SI CECI AT SI TOM SA HUNTINTON BEACH PIERafter naming mag lunch ni ate sienna ay sinundo naman ako ni tom at ceci. sila ang 2 partner in crime ko sa australia at singapore nung july. sinundo nila ako sa hotel at nag punta kami sa huntington beach, mga 20 minutes away. maganda sa huntington beach at enjoy na enjoy ako doon. maraming mga bar, restaurants at mga shop along the shoreline at may malaking pier kung saan masarap maglakad. nag coffee kami kami para mawala ang jet lag ko. hikab kasi ako ng hikab eh. hehehe. pagtapos nag decide si tom na binyagan ako sa california. bumili kami ng shorts ko at pinahiram niya ako ng wet suit at body board. tangina, instant surfer dude ako. hehehe.

Read the rest of this entry »

kahapon eh nag lunch nga kami ni ate sienna at ni andres. sa wakas nakita ko na rin in person ang ninang ko. mas maganda pala siya sa personal. nagkita kami sa benihana dito sa anaheim. malapit sa disney land, mga 20 minutes away sa hotel ko. madali lang naman hanapin ang restaurant at di ako nahirapang gaano. medyo naligaw lang ako dahil namiss ko ang turn sa freeway at napasyal pa ako ng wala sa oras hehehe.

at home na at home ang pakiramdam ko sa kanila at di masyadong naging mahiyain. mahiyain kasi ako, believe it or don’t. maraming kumakain pala dito at maraming mga pinoy. siguro galing sila sa simbahan dahil grupo sila ng pamilya. mabait si ninang at marami kaming napagkwentuhan. pinagusapan namin din ang mylab kong naiwan sa singapore. pinag-usapan din namin kung gaano kahirap ang trabaho at buhay dito sa california. pero mukhang enjoy naman si ninang ko dahil kasama niya ang kanyang papa andres. miss lang niya siguro ang kanyang pamilya.

Read the rest of this entry »

LA-LA LAND OF THE BRAVE

September 29, 2003

nandito na ako ngayon sa “land of the brave” and “home of the free”. ang bayan ng mga value for money meals na pagkalaki-laking mga serving. may conference kami sa aming main office dito sa california ngayon week. eto ako ngayon sa hotel room: ang utak ko sinsabing 10 AM ng linggo, pero ang katawan ko sinsabing 1 AM ng lunes.

the long flight from singapore to LA (ala eh’, sabi nga ng mga batangeno) reminds how much i enjoy travelling in the asia-pacific region. anything more than 8 hours in the air is a major frigging pain. 17 hours sa eroplano ay, tangina, talagang masakit sa pwet. daig mo pang pinasakan ng 2 vibrator sa backside.

Read the rest of this entry »

INDUSTRIAL STRENGTH BLUES

September 25, 2003

si binky lampano – idol kong artist. he may not be as big as the e-heads or parokya ni edgar, but binky lampano is in my top 10 list of the best rockers in the philippines.

he’s right up there with pepe, bosyo, lolita carbon, sampaguita and the jerks in my list. watch these guys perform live and you’ll know what i mean. sayang nga lang, you won’t have the chance to watch edmund “bosyo” fortuno because he is already playing drums, right alongside keith moon, john bonham and gene krupa, in that great big rock and roll gig in the sky.

nasan na ba ako… ah ok. binky lampano.

i still have his tape at home. tangina kasi, hindi gumawa ng CD ang record company niya eh. pinapakinggan ko ito from time to time pag nasa pilipinas kami. nung araw parati akong may balita tungkol sa kanya dahil maraming beses na siyang nakasama ni dante, sa mga concerts at minsan naiimbita sa pinoy rock and rhythm show niya sa RJ.

jet and i watched BINKY and the NIC in makati for 2 straight weekends many many moons ago. there weren’t many people but it was one of the best concerts we have ever attended. he is one hell of a guy to watch live, i can tell you that.

he also played with the jerks and tropical depression during the benefit concert for the brain surgery of my brother dante. they sang “reklamo ng reklamo“, covered the doors’riders on the storm” and for their finale sang van morrison’s classic, “G-L-O-R-I-A“, with papadom, rolling on the stage and stealing the show.

while searching the net, napansin ko na may website pala si binky. mayron siyang Lampano Alley at naron lahat ng information sa mga bago niyang material. mayron din siyang menu page kung saan napansin ko na lahat ng kantang binaggit niya dito eh nasa play list ng MP3 player ko. ang galing man.

MANANANGGALterrorizesSingapore

pag nag-iisip ako, imbis na mangulangot eh mahilig akong mag doodle. simula high school, lahat ng mga notebook ko ay punong puno ng mga iba ibang drawing. yung iba weirdo, yung iba nakakatawa. balang araw pag sikat na ako, pwede siguro itong ibenta ni jet sa mga collector ng milyon milyon.’nga pala, may gusto akong gawing pelikula… horror movie, tungkol sa isang national convention ng lahat ng mga maligno sa pilipinas. gagawin ito sa PICC at imbitado lahat ng mga mananaggal, kapre, white lady, dwende, aswang at tianak sa kung saan saang bahagi ng pilipinas. ang theme: “Progressive Haunting Techniques in the New Millenium“. kailangan ko lang ng scriptwriter para punoin ang mga detalye ng storya.

farewell, galileo! fare you well, old friend. ngayong linggo na magpapakamatay ang space craft galileo. mawawalan na kasi ito ng kili-kili power at hindi na makokontrol ng NASA ang pagtakbo ni galileo pag nangyari ito. eh ano ngayon?

yung europa kasi (one of the sixty-one jovian moons), has an ocean underneath it’s icy cover. alam nating lahat that life started in the oceans of the OUR world. kung kaya, mayrong malaking posibilidad that there is life in the oceans of europa. to avoid any possible contamination from earth’s microbes, should galileo accidentally crash into europa, the scientists at NASA decided to purposely plunge the spacecraft into the atmoshpere of jupiter. and so, this sunday, galileo will commit (a sort of) cosmic suicide for the benefit of the possible (or FUTURE) life forms in europa.

Read the rest of this entry »

MY VERY 1ST PERSONAL COMPUTER

September 18, 2003

ang una kong personal computer.... (tanta-ra-ran TOROTOT EPEKS) the TRS 80 Model IIIito ang unang unang personal computer na ginamit ko. ang Tandy/Radio Shack TRS-80 model III. mayron siyang Zilog 8-bit Z-80 microprocessor, running at a whopping 2.03 MHz. malaki ang kanyang 4K na RAM at marami ka nang mapapatakbong program dito.mayron siyang 12″ na black and white monitor na may 16 X 64 text (what pixels are you talking about?). dalawang 5.25″ na floppy drive na may malaking 178K na storage. kasya na rito ang buong TRS-DOS operating system.

ito ang PC namin sa school nung 1983. medyo mahirap pa si bill gates nung time na ito at kasulukuyan pa lang niyang pinasisikat ang MS-DOS. dito ako natuto ng BASIC, COBOL at FORTRAN.

i remember the very first machine problem given to me by my instructor… it was a simulation of a falling ball. gumawa raw ako ng program that will compute the rate of acceleration ng isang bumabagsak na bola. the height of the drop is to be entered by the user. your program must be able to give the rate of acceleration at any point of the ball’s drop that is also given by the user. in your computation, please use this “so and so i forgot oh it was so long time ago” branch of integral calculus that makes use of “so and so i forgot oh it was so long time ago” fibonacci series. man, i was hooked.

for lunch today, kakain kami ng lor mee (in tagalog “lomi”). silent “R” dahil intsik-british accent eh. ang pinakamasarap na lomi sa singapore ay matatagpuan sa hawker centre ng old airport road.

oo nga pala: ang “hawker centre” ay isang area na pinagsama-samang mga low cost na turo-turo na makikita mo sa kahit anong sulok ng singapore. ang mga turo-turong sikat ay malimit na dinadayo ng mga tao dito. hulaan ninyo kung magkano ang ginagastos ng mga singaporean sa pagkain sa mga pwestong ganito sa isang taon? S$ 8,000,000,000. that’s right. 8 billion dollars was spent on over 1.8 billion meals in a small island of over 3 million people. you do the math.

mabalik tayo sa lomi…

ang isang malaking mangkok na lomi ay S$3 (approximately 90 pesos). iba ang lasa at histsura ng lomi rito kompara sa mabibili mo sa pilipinas. maitim ang sauce at hawig sa lasa ng sarsa ng lumpiang hubad. may mga hiwa ng karne ng baboy na binudburan ng chili at tinadtad na bawang.

dahil sa dami ng mga kumakain dito, ang normal waiting time pag lunch ay around 30-45 minutes. habang hinihintay namin ang lomi, imbis na mangulangot eh kumakain kami ng “OTAH”. ito ay fish cake na niluto sa dahon ng buko. minsan naman ay “ROJAK”, isang uri ng salad na may pinag halo-halong rekado (hindi isang uri ng kalbong detective na americano). bilang pangtapos, ang paborito kong kainin ay “CHNG TNG, ang Desssert na Walang Vowel”.

A LIVING PUNCHING BAG

September 15, 2003

nabasa ko ito sa dyaryo kaninang umaga habang nakatayo sa train at umiiwas sa mamang walang kahiya hiyang nangungulangot sa tabi ko…

Chinese man makes living as human punch bag“. A 28-year-old Chinese man says he’s making an uncomfortable living as a human ‘punch-bag’. The man charges 50 yuan (about 332 pesos) for every two-minute beating he takes from stressed-out people in Chengdu’s bars and discos. The man, who never fights back, says he’s providing a valuable service to those suffering from tension and work-related pressure. The unusual approach to anger management is said to be proving popular with the public, says the South China Morning Post.”

bwakanginangyan, hirap talagang maghanap buhay. pero sa tingin ko, pwede natin gawing negosyo ito sa pilipinas. kuha lang nga tayo ng willing magpabugbog. nakaka-ilang gulpe kaya siya sa isang gabi? sabihin na natin na 300 na lang (para rounded off) ang isang customer na bubugbog sa iyo. eh kung maka lima ka sa isang gabi: 1,500 pesoses (or 45,000 pesos a month)! aba, di na masama ito. ibawas na lang ang halaga ng betadine at BAND-AID®.

paglabas ko kaninang umaga, binubulong ni John Lennon sa kanang tenga ko ang “a day in the life”. ang pinakamadangdang kanta ng BEATLES ang nagsimula sa aking paglalakad. i couldn’t ask for anything more.

“I read the news today oh boy
About a lucky man who made the grade
And though the news was rather sad
Well I just had to laugh
I saw the photograph.”

recorded in stereo by the great george martin during the 1960’s. dinig na dinig ko ang separation ng mga tracks sa headphone ko habang pababa sa elevator. instruments on my left ear, john lennon on my right.

i have my music to accompany me in my walks and measure distance in terms of songs. here we go…

i’m in the street now and make the first turn, Rod Stewart sings “have i told you lately”. i smile and remember my good friend mon, singing this song in a karaoke in manila many moons ago. i decide that van morrison does it much better.

nasa central market na ako by this time at kakalampas ko palang ng mcdo. bob seger sings “we’ve got tonight”. a great song na binaduy ni kenny rogers at sheena easton. sino na nga ba yung pakingsheet na boy band na lumapastangan din nito? naalala ko rin, pinatugtog itong kantang tunkol sa infidelity nung kasal nang pareng boyet ko. papalapit na ako sa NTUC chalet at si bob seger pa rin with “still the same”. bumibilis ang lakad ko at sumasabay sa beat…

“You always won, everytime you placed a bet
You’re still damn good, no one’s gotten to you yet
Everytime they were sure they had you caught
You were quicker than they thought
You’d just turn your back and walk”

medyo ganada na ako by this time when muddy waters goes into high gear and sings “mannish boy”. i look back as i walk and remember watching him sing this song in Martin Scorsese’s The Last Waltz many years ago with my brothers and sisters. once again i am seven years old and am mezmerized by the blues. i also remember this is the first time i hear neil young sing “helpless”.

i am in the homestretch now on my last kilometer or so. in a fit of synchronicity, neil young sings “after the gold rush”.. his piano and his voice sounds like its coming from inside my head and i get goose bumps. an indian man is tending the front lawn of a housing block. i smell the smell of newly cut grass and automatically close my eyes. i am transported back to my little garden in antipolo.

malapit na ako sa blue mosque sa likod ng flat namin when i hear the intro of elton john’s “mona lisa’s and madhatters”. magandang kanta to end my morning walk. i go up the flat, peep inside and see jet. i remember the night we watched sir elton here in singapore.

it’s nearly lunch time at naaamoy ko na ang adobong pinapainit ni jet. lagot, isip isip ko. marami na naman akong makakain nito. gardemet, if this morning walk does not reduce my weight, at least it keeps me sane.

SARS AGAIN IN SINGAPORE

September 10, 2003

confirmed SARS case again in Singapore. SARS? SARS? pakingsheet. kailangan ata mag maskara na naman ako… TANANAN! (sound epeks na torotot for dramatic emphasis)

Dear Mommy,

Nabalitaan ko ngayon na confirmed na yung SARS case dito sa Singapore. Kaya eto, naka maskara na naman ako. Ang hirap talaga ng sitwasyon ko rito. Pinagtatawanan na naman ako ng mga tao pag nag aabang ako ng bus. Sa train kanina, muntik na akong napa-away sa isang batang naka damit spiderman. Hinila nya kasi ang kapa ko. Nobody touches my kapa and gets away with it.

Huwag kayong mag-alala sa amin. Baka magkulong ulit kami ni BatJet sa bahay at kakanta ng “Mr. Suave” para safe. Pero isolated naman daw ang case sa isang hospital. Yung nagka SARS ay nagtatrabaho sa research department na may contact sa SARS virus.

Ang hirap pa rito sa Singapore, sobrang init. Pag pinapawisan ako eh ang bahu na ng leather suit ko. Daig ko pang amoy ng kilikili ng unggoy na kumain ng langka. Pwede nyo ba akong padalhan ng tawas?

Ingat ka na lang diyan at oo nga pala, susundin ko na yung payo mo na ibaba na ang kilay ko.

Ang inyong anak,
BatJay

ang bago naming laruan ni batjet! sana naman dahil dito, ganahan na akong mag jogging.

ang bading, ping lacson
bakit ang unggoy mahilig sa saging?
lumpia
sabong!
kwentong aray
tuli na pilipino
pano mo malalaman pag may gusto ko sa isang guy??
george estregan
scientific names of dylan baka
mga GRO ng pasay
libog ng pinay
sec bomb girls spaghetti song
gamot sa libog
kwentong pek-pek
cubicle farts covering
jakol
ekis pics
binatang pinoy
babae sa kama kwento
tulog ba ang diyos
sampaguita singer
tagalog bading stories
kwentong gintong dahon
tagalog sa salitang pet name
indian mass ritual hair cut
pics of sinaunang tao
mga bagong gamot sa malalang sakit
malibog mahilig
ang paboritong kwento ni hudas
HALINGHING

mga obrserbasyon ko lang… una: maraming mga twisted na gumagamit ng internet. pangalawa: maraming mga lalaking pinoy ang on-line. ikatlo: mahilig sila sa mga kabastusan. ikaapat: akala nila eh porn site ang site ko.

kahapon ang homecoming ng high school ko sa pilipinas. di ako naka-attend kaya eto akong naiinggit sa malayong lugar. sana nag-enjoy ang mga barkada ko. marami raw beer sa school na inihanda para sa kanila. nag start sila ng 4:00 pm. knowing them, malamang nagsimula silang uminon sa school at makipag chikahan sa mga teacher naming nandoon pa. pagtapos tinuloy nila ang inuman, either kina nes or mas malamang ay pumunta sa QC para mag karaoke. kung nasa pilipinas lang sana ako…

IT WAS TWENTY YEARS AGO TODAY. twenty years. ganyan na katagal since i stepped out of high school. pumasok ako rito ng five years old at lumabas at seventeen. i am what i am (ano sa tagalog ito? “ako ano ako”. hehehe. i digress) dahil sa school ko. lahat ng mabuti at masama sa akin, natutunan ko sa loob: disiplina, pag-inom, friendship, paninigarilyo, charity, pagmumura, love of books (hindi love of boobs, pero pwede na rin), pagiging alaskador at sutil. balikan natin ang nakaraan…

ang mga section namin sa elementary ay galing sa pangalan ng mga santo. tanong: mayron bang section na San Judas? hehehe. wala siyempre. pero mas maganda kung mayron ano? anyway, eto ang litanya:

KINDER AND PREP, ST JOHN BOSCO, ADVISER: MRS. CHAVES. si mrs. amelia chaves ang aking kindergarten teacher. the first among the many teachers i love and respect. mabait siya at parang nanay ko sa school. naging malapit din siya sa mga parents namin. so close that our parents petitioned the school na siya pa rin ang maging teacher namin sa next school year. na approve ito kaya naging nanay namin siya sa school for the first two years. huli kaming nagkita nung bago kaming ikasal ni jet sa huwes. ipinakilala ko si jet sa kanya at nag request kung pwede ko siyang kuning ninang pag kinasal kami sa simbahan. open pa rin itong invitation na ito sa kanya. perhaps one day. she left the school after a while at nagtatrabaho sa munisipyo ng kalookan to this day.

GRADE 1, SECTION: ST. STEPHEN, ADVISER: MISS SIMON. i have no great recollection of her except mahilig siyang magbenta ng mga mattel na laruan sa mga estudyante. hehehe. hindi pa bawal nung-araw paghaluin ang negosyo at pagtuturo eh.

GRADE 2, SECTION: ST. ISIDORE. ADVISER: MR. CAPISTRANO. great teacher. never looked down on our youth and treated us like we were his age. siya ang nagturo sa amin ng basketball kaya mahal na mahal namin siya. hehe. nanalo ako ng 1st place sa declamation contest and my mom and dad pinned my medal during our recognition day. they were so proud. naka discover sa talent ko ay si miss patao. hehehe. i swear to god. teacher namin siya sa pilipino and we didn’t start out great dahil pinalabas niya ako sa clase early in the school year. tinanong niya kasi kung anong gulay ang nagsisimula sa letter “P”. bigla akong sumigaw nang “Ma’am PATAO!”. kaya iyon, sinigawan din niya ako nang “GET OUT!”

GRADE 3, SECTION: ST. INNOCENT. ADVISER: MS. REDONDO. one of my beloved teachers. siya rin ang teacher namin sa english sa grade 3 at 6. more than anybody else, siya ang nagturo sa akin ng pag-enjoy sa pagbasa. jet and i have this huge collection of books in our library sa bahay sa antipolo. perhaps, i will call this the “MISS REDONDO ROOM”, she probably would like it. sa 3rd grade rin namin naging teacher si mrs. sarmiento. taon taon na lang, either buntis o manganganak. hehehe… parating naghahanap ng manggang hilaw, o kaya, nagpapautos bumili ng banana-que pag naglilihi.

GRADE 4, SECTION: ST. AUGUSTINE. ADVISER: MRS. CAPISTRANO. asawa siya ng advisor namin ng 2nd grade. i remember her with great fondness. she was very pretty and very funny. one time, during the school mass, sa gitna ng sermon ay tinawag niya ako. pag lapit ko eh inapakan ang sapatos ko at sabay bulong sa akin: “pabinyag ha, bago pala ang sapatos mo!”. hehehe. huli kaming nagkita nung EDSA II – bigla ko na lang napansin na katabi ko siya malapit sa EDSA shrine at pareho kaming sumisagaw nang “ERAP RESIGN!”. teacher ko rin sa social studies si mrs. mandreza. she made me study hard because i loved her class. she was a great teacher. i remember this was the time when the first geothermal power plant was being started up in leyte and we spent a lot of time discussing the many great benefits of this new technology. little did i know that i would be part of the team that would rehabilitate this same plant twenty years after.

GRADE 5, ST JEROME, ADVISER: MRS. DE GUZMAN. negosyante si mrs. de guzman. bigla na lang siyang sumulpot sa school at naging adviser namin. marami kaming naging project sa school at siya ang bumibili ng mga raw materials. di namin alam eh kumikita pala siya sa perang binibigay naming pambili. isang taon lang siya sa school namin at balita ko eh pinaalis siya dahil sa kasong ito.

GRADE 6, ST PAUL. ADVISER: MR. DUMLAO. kabayo ang tawag namin kay mr. dumlao. kasi mukha siyang kabayo? hehehe. sa grade six ata namin na discover ang magagandang properties ng gin bulag. hehehe. nag get together kami nina nes sa bahay namin, bumili kami ng gin at hinalo sa buko juice na pinitas sa puno namin. sarap! and the rest, as they say, is history. nagsimula rito ang pag-inom, hanggang ngayon, nagkikita pa rin kami para uminom.

during the summer vacation between grade six and first year high school, nag decide ang parents ko na lumipat sa isabela. doon ako nag aral ng first year kasama ang pamangkin kong si den den. i missed my friends and every time na may break umuuwi kami sa maynila para makipagkita sa kanila.

EVERYTHING I LEARNED, I LEARNED IN HIGH SCHOOL

lahat ng dapat matutunan ko eh natutunan ko sa high school. para sa akin, it was the garden of good and evil. it was where i learned all i needed to learn in life. college was a bore, really.

2ND YEAR, SECTION: MABINI, ADVISER: MS. DANAO. ang tawag namin kay ms. danao ay kalansing kasi pag nagsasalita siya ay parang may kumikiskis sa loob ng kanyang bibig. naging instructor din namin sa consumer’s math si ms. dio. much misunderstood siya pero she was also a good teacher. ang kanyang most famous line: “common sense will tell you na maganda ako…” asintado si ms. dio at marami na siyang nabato ng eraser at hinataw ng class record sa mukha. naging instructor rin namin si ms. bendero sa biology, isa ring magaling na instructor. dalaga pa rin to this very day. assignment ko sa kanya ay tungkol sa “digestive system” na hanggang ngayon kaya ko pa ring i-explain. instructor namin sa literature si ms. olifernes. ang tawag sa kanya ay “zombie”. hindi siya nagtagal sa school namin. siguro dahil na rin sa malupit na pang-aalaska ng mga estudyante. ang second year namin was a year of a lot of experimentation with “sex, drugs and rock and roll”. uso pa nung araw yung “diamond inn” at “coronet” sa sta. cruz. pabortong casa ng batch namin. malakas din ang bentahan ng damo sa loob ng school at maraming nahilig dito. suwerte rin ako at karamihan ng mga kabarkada ko sa high school ay mahilig sa musikang gusto ko. patay ka sa alaska sa amin kung mahilig ka sa disco.

THIRD YEAR, SECTION: HOPE, ADVISER: MR. TUMAMBING. si mr. tumambing din ang teacher namin sa chemistry. magaling din siyang magturo at araw-araw ang recitation sa kanya kaya dapat gabi-gabi kang mag-aaral. teacher namin sa pilipino si ms. javier. idol ng lahat dahil maganda at malaki ang boobs. magaling din siyang magturo at dahil sa kanya, hanggang ngayon mahilig pa rin ako sa mga bagay-bagay na tungkol kay jose rizal. dito ko rin unang nakilala si ms. apalin. ang taray niya. siya ang organizer ng musical extravaganza ng school at kasali lahat ng mga section sa choir contest. ang pangalang ng choir namin na puro sintunado ay “nHope”. hehehe. talo kami.

FOURTH YEAR, SECTION: MATAPAT, ADVISER: MR. HOJILLA. si ms. hojilla rin ang nagpa appreciate sa akin ng pag basa ng mga libro. sa dami ba naman ng mga required reading namin sa klase niya eh kung di ka ba naman mahilig. well, you would either love or hate books at the end of the school year. there was no middle ground. sa pilipino ay instructor namin si ms. fajatin one of the best teachers i’ve had, ever. she was a liberal nationalist and gave us a lot of room for discussing issues freely. halos buong taon naming discussion ang “fili’ ni rizal at lahat ng mga issues associated dito… from the love life of ka pepe, to bakit “pabor tabo” ang pangalan ng barko sa unang chapter ng “fili” to his “supposed” retraction. nag retract ba si rizal? sabi ni ms. fajatin ay hindi. i believe her. yung mataray na si ms. apalin nung 3rd year, kabarkada na namin sa 4th year. siya rin ang in charge sa pagkanta sa misa at kinuha niya kami ni raymund at ni allan sy na mag gitara sa mga school mass. one time during the mass, gusto kong kunin yung wireless mike, kaya sabi ko sa kanya: “miss apalin, can you please pass me the vibrator”. muntik na niyang malulon yung mike sa kakatawa. a few years ago, nabalitaan ko na namatay siya. di ko alam kung tutuo but wherever she is, i wish her well. teacher naman namin sa christian morality (yes there was such a subject) si mr. chaves, ang aming high school principal. also known as “Tibo”. asawa siya ni mrs. chaves, ang aking kinder teacher. i guess, it was fitting to start and end my school life with a husband and wife teaching team.

all throughout these years, maraming mga characters din ang parang “anghel dela guwardya” namin. eto sila…

MR. REMIGIO DE LUNA, PREFECT OF DISCIPLINE.. public enemy number 1 ng mga estudyante dahil siya ang in charge ng disiplina sa loob ng school. dapat isa lang ang butones sa polo mo ang un bottoned dahil may nakahanda siyang stapler at iistaplerin niya ang polo mo ng wala sa oras. hihilahin ka niya sa pila sa canteen pag naninigit ka. actually, isang pito lang niya eh biglang nagkakaroon ng pila sa canteen. papatayuin ka niya sa harap ng pinto ng faculty room pag may atraso ka. nung fourth year na kami ay naging adviser namin siya sa student council at napalapit din siya sa amin (call me “Remsky”). siya ang dahilang kung bakit hanggang ngayon ay halos sarado ang mga butones ng mga suot kong polo.

MR. SINGSON. ASSISTANT PRINCIPAL. ALSO KNOWN AS “ULO”. si mr. singson ang in charge sa attendance ng buong high school. pag late ka o kaya absent, kailangan mag report ka muna sa office niya. pag absent ka, kailangan ay may excuse letter ka sa magulang mo kung bakit ka absent. minsan ay nasa opisina niya ako, may isang estundante na nag absent for four days. ang dahilan ay LBM. nagsisigaw si ulo: “Ano? Ang ibig mong sabihin sa akin eh APAT NA ARAW kang NAGTAE? Eh di sana patay ka na ngayon! Stand at the corner!”. ang tindi.

MS. YAP, GUIDANCE COUNSELOR . much loved by our batch. she made sure na 100% ang passing rate namin sa NCEE. opening pa lang ng school year, kung ano ano nang testing ang ginagawa sa amin. practice daw para na NCEE. every week, mock tests… so much testing that it was almost a relief to finally take the test proper itself. sisw! hehehe… pasado kaming lahat siyempre. si ms. yap din ang takbuhan namin pag may problema kami sa mga instructor at parati niya kaming pinagtatanggol. she was very gentle and kind. her guidance office was like a sanctuary.

MANG PIDO, SCHOOL JANITOR. simula dumating ako at umalis sa school, naroon na si mang pido. nung kinder kami ay parati kaming tinatakot ni mrs. chaves na kapag makulit daw kami, ikukulong daw kami ni mang pido sa store room ng school. takot na takot nga kami sa kanya nung una pero pag graduate namin, nakikisindi na siya sa amin ng yosi. hehehe.

