna sa west covina. so literally, matutulog kami ngayon sa pansitan. pangalawang araw namin dito sa america. first time ni jet dito kaya enjoy ako bilang travel guide. she has the eyes of a child full of wonder and we have a week to explore this great land.

ang hirap talagang sumakay sa eroplano ng sixteen hours. lalo na kung may katabi kang mabahong tao. mas malala yung nangyari samin – yung mga taong right in front of us, may anghit na, utot pa ng utot. tangina, ang bantot man. piso na lang, lason na. nung una ngang umutot ang lalaking in question, napasigaw ako ng “SHIT WHO FARTED?” sabay tadyak ng silya sa harap ko ng malakas. wala, no response. dito ko na realize na siya nga yung umutot. “DEADMA” my dear friends, in cases like this, is a sure sign of guilt. akala ko yun na yung last. nagkamali ako. yung buong flight from singapore to japan to LA, walang humpay ang pagutot ng bwakanginang yon. asar talaga. it was like a double edged sword that’s stabbing on your nose, running like clockwork.

so ok, ganyan talaga ang histura ko sa personal. para akong cartoon character. cute in a caricature kind of way. hehe. pati nunal ko sa baba na parang nora aunor eh nakuha. ang galing mo talaga boss idol dengcoy miel. ito nga pala ay regalo niya sa mylab jet ko who turned 4@#$*$!0 years old last thursday.

Read the rest of this entry »

HE'S BACK…

January 16, 2004

my brother dante, aka Howlin' Dave
my brother dante, aka Howlin’ Dave. legendary pinoy rock and rhythm rockjock. the nu107 lifetime achievement awardee in 2001. nagpasimuno ng punkrock at nu wave sa pilipinas. MC ng maraming mga pinoy rock concerts sa kung saan-saan. in my book, probably the best disk jocky who ever lived. he’s right there at the top of my list with my dad Uncle Nick.

kung nalalakihan kayo sa boses ko, bubwit lang ako compared sa daddy ko at dalawa kong kuya. sabi nga ng mommy ko pag may pumupuri sa boses ko: “naku, yang si jay-jay, boses kiki nga yan eh. pag narinig nyong boses ng daddy at 2 kaparid niya: pag nagsalita sila, parang galing sa ilalim ng lupa“. hehe.

well, HE’S BAAAAAACK! hear him again sunday mornings at RJ 100.3 FM (and probably see him too at RJTV29). tune in…

HAPPY BIRTHDAY MYLAB

January 15, 2004

bilang parangal sa iyo, muli kong ilalathala ang ating lab istori. i hope ya don’t mind.
ANG LAB ISTORI NI JAY EN JET
mahigit 12 years na kaming mag-asawa ni jet. siya ang kasama ko through thick and thin, from relative obscurity to obscurity. hehe. from hand to mouth to a bit of prosperity, from struggling engineer earning 2000 pesos a month to struggling engineer earning more than 2000 pesos a month. nakilala ko si jet pagkatapos kong magtapos ng college, wala pa akong trabaho nung time na yon pero alam ko may mararating ako.

niligawan niya ako at sinagot ko naman siya. hehehe. kinasal kami sa munisipyo ng kalookan dahil wala kaming pera. ni wala ngang pambili ng sing-sing. ni wala ngang pang handa. sa jolibee sangandaan lang kami kumain, di na namin inimbita ang mga ninong. gastos lang sila. from humble beginnings, we’ve managed to create a small place of refuge we call home.

bakit ko ba sinasabi lahat ito? wala lang. i just want to honor her on her 40th birthday. wala lang, kasi, naniwala siya sa akin. siya ang nasa tabi ko nung naghihirap pa ako. siya ang kasama ko hababng unti unti naming napa-angat ang aming buhay. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay. marami na kaming mga natutulungan na tao. we’re doing ok. we have each other. we’ve always had each other through all the struggling years. we’ll always have each other till we grow old, start to smell amoy lupa, become kulubot, lose our hair, turn into dust (in the wind), rage against the dying of the light, “forever alter our aspect to the sun”.

