15 YEARS

May 25, 2006

our marriage has been like a long road trip to an unknown destination where you start with just a small backpack and the clothes on your back. we didn't have much early on – in fact, we were so poor that we didn't have enough money to have a "proper wedding". no church, no rings, no fancy reception. no anything. but i look back at those early years as one of the most exciting and happy in our marriage. the early struggles didn't last long. soon afterwards, we were able to get our acts together and build a home of our own. now, here we are, celebrating our 15th anniversary and looking at a future that is filled with so much promise. i can't wait to see what will happen next.

Advertisements

MOTHER

May 14, 2006

my mom and dad split up when i was 13 years old. after that it was my mom who took care of me. it was difficult for all of us because with my dad gone, money became a big problem. i don't know how she did it but for the next 10 or so years, she put food on the table and made sure that i would finish school. it must have been so hard for her but she didn't complain. i look back now and am amazed of her poise and grace. her perseverance did bear fruit – eventually i would finish school and become successful with my career.

happy mother's day mom. thanks for everything.

dear mommy,

merry christmas po sa inyo. by this time siguro papunta ka kayong lahat sa tagaytay para sa annual christmas party ng pamilya. first time namin na mami miss ito ni jet in 5 years. medyo nakakalungkot nga pero ano bang magagawa natin – kailangan kumayod para may pambili ng hopia.

sana next christmas ay magkakasama ulit tayong lahat.

kagabi, nanaginip ako na kumukuha raw ako ng dalawang hershey bar sa vending machine sa opisina namin. weird nga eh – hindi ko po alam kung mayroon itong connection sa pasko pero gusto ko lang ikuwento. actually, ok naman po ang christmas weekend namin. parang nasa pilipinas rin kami kasi mga kabayan din ang kasama namin. ang sarap panoorin kung paano mag celebrate ang mga pinoy ng holidays sa ibang bansa. pakiramdam ko, we miss home so much na pilit naming mga overseas pinoy na ipagdiwang ang pasko na parang nasa pilipinas din kami. it’s heroic in a way and i love it.

tuloy po muna kami mommy. punta kami ng san diego ni jet at doon makikipag pasko sa iba nating mga kamag-anak. ingat po kayo diyan at kamusta na lang sa lahat.

nagmamahal,
jay


pakinggan ang PODCAST ng Dear Mommy Letter

dear mommy,

Ang Mahiwagang Daigdig ni Darnita, ang Batang Darna. CLICK to Zoom kamusta na kayo diyan sa pilipinas? sana ay nasa mabuti kayong kalagayan – di ko alam kung ano ang pakiramdam ng isang 81 year old but looking at you, it seems that you are having a great time. halloween na nga pala dito sa amin bukas. ito ang magiging una namin ni jet dito sa amerika at handa na kaming makikisali dito sa sikat na american tradition na ito. nakakatuwa nga ang mga kano, libo libo ang ginagastos para lang makapaglagay ng dekorsasyon sa mga bahay nila. kung titingnan mo, para silang mga sira ulo – bibili ng mga sapot ng gagamba, mga pusang nanlilisik ang mga mata, higanteng daga, mga paniki, at kung ano anong mga nakakatakot na mga maligno. tapos ididisplay ito sa labas ng bahay. tama ba naman yon? pero tama man o mali eh sali kami sa kabaliwan nilang ito! hehehe. napabili na nga kami ni jet ng mga candy para ipamigay sa mga bata, sakaling may maligaw na mag “trick or treat” sa apartment namin bukas.

Read the rest of this entry »

dear mommy,

gusto ko lang pong ikuwento sa inyo ang kahiya hiyang nangyari sa akin ngayon. pumasok po ako sa opisina kanina na bukas ang zipper. nalaman ko lang na bukas ito nang umihi ako ng mid day break. ibig sabihin pala, simula pag alis ko ng bahay hanggang sa dating sa opis eh bukas ito. buti na lang casual friday ngayon kaya naka tuck out ako ng polo – medyo hindi halata. kaya pala pag labas ko ng bahay kanina eh parang nakaramdam ako ng ginaw. kung may makakita sana sa akin at pinuna ang bukas kong zipper, ang isasagot ko para hindi ako mapahiya eh – “das wat we do wen it’s hot in singapore, my pren”.

nung isang gabi, nakita ko si jet na naglagay ng mga maruming plato sa oven namin. tapos naglagay siya ng sabon at nag power on. nagtaka nga ako kung anong klaseng pagluluto ang gagawin niya. nalaman ko lang pagkatapos na dishwasher pala ito. kaya pala nagbubula. iniisip ko nga, wala namang oven na ginagamitan ng sabon. ang galing pala dito sa amerika. puro mga hi tech ang mga gamit sa bahay. yung ref nga namin, may pagawaan ng yelo sa freezer. namamanhid na nga ang ngala-ngala ko dahil sa sobrang lamig. sa sobrang excitement ko kasi eh ginagawa kong candy yung mga ice cubes.

yon na lang muna ang kwento ko sa inyo. sana ay ok kayong lahat diyan sa pilipinas. parati naming kayong naiisip. sana makarating na kayo rito para bumisita. ingat na lang sa inyo.

ang nagmamahal ninyong bunso,
jay

PAMANGKIN: “tito batjay, bofriend ko po”

BOYFRIEND: “good afternoon po sir”

BATJAY: “anong ginagawa mo rito?”

BOYFRIEND: “dumadalaw lang po”

BATJAY: “tuli ka na ba?”

BOYFRIEND: “ano po yon?”

BATJAY: “ang sabi ko, tuli ka na ba?”

PAMANGKIN: “tito naman eh, huwag mong takutin”

4 EYES hi daddy. happy birthday. kung buhay ka pa, sana 83 ka na ngayon. kamusta ka na? marami ka pa rin bang chicks na nilalandi? dinadaan mo pa rin ba sa ganda ng boses para malaglag ang mga panty ng mga anghel diyan? hehehe. sana. otherwise magiging boring ang buhay mo pag wala man lang kahit kaunting kerengkeng. tinitingnan ko ang mga album kanina at nakita ko ang picture na ito. naalala ko pa nung kailan ito kinuha. siguro mga eight years old pa lang ako. nasa bahay tayo ni tito bert sa santa mesa at biglang lumapit ang kapatid niyang si quintin na may dalang camera. hinila mo akong bigla and the picture was taken. it’s funny how much detail from childhood you can remember. and i do remeber all the little acts of kindness that you’ve shown and all the things we did together. lahat yon nakalista. it’s the only way i keep your memory alive. alam mo, paminsan minsan napapanaginipan pa rin kita. sa panaginip ko, nag uusap lang tayo tungkol sa buhay buhay habang nag iihaw sa garden ng bahay namin ni jet sa antipolo. na mi miss din kasi kita kahit papaano. sa mga ganitong pagkakataon, gusto kong maniwala na mayroong afterlife. sana nga mayroon para magkita tayo someday. if that day comes, gigimmick tayo kahit saan mo gusto. sagot kita. o siya, happy birthday na lang ulit.

Grow old along with me, The best is yet to be dear mommy,

happy 81st birthday. sorry kung hindi ka namin makakasama ngayon. kung pwede lang sanang mag jeep papunta diyan sa novaliches from singapore, eh di mamaya sanang pagkatapos ng trabaho, diretso kami ni jet diyan sa bahay ninyo. kaya lang, mayrong south china sea na naghihiwalay sa atin. sayang. di bale, uuwi naman kami ngayong june at pag dating namin, punta na lang tayo sa tagaytay para makapag enjoy naman kayo kahit papaano. o baka gusto mo namang magpa liposuction sa clinic ni vicky bello? sagot kita! you deserve to have a break. kayo kasi, masyadong mapagmahal sa mga anak ninyo at apo. ayan tingnan ninyo tuloy, hanggang ngayon nag-aalaga ka pa rin sa kanila. dapat nagpupunta ka na lang araw araw sa parlor ni bien sa talipapa para magpakulot o kaya magpamanicure o facial. pero hindi, ikaw pa rin nagluluto ng pagkain nila. ikaw pa rin ang peacemaker. ikaw pa rin ang umaalalay. kung sabagay, alam ko naman na isa ito sa mga nagpapalakas sa iyo. pinaka exercise mo na siguro ang pagsilbi sa mga mahal mo sa buhay. i know everybody loves you for all the big and little things that you do. eh sa akin lang, ang laking bagay ang ginawa mong pag alaga sa akin. especially nung umalis na ang daddy sa bahay. ikaw umasikaso sa pagpapa aral sa akin. ni hindi ko alam kung kanino ka nanghingi ng pera para lang matapos ako. looking back, it must have been hard for you during those days. i know i was having fun and living a normal life when you were probably so busy thinking about how we’d move from one day to the next. ngayon ko lang ito na appreciate ng husto. alam ko hindi ko ito magagantihan but i just try my best by being a good son.

so how does it feel to be 81? alam ko gusto mo pang mabuhay ng matagal. sana nga you live as long as you want to na punong puno ng katatawanan at kaligayahan. actually, hindi ka naman mukhang 81. sabi nga ng mga kaibigan ko, parang 55 ka lang. hehehe… naalala ko tuloy, inis na inis ka pag tinatawag kang lola o kaya inang. kaya yan tuloy – mommy ang tawag sa iyo ng lahat ng tao. happy birthday ulit mommy. maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa amin.

with so much love, ang iyong bunsoy na kwarenta anyos na ngayon taon.
jay

Grow old along with me, The best is yet to be ngayon ang ika labing apat na anibersaryo ng kasal naming mag-asawa. labing apat. packingsheet – seven year itch taymis two. bwahahaha. ang tagal na namin ni jet ano? pero hanggang ngayon masarap pa rin ang sex life namin. buti na lang. pero teka, taympers… bago tayo magpatuloy, imagine nyo na lang muna na tumutugtog ang “ode to joy” ni beethoven para mas madrama. ok, tuloy ang kwento: alam nyo, ngayong taon eh pakiramdam ko, maraming magbabago sa buhay namin ni jet. parang natatakot nga ako dahil hindi ko alam what the future will bring. i just take comfort in the fact na sa 14 years naming pagsasama, wala kaming hinarap na hindi namin nalamapasan with flying colors. in fact, di ba, nagsimula nga kaming magsama eh wala kaming ka pera pera at hindi na nga kami nakapag pakasal sa simbahan. doon lang kami sa munisipyo ng kalookan sama ang dalawang kaibigang naging ninong at witness.

Grow old along with me, The best is yet to be tapos ang reception pa namin ay sa jollibee sa sangandaan ginawa. kaming dalawa lang ni jet – chicken joy at french fries with large coke and extra rice lang ang handa. pagtapos ng kasal, nakitira lang kami sa mga mommy ko at nakituloy sa isang maliit na kwarto na may single bed. simple lang. siguro kaya rin kami naging close na mag asawa: kasi pag nag-away kami, hindi pwedeng hindi kami mag bate bago matulog dahil pang isahang tao lang ang kama. wala kang tatakbuhan kaya mapipilitan kang makipag areglo. hehe. nakakatawa nga – ngayon, king size na ang kama namin pero magkadikit pa rin kaming matulog. and just as well. you don’t know what hapiness is hanggang hindi mo nararamdaman kung papaano gumising sa umaga na katabi ang mahal mo na nakaakap ng mahigpit sa iyo. yun yung sinsasabi kong mga maliliit na bagay na pag pinag dugtong dugtong mo ay nagiging isang makabuluhang pagsasama. may request nga pala ako, punta naman kayo sa website ni jet at mag iwan kayo ng comment. sabihin ninyo, inutusan ko kayong magpunta roon para batiin siya ng isang happy 14th year wedding anniversary. sa pagsasama kasi namin, napakalaki ng naitulong niya para marating namin ang narating namin. hindi man kami mayaman sa salapi, eh busog naman kami sa pagmamahal. at malaking bagay dito ay dahil sa aking mylabopmayn.

Read the rest of this entry »

CLICK TO ZOOM. FROM LEFT TO RIGHT, FRONT TO BACK: (FRONT) SARA, RINA, CHRISTINE, (BACK)EDER, LEAH, JET, OWEN punong puno ng action ang friday ko. muntik na akong hindi nakasama sa bintan, indonesia para sa aming weekend getaway. nakalimutan ko kasi na yung passport ko ay nasa indian embassy. kumukuha ako ng visa dahil may trip ako sa curry land ng end of the month. alas singko ng hapon ay kumakaripas ako ng takbo sa opisina ng travel agent namin upang makuha ang passport ko. nakuha ko ng six. uwi ng bahay at diretso sa ferry terminal kasama sina leah, eder at jet ng seven o’ clock. photo finish. tapos nagsuka ako from start to end sa loob ng ferry. ang yabang yabang ko pa – kain ako ng kain ng tuna sandwich kahit maalon. nakikipag biruan pa’t pakanta kanta. one moment normal ako, the next moment para akong naglilihi. hindi pala maganda ang pakiramdam ng sumusuka sa toilet bowl habang hinahataw ang katawan mo left and right ng malakas na alon. pakiramdam ko eh parang akong na rape ng tatlong sumo wrestler. hah! akala ko ay malakas ang sikmura ko. hindi pala. pero yon lang naman ang masamang nangyari sa buong trip. the rest of the weekend was a blast. one word: PAKINGSHEET ANG SARAP. ay, three words pala. hehehe.

Read the rest of this entry »

BATJAY And TJ: parang nakakaloko ang ngiti ko rito. marahil naalala ko pa yung lalaking nakalulon ng pito nung bagong taon. nag family christmas party kami ngayong gabi. celebration na rin ito dahil ok ang heart operation ng kapatid ko. nakalabas na siya sa hospital nung 31st at nag spend ng new year sa bahay. siyempre di pwedeng walang kantahan sa party ng mga david kaya nagbida ulit ang apo kong si TJ… “christmas in our hearts” ulit for the 100th time. meanwhile, may kaunting downtime pa rin sa site ko. naglipat ako ng server. simula kahapon ay busy si yuga sa pag transfer ng mga files ko sa PLOGHOST, kaya huwag kayong magtaka kung medyo bungi pa ang nakikita ninyo rito kasi mahigit 500 MB ang ililipat.

Read the rest of this entry »

THE HEART OF THE MATTER

December 29, 2004

masaya ako ngayon kasi naoperahan na sa puso ang kapatid ko kaninang umaga at maganda na ang kalagayan niya. nagsasalita na nga at gusto nang kumain ng litson at saka sitsarong bulaklak. “over your dead body“, and sabi ko. hehehe. matagal ko na itong dinadalang mabigat kasi bago kami umuwi sa pilipinas ay na stroke siya and was in a coma for 3 days. ganoon kasama ang kalagayan niya – very very near death.

Read the rest of this entry »

si tj, nagpapakyut sa punta fuego matagal ko na siyang di naikwento pero eto na si tj ngayon. she just turned 4 years old at super cute pa rin. tj is my apo. anak siya ni donna na anak ni gigi na anak ni angela na mommy ko. di makapaghintay makapag-aral kung kaya’t pinasok na namin siya sa isang nursery school malapit sa bahay namin sa novaliches. ang balita ko eh na accelerate siya dahil sa kanyang super katalinuhan na namana niya sa kanyang favorite kyut na tito batjay (ahem, dasme). daig pa niya si sofia coppola sa kanyang rendition ng pambansang awit. panoorin ninyo ang video ng pagkanta ni tj ng “bayang magiliw” – CLICK HERE. medyo mabagal kung walang high speed connection kaya mangulangot ka na lang habang naghihintay.

