ano bang mga twisted guilty pleasures ninyo? marami akong mga kakilala na halos mag orgasm pag nagku-kutkot ng tenga. sinusundot ng walis ting-ting ang loob at pagkatapos ay kinikilig sa sarap. hehe. mayron namang mga iba na mahilig mangulangot habang nagmamaneho – sa singapore, maraming ganito. halos ipasok ang hinlalaki sa butas ng ilong. nung high school naman ako, mayroon kaming teacher na mahilig magkalkal ng betlog. para hindi namin mahalata, ididikit niya ang singit niya sa kanto ng teachers desk ay doon magkakaskas. obvious naman na gusto niya ito dahil minsan nahuhuli namin siyang napapapikit.

Read the rest of this entry »

Advertisements

may napansin ako sa sarili ko lately. simula nang lumipat kami rito sa california, panay ang bili ko ng sweater. nakaka apat na ako. eh apat na buwan pa lang kami rito – ang ibig sabihin nito, every month, bumibili ako ng isa. medyo weird nga eh. naisip ko baka dahil ito sa deprivation resulta ng pagtira ng matagal sa tropical country. ngayon lang kasi ako nakakatikim ng malamig na panahon ng matagal kaya ngayon nga rin lang nakakapag suot ng panlamig. iniisip ko nga, baka pagtagal, magaya ako kay imelda marcos. di ba nung bata siya, deprived siya sa sapatos dahil mahirap lang sila kaya nung naging first lady eh sangkaterba ang collection. sa case ko naman, sweater imbes na sapatos. over compensating na ba ako dahil sa lamig kaya bumibili ng maraming sweater? gardenget.

Read the rest of this entry »

black friday ang tawag sa biyernes pagkatapos ng thanksgiving. importanteng araw para sa retail industry ng america at paborito ng mga adik mag shopping dahil ito ang pinakamalaking sale sa buong taon. madaling araw pa lang ay bukas na ang mga tindahan at may mga sira ulo ngang natutulog sa labas para sila ang mga maunang makapasok. may napanood nga ako sa TV na nag stampede pag bukas ng pinto. maraming mga nanunulak at natutulak, nadadapa, gumugulong at nadadaganan. balita ko nga eh may mga nagsusuntukan pa dahil nag aagawan sa mga produkto. hindi ko naman sila masisi, pag sale kasi rito sa amerika, talagang sale.

Read the rest of this entry »

FOLLOW THE YELLOW BRICK ROAD

November 10, 2005

Kansas Education Board First to Back ‘Intelligent Design’ – effective immediately, ituturo na sa mga school sa kansas ang intelligent design bilang challenge sa theory of evolution and natural selection ni darwin.

tumatanda ata ng paurong ang mga amerikano. what’s next? siguro idi-declare nila that the world is flat, na yung apollo landings on the moon eh hollywood special effects lamang and being kansas – baka i-declare din nila na yung “wizard of oz” ay true story. gardenget.

Read the rest of this entry »

dear mommy,

Ang Mahiwagang Daigdig ni Darnita, ang Batang Darna. CLICK to Zoom kamusta na kayo diyan sa pilipinas? sana ay nasa mabuti kayong kalagayan – di ko alam kung ano ang pakiramdam ng isang 81 year old but looking at you, it seems that you are having a great time. halloween na nga pala dito sa amin bukas. ito ang magiging una namin ni jet dito sa amerika at handa na kaming makikisali dito sa sikat na american tradition na ito. nakakatuwa nga ang mga kano, libo libo ang ginagastos para lang makapaglagay ng dekorsasyon sa mga bahay nila. kung titingnan mo, para silang mga sira ulo – bibili ng mga sapot ng gagamba, mga pusang nanlilisik ang mga mata, higanteng daga, mga paniki, at kung ano anong mga nakakatakot na mga maligno. tapos ididisplay ito sa labas ng bahay. tama ba naman yon? pero tama man o mali eh sali kami sa kabaliwan nilang ito! hehehe. napabili na nga kami ni jet ng mga candy para ipamigay sa mga bata, sakaling may maligaw na mag “trick or treat” sa apartment namin bukas.

Read the rest of this entry »

panay nga bilad ko sa araw dito sa southern california lately. malaking pagbabago, kasi nung nasa singapore pa kami eh hindi ako lumalabas kasi sobrang sakit sa balat. isa pang mahirap dalhin ay yung humidity. pawisin kasi ako at isang hakbang ko lang, parang gripo na ang tulo ng pawis ko. pero iba dito kasi dry ang hangin. kahit mainit ay hindi ako masyadang pinagpapawisan. tapos ngayon ay gumaganda na ang panahon – lumalamig na. kanina nga may libreng lunch sa opisina at nag picnic kami sa campus namin. ang sarap ngang kumain sa labas. gustong gusto ko pag umaaraw pero malamig. kahit mag kutis betlog ako’t mag mukhang zebra, ok lang.

T: anong katangian ng mga amerikano ang gusto mo?

S: that they love to bitch about things. gusto ko yung fact na mahilig silang magsalita at mag voice out ng mga opinions. that in a meeting, you can shout at each other about work related matters pero pagtapos ay back to normal. walang personalan, ika nga. gusto ko yung exchange ng mga opinion – nagiging mas creative ako sa mga ginagawa ko dahil nakikita ko ang lahat ng mga angulo. gusto ko yung fact na pag may sumingit sa pila, may sisigaw sa likod na puno ng mga salita tungkol sa mga part ng lower anatomy. it’s a refreshing change from the way asians do it (ie, tahimik, timid, keeping things to themselves).

T: anong katangian ng mga amerikano ang ayaw mo?

S: that they love to bitch about things. too much sometimes. bitch, bitch, bitch, bitch, bitch. the weather’s too hot – bitch. the weather’s too cold – bitch. the gas prices are over $3 – bitch. walang kape sa coffee pot – bitch. mas maliit yung actual order na pagkain sa fastfood kaysa doon sa nakalagay sa picture – bitch. ultimo kaliit liitang bagay – bitch, bitch, bitch, bitch, bitch. minsan nami miss ko tuloy how asians do it (ie, tahimik, timid, keeping things to themselves).

Glorious, suwerte ka raw pag nataihan ka ng ibon. at least yan ang kasabihan ng mga taga asia. naniniwala ako rito. nung grade five kasi kami, yung isang classmate ko, nabagsakan ng ebs ng tarat habang kumakain kami sa gym. muntik na ngang ma shoot sa lunch niya, pero lumihiis ito at tumama sa balikat niya. naiyak nga siya (siguro dahil napahiya). pero look at him now – isang successful na negosyante. panay na lang ang pasok ang pera sa bulsa niya automatically at kahit di na siya magtrabaho hanggang sa mamatay siya eh hindi na siya magugutom. all that good luck later on his life, dahil lamang sa isang fateful shitty day. sana ako rin swertehin – nung first day of work ko kasi dito sa america, yung bintana ng kuwarto ko ay nataihan ng ibon. hindi ko alam kung anong ibon pero betchabygollywow, ang laking kalat ang ginawa niya (please see picture). sabi nga ng room mate kong si claus eh baka ostrich daw ang tumae sa bintana ko. impossible naman kasi, una, walang ostrich dito sa california. ikalawa, hindi naman lumilipad ang ostrich (oo nga pala, PYI: nasa top floor ang office ko). baka agila o lawin – marami kasing umaaligid dito. siguro hina-hunting nila yung mga sira ulong kuneho na takbo ng takbo sa office grounds namin. heniway, gumawa nga ako ng “FOR SALE” sign para naman malagyan ng kaunting dekorasyon ang opis. lahat nga ng dumadaan ngayon ay humihinto at natatawa – nagiging conversation piece tuloy (“what you got there, jay?”, “can i get one of them bird shit too?”, “what in the hell is that thing on your window?”, “fucking shit!”, “holy shi!t”, “hey jay, you’re full of shit!” and many other words to that effect). sikat na nga ako ngayon – “you know who jay is, right? he’s that new guy from building 1 with the big bird shit on the window”. for all the crap i’ve been getting (pun intended), sana naman mas swertehin kami ni jet dito sa amerika. sabi nga ni brader mike eh – “emen to dat, ale-luya!

ang distansya from our apartment to my office is around 2 miles. maraming salamat sa inyo my dear prens, at bigla akong nagkaroon ng sipag na alamin kung gaano ito kalayo sa metric system – ang sagot ay 3.218688 km. o sige, para walang kalituhan, sabihin na lang natin na limang minuto lang ako from home to work. sapat na oras ito upang mangulangot habang nagmamaneho. hehe. pero not enough to enjoy my music. ang isa pa naman sa mga paborito kong gawin ay makinig ng musika habang nagmamaneho (clapton, springsteen, binky lampano). since 5 minutes away lang ako eh minsan hindi ako nakakatapos ng isang kanta. bitin na bitin. minsan nga pag maganda ang kanta, sadya kong binabagalan para marinig ko ang mga tugtog ng buo. ang musika ay parang time machine. minsan magugulat ka na lang at biglang may kantang magpapaalala sa iyo, very vividly, ng mga nangyari sa buhay mo. tulad kanina, bigla akong nasenti dahil biglang tumugtog yung ending song ng voltes v habang papauwi ako (ito yung “oyani kaldereta“). pakiramdam ko eh para ulit akong ten years old. naalala ko rin tuloy yung time na pinahinto ni marcos ang voltes v, bwakanginangyan. pero that’s another story.

Read the rest of this entry »

weird talaga ang mga taga north america. habang ang buong mundo ay nag se-celebrate ng labor day sa may 1, pinili nila ang unang lunes ng september para sa kanilang version ng labor day. pero ok lang. at least mayroon kaming three day weekend. nakapag pahinga ako ng kaunti. siguro, hindi na rin ako dapat magtaka. eh dito na lang yata ginagamit ang miles at gallons. bagay na lubos kong ikinalilito. hanggang ngayon, pag may nagsabing “i live two miles from work”, wala akong idea kung gaano ito kalayo. sanay kasi ako sa kilometer. pag may nagsabing “a gallon of gas here in orange county is about $3 on average”, tumatango na lang ako at nagsasabing “that’s too fucking expensive” even though hindi ko alam kung gaano karami ang isang gallon. isang litro, alam ko agad dahil kabisado ko ang size ng bote ng coke sa pilipinas. sa temperature din mas nakakalito. pag may nagsabing “it’s one hundred and seven degrees outside”, naiisip ko agad eh over na ito sa boiling point ng tubig at malapit nang magunaw ang mundo dahil natutunaw na ang polar ice caps. tapos bigla kong maiisip na degrees farenheit nga pala rito at hindi celcius na nakasananyan ko. nakakalito tagala rito sa amerika. parang paatras nga ang takbo ng mundo minsan. buti na lang nga hindi counter clockwise ang andar ng mga relo rito. that would have been too much to take.

Read the rest of this entry »

parang trumpo pa rin ako kanina sa opisina. tuliro at hilo – naghahalo kasi ang mga iniisip ko. minsan iniisip ko kung saan kami titira, kasabay nito eh hataw na ako sa trabaho. nagiging literal pala ito minsan. sa sobrang dami ng iniisip ko eh ilang beses akong naligaw sa building namin. tawa nga ng tawa ang mga kasama ko dahil kung saan saan daw ako sumusuot. pinakagago kong ginawa kanina? pumasok ako sa toilet ng mga babae. hehe. bigla akong pinawisan ng malamig – kakabasa ko lang kasi ng sexual harassment manual ng kumpanya. pwede ka palang makulong dito pag matagal kang tumingin sa boobs ng co-worker. mahigpit talaga ang batas at bawal maglandi. kaya nga ngayon, pag may lumapit sa akin na babae sa opisina, nag duduling dulingan na lang ako. mabuti na yung pangit kaysa makulong.

ah may good news nga pala ako – nalaman namin kanina na approved na yung application namin sa apartment. pwede na kaming lumipat ni jet this weekend. problema lang ngayon eh pambayad. ngyehehe. wala pa akong checking account. di pala pwede magbayad ng cash sa america.

exciting ang buhay namin ni jet ngayon kasi naghahanap kami ng apartment na malilipatan. kaya nga back en forth kaming parang trumpo lately. ang hirap palang maghanap ng matitirahan dito sa orins kawnti. unang una, ang mahal ng rent. sino ba kasing gagong nagpauso na tumira dito at lahat ng lang ng tao eh gustong lumipat. super taas tuloy ang halaga ng pabahay. ang average two room apartment ay umaabot sa $1600 to $2000. packingsheet, that’s almost three times the amount we paid sa singapore. halos maihi ako sa presyo. tinanong ko nga doon sa katiwala ng apartment kung ginto yung mga door knob at gripo. hindi raw – tanso lang. ngyehehe.

first day of work ko ngayon sa bago kong opisina dito sa ‘merika. swabe lang dahil nasa orientation pa rin ako – tinuro sa akin ngayong umaga kung nasaan ang kubeta (“dats damos imfortant fart op da opis” ang sambit ko sa english na halos hindi ko maintindihan). tapos dinala ako sa pantry na kung saan may libreng kape at snacks na nasa vendo machine (“dats dasican mos imfortant fart op da opis”, ang ganti ko na naman sa nag tour sa akin).

BATJAY: “is ebriting here in da pantry por free – oldis pud en sopdrinks?”
HR GUIDE SA OPIS: “YES, batjay!”

BATJAY: “how abawt di chips, di tsokoleyt bars endi beri meni beef jerky en eggs?”
HR GUIDE SA OPIS: “YES, they are all free,batjay!”

BATJAY: “kan i bring my wife en mommy to da opis en can we live here?”
HR GUIDE SA OPIS: “you trying to be cute, batjay?”

BATJAY: “how about balut? do yu hab da balut?”
HR GUIDE SA OPIS: “baloon?”

si jop ay isang pinay na teacher sa isang elementary school sa “ni-yu joi-see”, USA. nakakatawa ang blog niya tungkol sa experiences sa loob ng classroom kaya pag may time kayo ay bisitahin ninyo siya. anyway, last week daw ay mayroong 12 year old pupil na nagtanong sa kanya kung ano raw ang “dildo“. before siya na “save by the bell” ay naiblurt out niya (for the lack of a better word, i guess) na ang “dildo” raw is a kind of toy. kung sa akin nangyari yan ay sasagutin ko ang tanong via multiple choice. parang ganito: “ok class, listen up. a dildo may be any of the following. choose the best answer:

A. it’s the cartoon character in the old seven up commercials”.

B. it’s an extinct stupid bird.

C. a dildo is a variety of sweet pickle

D. it’s a girl toy that’s used when there’s no boy.

SULAT SA PERSKASIN

January 29, 2004

si sel, si jet at si ate baby, nagpapakyut sa godlen gate bridge
hi sel!!!!

ok naman kami, kaya lang si jet ay mainit ang ulo ngayon kasi naroon pa rin sa flat namin ang mga may-ari ng bahay na opismeyt ko. dapat ngayon sila aalis pabalik ng china kaya lang nilagnat ang kumag. na extend tuloy ang bakasyon nila rito sa singapore.

hirap kasi ng mga ito eh medyo burara, di naglilinis, di nagaayos ng bahay at binabasag pa ang mga baso namin. si jet tuloy, kakagising pa lang ay mainit nang ulo. sabi ko nga sa kanya, huwag na lang pansinin at di worth getting a heartattack ang mga basag na kasangkapan at maduming bahay. pag pasensyahan na lang niya at ngitian ang mga kasama namin sa bahay ng ngiting aso! hehe.

kaya yan, di pa rin nakapag unpack gaano. nakakalat pa rin ang mga maleta sa spare room namin. tambak pa rin ang labada. but life is good, we are in good health at ninanamnam pa rin namin ang inyong generosity and love.

ingat, mga minamahal.
jay

BARKADA CALIFORNIA

January 28, 2004

si papa rodger, si andres, si ate sienna, si jet at si mariacecilia nagpapakyut sa apartment nina ate sienna
pagtapos namin sa mga pinsan ni jet na si leslie, tumuloy kami sa pansitan ni ate sienna sa west covina. nagkita na kami ng ninang ko last september pero ito ang unang meeting ng magbarkadang jet at ate sienna, kaya todo embrace, emote at iyakan sila nang magtagpo sa gate ng apartment ni ninang. kukunan ko nga sana sila ng piktyur, kaya lang baka pagtulungan akong bugbugin ng dalawa.

kuha ito sa apartment ni ate sienna. from left to right, si ka rodger ang nakakatawang bagong kaibigan, si ate sienna, si papa andres, si jet at si mariacelia ang aming navigator papunta sa hollywood sign. nakaka-aliw sila at masarap kasama. pero nagkandautot sila sa kakatawa nang kinanta ko yung karaoke version ng “hello” ni lionel ritchie (version ng isang lasing na sinto-sinto). pakinggan nyo na lang… CLICK HERE.

MariaCelia, Jet and Ate Sienna nagpapakyut malapit sa hollywood sign
there’s nothing as miserable as going back from an enjoying trip in the US. it’s depressing and… what’s the best phrase to describe it? putanginang sobrang tagal. california was great. the people we met there were even greater. hehe. sanlingo lang sa ‘merika, puro english na ako ngayon. erase. erase… ok, ang galing nang bakasyon namin. kahit isang linggo lang, punong puno ito ng kulay, saya at katatawanan. kung pwede lang sanang i-extend ko ang aming oras, gagawin ko. kung pwede lang sanang di na bumalik dito sa singapore, gagawin ko.

reality check: yung katabi namin ni jet na nakaupo sa window seat sa eroplano kanina… may anghit, dura ng dura sa baso niya at tayo ng tayo para umihi. pakingsheet. pag ikaw ay naka upo sa isle seat ng eroplano, nakaka-asar kapag yung katabi mo ay parati kang kinakalabit at dinadaanan every hour dahil gusto niyang umihi. kung mayron lang akong gunting, puputulin kong titi niya.

narito na ulit ako sa singapore. jet lagged at hilong talilong, pinagpapawisan at malungkot.

MariaCelia, Ate Sienna and Jet nagpapakyut sa rodeo drive
pumasyal kami ni jet nung lunes kasama sina ate sienna at maricel sa hollywood last monday. sa may rodeo drive, muntik ko nang masagasaan ang lolo at lolang amerikano na tumatawid sa kalye. paliko kasi ako nang silay patawid. buti na lang at mabagal nang maglakad ang mga lekat. kundi sikat sana ako ngayon. baka na feature pa ako sa news. nakikinita ko na ang banner story: “STUPID FILIPINO TOURIST RUNS OVER SLOW MOVING ELDERLY COUPLE“. nagpalit kasi ang traffic light from green to yellow at hinahabol ko ang pag right turn. hehe. dahilan dahilan puro na lang dahilan.

ang actual dahilan naman talaga eh yung driving habits ko sa pilipinas ay dinala ko sa US. big mistake. big big mistake – ika nga ni julia roberts sa pretty woman.

si liit (asawa ni alma, si alma, si aubrey (anak nina liit at alma at si jet
after a long 6 hour drive from LA, narito na kami sa sacramento ni jet at nakikituloy sa mga pinsan niyang si alma na dati kong kapitbahay sa novaliches. matagal na sa america ang family ni alma. nag migrate sila rito ng kanyang dalawang kapatid na si leslie at jon, with their parents colonel quipot and colonel quipot. hindi po typo ito, ang mother at father nina alma ay parehong EX-colonel sa AFP. nga pala, special si alma sa amin dahil siya ang nagpakilala sa akin sa pinsan niyang si jet. the rest, as they say, is history.

tonie, leslie and jet
nung isang gabi, nagpunta kami sa bahay ni mickey mouse at tuwang tuwa nga si jet sa mga nakita niya. kasama namin ang pamilya ng pinsan ni jet na si leslie. nung all star parade, lumabas si tarzan na mukhang hunky sexy macho dancer. sabay sabay sumigaw sina jet at leslie ng “TARZAN I LOVE YOU!”… biglang sumabad si tonie, ang nine year old daugther ni leslie: “mom, stop it. you embarrass me“. hehe. cute.

mamaya, ipapasyal daw ni ate sienna si jet sa iba’t ibang tambayan ng mga artista sa hollywood. excited na nga ang dalawang loka. hehe. ako, dakilang driver. hehe. ok lang yon, masarap naman ang sushi dinner na ginawa ng ninang ko kagabi. dami ko ngang nakain kaya medyo masakit ang tiyan ko ngayon. hirap talaga ng matakaw. teka nga, makaligo na’t nang matapos na ang aking mga morning ritual. kumukulo nang tiyan ko.

narito kami ngayon sa apartment ni ate sienna sa west covina. so literally, matutulog kami ngayon sa pansitan. pangalawang araw namin dito sa america. first time ni jet dito kaya enjoy ako bilang travel guide. she has the eyes of a child full of wonder and we have a week to explore this great land.

ang hirap talagang sumakay sa eroplano ng sixteen hours. lalo na kung may katabi kang mabahong tao. mas malala yung nangyari samin – yung mga taong right in front of us, may anghit na, utot pa ng utot. tangina, ang bantot man. piso na lang, lason na. nung una ngang umutot ang lalaking in question, napasigaw ako ng “SHIT WHO FARTED?” sabay tadyak ng silya sa harap ko ng malakas. wala, no response. dito ko na realize na siya nga yung umutot. “DEADMA” my dear friends, in cases like this, is a sure sign of guilt. akala ko yun na yung last. nagkamali ako. yung buong flight from singapore to japan to LA, walang humpay ang pagutot ng bwakanginang yon. asar talaga. it was like a double edged sword that’s stabbing on your nose, running like clockwork.

family picture

ang tiyong anas at tiyang ging ko ang nagsimula nitong pamilyang ito. si tiyong anas ang gwaping na bunsong kapatid ng mommy ko. sabi nga ng marami eh kamukha niya si sean connery. siya ang balbas saradong lalaki sa 2nd to the upper right ng litrato. si tiyang ging naman ang nakaupo sa gitna namin ni donna.

narito rin sa litrato ang tatlong pinsang kasabay kong lumaki sa pasay. si sammy (extreme upper right), si simon (lower extreme right) at si jojo (extreme left). anim talaga silang lahat. wala sa picture si junjun, si maricel at si sever. in between sammy and jojo ay mga asawa at mga anak ng mga pinsan ko. naalala ko pa nung araw kung gaano kami kasayang naglalaro sa bahay namin sa pasay. baby pa si jojo noon. di katulad ng maskuladong lalaki sa picture. si sammy ang panganay at ang parating nanloloko sa amin. si simon naman ang ka-edad ko at ang siyang umalalay sa akin ng husto nung nasa US ako kamakailan.

alam mo, masarap talaga itong trip na ito sa akin. matagal kaming di nagkita kita pero in the two days that i was there last week, nag connect kaming lahat immediately. parang tinuloy lang namin yung huling kwentuhan nung huli kaming magkita many many years ago. you know the feeling of being a part of a big family? where everybody welcomes you into their homes and showered with the possessiveness, warmth and love that only a kamag-anak can? that’s what i experienced last weekend.

kahit dalawang araw lang kaming magkakasama, i really felt loved. now, while i am writing this a thousand miles away, i smile as i recollect everything that happened during my short stay with them, while at the same time, i feel the pain of our separation. bittersweet? i guess.

next time we meet, it will definitely be for a much longer time. AND this time, it will be with jet. i can’t wait to introduce them to her. i am almost sure it will be a blast.

nag drive ako from Southern California to San Francisco last friday. mahaba haba ring byahe yon. anim na oras ako sa I-5 freeway almost a straight line from los angeles to san francisco.

ako lang mag-isa. lakas ng loob ko no? hehehe. dala ko pa rin ang aking rental na chevy impala. ok na rin ito para sa byahe. malaki, mabilis at maganda ang sound proofing. di mo rinig ang makina kahit humahataw ka nang 80 MPH.

umalis ako ng orange county ng mga 6:30 at nakarating sa sf ng 12:30. anim na oras. di na masama considering na bumper to bumber sa LA ang traffic at nagkanda ligaw ligaw ako sa SF. in between mga 4 na beses akong huminto. once for gas, twice to pee and once to have a cup of coffee dahil inaantok na ako. yung last stop over ko eh malapit na sa gilroy, ang garlic capital ng USA. nung huminto nga ako sa truck stop eh amoy bawang ang buong paligid.

ang gilroy eh bayan ng classmate kong si vic. huminto ako sa malaking factory outlet sa downtown. habang hinihintay ko si vic eh binili ko ng sapatos si jet. nagkita kami sa loob ng shoe store tapos eh nagpunta kami sa bahay nila. sandali lang ako doon dahil tinawagan na ako ng mga pinsan ko. nagtatampo sila dahil inuna ko pa raw ang kaibigan ko kaysa kamag anak. hehehe. hirap talaga ng sikat.

anyway, napag usapan naming mag meet na lang ni vic at ang iba pa naming mga classmate sa bahay ng mga pinsan ko para everybody happy. nag drive ako from gilroy to milpitas. dito nakatira ang tiyong anas at tiyang ging ko.

milpitas with my relativessome of my cousins who visited me in milpitas. si jojo, ang aking pinsan na artista sa pinas nung araw. si donna, ang mommy ni tj. nag meet kami sa SF pa of all places. sinundo namin siya sa airport the same day na dumating ako. si jun jun na kumakaway, si tiyang ging na nakatalikod, si sammy at si simon. matagal ko na silang mga kamag-anak. hehehe.

milpitas with my classmatesnung gabi ay dumating naman ang mga classmates ko na SF based. from left to right… si gatchie, yours truly (ahem), si pareng vic at si jun. si gatchie at si jun at di ko na nakita since nag graduate from high school nung 1983. happily married na si gatchie at sa tingin ko eh ok naman ang buhay niya sa US. si jun ay isang negosyante pala at maraming mga negosyong naiwan sa pilipinas. si vic naman eh huli kong nakita nung last trip ko sa US 4 years ago. during that time eh nakalipat na siya sa bagong bahay kasama ng kanyang mag-ina. naalala ko ulit si vic dahil nag abay kami nina raymund at kuya bong sa kasal niya sa pilipinas.

anyway, nag kwentuhan kami hanggang alas 3 ng madaling araw. masarap din ang feeling ko dahil napagsama ko ang kwentuhan ng mga kamag-anak at kaibigan sa isang gabi. sandali lang kasi ako sa san francisco kaya lahat ng mga lakad ko eh compressed. salamat na lang sa inyo, mga kaibigan at kamag anak ko na nag sacrifice ng kanilang oras para lang sa akin.

kumain kami sa las brisas ngayong gabi kasama ang lahat ng mga officemates ko rito sa california. masaya ang lahat dahil maganda ang araw na ito sa amin. ang restaurant na ito ay malapit sa laguna beach. actually tanaw mo ang dagat dito, sa tabi niya ay magagandang mga bahay. from left to right, top to bottom: si serena (ang aking counterpart sa europe). feisty italian lady, masarap kasama dahil animated ang mga kwento niya. si tom, ang partner in crime ko na batang chicago but resettled na rito, si yves ang kasama naming galing pa ng montreal, si joe ang head ng studios department namin, si tom hanks star ng saving private ryan. hehehe. hindi, kamukha lang niya (pati salita at mga mannerisms, tom hanks na tom hanks ang dating). jim ang pangalan niya at nakatira sa san diego.

MGA KAUPISINA

may araw pa nang dumating kami pero di naglaon ay lumubog na ito at medyo lumamig na ng kaunti. alam nyo naman ako eh sucker for sunsets kaya kinuhanan ko siya kanina. sana mylab nandito ka para makita mo rin ito…

SOUTHERN CALIFORNIA SUNSET

SI LEVI AT DENNIS DITO SA SOUTHERN CALIFORNIA

ang mga classmates ko since kinder na naka base na dito sa southern california. from left to right: si levi, si levi ay naka base sa san diego. si dennis naman ay malapit sa santa ana. matagal ko na rin silang di nakita. si levi ay umalis ng huli from the philippines halos kasabay ko more than two years ago. pero before that, pabalik balik siya rito sa US dahil hinihintay niya ang petition ng asawa niya. nang maayos na niya ito eh dito na silang pamilya for good. si dennis naman ay di ko na nakita simula nang mag graduate kami sa high school 20 years ago. maaga kasi siyang napunta rito. nagkita kami last saturday. pumunta sila rito sa hotel ko at nag dinner kami at uminom hanggang alas dos ng madaling araw. nag imbita nga si dennis ng dinner sa bahay nila ngayon pero di ako nakarating dahil ginabi kami sa meeting namin sa office. sorry pare. baka naghanda ka pa ng pagkain para sa akin. sa susunod na lang.

ang sarap talaga ng maraming kaibigan. kahit saan welcome na welcome ako.

SI CECI AT SI TOM SA HUNTINTON BEACH PIERafter naming mag lunch ni ate sienna ay sinundo naman ako ni tom at ceci. sila ang 2 partner in crime ko sa australia at singapore nung july. sinundo nila ako sa hotel at nag punta kami sa huntington beach, mga 20 minutes away. maganda sa huntington beach at enjoy na enjoy ako doon. maraming mga bar, restaurants at mga shop along the shoreline at may malaking pier kung saan masarap maglakad. nag coffee kami kami para mawala ang jet lag ko. hikab kasi ako ng hikab eh. hehehe. pagtapos nag decide si tom na binyagan ako sa california. bumili kami ng shorts ko at pinahiram niya ako ng wet suit at body board. tangina, instant surfer dude ako. hehehe.

Read the rest of this entry »

kahapon eh nag lunch nga kami ni ate sienna at ni andres. sa wakas nakita ko na rin in person ang ninang ko. mas maganda pala siya sa personal. nagkita kami sa benihana dito sa anaheim. malapit sa disney land, mga 20 minutes away sa hotel ko. madali lang naman hanapin ang restaurant at di ako nahirapang gaano. medyo naligaw lang ako dahil namiss ko ang turn sa freeway at napasyal pa ako ng wala sa oras hehehe.

at home na at home ang pakiramdam ko sa kanila at di masyadong naging mahiyain. mahiyain kasi ako, believe it or don’t. maraming kumakain pala dito at maraming mga pinoy. siguro galing sila sa simbahan dahil grupo sila ng pamilya. mabait si ninang at marami kaming napagkwentuhan. pinagusapan namin din ang mylab kong naiwan sa singapore. pinag-usapan din namin kung gaano kahirap ang trabaho at buhay dito sa california. pero mukhang enjoy naman si ninang ko dahil kasama niya ang kanyang papa andres. miss lang niya siguro ang kanyang pamilya.

Read the rest of this entry »

LA-LA LAND OF THE BRAVE

September 29, 2003

nandito na ako ngayon sa “land of the brave” and “home of the free”. ang bayan ng mga value for money meals na pagkalaki-laking mga serving. may conference kami sa aming main office dito sa california ngayon week. eto ako ngayon sa hotel room: ang utak ko sinsabing 10 AM ng linggo, pero ang katawan ko sinsabing 1 AM ng lunes.

the long flight from singapore to LA (ala eh’, sabi nga ng mga batangeno) reminds how much i enjoy travelling in the asia-pacific region. anything more than 8 hours in the air is a major frigging pain. 17 hours sa eroplano ay, tangina, talagang masakit sa pwet. daig mo pang pinasakan ng 2 vibrator sa backside.

Read the rest of this entry »

if your name is dubya, try this link: Cannot find Weapons of Mass Destruction… hehehe. hoy georgie boy, fucking hilarious, don’t you think?

LONDON, England (Reuters) — A Web site lampooning the United States’ inability to locate weapons of mass destruction in Iraq has become one of the biggest hits on the Internet.

The site, which is designed to look like a genuine error message — replete with “bomb” icon — is the top result when “weapons of mass destruction” is entered into one of the Web’s top search engines, Google.com

QUARRANTINE

April 15, 2003

wala naman daw quarrantine ang pagpunta sa us, sabi ng travel agent namin. baka matuloy ang trip ko next-next week sa california. pero, baka hindi ko rin ituloy. ang ayoko lang kasing mangyari eh pagpasok ko sa conference… tatanongin ako kung taga-saan ako. siyempre, sabihin kong well, i live in “singapore”. baka magtakbuhan eh. hehehe…masapak ko pa ng wala sa oras ang mga lekat.

kaya lang, baka di naman nila pansinin ang origin ko. di ba eng-eng ang mga amerikano sa current events. karamihan nga sa kanila, di alam kung nasaan ang iraq eh. hehehe… yung balita kasi sa america: puro weather at traffice lang eh habang pumipikit pikit, todo ngiti at pa-kyut ang mga newscasters. ah oo nga pala, sama mo na yung mga breaking news na police car chase. hehehe.

Read the rest of this entry »

TRAVEL, HASSLE

October 16, 2002

maraming nangyari sa amin ni jet itong nakaraang buwan. punong puno nga ng actiivities, parang pelikula ni dolphy – may kantahan, may sayawan, may iyakan, may suntukan at siyempre – may tawanan.

una lipad akong orlando for a work related conference – hassle and long delays at the us airports. this is ok and much anticipated. what i didn’t like was the almost look of panic in the eyes of the people at the airline counters (well, not all of them). there we were: asians from malaysia, singapore and the philippines showing our passports to the person at the counter. once she sees where we are from, there’s a look of panic in her eyes, a bit of agitated movement in the way she carries herself, a slight tremble in her voice. all very subtle, but, if you connect all of it – it is fear. fear for us, i guess. foreigners with strange accents from countries where terrorists live. i don’t blame her but i don’t like it one bit. i hate to be in a muslim’s shoes at this point. i guess for them, being profiled is a regular occurence. sayang, nakakainis and too bad for humanity.