THINKING, TANGLING SHADOWS IN THE DEEP SOLITUDE narito na ang aking week end recommendations. listahan ito ng mga pelikula’t libro na pwedeng ninyong panoorin at basahin (lalo na para sa mga nasa pilipinas dahil long weekend gawa ng araw ng patay bukas). patok na patok ang mga recommendation na ito. pag hindi ninyo nagustuhan, ipapaputol ko ang titi ko ewan ko na lang. umpisahan natin sa libro. susundan ko ng pelikula at panghuli ay isang poetry collection. here goes… IF you have time to read only one book this weekend, maghanap kayo ng kopya ng “persepolis: the story of a childhood” ni marjane satrapi. isang memoir (pano bang pag pronouce dito – memwoyr? mem-wah? parang tunog ng plastic na halik) tungkol sa growing up years ni satrapi sa iran nung islamic revolution. nakakatawa at heartbreaking at the same time – the story is told in simple black and white graphic images. kung mayrong kahit kapiranggot na pagka-artista at humanity sa inyong mga puso, you’ll fall in love with this novel.

Read the rest of this entry »

CLASSMATE #1: basta ako, i graduated high school – a virgin
CM #2: oo… sa kaliwang tenga!
CM #1: hindi kaliwa… kanan yata… im not sure
CM #2: ayan, naulyanin ka na ata dahil sa sobrang sex
CM #1: ulyanin nga. stick na lang siguro ako sa jakol dahil doon, mabubulag ka lang

“A team from the University of Santiago de Compostela in Spain found each glass of red wine a day reduced the risk of lung cancer by 13% compared to non-drinkers.”

hmmm… interesting na balita. ano ang ibig sabihin nito? na pwede na ulit akong bumalik sa pag sigarillo as long as maging alcoholic ako. what’s next? bagong findings na nagsasabi na makakatanggal ng wrinkles ang pagkamot ng betlog. na gamot pala sa high blood ang pagkain ng chocnut. na nakakataba pala ang pag-inom ng tubig. aray. seriously, the only way to lower the risk of lung cancer is to stop smoking. period. incidentally: ngayon nga pala ang ika-limang buwan ng aking paghinto sa pag yosi. parang ang tagal na pala ano – truly, a life that used to be. a toast then: to past lives and brand new days. salud! cheers!

KAMPAAAAAAAAAAAI!!!

GENTLE READER: dear unkyel batjay, welcome back! ang gaganda naman ng pictures ninyo doon sa “jay and jet’s bakasyon ispesyal in kiwiland”. at very interesting din ang kwento ni jet doon sa kanyang latest blog about your stay in auckland. buti pa siya, magaling magkwento – di katulad mong puro drawing. pero, ang tagal mo ring nawala ano? ang galing mo talaga, nakakapunta ka sa mga iba’t ibang lugar. masarap ba ang maging isang byahero?

UNKYEL BATJAY: kamusta na, GR? matagal din akong nawala, ano. masarap ba talagang maging isang byahero? kung ok lang sa iyo ang nakaupo ng sampung oras sa eroplanong masikip na may katabing taong mas malakas pa sa kanyon ang putok. kung ok lang sa iyo ang maghintay sa harap ng isang immigration officer dahil iniisa-isa niya ang mga page ng passport mo na halos kabisaduhin niya lahat ng mga tatak rito. kung ok lang sa iyo ang magbuhat ng bag na sa sobrang bigat ay halos halikan na ng iyong luslos na betlog ang lupa. kung ok lang sa iyong sumagot ng mahigit 600 emails pagbalik mo sa opisina. kung ok lang sa iyo ang umurong ng todo ang iyong pototoy dahil sa sobrang lamig ng klima. kung ok lang ang lahat ng ito sa iyo, eh di oo masarap ang maging isang biyahero.

LAST DAY IN KIWILAND uuwi na kami mamayang hapon. last day na namin at medyo nagsesenti ako. tinatanong sa akin ni jet kahapon kung malungkot ako’t aalis na kami. sabi ko – oo, medyo malungkot dahil napamahal na sa akin ang lugar na ito. malungkot dahil matagal ulit bago makita ang mga naiwang kaibigan. malungkot dahil marumi nang lahat ang underwear ko. sayang, kung pwede lang sanang magtagal pa. di bale kiwiland, nakamarka ka na sa akin at babalikan ka naming ulit. i’ve enjoyed this wonderful land – with it’s wide open spaces and it’s great people. walang pretense at napaka welcoming. kahit nahirapan kaming kumuha ng visa at kung ano ano pang mga requirements ang hinanap sa amin bago kami na approve. sulit lahat ng ito.

Read the rest of this entry »

LONG LOST FRIENDS special talaga ang mga kaibigan ko sa buhay namin. so special that we would travel ten hours by bus from auckland to wellington just to spend one day with them. si danny ay classmate ko since kinder. he is part of my “classmate, almost like a brother, close barkada” group that is still solid to this day. halos pareho ng pag-alis ko sa pilipas papuntang singapore ang pagbakasakali ni danny rito sa new zealand. medyo minalas lang siya sa simula dahil na aksidente siya sa aukland working as a machinist in a factory. halos naputol ang tatlo niyang daliri (palasingsingan, dirty finger at pangfinger). habang nagpapagaling ay nagbalak siyang mag try sa wellington. eventually, gumaling naman siya (with all fingers intact). yes virginia, gumaling ang kanyang dirty finger at ang kanyang pang-finger. hehehe.

Read the rest of this entry »

WINDY WELLINGTON

October 25, 2004

WINDY WELLINGTON WELLINGTON – the capital of new zealand at malaking siyudad south of the north island. umakyat kami nina danny sa taas ng victoria peak. from here kitang kita mo ang buong city. malamig nung umakyat kami pero binaduy ng maraming kiwi ang weather dahil umakyat silang kasama namin na naka short lang at sando – samantalang kami ay balot na balot sa mga jacket at sweater. para bang sinasabi nila sa amin na: “mga ulul kayong turista, go back to your hot country”. hehehe… ang tataba kasi nila kaya may blubber silang extra protection. sana nga ay wala kaming makatabing mga extra large natives sa eroplano pauwi.

SOJOURN pagtapos ng conference ay may ilang araw na bakasyon. kaya nagbalak kami ni jet na bisitahin ang malapit kong kaibigan na si danny. naka base siya sa wellington kasama ang pamilya niya kaya nag bus kami from auckland going south to the capital of new zealand. pinili naming bumiyahe ng linggo ng umaga para by bus para mayroong scenery. part of the trip’s enjoyment is being able to see and experience the actual traveling itself. para sa akin, yung journey itself ay importante. at di kami nabigo – napakaganda ng kiwi country side. rolling hills puno ng mga tupa, pine forests, snow capped mountains, huge lakes and really kind people. by the time we arrived in wellington, it was very dark already, extremely cold and very foggy. pero lahat ng dilim at lamig ay nawala nang salubungin kami ni danny. may ilang taon na kaming hindi nagkita kaya talagang napakasaya ng aming pagkikita.

DRIVING IN THE WRONG SIDE OF THE ROAD WHILE ON A WINE TOUR Waiheke Island – just off the coast of auckland and 35 minutes by ferry. maraming vineyards all over the island at masarap umikot dito and do a wine tasting tour. napaka scenic talaga ng new zealand. kahit saan ka mapunta ay may maganda at breathtaking na tanawin. at napatunayan ko na naman ang kabaitan ng mga tao rito. twice itong nangyari while on the island – the first time, isang taxi driver na babae ang tumulong sa amin at nagturo kung saan ang papunta sa town centre ng waiheke. yung isa naman ay isang lalaki ang biglang sumulpot galing sa likod ko (much to my surprise, siyempre) at tinuro kami sa tamang daan. muntik na nga akong napasigaw sa gulat. nag rent nga pala kami ng kotse para makaikot sa iba’t ibang mga vineyards. first time ko sa buong buhay na mag drive ng right hand. memorable dahil dito sa new zealand nangyari. hirap nga lang ako dahil baliktad ang mga controls. pag nag left turn signal ako eh bigla na lang akong nagugulat dahil bumubukas ang wiper. hehehe.

SPIDEY IN aukland ito ang skytower. ang pinakamataas na structure sa buong southern hemisphere. malayo ka pa lang ay makikita mo na ito at nagsisilbing gabay para sa aming mga lakwatserong namamasyal dahil malapit lang kasi ito sa tinutuluyan naming hotel. sa taas ng skytower ay mayroong observatory at bungy jump (sino ba namang gago ang magbabayad ng $200 para tumalon sa mataaas na tower? hehe). mayron din ditong dalawang restaurant. kumain nga kami rito ngayong week. ang ganda sa taas – kita mo ang buong aukland at ang mga karatig probinsya. masarap din ang pagkain. di nga ako nakatiis napakain ako ng maraming talaba. nainggit kasi ako sa mga kasama ko. buti na lang hindi ako sinumpong ng allergy. ang tigas talaga ng titi ko ng ulo ko, ano? sa ibaba ng skytower ay ang skycity casino, ang paboritong sugalan ng mga taga rito. sa tapat nito ay may branch ng denny’s. dito kami kumakain ng breakfast araw-araw. hehe… panay nga ang kain ko ng lumber jack slam – toasted bread, bacon, sau-sah-gue (sausage in english), eggs at ham. sumisikip na tuloy ang pantalon ko. kailangan nang mag excercise ulit kundi uuwi ako sa singapore na parang bolang kanggarot.

THE HILLS ARE ALIVE WITH THE SOUND OF MUSIC nagpunta kami sa isang rain forest just outside the city. mayron kaming mga trained guides na kasama naming pumasok sa gubat. pakiramdam ko nga ay para akong hobbit at sumusunod sa akin si gollum. boss ko lang pala na naglalakad sa likod ko. bwahahaha! as if by magic, umulan pag pasok namin sa rain forest at umaraw pag labas. proud na proud nga yung guide namin, sinadya raw yon. before going inside the forest, nag picnic lunch muna kami sa isang madamong bulubundukin na pagka ganda ganda. much to the delight ng aking mga colleagues – napakanta nga ako ng “the hills are alive, with the sound of music” with matching patakbo sa tuktuk na parang si julie andrews na paikot-ikot pa. for that great lunch, i had a roast beef sandwich and orange juice habang nakaupo sa damo beside great friends. what more can you ask for? it was a perfect sunny day na may katumbas pang malamig ang simoy ng hangin. perfect.

THE PIANO all star cast ang trip na ito: maraming intsik, koreano, hapon at amerikano. may australians, kiwi, bumbay, thais, malaysians at dalawang pinoy (ako at si jet). all in all mahigit 60 people from all over the world ang kasama namin dito sa aming auckland conference. para na kaming isang malaking pamilya dahil every year nagkikita kami at nagsasalu salo. this year ay mas maganda dahil dumating lahat ng mga big boss namin galing amerika. tuwang tuwa nga si jet dahil mababait daw sila kahit matataas ang position. sabi ko nga ay ganyan talaga sa kumpanya namin, mga cowboy ang mga tao. yan na rin siguro ang dahilan kung bakit gusto ko ang trabaho ko. i am in the company of really smart and cool people. very warm din sila sa amin – siguro dahil talagang likas na mabait kasi ang mga pinoy at magaling makisama. isa pa, cute din ako. BWAHAHAHAHAHA! sabi nga ng katabi kong thai dito sa picture – “helobatjay, yu al belly handsaman”.

THE PIANO

October 19, 2004

THE PIANO the takapu refuge – limestone cliffs along the black beach coast of the north island. yes virginia – talagang itim ang kulay ng buhangin. ang galing nga. tahanan ito ng libo libong mga ibon. isa na namang breathless kiwi site. i was half expecting holly hunter to show up along the coast, sitting on top of a large black grand piano accompanied by her deaf daughter and her maori lover. alas, all i saw was 60 other people like me – accidental tourists from all over the asia-pacific region, enjoying the day off from their conference. middle of the week kasi, during this time, may one day kaming field trip na pampagana. nung umaga, nag tour kami sa isang brewery na customer namin.siyempre, pagkatapos ng tour ay may free beer. ayun – alas 10 pa lang ng umaga, ngongo na ang salita ko. hehe. naka anim na basong beer ata ako. pero nawala ang lasing ko nang makita ko ang takapu refuge. ibang klase ang ganda niya. gaya ng sabi ko kanina – yung view doon ay parang yung opening scene ng “the piano”. incidentally this classic film was done here in new zealand and was directed by a kiwi – jane campion. now through this trip, i pay homage to one of my favorite movies.

dalawang taon na ang ateng kong si kiwipinay rito sa auckland. matagal na rin kaming magkakilala. sila ni jet at parati ngang nagtatawagan at nagsusulatan. pero ito ang unang beses naming magkita. masaya talaga ang mga unang pagkikita ng kaibigang nakilala mo online. di kami nagkamali ni jet sa pagkakilala sa kanya – mabait na tao at napaka hospitable. binista niya kami sa hotel at ipinasyal sa labas ng auckland. nakita tuloy namin ang mga iba’t ibang tanawin dito na talagang maganda. maraming salamat ateng sa oras at sa abala. na touch kami sa pag spend mo ng weekend sa amin. until next time.

jet in aukland ang new zealand ay puno ng bulaklak. lalo na outside of the city – parang nonchalant na makikita mong pasulpot sulpot ang iba’t ibang mga wild flowers in every nook and cranny. at iba ibang kulay – deep shades of purple, bright red and yellow. they grow almost everywhere and are a great addition to the character of the place. i love it. natapilok nga ako nung isang araw dahil sa sobrang kakatingin. the pictures don’t do justice to this place. dapat, bumili na siguro ako ng mas magandang camera. but nonetheless, ang ganda ng kuha ni jet ano, katabi ng mga bulaklak na parang galing sa painting? naalala ko tuloy yung mga eksena ni robin williams doon sa pelikulang “what dreams may come”. jet really loves this place. i guess pag uwi namin next week, malulungkot siya ng husto.

I HAVE A GOLDEN MEMBER

October 16, 2004

jay and jet in aukland maganda talaga dito sa new zealand. malinis, malamig ang hangin, mababait ang mga tao at walang anghit. at least walang amoy ang mga nakakaharap ko so far, hehehe. narito na kami ni jet sa auckland after the long nine and a half hour flight from singapore. di ko masyadong ramdam dahil sa magandang serbisyo ng crew ng singapore air lines. pinagsilbihan talaga kami ni jet. kahit nasa coach lang kami ay extra special ang serbisyo nila. inggit na inggit nga yung katabi ko sa kabilang row. nagseselos siguro at di siya pinapansin ng crew. akala ko nga eh susungaban ako ng bruha.

stewardess: “are you batjay?”
batjay: “sorry but i’m already married”
stewardess: “excuse me, are you batjay?”
batjay: “ay-olredi-peypor-maytiket”
stewardess: “???”
batjay: “yes, i am he. why do you ask?”
stewardess: “you are a gold member”
batjay: “i have a golden member?”
stewardess: “a gold card member and you are special to us.
batjay: “ah ok”
stewardess: “and we want to serve you first.”
batjay: “then, kneel before me and worship my beautiful body”
stewardess: “dream on, asshole”
batjay: “aybegyorpardon?”
stewardess: “what do you want for dinner, chicken or fish?”

GENTLE READER: dear unkyel batjay, kung pagdila sa kili-kili ng langaw ang pampagaling sa allergy, ito totoo: sabi ng lola ko, pag hinihika ka dapat kakain o lulunok ka ng butiki.. pag pasmado ka, dapat ihian mo yung pasmado mong kamay or paa.

UNKYEL BATJAY: eh paano kung pasmadong hikain?

GENTLE READER: ewan. sirit.

UNKYEL BATJAY: sabi ng lolo ko, lumunok ka raw ng ihi ng butiki. BWAHAHAHA.

Read the rest of this entry »

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ang sabi po ng matatanda – ang allergy daw sa shrimp/prawns ay nanggagaling daw dun sa itim na vein that runs through the back of the spine of the shrimp. so pag-inalis daw yun, pwede mo na itong kainin. kaya lang ang hirap namang gawin nun sa alamang o hipong tanga, ano po? hehehe. nagmamahal, gentle reader

UNKYEL BATJAY: dear gentle reader, ang recommended daw na gamot, kung sakaling magka allergy ka dahil hindi mo natanggal yung itim na vein that runs through the back of the spine ng alamang, ay dilaan mo raw ang kili-ikili ng langaw. at least, yan ang sabi ng kaibigan kong doctor na sira ulong katulad ko. hope this medical tip helps.

habang sinusulat ko ito. kasalukuyan pa rin akong nasa gitna ng aking the great singaporean shrimp allergy attack. ewan ko ba kung saan ko ito nakuha. hindi naman ako nakatikim ng hipon nung lunes. although nakasubo ako ng ilang pirasong manggang hilaw na may bagoong during last saturday’s dinner with eder, leah and helen. siguro yun ang dahilan. pero napaka arbitrary naman. nung isang buwan, nag ulam pa kami ng kare-kare at ang dami kong nakaing bagoong. hindi naman ako simumpong. siguro may masamang feng shui na nangyari: baka mali ang ikot ng plato, o kaya iba ang korte ng tinidor na pinangsubo ko kaya ako kinakati. baka naman may natuwa sa akin at na usog ako? if so, kailangan akong malawayan.

at talaga namang napakahirap abutan ng allergy attack. in my case, it takes a week before the allergy finally runs its course. during this time, lahat ng parte ng katawan ko ay kakatihin. and yes virginia, kasama na roon ang kati ng betlog. one time it’s your entire arm that’s itchy tapos lumilipat na parang virus sa paa. random itong nangyayari na palitapat lipat sa kung saan saan. parang science fiction na story ano? reminds me tuloy of the michael crichton book called “PREY”, kung saan isang swarm na micro-robots ang sumanib sa katawan ng mga characters sa novel, transforming them into beautiful people with attitude problems. hmmm… marahil ito na rin ang dahilan ng bigla kong pagka gwapo lately.

gentle reader: dear unkyel batjay, nakita ko po kayo kagabi sa clinic. ano po ang nangyari?

batjay: ako nga yung nasa clinic kagabi. nagpakapon kasi ako.

gentle reader: aybegyorpardon, ano po yon?

batjay: nagpatanggal ng betlog – nagpakapon. gusto ko kasing sumali sa vienna boy’s choir.

gentle reader: seriously…

batjay: sige na nga – nagpa circumcise ako.

gentle reader: parang yung kay magellan?

batjay: haha – corny. circumnavigate yong ginawa niya. tuli yung sinasabi ko. nagpatuli ako.

gentle reader: seriously…

batjay: ALLERGY – sinumpong na naman ako.

gentle reader: eh di supot pa rin kayo hanggang ngayon?

batjay: ganon na nga. supot na, kamot pa ng kamot.

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong ( doorbell sound epeks ng time check)

SINGAPORE3 and one-fifth burgers. yan ang dami ng ipinasok sa bibig na hamburdyer – na hindi nilulon – ni ezra nicholas kahapon to set a new guinness world record. ang tanong eh: what’s the fucking point of stuffing three hamburgers inside your mouth if you’re not going to swallow the damn things. halos parehas na ito doon sa classic “yes, i smoked marijuana but never inhaled” bill clinton excuse. para ring “withdrawal method“, ang paboritong tira sabay bunot contraceptive method ng kumpare ko. ayun, 4 tuloy ang anak.

Read the rest of this entry »

BIKER BATJAY IN SINGAPORE bukod sa pagluto, pagkain ng breakfast na nakataas ang paa, pagbigkas sa mga tula ni neruda, paglaro ng Xbox, pagkamot sa makating betlog paglinis ng tenga, pagtulog, pagbasa ng kung ano anong bastos na libro at pag chill out with jet, ang highlight ng aking weekend ay ang pag-ikot sa singapore gamit ang aking bisikletang itim. sabi ko nga parati – iba ang exhilaration na nakukuha mo rito. walang ibang katulad ang paghangos ng hangin sa ‘yong mukha (hindi “wind beneath your wings“, gago). napakasarap talaga kahit minsan ay bilad sa araw. kaya siguro medyo kutis betlog na naman ako ngayon. nasubukan nyo na bang mag orgasm na kala mo sasabog ang ulo mo sa sarap? siyempre hindi ganoon yung pakiramdam ng pagbibisikleta. otherwise, lahat tayo ay contestant sa tour de france. but it is close to coming, kaya highly recommended ito para sa mga malamig na babaing aso (“frigid cold bitch” ata ang english translation nito) or para sa mga supot lalaking hindi na tinitigasan.

Read the rest of this entry »

TAKIPSILIM SA ANTIPOLO sa isang linggo kong pananatili sa pilipinas, isang beses lang akong nakauwi ng maaga. parati na lang madaling araw dahil sa maraming mga meeting at pakikipagkita sa mga kaibigan. the one time na nakarating ako sa bahay ng may araw pa – kinuhanan ko ang litratong ito. this is how our home looks like during dusk, my peborit part of the day. kaya lang nga ay this time, wala nang yosi at kape na kasama ko sa pag appreciate ng sunset. in my old life, pag ganitong oras, i’d be outside our house. nakaupo sa garden at naninigarillo habang hinihintay ang pagkagat ng dilim. bwakanginangyan, para tuloy gusto kong magsindi ng yosi. huwag na oy – nakaka one hundred thirty one days ka nang walang sigarillo.

“A Reason to Believe”. a bit underrated as a song but could knock your socks off if delivered properly. ni record ko kagabi kasi naaasar na naman ako sa mga contestants ng singapore idol. bwakangnangyan. either sintunado or walang kalatoy latoy. yung iba nga sintunado na walang kalatoy latoy pa. ewan ko ba, di ko gusto ang style nila – puro porma, wala namang laman. to compensate sa masamang napanood ko, ako na lang ang kumanta. hehehe. isa pa, mabigat ang sipon ko ngayon. eh pag ganitong barado ang ilong ko at punong puno ng plema ang aking ngala-ngala, talagang masarap makipag lips to lips nagiging husky rocker’s bedroom voice ang boses ko. parang lalaking bonnie “total eclipse of the heart” tyler? ngyehehe. springsteen na bugoy, siguro. CLICK HERE to hear my version.

KASALUKUYANG BINABASA: “the rule of four” nina ian caldwell at dustin thomason. excited akong basahin ito dahil isa na namang secret sect and ancient code story in the tradition of the “da vinci code“. pero according to some of the reviews, it would be a disservice to the authors if you simply compare this new book with the work of dan brown. hekshuli, nabasa ko na ang first chapter and if this is the basis of a comparison between the da vinci code and this book, i would say that “the rule of four” is much better written. sana hindi ako ma disappoint sa huli. ang hula ko eh mamamatay lahat ng mga bida in the end. hehe.

KASALUKUYANG NILALARO: “ang toto ko” – pero minsan-minsan lang (parang si kevin spacey sa “american beauty“). hehehehehehe. seriously – it’s “Tiger Woods PGA Tour 2005 for the Xbox“. ang isang gusto ko rito ay ang “game face” feature kung saan pwede mong i-customize ang hitsura ng player para maging kamukha mo. weird nga ang pakiramdam when you see a replica of yourself inside the game. parang absurd “out of body” experience. di pa ako nakaka hole in one pero ang dami ko nang natalong mga professionals at marami nang mga endorsements. feeling ko nga, playing professional na ako, kahit sa Xbox lang.

Read the rest of this entry »

(BATJAY)

October 6, 2004

parehong pareho ang suot namin ng kasabay kong sumakay ng train kaninang umaga. red long sleeves at brown pants (or is it green?). mylab, ano na nga ba ang kulay ng pantalon ko ngayon? pasensya na kayo, ako po ay partially color blind and i have trouble with shades of red and green. si jet nga ang aking guide sa color combination – lalo na sa damit. minsan kasi, gusto kong i-match yung orange na t-shirt sa pink-reddish na shorts. baduy, alam ko. kaya, the next time na makita ninyo ako at kulay pula ang medyas ko, huwag nyo na lang pansinin. nag digress na naman. asan na ba ako? ah, ok…

Read the rest of this entry »

si tj, nagpapakyut sa punta fuego matagal ko na siyang di naikwento pero eto na si tj ngayon. she just turned 4 years old at super cute pa rin. tj is my apo. anak siya ni donna na anak ni gigi na anak ni angela na mommy ko. di makapaghintay makapag-aral kung kaya’t pinasok na namin siya sa isang nursery school malapit sa bahay namin sa novaliches. ang balita ko eh na accelerate siya dahil sa kanyang super katalinuhan na namana niya sa kanyang favorite kyut na tito batjay (ahem, dasme). daig pa niya si sofia coppola sa kanyang rendition ng pambansang awit. panoorin ninyo ang video ng pagkanta ni tj ng “bayang magiliw” – CLICK HERE. medyo mabagal kung walang high speed connection kaya mangulangot ka na lang habang naghihintay.

SI BATJAY, ANG MAHIWAGANG SIOKOY NG SINGAPORE kung nasa punta fuego kayo nung sabado at may nakita kayong isang grupo sa pool na sumisisid, nagkokodakan at nagtatawanan. kami yon. ang pag kuha ng mga underwater pictures ang bagong hobby ng pamilya namin. simple lang ang objective ng underwater photography: come up with the ugliest face while holding your breath. madali lang itong gawin kasi pag nasa ilalim ka ng tubig, siokoy ang dating kahit anong pogi mo. case in point ang picture na ito. ang galing ano? para kaming mga autistic ni donna. lalo na ako, di ko alam kung demented or criminally insane. perhaps both. i’m sure, nagtatawanan na sila sa bahay habang pinagmamasdan nila ito. ngayon alam nyo na kung saan nanggaling ang sense of humor ko.

Punta Fuego Family Reunion

October 3, 2004

kung may ilang beses na kitang pinangarap na tuntungang muli nung nasa labas mo ako. ngayon papalabas na naman at nalulungkot. kung patas ka sanang magbigay ng kabutihan sa iyong mga residente e di sana di na ako aalis. alam ko naman na di mo ito kasalanan. marami lang umaabuso sa iyo. paalam maynila, hanggang sa muling pagkikita. ingatan mo na lang ang mga mahal ko sa buhay.