SI BATJAY, ANG MAHIWAGANG SIOKOY NG SINGAPORE kung nasa punta fuego kayo nung sabado at may nakita kayong isang grupo sa pool na sumisisid, nagkokodakan at nagtatawanan. kami yon. ang pag kuha ng mga underwater pictures ang bagong hobby ng pamilya namin. simple lang ang objective ng underwater photography: come up with the ugliest face while holding your breath. madali lang itong gawin kasi pag nasa ilalim ka ng tubig, siokoy ang dating kahit anong pogi mo. case in point ang picture na ito. ang galing ano? para kaming mga autistic ni donna. lalo na ako, di ko alam kung demented or criminally insane. perhaps both. i’m sure, nagtatawanan na sila sa bahay habang pinagmamasdan nila ito. ngayon alam nyo na kung saan nanggaling ang sense of humor ko.

happy birthday dennis! birthday ng pamangkin ko ngayon na si dennis. eto siya kasama si tj. si dennis ay panganay na anak ng panganay kong kapatid na si gigi. hekshuli, mas matanda si dennis sa akin ng 4 months. bunso kasi ako at malaki ang agwat ng edad namin ni gigi – almost 18 years. tapos maagang naglandi nag-asawa si gigi at matagal bago ako na assemble. nakakatawa nga: ang kwento eh, hiyang hiya raw ang kapatid kong si gigi nung time na yon dahil sabay sila ng mommy ko na lumobo ang tiyan (parang “father of the bride, part 2”). minsan iniisip ko kung bakit pa ako pinanganak, given my parent’s age during the time of my birth. ang aking haka haka ay baka nainggit ang daddy at mommy ko sa kanilang panganay na anak at nag decide sila to go for a sixth child. ayun, nabuntis din ang mommy ko at pinanganak nga ako. kung tutuo ang storya na ito eh…

Read the rest of this entry »

yesterday’s title is today’s song. nag record ako ng kanta kagabi. kung di ninyo alam, yung title ng previous entry ay galing sa kantang “circle game” ni joni mitchell. it’s a personal favorite for a lot of reasons. pakinggan nyo na lang:

The Circle Game, the “winalanghiya ni batjay” version. narito yung lines of the title of my previous blog entry – “words like, when you’re older, must appease him, and promises of someday make his dreams”. ay naku, such great lyrics at ang sarap kantahin

The Circle Game, Take 1. this is my first take of the joni mitchell song. ok na sana kaya lang nag text si mari kay jet in the middle of the song kaya napasigaw ako in the end. hehe. pakinggan nyo – pati yung ring tone ng text ay kuhang kuha. bwahaha.

Read the rest of this entry »

ITO ANG INYONG UNKYEL BATJAY dear gentle reader, itutuloy ko na yung pagsagot doon sa 2nd question mo: masarap bang mag abroad? hmm… kahapon ko pa iniisip yan eh kaya nga muntik tuloy mauntog yung ulo ko doon sa poste ng bus stop. well, mahirap ang buhay abroad – wala ka sa sariling bansa and out of your comfort zone. tapos mahirap makisama sa umpisa dahil maraming mga cultural at procedural differences, and you need to look beyond this to make your stay worthwhile. isa pa: may mga language barrier at iba ibang sensibilities relating to this. for instance – sa opis namin, ako lang ang hindi intsik. nahihirapan ako at minsan napipikon pag nag iintsikan sila sa harapan ko, lalo na pag sabay sabay kaming kumakain pag lunch. minsan tuloy gusto kong isigaw: “PUTANGINA NAMAN, PAKI PASA NGA ANG KETCHUP!

Read the rest of this entry »

CLICK TO ENLARGE: Happy Birthday HOWLIN' DAVE! birthday ng kuya ko kahapon. happy birthday dante. how does it feel to be 50? si dante ang kuyang sinundan ko. 12 years ang agwat namin at buong buhay ko, siya ang taong aking tiningala. what a gifted man. gwapong chickboy, artist, painter, singer. siya ang main influence ko sa musika. my brother also has this great speaking voice. one that i’ve envied and tried to imitate but could not. ang sabi nga ng mommy ko, boses kiki raw ako, compared to my brothers and my dad. that’s how good he is. happy birthday dante. all the best to you, as always.

Read the rest of this entry »

ginagaya ko ang boses ng daddy ko kahapon. wala lang. naalala ko lang kasi siya. gusto nyong marining? eto click here. hehehe. ay mali. yan pala ang magiging boses ko kapag natanggal ang aking betlog. eto ang aking tutuong impression sa boses ng daddy ko. di ko nga lang talaga magaya, kahit anong gawin ko. di ko makuha ang kanyang timbre. di ko kaya ang booming deepnes na parang pinaghalong james earl jones at james coburn.

Read the rest of this entry »

CLICK TO ENLARGE. old pictures... punong puno ng ala-ala of days gone by. i remember when this photo was taken. kagagaling lang namin sa simbahan at sinusubukan ko ang bagong bili na SLR camera. that was many moons ago. no, to be quite frank, that was many pounds ago. old pictures… punong puno ng ala-ala. i remember when this photo was taken. sa bahay ito ng mommy ko sa novaliches. dito pa kami nakatira nung araw. siguro mga 1994 ito, kagagaling lang namin sa simbahan ni jet at sinusubukan ko ang bagong bili na camera. that was a long time ago. correction, that was many pounds ago. much younger, bolder, reckless at wala pang masyadong pakialam kung anong mangyayari sa hinaharap. parang kanta ni springsteen: “at night we ride through mansions of glory in suicide machines… ’cause tramps like us, baby we were born to run.”

nakita ko ang litratong ito na nakaipit sa isang lumang librong binabasa ko nung nasa hospital ako. di ko sigurado kung ano – either yung “american gods” ni neil gaiman or yung “a soldier’s story” na world war II memoirs ni omar bradley. typical sa akin kasi na gawing bookmark ang mga paboritong larawan. mas typical din ang iwanan ang larawan sa loob ng libro pagtapos basahin. ulyanin kasi ako.

ESSENCE OF FISH

June 14, 2004

last entry ko na ito tungkol sa aking ruptured appendix. nagsasawa na ako sa kakakwento eh. pakiramdam ko para akong si eric quizon doon sa “crying ladies” nung paulit ulit niyang kinukwento kung paano namatay ang tatay niya. hehe… oo na. bakya ako, tulad ni AnP. idol ko kasi si hilda koronel simula nang mapanood ko siya sa “kung magarap ka’t magising“, ang aking all time peborit pinoy film. nakakatawa nga si hilda sa crying ladies bilang isang ex-actress whose claim to fame eh isa siya sa mga inapakan ng mga higante sa pelikulang “darna and the giants“. teka muna, asan na ba ako? nawala na… ah. last entry tungkol sa ruptured appendix. ok, tuloy ang kwento.

Read the rest of this entry »

WHATEVER FATE DECREES

May 25, 2004

CLICK TO ENLARGE. ngayon ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang bilis talaga ng panahon, parang kailang lang nagsisimula lang kami. isa sa mga paborito kong kanta ni john lennon ang “grow old with me“. simple lang ito na love song at ang unang dalawang linya ay galing sa tula ni robert browning na “rabbi ben ezra“. bakit ko ba ito nabanggit? nagsesenti lang ako. ngayon kasi ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang tagal na nga pala namin ano? almost double the seven year itch. pero parang kailan lang. nagsimula kami, supot pa ako pareho kaming struggling na college graduates at pilit na pinapagkasya ang maliit na kita. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay (pulipeyd!) at saka tuli na ako.

Read the rest of this entry »

Don Lorenzo de Modesto and The Prada Mama are proud to announce the arrival of their first baby daughter, REANNA LOREN SERENO last Thursday, May 13, 2004 at 9:15 in the evening. She weighed in at 7 pounds 9 ounces and was 18 inches in length.

congratulations to my perskasins. sa wakas naka babae na rin. hehe.

tinawagan ko kahapon ang mommy ko para batiin siya ng “happy mother’s day”, kahit against ako sa paghold ng mother’s day, father’s day, valentine’s day at lahat ng mga occasion na may “day” sa huli. mga commercial gimmick lang kasi ito to sell more cards, flowers at short time motel room rental. naniniwala kasi ang mommy ko sa mother’s day, kaya kailangan tawagan ko siya. hehe.

Read the rest of this entry »

habang nanonood ng “american idol” ang misis ko kanina (kunwari di ako nanonood para pa macho epeks. hehe), biglang nagpalabas ng max fried chicken commercial during the break. ito yung tungkol doon sa mag childhood sweetheart na nagsumapaan over a wishbone. naluha ako. miss ko na talaga ang pilipinas. commercial lang ng manok, nasesenti na ako. kung bakit kasi walang TFC dito. makakatanggal sana ito ng pagka homesick. may suspetsa ako… siguro ayaw nilang lagyan dito sa singapore ng filipino channel para hindi magbabad ang mga kababayan nating mga DH sa harap ng TV.

Read the rest of this entry »

ang aking mga pamangking dalaga kasama ang kanilang papa. from left to right: my nieces atty. sara and kim, brother-in-law rene, other neice paola. ang aking mga pamangkin kasama ang kanilang papa. from left to right: my nieces atty. sara and kim, brother-in-law rene, other niece paola. sayang at di nga nakasama ang kapatid nilang si angel. mukhang nag enjoy naman sila rito kahit mainit. nag blend nga sila sa crowd dahil mukha silang mga intsik mga magagandang intsik (pinapatay kasi ang mga pangit sa pamilya namin). masarap daw ang pagkain. pinatikim ko nga sila ng curry fish head…. “ay sheeet tito batjay, it’s so masarap” ang sabi nila. hehe.

sabi ni ate sassy lawyer, ang tanda ko na raw dahil puro dalaga nang mga pamangkin ko. hehe. di niya alam may mga apo na ako (sina tj at az, anak ng mga pamangkin kong sina donna at david). dahil maagang nag-landi nag-asawa ang ate kong si gigi at late na akong ipinanganak, mayron pa nga akong nephew (si denden) who is older than me by 4 months. bunso kasi ako at menopause baby pa. my mom had me when she was 42… yes viginia, i was an afterthought (at muntik nang di ipanganak).

TO VIEW THE WEB ALBUM OF MY MAGAGANDANG PAMANGKIN – click here

kuha naming dalawa ng mommy ko sa sentosa last friday. mukhang di nga napagod ang mommy ko. isang linggo na naming nilalakad ang mga attractions sa singapore eh parang ako pa nga ang nanlata in the end. at least, naipasyal namin siya rito at nag enjoy ng husto. kuha naming dalawa ng mommy ko sa sentosa last friday. mukhang di nga napagod ang mommy ko. isang linggo na naming nilalakad ang mga attractions sa singapore eh parang ako pa nga ang nanlata in the end. kahit pagod ako ngayon ay OK lang. at least, naipasyal namin siya rito at nag enjoy ng husto. sa almost 80 years ng kanyang existence, eto ang first time ng mommy ko na mag travel abroad. ang pinaka bukang bibig niya ay ang total absence ng pag intindi niya sa family home namin sa novaliches. sa isang linggong bakasyon niya rito, wala siyang ginawa kundi kumain, mamasyal at matulog.

as icing to the already tasty cake, tumawag pa ang sister kong si ester from florida. she and her husband randy have my other niece donna as their guest for easter at tumawag sila ng madaling araw kanina (next time aga-agahan niyo ha! napuyat ako hehehe.) for one reason or another, ang ate kong si ester ay matagal na naming di nakakausap. gaano katagal? taon ang binilang. almost 8 years to be exact. and it brought great joy to my mom na makausap niya ang kanyang prodigal daughter whom she hasn’t seen in ages. nagkaiyakan pa nga sila. thank you dear big sister for calling us up.

TO VIEW THE WEB ALBUM OF MOM’s SINGAPORE VACATION – click here

biyernes santo ngayon… ang init. etong isa sa nga seven last words na ankop sa akin: “i thirst”. hehe. punta kaming sentosa ngayon. doon kami magkakalbaryo.

my mom in singapore. yesterday, we went to the singapore zoo and the night safari. my mom had a great time.

here’s a pic of my mom here in singapore. kinuha ko ito sa loob ng zoo. halata bang 80 years old na siya next month? ok ngang makasama ang mommy ko rito. ever gracious pa rin siya at sobrang bait, pati mga waiter sa restaurant ayaw pag hintayin.

mommy ni batjay: “bayaran mo na ang kinain natin at naghihintay na ang waiter.”
batjay: “hayaan nyo lang yan maghintay mommy. kaya nga waiter ang tawag sa kanila eh.”

very observant din siya. kanina, nagpunta kaming suntec city para mag shop. napansin nga niya ang isang glaring na fact – kaunti lang ang mga babaing buntis.

mommy ni batjay: “apat na araw na ako sa singapore, wala pa akong nakikitang buntis.”
batjay: “gusto ko sanang gawan ng paraan yan mommy, kaya lang may asawa na ako.”

FAMILY in singapore... we went to Suntec City today to shop. from left to right: my sister Emy, Mommy, Kim, Paula, Rene and Sara.

marami kami ngayon dito sa singapore… sa picture, from left to right: my sister Emy, Mommy, nieces Kim and Paula, brother-in-law Rene and other niece, Attorney Sara.

narito na sa singapore ang mommy ko. she arrived yesterday with my sister emy, her husband rene and their daughter paola. my other nieces kim and sarah will plane in today from manila. i’ll try to post some pics before the weekend. in the meantime, kwento lang muna ako about my mom. here goes:

ang mommy ko ay 79 years old (turning 80 next month). nag-asawa sila ng daddy ko when she was 17. ak-shu-ly, nagtanan nga sila sakay sa trambia. eto yung LRT nung unang panahon. nabuntis siya with her firstborn gigi during the war. she doesn’t talk about it much these days pero alam ko, nahirapan sila during the japanese occupation. all in all, anim kaming magkapatid na inalaagaan niya. ako ang bunso. ang baby. ang peborit.


IN OTHER NEWS…for the first time this year, i’ve got my first non-travel related cellphone SMS spam. gardemet. the text message says “HOME FACIAL, BODY OR FOOT MASSAGE AT $20! STRICLY FOR WOMEN ONLY”. dang.

STILL OTHER NEWS…happy birthday to ate sienna, our good friend from west covina and the chief cook of the pansitan blogging community. ninang, sana maligaya na bati pa ang bertday mo!
Read the rest of this entry »

WEEKEND PARENTING

March 19, 2004

ang maugong na balita ngayon sa dyaryo dito ay ang patuloy na problema sa mababang birth rate ng singapore. in spite of all the incentives na bininigay para sa mga mag-asawa na magparami ng anak, di pa rin nila ma-abot ang kanilang target na 2.1 babies per married couple to sustain their growth. last year was a historic low with only 31,171 babies being born or something like 1.2 babies per couple, which is exactly the average dito sa aming office. lima ang singaporean na may may asawa. doon sa lima, isa lang ang may dalawang anak. the rest are couples with one child.

ang naririnig kong reklamo ng mga ka-opisina ko ay ang malaking gastos sa pagpapalaki ng kanilang anak. singaporeans (like filipinos) have close family ties at normal for children na magpatuloy tumira sa bahay ng kanilang mga parents until they get married (15% of singaporeans between the ages of 40-44 are single. wow!). mahirap din ang child care for parents who both work and cannot afford a full time nanny.

dahil pareho silang nagtatrabaho ng kanilang mga asawa, yung dalawa sa officemates ko resorted to having their newborn babies being taken cared of by other people. ganito ang ginawa nila: nag avail yung sila ng nursery services malapit sa bahay nila, para may mag-alaga ng kanilang anak during the weekdays. nandoon yung bata, araw at gabi from monday to friday. kinukuha lang nila pag biyernes ng gabi. tapos, they return the child sa nursery ng sunday evening. in effect, mga weekend parents lang sila.

don’t ask me how they do it. i mean, hindi ko alam kung paano nila na te-take na wala sa tabi nila ang kanilang anak. ganoon lang siguro talaga – you train yourself to bear the absence of your children para makamit mo yung mga pinapangarap mo para sa iyong pamilya. ganon din naman ang karamihan nating mga sellout na OFW di ba? naiiwan ang asawa’t anak sa pilipinas para magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya.