I READ THE NEWS TODAY, OH BOY

April 6, 2004

narito na sa singapore ang mommy ko. she arrived yesterday with my sister emy, her husband rene and their daughter paola. my other nieces kim and sarah will plane in today from manila. i’ll try to post some pics before the weekend. in the meantime, kwento lang muna ako about my mom. here goes:

ang mommy ko ay 79 years old (turning 80 next month). nag-asawa sila ng daddy ko when she was 17. ak-shu-ly, nagtanan nga sila sakay sa trambia. eto yung LRT nung unang panahon. nabuntis siya with her firstborn gigi during the war. she doesn’t talk about it much these days pero alam ko, nahirapan sila during the japanese occupation. all in all, anim kaming magkapatid na inalaagaan niya. ako ang bunso. ang baby. ang peborit.


IN OTHER NEWS…for the first time this year, i’ve got my first non-travel related cellphone SMS spam. gardemet. the text message says “HOME FACIAL, BODY OR FOOT MASSAGE AT $20! STRICLY FOR WOMEN ONLY”. dang.

STILL OTHER NEWS…happy birthday to ate sienna, our good friend from west covina and the chief cook of the pansitan blogging community. ninang, sana maligaya na bati pa ang bertday mo!

my dad and mom split up when i was 13 years old. mahilig sa chicks kasi ang daddy ko (na boses pa lang, laglag nang panty ng mga kababaihan). after splitting up, ginapang ng mommy ang pag-aaral ko hanggang sa nakapagtapos. di naman nabigo ang mga pangarap niya para sa akin dahil after working our butts off, jet and i now have our own house in antipolo. maganda ang trabaho ko rito sa singapore at bukod sa nakakapag ipon na ng pang retirement, nakakatulong pa kami sa pag-aaral ng iba naming mga pamangkin.

i may not have known in then, but we didn’t have much money and she must have sacrificed a lot just to see that i got my education. nanghiram siya ng pera sa kung sino sinong tao para lang ako makatapos. there was a time when she even approached the mistress of my dad and borrowed money. if that’s not sacrifice, i don’t know what is. let me put it this way: how far would you go para makapag-aral ang anak mo?

now, it’s a bit of payback time. jet and i are treating my mom for a weeklong vacation here in singapore. maligaya ako dahil mabibigyan namin ang mommy ko ng isang memorable na experience dito. kinuha ko ang calculator ko kanina at nag compute… wala pa sa katiting ang ginagawa namin ngayon sa sakripisyo niya para sa akin.

Advertisements

No Responses Yet to “I READ THE NEWS TODAY, OH BOY”

  1. Junnie Says:

    Damang dama ko ang pagmamahal ninyo ni jet sa inyong inang. Ganyan talaga yang mga magulang na yan at napakababait at mahirap mapantayan. kaya nga sa paminsang minsang pagsagot ko ng pabalang sa nanay ko nung bata pa ako, o di kaya’y pagtalikod ko habang kausap pa, paghihinagpis na tulad ng mga flagellants sa Good Friday ang feeling ko. Dinala ko rin sila sa Europa nung 2002, ang saya saya. Ang sabi ng nanay ko “di ko na ninais makapunta sa Baguio, sa tanda kong ito, ngayon nasa ilalim na ako ng di natapos na Eiffel Tower at bukas sasakay ng bangka sa Venezia!” Amen.Enjoy kayo diyan!


  2. maraming salamat ka junnie. next mission naman namin eh mga parents ni jet.

  3. kiko Says:

    Batjay saludo ko sa mommy nyo at sa lahat ng mabuting ina. God Bless sa inyo. Meron ba Holy week dyan? Enjoy and regards.


  4. mayron namang holy week dito kahit papaano. biyernes santo walang pasok. pero simula bukas naka leave na ako. ipapasyal kong mga mommy ko.

  5. tanya Says:

    grabe.. galing ng mom mo. gotta give it up for the mothers.. *clap clap* bilib ako sakanya. i’m glad to know that you get to give her an awesome vacation. that’s really sweet of you and jet. money doesn’t really matter but family does.

    i hope to take my mom on a trip to europe when i’ve earned enough money. that’s what i want to do for her. Then help my dad start his own restaurant. Yung ang gusto niyang retirement eh. Be a chef in his own resto. oh and he can cook!

    oh by the way… ang weird.. junk text! hehehe..i get that too.. from my own service provider. 🙂

  6. Tin Says:

    Payback time na nga para sa mga magulang natin. Di ko rin makakalimutan na tuwang-tuwa ang nanay ko nun ng dinala ko sya sa Bangkok na kami lang dalawa. We met with my Tita’s (mga kapatid nya) na nagt tour din noon sa Bangkok. The second time was dito rin sa Singapore. Sabi nga ng mother-in-law ko sa akin noon, mas masarap pag ang nagbibigay ay ang anak kay sa ang asawa. mas sweet daw. 🙂

  7. Tin Says:

    Ooops.. titas pala without the “‘s”. 🙂

  8. kiwipinay Says:

    kaya naman kayo pinagpapala, kasi mapagmahal kayo sa mga magulang nyo at matulungin kayo sa mga taong nasa paligid ninyo. ako rin, sunod kong project yan eh. kahit siguro sa singapore ko na lang yata muna madala nanay ko. kung kailan, di ko alam. mahal kasi pamasahe papuntang nz eh. weeehehehehehe!!!

  9. Dr. Emer Says:

    Kamusta sa mom mo pareng batjay. Grab every opportunity to make her happy.

  10. jennie Says:

    touched na touched ako pag nakakabasa ako tungkol sa magandang relasyon ng magulang at anak. maswerte ka batjay sa mommy mo at swerte din sha sa iyo. 😀

  11. ate sienna Says:

    uyyy.. thank you sa bati… Sana nag andito kayo ni ateng, ang saya sana.

    pero mas importante ng nandito kayo eh siempre, si inang sa Singapore!!!! ang sarap ng feeling ng napapasyal mo si inang sa singapore, ano, fafa? I can just imagine gaano kataba ang puso mong ilayag si inang sa mga lugar na pinupuntahan ninyo ni ateng jet at kinukwento sa kanya kung ano-ano ang ginagawa ninyo sa mga lugar na yun.

    hayyyy… sarap ng kasama talaga ang feyrents. di bale, ako malapit na ring makita ulit sina inang at itang ko…

  12. Jet Says:

    One thing that really marked Mommy as exceptional for me mylab, is the fact that when Daddy got sick, and he had nowhere else to go, Mommy took him back in and took care of him until his dying day.

    And it’s not even because she wanted anything from him. It’s just because in her mind and heart, it was the right thing to do. It’s the pure, unselfish, love of God in the flesh, and at work.

  13. BatJay Says:

    Hi Tanya! Tin-Tin! Doc Emer! Jennie! maraming salamat sa comments. tuwa nga ang mommy ko ngayon. nagpunta kaming orchard road tapos diretso kami sa zoo at night safari.

    ayun tulog na lahat sila. hehe.

  14. BatJay Says:

    hi ninang! sana nga nandyan kami pero ok lang. in spirit naman eh nasa tabi mo kami. ang tanong eh anong klasing spirit? holy spirit? wines and spirit? basta – mula sa puso ang pagbati namin sa iyo ni jet ng happy birthday.

    salamat sa bati mo sa mommy ko.

  15. BatJay Says:

    hi mylab. oo nga. i’ll make sure that i tell my dad’s story as well.

    gagawin ko na lang on his birthday this june. maraming mga pagkakamali ang daddy ko. kaya kailangan din ng malaking pang unawa to make things right. always remember that when you deal with your relatives and your loved ones.

    when daddy died, i made sure that everything was taken cared of. even if earlier i was a bit pissed of with what he did. in the end, it’s up to you to understand, forgive and do the right thing.

    and to mommy – wala, saludo ako. she really is exceptional.

  16. R Says:

    itago mo na yang calculator mo. kahit ano pang compute ang gawin mo, di matutumbasan ng $$$ ang mga sakripisyo ng magulang natin. ngayon ko lang yan na-realize, nung naging parent na rin ako. nakarating na rin mom ko dito, kaso sagot nya sariling expenses nya. later sana mai-blow-out ko din sila ng tatay ko, gaya mo. pautang nga, hehehe!!!

  17. carmela Says:

    hi mr. batjay! nakakatuwa namang makakilala ng mga taong tulad nyo na napakamapagmahal sa mga magulang, im sure pagpapalain pa kayo ng mas marami. Mas naappreciate ko rin ang mga parents ko noong naging mommy ako. Although Im not sure kung lahat ng magulang ganon. I believe you were just lucky to have her– responsible, hardworking parent, gagawin lahat para sa anak. Makapagtapos lang ng pag-aaral. Im sure masaya naman sya lalo na makikita nya bunga ng mga paghihirap nya.

    I saw you’re house on the pic, very beautiful! It seems you’re life is filled with so much blessings, you’ve got pretty and nice wife too… at isa pang nakakatuwa, nakilala ako ng isa kong batchmates ng college, si Tin… small world talaga! Thanks to Jet’s blog at nagkita ulit kami, sa net nga lang…

    Enjoy pamamasyal…happy easter sa buong family nyo dyan…

    i like your site, sarap magtagalog, heheh:)

  18. BatJay Says:

    hi PB. o nga, tinapon ko na yung calculator simula pa nung lunes. hehe. maraming bumbay dito, baka gusto mo ng 5-6.

  19. BatJay Says:

    hi carmela. salamat sa bati. ang dami na ngang mga nagkitang mga long lost friends sa site namin ni jet.

  20. Sassy Lawyer Says:

    Ha ha ha. Susunod nyan yung nagbebenta naman ng viagra. Ako puro artista-related na SPAM ang nakukuha ko araw-araw.


  21. hi ate kiwi. maraming salamat sa comments mo. tuwang tuwa nga ang mommy ko at nakarating na siya rito.

    hi ate sassy. so far, that was the 1st and last non-travel related spam. sana di na magtuloy. i heard singapore will pass some law about text based spam soon.

  22. pam Says:

    Nakaka touch….you surely gave your Mom a super duper memorable experience…super ganda ng Singapore…it’s a place where i want my children to grow up…malinis, civilize mga tao, what i like most is walang nananching sa train…(i forgot kugn anong tawag nila dun)..kahit rush hour at punuan ang train..ingat na ingat talaga sila na makasagi at walang unahan, well diciplined sila…kaya lang super ang Public Display of Affection ng mga kabataan.


  23. hey pam.

    thanks for the comment. yes, singapore is a nice and safe place for your children to grow up. yan ang isa sa mga una kong observation when i started coming here in the early 1990s.

    ingat!
    jay


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: