Grow old along with me, The best is yet to be ngayon ang ika labing apat na anibersaryo ng kasal naming mag-asawa. labing apat. packingsheet – seven year itch taymis two. bwahahaha. ang tagal na namin ni jet ano? pero hanggang ngayon masarap pa rin ang sex life namin. buti na lang. pero teka, taympers… bago tayo magpatuloy, imagine nyo na lang muna na tumutugtog ang “ode to joy” ni beethoven para mas madrama. ok, tuloy ang kwento: alam nyo, ngayong taon eh pakiramdam ko, maraming magbabago sa buhay namin ni jet. parang natatakot nga ako dahil hindi ko alam what the future will bring. i just take comfort in the fact na sa 14 years naming pagsasama, wala kaming hinarap na hindi namin nalamapasan with flying colors. in fact, di ba, nagsimula nga kaming magsama eh wala kaming ka pera pera at hindi na nga kami nakapag pakasal sa simbahan. doon lang kami sa munisipyo ng kalookan sama ang dalawang kaibigang naging ninong at witness.

Grow old along with me, The best is yet to be tapos ang reception pa namin ay sa jollibee sa sangandaan ginawa. kaming dalawa lang ni jet – chicken joy at french fries with large coke and extra rice lang ang handa. pagtapos ng kasal, nakitira lang kami sa mga mommy ko at nakituloy sa isang maliit na kwarto na may single bed. simple lang. siguro kaya rin kami naging close na mag asawa: kasi pag nag-away kami, hindi pwedeng hindi kami mag bate bago matulog dahil pang isahang tao lang ang kama. wala kang tatakbuhan kaya mapipilitan kang makipag areglo. hehe. nakakatawa nga – ngayon, king size na ang kama namin pero magkadikit pa rin kaming matulog. and just as well. you don’t know what hapiness is hanggang hindi mo nararamdaman kung papaano gumising sa umaga na katabi ang mahal mo na nakaakap ng mahigpit sa iyo. yun yung sinsasabi kong mga maliliit na bagay na pag pinag dugtong dugtong mo ay nagiging isang makabuluhang pagsasama. may request nga pala ako, punta naman kayo sa website ni jet at mag iwan kayo ng comment. sabihin ninyo, inutusan ko kayong magpunta roon para batiin siya ng isang happy 14th year wedding anniversary. sa pagsasama kasi namin, napakalaki ng naitulong niya para marating namin ang narating namin. hindi man kami mayaman sa salapi, eh busog naman kami sa pagmamahal. at malaking bagay dito ay dahil sa aking mylabopmayn.

Read the rest of this entry »

Advertisements

TANONG: dear unkyel batjay, bagong kasal po ako. dahil po sa hirap ng buhay ay nag decide akong mag abroad. kailangan po namin ng pera pambili ng bahay at para rin po sa kinabukasan ng aming magiging anak. sinubukan ko po talagang lahat ng dapat gawin para mabuhay sa pilipinas ngunit di po talaga namin mapagkasya ang maliit kong kita. nagkanda utang na nga kami dahil parating short. aalis na po ako bukas at ang masakit po niyan ay maiiwan po sa pilipinas ang misis ko. ano po ang mabuti kong gawin?

SAGOT: “magbaon ka ng maraming lotion para hindi kalyuhin yang kamay mo.”

yesterday’s title is today’s song. nag record ako ng kanta kagabi. kung di ninyo alam, yung title ng previous entry ay galing sa kantang “circle game” ni joni mitchell. it’s a personal favorite for a lot of reasons. pakinggan nyo na lang:

The Circle Game, the “winalanghiya ni batjay” version. narito yung lines of the title of my previous blog entry – “words like, when you’re older, must appease him, and promises of someday make his dreams”. ay naku, such great lyrics at ang sarap kantahin

The Circle Game, Take 1. this is my first take of the joni mitchell song. ok na sana kaya lang nag text si mari kay jet in the middle of the song kaya napasigaw ako in the end. hehe. pakinggan nyo – pati yung ring tone ng text ay kuhang kuha. bwahaha.

Read the rest of this entry »

ginagaya ko ang boses ng daddy ko kahapon. wala lang. naalala ko lang kasi siya. gusto nyong marining? eto click here. hehehe. ay mali. yan pala ang magiging boses ko kapag natanggal ang aking betlog. eto ang aking tutuong impression sa boses ng daddy ko. di ko nga lang talaga magaya, kahit anong gawin ko. di ko makuha ang kanyang timbre. di ko kaya ang booming deepnes na parang pinaghalong james earl jones at james coburn.

Read the rest of this entry »

CLICK TO ENLARGE. old pictures... punong puno ng ala-ala of days gone by. i remember when this photo was taken. kagagaling lang namin sa simbahan at sinusubukan ko ang bagong bili na SLR camera. that was many moons ago. no, to be quite frank, that was many pounds ago. old pictures… punong puno ng ala-ala. i remember when this photo was taken. sa bahay ito ng mommy ko sa novaliches. dito pa kami nakatira nung araw. siguro mga 1994 ito, kagagaling lang namin sa simbahan ni jet at sinusubukan ko ang bagong bili na camera. that was a long time ago. correction, that was many pounds ago. much younger, bolder, reckless at wala pang masyadong pakialam kung anong mangyayari sa hinaharap. parang kanta ni springsteen: “at night we ride through mansions of glory in suicide machines… ’cause tramps like us, baby we were born to run.”

nakita ko ang litratong ito na nakaipit sa isang lumang librong binabasa ko nung nasa hospital ako. di ko sigurado kung ano – either yung “american gods” ni neil gaiman or yung “a soldier’s story” na world war II memoirs ni omar bradley. typical sa akin kasi na gawing bookmark ang mga paboritong larawan. mas typical din ang iwanan ang larawan sa loob ng libro pagtapos basahin. ulyanin kasi ako.

ESSENCE OF FISH

June 14, 2004

last entry ko na ito tungkol sa aking ruptured appendix. nagsasawa na ako sa kakakwento eh. pakiramdam ko para akong si eric quizon doon sa “crying ladies” nung paulit ulit niyang kinukwento kung paano namatay ang tatay niya. hehe… oo na. bakya ako, tulad ni AnP. idol ko kasi si hilda koronel simula nang mapanood ko siya sa “kung magarap ka’t magising“, ang aking all time peborit pinoy film. nakakatawa nga si hilda sa crying ladies bilang isang ex-actress whose claim to fame eh isa siya sa mga inapakan ng mga higante sa pelikulang “darna and the giants“. teka muna, asan na ba ako? nawala na… ah. last entry tungkol sa ruptured appendix. ok, tuloy ang kwento.

Read the rest of this entry »

WHATEVER FATE DECREES

May 25, 2004

CLICK TO ENLARGE. ngayon ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang bilis talaga ng panahon, parang kailang lang nagsisimula lang kami. isa sa mga paborito kong kanta ni john lennon ang “grow old with me“. simple lang ito na love song at ang unang dalawang linya ay galing sa tula ni robert browning na “rabbi ben ezra“. bakit ko ba ito nabanggit? nagsesenti lang ako. ngayon kasi ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang tagal na nga pala namin ano? almost double the seven year itch. pero parang kailan lang. nagsimula kami, supot pa ako pareho kaming struggling na college graduates at pilit na pinapagkasya ang maliit na kita. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay (pulipeyd!) at saka tuli na ako.

Read the rest of this entry »

ang aking mga pamangking dalaga kasama ang kanilang papa. from left to right: my nieces atty. sara and kim, brother-in-law rene, other neice paola. ang aking mga pamangkin kasama ang kanilang papa. from left to right: my nieces atty. sara and kim, brother-in-law rene, other niece paola. sayang at di nga nakasama ang kapatid nilang si angel. mukhang nag enjoy naman sila rito kahit mainit. nag blend nga sila sa crowd dahil mukha silang mga intsik mga magagandang intsik (pinapatay kasi ang mga pangit sa pamilya namin). masarap daw ang pagkain. pinatikim ko nga sila ng curry fish head…. “ay sheeet tito batjay, it’s so masarap” ang sabi nila. hehe.

sabi ni ate sassy lawyer, ang tanda ko na raw dahil puro dalaga nang mga pamangkin ko. hehe. di niya alam may mga apo na ako (sina tj at az, anak ng mga pamangkin kong sina donna at david). dahil maagang nag-landi nag-asawa ang ate kong si gigi at late na akong ipinanganak, mayron pa nga akong nephew (si denden) who is older than me by 4 months. bunso kasi ako at menopause baby pa. my mom had me when she was 42… yes viginia, i was an afterthought (at muntik nang di ipanganak).

TO VIEW THE WEB ALBUM OF MY MAGAGANDANG PAMANGKIN – click here

kuha naming dalawa ng mommy ko sa sentosa last friday. mukhang di nga napagod ang mommy ko. isang linggo na naming nilalakad ang mga attractions sa singapore eh parang ako pa nga ang nanlata in the end. at least, naipasyal namin siya rito at nag enjoy ng husto. kuha naming dalawa ng mommy ko sa sentosa last friday. mukhang di nga napagod ang mommy ko. isang linggo na naming nilalakad ang mga attractions sa singapore eh parang ako pa nga ang nanlata in the end. kahit pagod ako ngayon ay OK lang. at least, naipasyal namin siya rito at nag enjoy ng husto. sa almost 80 years ng kanyang existence, eto ang first time ng mommy ko na mag travel abroad. ang pinaka bukang bibig niya ay ang total absence ng pag intindi niya sa family home namin sa novaliches. sa isang linggong bakasyon niya rito, wala siyang ginawa kundi kumain, mamasyal at matulog.

as icing to the already tasty cake, tumawag pa ang sister kong si ester from florida. she and her husband randy have my other niece donna as their guest for easter at tumawag sila ng madaling araw kanina (next time aga-agahan niyo ha! napuyat ako hehehe.) for one reason or another, ang ate kong si ester ay matagal na naming di nakakausap. gaano katagal? taon ang binilang. almost 8 years to be exact. and it brought great joy to my mom na makausap niya ang kanyang prodigal daughter whom she hasn’t seen in ages. nagkaiyakan pa nga sila. thank you dear big sister for calling us up.

TO VIEW THE WEB ALBUM OF MOM’s SINGAPORE VACATION – click here

narito na sa singapore ang mommy ko. she arrived yesterday with my sister emy, her husband rene and their daughter paola. my other nieces kim and sarah will plane in today from manila. i’ll try to post some pics before the weekend. in the meantime, kwento lang muna ako about my mom. here goes:

ang mommy ko ay 79 years old (turning 80 next month). nag-asawa sila ng daddy ko when she was 17. ak-shu-ly, nagtanan nga sila sakay sa trambia. eto yung LRT nung unang panahon. nabuntis siya with her firstborn gigi during the war. she doesn’t talk about it much these days pero alam ko, nahirapan sila during the japanese occupation. all in all, anim kaming magkapatid na inalaagaan niya. ako ang bunso. ang baby. ang peborit.


IN OTHER NEWS…for the first time this year, i’ve got my first non-travel related cellphone SMS spam. gardemet. the text message says “HOME FACIAL, BODY OR FOOT MASSAGE AT $20! STRICLY FOR WOMEN ONLY”. dang.

STILL OTHER NEWS…happy birthday to ate sienna, our good friend from west covina and the chief cook of the pansitan blogging community. ninang, sana maligaya na bati pa ang bertday mo!
Read the rest of this entry »

maraming mga matchmaking associations dito sa singapore na tinayo ng gobyerno. ang silbe sa buhay ng mga grupong ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga walang asawang singaporean na makapag interact sa isa’t-isa, at hopefully, to mate. tingnan nyo na lang ito na parang “captive breeding program” to propagate the species. isa pa rin ito sa mga programa ng gobyerno para dumami ang tao sa singapore.

puro trabaho kasi ang inaatupag eh, di na tuloy tinitigasan. ang ibig kong sabihin, masyado silang busy at wala nang time for romance.

NEW LAYOUT

March 15, 2004

maraming salamat sa ninang kong si ate sienna, ang chief cook ng “Pansitan.net – Ang Tambayan ng Bayan”. ang bagong layout na ito ay nagmaterialize through her manilena web designs. ang galing galing galing mo talaga ninang.

ang ganda ng caricature ni jet ano po? siyempre ang guwapo ko rin. sa mga di nakakakilala sa akin, ako yung mukhang aso sa may upper left ng screen. yung katabi ni jet sa caricature ay ang kapatid na bunso ni tom cruise.

maraming salamat din kay boss idol dengcoy miel for the cartoon. siya ang kaibigan naming pinoy na world class artist who works for the singapore straits times.

you know it’s time to get married when… umutot ka nang pagka bahu-baho sa harap ng boyfriend mo at di man lang siya natinag. ni di man lang nag takip ng ilong at buong buo niyang tinanggap ang amoy.

that’s love baby – the unconditional kind. kalimutan nyo na yung mga sinumpa sa inyong “susungkitin ko ang mga bituin para sa iyo” and all that crap. pag pumasa siya sa ultimate test na ito, pakasalan nyo na agad. siguradong di kayo iiwan ng mga iyan.

SI TJ, TAKOT SA LAS PINAS

February 23, 2004

eto si tj, anak ni donna na anak ni gigi na anak ng mommy ko. ang kyut kong apo ay maraming mga eccentricities na endearing. una takot siya sa kotseng dilaw at ikalawa ayaw niyang pumunta sa las pinas
eto si tj, anak ng anak ng anak ng mommy ko. pag nasa pilipinas kami at dadalaw, umaga pa lang, naka abang na siya sa gate para sa aming pagdating. naalala ko siya dahil napag-usapan ang mga unforgettable childhood traumatic memories. etong si tj ay may mga peculiar na mga eccentricities na altough endearing ay galing sa mga masamang nangyari sa kanya nung mas bata pa siya.

si tj ay may phobia sa mga yellow na kotse. kahit anong gawin mo, di mo siya mapapasakay sa mga dilaw na sasakyan, kasi nung 2 years old siya, na suka siya sa loob ng isang taxi. hindi mo rin siya mapapapunta sa las pinas. dito kasi papunta yung dilaw na taxi nung masuka siya. ngayon nga, pag gusto mo siyang maiwan sa bahay, sasabihin mo lang sa kanya: “i’m going to las pinas“. gaano ka traumatic yung experience na ito sa kanya? very. pag pinakwento mo sa kanya ang buong “yellow taxi” experience niya, bibigyan ka nya ng “blow by blow” account ng buong pangyayari, down to the smallest details. ngayon nga pag pupunta sila sa sm: “mama, you get me a white cab ok. no yellow taxis ever again.”

ANONG GAGAWIN SA $10 MILYON

February 5, 2004

ngayon ang bola ng lotto (or toto) dito sa singapore. pinag-uusapan nga ito sa lahat ng mga coffee shops at opisina dahil ang premyo ay 10 million dollars. tumaya nga kami ng mga ka-opisina ko. ang lotto rito ay pitong numero. eh pito rin kami sa opis kaya tig-isa kaming number. ang aming taya: 05, 08, 09, 12, 13, 22, 26… i cross my fingers and legs, sana manalo kami. magkano ba ang tatamaan ko? eto ang computation: 10 million dibaydibay 7 equals 1.43 million dollars, equivalent to 47 million pesoses. PACKINGSHEET!

pag nanalo ako, kukuha ako rito ng tatlong domestic helper. isang intsik, isang malay at isang bumbay. ang itatawag ko sa kanilang tatlo ay “MARIA” (as in mariang-palad?). papahirapan ko sila ng husto. bukod sa regular na pag asikaso nila sa bahay: yung bumbay, taga pedicure/manicure ko. yung malay, taga hugas ng aking pwet. yung intsik ang magpapaligo sa akin.

tapos, tuwing linggo iimbitahin ko ang lahat ng mga kababayan natin dito na mga DH. papupuntahin ko sa bahay para pagsilbihan ng tatlong kumag kong katulong na mariang intsik-bumbay-malay. ok na siguro ito bilang pang ganti sa mga tao ritong mababa ang tingin sa mga pinoy.

SULAT SA PERSKASIN

January 29, 2004

si sel, si jet at si ate baby, nagpapakyut sa godlen gate bridge
hi sel!!!!

ok naman kami, kaya lang si jet ay mainit ang ulo ngayon kasi naroon pa rin sa flat namin ang mga may-ari ng bahay na opismeyt ko. dapat ngayon sila aalis pabalik ng china kaya lang nilagnat ang kumag. na extend tuloy ang bakasyon nila rito sa singapore.

hirap kasi ng mga ito eh medyo burara, di naglilinis, di nagaayos ng bahay at binabasag pa ang mga baso namin. si jet tuloy, kakagising pa lang ay mainit nang ulo. sabi ko nga sa kanya, huwag na lang pansinin at di worth getting a heartattack ang mga basag na kasangkapan at maduming bahay. pag pasensyahan na lang niya at ngitian ang mga kasama namin sa bahay ng ngiting aso! hehe.

kaya yan, di pa rin nakapag unpack gaano. nakakalat pa rin ang mga maleta sa spare room namin. tambak pa rin ang labada. but life is good, we are in good health at ninanamnam pa rin namin ang inyong generosity and love.

ingat, mga minamahal.
jay

HAPPY BIRTHDAY MYLAB

January 15, 2004

bilang parangal sa iyo, muli kong ilalathala ang ating lab istori. i hope ya don’t mind.
ANG LAB ISTORI NI JAY EN JET
mahigit 12 years na kaming mag-asawa ni jet. siya ang kasama ko through thick and thin, from relative obscurity to obscurity. hehe. from hand to mouth to a bit of prosperity, from struggling engineer earning 2000 pesos a month to struggling engineer earning more than 2000 pesos a month. nakilala ko si jet pagkatapos kong magtapos ng college, wala pa akong trabaho nung time na yon pero alam ko may mararating ako.

niligawan niya ako at sinagot ko naman siya. hehehe. kinasal kami sa munisipyo ng kalookan dahil wala kaming pera. ni wala ngang pambili ng sing-sing. ni wala ngang pang handa. sa jolibee sangandaan lang kami kumain, di na namin inimbita ang mga ninong. gastos lang sila. from humble beginnings, we’ve managed to create a small place of refuge we call home.

bakit ko ba sinasabi lahat ito? wala lang. i just want to honor her on her 40th birthday. wala lang, kasi, naniwala siya sa akin. siya ang nasa tabi ko nung naghihirap pa ako. siya ang kasama ko hababng unti unti naming napa-angat ang aming buhay. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay. marami na kaming mga natutulungan na tao. we’re doing ok. we have each other. we’ve always had each other through all the struggling years. we’ll always have each other till we grow old, start to smell amoy lupa, become kulubot, lose our hair, turn into dust (in the wind), rage against the dying of the light, “forever alter our aspect to the sun”.

bilang regalo sa kanyang kaarawan, bibigyan ko siya ng engrandeng bakasyon. happy birthday mylab – lab U!

how fragile life is. isang araw you’re at the top of the world and the next you’re fighting for your life. parang randomly, we’re chosen to live or die. the thought scares me. i do not want to be the victim of a god playing dice with the collective fate of humanity. then again, perhaps there is no gambling god. who knows, baka we’re just acting up some bad script in some great big movie set in the sky. o kaya, no one up there’s taking charge.

sa pagkamatay ng kaibigan ko, heto na naman akong nagtatanong: is there or isn’t there? i will make a confession: i’ve been an agnostic for a long time now. well, give or take a basic truth or two, sort of an agnostic catholic, if there is such an oxymoronic person.

para sa akin, ang pinakaimportante ay to do the right thing. ang goal ko sa buhay ay simple lang: to be the best person i can be at tumulong sa pinakamaraming tao na bahagi ng mundo ko. when the time comes for me to go, kung mayrong ngang diyos, i will be able to look god in the eye and say to him (or her) that i did not fuck up.

siyempre, itatanong ko rin sa diyos kung bakit milyon-milyon ang namamatay sa africa, kung bakit tanga sa pag-ibig si kris aquino at kung bakit walang snow sa pilipinas.

SARS AGAIN IN SINGAPORE

September 10, 2003

confirmed SARS case again in Singapore. SARS? SARS? pakingsheet. kailangan ata mag maskara na naman ako… TANANAN! (sound epeks na torotot for dramatic emphasis)

Dear Mommy,

Nabalitaan ko ngayon na confirmed na yung SARS case dito sa Singapore. Kaya eto, naka maskara na naman ako. Ang hirap talaga ng sitwasyon ko rito. Pinagtatawanan na naman ako ng mga tao pag nag aabang ako ng bus. Sa train kanina, muntik na akong napa-away sa isang batang naka damit spiderman. Hinila nya kasi ang kapa ko. Nobody touches my kapa and gets away with it.

Huwag kayong mag-alala sa amin. Baka magkulong ulit kami ni BatJet sa bahay at kakanta ng “Mr. Suave” para safe. Pero isolated naman daw ang case sa isang hospital. Yung nagka SARS ay nagtatrabaho sa research department na may contact sa SARS virus.

Ang hirap pa rito sa Singapore, sobrang init. Pag pinapawisan ako eh ang bahu na ng leather suit ko. Daig ko pang amoy ng kilikili ng unggoy na kumain ng langka. Pwede nyo ba akong padalhan ng tawas?

Ingat ka na lang diyan at oo nga pala, susundin ko na yung payo mo na ibaba na ang kilay ko.

Ang inyong anak,
BatJay

EAST OF GINGER TREES

September 5, 2003

this song is dedicated to my dad.

Go east of your dream and farm.
Let peace and silence spin your yarn.
What harm can befall thee
in yon wilderness of clove?

Go on east of ginger trees.
Go soft and silent like the breeze.
With ease be off and wander
in yon wilderness of clove.

Go on past the goldenrods,
where fools and angels lose their odds.
And gods of our ancestors
did immerse themselves in clove.

Go on toward the crimson shore,
beyond this life of metaphors.
Where doors of understanding’s house
decorates he them with clove.

“East of Ginger Trees”, Seals & Crofts

HAPPY BIRTHDAY DENDEN

August 17, 2003

Denden

happy birthday denden! happy birthday pare. hiling ko lang eh sana lalo pang gumanda ang buhay natin. 38 ka na. hehehe. ako 37 pa rin. hehehe. buti nakapunta ka kahapon, para sa iyo talaga ang inuman at swimming na iyon.

Read the rest of this entry »

AWIT PARA SA MYLAB KO

August 7, 2003

isang awit para sa mylab kong natutulog ngayon. ay! nagising na pala at kasalukuyang nagbubukas ng oolong tea sa may kusina. hoy, mylab… this is my heartsong to you! lab-U.

naka leave ako ngayon kasi nag-parenew kami ni jet ng employment pass. 

PI-JUNE-03-205

tj, az, mommy, jay and dante. now dante is a legend in philippine radio. he started punk rock in the philippines and was the long time host of “pinoy rock and rhythm” during the glory days of the rock of manila. his name is howlin’ dave and he’s my brother.

Read the rest of this entry »

PI-JUNE-03-206

si az, pinaglalaruan yung nunal ko sa mukha. hehehe… siguro nakikita niya ang magiging hitsura niya pag siya’y tumanda: yung matang singkit at sutil na ngiti. give me five, tito jay! aray!

yung pagka-sutil, singkit na mata at malalim na boses, minana naming lahat sa daddy ko. naalala ko na naman siya. birthday niya nung june 4 at kung buhay pa siya ngayon ay 81 na siya. marami akong kwento sa daddy ko. maraming mga ala-ala na minsan nagpapasaya sa akin, minsan nama’y magpapa-senti.

Read the rest of this entry »

PI-JUNE-03-207

from left to right, counter clockwise: si tj, malayo pa lang ako eh nakangiti na. ang bagong dating na si az, sama agad sa akin. sila ang dalawang apo ko. actually mag-pinsan sila. si tj ay anak ni donna. si az ay anak ni david. si david at si donna ay magkapatid. kuya nila si dennis. silang tatlo ay anak ni gigi na kapatid ko. si dennis (kahit pamangkin ko) ay mas matanda sa akin ng 4 na buwan pero sabay kaming lumaki (oo, sabay nabuntis ang mommy at ate ko) at pareho ang aming circle of friends (“i also friend him”, hehehe).

Read the rest of this entry »

PI-JUNE-03-201

ang mga apo namin ni jet… si tj, 3 years old, all around singer dancer, kabisado nang dancing queen. si az, 8 months old, galawgaw, di mapakali. nahulog na sa kama sa sobrang likot, kamukha ko raw nung baby ako.

iniimbita ko nga pala kayong lahat sa 12th wedding anniversary namin ni jet sa linggo. samin nang lahat ng pagkain at inom, basta punta lang kayo sa flat namin. alis lang ako sandali, pagbalik ko, SAGOT KO KAYONG LAHAT!

CHINA_071

ang pag-pasok ng linggong ito ay medyo exciting na naman. since medyo tapos na ang SARS dito sa singapore, pwede na ulit mag-travel. medyo matagal na rin kaming na buro sa opisina. ang huli kong byahe ay nung february pa. yung boss ko ay nauna na ngayong gabi papuntang tokyo, we will hook-up on friday in seoul, korea. my flight leaves on wednesday. iwan ko ulit si jet dito sa singapore hanggang sa pagbalik ko sa sabado.

Read the rest of this entry »

aalis kami ni jet ngayong hapon para bumili ng patis. hehehe… you can take the pinoy out of the philippines but you cannot take the philippines out of the pinoy.

consider this:

  1. babyahe kami ng bus to the pasir ris train station, 10 minutes
  2. MRT from pasir ris to city hall station, 30 minutes
  3. transfer train, ride again from city hall papuntang orchard, 10 minutes
  4. get out of the train station, walk to the filipino stores at lucky plaza, 10 minutes

total cost of trip: $ 2.00 taymis 2 equals $ 4.00 dibaydibay 0.033 equals 121 pesoses.
cost ng isang boteng rufina: $ 2.50 (75 pesoses)

BWAKANGINANGYAN… all that time and money para lang sa patis.

balansihin naman natin: yung isang office mate ko, 12 years bago nagkaroon ng anak. kung saan saan sila nagpunta para lang mabuntis ang misis niya at malaki ang ginastos sa mga fertility clinic. di naman sila nabigo at kinalaunan, nabuntis din si misis. as soon as nalaman nila ito, pinag-resign na niya ang kanyang asawa sa pagiging isang guro at naging full time housewife.

ang anak nila ay 6 years old na ngayon at kindergarten na. sa gabi, dinadala nila ang kanilang anak para i-tutor ng 2 oras sa iba’t-ibang mga klase sa kung saan-saang evening classes. monday, math. tuesday, english. wednesday, chinese. thursday, drawing. saturday, swimming. ang pag enroll ng mga anak sa mga extra courses para mag excel sa school ay typical din sa mga singaporeans parents.