THIS IS THE FUTURE OF AUSTRALIA! HEHEHEHEHE. nakakainis pala ang mga binitawang mga salita ng gobyerno ni howard the duck ano? funny, dahil kagagaling ko lang sa sydney at wala akong na encounter na ano mang predijuice – este prejudice from the natives. in fact, one of the reasons why i love australia ay dahil napaka warm ng mga tao rito. everybody was great, period. credit din sa mga australians – maraming tao ang opposed sa aggressive stance nina howard. pero siyempre, hindi ito excuse sa binitawan ng gobyerno nila, at tama lang na mapikon tayo doon sa “marshmallow” comment ng kupal na downer na iyon. tangina kasi, akala mo kung sinong mga bully. kinokopya ang style ni dubya at gustong mag hari-harian dito sa asia-pacific. at tanginang ka puta putahan ng inang yan, gusto ata ng mga ulul ay tinitingala natin sila.

“Do you hear that, Mr. Anderson? That is the sound of inevitability”
-Agent Smith, The Matrix

pero huwag kayong mag-alala mga kabayan. may balik lahat yan. nakita ko na ang ganti natin: sa australia ngayon, ang pinaka mabilis na population growth rate ay mga asians. at nakita ko ito sa sydney first hand – australia is changing its face. it is inevitable and resistance is futile… in one or two generations, the australians will be us. BWAHAHAHAHAHAHA! tawang demonyo.

SHE KISSES ME WINDY

July 30, 2004

the opera house kasama ko ang pamilyang pon sa pamamasyal last sunday. si norman ang aking kaopisna. si le-an naman ang kanyang asawa, at sina candice at caitlin, ang kanilang 2 anak. nag ferrry kami para makaikot around sydney harbor. nakakatuwa ang storya nila. sina norman ay of chinese origin. ang kanyang ama ay taga shanghai. nakagat ito ng travel bug at nag decide mag migrate. pero di niya alam ang exact destination, kaya nag toss coin ang kanyang tatay kung saan pupunta. heads: west towards africa, tails: go east to the USA. as luck would have it, heads won at naglakbay nga si tatay papuntang south africa. dito ipinanganak at lumaki si norman. nakilala niya si le-an at biniyayaan ng 2 anak. dahil sa rising crime rate ng africa ay nag decide silang mag migrate sa australia. ngayon ang buong pamilya ay australian citizens na. they are really and truly children of the earth.

a syndey harbor bridge sunset kuha ito habang palubog na ang araw, nasa ferry kami at papalapit sa tulay. ang galing talaga sa syndey ano? napakaganda ng ginawa nila sa kanilang bayan. credit to the tenacious australians who’ve strived hard and made it good down under. kahit kupal ang kanilang gobyerno, hinahangaan ko ang mga australians sa kanilang sipag, tiyaga at pagharap sa buhay ng may sense of humor. in fact, napakaraming mga similiraties sa traits ng mga aussie at mga pinoy. and australia today is what should have happened to the philippines kung di lang tayo nadapa.

natapos din yung training session na binigay namin ng boss ko. ok naman, mga 12 people ang dumalo – 11 aussie at 1 kiwi. masayang kasama ang mag taga rito. gustong gusto ko ang aussie dry humor. parang ako. hehe. haluan mo pa ng kaunting mura ay ayos na ayos talaga ang mga kwentuhan. ayos din ang kanilang accent. pakiramdam ko nga ay kausap kong parati si bruce the shark doon sa “finding nemo“. hehe. nakakatuwa yung isang estudyante kong matanong – ngongo siya na may australian accent. nakaka tatlong excuse me ako para maintindihan ang kanyang sinasabi. una para maintindihan ang pagkangongo niya, pangalawa para maintindihan ang australian accent at ikatlong ulit para maintindihan yung english.

aussie: “ngat ngis na niperens metween ngyor fingt ang sengant ngekngangmol?”
batjay: “ah, eh – say dat agen meyt, yor what sangat eksampol?”

aussie: “ngat ngis na niperens metween ngyor fingt ang sengant ngekngangmol?”
batjay: “did you say kamatis mate?”

aussie: “ngat ngis na niperens metween ngyor fingt ang sengant ngekngangmol?”
batjay: “ah… what is the difference between my first and second example!”

aussie: NGYET!
batjay: “shit ka rin!”

pero sa tutuo lang, i love australia. i love the friendly people, the good cheer, the food. i love sydney, i love the aussie accent and the humor. kung bibigyan ako ng pagkakataon na magtrabaho dito. aayain ko na agad si jet na lumipat bukas.

hulaan ninyo kung nasaan ako? hehe. dalawang araw pa lang ako sa australia, apat na beses na akong naliligaw. di maintindihan ng mga taxi driver ang mga sinasabi kong english. ganito ba talaga ang accent dito? kung saan saan tuloy ako dinadala. isip ko nga, baka nililigaw ako para malaki ang kita nila. puro mga immigrant nga pala ang mga driver ng taxi rito – una kong nasakyan ay nigerian, pangalawa bumbay, ikatlo bulgarian at ikaapat ay taga republika ng kupal. kasi, sinisisi ba naman ako – kaya raw kami naligaw ay di ko raw sa kanya binigay ang address ng pupuntahan ko ng maaga. gago pala siya. eh di sabi ko sa kanya eh – “you fix yourself otherwise something pointed will come out of your head” (kako eh mag ayos ayos siya at baka siya mabukulan).

ingat ka diyan mylab! binili kita ng maraming mga aussie souvenir – mayron akong nakuha, murang mura lang. $1 ang isa… boomerang na hindi bumabalik. ang galing nga eh, binili kita ng sampu. lab U!

kahapon nag dinner kami ni jet kina leah at eder. enjoy kami as usual. masarap talagang makipag chikahan sa mga kapwa pinoy pag nasa malayong lugar. maraming salamat sa mga kwentong tambay nina sexy cherrie, reg the sandwomyn, nona, cecille, leah at eder. di pa rin nawala ang kwento tungkol sa pagkasupot at kung mahahaba raw ang titi ng mga bading. napansin din nina cherry at reg na pumayat daw ako – sasabihin ko sana, kasi panay ang mariang palad ko lately, kaya lang baka hindi sila matawa.

Read the rest of this entry »

dahil magkakamukha ang mga tao sa south east asia, minsan mahirap kilalanin kung pinoy ang kaharap mo rito sa singapore. pero may mga tell tale signs na pwede mong gamitin para makilala mo sila. balita ko nga eh ginagamit ito ng FBI sa mga imbistigasyon. hehe.

HETO ang ISA – pag may nakiraan sa harap mo at nagsabi ng “excuse me”. malaki ang probability na pinoy siya. dito kasi pag makikiraan ang mga singaporean, ang kadalasan nilang sinasabi ay “hello”. as in – “hello! hello! hello!” – tapos dadaan na sila. weird nga nung una ko itong marinig. maghe-hello na rin sana ako at akala ko long lost friend. kung mga matatanda naman kadalasan ay “SQ”. as in “SQ, SQ, SQ” – short cut ito ng “excuse me” dahil di sila masyadong marunong mag english. parang ngang flight ng singapore airlines. pero ito, sigurado ako – pag may taong nag “excuse me” para makiraan, tapos itinaas ang dalawang kamay sa harap ng katawan niya na parang arms forward raise, at biglang iniyuko ang ulo. pinoy yon.

dengcoy miel's cartoon sa star

ang bagong comic strip ng idol kong kaibigang si dengcoy miel na pinamagatang “McBayan” ay lumabas na sa philippine star. pwede nyo rin mabasa online. si dengcoy ay sikat at respected na artist dito sa singapore. makikita ninyo ang kanyang mga gawa sa kung saan saan – sa editorial ng straits times newspaper, sa mga posters, bus stops, sa mga ads, sa bookstores, etc. one time nga nagulat ako nang makita ko ang drawings niya ang ginawang exterior painting ng isang double decker bus. truly, isang magaling na pinoy na tinitingala rito. may stiff neck na nga ako sa kakatingala eh.

tatlong pelikula ang pinagpilian namin na panoorin ni jet last weekend:

1. Super Size Me. “[A] gripping, often funny, unfailingly gut-wrenching burp of a documentary about America’s fast-food industry and one man’s (his) greasy descent into its cholesterol-clogged bowels.” – James Adams, GLOBE AND MAIL

2. The Other Side of the Bed. “A satire of contemporary sexual warfare that leaves you smiling but also stung.” – Stephen Holden, NEW YORK TIMES

3. The Dreamers. “ang daming sex. tirahan ng tirahan, umaga hanggang gabi. ang galing, nagsikip tuloy ang pantalon ko” – BatJay, Singapore, SAMAHAN NG MGA MATUTULIS

eventually, “the dreamers” won. maganda kasi ang review dito sa singapore at gawa pa ito ng idol kong bernardo bertolucci. “I don’t believe in God, but if I did, he would be a black left-handed guitarist” – packingsheet, with lines like that, you can’t help but fall in love with this film. panoorin nyo ang “the dreamers”. it’s disturbing, exciting and full of sex. my kind of film. hehe. mamamatay nga pala silang lahat sa ending. bwahahaha.

foreigner: so, where you from?
batjay: philippines

foreigner: ah, filipino. PARE!
batjay: inaanak ko bang anak mo?

foreigner: huh?
batjay: sorry just talking to myself. what’s your question?

foreigner: what do you call that gross egg you like to eat?
batjay: betlog

foreigner: no. the one coming from the duck.
batjay: duck betlog

Read the rest of this entry »

CLICK TO ENLARGE: Happy Birthday HOWLIN' DAVE! birthday ng kuya ko kahapon. happy birthday dante. how does it feel to be 50? si dante ang kuyang sinundan ko. 12 years ang agwat namin at buong buhay ko, siya ang taong aking tiningala. what a gifted man. gwapong chickboy, artist, painter, singer. siya ang main influence ko sa musika. my brother also has this great speaking voice. one that i’ve envied and tried to imitate but could not. ang sabi nga ng mommy ko, boses kiki raw ako, compared to my brothers and my dad. that’s how good he is. happy birthday dante. all the best to you, as always.

Read the rest of this entry »

habang nag-uusap kami ng security guard namin nung isang araw, napagisip-isip ko na may kasamang paghanga – ang generation niya ang ginamit ni lee kwan yew upang ibangon ang singapore from backward island to prosperous nation. pero naawa rin ako sa kanya dahil parang di siya nakinabang ng husto sa pagsulong ng singapore. hanggang ngayon, in his 60’s, security guard pa rin siya. ganon din yung mga tagalinis namin ng opisina – mga senior citizen that progress left behind. kahit sabihin mong mayaman ang singapore, some people fall through the cracks. walang welfare dito at pag wala kang trabaho, wala kang kakainin. kaya yung mga matatanda rito, nagtatrabaho pa rin kahit mga ulyanin na kasi magugutom sila pag sila’y huminto. sabi nga ni hornsby – “that’s just the way it is“. oo nga pareng bruce, some things will never change.

Read the rest of this entry »

ang building namin ay parang microcosm ng singapore. may pecking order ang mga employee at kadalasan dictated ito kung saang floor ka nagtatrabaho. habang tumataas ang floor, tumataas ang estado ng mga empleyado sa opisina (at lumalalim naman ang pagkalubog mo sa bullshit. hehe):

Read the rest of this entry »

katabi ko kanina sa train papasok sa opis yung security guard namin. feel ko nga na sabik na sabik siyang makipagtsikahan sa akin kasi di na niya ako nakikita simula nang huminto akong manigarillo. dati kasi, sa backyard ako nagyoyosi at doon din siya tumatambay. mabait naman ang guard na ito. malay siya, siguro mga close to 60 years old. typical ito sa singapore, kadalasan yung mga menial jobs ay kinukuha ng mga senior citizen. kaya yung mga guard, janitor, taga punas ng mga lamesa at mga service crew ng fast food chain ay mga matatanda. nakakapanibago nga nung umpisa kasi sanay tayo sa jollibee sa pilipinas na mga alistong bagets na sumisigaw ng “good morning, ma’am/sir, welcome to jollibee“. dito kasi, mga matatanda na mabagal kumilos. pag lapit pa sa iyo ay sisigaw ng “WHATCHAWANT!!!” na akala mo utang na loob mo pa ang bumili sa kanila.

Read the rest of this entry »

eksaktong 45 days na akong hindi naninigarillo. alam nyo ba kung gaano kalaki ang natitipid kong pero simula nang huminto ako? let me count the ways, so to speak… ang isang kaha dito sa singapore ay umaabot ng mga S$9.00 (in tagalog, ito ay mga 295 pesos). before, i smoked a pack every 2 days (more when i’m on the road, more and more when i’m drinking). sa isang linggo, average ko ay $31.50 (1035 pesoses). sa isang buwan, ito ay S$126 (a whopping 4141 pesos! packing sheet). sa isang taon, ako ay makakatipid ng S$1,512 (bwakangina – halos 50,000 pesosesoses).

so, simula pala ng huminto ako, nakatipid na ako ng 6120 pesos. biro mo yon? ang tipid ko nga ngayon eh. last week nga, $2 lang ang laman ng wallet ko. tiningnan ko kung gaano ko mapapatagal ito. aba! umabot ng 6 days yung $2. kung may nang holdup nga sa akin last week, magpapa pitik na lang ako sa tenga dahil wala siyang makukuha sa akin.

Read the rest of this entry »

lunch time na kanina nang malaman ko na pumasok pala ako sa opisina na bukas ang zipper. buti na lang naka tuck out ang polo shirt ko, kundi mas nakakahiya. ang yabang ko pa naman kanina sa bus stop – nakatayo ako at pakyut na naka stomach in pa na parang mr. pogi. bukas naman pala ang zipper. gago. ganito ba talaga ang tumatanda? nakakalimot nang magsara ng pantalon. next year 40 years old na ako. natatakot tuloy ako, baka one day, umalis ako sa bahay ng walang pantalon.

pero matagal pa siguro yon. ngayon, paglalaruan ko muna yung spiderman kong manyika

Read the rest of this entry »

SPIDEMAN-SG-08

MGA ANNOUNCEMENT: abangan nyo this week sa “Where in the world is Spiderman?” – guest puppets natin ang boxing doll ko na si george “dubya” bush at ang stoic statue ni batman. kung na tu-turn on kayo sa twisted humor ko and you want more, bisitahin din ninyo ang mga kapatid ko sa “2nd childhood club” na sina Cathy with her “Spiderman VS Garfield” at si Jop with her “lord of the ring dolls cooking adobo”. punta kayo at tiyak na ikakatuwa ninyo. nung una kong ngang binasa eh muntik na akong mabuwal sa silya sa kakatawa.

highly recommended naman para sa mga para sa mga medical practitioners at sa mga mahilig sa magandang storya: my wife jet’s “My Life… A Cup of Deja Brew”. read her great four part story on “the appendectomy of batjay”.
Read the rest of this entry »

COOKING NG INA MO... weekend ngayon, ako ang nagluto ng brunch. hinanda ko ang paborito ni jet na ulam lately… pritong baboy (extra crispy), pritong itlog na sunny side, ginisang toge and my special suka, toyo, bawang, sibuyas at sili na sawsawan. niluluto ko nga kanina, nag hunger pangs na ako dahil ang bango bango. pwede na akong magtayo ng karinderyang karaoke. yehey, ayos ba ate sassy? pwede na rin akong gumawa ng cooking blog – “the prodigal chef“.

COOKING NG INA MO RIN... kita nyo naman – hehehe. kalahati ang simot sa baboy. ubos ang toge at itlog at busog na busog kami. dahil dalawa lang kami sa bahay, malamang ay ulam namin ito hanggang bukas ng umaga. ngyahaha. ang sarap ng luto ko. simple lang pero rock. marunong na akong magluto besides the fact na magaling akong umutot at mangulangot. pwede na siguro akong maging renaissance boy.

na experience nyo na bang mautot sa crowded at enclosed space? nakatayo ako sa isang packed bus kanina (as in siksikan talaga) nung pauwi from work. i was feeling uncomfortable dahil pinipigil kong mautot nang biglang nag break ang driver. mga sira ulo ang mga bus driver dito sa singapore at hindi marunong pumara. kadalasan masusubsob ka talaga. so ayun – sudden jerking stop. patay. di ko napigilan at may lumabas na kaunting utot. nakakahiya nga dahil nakatapat ang pwet ko doon sa isang nakaupong babae. dinedma ko na lang siya, hoping that hindi niya narinig. or naamoy.

Read the rest of this entry »

pumasok na yung technical support engineer namin ngayon after three weeks. may mini salbabida ngang dala-dala. inoperahan kasi sa pwet at hindi makaupo ng diretso kung wala yung kanyang “lifesaver”. ang sabi niya sa akin, may cyst daw na tinanggal kaya kinailangan ng surgery. bull shit! sabi ko, in my country, we call that “PIGSA“.

packingsheet. three weeks para makarecover sa pigsa? PIGSA! pwet niyang blue. unfair yan kabayan. samantalang ako, two weeks lang pumasok na after a ruptured appendix. bwakanginangyan talaga. umiinit ang ulo ko. sana pala, nag 4 week vacation na lang kami ni jet sa pilipinas imbes na nagpilit bumalik agad sa singapore at pumasok. ayan kasi gustong magpaka bayani, pwede naman palang long term medical leave. gago. gago, ga..”furry happy monsters feeling glad “.

Read the rest of this entry »

dahil commuter ako sa singapore, ang MP3 player ko ang nagtatanggal ng inip sa byahe. imbis na gayahin ko yung kupal na nangungulangot sa train, nakikinig na lang ako ng musika. ang aking gadget of choice sa tugtugan ay ang aking pinakamamahal na iPod.

Read the rest of this entry »

sa mga di nakakakilala sa akin, ako nga pala si batjay, ang “elvis presley ng quiapo“. tingnan mo yung picture ko doon sa upper right ng screen. hindi yung aso ha. your other right. di ba kamukha ko si elvis na may gitara? gawa iyan ng idol kong pinoy artist na si dengcoy miel. i digress, back to elvis… i’ve loved elvis’ music simula pagkabata. wala pa akong buhok sa pwet, paborito ko na siya. until the end of his life, in spite of the drugs, overeating binges, pagka praning and all that crap, his voice never failed him. i loved that voice and tried to imitate it but all i could come up with is a poor edgar mortiz imitation. dang. pero ok lang, sabi nga ni elvis eh “that’s alright with me”.

o siya. heto na ang tribute ko kay elvis: are you lonesome tonight, alay ko sa lahat ng mahahaba ang patilla. pakinggan nyo na lang. habang kinakanta ko nga pala ito, naghuhugas ng pinggan si jet kaya maraming mga platong kumakalampag. pakinggan nyo rin yung ending, parang si elvis mortiz talaga. hehe. andy kaufman man lang sana.

Read the rest of this entry »

after dinner last thursday, napapunta ako sa 7/11 para magbayad ng telepono. tumawid ako ng kalye nang biglang may parating na kotse kaya ako’y napatakbo. kaya lang bigla akong napahinto nang maalala ko na baka magkaroon ako ng appendicitis dahil kakatapos ko pa lang kumain. bigla ulit akong napatakbo nang maalala ko na kakatapos ko nga lang palang magpaopera at wala na akong appendix. napahinto naman ulit ako agad-agad dahil naalala ko na di pa talagang magaling ang sugat ng operation ko.

takbo-hinto-takbo-hinto. para akong lukoluko. hehehe. ang sama ng tingin sa akin ng driver ng kotse. siguro akala niya eh ginugoodtime ko siya.

SPIDERMAN-0005-small

OUR FLAT, SINGAPORE: “HOLY SHIT!”, says spidey. binigyan ako ni jet ng isang 18 inch spiderman doll. ang galing nga nito kasi, mayron siyang 67 (that’s right SIXTY SEVEN) moving parts. puno ng inspirasyon, ang layunin ko ngayon sa buhay ay kunan ng litrato si spiderman sa kung saan saang parte ng mundo. so help me god.

the resultang mga kodakan ay ilalathala sa isang bagong website na pinamagatang: “Where in the world is Spiderman?” – puntahan niyo. sige na, para nyo nang awa.

CLICK TO ENLARGE. sina tin at ronald, ang aming mga bagong kaibigan sa singapore. nakasama namin silang nag dinner last saturday.

gusto kong i-feature ang mga kaibigan naming pinoy rito sa singapore na may mga websites. nag kita-kita kami 2 sabados ago at karamihan sa kanila ay nasa dalawang photo na iyan. sina christine at ronald, ang aming mga bagong kaibigan at nakasama namin silang nag dinner. puntahan niyo ang site ni tin na “My World.. My Life” para ma explore ninyo ang bago niyang buhay bilang temporary homemaker.

CLICK TO ENLARGE. birthday rin ni nona kaya nagkita kita ang mga ibang pinoy sa singapore. great party pero di ako makainom kaya nasa isang tabi lang ako. hehe

birthday rin ni nona and she hosted a great party pero di ako makainom, kaya nasa isang tabi lang ako. hehe. naroon ang sweet na mag partner na sina reggie at si sexy cherrie. siyempre, naroon din sina leah at eder. matagal na kaming di nagkikita pero, si world famous boss idol dengcoy miel ay dito rin nakabase sa singapore. abangan ninyo ang kanyang bagong cartoon strip sa philippine star this july.

si donita rose din ay dito nakabase sa singapore. pero hindi ko siya kaibigan at di ko alam kung may website siya. nakita namin siya a few months ago, buntis na buntis. sobra nga ang laki nga ng tiyan niya, akala mo puputok na. nahihiya ako, pero itatanong ko sana kung virgin pa siya. hehe.

binibilog bilog,
tingin sa daliri
binibilog bilog
punas sa t-shirt
binibilog bilog
subo sa bibig

paglalarawan ng kaharap ko sa train kaninang umaga. isang pasaherong walang patid na nangungulangot simula pagsakay hanggang pagbaba. gusto kong kutusan ang kupal na iyon dahil muntik na akong maduwal. naalala ko tuloy yung linya ng isang paboritong pink floyd song… “ticking away the moments that make up a dull day, you fritter and waste the hours in an offhand way“. that’s exactly what the kulangot guy was doing.

“Network Walkman Digital Music Player – NW-HD1 “

sony’s new digital walkman, 20GB, 20 hours of battery life… packingsheet, i want one of these.

kung nasa bahay kayo, open your TV sets, pumunta sa national geographic channel (9:30-12:30 GMT+8) at panoorin ang pagdating ni cassini. pagtapos ng pitong taon na space travel, the space craft “CASSINI-HUYGENS” will be inserted into the ringed planet saturn. very tricky nga yung orbit insertion dahil papasok yung space craft sa pagitan ng saturn at ng kanyang mga rings (tapos through the gap in the rings itself). if you’re online and at work, pwede kayong sumilip sa “live webcast”. huwag lang kayong papahuli sa bossing niyo at baka magkaroon naman kayo ng ring around your necks.

kaunti lang ang pinagpapasalamat natin sa mga amerikano lately dahil sa mga kagaguhan ng foreign policy ni dubya and company. but this is one time na ok ang mga kano. this euro-american mission will last for four years (maybe more). in that time, it will bring discoveries that will make us richer as a species. our children will dream and wonder again and perhaps look to a future that is beyond war and poverty and all that crap.

iniisip ko nga, kung nilaan na lang ni dubya sa space exploration ang 87 Billion fucking dollars na ginastos niya sa iraq, baka malayo pa ang narating ng gobyerno niya in terms of goodwill. pwede rin perhaps para sa aids research, or for poverty and third world debt. do you know what $87 billion buys? click here and find out weep.