as you age, you start to question whether you still have what it takes to live life. my current favorite song is kris kristofferson’s “Pilgrim’s Progress” – i love this because it hits right to the heart on the issue of aging and the lines are appropriate for a 40 year old guy like me.

Am I young enough to believe in revolution
Am I strong enough to get down on my knees and pray
Am I high enough on the chain of evolution
To respect myself, and my brother and my sister
And perfect myself in my own peculiar way

I get lazy, and forget my obligations
I’d go crazy, if I paid attention all the time
And I want justice, but I’ll settle for some mercy
On this Holy Road through the Universal Mind

I got lucky, I got everything I wanted
I got happy, there wasn’t nothing else to do
And I’d be crazy not to wonder if I’m worthy
Of the part I play in this dream that’s coming true

IT TAKES A LEAP OF FAITH

December 21, 2005

i turned 40 recently. kwarenta. pakingsheet. who would have thought that i’d be forty. pero kung sabagay, nung ipinanganak ako ng mommy ko nung 1965, forty one na siya. and she ended up living a great life. she’s still alive and healthy at 81. si jet din, she doesn’t look her age. masayahin kasi at malakas tumawa. sa akin kaya, ano ang mangyayari?

ewan ko. ni hindi ko nga alam kung pabalik na ako sa pinanggalingan ko o papunta pa rin sa patutunguan. basta ang isang alam ko, malaki pa rin ng promise na pwedeng ibigay sa akin ng kapalaran, kung ano man iyon. in any case, ang importante ngayon para sa akin ay: una, sa tingin ko ay nasa tamang direksyon ang buhay ko at ikalawa, tigas titi pa rin ako.

Read the rest of this entry »

dalawang Podcast ko nga pala ang naka register sa iTunes ngayon – “Dear Unkyel Batjay” at “Mahalagang Balita“. kung gumagamit kayo ng iTunes, punta lang kayo sa music store, click sa “podcasts” then do a search – ipasok niyo lang “batjay” or “philippines” or “pinoy” as your search words at makikita na ninyo yung mga podcast ko. marami na kami ritong mga pinoy podcasters at matutuwa kayo sa variety na available dito. ang maganda sa iTunes based podcast ay pwede kang mag subscribe dito ng libre at kung mayroon kang iPod, automatically mo itong mai-do-download at pwede mong marinig kahit saan.

Read the rest of this entry »

etong mga nakaraang dalawang buwan, nakalublob ako sa musika at buhay ni bob dylan. pinanood ko yung bagong obra ni scorsese na “no direction home” – film biography ito tungkol sa buhay ni dylan simula nang umalis siya sa minnesota hanggang sa pag switch niya sa electric nung 1966. ibinili rin ako ni jet ng “chronicles, volume 1” sa isang book sale, na siyang naging bedside book ko lately. eto ang autobiography ni dylan na ginawa niya (siyempre, saan ka ba naman nakakita ng autobiography na gawa ng ibang tao – gago).

Read the rest of this entry »

born To run” is an exceptional song. ginawa ito ni springsteen nung 1974 kasama ang e-street band and it took them six months to record. six months to record just one song? packingsheet! kilala kasing obsessive compulsive perfectionist si the boss at kung ano anong mga special effects ang nilagay niya sa kantang ito – mayroong mga overdubs ng acoustic guitars, boses pa yata ng mga kabayong naglalampungan at kung ano ano pang mga instrumento. in fact, ang kantang ito ay classic example ng “wall of sound” style na ginawang popular ni phil spector. springsteen’s legendary dedication to his craft paid off dahil “born to run” is probably one of the best rock songs of all time. a masterpiece that still sounds fresh today as it was when it first came out exactly 30 years ago this year. besides the excellent production of the song, it’s the lyrics that really hits you. how can you fail with lines like this

Together Wendy we’ll live with the sadness
I’ll love you with all the madness in my soul

pag sinabi mo ito siguro sa gelpren mo eh baka bigla ka niyang ayain mag sex.

Read the rest of this entry »

THERE IS TIME TO KILL TODAY

December 11, 2005

paano mo ipapaliwanag sa mga kaibigan mo na “time is gold“? para sa mga matagal nang hindi nakakauwi sa pilipinas, ito nga pala ang paboritong motto ng mga beauty contestants at parati mo itong maririnig during the Q&A portion. hehehe. naalala ko tuloy yung joke na pinadala ni mec sa amin, hindi ko alam kung sino ang author nito…

Host : What is your favorite motto?
Contestant : (After a long pause) I don’t have a motto eh.
(So the crowd starts helping her out by whispering – “Time is gold! Time is gold!”)
Contestant : I have na po. Chinese gold!

Read the rest of this entry »

I AM THE WALRUS

December 8, 2005

ngayon nga pala ang 25th anniversary ng pagkapatay kay john lennon. naalala ko pa yung eksaktong oras na mabalitaan ko ito, sinalubong ako ng classmate ko sa corridor at sinabing nabaril nga si john at namatay. i was 14 years old at second year high school ng nangyari ito nung december of 1980. magulo ang mundo ko nung time na iyon dahil ito yung panahon na rocky ang relationship ng parents ko. pero kahit magulo eh masaya pa rin. karamihan sa amin ay dito namulat sa sex at marami ang nabinyagan sa mga casa sa avenida. nung panahong iyon, sikat pa yung coronet inn. malapit ito sa bumbero ng santa cruz at alas otso pa lang ng umaga ay bukas na. sabi ng classmate kong intsik, mas mabuti raw na pumunta ng maaga dahil bagong ligo pa yung mga nagtatrabaho roon. mayroon na ring mga nagtutulak ng damo sa amin nung 1980 at ito ang taon na naging regular ang aking paninigarillo. it would take me 24 years before i would stop. bwakanginangyan, kung di pa sasabog ang appendix ko, hindi ako hihinto.

Read the rest of this entry »

una ko silang narinig, sometime in the late 70’s. nag uwi ang kuya ko ng mga plaka na pinapatugtog niya sa pinoy rock and rhythm show niya sa RJ. isa roon ang nakakuha sa attention ko. ang title nito ay “super sessions“, and it was the first time i heard a live recording of a pinoy rock concert. the artists of course was the juan dela cruz band. early on, na impress na agad ako sa style ni mike hanopol, wally gonzales at ni pepe smith. nung time na yon, kasali rin sa groupo nila, ang isa ko pang idol na si edmund “bosyo” fortuno. ang juan dela cruz band ang naging early influence ko sa musika and i knew the lyrics of all their songs. when they broke up and had successful solo careers, naron pa rin ako – a fan who attended all the concerts. and i was only 11 years old at the time kaya kung may nakikita kayong bubwit sa mga pinoy rock concerts nung araw, ako yon.

nung high school ako, nag reunite ulit ang juan dela cruz band and they released the “kahit na anong mangyari” LP. tuwang tuwa na naman ako dahil puro mga bagong kanta at lahat magaganda. paborito ko ang “pag dating ng panahon” ni pepe – halos kopyahin ko nga ang theme ng kanta para sa lyrics ng graduation song namin.

then the years went by, i entered college, graduated and started my career. nawala na sila sa radar ko. mike went to the states. di ko na alam kung ano ang nangyari kay wally. pero si pepe, na paborito ko sa kanila, was still around. one day in december, nagulat na lang ako when he suddenly showed up in our house in novaliches with my brother dante. birthday ko noon at pumunta sila para bumati. simple lang ang handaan. naroon lang kami sa garden, umiinom at nagkakantahan kasama ang mga kaibigan ko. ang highlight ng gabi ay ang pag jamming namin ni pepe smith ng “himig natin” at “riders on the storm“. it was one of the most memorable birthday’s i ever had.

this coming saturday, may reunion concert ang juan dela cruz band entitled “PAGBABALIK”. gagawin ito sa world trade center sa pasay. kung nasa pilipinas lang ako, hindi ko ito palalagpasin. if you are a rock fan, buy your tickets now. bihira lang magreunion ang isa sa mga poste ng pinoy rock music. at saka isa pa, matatanda na sila’t nirarayuma. baka hindi na ulit mangyari ito, kaya make sure you attend.

TWO VIRGINS

May 13, 2005

MUKHA SIYANG DRAGON malapit nang matapos ang album ko. may mga ilang kanta akong ni record ngayon kasali rito at ipaparinig ko sa inyo. siguro buwan na lang ang bibilangin at lalabas na ang unang collection na tatawagin kong “Songs from Ma Mon Luk”. nakapag conceptualize na ako ng album cover. iniisip ko eh gagayahin ko si john lennon at yoko ono doon sa kanilang “Two Virgins” na record. pinagawa ko na nga ang album cover sa aking kaibigang designer na si master polo. isa na siya ngayong sikat na artist at in demand ang trabaho niya sa buong mundo. kaya lang medyo malabo na yata ang mata. nilagay niya ang mukha ko doon sa katawan ni yoko ono. para tuloy akong transvestite na may LBM sa litrato. pero initial layout lang naman yan. hemingway, here are the four new songs i’ve recorded. sana ay magustuhan ninyo.

1. HAY BILANGIN MO CHIPMUNK VERSION – ito ay isang classic na kanta nung 1970’s. hindi ko na nga alam kung sino ang may original nito. parati itong kinakanta sa mga tambayan nung araw lalo na pag medyo nakainom na ang barkada. here is my “kinapon” version. PAKINGGAN NINYO.

2. BIRDS – memorable ang kantang ito ni neil young dahil ito parati ang kinakanta ng kuya ko everytime he closes a pinoy rock concert nung araw. his fans know that this is his signature song. tuwing naririnig ko ito, naaalala ko siya. PAKINGGAN NINYO.

3. HOW YOU GONNA SEE ME NOW – in 1979, alice cooper released an LP called “from the inside”. the songs there tell of his struggle with alcoholism. in this song, he’s about to come out of rehab and he’s not sure if his wife will accept him again. ang dami niya kasing atraso at medyo apprehensive siya na papalayasin na siyang tuluyan. PAKINGGAN NINYO.

4. HAY BILANGIN MO REPRISE – ito yung original version ng kanta. walang putol betlog epeks dito – straight forward kanta lang. PAKINGGAN NINYO.

BREAK A HEART OF STONE

April 23, 2005

i recorded a new song. it’s a cover of alice cooper’s classic “i never cry” which came out in 1976 (from the “alice goes to hell” album). memorable ang kantang ito sa akin dahil ito ang isa mga unang natutunan kong tipahin sa gitara. we used to sing this song a lot sa tambayan namin sa novaliches when i was growing up. ito rin ang kinanta ko nung nag audition ako sa parish choir ng aming simbahan nung 1981. awa naman ng diyos eh nakuha ako – sa “bass” ako napunta pero “soprano” ang inaplayan ko. hehehe.

iniba ko nga pala ang ending. HERE IT IS – sana magustuhan ninyo.

dear mylab, para sa iyo ang isang version. para kay binky ang isang version. para rin po ito sa inyong lahat na mga bagong kaibigan. maraming salamat sa inyong malasakit sa aming mag-asawa.

nagmamahal,
jay

binky

ps. mylab, kung narito ka lang kagabi, sana na enjoy mo ang musika ni binky. nagpakita na naman siya ng kanyang trademark all out musicianship. nakakatawa nga dahil bago mag concert, nag uusap kami sa labas at dinadaan daanan lang siya ng mga tao. pag tapos ng concert, dinumog siya ng mga tao. THANK YOU BINKY – last night was pure magic. idol talaga kita boss binky. until next time my friend!

LEGENDS

March 15, 2005

kagabi, suwerta ako to be in the company of legends. narito na si binky lampano and the lampano alley sa singapore. they are part of the on-going Mosaic Music Festival that is currently being held at the ultra modern highly sosyal na Esplanade – Theatres on the Bay. more than that – they are here to spread the blues to the hungry people of singapore. kagabi was just the appetizer – a symposium of sorts about what the blues is all about. and binky and the band really showed us what blues is and how blues was meant to be played. i had a great time listening to his music because it was so informal and everybody was cool.

matagal na kaming nagsusulatan ni binky. nagsimula ito nang makita ko ang website niya. natuwa ako at nag email ako sa kanya. una nagpasalamat ako dahil kumanta siya sa benefit concert para sa brain surgery of my kuya. but more than that, i wrote him because i am a big fan of his music. jet and i really love to watch binky play live because he is the ultimate stage animal who always gave everything in every performance – no holds barred, big booming voice, primal, soulful, world class. and finally we met face to face last night. we shook hands for the first time. actually, it was during the show na kinamayan niya ako. hehehe. siyempre proud na proud ako. post show – we went down to the bar and talked (and binky sang a couple of songs much to the delight of the people there). what does it feel like when the artist you really admire introduces you to his band and buys you a beer? tangina, siyempre, ang saya ko. sana lang kasama ko ang asawa ko. she would have loved to get to know binky. next to me – she is probably binky’s biggest fan. baka nga mas fan pa si jet ni binky kasya sa akin.

at siyempre, kasama ko si amor at ang isa pang up-coming legend – si jenn ang paborito nating periodista. naghahanap kasi si binky ng journalist para naman ma cover ang show nila sa press. bukod sa pagiging journalist, jenn is now a full fledged mediacorp actress. kung kayo ay taga singapore, abangan ninyo mamayang gabi sa channel 5 yung teledocumentary tungkol sa tsunami called “killer waves”. jenn plays the true to life role of a thai housewife who almost loses her two sons when the tsunami hit thailand. tandaan ninyo ha: jenn – now a name, soon a legend. hehehe. sabi ko nga kunin na rin akong actor. gusto ko rin kasing mag endorse ng “Beijing 101“, yung gamot sa pagka kalbo na parating pinapakita sa TV at dyaryo featuring singapores leading actors. anyway – sabi ko kay jenn, kahit extra lang ako (halimbawa – ako yung aapakan ni kingkong sa next movie ni peter jackson), pwede na yon sa akin.

MGA KASALUKUYAN

February 19, 2005

KASALUKUYANG NILALARO: ang pototoy ko. kaya puro kalyo nang kaliwang kamay ko eh. “Oddworld Stranger’s Wrath” for the XBOX. walastic, nabighani ako rito. ang galing at bagay na bagay sa aking sick personality. sa larong ito, ikaw ay si “stranger”, isang bounty hunter sa oddworld (na kung saan, ang mga inhabitants ay mga taong manok). kailangan mong hanapin ang mga wanted na mga characters all over oddworld to get enough bounty money for stranger’s operation. ano ang parte ng katawan niya na ooperahan? di ko pa alam. wala pa ako sa kalagitanaan ng kwento sa game eh.

KASALAKUYANG BINABASANG COMICS: “Alias” 1, 2, 3 and 4 ni Brian Michael Bendis at Michael Gaydos. kwento ni jessica jones, isang superhero na nagsawa from being a superhero kaya nag decide na lang siyang maging isang detective. marami siyang hang ups sa buhay. her life is shitty, she sleeps with the wrong people, she drinks and smokes a lot at malutong pa siya kaysa sa akin kung magmura. my kind of hero.

Read the rest of this entry »

SA WAKAS, TAPOS NA AKONG MAGLABA!!! dear mylabopmayn, siguro naman ay matutuwa ka sa akin. nakapaglaba na ako. hehehe. ayan ang ibidinsya. o, anong say mo ha – nakangiti pa ako habang ang sinapmpay ang nasa background. oo mylab pinaghiwalay ko ang decolor at puti. naglagay rin ng sabon at conditioner, este softener pala according to your instructions. at hindi siya nag amoy kulob. impak, ang bango bango nga niya eh – amoy bagong labang damit! ngyehehe. pwede na siguro akong mag resign bukas, maglalabandera na lang ako. proud talaga ako sa nagawa ko ngayong gabi. at hindi lang yan, may surprise pa ako sa iyo. as promised, isang awitin: batjay’s cover version of “the glory of love“. para sa iyo ito mylabopmayn. ni record ko ito habang hinihintay kong matapos ang washing machine. sana magustuhan mo. at saka, inahit ko nga rin pala yung buhok ko sa dibdib. wala, kursunada ko lang.

june, she changed her tune.
july, she will fly.
august, die she must.
september, i remember.

october… um, october? hanggang september lang ang kantang “april come she will” ni paul simon, pano ba yan? ah basta.

november, araw ng patay.
december, pasko.
january, bagong taon.

8 months! packingsheet, 8 months na akong hindi naninigarillo. major milestone baby. and in honor of this day, i played the live version of led zeppelin‘s “Dazed And Confused” in my iPod while cycling to work. i swear to god, humaba ang buhok ko ng 2 inches by the time i got to the office. naghihintay na rin nga ako kung may sisigaw ng “sindihan na yan“.

SONGS IN THE KEY OF LIFE

January 30, 2005

1. “Suicide Is Painless” from the M*A*S*H movie soundtrack
2. “Organ Grinder“, Mark-Almond
3. “Born To Run“, Bruce Springsteen
4. “Imagine“, John Lennon
5. “In My Life by The Beatles
6. “Deacon Blues by Steely Dan
7. “(Sittin on) the Dock of the Bay” by Otis Redding
8. “It Ain’t Me, Babe” by Bob Dylan
9. “ Helplessly Hoping” by Crosby Stills Nash Young
10. “Himig ng Pag-ibig” ni Lolita Carbon

Ito ang top 10 list ng mga importanteng kanta sa buhay ko. Nagpapalit ito from time to time kaya hindi yan permanent “greatest hits”. Isasama ko rin sana ang “Voltes V Theme” at “Magellan” ni Yoyoy pero di na kasya. Special mention din yung “Imitation of Life” ng R.E.M. For more information on my music list CLICK HERE.

Read the rest of this entry »

WEB ALBUM OF JAY AND JET'S CHRISTMAS VACATION

ang kantang “babylon sisters” ng steely dan ay memorable sa akin. galing ito sa “gaucho” LP na lumabas nung 1980. nasa 2nd year high school ako nito. nakipag barter pa ako sa classmate kong si redondo. pinalit ko ang “malice in wonderland” ng nazareth with his “gaucho” tape. prior to this, they were just in the periphery, mostly heard through my older brother and sisters. pero “gaucho” changed all that. it was the start of my steely dan love affair. ano na kaya ang nangyari kay redondo? genius na artist ito at hobby niya ang mag retoke ng mga litrato ng mga artistang ginupit sa “people’s tonight“. lapis lang at eraser ay natatanggal niya ang damit ng mga artista at papatungan niya ito ng drawing ng pekpek at boobs. maganda ang quality ng artwork kaya akala mo talagang nakahubo.

kaya ngayon, kapag naririnig ko ang kantang “babylon sisters“, naaalala ko ang mga edited bold pictures na galing sa people’s tonight during the early 1980’s. speaking of pictures and memories: available na ang web album ng aming vacation sa pilipinas. CLICK HERE – to view the EB, family reunions at litrato ng happenings sa aming munting bahay sa antipolo.

nanood kami ng concert ni sting sa singapore indoor stadium. ano ba sa tagalog ang sting? “kagat” ba? as in the sting of a bee (kagat ng putakte). incidentally, hindi ko mabigkas ang salitang “putakte” nang hindi nakakaisip ng kabastusan. ewan ko ba. i really have a sick mind siguro. heniwey, ang sting ay pwede rin kasing “kirot” – as in “your vile toungue stings my sensitive heart”. ang concert na ito ay part ng kanyang sacred love tour at una nila para sa 2005. puting ining, ang galing ni sting kahit lolo na. iba talaga ang tibre ng boses niya and the concert made me realize why i am an engineer and not an artist like him. at napasayaw na naman kami – sa sobrang sayaw nga ay muntik na akong gumulong pababa ng stadium. nasa aisle seat kasi ako at bandang upper box area. katabi ko lang yung steps na may 100 foot drop. kung nagkataon, na diyaryo sana ako ngayon: “Filipino Engineer breaks his neck in freak tumbling accident during Sting Concert“.

Read the rest of this entry »

eto na naman ako with my weekend listahan ng musika, libro, pelikula at laro. mga kalipunan ng mga ek-ek na gusto kong i-share. isa isahin natin sila:

SONG OF THE WEEK: “imitation of life” by R.E.M. isa na namang paboritong kanta galing sa isa sa aking paboritong grupo. masaya ang kantang ito at pwede mo itong patugtugin kahit saan. ako nga, pinapakinggan ko ito pag nagluluto ng weekend breakfast namin ni jet.

KASALUKUYANG NILALARO: ang titi ko. bwahaha. seriously, “HALO 2 Limited Collector’s Edition“. ang galing talaga ng game na ito. editor’s pick sa lahat halos ng mga reviews. yes virginia, the master chief RULES.

Read the rest of this entry »

RAVES ABOUT MUSIC: nag record ulit ako ng kanta kagabi. cover version ito ng kanta ni cat stevens na pinasikat ni lani hall. simple lang ang melody pero minsan mong marinig, parang gusto mong patugtugin ulit – PAKINGGAN NINYO. nag record pa ako ng mga ibang kanta. kaya kung ok sa inyo ang ganitong klase ng music, punta na lang kayo sa karaoke site ko: ANG MGA AWITIN NI BATJAY, ANG DATING FOLK SINGER NG MA MON LUK

RANTS ABOUT ANGHIT AGAIN: bwakanginangyan, parang may magnet ata ako sa mga may putok dito sa singapore. pag akyat ko sa opis, amoy paksiw yung katabi ko sa elevator. yung dalawang kaharap ko naman sa train, amoy kulob na labada. tapos yung nasa unahan ko sa ATM machine, amoy hinog na langka. lahat yan, nangyari this morning in a span of less than an hour. pakiramdam ko tuloy, parang pinaglalaruan ako ng diyos ng mga kili-kili. sa elevator nga kanina, pinapanalangin ko na sana mautot ako, para naman makaganti man lang ako kahit papaano. soap, water, deodorant… yon lang ang kailangan. di ba nila magawang maligo ng mahusay? rhetorical question, don’t answer.

tatlo pala ang version ko ng “first cut is the deepest” sa aking iPod. kanina ko lang nalaman. what’s the significance of this fact in the order of things in the universe, i ask myself. nothing much, i answer back. tangina, kinakausap ko na naman ang sarili ko. balik sa kanta: mayron akong original ni cat stevens. tama ka virginia, siya nga yung kumanta ng “father and son” at “peace train” na ironically ay dineport ng mga amerikano recently, kasi may ties daw siya sa mga terrorist. ngyehehe. mayron din akong cover version ni rod stewart na naging popular nung 1970’s. ang panghuli ay yung kay sheryl crow. paborito ko ito dahil siya ang pinaka soulful ang rendition sa tatlo. napahinto nga ako sa pagbisikleta nang tugtugin ito, tapos biglang naupo sa park bench at nakinig. pag-uwi ko, nag record din ako ng sariling version – PAKINGGAN NINYO.

“A Reason to Believe”. a bit underrated as a song but could knock your socks off if delivered properly. ni record ko kagabi kasi naaasar na naman ako sa mga contestants ng singapore idol. bwakangnangyan. either sintunado or walang kalatoy latoy. yung iba nga sintunado na walang kalatoy latoy pa. ewan ko ba, di ko gusto ang style nila – puro porma, wala namang laman. to compensate sa masamang napanood ko, ako na lang ang kumanta. hehehe. isa pa, mabigat ang sipon ko ngayon. eh pag ganitong barado ang ilong ko at punong puno ng plema ang aking ngala-ngala, talagang masarap makipag lips to lips nagiging husky rocker’s bedroom voice ang boses ko. parang lalaking bonnie “total eclipse of the heart” tyler? ngyehehe. springsteen na bugoy, siguro. CLICK HERE to hear my version.

KASALUKUYANG BINABASA: “the rule of four” nina ian caldwell at dustin thomason. excited akong basahin ito dahil isa na namang secret sect and ancient code story in the tradition of the “da vinci code“. pero according to some of the reviews, it would be a disservice to the authors if you simply compare this new book with the work of dan brown. hekshuli, nabasa ko na ang first chapter and if this is the basis of a comparison between the da vinci code and this book, i would say that “the rule of four” is much better written. sana hindi ako ma disappoint sa huli. ang hula ko eh mamamatay lahat ng mga bida in the end. hehe.

KASALUKUYANG NILALARO: “ang toto ko” – pero minsan-minsan lang (parang si kevin spacey sa “american beauty“). hehehehehehe. seriously – it’s “Tiger Woods PGA Tour 2005 for the Xbox“. ang isang gusto ko rito ay ang “game face” feature kung saan pwede mong i-customize ang hitsura ng player para maging kamukha mo. weird nga ang pakiramdam when you see a replica of yourself inside the game. parang absurd “out of body” experience. di pa ako nakaka hole in one pero ang dami ko nang natalong mga professionals at marami nang mga endorsements. feeling ko nga, playing professional na ako, kahit sa Xbox lang.

Read the rest of this entry »

yesterday’s title is today’s song. nag record ako ng kanta kagabi. kung di ninyo alam, yung title ng previous entry ay galing sa kantang “circle game” ni joni mitchell. it’s a personal favorite for a lot of reasons. pakinggan nyo na lang:

The Circle Game, the “winalanghiya ni batjay” version. narito yung lines of the title of my previous blog entry – “words like, when you’re older, must appease him, and promises of someday make his dreams”. ay naku, such great lyrics at ang sarap kantahin

The Circle Game, Take 1. this is my first take of the joni mitchell song. ok na sana kaya lang nag text si mari kay jet in the middle of the song kaya napasigaw ako in the end. hehe. pakinggan nyo – pati yung ring tone ng text ay kuhang kuha. bwahaha.

Read the rest of this entry »

BOOKS, MUSIC, MOVIES lahat ng perang pambili ko supposedly ng sigarillo ay napunta na ngayon sa pambili ng libro, DVD at CD. sa isang banda ok na rin. healthy na, enjoy pa. dito sa singapore, makukuha mo halos lahat ng mga gusto mong books, film and music. unless may “pornography” at topics na against the government. hehe. may censorship pa rin. pero maraming mga loophole para macircumvent mo ang mga censors. pinakasikat dito ang mga online stores tulad ng “amazon.com”. pag di available ang mga gusto ko, dito ako kadalasan bumibili.

matagal na rin pala akong di nagkukwento ng mga latest books, films and music na bagong sali sa collection namin. eto ang catalog, baka gusto ninyong subukan…

Read the rest of this entry »

dahil commuter ako sa singapore, ang MP3 player ko ang nagtatanggal ng inip sa byahe. imbis na gayahin ko yung kupal na nangungulangot sa train, nakikinig na lang ako ng musika. ang aking gadget of choice sa tugtugan ay ang aking pinakamamahal na iPod.

Read the rest of this entry »

sa mga di nakakakilala sa akin, ako nga pala si batjay, ang “elvis presley ng quiapo“. tingnan mo yung picture ko doon sa upper right ng screen. hindi yung aso ha. your other right. di ba kamukha ko si elvis na may gitara? gawa iyan ng idol kong pinoy artist na si dengcoy miel. i digress, back to elvis… i’ve loved elvis’ music simula pagkabata. wala pa akong buhok sa pwet, paborito ko na siya. until the end of his life, in spite of the drugs, overeating binges, pagka praning and all that crap, his voice never failed him. i loved that voice and tried to imitate it but all i could come up with is a poor edgar mortiz imitation. dang. pero ok lang, sabi nga ni elvis eh “that’s alright with me”.

o siya. heto na ang tribute ko kay elvis: are you lonesome tonight, alay ko sa lahat ng mahahaba ang patilla. pakinggan nyo na lang. habang kinakanta ko nga pala ito, naghuhugas ng pinggan si jet kaya maraming mga platong kumakalampag. pakinggan nyo rin yung ending, parang si elvis mortiz talaga. hehe. andy kaufman man lang sana.

Read the rest of this entry »

CLICK TO ENLARGE. old pictures... punong puno ng ala-ala of days gone by. i remember when this photo was taken. kagagaling lang namin sa simbahan at sinusubukan ko ang bagong bili na SLR camera. that was many moons ago. no, to be quite frank, that was many pounds ago. old pictures… punong puno ng ala-ala. i remember when this photo was taken. sa bahay ito ng mommy ko sa novaliches. dito pa kami nakatira nung araw. siguro mga 1994 ito, kagagaling lang namin sa simbahan ni jet at sinusubukan ko ang bagong bili na camera. that was a long time ago. correction, that was many pounds ago. much younger, bolder, reckless at wala pang masyadong pakialam kung anong mangyayari sa hinaharap. parang kanta ni springsteen: “at night we ride through mansions of glory in suicide machines… ’cause tramps like us, baby we were born to run.”

nakita ko ang litratong ito na nakaipit sa isang lumang librong binabasa ko nung nasa hospital ako. di ko sigurado kung ano – either yung “american gods” ni neil gaiman or yung “a soldier’s story” na world war II memoirs ni omar bradley. typical sa akin kasi na gawing bookmark ang mga paboritong larawan. mas typical din ang iwanan ang larawan sa loob ng libro pagtapos basahin. ulyanin kasi ako.

IN MY LIFE

May 15, 2004

di ako makatulog. excited siguro masyado sa pag-uwi ang tumbong ko at di mapakali. lipad na kami ni jet in a few hours time pabalik sa bayang magiliw. special ang pag uwi na ito: makakapag celebrate kami ni jet ng aming 13th anniversary with our family and friends. siyempre 80th birthday din ng mommy ko. it’s also about the same date that jet and i decided to move to singapore, three years ago.

looking back nga, ang dami nang nangyari sa buhay ko itong mga nakaraang taon. hanggang ngayon di ko pa rin alam kung saan kami dadalhin nitong byaheng ito. ok lang, kahit saan. pero teka, huwag lang sa india. marami kasing holy cow doon eh.

isa sa paborito kong kanta ng beatles ay yung “in my life”. somehow, it best describes how i feel about this trip home. ni record ko nga kanina. practice lang dahil baka ito ang kantahin ko sa program during my mom’s party. alay ko rin ito sa mylab ko. pakinggan nyo. bibilisan ko lang siguro ng kaunti. nababagalan ako at para akong lasing na DOM. kulang na lang magsuot ako ng puting pantalon, bulaklaking polo at alahas.

eto ang mga nadagdag sa cd collection over the past year. not much, but it’s a weird mix. kinda tells you what kind of person i am. hehe. di na ako bumibili like i used to. siguro, dahil masaya na ako sa collection namin ni jet. at saka at one point, naging suki kami ni kazaa.

Read the rest of this entry »