bilang regalo sa kanyang kaarawan, bibigyan ko siya ng engrandeng bakasyon. happy birthday mylab – lab U!

sabi sa dyaryo rito nung isang araw: “singaporeans have problems having children because they don’t have enough sex”. busy kasi sila masyado sa trabaho. pasok sila ng monday to saturday hanggang, sabihin na natin, mga 7:00 pm. dating ang mag-asawa sa bahay ng mga 8:00 – gutom, pagod at inaantok na. kaya iyon, di pa nag uumpisa, bagsak nang bataan.

sabi nga sa isang survey, people even prefer to sleep rather than have sex. wala yan sa lolo ko: in another survey for people 40 yrs or over, some have admitted that thay actually fell asleep while having sex.

ang hiling ko lang, sana naman pag dating ko ng 40 eh pwede pa ring magsampay ng twalya sa pototoy ko pag may flag ceremony. hehe. sigurado naman ano, kasi… ako ay pilipino! a tapang, a tao. a pugot a kamay, hindi a takbo… etc. etc.

walang kokontra. pag may magsabing “in your dreams” o kaya “wishful thinking” sa comments, sasapakin ko.

kasabay ko everyday mag exercise ang mga muslim womem joggers ng singapore. they are a sight to behold – running women in long flowing robes, tudong (or muslim headscarves) and sneakers. how do they look? imagine mo na lang si virgin mary na naka nike rubber shoes, tumatakbong mabilis sa kalsada. o, na-imagine mo na? yan ang hitsura nila.

nung nag jogging ako kagabi, all i could ever think of was the first time akong nakapanood ng colored tv. in particular, yung first time kong makita si cookie monster sa colored tv. blue pala siya – bwahaha. tuwang tuwa ako. growing up in the 70’s was cool. it was the time of the transition from black and white to colored. it was like the “wizard of oz” scene where dorothy steps out of that kansas door into munchkin land. while thinking of this colored tv thingy, naisip ko rin na masarap ang singkamas na may toppings na asin at bagoong na alamang. don’t ask me why i juggle 2 incongruent things in my mind while jogging. wala naman akong control sa kung anong pumapasok sa ulo ko pag ako’y idle.

finally, speaking of “pinagpala sa babaeng lahat” – birthday na ni jet sa thursday. happy b-day mylab! tumatanggap nga pala kami ng labada kung linggo regalo. padala nyo na lang!

how fragile life is. isang araw you’re at the top of the world and the next you’re fighting for your life. parang randomly, we’re chosen to live or die. the thought scares me. i do not want to be the victim of a god playing dice with the collective fate of humanity. then again, perhaps there is no gambling god. who knows, baka we’re just acting up some bad script in some great big movie set in the sky. o kaya, no one up there’s taking charge.

sa pagkamatay ng kaibigan ko, heto na naman akong nagtatanong: is there or isn’t there? i will make a confession: i’ve been an agnostic for a long time now. well, give or take a basic truth or two, sort of an agnostic catholic, if there is such an oxymoronic person.

para sa akin, ang pinakaimportante ay to do the right thing. ang goal ko sa buhay ay simple lang: to be the best person i can be at tumulong sa pinakamaraming tao na bahagi ng mundo ko. when the time comes for me to go, kung mayrong ngang diyos, i will be able to look god in the eye and say to him (or her) that i did not fuck up.

siyempre, itatanong ko rin sa diyos kung bakit milyon-milyon ang namamatay sa africa, kung bakit tanga sa pag-ibig si kris aquino at kung bakit walang snow sa pilipinas.

PAALAM PARENG CARLO…

January 10, 2004

SO LONG CARLO. i'll miss you dear friend
my friend carlo, taken in front of my house during one of my birthdays a few years ago. carlo died yesterday. he was 40 years old. paalam kaibigan. inom mo na lang ako ng isang shot na tequila na may chaser na beer pag nag-inuman kayo ng mga anghel sa langit.

ingat diyan sa bago mong mundo,
jay

MY INDIO SINKRA-C #1

January 9, 2004

tagilid ang kamay ko pag nagsusulat. parehong pareho ng itsura ng kamay ni kevin spacey sa pelikulang “the usual suspects”. force of habit siguro dahil nung estudyante pa ako, walang arm rest na nagsusuporta sa aking writing hand. i am left-handed.

but, i eat with fork and spoon, play the guitar, aim a rifle, use the computer, play golf, wash my pwet righthanded. asamateropak, my right hand is stronger than my left hand. kaya lang, for all of the intricate and fine work, i use my left hand – e.g. writing o kaya pag nagkamay kumain.

i love being left-handed. somehow, it makes me feel unique. i love the sinister implications that it brings. i love the fact that leonardo, paul mccartney, jack the ripper, bill clinton, michelangelo, raphael, kermit the frog, marlyn monroe, oprah, alexander the great, ceasar and ate sienna are all lefthanders like me.

my wife jet is also lefthanded. kaliwete kami parehong mag-asawa.

sabi sa Section 377 ng Singaporean Penal Code: ‘Whoever voluntarily has carnal intercourse against the order of nature with any man, woman or animal, shall be punished with imprisonment for life…’

matunog itong section na ito ngayon kasi mayron mga nagmumungkahi na i-repeal na ang law na ito dahil archaic na. siguro, napansin na rin nila na walang kakwenta-kwenta ang sex life ng mga citizens dito. sa isang article ng today newspaper kahapon (en ay kwowt, aytaliks mayn): “HETEROSEXUAL Singaporean adults may soon be able to indulge in oral sex without breaking any laws, following a review of the penal code.”

kung mahilig ka sa oral sex dito sa singapore, you are in effect, breaking the law and could be jailed for life. betchabaygollywow!

TANONG: kung makipag sex ako, tapos itaas ko ang kaliwang paa ko habang kinukumpas ko ang aking kanang kamay habang umiikot ang ulo ko at kumakanta ng “sana’y wala ng wakas”, intercourse against the order of nature din ba ito?

BEAUTY AND THE BEAST

January 7, 2004

beauty and the beast
si ninang ate sienna at si batjay, taken sometime in september 2003, in an undisclosed location in southern california. gusto ko lang i-post ito, hindi dahil maganda ang porma ko with maong jacket. hehehe. nais ko lang i-announce na, pagtapos ng sandamukmok na creative pawis, buhay na naman ang pansitan ni ate Sienna. siya ang magandang nilalang na cheif cook ng “pansitan.net”. doon din natutulog sa pansitan si kiwi pinay at utol ni ninang ko na si gretchen, kasama ang mga pamangkin niyang sina pancho and maki.

punta kayo sa pansitan dahil bukod sa masarap ang pansit doon, nakakatawa, nakakaaliw at nakakabagbag damdamin ang mga kwento niya. in two weeks time, isasama ko si jet sa actual pansitan sa california para ma-meet niya for the first time ang ninang ko. excited na nga kami.

THE PINK URINAL OF MANILA

January 6, 2004

my pink urinal

eto na ngayon ang pumalit sa mga “BAWAL UMIHI RITO” signs sa metro manila: mga pink na urinals. tuwang tuwa nga ako nung una ko itong makita. ang galing. tayong mga pinoy lang ang makaka-isip ng ganito. at pink pa ang kulay – with polka dots! hehe. paano ba ito gamitin? simple lang. “no frills”, ika nga nila. enter, take cover, pee, leave. yon lang. eto ang procedure:

1. pasok ka through the right side (doon sa may nakalagay na “MA-002”), 2. harap sa kaliwa, 3. buksan ang zipper, 4. ilabas ang pototoy at umihi sa sahig (pagmasdan ang medyo basang sahig sa lower left).

magkakaron kaya ng female urinal? kung ako ang gagawa ng design, lalagyan ko ng mga monkey bars para pwedeng lumambitin. dapat din sigurong lagyan ng pinto para may privacy. teka, masalimuot ang mga design considerations. kailangan pag-isipan itong maigi.

chaotic kanina sa naia. sa labas pa lang eh ang haba na ng pila. pagkuha pa lang ng pushcart eh life and death struggle na. hehe. sabi sa dyaryo, magbigay ka raw ng extra 30 minutes doon sa normal na three-hour check-in requirement. how true. dumating kami ng 2 and 1/2 hours before the flight eh natapos kami sa processing, 15 minutes before take-off na. pag dating nga namin sa gate ng singapore airlines eh boarding na. di tuloy ako nakabili ng dried mango at ube ice cream na kinalolokohan ng mga singaporeans.

kanina siguro ang pinakamahirap na departure ko sa pilipinas. in the heat of it all, parang gusto mong sumpain ang naia. parang ayaw mo nang bumalik sa pilipinas. hehe. drama lang yon. nung lumamig nang ulo ko, tinanong ko sa sarili ko kung babalik pa ako sa pilipinas kahit na napakihirap sa airport. ang sagot ng aking kunsensya ay isang malakas na: OO, kahit si satanas pang sumalubong sa akin sa airport kasama ang sanlibong bumbay na may anghit, uuwi pa rin ako!

BAGONG TAON POSTSCRIPT

January 4, 2004

bukod sa marami na namang nasunugan, natamaan ng mga ligaw na bala at naputukan sa iba’t ibang parte ng katawan nung “relatively peaceful” new year (“relatively peaceful” my pwet!), ang pinaka weird na news ay yung napanood ko sa MGB kanina: isang lalaki ang naospital dahil kinagat ng kainuman ang kanyang tenga. ang sabi sa interview eh nag-away daw sila dahil walang pulutan.

narito ako ngayon sa bahay, nagesesnti. medyo malungkot dahil bilang nang araw namin dito sa pilipinas. sa lunes, lipad na kami pabalik ng singapore. para bigyang dahilan ang pananatili namin doon, iniisip ko na lang na “weathering the storm” lang ito. balang araw dito na talaga kami sa pilipinas for good. sayang, kung patas lang sana ang labanan, di ako aalis. kagabi, kasama ko ang mga barkada ko. pinag-usapan namin ang aming mga collective futures. marami sa kanila ang nag-iisip na ring umalis. the best and the brightest people i know are seriously thinking of moving out. pakingsheet. i’ve moved out earlier than them. a fact that fills me with guilt sometimes. di ko alam. minsan iniisip ko kasi, swerte ako dahil kumikita ako ng maganda samantalang…. fill in the blanks: a. marami akong kaibigang naghihirap dahil walang opportunities, b. di pa rin nawawala ang poverty sa bayan ko, c. di ko maasikaso ang mga kamag-anak kong maiiwan.

Read the rest of this entry »

New Year’s Eve revelry ‘generally peaceful’

isa sa highlights ng pag-uwi namin ni jet ay ang makasama ang mga iba’t ibang tao na nakilala namin over the year through the internet. karamihan sa mga nakatagpo namin ay mga kaibigan ni jet. siya na siguro ang bahalang magkwento sa mga encounters namin with them. ako, dakilang driver lang at tagahatid sundo sa kanya. pero mayron kaming mga mutual friends tulad ni ayeza at in a way si neil na i was glad to meet. si belle, ang idol kong makata ng UP ay nakita ko na rin sa wakas. binigyan pa nga niya ako ng “university of the philippines” t-shirt which i proudly wore yesterday. si tanya (ang producer-director) rin with nick, (coming all the way from ilocos) met us on the 29th and we had a great time exchanging stories.

Read the rest of this entry »