LAKBAYAN

June 17, 2007


My Lakbayan grade is B-!

How much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Created by Eugene Villar.

Advertisements

COMFORT WOMEN

March 3, 2007

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

Abe war slavery denial sparks protests – CNN.com. Responding to a recent U.S. congressional resolution calling for Japan’s leader to formally acknowledge and apologize for the wartime sexual slavery, Japanese Prime Minister Shinzo Abe told reporters in Tokyo on Thursday that “there was no evidence to prove there was coercion as initially suggested.”


dear mr. abe… PUTANGINA MO!

JAKARTA

May 24, 2006

jakarta, indonesia reminds me so much of manila. it almost has the same feel. it has the same sad sorry old houses on one side of the street and beautiful new buildings on the other. i could swear that the roads too have the same number of potholes. replace the many mosques with churches and you can't tell the difference. the people look the same – brown skinned, always smiling faces. we speak differently but we share many common words. some have different meanings or are pronounced differently but most of the common words mean the same. it's as if the indonesians and filipinos have been separated at birth and allowed to grow individually that eventually they ended up looking the same and yet somehow different.

HOME SICK

May 20, 2006

this month marks my fifth year out of the philippines. i don't miss it really. in fact, i miss singapore more that i miss my home country. why is that? perhaps i am sick and tired of the politics. sick of the heat and the humidity. sick of the dust. sick of the traffic. sick of the corruption. i know this will change someday. but for now, i am loving sunny southern california.

dear mommy,

merry christmas po sa inyo. by this time siguro papunta ka kayong lahat sa tagaytay para sa annual christmas party ng pamilya. first time namin na mami miss ito ni jet in 5 years. medyo nakakalungkot nga pero ano bang magagawa natin – kailangan kumayod para may pambili ng hopia.

sana next christmas ay magkakasama ulit tayong lahat.

kagabi, nanaginip ako na kumukuha raw ako ng dalawang hershey bar sa vending machine sa opisina namin. weird nga eh – hindi ko po alam kung mayroon itong connection sa pasko pero gusto ko lang ikuwento. actually, ok naman po ang christmas weekend namin. parang nasa pilipinas rin kami kasi mga kabayan din ang kasama namin. ang sarap panoorin kung paano mag celebrate ang mga pinoy ng holidays sa ibang bansa. pakiramdam ko, we miss home so much na pilit naming mga overseas pinoy na ipagdiwang ang pasko na parang nasa pilipinas din kami. it’s heroic in a way and i love it.

tuloy po muna kami mommy. punta kami ng san diego ni jet at doon makikipag pasko sa iba nating mga kamag-anak. ingat po kayo diyan at kamusta na lang sa lahat.

nagmamahal,
jay


pakinggan ang PODCAST ng Dear Mommy Letter

kung wala rin kayong magawa ngayon, atsaka na lang kayo mangulangot – pakinggan ninyo na lang ang ginawa kong chipmunk version ng “panatang makabayan“.

para sa mga tulad kong lumaki nung 1970’s, ang panatang makabayan ay nakaukit nang permanente sa kukote mo dahil binibigkas ito during every flag ceremony. it’s funny how much silly crap you retain in your long term memory samantalang yung mga importanteng dapat mong matandaan eh hindi mo halos maalala.

ang isang nakakainis pag ganitong papasok na ng 40 years old eh nagiging makakalimutin ka na. ni hindi ko na nga matandaan ang cell phone number ko. nakakahiya nga kasi pag may nagtatanong ng number, kailangan ko pang silipin ito bago ko maibigay. pero ang panatang makabayan? lyrics ng bagong lipunan song? student number ko nung college? i can probably recite these in my sleep.

