NOTRE DAME OUR MOTHER. TENDER, STRONG AND TRUE…

September 7, 2003

kahapon ang homecoming ng high school ko sa pilipinas. di ako naka-attend kaya eto akong naiinggit sa malayong lugar. sana nag-enjoy ang mga barkada ko. marami raw beer sa school na inihanda para sa kanila. nag start sila ng 4:00 pm. knowing them, malamang nagsimula silang uminon sa school at makipag chikahan sa mga teacher naming nandoon pa. pagtapos tinuloy nila ang inuman, either kina nes or mas malamang ay pumunta sa QC para mag karaoke. kung nasa pilipinas lang sana ako…

IT WAS TWENTY YEARS AGO TODAY. twenty years. ganyan na katagal since i stepped out of high school. pumasok ako rito ng five years old at lumabas at seventeen. i am what i am (ano sa tagalog ito? “ako ano ako”. hehehe. i digress) dahil sa school ko. lahat ng mabuti at masama sa akin, natutunan ko sa loob: disiplina, pag-inom, friendship, paninigarilyo, charity, pagmumura, love of books (hindi love of boobs, pero pwede na rin), pagiging alaskador at sutil. balikan natin ang nakaraan…

ang mga section namin sa elementary ay galing sa pangalan ng mga santo. tanong: mayron bang section na San Judas? hehehe. wala siyempre. pero mas maganda kung mayron ano? anyway, eto ang litanya:

KINDER AND PREP, ST JOHN BOSCO, ADVISER: MRS. CHAVES. si mrs. amelia chaves ang aking kindergarten teacher. the first among the many teachers i love and respect. mabait siya at parang nanay ko sa school. naging malapit din siya sa mga parents namin. so close that our parents petitioned the school na siya pa rin ang maging teacher namin sa next school year. na approve ito kaya naging nanay namin siya sa school for the first two years. huli kaming nagkita nung bago kaming ikasal ni jet sa huwes. ipinakilala ko si jet sa kanya at nag request kung pwede ko siyang kuning ninang pag kinasal kami sa simbahan. open pa rin itong invitation na ito sa kanya. perhaps one day. she left the school after a while at nagtatrabaho sa munisipyo ng kalookan to this day.

GRADE 1, SECTION: ST. STEPHEN, ADVISER: MISS SIMON. i have no great recollection of her except mahilig siyang magbenta ng mga mattel na laruan sa mga estudyante. hehehe. hindi pa bawal nung-araw paghaluin ang negosyo at pagtuturo eh.

GRADE 2, SECTION: ST. ISIDORE. ADVISER: MR. CAPISTRANO. great teacher. never looked down on our youth and treated us like we were his age. siya ang nagturo sa amin ng basketball kaya mahal na mahal namin siya. hehe. nanalo ako ng 1st place sa declamation contest and my mom and dad pinned my medal during our recognition day. they were so proud. naka discover sa talent ko ay si miss patao. hehehe. i swear to god. teacher namin siya sa pilipino and we didn’t start out great dahil pinalabas niya ako sa clase early in the school year. tinanong niya kasi kung anong gulay ang nagsisimula sa letter “P”. bigla akong sumigaw nang “Ma’am PATAO!”. kaya iyon, sinigawan din niya ako nang “GET OUT!”

GRADE 3, SECTION: ST. INNOCENT. ADVISER: MS. REDONDO. one of my beloved teachers. siya rin ang teacher namin sa english sa grade 3 at 6. more than anybody else, siya ang nagturo sa akin ng pag-enjoy sa pagbasa. jet and i have this huge collection of books in our library sa bahay sa antipolo. perhaps, i will call this the “MISS REDONDO ROOM”, she probably would like it. sa 3rd grade rin namin naging teacher si mrs. sarmiento. taon taon na lang, either buntis o manganganak. hehehe… parating naghahanap ng manggang hilaw, o kaya, nagpapautos bumili ng banana-que pag naglilihi.

GRADE 4, SECTION: ST. AUGUSTINE. ADVISER: MRS. CAPISTRANO. asawa siya ng advisor namin ng 2nd grade. i remember her with great fondness. she was very pretty and very funny. one time, during the school mass, sa gitna ng sermon ay tinawag niya ako. pag lapit ko eh inapakan ang sapatos ko at sabay bulong sa akin: “pabinyag ha, bago pala ang sapatos mo!”. hehehe. huli kaming nagkita nung EDSA II – bigla ko na lang napansin na katabi ko siya malapit sa EDSA shrine at pareho kaming sumisagaw nang “ERAP RESIGN!”. teacher ko rin sa social studies si mrs. mandreza. she made me study hard because i loved her class. she was a great teacher. i remember this was the time when the first geothermal power plant was being started up in leyte and we spent a lot of time discussing the many great benefits of this new technology. little did i know that i would be part of the team that would rehabilitate this same plant twenty years after.

GRADE 5, ST JEROME, ADVISER: MRS. DE GUZMAN. negosyante si mrs. de guzman. bigla na lang siyang sumulpot sa school at naging adviser namin. marami kaming naging project sa school at siya ang bumibili ng mga raw materials. di namin alam eh kumikita pala siya sa perang binibigay naming pambili. isang taon lang siya sa school namin at balita ko eh pinaalis siya dahil sa kasong ito.

GRADE 6, ST PAUL. ADVISER: MR. DUMLAO. kabayo ang tawag namin kay mr. dumlao. kasi mukha siyang kabayo? hehehe. sa grade six ata namin na discover ang magagandang properties ng gin bulag. hehehe. nag get together kami nina nes sa bahay namin, bumili kami ng gin at hinalo sa buko juice na pinitas sa puno namin. sarap! and the rest, as they say, is history. nagsimula rito ang pag-inom, hanggang ngayon, nagkikita pa rin kami para uminom.

during the summer vacation between grade six and first year high school, nag decide ang parents ko na lumipat sa isabela. doon ako nag aral ng first year kasama ang pamangkin kong si den den. i missed my friends and every time na may break umuuwi kami sa maynila para makipagkita sa kanila.

EVERYTHING I LEARNED, I LEARNED IN HIGH SCHOOL

lahat ng dapat matutunan ko eh natutunan ko sa high school. para sa akin, it was the garden of good and evil. it was where i learned all i needed to learn in life. college was a bore, really.

2ND YEAR, SECTION: MABINI, ADVISER: MS. DANAO. ang tawag namin kay ms. danao ay kalansing kasi pag nagsasalita siya ay parang may kumikiskis sa loob ng kanyang bibig. naging instructor din namin sa consumer’s math si ms. dio. much misunderstood siya pero she was also a good teacher. ang kanyang most famous line: “common sense will tell you na maganda ako…” asintado si ms. dio at marami na siyang nabato ng eraser at hinataw ng class record sa mukha. naging instructor rin namin si ms. bendero sa biology, isa ring magaling na instructor. dalaga pa rin to this very day. assignment ko sa kanya ay tungkol sa “digestive system” na hanggang ngayon kaya ko pa ring i-explain. instructor namin sa literature si ms. olifernes. ang tawag sa kanya ay “zombie”. hindi siya nagtagal sa school namin. siguro dahil na rin sa malupit na pang-aalaska ng mga estudyante. ang second year namin was a year of a lot of experimentation with “sex, drugs and rock and roll”. uso pa nung araw yung “diamond inn” at “coronet” sa sta. cruz. pabortong casa ng batch namin. malakas din ang bentahan ng damo sa loob ng school at maraming nahilig dito. suwerte rin ako at karamihan ng mga kabarkada ko sa high school ay mahilig sa musikang gusto ko. patay ka sa alaska sa amin kung mahilig ka sa disco.

THIRD YEAR, SECTION: HOPE, ADVISER: MR. TUMAMBING. si mr. tumambing din ang teacher namin sa chemistry. magaling din siyang magturo at araw-araw ang recitation sa kanya kaya dapat gabi-gabi kang mag-aaral. teacher namin sa pilipino si ms. javier. idol ng lahat dahil maganda at malaki ang boobs. magaling din siyang magturo at dahil sa kanya, hanggang ngayon mahilig pa rin ako sa mga bagay-bagay na tungkol kay jose rizal. dito ko rin unang nakilala si ms. apalin. ang taray niya. siya ang organizer ng musical extravaganza ng school at kasali lahat ng mga section sa choir contest. ang pangalang ng choir namin na puro sintunado ay “nHope”. hehehe. talo kami.

FOURTH YEAR, SECTION: MATAPAT, ADVISER: MR. HOJILLA. si ms. hojilla rin ang nagpa appreciate sa akin ng pag basa ng mga libro. sa dami ba naman ng mga required reading namin sa klase niya eh kung di ka ba naman mahilig. well, you would either love or hate books at the end of the school year. there was no middle ground. sa pilipino ay instructor namin si ms. fajatin one of the best teachers i’ve had, ever. she was a liberal nationalist and gave us a lot of room for discussing issues freely. halos buong taon naming discussion ang “fili’ ni rizal at lahat ng mga issues associated dito… from the love life of ka pepe, to bakit “pabor tabo” ang pangalan ng barko sa unang chapter ng “fili” to his “supposed” retraction. nag retract ba si rizal? sabi ni ms. fajatin ay hindi. i believe her. yung mataray na si ms. apalin nung 3rd year, kabarkada na namin sa 4th year. siya rin ang in charge sa pagkanta sa misa at kinuha niya kami ni raymund at ni allan sy na mag gitara sa mga school mass. one time during the mass, gusto kong kunin yung wireless mike, kaya sabi ko sa kanya: “miss apalin, can you please pass me the vibrator”. muntik na niyang malulon yung mike sa kakatawa. a few years ago, nabalitaan ko na namatay siya. di ko alam kung tutuo but wherever she is, i wish her well. teacher naman namin sa christian morality (yes there was such a subject) si mr. chaves, ang aming high school principal. also known as “Tibo”. asawa siya ni mrs. chaves, ang aking kinder teacher. i guess, it was fitting to start and end my school life with a husband and wife teaching team.

all throughout these years, maraming mga characters din ang parang “anghel dela guwardya” namin. eto sila…

MR. REMIGIO DE LUNA, PREFECT OF DISCIPLINE.. public enemy number 1 ng mga estudyante dahil siya ang in charge ng disiplina sa loob ng school. dapat isa lang ang butones sa polo mo ang un bottoned dahil may nakahanda siyang stapler at iistaplerin niya ang polo mo ng wala sa oras. hihilahin ka niya sa pila sa canteen pag naninigit ka. actually, isang pito lang niya eh biglang nagkakaroon ng pila sa canteen. papatayuin ka niya sa harap ng pinto ng faculty room pag may atraso ka. nung fourth year na kami ay naging adviser namin siya sa student council at napalapit din siya sa amin (call me “Remsky”). siya ang dahilang kung bakit hanggang ngayon ay halos sarado ang mga butones ng mga suot kong polo.

MR. SINGSON. ASSISTANT PRINCIPAL. ALSO KNOWN AS “ULO”. si mr. singson ang in charge sa attendance ng buong high school. pag late ka o kaya absent, kailangan mag report ka muna sa office niya. pag absent ka, kailangan ay may excuse letter ka sa magulang mo kung bakit ka absent. minsan ay nasa opisina niya ako, may isang estundante na nag absent for four days. ang dahilan ay LBM. nagsisigaw si ulo: “Ano? Ang ibig mong sabihin sa akin eh APAT NA ARAW kang NAGTAE? Eh di sana patay ka na ngayon! Stand at the corner!”. ang tindi.

MS. YAP, GUIDANCE COUNSELOR . much loved by our batch. she made sure na 100% ang passing rate namin sa NCEE. opening pa lang ng school year, kung ano ano nang testing ang ginagawa sa amin. practice daw para na NCEE. every week, mock tests… so much testing that it was almost a relief to finally take the test proper itself. sisw! hehehe… pasado kaming lahat siyempre. si ms. yap din ang takbuhan namin pag may problema kami sa mga instructor at parati niya kaming pinagtatanggol. she was very gentle and kind. her guidance office was like a sanctuary.

MANG PIDO, SCHOOL JANITOR. simula dumating ako at umalis sa school, naroon na si mang pido. nung kinder kami ay parati kaming tinatakot ni mrs. chaves na kapag makulit daw kami, ikukulong daw kami ni mang pido sa store room ng school. takot na takot nga kami sa kanya nung una pero pag graduate namin, nakikisindi na siya sa amin ng yosi. hehehe.

MR. PEREZ, SCHOOL GUARD, ALSO KNOWN AS “BUTETE”. malaki ang tiyan ni mr. perez kaya siya tinawag na butete. pag pasok ko ng kinder hanggang pag graduate ko ng high school naroon na siyang nagbabantay ng main gate ng school. siya ang lulusutan mo kung gusto mong lumabas ng maaga. parati siyang naka shades kaya di mo alam kung gising o tulog. mahirap lumusot sa kanya.

there you are: my teachers, my friends and my school. i honor them today in celebration of the school’s foundation day. i am 37 years old already and i offer a life well lived as a tribute to all the great characters that were responsible for making me what i am.

Advertisements

No Responses Yet to “NOTRE DAME OUR MOTHER. TENDER, STRONG AND TRUE…”

  1. Paulo Galang Says:

    sir taga Notre din po ako ngayon kasalukuyang naghahanap ng project sa health tungklo sa paninigarilyo tapos nhakita ko ung Notre Dame our Mother sa yahoo search. 2- Mabini rin po ako……………………..gud lak…………………..Paulo Galang @-mabini Notre Dame Of Greater Manila


  2. eyyyy ,, bakit lagi na lang akong pinag ii nitan ng mga teacher ,,, lalonglalo na si ms.manapsal >>>>

  3. James Says:

    Nasaan na ang crush kong titser na si ms. bautista? Sabi ko pa nga sa sarili ko pag tapos ko ng college babalikan ko sya, syang!!!!

  4. mOnChi Says:

    putaragis sobrang tagal na ng sinulat mo ha. ang naabutan ko na lang c mr. singson eh… pero pinakamabangis pa rin sa lahat tong notre halos loyalty awardee to par. lahat na uyata ng mga taga notre kayang gawin yan kasi sa dami ng kagaguhan na natutunan nila dito pero dbest pa rin to

  5. ding dela cruz Says:

    BatJay,
    wow! para akong naibalik in time. notre rin ako from kinder to hs. batch 77. congratulations on your site. i’ve been reading it daily since about a month back.nga pala, tulad mo ay isang alipin (ofw) rin ako dito sa vietnam.


  6. hi ding.

    thanks for the comment. bihira akong makatanggap galing sa taga notre dame at siyempre excited ako. wow, vietnam! what do you do there, if you don’t mind my asking? we cover the region but i havent’t been there yet. my colleague does all the travel in your part of the world.

    anyway, i come home frequently and still see my old batchmates. we are very close and sometimes it feels like we never left school – we just continue the stories where we last ended the last time we met.

    sometimes, we have old teachers drink with us – mr. guerra our trigonometry teacher was our guest last year. i’m trying to get mr. chaves (Tibo) to attend our next party. i already talked to his daughter so there’s a big possibility that this will come true.

    thanks again for writing and more power to you.

    in notre dame,
    jay

  7. deng Says:

    I was just surfing the internet at nakita ko yung sinulat mo tungkol sa notre. It brings back happy times, batch 88 ako, the last batch bago iniba ang patakaran sa school. Yung mga description mo was on the dot. Matagal na akong wala sa pinas pero tuwing umuuwi ako panigurado tropa ko sa notre ang kasama ko. Notre was the best ika nga. Thank you for sharing your experiences.

  8. Jun Rosca Says:

    Discovered your kwento in the internet while surfing. Batch 75 ako. I’m not sure if you know that there will be an NDM Alumni reunion sa Las Vegas this October 2006. Let me know if your interested, I’ll email you a copy of invite.

    And your absolutely right, college is a bore.


  9. hi jun.

    thank you very much. i found out about the the vegas reunion this october.

    mrs. agulo put my name in the email list and so i get regular updates. i won’t be able to make it this year though.

    i’m sure you’ll have a great time.

    take care,

  10. Rafael Abanilla Says:

    *batch 2001*… after i read your blog about your “notre years,” i started writing my school history…trying to remember my sections… it’s a little tough… i should have brought my yearbooks with me here… i heard about the Vegas reunion but I am not sure how to include my email to the list…
    did you hear about Mr. Singson? i think he passed away early this year…

    take care,


  11. thanks for the comment.

    the vegas reunion is this october, if i’m not mistaken. if you want to be included in the notre dame mailing list, you should send an email to miss agulo (who is in charge of the alumni office).

    mr. singson died last august. he will be missed.

  12. nathaniel Says:

    Like Deng- i was trying to see if i’d be able to google some pics from Notre’s batch 88..and i chanced upon your blog..this was hilarious! It just brings me such memorable times there in our dear Notre Dame! Yes i heard Mr. Domingo Singson passed away. He surely will be missed.


  13. thank you for visiting. i’ll be home this december and will be seeing my old buddies – we still see each other regularly here in california and in manila. ingat.

  14. rene Says:

    batch 83-84 ako. hanap ko iyong mga dancers ni ms apalin…am one of them. mga tambay sa bahay ni gole cruz or “tindahan”. paramdam sana kayo “jojo jimenez, jojie “bayaw” ablaza, carlo, ferdie, jun lim, don anderson, noel bautista & all the tropas who liked to dance.

  15. rene reyes Says:

    rene’s nbr 408.294.3070 ext 152 and e-mail rene.reyes@navy.mil

    • Baby Santos Says:

      kamusta ka na rene? si baby santos ito yung kapitbahay mo sa caloocan kapatid nila geneng at junior. natatandaan mo pa ba ako? hiningi ko yung email add mo kay jovi. matagal kana kasi pinapahanap sa akin ni kuya geneng. saan ka na ba ngayon? sila kuya geneng nasa arizona na nakatira. ako naman dito na sa pinas bale i year na kami dito. reply ka ha.

  16. leonardo c. flores jr. Says:

    ..sir batch 89 ako..if you can still remember our batch is the worst batch of all..fortunately kasama o dun..(fortunately daw oh. proud pa eh noh) eniwei d kita ma recol pero ang mga naging adviser mo, naging adviser ko din.. like mrs. simon..mr ferrer, redondo, ms. arevalo (na hanggang ngaun andun pa) si mr. singson patay na bro. si mrs. dia din, wala na..sad noh.. am a 35 yr. old guy na..pag magkasing age tau.. magkabatch tau..batch ko ung villegas..barcelo..mendoza (hu died of aniorism at the very young age 27 yrs. old) sad noh..batch ko din sina jonathan roque, calvelo, limbo, estrebel etc…tnx for giving us tym to reminisc our valued & very happy chilhood and adolescence days..kip in touch.

  17. jerdy Says:

    batch 87 GS, batch 91 HS here.

    this brings a lot of memories. pero admit it, a Damer is always unique, in a better way. Damer trademark: taas noo, kasi Damer ako. may yabang pero hindi bulgar. confidence nga ba tawag don? hehe

    diyan ako natuto magyosi at uminom. may barracks pa nga sa likod. inuman tuwing pagtapos ng CAT every friday. kaya nung college na, ayaw ko na uminom. maaga nagsawa siguro.

    i remember yung mga teachers na nabanggit mo. alam ko pa rin sections ko from kinder to 4th year. haba yon kaya wag na lang isama. haha

    naalala ko tuloy crush ko dati. si ms. clarivel antonio. san na kaya siya? deym, minahal ko yon ha!!

  18. engr. jeffrey lagasca Says:

    sarap talaga maging damer and im proud to be, still remember sina miss liz arevalo crush ko talaga yun ewan ko kung anu na surname nya ngayon teacher sa CAE yun mga tol.sarap din magin CAT officer nun at COCC.bacth 91 here

  19. omar sarno Says:

    mga pare nasaan na ba ang mga batch 84? Omar’s email ojsarno@msn.com

  20. Ferdinand From zamboanga Says:

    buenas diaz!

    ako po si ferdinand acaylar.. naghahanap sana ako ng deklamation sa filipino.. pwd nio ba akong tulungan?

  21. Abregana Says:

    musta na mga Damers? BATCH ’89 din ako… like jerdy said maagang natutong uminom at magyosi maaga rin nagsawa, lol… flores jr, pare cno namatay ng aniorism? cge mga co-damers… take care!

  22. Robert L. Castillo Says:

    Gooday sa inyo. Batch 84 naman ako. nabasa ko itong sinulat mo. na-iss ko tuloy ang Notre. kapareho mo, nagsimula din ako ng kinder at lumabas pagkagraduate ng high school.

  23. batjay Says:

    kamusta schoolmate. buti naman nadalaw ka.

    ingat.
    jay

  24. najat Says:

    hi po!! nakakaawa naman mo blog mo!! lam nio po DAmean din ako sa parang Shariff kabunsuan and huess what?! meron din po kami “butete” na tinatawag!! mga dameans po talaga oHH.. hehehe!!

  25. arielm sig40 Says:

    Sarap talaga sa Notre.Si Mr Singson talagang korteng bumbilya ang ulo. Sabay sabay yatang magkaroon ng PMS si Singson, deLuna, at Chavez.
    batch ’82

  26. Erwin Yonzon Says:

    musta sa batch 84… from kinder to 2nd year lang ako… sayang… did not make it…. i just hope sa mga batch ko,,,,, sana you still know me… hehehhe… keep in touch…. here’s my e-mail ad…. erwin_yonzon@yahoo.com goodluck to all DAMERS…

  27. makbinnit Says:

    graduating pa lang po ako ng notre this year. wala lang. natuwa lang ako sa blog mo. at mr. singson lang ang kilala ko sa mga nabanggit n’yo. at feeling ko ang POD n’yo ay nagresurrect sa POD namin ngayon. walang alam kundi pumito.

    ops. exam pala namin ngayon.

  28. Michael Dais Says:

    Hi to all,batch 89 din ako,I’m now in Hawaii..I’m desperatley looking for my kabarkadas from ndgm,email me if you’re batch 89,my email add is mhykel_dais@yahoo.com…I really do agree na nothing can beat being a Damer,those were the best years of my life.

  29. Mang Diws Says:

    @makbinnit
    si mrs. tolosa yang pod nyo ngayon dba? haha.. naalal ko yang teacher na yan laging nananakot sa amin dati.. nandyan pa din ba si jones ramiscal?

    @batjay
    inabutan ko lang dyan si mr deluna at si mr singson…

    naalala ko yung magsasago sa harap ng school si mang rico simula kinder ako sa notre hanggang gumradweyt ako ng hs hanggang ngayon araw na to nandun pa din sya sa notre..

    pati yata si mang nato na nagtitinda ng laruan sa likod andun pa no?

    hahaha! grabe hs days at notre ang hinding hindi ko makakalimutan sa buhay ko.. lahat dito ko natutunan…

    BTW batch ’99 here…

  30. Jennifer Leonardo-Heil Says:

    Si Mr. Mediana aka Meding ang paborito kong Trig teacher…very memorable yung suklay niyang orange na may matulis na buntot na nakasuksok sa likod ng bulsa niya…patay din kayo sa bigote ni Meding…alang kaparis…Jay salamat sa mga memories na ibinahagi mo sa amin…para tuloy akong bumalik sa mga haligi ng Notre Dame… salamat ulit!

    potpot ng batch 89′

  31. batjay Says:

    no worries.

    search mo lang ang “notre dame” sa site ko and you’ll find many entries.

    ingat

  32. vaughn Says:

    wah! notre notre! hehe… sobrang an laki na po ng pinagbago ng school… and si father lucas na po ang school director… part po pla kayo ng student council ng hs. cool… an daming kong nlaman… ung iba i guess na abutan ko pa, nag change lng ng name kasi may asawa na… si mrs. sarmiento, ung fil teacher na abutan ko din hehe šŸ™‚ sobrang ang galing… batch 2003 ako nung gs tpos 2007 sa hs… šŸ™‚


  33. nice entries to remember….batch 93 high school

  34. ajr1209 Says:

    we just had a successful homecoming yesterday at Notre Dame. A lot of our former classmates and teachers were there to celebrate the event. Sobrang saya to the max! Btw, ka batch pala namin yung bagong school director, Fr. Oscar Lucas of batch’84

    regards,
    Alain

  35. a.r.d.y.e.y. Says:

    dumaan pala dito sa Mang Diws. barkada ko yan sa notre at lagi pa rin kami nagkikita ng mga HS barkada tuwing umuuwi ako ng pilipinas. hehehe.

  36. Cris Ramos Says:

    mga bro Damers… batch 91 (high school) po… sana maka-in touch ko mga tropa ko… the best ang memories ko dyan… d2 me sa Qatar…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: