BRAIN FOOD

March 31, 2004

“Sex makes you clever”… sinasabi ko na nga ba eh! kaya pala, i’m a fucking genius.

matagal nang palaisipan sa mga scientist ang evolutionary explanation ng sexual intercourse sa propagation ng species. binanggit ito ng idol kong carl sagan sa kanyang librong “shadows of forgotten ancestors”. bakit daw naimbento ang sex para magparami? bakit pa raw kailangang mag engage pa sa kung ano-anong mga rituals and excert so much time and effort just to be able to propagate.

Read the rest of this entry »

Advertisements

seedless grapes
seedless watermelon
seedless bayabas
seedless orange

puro seedless na lang halos lahat ng mga nakakain kong prutas dito sa singapore. kailan kaya sila maglalabas ng seedless na kasoy?

nabawasan nga pala ako ng 2 lbs. yehey! kaunti na lang, pwede na akong mag sideline na sexy macho dancer. hehe. maganda rin sanang sideline yung tulad ng trabaho ni ronnie lazaro sa “boatman” pero baka malamang sigurado oombagin ako ng misis ko.

KWENTONG BARBERO

March 29, 2004

nagpagupit ako last weekend after postponing it for three weeks. hinahanap ko kasi muna ang suki kong barbero sa mga kalapit barbershops around our neighborhood. nag resign na kasi siya from the barbershop where i usually have my haircut. hindi ko makita ang lekat kaya naghanap na lang ako ng bago. ok, POP QUIZ (a’la keanu doon sa pelikulang “speed”):

TANONG: kung biglang nawala ang regular barber mo at mayron kang pagpipilian sa loob ng barberya na gugupit sa iyo, sinong pipiliin mo?

SAGOT: siyempre, pipiliin mo yung barbero na may pinakapangit ang gupit ng buhok.

rule of thumb: on the assumption that barbers in a barbershop cut each other’s hair, the best barber will always have the worst haircut.

kaya pinili ko eh itago na lang natin sa pangalan na “hipping kulelat”. he has a haircut that looks like a cross between jesus christ and michael jackson’s afro hairdo during the 70’s. believe me, it can’t get any worse than that.

ok naman ang kinalabasan. buhay pa rin naman siya hanggang ngayon.

Read the rest of this entry »

SUICIDE IS PAINLESS

March 28, 2004

two weeks ago, pinanood ko ang “M*A*S*H” (yung masterpiece ni robert altman, hindi yung tv series). ever since, di na nawala sa loob ng ulo ko yung paulit-ulit na pagkanta ng “suicide is painless“, the lyrics of which incidentally, was composed by altman’s son. kahit saan na lang kinakanta ko ito – sa banyo, sa opisina, sa train (much to the amazement of the other passengers). nung di ko na matiis, kinuha ko yung gitara kanina at nirecord ang aking take sa kantang ito. pakinggan nyo na lang.

Read the rest of this entry »

alam ko marami akong mga bastos na salitang ginagamit at kung ano-anong mga katarantaduhan ang mga kinukwento ko pero: kung sino man yung nagpunta sa google, nag search ng “mga kwento ng nagtataeng ballpen“, at nakarating sa site ko eh – “mabuhay ka, kaibigan!” – mas sira ulo ka pa sa akin. hehe.

ak-shu-li, ok itong title ng pelikulang pinoy: “Mga Kwento ng Nagtataeng Ballpen”

Read the rest of this entry »

may nagsabing lalaking politician recently: “singapore women (daw) should bear more children as a matter of national service“. e’h di siyempre, maraming nag react. karamihan ay mga kababaihan, na nainsulto sa suggestion na ito. oo nga naman. sino ba namang sira ulong tao ang magpapabuntis para sa bayan. para sa pag-ibig, pwede pa.

eh pano kung pag-ibig sa bayan? rhetorical question, forget it.

Read the rest of this entry »

holy shit (the pwet na malagkit), gusto ko nito!. ang specs… integrated 128 MB USB memory stick for backing up my programs, red LED for my color blindness, ballpen for my doodling (imbes na mangulangot), small knife para pangtanggal ng dumi sa kuko, scissors para sa pag gawa ng mga maskara at screwdriver para pangtanggal ng tutuli. at last, may swiss knife na kasundo ng trabaho ko. tamang tamang ito para sa akin. bili mo ako nito mylab, ha?

yung ginagamit ko ngayon ay 256 MB stick. good enough for copying service packs, program back-ups, storing japanese porn at kung ano-anong mga scandal. sana mag release sila ng mas malaking capacity. the 128MB model sells for S$123.00 – this is around 4,059 pesoses.

