Grow old along with me, The best is yet to be ngayon ang ika labing apat na anibersaryo ng kasal naming mag-asawa. labing apat. packingsheet – seven year itch taymis two. bwahahaha. ang tagal na namin ni jet ano? pero hanggang ngayon masarap pa rin ang sex life namin. buti na lang. pero teka, taympers… bago tayo magpatuloy, imagine nyo na lang muna na tumutugtog ang “ode to joy” ni beethoven para mas madrama. ok, tuloy ang kwento: alam nyo, ngayong taon eh pakiramdam ko, maraming magbabago sa buhay namin ni jet. parang natatakot nga ako dahil hindi ko alam what the future will bring. i just take comfort in the fact na sa 14 years naming pagsasama, wala kaming hinarap na hindi namin nalamapasan with flying colors. in fact, di ba, nagsimula nga kaming magsama eh wala kaming ka pera pera at hindi na nga kami nakapag pakasal sa simbahan. doon lang kami sa munisipyo ng kalookan sama ang dalawang kaibigang naging ninong at witness.

Grow old along with me, The best is yet to be tapos ang reception pa namin ay sa jollibee sa sangandaan ginawa. kaming dalawa lang ni jet – chicken joy at french fries with large coke and extra rice lang ang handa. pagtapos ng kasal, nakitira lang kami sa mga mommy ko at nakituloy sa isang maliit na kwarto na may single bed. simple lang. siguro kaya rin kami naging close na mag asawa: kasi pag nag-away kami, hindi pwedeng hindi kami mag bate bago matulog dahil pang isahang tao lang ang kama. wala kang tatakbuhan kaya mapipilitan kang makipag areglo. hehe. nakakatawa nga – ngayon, king size na ang kama namin pero magkadikit pa rin kaming matulog. and just as well. you don’t know what hapiness is hanggang hindi mo nararamdaman kung papaano gumising sa umaga na katabi ang mahal mo na nakaakap ng mahigpit sa iyo. yun yung sinsasabi kong mga maliliit na bagay na pag pinag dugtong dugtong mo ay nagiging isang makabuluhang pagsasama. may request nga pala ako, punta naman kayo sa website ni jet at mag iwan kayo ng comment. sabihin ninyo, inutusan ko kayong magpunta roon para batiin siya ng isang happy 14th year wedding anniversary. sa pagsasama kasi namin, napakalaki ng naitulong niya para marating namin ang narating namin. hindi man kami mayaman sa salapi, eh busog naman kami sa pagmamahal. at malaking bagay dito ay dahil sa aking mylabopmayn.

Read the rest of this entry »

Advertisements

WHATEVER FATE DECREES

May 25, 2004

CLICK TO ENLARGE. ngayon ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang bilis talaga ng panahon, parang kailang lang nagsisimula lang kami. isa sa mga paborito kong kanta ni john lennon ang “grow old with me“. simple lang ito na love song at ang unang dalawang linya ay galing sa tula ni robert browning na “rabbi ben ezra“. bakit ko ba ito nabanggit? nagsesenti lang ako. ngayon kasi ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang tagal na nga pala namin ano? almost double the seven year itch. pero parang kailan lang. nagsimula kami, supot pa ako pareho kaming struggling na college graduates at pilit na pinapagkasya ang maliit na kita. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay (pulipeyd!) at saka tuli na ako.

Read the rest of this entry »

jayjetfs
happy 12th anniversary mylab. ang bilis ng panahon. kala mo kahapon lang eh inimbita ako ni alma para sa isang party sa damong-maliit, novaliches. pangalan pa lang ng luger eh exciting na. kung pumunta raw ako eh mayron daw ipapakilala sa akin na “hot date”. fresh out of university at walang kalatoy latoy ang lovelife, eto naman akong si mahilig… eh di siyempre payag agad. night of the party, excited akong makilala ang aking hot date. pasok sa bahay at sinalubong ng isang masungit na daddy.

“good evening sir”, ang bati kong may kasamang pa-kyut na ngiti.

“hrrrmpppf”, ang sagot niya at tiningnan ako ng masama.

Read the rest of this entry »

tomorrow, 25 may 2002, holiday rin sa pamilya dahil 11th wedding anniversary namin ni jet. wow… it’s been a long trip man! pero di bad trip ah. hehehe… naalala ko pa nung kasal namin, a long long time ago. nasa labas kami ng munisipyo ng kalookan kasama ang ninong ko – ang pangalan niya ay si Dr. Boyet Silverio (kilala nyo ba siya? hehehe), at ang isa ko pang ninong na si mael (hindi siya malibog ha!).

kaming dalawa lang ni jet, kasi simpleng kasal lang ang gusto namin. ni wala ngang kamag-anak, kahit parents namin eh wala… wala kasi akong pera nung araw. nag sisimula pa lang kaming mag-ipon. reception nga ng kasal namin eh sa jolibee lang. nung panahong iyon kasi, pang jr. champ with fries at chicken joy lang ang budget namin. doon pa nga ata kami kumain sa sangandaan. at saka, kaming dalawa lang ni jet, di ko na inimbita ang 2 ninong namin – gastos lang iyon.

wala rin sing-sing, kasi walang pambili. isipin mo, ang suweldo ko nung panahon na iyon ay 2,000 pesos per month. kulang pa ngang pagkasyahin sa pamasahe at pagkain papuntang trabaho, sing-sing pa makakabili. dehins pre. inisip ko na lang, kung mayrong diyos – maiintindihan niya, dahil hindi naman siya tumitingin sa mga bagay na walang kabuluhan.