dalawang Podcast ko nga pala ang naka register sa iTunes ngayon – “Dear Unkyel Batjay” at “Mahalagang Balita“. kung gumagamit kayo ng iTunes, punta lang kayo sa music store, click sa “podcasts” then do a search – ipasok niyo lang “batjay” or “philippines” or “pinoy” as your search words at makikita na ninyo yung mga podcast ko. marami na kami ritong mga pinoy podcasters at matutuwa kayo sa variety na available dito. ang maganda sa iTunes based podcast ay pwede kang mag subscribe dito ng libre at kung mayroon kang iPod, automatically mo itong mai-do-download at pwede mong marinig kahit saan.

Read the rest of this entry »

si BATLANDI, ANG PANIKING MABABA ANG LIPAD

eto nga pala ang typical eksampol ng paniking mababa ang lipad. native ang species na ito sa california. pero akshuli, nag originate sila sa pilipinas. ang pagkakasabi nga ng mga naturalist eh malamang daw na nahipan sila ng malakas na hangin at napadpad dito nung magkakadugtong pa ang asia sa america millions of years ago. rare na raw ang paniking ito at actually nasa endangered list na. ang pinaka dahilan daw ng pagiging rare ng paniki na ito ay mainly because of diet. wala kasing kasoy sa california na siyang pinaka food source ng paniking ito. isa pa raw dahilan ay ang mating rituals nila na kakaiba kasya sa mga regular na paniki. mahilig kasi sa sex ang species na ito pero nagagawa lang nila ito habang nakabitin sa loob ng mga kweba. ang kaso nga eh may kakingkihan sila at hindi pwedeng walang 69 position. pag ginagawa nila ito eh nahuhulog sila sa kanilang kinakapitan at nauumpog sa sahig ng kweba. karamihan sa kanila ay nababagok, nasisiraan ng ulo at di magtatagal ay namamatay. yung mga suswertehin na mabuhay (tulad ng paniki sa picture) ay nagiging sex maniac.

commercial muna bago tayo magpatuloy sa regular programming
: thank you nga pala kina Sassy Lawyer at Yuga sa pag feature ng “The Rebels Without Because” sa “The Philippines According to Blogs”. ang community website ay blog op da weak this week.

time anong oras na? limang minuto makaraan ang truck ng basura! ngyehehe. nag imbento ako ng wrist watch para sa mga malalabo ang mata. magandang balita ito para sa mga milyong milyong mga taong kailangan pang magsalamin upang malaman ang oras. simple lang ang design at ginamit dito ang mga latest swiss technology upang makagawa ng orasang matibay, maaasahan at may mga numerong madaling mabasa.

GENTLE READER: unkyel batjay, bakit ka naka helmet?

BATJAY: ah, sa sobrang laki kasi ng relo eh doon nakalagay ang baterya.

ANG ALAMAT NG MANOK NA MAY APAT NA PAA yung asawa ng uncle kong si tiong ben na si tiang patring ay mahilig kumain ng fried chicken, lalo na nung ipinaglilihi niya ang pinsan kong si tony. ang sabi ng tiyong ben ko eh halos araw araw daw ay nagkakatay siya ng manok para lang sa tiyahin ko. eh halos maubos daw ang mga alaga nila. para sa inyong kaalaman, mayron kasing poultry farm ang unkyel ko sa zambales na siyang main source of income ng mag-asawa. ang problema pa sa tiyahin ko eh mahilig siya sa drum stick. pag naglilihi ito, talagang drum stick lang ang kakainin niya tapos yung mga ibang parts – breast, wing, thigh ay hindi na gagalawin. asar na asar nga ang tiyong ben ko at parati na lang nila itong pinag aawayan. minsan ay napuno na siya talaga sa katakawan ni tiang patring sa drum stick kaya nag imbento ang tiong ben ko ng genetic chicken na may apat na paa. pagkatapos ng matagal ng pagsusuri, nagtagumpay naman siya at lumabas na nga ang prototype niyang 4-legged chicken (please see picture). tinanong ko ang tiong ben ko kung ano ang lasa ng drum stick ng genetic chicken na may apat na paa. ang sabi ng tiong ben ko…

DI PA KAMI NAKAKATIKIM HANGGANG NGAYON KASI ANG MGA PUTANG INANG MGA MANOK NA YAN, HINDI NAMIN MAHULI-HULI DAHIL ANG BIBILIS TUMAKBO!

ANG ALAMAT NG MANOK NA MAY APAT NA PAA

GENTLE READER: unkyel, ano na nga ba yung kasabihan na tungkol sa tulay that’s about facing difficulties as they happen and not worry uselessly about them beforehand? let’s cross that bridge when… ano na nga?

BATJAY: ah – “let’s cross that bridge when its too far”

GENTLE READER: hindi, war movie yan eh.

BATJAY: let’s cross that bridge over spilled milk

GENTLE READER: gago.

BATJAY: let’s cross that bridge over the river kwai

GENTLE READER: naman eh.

BATJAY: let’s cross that bridge is falling down

GENTLE READER: falling down falling down.

BATJAY: let’s cross that bridge over troubled water

GENTLE READER: hehehe. kanta?

BATJAY: let’s cross that bridge made of sorrow that I pray will not last.

GENTLE READER: argh!

MYLABOPMAYN JET: let’s cross that bridge of madison county

GENTLE READER: o pati asawa mo sumasali sa kalokohan mo.

BORN TO BE WILD!

April 2, 2005

BATA PA LANG AKO, MALIBOG NA AKO

punta muna akong india mga kapatid. habang naroon ako, pagtripan nyo muna ang peborit baby picture ko. hindi po yan tiyanak na nagjajakol – ako po talaga yan. maaga kasi akong naglandi. sabi nga ng mga kapatid ko, di pa raw ako nagsasalita – kinakadyot ko na raw yung isang poste ng bahay namin.

ISANG bago ako magsalita, isa munang update at thank you: yung dati kong shaolin master pose ay nasa version 2 na ngayon. nilagyan ni master polo ng maliit na animation ang aking kung fu piktyur. ayan tuloy ang epekto – pwede na siguro akong mag apply sa karate kid part 5. ok back to my kwento: actually observation lang ito – yung mga tea bag namin sa pantry ay puro walang mga cover. nasa isang malaking kahon lang siya naka store dahil bulk kaming bumili. ibig sabihin kuha ka lang sa kahon ng tea bag at diretso sawsaw na sa hot water. naisip ko eh subject na subject ito sa contamination. WHAT IF, yung last na kumuha ng tea sa kahon ay nagkamot ng betlog before siya kumuha ng tea bag – eh di contaminated na ang buong box? BWAKANGINA, bigla tuloy akong nandiri. the same thing goes with peanuts and chips and all the other stuff that you put on the table na mga similar snacks. what more kung ikaw ay nasa isang bar somewhere – tapos may nuts or pretzels sa counter na walang balot. WHAT IF galing sa CR yung last na kumuha doon? para mo na ring natikman yung kanyang…. UGH. i hate to even contemplate it.

batjay-solve2

Read the rest of this entry »

BATJAY BIKINI BRIEF

March 8, 2005

BATJAY

Read the rest of this entry »

THE
Read the rest of this entry »

THE ELASTIC BATMAN

March 3, 2005

THE

ang elastic batman artwork na gawa ni renaissance batjay ay hatid sa inyo ng “Birch Tree Holland Powder Milk, Ang gatas na may gata”. sundan ang patuloy na pakikipagsapalaran ng ating super hero sa kanyang malas na buhay dito lamang sa “kwentong tambay, ang tambayan na may gata”.

QUOTE OF THE WEEK

February 8, 2005

ANG QUOTE OF THE WEEK ay galing sa CHILDHOOD FRIEND NI BATJAY na based sa Los Angeles, California kung saan siya ngayon nagbabakasyon:

ako? i practice safe sex
lalong lalo na dito sa america.
kaya nagsusuot ako ng condom
kahit nagjajakol lang ako.

ang quote of the week na yan ay handog sa inyo ng “RUBY BLADE POMADE, ANG POMADA NG MGA NAG_AAHIT!”

teka muna, bago kayo tumawa, hulaan nyo muna kung ano itong nasa picture. sabi ng iba, para daw ito yung pinamimigay kasama ng mcdonalds value meal. yung iba naman, ang sabi eh ito raw si donatello doon sa ninja mutant turtles. mayron ding nagsabi na mukha raw baby unanong komang. ano sa tingin ninyo?

MIDDLE AGE NINJA MUTANT TURTLES

ANG PANSIT NA GAWA NG DIYOS so, eto na nga yung isa sa mga iniisip kong ilabas na negosyo – instant noodles. sample lang ito ng packaging na gagawin namin. siyempre dapat catchy ang pangalan at makulay ang wrapper. ang iniisip ko ngayon ay yung “key differentiator”. sa tagalog, ano ang meron sa produkto ko na kakaiba sa mga produkto ng kalaban. funky flavors, i guess: ube tinapa? bagoong honey? chocolate daing? pero ang iniisip ko ay talagang kakaiba. tatanggapin kaya ng food and drug administration kung maglalabas ako ng viagra flavored noodles? ang slogan para sa advertising campaign ay dapat catchy rin. papasa kaya ang: “Subukan ninyo ang Unkyel BatJay Pansit Canton, Titigasan kayo sa sarap!”

ANG PANSIT NA GAWA NG DIYOS OK, OK. hindi na kailangan pang sabihin sa akin: matagal ko nang alam na mas bagay talaga kung ako’y may pekpek imbes na pototoy. sabi nga ng mga kaibigan ko eh kamukha ko raw si donita rosa kung naging babae ako (siyempre, you have to ignore the fact na kutis betlog ako’t hindi mestiza tulad ni donita). iniisip ko na nga kung ano ang ok na showbiz name: “Donita Sampaguita” or “Donita Gumamela“. finally, napag desisyonan namin ng manager kong si SuperPolo na “Donita Talampunay” na lang. there’s a certain wacky charm in the name na parang gusto mong mag hallucinate at tumakbo sa kalye ng nakahubo. hehe. ito nga pala ang bago kong iniisip na negosyo: instant noodles. ayoko na ng pansitan kasi mayroon na si ninang kong ate sienna nito. ano sa tingin ninyo, bebenta kaya ang: “BatJay’s Pansit Canton, Ang Pansit na Galing sa Langit“.

PAMPERS FOR TWISTED MEN

January 22, 2005

AHEM… balak ko ring i-tie up ang iniisip kong pampers business doon sa publication ng nobela kong tungkol sa holy grill para may synergy of sorts. iniisip ko nga ang iba’t ibang mga angles. una ay ang market: sino ba ang customer ko – mga twisted na baby? mga baby na may twisted parents? mga unano? mga lalaking over 65 na mahilig magbasa ng mga bastos na sex stories? next angle ay: ano ang key differentiator ko sa aking mga kalaban. extra strong disposable na pwedeng i-reuse? t-back style? funky neon colors? glow in the dark? finally, PACKAGING: answer this truthfully without any concern for my feelings – bibilhin ba ninyo ang pampers na ito pag nakita ninyo na naka display sa supermarket? salamat nga pala kay superpolo for the artwork. dahil nagtitipid kami ay ginamit niya ang aking baby picture na taken before my 1st birthday. if you look closely, not much has changed as far as my appearance (and mental state) is concerned. kyut ‘no?

PAMPERS FOR TWISTED MEN - maraming salamat kay super duper artist POLO for the artwork

QUESTION OF THE DAY: bakit walang amoy ang kulangot pag nasa loob pa ito ng ilong?

bumalik ulit kami kagabi doon sa lorong #9 sa geylang para kumain ng beef hor fun. talagang masarap ang luto doon. ewan ko ba kung anong klaseng magic ang ginagawa ng cook doon upang maging malasa ang hor fun noodles. umorder din kami ng fried chicken na amoy kulangot. ah basta. di ko kasi ma explain ang amoy ng prawn paste coated fried chicken eh. parang amoy pekpek? hehe. hindi naman siguro. pero masarap at marami nga akong nakain. nasabi ko na dati pero uulitin ko ulit, kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay, sa likod ng pasay masarap na pagkain sa singapore, dumiretso na kayo sa geylang.

DA VINCI CODE - maraming salamat ulit kay super duper talented artist the amazing polo gumagawa ako ngayon ng isang bagong nobela. oo virginia, “the batjay code” ang title niya. sa morse code ko ba ito isusulat? perhaps in the next translation. kaunti na lang kasi ang nakakabasa ng mga “dit dit di di di di dit dit” eh. heniwey, ang nobela na ito ay tungkol sa isang teacher ng isang catholic school sa kalookan city na nagpunta sa national museum upang pagmasdan ang spoliarium ni luna. doon niya nakita ang isang lalaking pinatay ng nakahubo habang animo’y mayrong itinuturong mga clue. ito na ang naging simula ng paghahanap ng teacher sa isa sa mga pinakaimportanteng kagamitan ng simbahan na matagal nang nawawala. opo, dear brader en sister, ito ay ang “holy grail”. ang naghihimalang pang-ihaw ng barbeque ng mga cardinal.

GENTLE READER: unkyel batjay, holy grill po yung pang-ihaw ng barbeque. hindi holy grail. uminom ka na naman siguro ng talampunay, ano?

BATJAY: bakit ba sabat ka ng sabat? napapahiya tuloy ako.

si jop ay isang pinay na teacher sa isang elementary school sa “ni-yu joi-see”, USA. nakakatawa ang blog niya tungkol sa experiences sa loob ng classroom kaya pag may time kayo ay bisitahin ninyo siya. anyway, last week daw ay mayroong 12 year old pupil na nagtanong sa kanya kung ano raw ang “dildo“. before siya na “save by the bell” ay naiblurt out niya (for the lack of a better word, i guess) na ang “dildo” raw is a kind of toy. kung sa akin nangyari yan ay sasagutin ko ang tanong via multiple choice. parang ganito: “ok class, listen up. a dildo may be any of the following. choose the best answer:

A. it’s the cartoon character in the old seven up commercials”.

B. it’s an extinct stupid bird.

C. a dildo is a variety of sweet pickle

D. it’s a girl toy that’s used when there’s no boy.

Ang Mahiwagang Daigdig ni Darnita, ang Batang Darna. CLICK to Zoom dear captain barbel, o hayan na ang request mong matagal na – baby picture ko. hindi ka naman pedophile ano? natatakot kasi ako at baka pagjakolan mo ang litrato ko. solo picture lang ito dahil hindi pa pinapangak si ding nung time na kinunan ito. mga 3 years old yata ako rito. kakagising ko lang at wala sa mood dahil naihi ako sa kama. pampers? di pa naiimbento ang pampers nung 1968. tanginangyan, nakakahiya ngang aminin pero tayo’y mga tao rin. ano bang tingin nila sa atin, porke superhero ka ay dapat may super bladder ka rin? it does not follow – non sequitur, ang sabi nga ng coach ko sa debating team. kung iniisip mo na kamukha ko si wonderwoman ay nagkakamali ka. hello? siya ang gumaya sa akin, no! o siya sige, sa susunod na lang at may tawag sa akin. nagwawala na naman daw yung mga giants sa quiapo. ingat na lang, huwag masyadong buhatin ang barbel at baka maluslusan ka na naman. nagmamahal, darna.

Read the rest of this entry »

It's Not Easy Being Green

January 7, 2005

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ano po ba sa tagalog ang “Horny Toad“? kailangan po ng anak ko para sa science homework niya. maraming salamat po in advance.

BATJAY: dear gentle reader, pati ba ba naman anak mo eh ginagamit mo sa katarantaduhan. mahiya ka naman. pero sige, sasagutin ko ang tanong mo. ano ang “horny toad“? eto mamili ka: A. malaking palakang may sungay, B. malaking palakang malibog, C. malaking palakang hindi marunong magpatawa, or D. malaking butiking may sungay na mukhang palaka sa malayo. o, ano sa tingin mo ang tamang sagot, gentle reader?

GENTLE READER: malaking palakang hindi marunong magpatawa? corny toad po yon!

BATJAY: i rest my case.

Madam BatJay, Ang Manghuhulang Bano magandang araw po sa inyo mga kababayan. muli na naman po tayong makikinig sa mga predictions para sa bagong taong 2005 ni Madam BatJay, ang manghuhulang bano. ang mistika na nag predict na magkakaroon ng presidenteng sakang at unano ang pilipinas. ang mga predictions na ito ay handog sa inyo ng “black jack shoktong, ang inumin ng mga manghuhula“. walang kokontra… heto na po ang mga hula niya:

PREDICTION NO. 1: “may isang artistang babaeng anak ng ex-president na magkakatulo dahil mahahawa siya sa boyfriend niyang ex-mayor na mahilig makipagtalik sa mga pokpok na parating nagkakamot ng singit“. GENTLE READER: si kris aquino po ba ang tinutukoy ninyo madam batjay? nangyari na po yan last year eh! MADAM BATJAY: o tignan mo, eh di naniwala ka na sa kapangyarihan ko? lahat ng sinasabi ko ay nagkakatotoo!

THE SECRET SEX LIFE OF ULTRAMAN lingid sa kaalaman ng karamihan (lalong lalo na ng mga batang naglalaro nito at sa kanilang mga magulang), mayrong kinky secret sex life si ultraman. hehehe… hiniram ko kahapon ang mga pamaskong laruan ng mga pamangkin ko at ako naman ang naglaro. gago. hindi ko nilaro ang sarili ko. nilaro ko si ultraman at ang kanyang partner (sino ba ito?) at nag role playing ako habang umiinom kami ng Carlos I dito sa antipolo nina kuya bong. punta kayo doon sa twisted kong website na “Where in the world is Spiderman?” para makita ang pinaka latest pics. showing ngayon ang ultraman doggy style.

YOUR FRIENDLY NEIGHBORHOOD

December 19, 2004

sabi doon sa isang binabasa kong comics na alias… “kung tutuo daw na mayroong spiderman, dapat daw eh yung sapot niya ay lumalabas sa pwet at hindi sa kamay“.

natigilan ako. it makes sense kasi pag talagang pinag-isipan mo.

muli na namang itatanghal ang paborito ninyong public service information program na pinamagatang… TAN-TA-NA-NAN! (torotot epeks): “ITANONG NYO KAY BATJAY“. Note: CLICK HERE to hear the audio version of this blog entry.

MAMANG MAY TANONG: “unkyel batjay, gusto ko lang pong malaman kung bakit nasa pagitan ng singit ang mga betlog nating mga kalalakihan?”

BATJAY: “pag tumubo kasi ang betlog sa gilid ng iyong ulo eh magmumukha kang pabo. next question please.”

maraming salamat sa inyong pakikinig. ang “ITANONG NYO KAY BATJAY” ay hatid sa inyo ng “RUBY BLADE POMADE – ang pomada ng mga nag-aahit”. muli kayong bumalik bukas para sa susunod na kabanata kung saan may magtatanong ng: “dear uncle batjay, saan po ba nanggagaling ang galis aso?”

FEEL THE BEAT OF THE TAMBOURINE - maraming salamat ulit kay polo!
Read the rest of this entry »

CLICK TO ENLARGE: MICHELANGELO'S LOST MASTERPIECE kaunti lang ang nakaka alam na nagpunta ang world renowned renaissance artist na si michelangelo sa pilipinas para gawan ng sculpture ang isa sa mga ancestors ko. alam ninyo naman na galing kami sa lahi ni (ahem) haring david at ang mga ancestors ko ang ginawa niyang model doon sa actual david statue na nasa italy ngayon. in fact, kung makikita ninyo sa litrato, napakaraming similarities between the actual david statue and this pinoy david statue (please see photo). ang nag-iba lang ay ang hitsura ng mukha ng pinoy version ng david dahil siyempre asian looking yung facial features nito. isa pa, mas malaki yung pototoy ng pinoy version (tinakpan ko lang ng yellow smudge para walang magreklamo ng nudity sa site ko). pero other than that, talagang identical copies ang ginawa ni michelangelo. muntik na ring hindi natuloy ang commissioning ng sculpture dahil napansin ng mga kamag-anak namin na hindi pantay ang betlog ni haring david. para daw luslos at medyo mas malaki yung kaliwang betlog. dito nag flare up si michelangelo – wala raw kaming taste for art dahil hindi raw namin naintindihan ang ibig sabihin ng perspective. ang sabi naman ng mga ninuno ko sa kanya ay – “there’s no such thing as testicle perspective” and that “he can stick his perspective where the sun don’t shine”. sa pagkakagalit na ito siguro nagsimila ang mga tsismis tungkol sa authenticity ng sculpture na ito. hindi raw possible na makakagawa si michelangelo ng ganoong kagandang sculpture. kaya ang ginawa ng ating tempestuous na artist ay pinirmahan niya ang kanang pisngi ng pwet ni david (CLICK HERE to view) bilang patunay na siya nga ang gumawa ng obra na ito.

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ang sabi po ng matatanda – ang allergy daw sa shrimp/prawns ay nanggagaling daw dun sa itim na vein that runs through the back of the spine of the shrimp. so pag-inalis daw yun, pwede mo na itong kainin. kaya lang ang hirap namang gawin nun sa alamang o hipong tanga, ano po? hehehe. nagmamahal, gentle reader

UNKYEL BATJAY: dear gentle reader, ang recommended daw na gamot, kung sakaling magka allergy ka dahil hindi mo natanggal yung itim na vein that runs through the back of the spine ng alamang, ay dilaan mo raw ang kili-ikili ng langaw. at least, yan ang sabi ng kaibigan kong doctor na sira ulong katulad ko. hope this medical tip helps.

gentle reader: dear unkyel batjay, nakita ko po kayo kagabi sa clinic. ano po ang nangyari?

batjay: ako nga yung nasa clinic kagabi. nagpakapon kasi ako.

gentle reader: aybegyorpardon, ano po yon?

batjay: nagpatanggal ng betlog – nagpakapon. gusto ko kasing sumali sa vienna boy’s choir.

gentle reader: seriously…

batjay: sige na nga – nagpa circumcise ako.

gentle reader: parang yung kay magellan?

batjay: haha – corny. circumnavigate yong ginawa niya. tuli yung sinasabi ko. nagpatuli ako.

gentle reader: seriously…

batjay: ALLERGY – sinumpong na naman ako.

gentle reader: eh di supot pa rin kayo hanggang ngayon?

batjay: ganon na nga. supot na, kamot pa ng kamot.

D' FLUSH - TAGAPAGTANGGOL NG MGA NATATAE mabilis pa sa alas kuatro, sa pag flush ng inodoro… MWAHAHA (TV canned laughter), teka lang. ang corny ko na ata, baka di na ako kausapin ni boss idol dengcoy niyan. tamang tama ang feature na ito kasi nataon na nasira ang tatlong toilet bowl sa bahay namin nung dumating ako ng linggo. yes, brader en sister. sabay sabay silang nasira. kaya mylab, nagbigay ako kay anna banana ng 1500 pesos pambili ng replacement kit. sana magawa ito ni mang boy bukas bago siya mag practice ng otso-otso. mahirap pala na walang flush ang toilet. di na ako sanay na magbuhos gamit ang timba at tabo. kanina nga muntik pang masama ang toothbrush ko sa pag buhos. buti na lang at naagapan ko kundi mahirap atang magsipilyo gamit ang mapangheng toothbrush.