Grow old along with me, The best is yet to be ngayon ang ika labing apat na anibersaryo ng kasal naming mag-asawa. labing apat. packingsheet – seven year itch taymis two. bwahahaha. ang tagal na namin ni jet ano? pero hanggang ngayon masarap pa rin ang sex life namin. buti na lang. pero teka, taympers… bago tayo magpatuloy, imagine nyo na lang muna na tumutugtog ang “ode to joy” ni beethoven para mas madrama. ok, tuloy ang kwento: alam nyo, ngayong taon eh pakiramdam ko, maraming magbabago sa buhay namin ni jet. parang natatakot nga ako dahil hindi ko alam what the future will bring. i just take comfort in the fact na sa 14 years naming pagsasama, wala kaming hinarap na hindi namin nalamapasan with flying colors. in fact, di ba, nagsimula nga kaming magsama eh wala kaming ka pera pera at hindi na nga kami nakapag pakasal sa simbahan. doon lang kami sa munisipyo ng kalookan sama ang dalawang kaibigang naging ninong at witness.

Grow old along with me, The best is yet to be tapos ang reception pa namin ay sa jollibee sa sangandaan ginawa. kaming dalawa lang ni jet – chicken joy at french fries with large coke and extra rice lang ang handa. pagtapos ng kasal, nakitira lang kami sa mga mommy ko at nakituloy sa isang maliit na kwarto na may single bed. simple lang. siguro kaya rin kami naging close na mag asawa: kasi pag nag-away kami, hindi pwedeng hindi kami mag bate bago matulog dahil pang isahang tao lang ang kama. wala kang tatakbuhan kaya mapipilitan kang makipag areglo. hehe. nakakatawa nga – ngayon, king size na ang kama namin pero magkadikit pa rin kaming matulog. and just as well. you don’t know what hapiness is hanggang hindi mo nararamdaman kung papaano gumising sa umaga na katabi ang mahal mo na nakaakap ng mahigpit sa iyo. yun yung sinsasabi kong mga maliliit na bagay na pag pinag dugtong dugtong mo ay nagiging isang makabuluhang pagsasama. may request nga pala ako, punta naman kayo sa website ni jet at mag iwan kayo ng comment. sabihin ninyo, inutusan ko kayong magpunta roon para batiin siya ng isang happy 14th year wedding anniversary. sa pagsasama kasi namin, napakalaki ng naitulong niya para marating namin ang narating namin. hindi man kami mayaman sa salapi, eh busog naman kami sa pagmamahal. at malaking bagay dito ay dahil sa aking mylabopmayn.

Read the rest of this entry »

Advertisements

GENTLE READER: dear unkyel batjay, gusto ko lang po kasing magtanong. mag aasawa na po ako this year – ano ba ang dapat naming gawin ng boypren ko para tumagal kami ng tulad ng pagsasama ninyo ni ma’am jet?

BATJAY: buti naman at natanong mo iyan gentle reader. una sa lahat, masaya na ako kasi narito na nga sa singapore ang mylabopmayn ko after 4 months naming paghihiwalay kaya tapos nang maliligayang araw ko sa pagjajakol. alam mo, parati na lang tinatanong sa akin ang sikreto ng isang relationship. ang parati ko namang sagot ay – ewan ko. i guess it’s the small things na ginagawa ninyo sa isa’t isa na pag pinagdugtong dugtong mo ay makakabuo ng isang napakaganda’t makulay na tapestry. sabi ng kaibigan kong matanda sa akin eh kailangan daw ng Ajinomoto sa isang relationship. dapat daw kasi parating malasa ang inyong pagsasama para di madaling magsawa. siyempre, importante rin ang sex. kaya kayong mga kalalakihan, huwag puro slam bam thank you ma’am. kailangan matagal ang foreplay at sabi nga ng mga kaibigan kong babae eh kailangan daw huwag mag premature ejaculation. importante rin ang sense of humor sa pagsasama. kailangan sa gitna ng adversity ay may tawanan pa rin. pero kailangan pag nag premature ejaculation ay walang tawanan.

narito na ang mylabopmayn ko sa singapore pagtapos ng humigit kumulang ay mga apat na buwan din naming pagkakalayo. masakit talaga ang mawalay sa mahal mo sa buhay. pero sa isang banda, maigi rin ito dahil nalalaman mo talaga ang halaga ng isang tao pag siya’y wala sa tabi mo (kahit sandali lang as in our case – but it did feel like an eternity). minsan kasi you tend to take for granted, the things that matter the most to you simply because you see them everyday. separation, my dear friends, makes sure you never ever forget. sabi nga ni janice jurado kay johnny wilson doon sa sitcom of my childhood – “johnny baby, what are you taking me for? GRANTED?”

may nakakatawang nangyari sa amin kaninang madaling araw nang sunduin ko si jet – nakarating kami ng bahay from the airport carrying the wrong maleta. siguro dahil na rin sa over excitement namin or sa pagkapagod ko. perhaps both. we ended up going to the airport twice dahil we needed to return the wrong bag and reswitch. kaya pala biglang naging two wheels yung four wheel maleta namin. for a moment there, akala ko na-maligno ang suitcase. pero ok lang. masaya naman kaming nakauwi (ng dalawang beses din siyempre).

baka may kaunting oras kayo ngayon para magbasa, dalaw kayo doon sa community website namin na “The Rebels Without Because“. nabanggit ko na previously di ba na each of the thirty three members post entries on a common topic. nasa homestretch na kami ng second topic tungkol sa pag-ibig at masaya na naman ang talakayan doon. basahin ninyo kung papaano umiibig ang mga kuya at ate ninyong mga forty something. some of the stories are funny, yung iba ay serious, yung iba naman ay dreamy but all are interesting.

yung entry ko sa “PERSLAB” entitled “NADAAN AKO SA TAWA” ay tungkol sa unang pagkikita namin ng asawa kong si jet at kung papaano akong nabighani sa napakalakas niyang tawa. iba rin ang epekto talaga ng humor sa pagsasama ng mag-asawa. kung walang tawanan sa relationship ninyo – patay. bagsak agad ang bataan. seventeen years na pala kaming magkakilala this april. not bad ano, for a relationship that started with laughter (or is it “a relationship that was started by laughter“). don’t get me wrong, masarap pa rin ang sex life namin, even if we’re in our fourties. in fact, it’s been fantastic (malibog kasi ako eh). oragon (sa bicol). pero iba talaga pag nagsasama kayo at parating may tawanan. sometimes it’s better than sex.

CLICK TO ZOOM. FROM LEFT TO RIGHT, FRONT TO BACK: (FRONT) SARA, RINA, CHRISTINE, (BACK)EDER, LEAH, JET, OWEN punong puno ng action ang friday ko. muntik na akong hindi nakasama sa bintan, indonesia para sa aming weekend getaway. nakalimutan ko kasi na yung passport ko ay nasa indian embassy. kumukuha ako ng visa dahil may trip ako sa curry land ng end of the month. alas singko ng hapon ay kumakaripas ako ng takbo sa opisina ng travel agent namin upang makuha ang passport ko. nakuha ko ng six. uwi ng bahay at diretso sa ferry terminal kasama sina leah, eder at jet ng seven o’ clock. photo finish. tapos nagsuka ako from start to end sa loob ng ferry. ang yabang yabang ko pa – kain ako ng kain ng tuna sandwich kahit maalon. nakikipag biruan pa’t pakanta kanta. one moment normal ako, the next moment para akong naglilihi. hindi pala maganda ang pakiramdam ng sumusuka sa toilet bowl habang hinahataw ang katawan mo left and right ng malakas na alon. pakiramdam ko eh parang akong na rape ng tatlong sumo wrestler. hah! akala ko ay malakas ang sikmura ko. hindi pala. pero yon lang naman ang masamang nangyari sa buong trip. the rest of the weekend was a blast. one word: PAKINGSHEET ANG SARAP. ay, three words pala. hehehe.

Read the rest of this entry »

happy birthday mylabopmayn happy birthday mylabopmayn. bukas kasi ang 41st birthday ng asawa kong si jet. siyempre mukha pa rin siyang 28 years old at para nga siyang bumabata every year. di tulad kong tumatandang kalabaw. some girls have all the luck. pero masuerte nga si jet. ever since pinanganak siya ay parang may nagbabantay na sa kanyang anghel dela jaguar. ang tutuong pangalan ni jet ay theresa hazel. ang ganda ano? paano ito naging jet? siyempre may story behind every name. here’s hers… pinanganak si jet ng less than nine months. hindi sa taxi pero muntik na. kasing laki raw siya halos ng kuto ng siya ay lumabas at super bilis. one moment nasa loob siya ng tiyan ng mommy niya, the next moment humahalakhak na siya sa kama. hanggang ngayon humahalakhak pa rin siya, which is one of the things i like in her. if you’ve met her, you’ll know what i mean. she has a laugh that is infectious – parang bubonic plague. nakakahawa! asan na ba ako? ah, ok… oo nga. pinangalan nga si jet na jet dahil para siyang jet na dumating sa mundo: super bilis. ito siguro ang isang dahilan kung bakit kami compatible. kasi siya ay premature baby at ako naman ay premature ejaculation. buti na nga lang at magaling akong mag tumbling tumbling nung sperm pa lang ako at nakaabot din ako sa paroroonan. hanggang ngayon, dala ko pa rin ang talent na ito kasi magaling akong mag tumbling sa kama. but that is another story.

Read the rest of this entry »

gusto ko lang i feature ngayon ang poetry ang aming kaibigang si belle. matagal na naming hinihintay ni jet ang mga bago niyang tula. busy kasi ang lola natin sa pambansang paaralan. busy rin ba sa kakapanood ng oblation run? after a long wait however, naka publish na sa kanyang “Short*Poetry” website ang mga bagong katha.

si belle ay talagang pinagmamalaki namin dahil her work has been featured in a number of poetry sites. more importantly, some of her poems were published recently in a book called “the sakura anthology of haiku poems. isa pa ay maganda siya, mabait at nanglilibre pag pinupuri mo. punta kayo sa poetry site ni belle and enjoy her work.

belle, bilang tribute sa iyo. gumawa ako ng haiku. eto…

may isang palaka
tumalon sa inodoro
nakulong sa septic tank

CLICK TO ENLARGE. old pictures... punong puno ng ala-ala of days gone by. i remember when this photo was taken. kagagaling lang namin sa simbahan at sinusubukan ko ang bagong bili na SLR camera. that was many moons ago. no, to be quite frank, that was many pounds ago. old pictures… punong puno ng ala-ala. i remember when this photo was taken. sa bahay ito ng mommy ko sa novaliches. dito pa kami nakatira nung araw. siguro mga 1994 ito, kagagaling lang namin sa simbahan ni jet at sinusubukan ko ang bagong bili na camera. that was a long time ago. correction, that was many pounds ago. much younger, bolder, reckless at wala pang masyadong pakialam kung anong mangyayari sa hinaharap. parang kanta ni springsteen: “at night we ride through mansions of glory in suicide machines… ’cause tramps like us, baby we were born to run.”

nakita ko ang litratong ito na nakaipit sa isang lumang librong binabasa ko nung nasa hospital ako. di ko sigurado kung ano – either yung “american gods” ni neil gaiman or yung “a soldier’s story” na world war II memoirs ni omar bradley. typical sa akin kasi na gawing bookmark ang mga paboritong larawan. mas typical din ang iwanan ang larawan sa loob ng libro pagtapos basahin. ulyanin kasi ako.

ESSENCE OF FISH

June 14, 2004

last entry ko na ito tungkol sa aking ruptured appendix. nagsasawa na ako sa kakakwento eh. pakiramdam ko para akong si eric quizon doon sa “crying ladies” nung paulit ulit niyang kinukwento kung paano namatay ang tatay niya. hehe… oo na. bakya ako, tulad ni AnP. idol ko kasi si hilda koronel simula nang mapanood ko siya sa “kung magarap ka’t magising“, ang aking all time peborit pinoy film. nakakatawa nga si hilda sa crying ladies bilang isang ex-actress whose claim to fame eh isa siya sa mga inapakan ng mga higante sa pelikulang “darna and the giants“. teka muna, asan na ba ako? nawala na… ah. last entry tungkol sa ruptured appendix. ok, tuloy ang kwento.

Read the rest of this entry »

WHATEVER FATE DECREES

May 25, 2004

CLICK TO ENLARGE. ngayon ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang bilis talaga ng panahon, parang kailang lang nagsisimula lang kami. isa sa mga paborito kong kanta ni john lennon ang “grow old with me“. simple lang ito na love song at ang unang dalawang linya ay galing sa tula ni robert browning na “rabbi ben ezra“. bakit ko ba ito nabanggit? nagsesenti lang ako. ngayon kasi ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang tagal na nga pala namin ano? almost double the seven year itch. pero parang kailan lang. nagsimula kami, supot pa ako pareho kaming struggling na college graduates at pilit na pinapagkasya ang maliit na kita. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay (pulipeyd!) at saka tuli na ako.

Read the rest of this entry »

habang nanonood ng “american idol” ang misis ko kanina (kunwari di ako nanonood para pa macho epeks. hehe), biglang nagpalabas ng max fried chicken commercial during the break. ito yung tungkol doon sa mag childhood sweetheart na nagsumapaan over a wishbone. naluha ako. miss ko na talaga ang pilipinas. commercial lang ng manok, nasesenti na ako. kung bakit kasi walang TFC dito. makakatanggal sana ito ng pagka homesick. may suspetsa ako… siguro ayaw nilang lagyan dito sa singapore ng filipino channel para hindi magbabad ang mga kababayan nating mga DH sa harap ng TV.

Read the rest of this entry »

NEW LAYOUT

March 15, 2004

maraming salamat sa ninang kong si ate sienna, ang chief cook ng “Pansitan.net – Ang Tambayan ng Bayan”. ang bagong layout na ito ay nagmaterialize through her manilena web designs. ang galing galing galing mo talaga ninang.

ang ganda ng caricature ni jet ano po? siyempre ang guwapo ko rin. sa mga di nakakakilala sa akin, ako yung mukhang aso sa may upper left ng screen. yung katabi ni jet sa caricature ay ang kapatid na bunso ni tom cruise.

maraming salamat din kay boss idol dengcoy miel for the cartoon. siya ang kaibigan naming pinoy na world class artist who works for the singapore straits times.

HAPPY BIRTHDAY MYLAB

January 15, 2004

bilang parangal sa iyo, muli kong ilalathala ang ating lab istori. i hope ya don’t mind.
ANG LAB ISTORI NI JAY EN JET
mahigit 12 years na kaming mag-asawa ni jet. siya ang kasama ko through thick and thin, from relative obscurity to obscurity. hehe. from hand to mouth to a bit of prosperity, from struggling engineer earning 2000 pesos a month to struggling engineer earning more than 2000 pesos a month. nakilala ko si jet pagkatapos kong magtapos ng college, wala pa akong trabaho nung time na yon pero alam ko may mararating ako.

niligawan niya ako at sinagot ko naman siya. hehehe. kinasal kami sa munisipyo ng kalookan dahil wala kaming pera. ni wala ngang pambili ng sing-sing. ni wala ngang pang handa. sa jolibee sangandaan lang kami kumain, di na namin inimbita ang mga ninong. gastos lang sila. from humble beginnings, we’ve managed to create a small place of refuge we call home.

bakit ko ba sinasabi lahat ito? wala lang. i just want to honor her on her 40th birthday. wala lang, kasi, naniwala siya sa akin. siya ang nasa tabi ko nung naghihirap pa ako. siya ang kasama ko hababng unti unti naming napa-angat ang aming buhay. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay. marami na kaming mga natutulungan na tao. we’re doing ok. we have each other. we’ve always had each other through all the struggling years. we’ll always have each other till we grow old, start to smell amoy lupa, become kulubot, lose our hair, turn into dust (in the wind), rage against the dying of the light, “forever alter our aspect to the sun”.

bilang regalo sa kanyang kaarawan, bibigyan ko siya ng engrandeng bakasyon. happy birthday mylab – lab U!

AWIT PARA SA MYLAB KO

August 7, 2003

isang awit para sa mylab kong natutulog ngayon. ay! nagising na pala at kasalukuyang nagbubukas ng oolong tea sa may kusina. hoy, mylab… this is my heartsong to you! lab-U.

naka leave ako ngayon kasi nag-parenew kami ni jet ng employment pass. 

narito na ako sa hotel after spending the whole day with lau, vivien and tien. nagpunta kami sa “zhouzhuang”, isang traditional at very ancient chinese town sa labas ng shanghai. according to the brochure, this town was founded in 1086 (wow!) by a guy named zhou di and has been functioning for the past 900 years.

SHANGHAI-2003-087

the town is commonly called as the “venice of the far east” because it is surrounded by canals. mayron din silang mga gondola, at ang mga boatwomen (tama ka, mga babae ang mga capitan ng bangka) ay kumakanta rin. hindi na kami sumakay at baka mapakanta lang ako ng “sana’y wala nang wakas” kasi naalala kita eh.

SHANGHAI-2003-045

na-preserve nilang halos lahat ng mga bahay sa town at ang ganda. pakiramdam ko eh ako si jet li na naglalakad sa isang siyadad na nakalimutan na nang panahon sa pelikulang “once upon a time in china part 45” (cousin yi! cousin yi! hehehe). lahat ng mga maliliit na shop eh may mga abubot na tinitinda at kung kasama lang sana kita eh ang dami nating mabibili na mga walang kwentang bagay na pwedeng idisplay sa bahay.

binili kita ng isang abubot na pwedeng ilagay sa collection mo. ibinili ka rin ni vivien nang isang porcelein na music box na may kasama pang dedication na “tell jet i miss her so much! i want her to come to shanghai so we can go out together for shopping!”. pag punta raw natin sa hainan sa october ay dumaan daw tayo sa shanghai para maipasyal ka niya.

si tien ay masarap na ngayong kasama dahil ang daldal na niya. parati pang naglalambing at parati kang hinahanap sa akin. uuwi raw siya sa singapore para makita ka niya. hehehe… 3 years old na rin ang bata at pag kinakausap ako eh english na may halong mandarin.

SHANGHAI-2003-077

nag-usap na kami ni tom at nagpasyal raw siyang mag-isa sa forbidden city ngayong umaga. malamang ay nasa silk street sila ngayon nina gk at namimili ng mga damit at souvenier. sana makapasyal din siya sa great wall para masulit ang trip niya from the us.

bukas ay diretso na kami ni lau sa beijing. alis kami rito sa hotel ng 6:45 at ang flight namin at 8:00 am. medyo maaga pero ok na rin yon para di masyadong mainit. nag bilad ako ngayong araw na ito sa init at kutis betlog na naman ako. hehehe… dating kami doon ng mga past 10 siguro at maghahanda na kami sa conference. after tuesday ay tapos nang china leg at…. tantararan! magkikita na ulit tayo ng wednesday!!! yehey! miss na miss na kita eh.

sige my lab. ingat ka na lang diyan. huwag magpapagod at magpupuyat masyado. till wednesday. lab-U!

HELLO FROM CHINA MYLAB!

July 25, 2003

hello my lab. nandito ako ngayon sa shanghai office at nakikigamit ng computer. kinakamusta lang kita… sana ay nasa mabuti kang kalagayan at hindi masyadong malungkot. alam ko naman na pinasasaya ka ng mga online friends mo. may email nga pala si alma. nasagot mo na ba siya?

sinilip ko ang blog site natin dito at wala talagang access. sa tingin ko eh blocked ito sa china – siguro maraming mga blog site na against the government kaya hinarang nila lahat ng mga may website extension na “blogspot.com” – sinubukan ko na sa lahat ng mga iba ibang ISP, harang talaga. di ako tuloy makapag padala sa iyo ng message. ang nakakatawa rito ay nakakapag blog ako through blogger.com pero di ko mapuntahan ang site sa blogspot.com – iniisip ko baka somewhere in the blogger world eh may site na…

“mao-tse-tung-is-a-pickled-relic.blogspot.com”

anyway, naglunch kami kanina at umuwi na si steve pabalik sa states. si tom naman ang on the way to beijing at magkikita kami sa weenend. ok naman si steve at masarap ding kasama. di rin siya umuurong sa mga asian food. tingnan natin si tom sa beijing kung makakain ng mga pritong bulate, tipaklong at scorpion.

sige mylab, ingat ka na lang diyan. have a nice weekend at ilang araw na lang uuwi na ako. weekend:ano bang gagawin namin dito? di ko alam kung anong hinanda ni lau para sa amin. siguro pasyal o kaya shopping. tingnan na lang natin. binili nga pala ako ni lau ng golf set. mura lang at maganda ang quality na fake callaway. yung halagang $3000 na original eh $200 lang dito na copy. bayaran ko na lang daw pag may pera ako. sabi ko thank you, sabay kuha sa set. may bag itong kasama at travelling case.

lab-U!
jay

PI-JUNE-03-078

sina jet, darlene at lani. tatlong itlog o tatlong maria… bahala na kayo. nagsasaya ang tatlong magkapatid sa bahay at nagkakantahan.

PI-JUNE-03-015

ito na ngayon ang hitsura ng bahay sa antipolo, almost 2 years after lumipat kami sa singapore. malalaki nang mga halaman ko. medyo wild na rin ang ibang mga tanim. ok lang yon siguro. wild rin naman ako. malapit nang mag-sunset nang kinuha itong larawan…my favorite part of the day. sina jet ay nasa loob ng bahay at naghahanda nang hapunan. ako naman ay umiinom ng iced tea at naghahanda nang magdilig.

di talaga ako magaling sa housework. at least, not at par with the meticulous and very high standards of jet. para sa kanya, dapat fresh smelling at mabango ang labada (na di ko magawa), yung sahig dapat spotless na halos madulas ka (na di ko magawa), pag may nahulog na abubot ay magagalit siya (parati kong ginagwa). those sort of things. it is an understatement to say na control freak siya sa bahay.

Read the rest of this entry »

nagpakapagod kang magtrabaho sa ibang bansa. bawat araw na lumilipas ay nagdaraang mabilis, tapos gising ka na lang isang umaga, nasa pilipinas ka na. kahapon ng umaga nasa singapore ako, pagkatapos ng pananghalian, nandito na ako sa bahay sa antipolo. parang milagro. isang iglap lang biglang nagbago ang itsura ng mundo ko.

dito kami natulog sa sala ni jet, kagabi. naglatag lang kami ng kutson at nagbaba ng unan. kinaugalian na namin ito nung dito pa kami sa pilipinas nakatira. sina kuya bong, darlene at lucas ang sumundo sa amin. dito na rin sila natulog at pinagamit namin ni jet ang aming bedroom. katabi namin sa higaan si datu, ang aming alagang mini-pinscher.

dumalaw din nga pala sina jun alferez, si edwin narciso at si mon rivera, ang aking mga classmate since kinder (1971) at long time friends. uminom kami ng isang case at kalahating san mig light, ang aming drink of choice since last year. gumawa rin si anna banana ng “menstruation dish” (dinuguan), pansit at sinigang na baka na siyang dinner/pulutan namin. nagpabili rin ako ng andok’s liempo ng tatlong beses dahil na-miss ko ang lasa ng inihaw na baboy ng anim na buwan. umuulan kagabi at sa garahe kami nag-inuman.

nagpunta rin sina lolet at ang kanyang mister na si sir bong at kanilang mga anak. sila ang aming mga kapitbahay rito at siyang umaalalay sa bahay namin habang wala kami. dito na rin sila naghapunan.

masaya ang unang araw namin sa pilipinas. binisita ng mga kaibigan at kamag-anak, narito sa aming sariling tahanan at natulog ng mahimbing sa isang malamig at maulan na gabi.

jayjetfs
happy 12th anniversary mylab. ang bilis ng panahon. kala mo kahapon lang eh inimbita ako ni alma para sa isang party sa damong-maliit, novaliches. pangalan pa lang ng luger eh exciting na. kung pumunta raw ako eh mayron daw ipapakilala sa akin na “hot date”. fresh out of university at walang kalatoy latoy ang lovelife, eto naman akong si mahilig… eh di siyempre payag agad. night of the party, excited akong makilala ang aking hot date. pasok sa bahay at sinalubong ng isang masungit na daddy.

“good evening sir”, ang bati kong may kasamang pa-kyut na ngiti.

“hrrrmpppf”, ang sagot niya at tiningnan ako ng masama.

Read the rest of this entry »

DEAR MYLAB,

May 22, 2003

Kamusta ka na? I hope you are alright upon recieving this wonderful letter… of mine. hehehe. Parang introduction ng isang grade school student nung pinagawa siya ng teacher niya sa English ng assignment: “Write a letter to your best friend about how you spent your summer vacation”.

Unang alis ko dito pala sa isla in 3 months ano? Nakakapanibago. Swabe naman ang byahe ko – simula sa taxi from home to airport hanggang sa flight at bus ride papuntang hotel. Iba ang aura ng Changi International Airport ngayon, siguro dahil konti lang ang bumabyahe dahil sa SARS. Subdued, medyo malungkot. Tulad ng nakagawian ko, tuwing umaalis, bumibili ako ng libro sa bookstore ng airport para mabasa sa flight . Ang napili ko ngayon ay yung “Kitchen Confidential” ni Anthony Bourdain. Siya yung nasa Discovery Travel and Adventures, yung cook na taga New York na umikot sa buong mundo para ma-experience ang mga iba-ibang pagkain. Anyway, uneventful ang 6 hour flight to Seoul, the way I want it to be.

Read the rest of this entry »

iniimbita ko nga pala kayong lahat sa 12th wedding anniversary namin ni jet sa linggo. samin nang lahat ng pagkain at inom, basta punta lang kayo sa flat namin. alis lang ako sandali, pagbalik ko, SAGOT KO KAYONG LAHAT!

CHINA_071

ang pag-pasok ng linggong ito ay medyo exciting na naman. since medyo tapos na ang SARS dito sa singapore, pwede na ulit mag-travel. medyo matagal na rin kaming na buro sa opisina. ang huli kong byahe ay nung february pa. yung boss ko ay nauna na ngayong gabi papuntang tokyo, we will hook-up on friday in seoul, korea. my flight leaves on wednesday. iwan ko ulit si jet dito sa singapore hanggang sa pagbalik ko sa sabado.

Read the rest of this entry »

Gusto ko lang i-dedicate ang susunod na awitin sa aking maybahay na si Jet, ang ex-nurse na may kaakit-akit. mylab, para sa iyo itong susunod na kanta ng Allman Brothers Band, na pinamagatang “Blue Sky”. hehehe… para tayong may programa sa radyo.

Read the rest of this entry »

natutulog ngayon si jet, pagod sa kakaplantsa. wawa naman baby ko. alam ko na – ipagluluto ko siya ng spaghetti! at saka fried chicken! at saka kanin! at sala nilagang baka! bwa-ha-ha-ha. sandali lang naman itong gawin kasi… ipapa-init ko na lang! ngya-ha-ha. puro tira-tira lang na ulam namin nung isang linggo kasi ang ulam namin ngayong linggo! he-he-he… isang microwave ka lang! ngya-ha-ha

ang pag-iisip ang siyang nagbibilang.

THE RING

April 22, 2003

uy, alas 12 ng madaling araw nag-ring ang telepono. aking inangat habang nanginginig ang kamay. pinaka ayoko sa lahat eh kiriring ng telepono sa madaling araw. aatakihin ako sa puso nito eh… si jet lang pala. binibiro ako. tumawag sa cell phone nya sa kwarto namin at pinapatulog na ako. hehehe.

ADOBO POWER

February 23, 2003

linggo ngayon ng gabi sa singapore. umalis ang mga bisita namin para kumain at magshopping. dalawa lang kami ni jet dito sa flat. masaya – tahimik eh. at saka may oras na akong magpahinga kahit papano. maaga kaming natapos kanina sa training. sarap ngayon ng aking free time. madilim na sa labas, pinapanood ko si bata reyes sa star sports habang hinihintay na maluto ang kanin. nagluto si jet ng adobo at sigurado na marami akong makakain ngayon. sarap…bukas, kayod na naman pero matagal pa iyon eh. ngayon, lalasapin ko muna ang baboy na may halong taba, malinamnam na sarsa at mainit na kanin.

BLOG NI JET SA BLOG KO

February 23, 2003

teka lang ha… wag kayo hihinga… nag-iisip pa Papa ko… hehehe…

TURNING JAPANESE, PART 6

February 16, 2003

schedule ko bukas my love…

9:00 check out and go to wonderware office.
9:00-12:00 meeting with wonderware staff
12:00-1:00 lunch
1:00-1:30 travel to seminar venue
1:30-3:00 seminar
3:00-5:00 travel to airport
5:00-7:00 wait for flight
7:00-1:20 flight to singapore
1:20-2:00 immigration, bag check, etc.
2:00-2:20 travel to bahay
2:20 YEHEY, kita na ulit tayo!!!!

Read the rest of this entry »