last day ko na sa opisina kanina. isa isa kong binalik ang mga gamit ko – susi, computer, cell phone at kung ano-ano pa. pang huli kong sinauli yung ID ko na may security access na siyang ginagamit ko sa pag pasok sa opis araw-araw. ito na ang final link ko sa trabaho. alam ko kasi pagka surrender ko nito, hindi na ako makakapasok sa opisina. malungkot din pala. apat na taon din ang itinagal ko rito. kahit papaano, napalapit din ako sa mga kasama ko. kahit na hindi pa ako umaalis ay pinag aagawan na nila ang mga gamit ko. hehehe, mga kupal talaga. bilang “mi ultimo adios” eh nag bigay ng farewell lunch ang boss ko – kumain kami sa isang chinese restaurant malapit sa opis at dimsum ang nasa menu.

natural na sa mga farewell lunch ang magbigay ng speech na puno ng mga importanteng lessons para sa mga iiwanan. para sa farewell speech ko eh, itinuro ko sa kaopisina ko na “adidas” ang tawag sa pilipinas doon sa chicken feet na kinakain namin doon sa dimsum lunch. kasi, ang explanation ko, yung paa ng manok ay nahahawig sa logo ng adidas. ayun, by the end of the meal, adidas na rin ang tawag nila rito. pakiramdam ko tuloy para akong nasa recto at kasama ang mga barkadang kumakain sa bangketa dahil panay ang dinig ko kanina ng “please pass the adidas”. yan na siguro ang legacy ko rito.

good bye singapore opis. bagong mundo na naman in three weeks time.

Advertisements

PAMANGKIN: “tito batjay, bofriend ko po”

BOYFRIEND: “good afternoon po sir”

BATJAY: “anong ginagawa mo rito?”

BOYFRIEND: “dumadalaw lang po”

BATJAY: “tuli ka na ba?”

BOYFRIEND: “ano po yon?”

BATJAY: “ang sabi ko, tuli ka na ba?”

PAMANGKIN: “tito naman eh, huwag mong takutin”

isa sa matagal na naming kinagigiliwan dito sa singapore ay ang ubod ng sarap na “beard papa cream puff” . ito ang type ng cream puff na gusto ko – hindi masyadong matamis. kaya nga kahit naka lima ka na, hindi pa rin magsasawa sa lasa. mga hapon ang gumawa nito and trust the japanese to create a better version of a western invention. highly recommended na naman – sigurado akong makakalimutan mo ang boypren mo pag nakatikim ka nito. kaya widawt parder adyuw, eto ngayon dear brader en sister, ang six easy steps kung papaano kumain ng cream puff.

Read the rest of this entry »

MASARAP ANG FOO KEE SA SINGAPORE nung sabado ng gabi, nag dinner kami sa changi village. masarap daw kasi roon ang “Nasi Lemak“. eh kaso, naligaw kami, kaya nauwi tuloy sa Foo Kee. masarap pala ang pagkain sa foo kee kahit amoy isda. ang main specialty rito ay ang “tau foo” at “tau pok”. gawa ang mga ito sa tokwa na may fish filling sa loob, deep fried hanggang crispy. sa tingin ko ay magiging hit ito sa pilipinas kasi masarap at mura lang. hindi ko nga lang alam kung papayagan ang pangalan ng mga board of censors. based doon sa poster na nakapaskil sa harap ng pwesto, ang foo kee ay isang critically acclaimed eating place. and take it from me, masarap talaga rito. in fact, dalawang beses akong umorder. once to satisfy my curiority dahil nga kakaiba ang pangalan ng tindahan. umulit ako ng pangalawang beses dahil talagang masarap. naisip ko nga – bwakanginangyan, yung mga kainang may nakakatawang pangalan ang may masarap na pagkain. if ever you are in changi village, try to sample the food there – HIGHLY RECOMMENDED.

simula pa nung malaman naming aalis kami, isa lang ang gusto kong gawin parati: ang ma re-experience lahat ng mga bagay-bagay na nagustuhan ko sa singa bloody pore. ngayong gabi, kumain kami sa peborit naming thai restaurant – ang lemon grass sa downtown east. kasama namin ni jet si antonia, isa sa mga naging kaibigan namin dito. siya ang nagturo sa amin tungkol sa mga do’s and don’ts, saan masarap kumain, saan bibili ng this and that nung una kaming dumating. wala rin siyang tinatago kaya masarap siyang kausap tungkol sa singapore life. si antonia rin yung nagsabi sa amin na karamihan daw sa mga singaporean na lalaki ay boring at puro trabaho lang ang inaatupag. kulang na lang sabihin na wala silang kalibog libog sa buhay. hehehe… hay buhay. ang isa pa sa mga pinag usapan namin kanina ay tungkol sa suicide. paano ba namin naging topic ito? ah, i forgot.

Read the rest of this entry »

LIVING ON BORROWED TIME

June 23, 2005

washing machine for sale

this coming august, four years na kami ni jet dito sa singapore. nakakalungkot nga kasi hindi na namin ito aabutin. aalis na kaming mag asawa in a few weeks time. nilipat kasi ako sa opisina namin sa southern california starting this july. good news, bad news… the good news is that mapupunta ako sa lugar na matagal ko nang gustong tirhan. i love southern california. i love the weather, i love what it offers. una ko pa lang ito nakita, humiling na ako na sana one day tumira kaming mag asawa rito. ngayon matutupad na ito. the bad news is, malalayo kami sa lugar na napamahal na sa amin. i love singapore. i love the food, i love the fact that it’s only 3 hours away from manila, i love the security and the cleanliness and most of all i love our dear friends whom we’ve had the opportunity of spending time with these past few years. marami pa akong ikukwento about our big move to the united states pero siguro sa ibang araw na lang.

Read the rest of this entry »

malakas ang ulan kahapon kaya namasahe ako imbes na magbisikleta papunta sa opisina. muntik pa akong mapa away sa train. may pilit kasi akong pinaupo na babae dahil akala ko buntis. hindi pala. na offend ata at ang sama ng tingin sa akin – akala ko hahampasin ako ng payong. kung minsan ano, mahirap mag magandang loob. siguro kaya maraming nag tutulog tulugan na mga lalaki sa train. ayaw na nilang ma involve at baka mapasama pa sila.

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ano po ba ang kinakatakutan ninyo? gumagawa po kasi ako ng study tungkol sa mga fears at phobias, gusto ko lang pong malaman kong ano ang mga bagay bagay na nagpapa takot sa iyo.

BATJAY: dear gentle reader, wala naman akong kinakatakutan except yung sapatos ng misis ko. masakit sa ulo eh. bwehehe. pero seriously – last week, sabi sa akin ng barbero habang ginugupitan ako: “you have very soft hair”. sabay ngiti na parang gusto akong halikan. ayon, natakot ako roon.

pinanood namin ang “Batman Begins” nung sabado. matagal ko nang hinihintay ito, hindi lang dahil sa hype, pero dahil din sa ako’y tagahanga ng director nito na si chris nolan na siya ring nag direct ng paborito kong “memento“. under his care, at least alam kong hindi magiging corny ang pelikula. hindi naman ako nadisappoint – “Batman Begins” is the best batman movie ever. heto ang aking mga puna sa pelikula (WARNING: MAY MGA SPOILERS SA PAGPAPATULOY)… mamamatay ang love interest ni batman. hehehe. ay sorry.
Read the rest of this entry »

SNAPPY ANSWERS TO QUESTIONS FROM FAMILY AND FRIENDS WHO HAVEN’T SEEN YOU IN A LONG TIME:

FRIEND FROM THE PHILIPPINES: “long time no see, tumataba ka yata!
BATJAY: “tangina mo rin”

FRIEND FROM THE PI: “ang taba mo. ano bang ginagawa mo sa singapore?”
BATJAY: “panay ang jakol”

FRIEND FROM THE PI: “hoy pangit, magpapayat ka naman”
BATJAY: “isang bala ka lang, kinanginamo”

FRIEND FROM THE PI: “ano ang timbang mo ngayon, sir?”
BATJAY: “mahigit limang kilo”

FRIEND FROM THE PI: “bakit ang taba mo ngayon dre?”
BATJAY: “huminto na kasi ako sa pag shabu”

FRIEND FROM THE PI: “ang laki ng pinagbago mo. taba mo ngayon, sobra!”
BATJAY: “ikaw naman, wala ka nang pag asang mag bago: pangit ka pa rin”.

