friday at wala ang boss kaya nagplano na namang kumain ang mga kaupisina ko sa turo-turo ng old airport road. mayrong isang stall dito na well known sa buong singapore dahil sa lor-mi (lomi sa mga pinoy). ok lang na maghintay ng 30 minutes dahil sa haba ng pila. sulit naman kasi… steaming hot lomi na may sahog na bawang, crispy daing na isda, big slices ng sweet pork, chicharong balat ng baboy, itlog, shredded meat at may toppings na haugang otah fish cake. sabayan mo ng panulak na sugar cane juice na may lemon at tapusin with a big bowl of CHNG TNG, ang dessert na walang vowel.

pakingsheet, ang sarap.

Advertisements

topic ng lunch time conversation namin kanina ng mga kaopisina ko yung disipina sa mga schools dito sa singapore. usap usapan dito dahil headline sa mga dyaryo kahapon: isang school principal ang nag step down after admitting to hitting a female student with a soft cover book. ARAY! masakit yon.

iniisip ko rin nung time ko ng elementary and highschool during the 70’s and 80’s… sa sobrang tagal nga, halos di ko na maisip. mayron ding physical punishment. mangilan-ngilan sa mga teachers ko ang nanghahatao ng class record at nambabato ng eraser. yung isa ko ngang teacher ay notorious. bukod sa kanyang sikat na one liner describing herself (i.e. “common sense will tell you na maganda ako“) ay talagang asintado siya. hehe. lahat ng ibato niya at ipalo ay right on target.

Read the rest of this entry »

eto ang mask na ginawa ko last year para pang contra SARS. one of the perils of travelling is the possibility of getting sick. nariyan ang SARS at bird flu. last week for instance – naroon ako sa beijing during the time na lumabas ang mga bagong case ng SARS. nasa tokyo na ako ng mabalitaan ko ito pero ninerbyos pa rin ako kahit papaano. ok naman ako ngayon. wala akong fever at di ko nararamdaman yung mga, hah. yung mga, hah… hah… hachooooo! excuse me. di ko nararamdaman yung mga symptoms ng SARS. eto nga pala yung face mask na ginawa ko last year para pang contra SARS. effective naman dahil di ako tinamaan, pero pinagtatawanan ako sa train.

Read the rest of this entry »

every flower tells a story. ang bulaklak na ito ay galing sa orchid na bigay sa akin ng isang kaibigang es-pulis. minsan kasi nagkainuman kami sa bahay ng kumpare niya malapit sa amin at kinaplog niya ang halaman na ito. ang bulaklak na ito ay may kwento. ito’y galing sa orchid na bigay sa akin ng kapitbahay kong ex-pulis na dating reporting sa isa ring ex-pulis na ngayo’y tumatakbo ng presidente. marami akong tsismis tungkol sa ex-pulis na ito, pero di ko sa inyo ikukwento. i-ping nyo ang site ko at baka mapilitan ako. mwahaha. masipag itong mamulaklak (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). almost year round. ang tawag nga pala rito ay phalaenopsis (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). ilagay sa parte ng garden na may shade (ayaw niya kasi ng direct sunlight) at kaunting dilig ng tubig. pwede mo na siyang pabayaan.

malapit ko na ulit makita ang mga halaman ko’t bulaklak. uwi kasi kami ni jet sa mayo para sa 13th 14th anniversary ng aming kasal. at siyempre, para sa 80th b-day ng mommy ko. isang linggo lang kami pero alam kong sulit ito. miss ko na kasi ang pamilyang naiwan. miss ko na rin ang bahay sa antipolo. miss ko nang matulog sa sariling kama sa sariling kwarto sa sariling tahanan. anim na buwan na pala kaming di nakaka uwi. ang bilis ng panahon.

the land of the rising sun... yung tutuong bansa, hindi yung kanta ng animals. etong view from my hotel room. taken this morning kaya literally “rising sun” over the land of the rising sun. yan ang version ko ng “redundant photograph”. hehehe. dahil spring na, alas singko pa lang ng madaling araw, maliwanag na. mayang gabi ang lipad ko pabalik ng singapore. kaya in the meantime, pasyal muna kami ni steve. gusto raw niyang bumili ng relo. pupunta kami doon sa lugar na di ko ma pronounce na puro electronic goods kasi gusto raw niya yung katulad ng relo kong may world time. tanong kasi ng tanong sa akin ng oras kaya minsan sinasabi ko: “wanna buy watch joe?” mwahaha.

UWING UWI NA AKO

April 23, 2004

ayos bang porma ko mylabopmayn? halata bang galing sa silk street ang suot ko? obvious bang armami ito? hehehe. dear mylab. basahin mo itong sulat habang tinitignan ang piktyur ko at para mo na rin katabi si richard gomez pagtapos siyang sinapak ni robin padilla akong katabi. tapos na kami sa wakas. hintay na lang ng flight pauwi. altough malapit na ito, matagal pa rin para sa akin. naiinip na kasi akong makita ka ulit. kahit anong ganda ng tokyo, kulang pa rin pag wala ka. hirap din ng trip na ito. pakiramdam ko, para akong ginulpi ng tatlong baklang maton. masakit ang paa ko ngayong gabi dahil maghapon akong nakatayo. para tuloy gusto kong kumanta ng “magtanim ay di biro”. ang maganda lang ay wala na akong LBM. hehe. tingin ko eh fart part lang yon ng “the korean food and drink effect “.

maganda namang panghimagas ang japanese food. bongga ang dinner namin kanina during the post conference cocktails. nag hire ang host namin ng caterers from four famous japanese restaurants. ang salap salap ng rasa. ang paborito ko? tea soba at tempura. altough di ko kinain yung hipon dahil sa aking allergy – pamatay pa rin kahit vegetable tempura lang. wala siyang sauce. asin lang with a slice of lime. ang galing.

o sige, ingat ka na lang diyan. isang tulog na lang andyan na ako. lab U!

the flowers of spring. sana may spring din sa pilipinas para pwede akong mag alaga ng ganito kagandang mga bulaklak. kinuha ko ito kahapon sa labas ng conference venue namin sa seoul. sana may spring din sa pilipinas para pwede akong mag alaga ng ganito kagandang mga bulaklak. iaalay kong lahat sa iyo, mylabopmayn. narito na ako sa tokyo. nagpapahinga after the byahe and the meetings. nalasing ako kagabi dahil ang lekat na mga kasama ko eh nagbidahan sa pag-inom. hindi ko alam kung paano ako nakauwi. one moment, i was outside the restaurant waiting for a taxi, the next moment, i was waking up in my hotel room. pag tingin ko sa kwarto, naka handa na ang aking damit at naka pack nang lahat ang maleta ko. nagawa kong lahat yon on autopilot. never again, gardenget.

after all the drinking and the eating in korea, i’m having a belated case of loose bowel movement. kung magtatae ka, do it in japan. upo ka lang sa automated trono at siya nang bahalang mag hugas ng pwet mo. habang naka upo nga sa toilet seat ay napag isip-isip ko: international na talaga ang beauty ko… lahat ng kinain ko sa korea ay itinae ko sa japan.

anyway, kakatawag lang ni jet kaya masaya ako. ang sarap ng pakiramdam when you’re traveling tapos you get a phone call and hear a familar voice. kahit papaano nababawasan ang lungkot. ingat ka mylab. ilang araw na lang. lab U!
Read the rest of this entry »

KIMCHILANDIA TRIP REPORT

April 21, 2004

jay during the beijing conference - tawang nakakaloko, parang sutil na gustong mang-asar. tawang sutil na parang gustong mang-asar. hehehehe. bwahahahaha… kuha kahapon sa beijing conference. kaya nakangiti ay para ipakita sa mga tao kung ano ang hitsura ng pagod, walang tulog at kakalog kalog na byaherong pinoy.

dear mylab op mayn. narito na ako sa kimchi land. umalis kaming beijing kahapon ng mga 6 pm right after the conference. straight to seoul. arrived at the hotel at 11 pm via the KIMCHI express. ang daming pinoy sa airport even in korea. wow. nag practice kami for the conference until 1 am. di makatulog kaya nagbasa ng comics hanggang 3 am. gising ng 6. breakfast. sinundo ng 7. conference ng 9. natapos ng 2. straight sa office. sagot sa email. pahinga. dinner. inom. tulog… hah. hah. hah. pagod na ko.

ang kunswelo ko lang ay napakaganda ng seoul in the springtime. i love the weather. hopefully tomorrow will even be better. next stop: another favorite city. tokyo. lipad kami ni steve ng 10 am bukas. ingat ka. lab U!

BEIJING IN THE SPRING

April 20, 2004

the forbidden city, beijing china, spring 2004. beijing china, isa sa paborito kong cities sa asia. bakit ba siya special? kasi dito kami nagbakasyon ni jet two years ago. ramdam mo ang pulso ng china pag narito ka sa beijing. paroon parito ang mga tao sa paghanap ng ikabubuhay. nagpunta kami sa “forbidden city” kanina para ipasyal ang kasama kong americanong si steve. kumuha kami ng guide para ma explain sa kanya lahat ng mga kasulok sulukan ng napakalaking palasyong ito. hinahanap ko nga yung kuliglig na iniwan nung last emperor doon sa throne room kanina. wala. umalis na siguro.

suwerte ako ngayon sa byahe so far. maluwag ang eroplano at wala akong katabing mabahu. hehe. conference na namin mamaya-maya, tapos lipad na kami ni steve for seoul later tonight.

IT'S A BIRD

April 18, 2004

lipad ako ngayong madaling araw for a business trip. i’ll be visiting three cities in five days. tomorrow i’ll be in beijing, tuesday in seoul and thursday in tokyo. quite a busy trip at di pwedeng walang dalang libro dahil sa mahabang paghihintay sa airport at sa matagal na byahe sa loob ng eroplano.

i’ll be bringing dan brown’s “angels and demons” and three comic books graphic novels… volume 5 of grant morrison’s “invisibles”, garth ennis’ “preacher” volume 6 and one of the newest graphic novels that came out this month… “it’s a bird” by steven seagle. this is a superman story that isn’t really about superman. i’m looking forward to getting my hand on it once i’m up in the air.

ingat ka mylab. balik ako kaagad. lab U!

parang nagbigay ako ng welcome party sa magnanakaw. kagabi, in a fit of forgetfulness, nakalimutan ko yung susi ng bahay na nakasaksak sa lock ng front door namin. buti na lang at walang akyat bahay gang dito kundi yari sana ang pinagputahan. thank you singapore for having one of the lowest crime rates in the asia-pacific region.

STIR FRIED NA PAG-IBIG

April 16, 2004

nininerbyos ako ngayon. mas enjoy ko pa kasing mag hiwa ng bawang kaysa magtrabaho. hehe. nag-aaral akong magluto at pinag eekspereminentuhan ko ang asawa ko. pag di niyo siya nakitang on-line itong mga darating na araw, ibig sabihiin, hindi ako nagtagumpay. bakit cooking? ala lang. gusto ko lang idagdag ito sa listahan ng aking spectacular talents. nagsabi na ako sa kanila. suportado naman ako ng pamilya sa balak kong ito. mwahahaha. aaminin ko, hindi ako natutong magluto nung bata ako. yan ang napala ng spoiled na bunso. ngayong taon nga lang ako natututong magsaing. lately, nag-aaral akong mag stir fry. stir fry this, stir fry that.

para sa hapunan ngayong gabi, nagluto ako ng beef and mushroom with oyster sauce at stir fried spinach. hindi masyadong masarap yung beef dish pero may pag asa yung stir fried. ok lang, bata pa naman ako. at 38, i am learning to become a cook. today, stir fried. tomorrow? the world! BWAHAHAHAHA! (tawang demonyo)

baka mayron kayong gustong matikman, sabihin nyo lang sakin. pero huwag yung mahihirap tulad ng adobo o kaya sinigang. sa stir fried muna tayo mag concentrate.

'PEOPLE LIKE US'

April 16, 2004

talk about regulation galore – mayron palang “registrar of societies” dito sa singapore. ito yung government body that approves all the organizations and associations in the country. so bago ka makabuo rito, for example ng “organisasyon para sa muling pagbabalik ang tambalang guy and pip“, kailangan mo munang gawin ang paperwork at ipa-approve ito sa registrar. nalaman ko lang dahil may article nung isang araw tungkol sa pag deny sa “People Like Us“. ito’y isang grupo na itinatag ng mga federasyon ng kabadingan dito sa isla. message sa kanila ng gobyerno: we tolerate the gay community pero bawal pa rin ang lifestyle ninyo.

kung gusto ninyong maaliw, read about the correspondence of “people like us” and the registrar of societies here.

the 17th Singapore International Film Festival (which starts today) will be paying tribute to laurice guillen through a retrospective of her films. laurice daw, ang sabi sa news article, is “one of the strongest female directors of the Filipino New Wave (anong ibig sabihin nitong “New Wave”? Post Brocka Punk?) and “a potent voice for a distinctly female perspective on gender, sexuality and identity“. congrats laurice. you make us all proud.
Read the rest of this entry »

PINALO NG KUTSILYO

April 15, 2004

ang caning ay valid na judicial punishment dito sa singapore. common din dito ang pag palo sa anak as a means of discipline. ak-shu-li, makakabili ka ng “mini yantok” sa palengke na may colored pang hawakan. masakit din ito ha – nasubukan ko na kasi mayron kami rito sa flat at pinalo ko ang sarili ko (kinky ‘no? hehe). hindi. ang tutuo eh, pamalo ito ng may-ari sa anak niyang makulit. pero pag bad boy siguro ako, baka ipalo ito sa akin ni jet.

nasa newspaper kahapon ang isang extreme case ng child punishment. dahil siguro may tililing (ie loose turnilyo) siya, isang babae ang kinasuhan dahil pinalo niya ng kutsilyo ang kanyang anak. ang ginawang dahilan ng nanay eh di raw makita ang pamalo kaya kutsilyo ang ginamit niya. nalaslas tuloy ang kamay ng bata. bakit pinalo bakit nilaslas? di raw natapos ng 8 year old boy ang kanyang homework.
Read the rest of this entry »

teka muna. taym pers… nabalitaan nyo ba yung elepanteng nakawala sa cubao? may nakakatawang account si direk joey reyes na pinadala sa akin ng pamangkin kong si sara. to read about it in full, click here. tutuo ba ito?

deadline ng bayaran ng tax sa singapore itong april 15. kanina lang dumating ang mga tax forms ko. pakingsheet. may penalty pa naman ang late payment. what to do? simple lang ang solution – go online (which is what i did) at within 5 minutes, tapos lahat ang problema sa filing ng income tax. ang galing.

pwedeng magbayad dito ng tax over the internet. isang paraan ito para madaling kunin ng gobyerno ang pera mo. mwahahaha. ang konswelo de bobo ko lang eh pwedeng hulugan ang bayad. hahatiin ito in 12 monthly interest free payments. singapore has a procedure called GIRO na kung saan bibigyan mo ng authorization ang bangko mo na payagan kaltasan ang iyong account ng pera every month. it’s simple, efficient and it works.

pag inimplement kaya ito sa pilipinas, mababawasan ang mga kurakot sa BIR? iniisip ko ng matagal ito kagabi habang nagbibisikleta. sa sobra ngang pag iisip, di ko alam, baligtad pala ang pag suot ko ng aking helmet. hehe. kaya pala nakangiti lahat ng mga kasalubong kong bikers. akala ko pa naman, nakukyutan sila sa akin.
Read the rest of this entry »

ang aking mga pamangking dalaga kasama ang kanilang papa. from left to right: my nieces atty. sara and kim, brother-in-law rene, other neice paola. ang aking mga pamangkin kasama ang kanilang papa. from left to right: my nieces atty. sara and kim, brother-in-law rene, other niece paola. sayang at di nga nakasama ang kapatid nilang si angel. mukhang nag enjoy naman sila rito kahit mainit. nag blend nga sila sa crowd dahil mukha silang mga intsik mga magagandang intsik (pinapatay kasi ang mga pangit sa pamilya namin). masarap daw ang pagkain. pinatikim ko nga sila ng curry fish head…. “ay sheeet tito batjay, it’s so masarap” ang sabi nila. hehe.

sabi ni ate sassy lawyer, ang tanda ko na raw dahil puro dalaga nang mga pamangkin ko. hehe. di niya alam may mga apo na ako (sina tj at az, anak ng mga pamangkin kong sina donna at david). dahil maagang nag-landi nag-asawa ang ate kong si gigi at late na akong ipinanganak, mayron pa nga akong nephew (si denden) who is older than me by 4 months. bunso kasi ako at menopause baby pa. my mom had me when she was 42… yes viginia, i was an afterthought (at muntik nang di ipanganak).

TO VIEW THE WEB ALBUM OF MY MAGAGANDANG PAMANGKIN – click here

kuha naming dalawa ng mommy ko sa sentosa last friday. mukhang di nga napagod ang mommy ko. isang linggo na naming nilalakad ang mga attractions sa singapore eh parang ako pa nga ang nanlata in the end. at least, naipasyal namin siya rito at nag enjoy ng husto. kuha naming dalawa ng mommy ko sa sentosa last friday. mukhang di nga napagod ang mommy ko. isang linggo na naming nilalakad ang mga attractions sa singapore eh parang ako pa nga ang nanlata in the end. kahit pagod ako ngayon ay OK lang. at least, naipasyal namin siya rito at nag enjoy ng husto. sa almost 80 years ng kanyang existence, eto ang first time ng mommy ko na mag travel abroad. ang pinaka bukang bibig niya ay ang total absence ng pag intindi niya sa family home namin sa novaliches. sa isang linggong bakasyon niya rito, wala siyang ginawa kundi kumain, mamasyal at matulog.

as icing to the already tasty cake, tumawag pa ang sister kong si ester from florida. she and her husband randy have my other niece donna as their guest for easter at tumawag sila ng madaling araw kanina (next time aga-agahan niyo ha! napuyat ako hehehe.) for one reason or another, ang ate kong si ester ay matagal na naming di nakakausap. gaano katagal? taon ang binilang. almost 8 years to be exact. and it brought great joy to my mom na makausap niya ang kanyang prodigal daughter whom she hasn’t seen in ages. nagkaiyakan pa nga sila. thank you dear big sister for calling us up.

TO VIEW THE WEB ALBUM OF MOM’s SINGAPORE VACATION – click here

biyernes santo ngayon… ang init. etong isa sa nga seven last words na ankop sa akin: “i thirst”. hehe. punta kaming sentosa ngayon. doon kami magkakalbaryo.

my mom in singapore. yesterday, we went to the singapore zoo and the night safari. my mom had a great time.

here’s a pic of my mom here in singapore. kinuha ko ito sa loob ng zoo. halata bang 80 years old na siya next month? ok ngang makasama ang mommy ko rito. ever gracious pa rin siya at sobrang bait, pati mga waiter sa restaurant ayaw pag hintayin.

mommy ni batjay: “bayaran mo na ang kinain natin at naghihintay na ang waiter.”
batjay: “hayaan nyo lang yan maghintay mommy. kaya nga waiter ang tawag sa kanila eh.”

very observant din siya. kanina, nagpunta kaming suntec city para mag shop. napansin nga niya ang isang glaring na fact – kaunti lang ang mga babaing buntis.

mommy ni batjay: “apat na araw na ako sa singapore, wala pa akong nakikitang buntis.”
batjay: “gusto ko sanang gawan ng paraan yan mommy, kaya lang may asawa na ako.”

FAMILY in singapore... we went to Suntec City today to shop. from left to right: my sister Emy, Mommy, Kim, Paula, Rene and Sara.

marami kami ngayon dito sa singapore… sa picture, from left to right: my sister Emy, Mommy, nieces Kim and Paula, brother-in-law Rene and other niece, Attorney Sara.

narito na sa singapore ang mommy ko. she arrived yesterday with my sister emy, her husband rene and their daughter paola. my other nieces kim and sarah will plane in today from manila. i’ll try to post some pics before the weekend. in the meantime, kwento lang muna ako about my mom. here goes:

ang mommy ko ay 79 years old (turning 80 next month). nag-asawa sila ng daddy ko when she was 17. ak-shu-ly, nagtanan nga sila sakay sa trambia. eto yung LRT nung unang panahon. nabuntis siya with her firstborn gigi during the war. she doesn’t talk about it much these days pero alam ko, nahirapan sila during the japanese occupation. all in all, anim kaming magkapatid na inalaagaan niya. ako ang bunso. ang baby. ang peborit.


IN OTHER NEWS…for the first time this year, i’ve got my first non-travel related cellphone SMS spam. gardemet. the text message says “HOME FACIAL, BODY OR FOOT MASSAGE AT $20! STRICLY FOR WOMEN ONLY”. dang.

STILL OTHER NEWS…happy birthday to ate sienna, our good friend from west covina and the chief cook of the pansitan blogging community. ninang, sana maligaya na bati pa ang bertday mo!
Read the rest of this entry »

SINGAPORE BASED PINOYS

April 5, 2004

ang get together ng mga pinoy sa singapore. kagabi ito ginanap sa bahay nina leah. ang saya nga. ang sarap pag nagkikita-kita ang mga pinoy sa ibang bansa. nawawala ang pagka miss mo sa bayang magiliw. sabado night, nakina leah kami, kasama ang isang grupo ng mga kakilala naming mga singapore based pinoys. masaya – maraming pagkain (contribution namin ni jet ay… 1 barrel ng KFC hehe). naglaro sina jet ng charades habang uminom kami nina eder, ang asawa ni leah. nagkantahan din kami at nag ala tom jones na naman ako. maraming salamat donya regina at sexy cherrie! sa pag imbita sa amin. next time ulit.

Singapore Get Together

a typical get together of overseas pinoys in singapore.

MY MOVIE BUSINESS

April 3, 2004

Ang pangalan ng dula ay BUHAY NAMIN ni Luwalhati Bautista, at produksyon ng Likhaan. Likhaan  is an NGO concerned with women’s health. Likhaan runs a project called “Mothers” in a slum community of Letre. This project supports a health clinic for women offering basic health checks and a full range of reproductive services; training programs for community health workers; and a women’s health association that sponsors educational meetings and events. kakatapos ko lang basahin (ulit) ang “my movie business“. ito ang memoir (memoyr? memwah, gago!) ni boss idol john irving. ang libro ay tungkol sa kanyang 14 year odyssey ng pag sasapelikula ng “cider house rules“. magandang dalhin ito sa eroplano. it’s short and you’ll probably finish it on a long haul flight from manila to aLA-eh with enough time for a movie or two.

to appreciate this book, you need to read the novel and watch the movie (in that order) because a lot of what the memoir talks about, revolves around how the screenplay and the eventual movie was created. this is an insiders account on the art of making movies, or to be exact, the art of how to make a movie out of a book. kung interesado ka sa mga nobela at mga pelikula, this book is for you. if you’re a budding film maker (like tanyaloca), this is a helpful book.

ang pinaka issue ng novel, film at memoir ay tungkol sa abortion. in particular about the history, morality, politics and controversies surrounding abortion related issues in the united states. habang binabasa ko nga ang libro, iniisip ko how this issue relates to the philippines.

tamang tama naman ang email sa akin ni idol ibet, ang kaibigan namin ni jet na nagtatrabaho sa africa. she is in manila on vacation at nabanggit niya na nanood siya ng dula na “BUHAY NAMIN” ni luwalhati bautista. ito’y tungkol sa abortion sa pilipinas. she started giving out figures that surprised me. for example… are you ready for this? “400,000 abortions are estimated to occur each year in the philippines”. there’s even a report that says “one out of four pinay women have had abortions secretly”. pakingsheet! at dahil illegal ang abortion sa bayang magiliw, most women resort to quack doctors o kaya umiinom ng pampalaglag. which is why “some 80,000 women per year are estimated to be treated in hospitals in the philippines for postabortion complications of induced abortion“. ilan sa kanila ang namamatay? i can only wonder.
Read the rest of this entry »

BREAKING NEWS….

April 1, 2004

“di-dit-ditdididit-di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news)…TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (sound epeks ng time check)…

AATRAS NA SI FPJ AT GMA SA PAGTAKBO SA PRESIDENTE! napag-alaman kanina na dahil sa sobrang pag malasakit ni gma at fpj sa bayan ay nag desisyon na silang di tumakbo itong darating na halalan. ang agreement ay pinirmahan nila kaninang alas singko ng hapon at tinawag ang dokyumento na “covenant of hopeful dreamers“. inaasahan ding umatras sa pagtakbo lahat ng mga nakalinyang mga senador sa kani-kanilang mga partido. kapuna puna rin si senator mirriam santiago na nagsabing hihiwalayan na nya ang kanyang asawa, papasok na sa kumbento at magmo mongha. kasama niya sa balaking ito si senators john osmena at ping lacson. sinabi rin ni tito sotto during the press conference afterwards na babalik na lang daw siya sa “eat bulaga“. napag alaman din na gagawa na lang daw si fpj ng horror movie na pinamagatang “bangungot ng bayan“.

sa isa pang mahalagang balita: isang filipino ang nakaimbento ng kotse na tatakbo sa pamamagitan ng pag gamit ng patis, imbis na gasolina. dahil sa balitang ito, napag alaman na babawasan na raw ng OPEC cartel (Organization of Patis Exporting Clowntries) ang production ng paborito nating sawsawan.

sa parating na pagbawas ng production, nakikita ng ating mga ekonomista ang pagtaas sa presyo ng patis. paano na ang aming sinigang?” – yan ang tanong ni FEJODAP president Zeny Maranan. hindi na siguro maiiwasan pa ang darating na protest rallies. nakahanda na ang lahat itong darating na lunes para sa “Pambasang Welga ng Bayang Inaalat“.