mayroong isang grupo ng mga magugulang (ie, medyo mas matanda na kaysa mga bagets – inaderwords, mga 30 to 40 something) na bloggers na gumawa ng isang blogging community. para saan ba ito? wala lang. mahilig kasi ang mga members sa tsismis at isa itong paraan para makipagkwentuhan sa isa’t isa. ang pangalan ng group ay “The Rebels Without Because“. member ako rito at ang topic namin ngayon ay: “ano ang gagawin mo kung ikaw ang presidente ng pilipinas”. kung may oras kayo, dumayo naman kayo sa BLOGKADAHAN.COM para basahin ang mga posts ng mga siraulong katulad ko. toka ko ngayon at heto ang aking entry:

kung ako ang presidente ng pilipinas…

Read the rest of this entry »

dear unkyel batjay, two weeks ka na pala diyan sa maynila. gusto kong malaman kung ano ang feedback mo tungkol sa pilipinas. in terms of the political atmosphere and the current economic condition. what do you think about the volatile events happenning in manila? do you think that the opposition will have enough clout to take the presidency from mrs arroyo? i am interested in finding out your opinion because i know that you are very intelligent. at pahabol – ang ganda nga pala ng mga bulaklak mo, lalo na yung lavender na gumamela. yun lang!

dear gentle reader, hindi lang intelligent – pogi pa. bwahaha. thank you – maganda talaga ang mga bulaklak ko ngayon. hayan ang sample. napakalalim naman ng mga katanungan mo. pilitin nating sagutin. una, may problema talaga sa pilipinas ngayon. hindi effective ang mga programa ng gobyerno dahil maraming corrupt. isa pa eh bagsak ang entertainment industry kaya maraming mga artista ang sumasali sa politika. tapos, mayron din namang mga nasa politika na sa pagaakalang sila rin ay pogi eh gusto namang mag artista. heto pa ang isa kong napansin: nakaka aliw ang mga commercial sa TV. karamihan rito ay tungkol sa shampoo na nakakapagtanggal ng balakubak. marami ring tungkol sa sabong panlaba. at ang isa siguro na kapuna puna dahil dito ko lang ito napapanood sa pilipinas eh maraming commercial ang tungkol sa gamot sa pagtatae. naghihintay na lang nga ako para sa paglabas ng “pantene with diatabs – ang shampoo para sa mga nagtatae”.

kung ako ang gagawa ng commercial, kukunin ko si kris aquino na model at ipapakita kong gumagamit siya ng shampoo habang nakaupo sa inodoro.

VOICE OVER: “kris, are you using pantene with diatabs again?”

KRIS: “keee-wreck!!!”

dito lang ata sa pilipinas pwedeng magbasa ng dyaryo habang nagmamaneho. ngyehehe. old bad habit ko ito nung dito pa kami nakatira. dahil sa packingsheet na traffic sa ortigas extension pag papasok ako from antipolo to work, i could actually finish reading entire articles bago gumalaw ang mga sasakyan. kanya kanyang pang aliw lang yan pag may traffic. alanangan naman na mag jakol ako. mas nakakahiya yon. ayoko naman mangulangot, kasi marami nang gumagawa niyan dito, lalo na ang mga driver ng mga truck. di ko alam kung bakit. siguro dahil salo nila lahat ng alikabok sa kalye at parating marumi ang mga ilong nila. but i digress… so, ayan nga dahil sa bad habit kong pagbabasa ng dyaryo habang nagmamaneho eh mainit ang ulo ko nang bumaba kanina dahil puro bad news sa pilipinas. puro calls for the president to step down. pati nga mga schools, involved na rin. ang sabi ng de la salle university – “gloria resign”. ang sabi ng up law school – “gloria resign”. ang sabi ng ateneo law school – “gloria should not resign. ang sabi ng ust law school – “gloria should resign but not so soon”. ang sabi ng malayan colleges – “papalitan na namin ang pangalan ng mapua institute of technology”. ngek.

ang sabi naman ng spokesman ng low school of saint andrew fields (mababang paaralan ng san andres bukid). oo siya yung nasa picture. ang sabi niya eh – “bwakanginanamanyan. mga ulul, pati ba naman kayo sumasali pa sa circus. don’t get into the current political shit and just be schools”.

last saturday, nagpunta ako sa dentista before the blogkadahan party. sa pilipinas na lang ako nagpapadentista ngayon kasi the last time akong nagpapasta sa singapore eh ginawang sabitan ng drill nung dentista ang bibig ko. asar na asar ako at muntik ko nang sapakin. takot lang ako at baka ilipat niya lahat ng bagang na ngipin ko sa harap at magmukha akong kalabaw. hehehe. simula non, sa pilipinas na lang kung saan magaan ang mga kamay ng mga dentista – pwede mo pang tawaran. kaya lang tatawad ka sa huli na at baka magtipid ang lekat at hindi ka lagyan ng anesthesia. mahirap yon, lalo na pag gagawan ka ng root canal.

Read the rest of this entry »

madugo ang friday ko. gising ng 6 am at diretso sa airport after spending a night drinking with former buddies in cebu until 3 am. ok naman ang flight from cebu to manila. kasabay pa namin sa airport ang alaska basketball team – kita ko na naman si jojo lastimosa. hehehe. ay oo nga pala, may minor delay na naman. mayron daw on-board navigational intrumentation na ayaw gumana. isip-isip ko nga kung magloko kaya ang navigation intruments ng eroplano, maliligaw kaya ang pilot? hemingway, i still had a meeting in manila na naka schedule ng friday evening. so, to waste time nagpunta ako sa malayan colleges dati kong alma mater para kumuha ng transcript of records. nakakatawa nga ang exchange namin ng pleasantries sa mga taga roon sa school.

Read the rest of this entry »

MAYROONG HIMALA!!!

April 12, 2005

LUNES ng umaga. nasa POEA office para kumuha ng exit permit at pinagmamasdan ang isang kilometrong pila na malapit nang tayuan…

BATJAY: malapit na ako sa counter ng POEA, kung may diyos – sana naman ay pag dating ko sa harap ay may makakilala sa akin na empleyado na maawa sa akin at i-process ang exit permit ko. sige na naman po bathala… marami pa akong gagawin sa trabaho at ayokong tumayo at mangulangot sa isang kilometrong haba na pila. please, please, pretty please. ayan na nasa counter na ako. o diyos ko, diyos ko, ito ba’y pagsubok mo…

POEA EMPLOYEE: Brother BATJAY – kilala ko po kayo! taga novaliches din po ako at parati ko kayong nakikita sa simbahan ng talipapa. kilala ko rin mommy mo! AAAY! ang pogi pogi mo pa rin kahit gurang ka na – akina yang application mo, ako nang bahala sa iyo.

BATJAY: MAYRONG HIMALAAAAA!

in less than 30 minutes ay na-process ko ang aking OFW exit permit. the shortest time ever na nangyari ito in 4 years. a good sign – sana swertehin ako ng husto dito sa bayang magiliw ngayong linggo. ang sarap talaga sa pilipinas. ang babait ng mga tao at parating silang nakangiti kahit mahirap ang buhay. i love to be back home.

LEGENDS

March 15, 2005

kagabi, suwerta ako to be in the company of legends. narito na si binky lampano and the lampano alley sa singapore. they are part of the on-going Mosaic Music Festival that is currently being held at the ultra modern highly sosyal na Esplanade – Theatres on the Bay. more than that – they are here to spread the blues to the hungry people of singapore. kagabi was just the appetizer – a symposium of sorts about what the blues is all about. and binky and the band really showed us what blues is and how blues was meant to be played. i had a great time listening to his music because it was so informal and everybody was cool.

matagal na kaming nagsusulatan ni binky. nagsimula ito nang makita ko ang website niya. natuwa ako at nag email ako sa kanya. una nagpasalamat ako dahil kumanta siya sa benefit concert para sa brain surgery of my kuya. but more than that, i wrote him because i am a big fan of his music. jet and i really love to watch binky play live because he is the ultimate stage animal who always gave everything in every performance – no holds barred, big booming voice, primal, soulful, world class. and finally we met face to face last night. we shook hands for the first time. actually, it was during the show na kinamayan niya ako. hehehe. siyempre proud na proud ako. post show – we went down to the bar and talked (and binky sang a couple of songs much to the delight of the people there). what does it feel like when the artist you really admire introduces you to his band and buys you a beer? tangina, siyempre, ang saya ko. sana lang kasama ko ang asawa ko. she would have loved to get to know binky. next to me – she is probably binky’s biggest fan. baka nga mas fan pa si jet ni binky kasya sa akin.

at siyempre, kasama ko si amor at ang isa pang up-coming legend – si jenn ang paborito nating periodista. naghahanap kasi si binky ng journalist para naman ma cover ang show nila sa press. bukod sa pagiging journalist, jenn is now a full fledged mediacorp actress. kung kayo ay taga singapore, abangan ninyo mamayang gabi sa channel 5 yung teledocumentary tungkol sa tsunami called “killer waves”. jenn plays the true to life role of a thai housewife who almost loses her two sons when the tsunami hit thailand. tandaan ninyo ha: jenn – now a name, soon a legend. hehehe. sabi ko nga kunin na rin akong actor. gusto ko rin kasing mag endorse ng “Beijing 101“, yung gamot sa pagka kalbo na parating pinapakita sa TV at dyaryo featuring singapores leading actors. anyway – sabi ko kay jenn, kahit extra lang ako (halimbawa – ako yung aapakan ni kingkong sa next movie ni peter jackson), pwede na yon sa akin.

ang balitang nagpatigil sa aming lahat na kumakain ng medya noche ay iyong tungkol sa isang dinala sa hospital dahil nakalulon ng pito.

PITO!?!

packingsheet, kundi ba naman gago… hindi naputukan, hindi naputulan ng daliri o natanggalan ng kamay kundi nakalulon ng pito. nagulat ba siya sa paputok at biglang napalunok habang pumipito? kahit anong pag-imagine ang gawin ko, di ko maisip kung papaano makakalulon ang isang tao ng pito. BWAHAHAHA. sana huwag na nilang tanggalin para kakaiba ang maging tunog ng utot niya. maraming salamat sa channel 2 sa pagbalita nito – muntik na rin akong itakbo sa hospital dahil nabulunan ako sa kakatawa.

10. for 3 straight days, kumain ng kambing o kaya tupa na may curry sauce
09. magpunta sa iraq na nakasuot ng t-shirt na may american flag
08. huwag maligo at magpalit ng damit simula dec 26 hanggang bagong taon.
07. bumisita sa presinto at sumigaw ng “pulis, pulis, pulis, titi mong matulis”
06. maglagay ng sibuyas sa kili-kili at tumayo sa gitna ng init ng araw ng 2 oras
05. patugtugin ng full volume ang kantang “eruption” ng van halen sa madaling araw
04. amuyin ang pekpek ng bagong panganak na kalabaw
03. huwag tumae ng dalawang araw at…
02. kumain ng isang malaking nilagang kamote.
01. mag-arkila ng sampung nagsasayaw na bumbay para sa new year’s party

CLICK TO ENLARGE: MAYNILA, MY MAYNILA kung minsan, naiinis ako sa mga title ng mga pelikulang may double meaning. tingnan ninyo ang palabas sa sinehan last week – “salat“, “kalabit“. ano bang ibig sabihin niyan? kwento ba ito tungkol sa mga bulag na masahista? kung ako ang gagawa ng pelikula, tatanggalin ko ang lahat ng mga ambiguities. imbis na “kalabit“, mas bagay kung ang title na lang ay “nagjakol siya at nabulag“. imbis na “salat“, gagawin ko na lang “dinilaan ko ang pekpek niya, di man lang siya nangiti“.

CLICK TO ENLARGE: warik-warik from the ilocanos huwag na kayong magtaka sa mga balitang maraming inaatake sa puso pag pasko. nung panahong nasa heart center pa si jet nagtatrabaho at sinusundo ko siya, nakita ko na around christmas time, ang emergency room ng hospital ay standing room only. hindi ito exaggeration. mahilig kasi tayo sa mga party at ang mga pagkaing hinahanda natin ay heart attack food. tulad nitong “warik-warik”, ang ilocano version ng sisig. hitsura pa lang ay magpapabilis na sa tibok ng puso mo. simple lang itong gawin – hinalong crispy pork liempo na maraming taba, pinakuluang utak ng baboy, calamansi at sibuyas na hilaw. masarap siya, kaya nga lang eh sa bawat subo ay parang ibinabaon ka nang dahan-dahan sa hukay. merry christmas sa inyong lahat. sana hindi tayo magkita-kita sa hospital ngayong kapaskuhan.

CATCH-22

December 21, 2004

BATJAY: gusto ko pong magbukas ng dollar savings account, miss.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: no problem sir. kailangan po ninyong ibigay sa amin ang mga sumusunod…2 ID cards at 1×1 photo. minimun deposit po natin ay US$100.

BATJAY: naku tamang tama. OFW po ako at mayroon akong singapore dollars dito.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: sir di kami tumatanggap ng singapore dollars para sa dollar account.

BATJAY: eh di palitan nyo na lang from singapore to US dollars.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: hindi po kami nagpapalit ng singapore to US dollars.

BATJAY: o di bibili na lang ako ng US dollars.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: hindi po kami nagbebenta ng US$ kung wala kayong savings account sa amin.

BATJAY: paano ako magkakaroon ng savings account kung hindi naman ninyo ako binibigyan ng pagkakataon na makapagbukas ng account sa inyo. nabasa mo na ba ang Catch-22?

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: sorry sir, bank policy ito.

BATJAY: ARGH!

PinoyBlog Xmas Party iniimbita ko kayong lahat na pumunta sa cabalen, megamall para sa christmas party ng mga baliw sa 30 december. pupunta ako roon kaya kita-kita tayo. pag more than a 150 people come, magsasayaw ako sa taas ng table. pag more than 200 people come, magsasayaw ako sa taas ng table na naka DARNA costume. pag more than 300 people come, magsasayaw ako ng nakahubo para makita ninyo ang shortcomings ko magsi-uwi na kayong lahat.

GENTLE READER: dear unkyel batjay, balita ko nataihan ka ng ibon during lunch yesterday. napanood mo ba yung ibong adarna? pasalamat ka at hindi ka naging bato.

UNCLE BATJAY: gagi ka talaga gentle reader. wala namang ibong adarna rito sa singapore. kung mayron man, kailangan ay makatulog ka muna bago ka maging bato. pero alam mo, tama yata ang kasabihan: pag may tumae sa iyo na ibon ay may darating sa iyo na swerte. nalaman ko ngayon na nanalo pala ako ng “THE BEST BLOGGER FOR 2004” sa philippineblogawards. muntik na akong maihi sa harap ng computer nang mabasa ko ito. buti na lang at napigilan… baka masapak kasi ako ni jet. ayaw niyang nagkakalat ako sa bahay eh. doon po sa organizers ng award na ito, maraming salamat po sa inyong lahat.

THE BEST  BLOGGER  FOR 2004

Read the rest of this entry »

GUY 'N PIP FOREVER - CLICK PIC TO ENLARGE nakakasenti ang larawan na ito. siguro, dahil binabalik niya ako sa panahon when life was less complicated. kinuha ito nung early 70’s, kasikatan ng tambalang guy en pip. ako’y nasa elementary pa lang at isang uhuging batang makulit (ang batang makulit, di pupunta sa langit). mga 8 years na sa akin ang larawang ito. sa sobrang tagal, ni hindi ko na nga alam kung sino ang nagbigay sa akin. hindi naman ako talagang fan ni nora aunor pero eto ako na parang siraulong nagtatago ng lumang litrato ng isang tambalang sikat nung aking wonder years. i don’t know why i still keep it. perhaps because it helps me look back and remember all the faces and places that have been part of my life. ang pinakapaborito kong pelikula ni ate guy ay ang “himala” kung saan parati ko na lang siyang ginagaya, lalo na pag nasa loob ako ng banyo. bilang pang-aliw, uupo ako sa trono at sisigaw ng – “WALANG HIMALAAAA!“.

Read the rest of this entry »

LABINDALAWANG DIRTY FINGER

November 20, 2004

GENTLE READER: dear unkyel batjay, bilang isang OFW, ano ang masasabi mo sa case ni major general garcia, sa corruption in general at sa pagnanakaw sa pilipinas?

BATJAY: allow me to beat around the bush, gentle reader. alam mo, mahirap talagang mabuhay ng marangal. karamihan sa atin, kailangan pang umalis ng pilipinas para lang may makain. yung iba nga, nagpapakaputa pa. marami ang nagdurugo ang puso dahil walang maibigay na sapat na pera para maipagamot ang mahal nila sa buhay… tapos maririnig mo na lang, milyon milyon ang ninanakaw ng kung sino sinong mga tao. tanginangyan. eto ang alay ko sa kanila… a curse: “may you all die slow painful deaths”. masyado atang brutal. eto na lang: labindalawang version ng paborito kong “ngatain ninyo” finger trick.

NGATAIN NINYONG LAHAT MGA MAGNANAKAW

SI BATJAY, ANG MAHIWAGANG SIOKOY NG SINGAPORE kung nasa punta fuego kayo nung sabado at may nakita kayong isang grupo sa pool na sumisisid, nagkokodakan at nagtatawanan. kami yon. ang pag kuha ng mga underwater pictures ang bagong hobby ng pamilya namin. simple lang ang objective ng underwater photography: come up with the ugliest face while holding your breath. madali lang itong gawin kasi pag nasa ilalim ka ng tubig, siokoy ang dating kahit anong pogi mo. case in point ang picture na ito. ang galing ano? para kaming mga autistic ni donna. lalo na ako, di ko alam kung demented or criminally insane. perhaps both. i’m sure, nagtatawanan na sila sa bahay habang pinagmamasdan nila ito. ngayon alam nyo na kung saan nanggaling ang sense of humor ko.

kung may ilang beses na kitang pinangarap na tuntungang muli nung nasa labas mo ako. ngayon papalabas na naman at nalulungkot. kung patas ka sanang magbigay ng kabutihan sa iyong mga residente e di sana di na ako aalis. alam ko naman na di mo ito kasalanan. marami lang umaabuso sa iyo. paalam maynila, hanggang sa muling pagkikita. ingatan mo na lang ang mga mahal ko sa buhay.

kung nasa marcos highway kayo nung martes ng mga ala una ng madaling araw, at may nakita kayong lalaking medyo kyut na nagpapalit ng flat tire malapit sa isang junk shop – ako yon. parang isang pang-inis na pansalubong sa akin ng tadhana. habang nagpapalit ako ng gulong, may mga grupo ng kalalakihan na nasa tabi ko. kinabahan ako nung una kasi akala ko gugulpihin nila ako (kaya ganon na lang ang hawak ko sa jack). pero pagtagal nabuwusit ako kasi ni hindi man lang sila nag offer na tumulong sa akin. mga kupal talaga – hekshuli, pinagtawanan pa nila yung aking misfortune. sana tubuan sila ng betlog sa noo. to add injury to the insult: habang inaayos ko ang aking flat, tinugtog sa radio ang i’ve never been to me, isa sa aking most hated songs. siguro na senti ang isa sa mga kupal at nilakasan pa ang volume kaya dinig na dinig ko… “ive been to paradise but i’ve never been to me” – aaaargh! dapat bitayin ng sampung beses ang composer ng kantang ito.
Read the rest of this entry »

TANONG: dear unkyel batjay, ano po ba ang masasabi ninyo tungkol doon sa paghuli ng MMDA sa mga naka topless na lalaki sa Metro Manila?

SAGOT: dear gentle reader, alam mo naman na contra ako sa kahit na anong form ng kabalastugan galing sa mga matatalinong tao sa gobyerno, kaya bukas na bukas din ay magwewelga kami sa harap ng opisina ni bayani fernando sa MMDA. buwisit na idea na yan. mga kapatid, sumali na kayo sa bago naming itinayong maka kaliwang grupo. ito’y alyansa ng mga because oriented groups na kinabibilangan nga mga kung sino-sino. ang pangalan nga pala ng grupo namin ay “TOPLESS FOR CHRIST“, kaalyado ito ng grupo ng mga kulasisi at mga kabit sa pilippinas na pinamagatang “concubines for christ”.

TANONG: dear unkyel batjay, tanong ko lang po – bakit po ba dirty ice cream ang tawag doon sa sorbetes na nilalako sa pilipinas?

SAGOT: “dear gentle reader, kaya dirty ice cream ang tawag doon ay dahil nilalagyan ng kulangot yung dulo ng cone ng mamang sorbetero. well, at least yan ang paliwanag ng mommy ko sa akin nung araw para huwag akong kumain ng dirty ice cream. wa-epek. kumakain pa rin ako. pero siyempre with extra caution – pag malapit na sa dulo ng ice cream cone ay tinatapon ko na ito para di ko makain yung kulangot.”

dear boss roland,

bago ang lahat, hayaan mo munang batiin kita ng isang mapagpalayang magandang tanghali galing dito sa singapore. alam kong medyo busy ka diyan sa iyong lungga pero may gusto lang akong tanungin. ano ba yung “humps” na kinalolokohan ng mga pinoy diyan sa saudi? bago yan sa pandinig ko. ang alam ko nga lang diyan ay yung mga kabayan nating nagpapalagay ng bulitas, pero yang humps na yan eh nakakaintriga. hehehe… parang gusto ko tuloy magpalagay. please enlighten me. yun lang muna sir – kamusta na lang diyan. miss ko na ang mga yosi sessions natin especially now na huminto na ako sa pagsigarillo. ingat na lang diyan sa desyerto.

nagmamahal,
batjay

Read the rest of this entry »

ITO ANG INYONG UNKYEL BATJAY dear gentle reader, itutuloy ko na yung pagsagot doon sa 2nd question mo: masarap bang mag abroad? hmm… kahapon ko pa iniisip yan eh kaya nga muntik tuloy mauntog yung ulo ko doon sa poste ng bus stop. well, mahirap ang buhay abroad – wala ka sa sariling bansa and out of your comfort zone. tapos mahirap makisama sa umpisa dahil maraming mga cultural at procedural differences, and you need to look beyond this to make your stay worthwhile. isa pa: may mga language barrier at iba ibang sensibilities relating to this. for instance – sa opis namin, ako lang ang hindi intsik. nahihirapan ako at minsan napipikon pag nag iintsikan sila sa harapan ko, lalo na pag sabay sabay kaming kumakain pag lunch. minsan tuloy gusto kong isigaw: “PUTANGINA NAMAN, PAKI PASA NGA ANG KETCHUP!

Read the rest of this entry »

dear uncle batjay,

kamusta na po kayo? sana ay gwapo pa rin po kayo hanggang ngayon. eto na naman ako at mayrong katanungan: balak po kasi ng asawa ko na mag abroad. gusto ko lang pong malaman kung bakit kayo nag abroad? at kung masarap bang mag abroad. iyon lang po unkyel – pwede ko po ba kayong tawagin unkyel?

nagmamahal,
gentle reader

SAGOT NI BATJAY:

dear gentle reader,

ok lang na unkyel ang itawag mo sa akin. yan din ang bansag sa akin ng mga kaibigan kong bading, bukod sa “fafa batjay”. maraming salamat sa pagsulat mo ulit. oo, cute pa rin ako. lalo na ngayon at pumapayat na ako. iba talaga ang epekto ng excercise at madalas na pag jakol. actually, gingagaya ko lang naman ang mga kapatid natin sa saudi arabia na ngayon ay nagkakanda bulag na sa sobrang pag mariang palad. tigilan nyo na yan, kabayan! asan na ba ako? ah, ok. sasagutin ko na ang mga katanungan mo…

Read the rest of this entry »