OF MICE AND MEN

March 24, 2004

ngayon ang first day ng ‘rat attack’. ito ang bagong programa ng gobyerno para sa extermination ng mga daga sa buong isla. executed in a manner that is so typically singaporean, this 8 month long program is meant to eliminate all of singapore’s 12,950 rats (daga) living in 8,631 burrows (lungga). paano nila binilang ito? ewan ko. siguro, mayrong isang committee na ito lang ang trabaho – ie tagahanap ng lungga at tagabilang ng daga (uy, it rhymes).

the metrics of success shall be based on “the number of active burrows, bait consumption, the number of rodents trapped (dead or alive) and the absence of other signs of rodent infestation such as fresh droppings and gnaw marks”.

naalala nyo ba nung 70’s, yung balita na pinag bisikleta raw ng isang linggo ni marcos si ariel ureta dahil sinabi niya “sa ikauunlad ng bayan, bisikleta ang kailangan“, instead of “sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan“. true story ba ito o apocryphal (rhymes with kupal) lang? mangyari ay mayron kasing isa pang bagong lipunan slogan na niloloko namin nung araw, that’s related to this topic. eto yung “batas ay ginawa upang sundin at isagawa” na ginagawa naming “butas ay ginawa upang suotan ng mga daga“.

“and will there be rabbits, george?” “yeah, lennie. there’ll be rabbits.”

maraming mga matchmaking associations dito sa singapore na tinayo ng gobyerno. ang silbe sa buhay ng mga grupong ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga walang asawang singaporean na makapag interact sa isa’t-isa, at hopefully, to mate. tingnan nyo na lang ito na parang “captive breeding program” to propagate the species. isa pa rin ito sa mga programa ng gobyerno para dumami ang tao sa singapore.

puro trabaho kasi ang inaatupag eh, di na tuloy tinitigasan. ang ibig kong sabihin, masyado silang busy at wala nang time for romance.

GAMOT SA SIPON

March 22, 2004

PASYENTE: “doc! doc! doc! may problema po ako.”
DOCTOR: “ano yon?”
PASYENTE: “yung tae ko po, may sipon!”
DOCTOR: “ah wala yan. kabahan ka pag yung sipon mo ang may tae.”

inutusan ako ni jet na bumili ng patis, kaya nagpunta ako sa lucky plaza. ang daming tao. lahat ata ng pinoy sa singapore ay naroon nakatambay kanina. pero masarap – para akong nasa pilipinas. nakipaglandian pa nga sa akin yung isang tindera.

batjay: magkano itong patis?
tindera: $3.50 papa! (sabay kindat sa akin)
batjay: ayos! sige samahan mo ng isang paketeng chocnut.
tindera: no problem, papa (sabay kindat ulit sa akin)
batjay: magkano lahat?
tindera: $7.50 lahat papa.
batjay: ang mahal naman.
tindera: darling, mas mahal pa ako sa binili mo (sabay kindat ulit)
batjay: mama naman, amoy lupa ka na (tawanan sa loob ng tindahan)
kasama ni tindera: sorry sir, ha. mahinhing talipandas yan, pero harmless naman.
batjay: ok lang, huwag mo lang ilapit sa akin at baka sunggaban ako.

imbes na nakatanga ka diyan sa harap ng monitor at nangungulangot, puntahan nyo na lang itong mga websites na masarap basahin. teka, maka digress nga muna at may naalala ako: huwag kayong mangungulangot sa harap ng computer, lalo na pag gumagamit kayo ng trackball. magbabara yung dumi ng ilong ninyo doon sa loob ng trackball at babagal ang pag-drag ng inyong pointer. maari pang mag corrode yung keyboard.

hokey, here’s my current ‘masarap basahin’ list:

My Life… A Cup of Deja Brew. unahin ko nang mylab ko. this is the site of my wife jet, my original all time best idol. simula pa lang kaming magkakilala (15 or so years ago), sinabi ko na sa kanya na magaling siyang magsulat. her site proves that it is indeed so true. i can never write as good as her. read about the typical life of a pinay housewife in singapore.

Pansitan ni Ate Sienna. ang pinakauna naming nakilalang pinoy blogger and a dear friend. si ate sienna ang siya ring gumawa ng website namin ni jet. nakakatawa ang mga entry niya at pinoy na pinoy ang dating. natutulog na halos sa kanyang…

Pansitan.net, my favorite blogging community where you’ll find jim paredes and ate sienna’s other super friends tulad nina papa rodge, mariacelia, JaH at ayeza. one site may not be to your liking, but collectively, nakaka-aliw, dahil masaya silang nag-uusap at nag i-interact lahat (as a community should be).

A Taste Of Africa. bakit ko naging idol si ibet? di ko kasi kaya ang ginawa niya. would you leave your husband and daughter to work among the poorest of the poor in africa? this is a great read on the life of a gutsy pinay in somaliland, a non-country in the horn of africa. read this blog and be inspired.

Short*Poetry. ang world class poet ng UP. she produces really good short poems that always makes me smile sa sobrang ganda, gusto kong maihe touches the soul. proves to us that a few words can move the heart.

Renaissance Girl. blog site ng idol kong ate mona. her site is a lesson sa bloggers na may problema dahil walang mga bumibisita – keep your entries short and write beautiful funny stories. tall order but she succeeds magnificently, as i keep coming back for more.

The Prada Mama Chronicles. Prada Mama is a former newsbabe turned domestic goddess. my perskasin, dahil siya ang asawa ng aking showbiz pinsan na si lapu-lapu. read what’s it like living in the suburbs of modesto, california.

working mom. ano bang tagalog sa tigreng babae? sagot: AnP! ang sarap basahin ng mga kwento ni AnP tungkol sa buhay nilang mag-anak sa germany. kaya lang, magkakaroon kayo ng tendency na kurutin ang inyong monitor dahil sa kakyutan ng mga litrato ng kanyang anak.

Click Mo Mukha Mo! A Pinoy Blog About Nothing. isa pa ring model ng “how a blog should be”. it’s the content, stupid. siyempre, hindi rin nakakasakit na magaling magsulat si markmongmukhamo.

PARALLEL UNIVERSES. ang blog site ng dr. emer – he is the only doctor blogger (blogger doctor? which is which?) that i know of. di lang tungkol sa medicine ang sinusulat niya at masarap ding basahin. isang linggo ko na siyang gustong tanungin kung ano ang gamot sa tulo.

durgaspeak. dahil sa kanyang kakaibang sense of humor, ang site ni jop ay isa sa mga bagong favorite reads namin ni jet. alam nyo ba yung pinoy na kasabihan na “simple lang pero rock”? yan ang dating ni jop. pinoy na pinoy magsulat at isa sa mga parati kong binabalik balikan. pag binabasa ko ang mga sinulat nya, para akong nakikinig sa mga kaibigan kong nagkukwento sa akin.

hawhaw dekarabaw. sinabi ko na ito sa kanya – ang site ni ibalik is probably the best photoblog ever. siya rin ang host ng pinoy blog community na dekarabaw.com. makabayan kahit nasa estados unidos at tunay na pinoy.

Memento. “If a picture paints a thousand, then why can’t I paint yowowowowowow”, sabi nga sa kanta ng bread. isa pang peborit na photoblog. akshuli, dalawa lang sila ni ibalik na peborit ko.

Now What, Cat. ang peborit blog ni Manuel L. Quezon Trilogy na aking bagong peborit din. di lang dahil sa na special mention ako sa isa niyang entry, kundi dahil talagang magaling siyang magsulat. punta kayo rito sa nakakatawa pero may laman na site ng bago kong idol.

A Filipino Food, Cooking & Recipes Blog. cooking site ni sassy lawyer, the radical chef. isa rin sa mga bago kong idol. one of these days, mag-aaral akong magluto using her recipes. punta kayo rito, mga ginang ng tahanan at mapapa sigaw kayo ng “cooking ng ina nyo”.

Kiwipinay ~ Life of a Filipina Down Under. mga kwento ng isang pinay sa new zealand. medyo prolific si ateng ko na mag post kaya dapat parati kang pumunta sa site niya para up to date ka. sa pilipino rin siya nagsusulat kadalasan, at, masarap basahin ang kanyang mga minsan nakakatawa, minsan nakakaiyak na gulong ng palad na buhay.

Da Two. ito ang site ni gretch. pero actually, tungkol ito sa dalawa niyang anak na si pancho at maki. kung mahilig kayo sa mga cute at endearing na kuwento ng mga bata, this site is a great read and is indeed “written with love by mom”.

Second Thoughts. ang site ni don manuel ay isa ring pagpapatunay na “content is king” and that the “keep it simple, stupid (KISS)” maxim works. kalimutan nyo na yung eye candy style ng pagpapaganda ng site and focus on what really matters. bawasan din yung mga entries that go like this: “wala akong maisulat ngayon eh. kaya gusto kong ikuwento ang aking boring day…etc. etc.”

diS pinOy gOt suM iSsuEs. ang blog site that confirms na tama ang desisyon kong magsulat sa pilipino. di ko alam kung bakit ako naaaliw sa kanya pero naaaliw talaga ako. kung sino ka man kaibigan, alam ko di mo ito sinasadya pero maraming salamat sa saya at katatawan na binigay mo sa akin. you really gave me some issues where there once were none. MABUHAY!

to be continous continue containyou tangnang spelling ko talaga, dyslexic: ITUTULOY…

WEEKEND PARENTING

March 19, 2004

ang maugong na balita ngayon sa dyaryo dito ay ang patuloy na problema sa mababang birth rate ng singapore. in spite of all the incentives na bininigay para sa mga mag-asawa na magparami ng anak, di pa rin nila ma-abot ang kanilang target na 2.1 babies per married couple to sustain their growth. last year was a historic low with only 31,171 babies being born or something like 1.2 babies per couple, which is exactly the average dito sa aming office. lima ang singaporean na may may asawa. doon sa lima, isa lang ang may dalawang anak. the rest are couples with one child.

ang naririnig kong reklamo ng mga ka-opisina ko ay ang malaking gastos sa pagpapalaki ng kanilang anak. singaporeans (like filipinos) have close family ties at normal for children na magpatuloy tumira sa bahay ng kanilang mga parents until they get married (15% of singaporeans between the ages of 40-44 are single. wow!). mahirap din ang child care for parents who both work and cannot afford a full time nanny.

dahil pareho silang nagtatrabaho ng kanilang mga asawa, yung dalawa sa officemates ko resorted to having their newborn babies being taken cared of by other people. ganito ang ginawa nila: nag avail yung sila ng nursery services malapit sa bahay nila, para may mag-alaga ng kanilang anak during the weekdays. nandoon yung bata, araw at gabi from monday to friday. kinukuha lang nila pag biyernes ng gabi. tapos, they return the child sa nursery ng sunday evening. in effect, mga weekend parents lang sila.

don’t ask me how they do it. i mean, hindi ko alam kung paano nila na te-take na wala sa tabi nila ang kanilang anak. ganoon lang siguro talaga – you train yourself to bear the absence of your children para makamit mo yung mga pinapangarap mo para sa iyong pamilya. ganon din naman ang karamihan nating mga sellout na OFW di ba? naiiwan ang asawa’t anak sa pilipinas para magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya.

nagpunta ako sa ministry of manpower kanina para ipa-transfer yung employment pass ko from my old to new passport. medyo malayo ito sa office kaya mga 11:30 pa lang ng umaga ay lumarga na ako. mahaba ang pila kaya mga 2:00 na ako hinarap ng processing officer. impressed nga ako sa service nila dahil inayos nila yung request ko in less than 5 minutes. sa harap ko pa ini-stamp at pinirmahan ang work permit ko sa bagong passport. palapit pa lang ako ay nakangiti na ang staff. either mabait talaga sila o nakakatawa ang mukha ko.

mahaba rin ang nilakad ko from the train station to the manpower office kaya nakabilad ako sa araw ng matagal. gusto ko na ngang mag shower para matanggal ang paninikit ng aking buong katawan. isasama ko na rin sa pagligo ang aking singit na kanina pa kinikiliti ng tumutulong pawis. eto lang ang masasabi ko tungkol sa panahon ngayon: bwakanginang sobrang init dito!

naalala ko tuloy one summer day, nung college ako: nagreklamo ako sa init sa loob ng classroom. from out of nowhere, biglang may sumigaw ng – “FREYZ GOD, BRADER! MAS MAINIT PA RITO SA IMPYERNO, KAYA MAG BALIK LOOB NA KAYO KAY LORD JEEEE-SAZ!”

THERAPY

March 17, 2004

ito ang typical park sa singapore. masarap lakaran o kay pag bisikletahan. maraming puno at maraming mga park bench kung saan pwede kang mag pahinga. kaunti lang ang nagpupunta sa mga park pag regular days kaya masarap ditong mamasyal para mag muni-muni.
labas sa oras na magkasama kami ng aking asawa, the most relaxing part of my day is my early morning walk and evening “bisikleta ikot ng ikot hanggang mahilo” routine. ginigising ako ni jet sa umaga ng mga 6:15 at naglalakad ako around our block ng mga 30 minutes. sa gabi naman, nag bibisikleta ako ng 9:00 hanggang 10:00. altough ang main goal ko ay mag loose ng weight (which is not as easy as it used to with a 38 year old body refusing to metabolize), ang offshoot of all this activity is that i have time to spend alone.

maliwanag pa sa singapore ng mga 7:00 pm kaya pag naka-uwi ako ng maaga (say 6pm), may oras pa akong pumunta sa beach in my bike. ang weekday beach run sa takipsilim ay magandang opportunity for reflection. bukod sa mga nagpupuluputan na mag-syota (get a room, will ya!) at mga matatandang joggers, walang masyadong tao sa paligid.

madilim pa pag lumalabas ako sa umaga ng mga 6:15. di naman ako natatakot. wala namang gagalaw sa akin dahil malaki akong tao at saka puro supot ang mga magnanakaw sa singapore. yung mga matatanda lang kasi ang mga ninanakawan nila. pero nung isang araw muntik na akong atakihin sa puso. nung maglakad kasi ako ng early morning may nakasalubong akong isang lady in red na tumatakbo. dahil maraming puno, naglaro yung light and shade sa katawan niya at nagmukha siyang multo na parang may umaagos ang dugo sa kanyang t-shirt. literally, napatalon ako sa takot. muntik na akong napasigaw at naihi sa salawal. ngayon lang ako natakot ng ganon. nasobrahan na ata ako sa kape.

nagpunta ako kanina sa philippine embassy. bilibitornot, eto ang aking first time na bumisita rito after close to three years of living here. pero kung sabagay, yung mga pinsan ko nga dalaga’t binata na yung mga anak, di pa nakakapunta sa embassy natin sa america kahit minsan. napuno na kasi yung passport ko at kailangan nang palitan ng bago. may trip ako next month after the holy week break sa japan, korea, china. three countries, three visas. hirap din ng pinoy minsan, you have to get visas to almost all the countries save for the ASEAN members.

mabait at efficient naman ang staff ng embassy natin sa singapore. wala pa akong 20 minutes na nag fill up ng forms, nag pa xerox at nag bayad ($120 ang fee – that’s 3,600 pesos. mahal kaayo! hehe). makukuha ko na ito bukas ng alas 4 ng hapon. bilib talaga ako sa bilis nila.

yung embassy natin at nasa number 20 Nassim Road, right beside the japanese embassy. ito’y nasa 2 story bungalow. they have a big yard with tables and a basketball court. akala ko nga mga pinoy din ang mga sekyu. hindi pala, mga bumbay sila pero mababait naman. itinuro pa nga sa akin kung saan ako pwedeng umihi. akala ko nga sa pader, hindi pala. hehe (bawal umehe sa padir. ang mahole, bogbog!)

all in all, happy ako. nakapasyal ako sa embassy natin sa wakas, at may passport na akong bago bukas. aba nag rhyme pa, parang tula.

NEW LAYOUT

March 15, 2004

maraming salamat sa ninang kong si ate sienna, ang chief cook ng “Pansitan.net – Ang Tambayan ng Bayan”. ang bagong layout na ito ay nagmaterialize through her manilena web designs. ang galing galing galing mo talaga ninang.

ang ganda ng caricature ni jet ano po? siyempre ang guwapo ko rin. sa mga di nakakakilala sa akin, ako yung mukhang aso sa may upper left ng screen. yung katabi ni jet sa caricature ay ang kapatid na bunso ni tom cruise.

maraming salamat din kay boss idol dengcoy miel for the cartoon. siya ang kaibigan naming pinoy na world class artist who works for the singapore straits times.

COUNTER FLOW

March 14, 2004

eto true story na nangyari nung 1977, grade 4 ako nito: hinuli kami ng pulis dahil nautot ako sa loob ng school bus. nasa harap ako nakaupo at napa-utot habang papalabas kami ng grace park (sa kalookan city) going to EDSA. dahil sa sobrang bahu, nalito yung driver namin. imbis na mag right turn siya sa EDSA going to balitawak ay nag counter flow siya by turning right doon sa lane papuntang monumento.

muntik na nga kaming mag head-on collision doon sa isang JD liner na bus. buti na lang naka-iwas yung driver. ang hindi naiwasan ay ang pulis na nakaabang na sa amin. pinara kami at kinuha ang lisensya ng driver. galit na galit siya sa akin at sinisisi ako sa nangyari. simula noon, di na niya ako pinaupo sa harap ng sasakyan.

AN OLD FARTING TRICK

March 12, 2004

this is a great trick pag ikaw ay nauutot at gusto mong magpatawa. lalo na para sa mga unsuspecting na mga pamangkin during family reunions. ang tawag ko rito ay “the sprained finger fart”. simple lang itong i-execute pero kailangan mo ng practice sa timing. ganito yon… pag alam mong mauutot ka na, punta ka sa mga grupo ng mga pamangking naglalaro. pretend na na sprain ang daliri mo at i-request mo ang isa sa mga pamangkin mo na hilahin ito para mawala ang sakit. maganda umarte arte ka pa ng kaunti, sabay: “paki hila mo nga ang daliri ko, na sprain ata. ang sakit”.

pag hila ng bata sa daliri mo, sabayan mo ng malakas na utot. pagmasdan ang pagtingin sa iyo ng mga bata in total admiration. their amazing uncle’s fingers crack with a different sound.

you know it’s time to get married when… umutot ka nang pagka bahu-baho sa harap ng boyfriend mo at di man lang siya natinag. ni di man lang nag takip ng ilong at buong buo niyang tinanggap ang amoy.

that’s love baby – the unconditional kind. kalimutan nyo na yung mga sinumpa sa inyong “susungkitin ko ang mga bituin para sa iyo” and all that crap. pag pumasa siya sa ultimate test na ito, pakasalan nyo na agad. siguradong di kayo iiwan ng mga iyan.

dito sa singapore, madali ka lang makakakita ng pinoy especially sa public transport tulad ng bus o train. sundan mo lang yung ingay.

kadalasan ang mga pinoy dito share flats to save on rent money. sabihin mo nang $1000 ang rent. kung apat kayo, tig $250 lang ang ambag. bukod sa naka tipid, may kaibigan ka pa na mauutangan pag na short ka ng padala sa pilipinas. since sama-sama sa tirahan, sama-sama ring umaalis papuntang opisina. kadalasan magka opisina rin kasi ang mga flatmates. this is why filipinos in singapore typically travel in packs.

sa train ko madalas makasabay ang mga pinoy. dahil tahimik sa loob, from 20 meters away, maririnig mo na ang malakas na pag-uusap – kung ano ang ulam nila kagabi, kung sino ang uuwi sa pilipinas. muntik na akong lumagpas once dahil i was listening intently sa dalawang pinoy. pinagkukwentuhan kasi nila yung ilong ng kaharap nilang pasahero.

ako? masaya lang na nakikinig. ito ang isa sa aking paraan upang maibsan ang pagka homesick: ang matawa sa mga kwentong pinoy sa loob ng train.

"EL BIMBO" PAG UMUULAN

March 9, 2004

what’s the word for feeling melancholic and happy at the same time? umuulan kasi ngayon dito sa singapore at ganoon ang nararamdaman ko. ak-shu-ly, it’s been raining non-stop for more than 24 hours. a rare occurence para sa isang (suwerteng) bansa na walang bagyo, lindol at volcano. pag ganitong ma-ulan, naaalala ko na naman ang pilipinas at yung mga masayang growing up years during the 1970’s. pag may bagyo at walang pasok, nahihiga lang ako sa kama ng buong araw at nagbabasa o kaya, i “spin the black circle” (naalala nyo pa ba yung mga itim na vinyl disks na yon? di pa naiimbento ang CD nung araw eh). mag di-digress tuloy ako.

nung mga ’70s, tuwang tuwa ako sa mga sayawan sa probinsya. kumakaskas pa lang yung karayom sa plaka, tayuan na at halos magtatakbo yung mga lalaki para kumuha ng mga partner nilang dilag. nung time na ‘yon, nauso ang dance craze na “salsa” at ang pinakasikat na salsa song ay ang walang kamatayang “El Bimbo” (malamang, dito galing ang kanta ng e-heads na “HULING EL BIMBO“). kinakanta namin ang “el bimbo” nung araw pero dahil spanish, nilalagyan na lang namin ng sariling lyrics: “el bimbo salsador… BIMBO! BIMBO! mahilig mag jakol…BIMBO! BIMBO!”

the word for feeling melancholic and happy at the same time? it’s called nostalgia.

SELLING IN

March 7, 2004

TAKEN DURING OUR VACATION LAST YEAR (please click to enlarge): a reuinion of sorts with my partners in crime for 12 years. si uly on my left at si ting on my right. so far, i have not found anybody as competent and fun loving as these guys. before i “sold out“, i worked as an engineer in the philippines. si ulysses yung nasa kaliwa at si ting yung nasa kanan. etong mga taong ito ang mga partners in crime ko for 12 years. simula 1989 hanggang 2001, inikot namin ang buong pilipinas doing projects sa halos lahat ng industria. from the rain forests of mount apo to the stinking industrial plants along the tullahan river. from power plants to breweries, amid erupting volcanoes, land slides, storms and gun toting soldiers. i’ve seen people fall off cliffs, get electricuted and get run over by pickup trucks all in the line of duty. we didn’t do it for the money. we did it because we loved our jobs. we loved the fact that we enjoyed each other’s company and that were doing something worthwhile.

one of these days, i will post the pictures taken back to the time when we were still building plants up in the mountains. when on sunday days-off like this, we’d all be huddled in our mess hall, drinking tequila and playing cards, wearing raincoats over jackets because it’s so cold and raining so hard and the damn roof is leaking like hell.

SELLING OUT

March 5, 2004

yung editorial ng inquirer kahapon talks about “A top notcher in the recent medical board exams (magna cum laude pa), who decided to be nurse for the money” . sabi nila doon sellout daw ito.

Sellout? PUTANGINA, anong sellout dito? marami akong kaibigang doctor ang nag-aaral ngayon maging nurse para makapunta sa america. some already are nurses, have taken the exams and are now waiting for the telephone call that will tell them it’s time to go. these are the best and the brightest doctors i know. gusto lang naman nila kasing magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga pamilya nila. here’s the choice – earn $60,000 a year (that’s 3.3+ million pesos depende sa exchange rate) as a nurse in exchange for the stethoscope, white lab coat, shirt and tie and a residency in a 1st class philippine hospital where you’ll get, at the very best: 200,000 pesos a year.

di ako doctor, at saka magna con yelo lang ako (dati, zuma cum galema. hehe). but i also opted to leave the philippines, albeit with a heavy heart, and yes, with a feeling that i was selling out. anong magagawa ko, i needed the money. pagod na rin akong maging marionette, dancing on the string held by my boss’ hand. always praying that his generosity would translate into a bonus i could use to pay the bills.

i’m 38 years old. i need to think about my future and the survival of my family. kung sellout ito, so be it. at least hindi ako magnanakaw.

yung unang araw ko sa singapore as a “native” was the most angst ridden time i had ever felt in my entire stay here. pagtapos kong mag check-in sa hotel, dali-dali akong pumunta sa opisina. at dahil feeling native, namasahe lang ako – sumakay sa train at bus at tuluyang naligaw.

pagbaba ko ng bus, bigla akong nakaramdam ng matinding pagkalungkot – yung loneliness na binalutan ng depression, almost to the point that i was having thoughts of going back that day. back to my family and friends. back to my old job. back to everything that was precious to me. i was beginning to have serious doubts about this move. feeling ko eh, i made a major blunder.

eventually, i was able to ask directions na di ko maintindihan dahil “singlish” ang salita:

singaporean: “you go strit ahet!”
batjay: “huh, ahet?”
singaporean: “strit ahet! strit ahet!” (with matching turo ng kamay at nguso)
batjay: “ah, straight ahead”

nakita ko rin yung building namin. pagpasok na pagpasok ko sa opisina, sabi ng boss ko sakin: “why are you wearing jeans? our dress code here does not allow jeans“.

muntik ko nang sabihin sa kanya – “packingsheet naman eh, sana man lang ‘welcome to our company’ muna. kakalanding lang ng eroplanong sinakyan ko, di pa nga ako nanananghalian. dumeretso ako rito para lang makapunta sa opisina on the day of my arrival, sisitahin mo ako sa pantalon ko?” – pano ba inglisin to?

pero pagtagal, nawala rin yung lungkot. napalitan nga lang ng longing. di na kasing pait, pero punong puno pa rin ng mga “sana kung…”

sana kung patas lang ang labanan sa pilipinas, di na ako aalis para kumita ng pera.

sana kung maganda lang ang palakad ng gobyerno, sipag lang ang kailangan sa pag-asenso.

sana kung guwapo ako, pwede sanang mag-artista at tumakbong presidente ng pilipinas.

“A woman who drove her car into a lake, told police she was re-enacting a scene from Mel Gibson’s film, The Passion of The Christ.”

MWAHAHAHAHAHAHAHAHA! gago.

MY FIRST TWO WEEKS

March 3, 2004

dumating ako dito sa singapore to work nung august of 2001. ako lang munang mag-isa (jet would follow two months later). i took the morning flight from manila at dumiretso sa hotel 81. this will be my home for two weeks while i look for a more permanent place to stay. ang hotel 81 ay parang anito sa manila. it is basically a short time love motel, where couples can rent a room for a few hours of sex. and made love they did. kadalasan nagigising ako ng madaling araw sa lakas ng kalabog o kaya halinghing ng mga nagtatalik sa katabing mga kwarto. majority ng location ng mga motel dito sa singapore ay sa geylang area. kilalang kilala ito sa buong isla dahil, una, masarap ang pagkain dito. ikalawa, ang geylang ay ang center ng red light district ng siyudad. legal ang prostitution sa singapore at di nakapagtataka ang makakita ng mga nakaparadang mga kababaihan sa kalye ng geylang kahit sa tanghaling tapat. minsan may kalalakihan din, charing!

pag gabi sa geylang, punong puno ng tao sa kalye na paroon parito sa mga casa na nakapalibot sa buong area. ang mga casa (o whorehouse, huwag na nating pagandahin pa ang pangalan) ay mga three story structures na pinag hati hati sa maliliit na mga kuwarto – “paraisong parisukat”, ika nga ni basil valdez. may mga ilaw na pula ang entrance kaya talagang literally, “red light” building sa red light district.

the first two weeks were really hard for me. malungkot, homesick and in a strange place, muntik na akong mag backout at umuwi. buti na lang, nakakita agad ako ng malilipatan na HDB flat. before the two weeks were up, palipat na ako sa isang maliit na parang bahay ng kalapati sa west coast ng singapore. there, jet and i would have a great and happy stay for a year. but that of course, is another story. more next time…

A SAD STATISTIC

March 2, 2004

while we’re on the subject of falling bodies from highrise buildings, isang malungkot na statistic: ang laki ng percentage ng mga nahuhulog sa mga building (HDB flats) na mga domestic helper dito sa singapore. last year, there were 22 cases of helpers (mostly indonesians) who “fell to their deaths” habang nagsasampay or while cleaning the windows of their employer’s flats. yung iba sadyang tinutulak.

hirap kasi sa mga kinukuha nila minsan na mga DH, most especially sa mga indonesians: karamihan ay underage at galing sa province. siyempre di sila sanay tumira sa mga high rise. akala nila nasa bahay kubo pa rin sila at kapag nahulog sa bintana ay bukol lang ang inaabot. iba pag sa 12th floor ka ng building nahulog. for sure, you will be “morally, ethic’lly, spiritually, physically, positively, absolutely, undeniably and reliably dead“.

parang yung joke… ano ang pinagkaiba ng nahulog sa 2nd floor at yung nahulog sa 12th floor ng building?

nahulog sa 2nd floor:

(BLAGADAG!) Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!

nahulog sa 12th floor:

Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh! (BLAGADAG!)

pag nakatira ka sa building dito sa singapore, ang sampayan ay nasa gilid ng bahay. literally, nakasampay ang mga labada sa gilid ng structure. para tuloy mayrong kang bandera sa labas ng tirahan mo. minsan, pag walang magawa, masarap panoorin ang iba ibang kulay. pag malakas ang hangin, masarap itong pagtripan.
pano nga ba mag-sampay ng labada ang mga singaporeans? kadalasan ay sa labas ng bahay. since majority ng mga taga-rito ay nakatira sa housing blocks, ang labada ay naka-sampay sa gilid ng building.

bukod sa sampay, marami pang mga nakabitin sa mga housing blocks dito – mga halaman, bisikleta, bird cage, durian (bakit durian?), etc. marami nang kaso rito sa singapore na mga taong namatay dahil tinamaan ng mga nahuhulog na kung ano-ano, galing sa matataas na mga floor. ang tawag sa mga bagay na nahuhulog from above ay “killer litter“. ang tawag naman doon sa mga nasa wrong place at wrong time na tinamaan ng killer litter ay “sobrang malas“.

Read the rest of this entry »