MR. PEREZ, SCHOOL GUARD, ALSO KNOWN AS “BUTETE”. malaki ang tiyan ni mr. perez kaya siya tinawag na butete. pag pasok ko ng kinder hanggang pag graduate ko ng high school naroon na siyang nagbabantay ng main gate ng school. siya ang lulusutan mo kung gusto mong lumabas ng maaga. parati siyang naka shades kaya di mo alam kung gising o tulog. mahirap lumusot sa kanya.

there you are: my teachers, my friends and my school. i honor them today in celebration of the school’s foundation day. i am 37 years old already and i offer a life well lived as a tribute to all the great characters that were responsible for making me what i am.

EAST OF GINGER TREES

September 5, 2003

this song is dedicated to my dad.

Go east of your dream and farm.
Let peace and silence spin your yarn.
What harm can befall thee
in yon wilderness of clove?

Go on east of ginger trees.
Go soft and silent like the breeze.
With ease be off and wander
in yon wilderness of clove.

Go on past the goldenrods,
where fools and angels lose their odds.
And gods of our ancestors
did immerse themselves in clove.

Go on toward the crimson shore,
beyond this life of metaphors.
Where doors of understanding’s house
decorates he them with clove.

“East of Ginger Trees”, Seals & Crofts

PAMPATANGGAL NG INIP

September 4, 2003

kasalukuyang binabasa para di masyadong mainip sa train at bus…Stephen King & Peter Straub’s “Black House”. ito ang pagpapatuloy ng una nilang collaboration na pinamagatang “The Talisman” na binasa ko last year. mamamatay kaya silang lahat sa huli? tingnan natin. sobrang kapal nga ng libro pag nilagay ko sa bag ko eh ang laki ng umbok. parang binatang nakakita ng seksing naka bikini.

katulad ng ” The Prey” na natapos ko na, masarap itong basahin sa byahe dahil nakakatanggal ng inip ang pace at suspense ng kwento.

ACCORDING TO YOYOY VILLAME

September 3, 2003

according to our geography, the internet is a great country

ang internet ang “great equalizer”. yan ang maganda rito: lahat tayo pantay pantay. walang puti o itim o kayumanggi. walang mayaman at mahirap. di natin nakikita ang mukha ng isa’t isa kaya wala tayong notion ng kapogian o kagandahan. di ka rin kailangang maligo o magsuklay o mag tooth brush para makiharap sa mga tao. nagpapalitan tayo ng mga istorya nang walang mga distractions na minsan bumubulag sa atin. eh ano ngayon kung pandak ka, o mataba, o tigyawat ka na tinubuan ng mukha. eh ano ngayon kung biglang may sumulpot na betlog sa noo mo. it does not matter. if there is such a thing as “it’s all in the mind” then this is it baby. hahaha – mind over matter! to put it simply, it’s the mind that matters.

Read the rest of this entry »

PITAKA

September 2, 2003

yung kaibigan kong doctor, nagpagawa ng pitaka galing sa balat ng mga tinulian niya. kaya lang, hindi niya ito pinapahawak sa mga babae dahil nagiging maleta ito.

LEAH AND EDER

September 1, 2003

last friday evening, nagpunta kami ni jet sa driving range kasama sina leah at eder. kasama rin namin ang dalawa niyang kapatid, hipag niya at ang kanyang cute na pamangkin na si aaliyah. tamang tama dahil inimbita ako ng kaibigan kong si han para mag laro ng golf sa jb, malaysia ngayong lunes. maipapalo ko na rin sa wakas ang pekeng callaway clubs kong galing shanghai.

sweet talaga itong si aaliyah. di nangingilala sa amin ni jet. bibo rin at mahilig sumayaw. naalala ko tuloy si tj, ang aking apo sa maynila. di bale, “ber” month na. kaunti na lang at malapit nang magpasko. uwi na naman sa pilpinas para bakasyon at makikita na ulit ang mga mahal sa buhay.

pero tatlong buwan pa iyon. in the meantime, bakasyon ako ngayon. yehey! there i go, there i go, there i go…

having one day of fun
in the malaysian sun,
playing golf
with my good friend han.

ah, and it rhymes.