PAMANGKIN FROM THE PI: “tito batjay baboy, tito batjay baboy, tito bat…”
BATJAY: “hindi ka ba titigil? um!” (KWAPAK!)

CURRY FISH HEAD lumabas kami ngayon for dinner. literally sa labas kami kumain. oo virginia, sa kalye mismo. hindi naman delikado na nahagip ng kotse kasi may harang naman ang entrance. habang ngumunguya nga, naisip ko kanina – ang isang part ng charm ng singapore eh kahit cosmopolitan pa siya at ultra modern, in her heart of hearts, it is still a small town. dito kasi, pwede kang pumunta sa mga maliliit na turo-turo na nakakalat sa isla, upo ka sa lamesa at kumain ng mura pero masarap na pagkain any time of the day. kung alam mo ang mga lugar kung nasaan ang mga special food, hindi ka uuwi ng luhaan sa gabi. yang nasa picture ay isa sa mga paborito kong pagkain: “fish head curry”. ito ay ulo ng isda na niluto sa sampaloc at curry sauce na may sahog na gulay. simple lang pero bwakanginangyan, ang sarap. ulam namin ito kanina. sa sobrang sarap ng kain ko eh para ko ngang gustong itaas ang paa ko sa silya at magkamot ng tiyan. tapos sinamahan pa namin ito ng pepper crabs, shrimp paste fried chicken, ginisang veggies at panulak na cold barley drink. perfect meal baby especially since we were with good friends.

heto ang “films to watch” list for the next few days. epekto ito ng mga nabiling binabargeyn na DVD sa on-going great singapore sale.

Heaven Can Wait – ni warren beatty. 1978 nang lumabas ito. i remember watching this with my sisters. great comedy about life, death and should we call it reincarnation, rebirth or reinsertion?

Regarding Henry – ni harrison ford at ni annette benning (ang asawa ni warren beatty na artista sa “heaven can wait”). bad assed lawyer is shot in the head. goes into a coma and is transformed into a kind gentle man when he wakes up. naiyak kami ni jet.

Paper Moon – ng mag amang ryan at tatum o’ neal. isa sa mga classic films na babalik balikan mo. shot in black and white – dito nanalo si tatum ng oscar for best supporting actress. she would eventually grow up, marry (and divorce) tennis superstar john mcenroe. but that’s another story.

Young Sherlock Holmes – produced by steven spielberg. sa harrison plaza ko ito pinanood many years ago. ang pelikula ay tungkol sa pagkabata ni sherlock holmes – ang galing ng pagka explain sa origins ng kanyang pipe, hat at kung papaano pumasok sa picture si watson.

The Who, Thirty Years of Maximum R&B Live – rare find ito sa mga on sale items. di ko alam kung na appreciate ito ng mga taga singapore, pero ako? bwahaha, kinuha ko agad. siguro kaya on sale dahil walang tagahanga ang “the who” dito. mapanood ko lang ulit si keith moon na mag drums ulit eh sulit na para bilhin ang DVD. nasa sydney ako last year when they were on tour. sayang, sana pinanood ko na lang sila. i was there and i had the time. sigh.

4 EYES BATJAY: binebenta ko ang bike ko murang mura lang

GENTLE READER: magkano?

BATJAY: $10

GENTLE READER: bakit ang mura?

BATJAY: kasi kwadrado ang gulong eh.

NGYA-HAW-HAW (TV canned laughter sa corny joke)

pero sa tutuo lang binebenta ko talaga ang bike ko. special offer para sa mga taga singapore. wheeler mountain bike, black, 24 speed, mavic rims, kenda tires, electronic speedometer, front light and 2 rear lights. cute owner not included. hehehe. pag pinoy ang bibili S$700, pag hindi pinoy $1000. pag babae ang bibili, may kasama pang kiss na labas dila.

GENTLE READER: dear unkyel batjay, may seryosong tanong po ako at sana makatulong kayo. may proffesor po ko sa isang major subject, soooobrang lakas ng anghit talaga, as in pamatay! di naman ako pwdeng umupo ng malayo sa kanya kasi ang boses nya ay parang bulong lang, tuhod lang nya ang nakakarinig. huwat should my poor soul do?

BATJAY: dear gentle reader, mahirap talaga ang magkaroon ng teacher na may putok. mas masahol pa kasi iyan kaysa doon sa teacher na talsik laway. lalo na in your case kasi may anghit na, boses kiki pa. ispiking of putok, mayroon kaming dating tauhan sa pilipinas, ang pangalan niya ay tata. sa sobrang lakas nga ng anghit eh nagtutubig ang mata ko pag lumalapit siya. ang tawag nga namin sa kanya ay tata 45, kasi malakas pa sa kwarenta’y singko ang putok niya. nung nag-aaral pa ako sa malayan colleges, mayron din kaming instructor na may putok. tiniis namin siya ng isang sem, pero nung second sem napuno na ang salop nang nagsisimulang magka nosebleed ang mga classmates ko sa front row. una, sinulatan namin siya anonymously. pangalawa, sinumbong namin siya sa dean. the next day, nagreklamo sa class – bakit daw kailangan pang umabot sa dean ang body odor niya. tapos nagkaroon kami ng mahabang open forum kung saan tinanong niya sa class kung talagang may putok siya. siyempre, walang nakasagot. pero pagtagal nawala rin ang anghit niya. hindi dahil nasermonan siya ng dean o dahil sa sulat namin. nawala ang putok niya dahil nagkaroon siya ng girl friend. dito ko napatunayan na mas mabagsik ang pag-ibig kaysa sa tawas. pag inspired ka talaga, mapipilitan kang maligo araw araw.

4 EYES bata pa lang ako eh mahilig na akong magbasa ng komiks. lahat binabasa ko – hiwaga, aliwan, wakasan. so what kung weak ang plot ng mga storya – tulad ng pagjajakol, pampalipas oras lang naman ito eh. over the years, nasundan ko ang buhay ng mga sikat na mga komik character tulad ng dysfunctional na pamiliya nina zuma, galema at dino. nahilig din ako sa komiks na galing sa ‘merika. nung medyo uhugin pa ako at supot, ang paborito ko ay si superman. for a while ok lang siya. kaya lang nung nakakaroon na ako ng buhok sa mga parte ng katawan ko na hindi nasisikatan ng araw, na disillusion ako. bakit ang tatanga ng mga taga metropolis? bakit hindi nila mapagdugtong na si clark kent ay si superman? nagsuot lang ng eyeglasses, di na nila nakilala? bakit sobrang perfect niya? pagtagal tuloy, nagkaroon ako ng dislike sa mga chraracter na goodie goodie at napalapit instead sa mga superhero na may mga issues tulad ni batman. ah, here was a character who was really dark. isang avenger na pinaghihigantihan ang pagkamatay ng parents niya by being a bat like vigilante creature of the night. hindi na bale na siya ay gago rin siyang tulad ng mga ibang super hero na inuunang isuot ang pantalon bago ang underwear. hindi na bale na pinagbintangan siyang bading na pedophile (o pedophile na bading) dahil inampon niya si robin. ano kaya ang nangyayari sa loob ng batcave pag hindi tayo nakatingin? nag iispadahan kaya sila? bading din kaya si alfred? pero kahit ano pa siya – i had my super hero in batman.

honga pala, the caricature above was done by rene enriquez, isang batikang artist painter photographer na nagtatago sa pagiging isang engineer. subukan ninyong magpunta sa site ni rene, you will be impressed by the quality of his work. iniisip ko nga pag naroon ako – dapat full time artist na lang siya. maganda ang mga water colors niya, akala mo talaga tunay. hindi tunaytibayb. tunay talaga. he’s the real deal. punta kayo sa website niya at mag comment. sabihin ninyo, galing kayo rito at baka sakaling i-drawing niya rin kayo! peace.

una ko silang narinig, sometime in the late 70’s. nag uwi ang kuya ko ng mga plaka na pinapatugtog niya sa pinoy rock and rhythm show niya sa RJ. isa roon ang nakakuha sa attention ko. ang title nito ay “super sessions“, and it was the first time i heard a live recording of a pinoy rock concert. the artists of course was the juan dela cruz band. early on, na impress na agad ako sa style ni mike hanopol, wally gonzales at ni pepe smith. nung time na yon, kasali rin sa groupo nila, ang isa ko pang idol na si edmund “bosyo” fortuno. ang juan dela cruz band ang naging early influence ko sa musika and i knew the lyrics of all their songs. when they broke up and had successful solo careers, naron pa rin ako – a fan who attended all the concerts. and i was only 11 years old at the time kaya kung may nakikita kayong bubwit sa mga pinoy rock concerts nung araw, ako yon.

nung high school ako, nag reunite ulit ang juan dela cruz band and they released the “kahit na anong mangyari” LP. tuwang tuwa na naman ako dahil puro mga bagong kanta at lahat magaganda. paborito ko ang “pag dating ng panahon” ni pepe – halos kopyahin ko nga ang theme ng kanta para sa lyrics ng graduation song namin.

then the years went by, i entered college, graduated and started my career. nawala na sila sa radar ko. mike went to the states. di ko na alam kung ano ang nangyari kay wally. pero si pepe, na paborito ko sa kanila, was still around. one day in december, nagulat na lang ako when he suddenly showed up in our house in novaliches with my brother dante. birthday ko noon at pumunta sila para bumati. simple lang ang handaan. naroon lang kami sa garden, umiinom at nagkakantahan kasama ang mga kaibigan ko. ang highlight ng gabi ay ang pag jamming namin ni pepe smith ng “himig natin” at “riders on the storm“. it was one of the most memorable birthday’s i ever had.

this coming saturday, may reunion concert ang juan dela cruz band entitled “PAGBABALIK”. gagawin ito sa world trade center sa pasay. kung nasa pilipinas lang ako, hindi ko ito palalagpasin. if you are a rock fan, buy your tickets now. bihira lang magreunion ang isa sa mga poste ng pinoy rock music. at saka isa pa, matatanda na sila’t nirarayuma. baka hindi na ulit mangyari ito, kaya make sure you attend.

ngayon lang ulit ako nakapag bike ng gabi. kakadating ko lang hekshuli after a short 20 minute 10K ride. umuulan kasi kaninang umaga kaya di ako nakapag bike papasok sa trabaho. pag nangyayari ito, binabawi ko na lang sa gabi – often, very late into the night. tulad ngayon, alas onse na ako lumabas. kung aalis kami rito, ang isa ko pang mami miss siguro ay ang lumabas kahit anong oras sa gabi ng walang takot. alam ko kasi puro mga supot ang mga magnanakaw at snatcher dito sa singapore. most of the petty crime here is commited against senior citizens na hindi makalaban. karamihan sa mga kaso ay mga snatcher na nang aabang ng mga lola sa loob ng elevator. pag nakita kasi nilang dagul na katulad ko, pasok ang buntot between the legs (most of the time).

nung una nga akong dumating dito, tingin ako ng tingin sa likod ko, parating nakayakap sa bag at nakikiramdam kung may tatalo sa akin. pero after a while, nawala rin ang pagka praning ko. ngayon nga, sa sobrang pagka care free, naiiwanan ko na ang susi minsan sa front door namin. para tuloy akong nangiimbita sa mga magnanakaw at nagsasabing – “hoy mga gago, ulyanin ang may ari ng bahay na ito. tingnan nga ninyo, kundi ba naman tanga, kinalimutan na naman ang susing nakapasok sa lock ng pintuan”.

GENTLE READER: dear unkyel batjay, di po ba sa pilipinas pag pinapakain ang mga baby, gumagamit tayo ng maliliit na kutsara at tinidor. ano po ba ang ginagamit ng mga intsik diyan sa singapore pag pinapakain nila ang kanilang mga baby? toothpick? biro lang po. itatanong ko lang hekshuli kung ano ang paborito mong singaporean dessert.

BATJAY: dear gentle reader, nagpakalbo ka na naman siguro ano? nagpapatawa ka kasi eh. hindi toothpick ang ginagamit ng mga intsik na baby – chopsticks din na normal size. doon naman sa ikalawa mong tanong, ang paborito ko ay “CHNG TNG”, ang dessert na walang vowel. ewan ko nga ba kung bakit yan ang pangalan pero masarap. dati ang paborito ko ay “BOBO CHACHA with durian” pero nagsawa na ako rito. may gusto sana akong tikman na dessert kanina during lunch kasi naintriga ako sa pangalan – “white fungus with jelly“. parang alipunga ano? hehehe.

"IGOR, it's ALIVE!"

June 6, 2005

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE CHINA. isang lalaking intsik ang nagpanggap na kuba para maipasok sa eroplano ang alaga niyang pagong. ang pagong na may timbang na limang kilo, ay nakitang nakatali sa likod ng lalaki habang sinisiyasat siya ng mga pulis sa airport na nakapansin sa kanya dahil kakaiba raw ang umbuk niya sa likod.

ako rin, gagayahin ko siya. susubukan ko namang ipasok sa aking pantalon ang alaga kong sawa pag sakay ko sa eroplano next month. idadahilan ko na lang sa mga security sa airport na pinaglihi ako sa kabayo.

GENTLE READER: baka naman bulate at hindi sawa.

gago!

4 EYES hi daddy. happy birthday. kung buhay ka pa, sana 83 ka na ngayon. kamusta ka na? marami ka pa rin bang chicks na nilalandi? dinadaan mo pa rin ba sa ganda ng boses para malaglag ang mga panty ng mga anghel diyan? hehehe. sana. otherwise magiging boring ang buhay mo pag wala man lang kahit kaunting kerengkeng. tinitingnan ko ang mga album kanina at nakita ko ang picture na ito. naalala ko pa nung kailan ito kinuha. siguro mga eight years old pa lang ako. nasa bahay tayo ni tito bert sa santa mesa at biglang lumapit ang kapatid niyang si quintin na may dalang camera. hinila mo akong bigla and the picture was taken. it’s funny how much detail from childhood you can remember. and i do remeber all the little acts of kindness that you’ve shown and all the things we did together. lahat yon nakalista. it’s the only way i keep your memory alive. alam mo, paminsan minsan napapanaginipan pa rin kita. sa panaginip ko, nag uusap lang tayo tungkol sa buhay buhay habang nag iihaw sa garden ng bahay namin ni jet sa antipolo. na mi miss din kasi kita kahit papaano. sa mga ganitong pagkakataon, gusto kong maniwala na mayroong afterlife. sana nga mayroon para magkita tayo someday. if that day comes, gigimmick tayo kahit saan mo gusto. sagot kita. o siya, happy birthday na lang ulit.

ano bang mga bago mong binabasang mga libro?time’s eye” ni arthur clarke, “bamboo in the wind” by nina azucena grajo uranza, “sideways” ni rex pickett, “out” ni natsuo kirino, “The Melancholy Death of Oyster Boy” ni tim burton at “twisted flicks” ni jessica zafra.

Have you ever had a crush on a fictional character? you bet – snow white, lady chatterly, si galema na anak ni zuma, death.

what are the books you would bring if you were stuck in a desert island?the world according to garp” ni john irving, “Songs of Distant Earth” ni Arthur Clarke, “COSMOS” ni Carl Sagan, “Twenty Love Poems and a Song of Despair” ni pablo neruda (sorry follks, hindi kasali ang “THE HOLY BIBLE”)

nagbabasa ka ba ng porn? nung nagbibinata ako, bumibili ako ng bed time at burikak sa recto.
Read the rest of this entry »

kung sakaling umalis kami ni jet sa singapore, siguro ang mami miss ko most of all ay ang mga super seksing babae na mahilig mag suot ng low waist na pantalon na halos kita nang buhok sa ibaba ng pusod at ang pagkain. last week pa akong nasa food trip mode. nung weekend kumain kami ng paborito kong “curry fish head” sa chinatown. sinabayan pa namin ito ng “shrimp paste chicken“. last tuesday naman, nag “chili crabs” kami sa no signboard at halos matae nga si bong pogi sa anghang pero tuloy pa rin ang kain. kagabi naman, nagpunta kami nina eder, tintin, ron, owen at jet sa geylang para kumain ng “beef hor fun” at “oyster omelette“. kain kami sa kalye, walang pakialam sa mundo. then this lunch, nag yaya ako sa old airport road para makatikim ng paborito kong lomi (“lor mee” ang spelling dito) – thick dark sauce over noodles, shredded pork and fish, garlic, kikiam at kung ano ano pang secret ingredients. muntik na akong tigasan ma arouse sa sarap.

habang kumakain ng lomi, pinagusapan namin ng mga kaopisina ko ang mga style ng panliligaw ng mga singaporean. dalawa kasi sa kanila ay mga binatang nasa mid 30’s. bading ba sila? hindi naman siguro. hindi lang marunong manligaw. pinayuhan nga sila ng isang kasama ko na magpunta na lang sa vietnam. kasi doon, sa halagang $10,000 (mga 300,000 pesoses) may mga agency na maghahanap sa iyo ng asawa. all in na ito – kasali na yung wedding proper, reception sa vietnam, plane tickets, yung professional fees at siempre yung bayad sa mga magulang ng babae. kabisadong kabisado nga ng kasama kong binata ang ins and outs tungkol rito. mukhang nag apply na siya dati.

Inside every older person is a younger person wondering what the hell happened dumating ang kaibigan ko na si bong pogi rito sa singapore last monday at nilabas namin siya ni jet kagabi. bihira kasing dumalaw ang mga malapit na barkada kaya sabik din akong maipasyal namin siya. matagal ko nang kaibigan si bong pogi. we went to high school and college together. isang grupo kami sa malayan colleges mafwa na mga notre dame alumni (about 30 or so all in all), kaya parang itinuloy lang namin ang high school sa ibang skwelahan. sa tambayan ng mapua, kami pa rin ang magkakasama. we were really tight. mayron pa ngang time na we almost shared the same girlfriend. hehe. magkakasama kasi kami sa isang inuman sa makati after school: si bong pogi, gelpren niya, ako, si pareng vikoy at si momon. nang magpunta sa toilet si bong pogi, biglang lumapit ang gelpren niya, nag byutipul eyes at tinanong ang telepono ko. sabi ko, “sweetheart, hindi tayo talo. umihi lang ang boypren mo, kung ano ano nang ginagawa mo”. lumayo bigla at umuwi na kami after a while. a few weeks later, nabalitaan ko na lang na lumipat na kay pareng vikoy ang gelpren ni bong pogi. tawa ng tawa tuloy si momon. gusto daw atang tuhugin kaming lahat. THE END. actually, marami pa kaming pinag usapan – katulad ng pagtulo ng laway niya na parang gripo habang natutulog sa economics class namin nung 3rd year high school. kung paano naman nabagok ang ulo ko nang tumama ito sa lamesa dahil bigla akong nakatulog sa sobrang kalasingan. pinagusapan din namin yung time na malakas ang nakawan sa school during our senior year kaya tuloy naplilitang magbigay ang aming english teacher na si miss hojilla ng word power excercise kung saan itinuro niya sa amin ang 20 definitions ng pagnanakaw. dito namin natutunan ang mga salitang “purloin“, “filch“, “snatch“, “pilfer“, “shoplift“, “poach” at “pick” na siyang ginagamit pa rin namin hanggang ngayon pag pinag uusapan namin ang tungkol sa nakawan. e.g. “Uy, may na purloin palang bangko sa kalookan last week”. masaya talagang kasama ang mga matagal mo nang kaibigan. sa circle ko – mas higit pa sa kapatid ang turing ko sa kanila. salamat sa dalaw bong pogi, here’s to 35 years of friendship. hanggang sa muli.