MY LUNCH WITH ATE SIENNA AND ANDRES

September 30, 2003

kahapon eh nag lunch nga kami ni ate sienna at ni andres. sa wakas nakita ko na rin in person ang ninang ko. mas maganda pala siya sa personal. nagkita kami sa benihana dito sa anaheim. malapit sa disney land, mga 20 minutes away sa hotel ko. madali lang naman hanapin ang restaurant at di ako nahirapang gaano. medyo naligaw lang ako dahil namiss ko ang turn sa freeway at napasyal pa ako ng wala sa oras hehehe.

at home na at home ang pakiramdam ko sa kanila at di masyadong naging mahiyain. mahiyain kasi ako, believe it or don’t. maraming kumakain pala dito at maraming mga pinoy. siguro galing sila sa simbahan dahil grupo sila ng pamilya. mabait si ninang at marami kaming napagkwentuhan. pinagusapan namin din ang mylab kong naiwan sa singapore. pinag-usapan din namin kung gaano kahirap ang trabaho at buhay dito sa california. pero mukhang enjoy naman si ninang ko dahil kasama niya ang kanyang papa andres. miss lang niya siguro ang kanyang pamilya.

eto namang si andres ni ninang eh gwaping din. at super tangkad. akala ko eh matangkad na ako (5’10”) eh nagmistulang dwende ako sa tabi niya (6’3″). hehehe. very soft spoken si papa andres (tulad ko) at masarap din siyang kakwentuhan. batang california rin pala siya at kabisado niya ang pasikot sikot dito sa southern california. bagay silang dalawa. swerte rin itong si andres dahil mayron siyang ninang na maganda na’t mabait pa na nag-aalaga sa kanya. swerte rin si ninang at nay nagmamahal at umaalalay sa kanya.

pagtapos naming mag lunch ay naghiwalay din kami. siguro next time pag kasama ko na si jet eh mas matagal kaming mag tsitsismisan. nag bigay rin siya ng surprise gift kay jet. bait talaga.

ninang maraming salamat. at least nakita rin kita at medyo nawala ang pagka-homesick ko dahil nakasama ko kayo. iba talaga pag nakaharap mo nang isang taong nababasa mo lang sa website at naririnig mo paminsan minsan sa telepono. now i can put the person with all the stories i read and the voice i hear. it was certainly a pleasure and i really had a great great great time in this strange land. next time na lang ulit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: