ano bang mga twisted guilty pleasures ninyo? marami akong mga kakilala na halos mag orgasm pag nagku-kutkot ng tenga. sinusundot ng walis ting-ting ang loob at pagkatapos ay kinikilig sa sarap. hehe. mayron namang mga iba na mahilig mangulangot habang nagmamaneho – sa singapore, maraming ganito. halos ipasok ang hinlalaki sa butas ng ilong. nung high school naman ako, mayroon kaming teacher na mahilig magkalkal ng betlog. para hindi namin mahalata, ididikit niya ang singit niya sa kanto ng teachers desk ay doon magkakaskas. obvious naman na gusto niya ito dahil minsan nahuhuli namin siyang napapapikit.

Read the rest of this entry »

Advertisements

christmas break namin ngayon. sarap nga eh – nakabakasyon ako from december 24 hanggang january 3. kung di lang mahal ang pamasahe eh di sana nasa pilipinas kami ngayon. pero ok na rin, nakapag pahinga kahit paano. ang isang maganda rito sa california eh ang dami mong magagawa. kaninang umaga nga nag bisikleta ako sa park malapit dito sa bahay. ay oo nga pala, mayroon akong bagong bike. christmas gift ni jet sa akin. mas maganda kaysa doon sa dati kong bike sa singapore. racer ang kinuha ko this time – “Specialized Tricross Sport Double” ang kumpletong pangalan. fancy smanzy ano? ang ibig sabihin ata nito eh bisikletang pwede mong gamitin kahit saang kalye (hekshuli, kahit walang kalye ay pwede rin). gagamitin ko nga ito sa pagpasok sa opisina. mayroon kasing incentive sa amin – if you bike to work, mayroon kang dagdag sa sweldo. parang binibigyan nila ng encouragement yung mga empleyado na magkaroon ng active life style. itatanong ko nga kung mas malaki ang allowance kapag nagbibisikleta na nagjajakol pa.

Read the rest of this entry »

dear mommy,

merry christmas po sa inyo. by this time siguro papunta ka kayong lahat sa tagaytay para sa annual christmas party ng pamilya. first time namin na mami miss ito ni jet in 5 years. medyo nakakalungkot nga pero ano bang magagawa natin – kailangan kumayod para may pambili ng hopia.

sana next christmas ay magkakasama ulit tayong lahat.

kagabi, nanaginip ako na kumukuha raw ako ng dalawang hershey bar sa vending machine sa opisina namin. weird nga eh – hindi ko po alam kung mayroon itong connection sa pasko pero gusto ko lang ikuwento. actually, ok naman po ang christmas weekend namin. parang nasa pilipinas rin kami kasi mga kabayan din ang kasama namin. ang sarap panoorin kung paano mag celebrate ang mga pinoy ng holidays sa ibang bansa. pakiramdam ko, we miss home so much na pilit naming mga overseas pinoy na ipagdiwang ang pasko na parang nasa pilipinas din kami. it’s heroic in a way and i love it.

tuloy po muna kami mommy. punta kami ng san diego ni jet at doon makikipag pasko sa iba nating mga kamag-anak. ingat po kayo diyan at kamusta na lang sa lahat.

nagmamahal,
jay


pakinggan ang PODCAST ng Dear Mommy Letter

IT TAKES A LEAP OF FAITH

December 21, 2005

i turned 40 recently. kwarenta. pakingsheet. who would have thought that i’d be forty. pero kung sabagay, nung ipinanganak ako ng mommy ko nung 1965, forty one na siya. and she ended up living a great life. she’s still alive and healthy at 81. si jet din, she doesn’t look her age. masayahin kasi at malakas tumawa. sa akin kaya, ano ang mangyayari?

ewan ko. ni hindi ko nga alam kung pabalik na ako sa pinanggalingan ko o papunta pa rin sa patutunguan. basta ang isang alam ko, malaki pa rin ng promise na pwedeng ibigay sa akin ng kapalaran, kung ano man iyon. in any case, ang importante ngayon para sa akin ay: una, sa tingin ko ay nasa tamang direksyon ang buhay ko at ikalawa, tigas titi pa rin ako.

Read the rest of this entry »

maganda mag gunita ngayon ng nakaraan dahil malapit nang mag pasko. special pag ganitong time of the year kasi lahat ng tao ay masaya. kahit nga yung mga matatandang dalaga na masusungit dahil nagsara na yung labasan nila ng ihi eh masaya rin. kaya hayaan ninyo ako ngayon magbalik tanaw.

Read the rest of this entry »

dalawang Podcast ko nga pala ang naka register sa iTunes ngayon – “Dear Unkyel Batjay” at “Mahalagang Balita“. kung gumagamit kayo ng iTunes, punta lang kayo sa music store, click sa “podcasts” then do a search – ipasok niyo lang “batjay” or “philippines” or “pinoy” as your search words at makikita na ninyo yung mga podcast ko. marami na kami ritong mga pinoy podcasters at matutuwa kayo sa variety na available dito. ang maganda sa iTunes based podcast ay pwede kang mag subscribe dito ng libre at kung mayroon kang iPod, automatically mo itong mai-do-download at pwede mong marinig kahit saan.

Read the rest of this entry »

dear mommy,

Ang Mahiwagang Daigdig ni Darnita, ang Batang Darna. CLICK to Zoom kamusta na kayo diyan sa pilipinas? sana ay nasa mabuti kayong kalagayan – di ko alam kung ano ang pakiramdam ng isang 81 year old but looking at you, it seems that you are having a great time. halloween na nga pala dito sa amin bukas. ito ang magiging una namin ni jet dito sa amerika at handa na kaming makikisali dito sa sikat na american tradition na ito. nakakatuwa nga ang mga kano, libo libo ang ginagastos para lang makapaglagay ng dekorsasyon sa mga bahay nila. kung titingnan mo, para silang mga sira ulo – bibili ng mga sapot ng gagamba, mga pusang nanlilisik ang mga mata, higanteng daga, mga paniki, at kung ano anong mga nakakatakot na mga maligno. tapos ididisplay ito sa labas ng bahay. tama ba naman yon? pero tama man o mali eh sali kami sa kabaliwan nilang ito! hehehe. napabili na nga kami ni jet ng mga candy para ipamigay sa mga bata, sakaling may maligaw na mag “trick or treat” sa apartment namin bukas.

Read the rest of this entry »

nagiging metrosexual na ata ako. napansin ko kasi, simula ng lumipat kami rito sa california eh mas matagal na akong gumamit ng banyo sa umaga dahil sa kung ano-anong mga ritual na dinagdag ko sa aking “after i wake up and before i go to work” ceremony. dati rati kasi simple lang ang banat ko: inom ng kape, watch the morning news, upo sa trono, toothbrush, shave, talon sa shower, lagay ng kili-kili power, pabango, bihis at sibat. normally i can do all these in less than 20 minutes. pero iba na ngayon. oo virginia, change me. lumandi na ako ng tuluyan.

Read the rest of this entry »

pumasok ako kanina sa target kasi may pinabibili sa akin si jet. nakasuot ako ng pulang t-shirt and i knew immediately that this was a big mistake dahil red ang kulay ng uniform ng mga empleyado doon. true enough, after a while ang dami nang lumalapit sa akin at nagtatanong kung saan mahahanap ang this and that product. ano pa nga ba ang magagawa ko? eh di siyempre, nginingitian ko na lang silang lahat, binabati ng good evening at pagkatapos ay inililigaw by giving them the wrong directions. ano ba naman malay ko kung saan makikita ang mga tinatanong nila sa akin.

nung araw, sa marikina shoe expo pa kami dumadayo para lang makabili ng sapatos, ngayon narito na kami sa california at marami nang available na sapatos na kasya sa akin. how time flies. although malayo na kami sa shoe stores ng aking childhood, we still make long journeys para makita ang tamang style na gusto ko at pinakaimportante ay tama ang price. nakabili ako sa cabazon. isa itong factory outlet malapit na sa palm springs. lagpas 200 miles (over 300 kilometers) nga ito sa amin, back and forth. kung sa maynila ako nagsimula, nalagpasan ko na ang baguio. pero ok lang naman ang mga ganitong distansya rito sa amerika. maganda kasi ang mga kalye kaya mabilis ang takbo ng mga sasakyan. di mo mapapansin na malayo na pala ang narating mo. mabuti nga’t nagpunta kami roon, at least naipasyal ko si jet kahit papano. dami nga rin niyang nabili kaya masaya rin siya. ako man ay ok din kahit nakiskis na naman ang pobreng credit card.

Read the rest of this entry »

pag medyo pagod na sa kakalakad sa cubao, diretso nood muna ng sine. either coronet, diamond or new frontier. naalala ko, parating malagkit ang mga sahig ng mga sinehan nung araw. siguro dahil sa mga natapon na coke. SANA, dahil sa mga natapon na coke. baka kasi may mga manyak na mahilig mag mariang palad at sa sahig pinatatalsik yung kanilang, ahem, semilya. i digress – anyway, paglabas sa sine, pasok naman sa fiesta carnival – sakay sa roller coaster na maliit o kaya laro ng mga video games – either pong, night rider, brick game or space invaders. pacman would come later, much to our delight. pag labas mo sa kabila ng fiesta carnival, malapit ka na sa ali mall. masarap umikot doon nung araw dahil marami kang makikitang mga kung ano ano (mga pokpok, mga pekpek, mga anghel na may malalaking pakpak, etc). mayroon pang skate town rink doon pero di ako nagpupunta kasi rocker dude ako at mga disco kid ang mga tambay doon. from ali mall, lakad kami towards COD or the marikina shoe expo para tumingin ng sapatos. naalala ko tuloy yung glenmore shoes commercial sa pinoy rock and rhythm during those times. si pepe smith ang kumanta ng theme song and i remember the lyrics to this day…

“hinahanap mo ba ang tunay na toga
glenmore ang tatak ng sapatos
sa bawat hakbang ay walang paltos
yan ang glenmore shoes

glenmore, glenmore
matibay, may class at may uri
glenmore, glenmore
yan ang glenmore shoes”

TO BE CONTINUED (na naman)

1081

September 21, 2005

masarap balikan yung maynila ng aking kabataan. wala pang mga malalaking mga malls nung 1970’s. walang internet. walang cell phones, walang text messaging, walang cable TV – wala lahat ng mga pleasures na na e-enjoy ng mga bata ngayon. may kabaret na ata nung araw at mga bastos na burikak magazines na may naka hubo pero bata pa ako para sa mga ganoong mga bagay. ang pinaka pang aliw ng mga tulad kong taga quezon city ay mamasyal sa cubao. eto ang typical na itenerary namin: from novaliches, sasakay kami ng pascual liner (yung mga galing ng kalookan JD liner at DM transit ang sinasakyan). kahoy pa ang mga silya nung araw dahil hindi pa yata naimbento ang kutson. may love bus na aircon pero mahal naman ang bayad. so anyway, sakay nga ng bus at baba sa farmer’s market – ikot muna doon para maghanap ng mga printed hanes t-shirt. tapos diretso sa araneta coliseum nagbabakasakaling makakita ng basketball player (i was a crispa fan). minsan pag may extra na pera, kakain kami sa 3M pizza (pag nilagyan ng red devil hot sauce, nakaka adik yung pizza nilang matigas na may keso and a few slices of ham). minsan naman, papasok ako sa national book store sa araneta center para amuyin ang mga scented na eraser na ibinibenta roon. may scented eraser fetish din ba kayo o ako lang ang sira ulong mahilig mang amoy ng eraser?

TO BE CONTINUED (ulit) TOMORROW…

bumili ako ng sapatos nung linggo. mabuti nga’t narito kami sa amerika. dito lang kasi ako nakakakita ng disenteng sapatos para sa paa ko (oo virginia, dalep-endarayt). size 12 kasi ang paa ko. you know what they say about people with big feet, don’t you? they have big cocks shoes. nagsimula ang problema ko sa shoe size nung pagtapak ko (pun intended) ng 1st year high school. around this time, bigla na lang humaba ang paa ko (oo virginia, parang jinakol dahil biglang laki) at nahirapan na akong bumili ng sapatos sa pilipinas. karamihan kasi ng mga stock sa mga tindahan ay hanggang size 9 lang. swerte na kapag nakakita ka ng size 10. ang ginagawa ko nga bago pumasok sa mga shoe store ay magtanong muna kung ano ang pinakamalaking size na available. nakaka disappoint kasi kapag may kursunada kang sapatos tapos biglang sasabihin sa iyo ng tindera na hanggang size 9 lang sila. ang ginagawa ko nga during those days ay bumisita sa marikina shoe expo sa cubao before the start of classes. nung araw kasi, dito ka makakakita ng mga murang sapatos na may malaking mga size. malapit lang ang shoe expo sa COD. naalala nyo pa ba yung COD? ito yung department store sa cubao na nagpapalabas ng malaking puppet at animatronic show sa balcony nila pag pasko. dinadayo ito ng mga taga maynila during the 1970’s and i remember watching it as a child with my dad. buhay pa kaya ang COD at ang marikina shoe expo? i hope it’s still there.

TO BE CONTINUED TOMORROW

Glorious, suwerte ka raw pag nataihan ka ng ibon. at least yan ang kasabihan ng mga taga asia. naniniwala ako rito. nung grade five kasi kami, yung isang classmate ko, nabagsakan ng ebs ng tarat habang kumakain kami sa gym. muntik na ngang ma shoot sa lunch niya, pero lumihiis ito at tumama sa balikat niya. naiyak nga siya (siguro dahil napahiya). pero look at him now – isang successful na negosyante. panay na lang ang pasok ang pera sa bulsa niya automatically at kahit di na siya magtrabaho hanggang sa mamatay siya eh hindi na siya magugutom. all that good luck later on his life, dahil lamang sa isang fateful shitty day. sana ako rin swertehin – nung first day of work ko kasi dito sa america, yung bintana ng kuwarto ko ay nataihan ng ibon. hindi ko alam kung anong ibon pero betchabygollywow, ang laking kalat ang ginawa niya (please see picture). sabi nga ng room mate kong si claus eh baka ostrich daw ang tumae sa bintana ko. impossible naman kasi, una, walang ostrich dito sa california. ikalawa, hindi naman lumilipad ang ostrich (oo nga pala, PYI: nasa top floor ang office ko). baka agila o lawin – marami kasing umaaligid dito. siguro hina-hunting nila yung mga sira ulong kuneho na takbo ng takbo sa office grounds namin. heniway, gumawa nga ako ng “FOR SALE” sign para naman malagyan ng kaunting dekorasyon ang opis. lahat nga ng dumadaan ngayon ay humihinto at natatawa – nagiging conversation piece tuloy (“what you got there, jay?”, “can i get one of them bird shit too?”, “what in the hell is that thing on your window?”, “fucking shit!”, “holy shi!t”, “hey jay, you’re full of shit!” and many other words to that effect). sikat na nga ako ngayon – “you know who jay is, right? he’s that new guy from building 1 with the big bird shit on the window”. for all the crap i’ve been getting (pun intended), sana naman mas swertehin kami ni jet dito sa amerika. sabi nga ni brader mike eh – “emen to dat, ale-luya!

gusto ko lang ipaalam sa inyo mga dear brader en sister na natapos na po ang aking actual behind the wheel driving test kaninang tanghali. nakakatakot din pala na may katabi ka sa kotse na taong may kapangyarihan sa buhay mo. taong pwedeng mag decide kung kotse or bisikleta ang dadalhin mong sasakyan sa amerika. oo, ninerbyos ako virginia. but not too much. confident naman ako sa kakayahan ko dahil mahigit 15 years na naman akong driver. but you can never know what can happen kaya naroon pa rin ang kaba. kotse ng kaibigan namin ni jet ang dala ko para sa test – lucky car daw iyon at marami nang mga naipasang mga wannabee drivers na tulad ko.

Read the rest of this entry »

interview with a friend after coming to america for the first time…

KAIBIGAN: nagpunta ka ba sa amerika?

BATJAY: oo pre, kakarating ko nga lang.

KAIBIGAN: saan sa amerika ka nagpunta?

BATJAY: sa california.

KAIBIGAN: ano nakita mo roon?

BATJAY: kalye pare, putangina, puro kalye.

Read the rest of this entry »

narito na kami ni jet sa airport and on our way to la. pinaghalong lungkot at saya. mami miss ko talaga ang singapore kahit papaano. it has been home for four years. binigyan niya kami ng sustento, security, di mabilang na exciting experiences at maraming kaibigan. iba iba ring klaseng mga tao ang na meet namin itong mga nakaraang taon. may mga halos magdugo ang ilong sa pangungulangot, mayroong malakas pa sa kanyon ang putok at mayroon ding mga mas kupal pa sa tutuong kupal. bagay na madalas kong ikatuwa at ikwento rito. ngayon ang last entry ko sa singapore adventure namin ni jet at mami miss ko silang lahat.

Read the rest of this entry »

batjay semikalbo batjay semikalbo batjay semikalbo
batjay semikalbo batjay semikalbo family reunion in tagaytay
batjay semikalbo batjay semikalbo batjay semikalbo

Read the rest of this entry »

darning-small

ayan, kontra sa kagustuhan ng mommy ko, nag darna costume na ulit ako. bwahaha. kinailangan kong maging super hero kasi umakyat ako sa bubong kanina dahil pinutulan ko yung jasmin at masyado nang malago. nahirapan ako ng husto. ngayon lang ulit ako naka akyat ng bubong in 5 years. bwakanginang yan, iba na pala pag 40 years old ka na. hindi na sumusunod ang katawan sa kagustuhan ng utak. sabi ko sa sa paa ko – akyat! may time delay atang 10 seconds bago ito gumalaw at sumunod. hinihingal na rin ako sa akyatan. muntik pang naipit ang tiyan ko sa pagitan ng trelis. kailangan ko nang paliitin ito dahil darating ang araw, iihi ako isang umaga eh hindi ko na makikita ang titi ko. ano bang kailangan kong gawin para maibalik ang katawan ko sa tamang shape? to dream on? yeah right. lalo ko tuloy hinangaan si lance armstrong. pinataob na naman niya ang mga kalaban niya sa akyatan ng bundok kahapon. siya talaga ang malakas ang resistensya. siguro kaya ganoon na lang ang kapit ni sheryl crow sa kanya. pag nagse-sex kaya sila eh para pa rin siyang nasa tour de france?

Read the rest of this entry »

isa sa matagal na naming kinagigiliwan dito sa singapore ay ang ubod ng sarap na “beard papa cream puff” . ito ang type ng cream puff na gusto ko – hindi masyadong matamis. kaya nga kahit naka lima ka na, hindi pa rin magsasawa sa lasa. mga hapon ang gumawa nito and trust the japanese to create a better version of a western invention. highly recommended na naman – sigurado akong makakalimutan mo ang boypren mo pag nakatikim ka nito. kaya widawt parder adyuw, eto ngayon dear brader en sister, ang six easy steps kung papaano kumain ng cream puff.

Read the rest of this entry »

around this time last year, umuwi kami sa pilipinas ni jet kasi 80th birthday party ng mommy ko. medyo masama ang pakiramdam ko nung time na yon dahil 2 days nang sumasakit ang aking tiyan. akala ko eh bulate lang o kaya impatso. i will find out later na hindi pala at kahit anong dami ng inumin kong combantrin eh hindi ako gagaling. my dear brother en sister, exactly one year ago today, pumasok ako sa hospital para magpatuli dahil sumabog ang appendix ko. at kasabay nito ang paghinto ko sa paninigarillo. en teyk nowt, huminto ako ng cold turkey baby, cold turkey. major milestone sa buhay ko talaga yan kasi i’ve been a smoker for over 20 years and have been trying to quit for the longest time at hindi ko magawa. parati na lang akong may excuse – kesyo maraming pressure sa trabaho, kailangan ko sa pag entertain ng mga customers, kesyo masarap tumae pag naninigarillo, etc. etc. my dad and my brother died of smoking related illnesses and i knew that if i didn’t stop, i’d probably die from it as well someday. there’s nothing like being hospitalized to make you start thinking about your mortality. perhaps, that was the reason why i was able to stop – i didn’t want to die just yet. happy anniversary to myself. bilang regalo sa sarili ko, bibili ako ng isang kahang marlboro reds. BWAHAHAHAHAHAHA.

Grow old along with me, The best is yet to be ngayon ang ika labing apat na anibersaryo ng kasal naming mag-asawa. labing apat. packingsheet – seven year itch taymis two. bwahahaha. ang tagal na namin ni jet ano? pero hanggang ngayon masarap pa rin ang sex life namin. buti na lang. pero teka, taympers… bago tayo magpatuloy, imagine nyo na lang muna na tumutugtog ang “ode to joy” ni beethoven para mas madrama. ok, tuloy ang kwento: alam nyo, ngayong taon eh pakiramdam ko, maraming magbabago sa buhay namin ni jet. parang natatakot nga ako dahil hindi ko alam what the future will bring. i just take comfort in the fact na sa 14 years naming pagsasama, wala kaming hinarap na hindi namin nalamapasan with flying colors. in fact, di ba, nagsimula nga kaming magsama eh wala kaming ka pera pera at hindi na nga kami nakapag pakasal sa simbahan. doon lang kami sa munisipyo ng kalookan sama ang dalawang kaibigang naging ninong at witness.

Grow old along with me, The best is yet to be tapos ang reception pa namin ay sa jollibee sa sangandaan ginawa. kaming dalawa lang ni jet – chicken joy at french fries with large coke and extra rice lang ang handa. pagtapos ng kasal, nakitira lang kami sa mga mommy ko at nakituloy sa isang maliit na kwarto na may single bed. simple lang. siguro kaya rin kami naging close na mag asawa: kasi pag nag-away kami, hindi pwedeng hindi kami mag bate bago matulog dahil pang isahang tao lang ang kama. wala kang tatakbuhan kaya mapipilitan kang makipag areglo. hehe. nakakatawa nga – ngayon, king size na ang kama namin pero magkadikit pa rin kaming matulog. and just as well. you don’t know what hapiness is hanggang hindi mo nararamdaman kung papaano gumising sa umaga na katabi ang mahal mo na nakaakap ng mahigpit sa iyo. yun yung sinsasabi kong mga maliliit na bagay na pag pinag dugtong dugtong mo ay nagiging isang makabuluhang pagsasama. may request nga pala ako, punta naman kayo sa website ni jet at mag iwan kayo ng comment. sabihin ninyo, inutusan ko kayong magpunta roon para batiin siya ng isang happy 14th year wedding anniversary. sa pagsasama kasi namin, napakalaki ng naitulong niya para marating namin ang narating namin. hindi man kami mayaman sa salapi, eh busog naman kami sa pagmamahal. at malaking bagay dito ay dahil sa aking mylabopmayn.

Read the rest of this entry »

AUTOMATIC FOR THE PEOPLE - is named after the slogan of a food restaurant in REM's hometown of Athens, Georgia

1. kaya kong itaas ang kanang kilay ko

2. napapagalaw ko rin ang tenga ko

3. kaya ko ring pagalawin ang magkabilang pisngi ng pwet ko pero mas malakas ang galaw ng kaliwang pisngi (siguro dahil left handed ako)

4. pag tulog ako, nagigising ako kasi naririnig ko ang sarili kong humihilik.

5. sa umaga pagkagising, kaya kong gawing korteng tent ang underwear ko.

MUKHA SIYANG DRAGON

nagising ako kanina medyo masakit ang ulo ko. siguro dahil sa puyat. marami kasi akong pinagkakaabalahan ngayon pag gabi – wala pa rin si jet dito sa singapore kaya nga panay ang mariang palad ko nalilibang ako sa computer. ayan tuloy, minsan napapatagal at di agad nakakatulog. ok, tuloy ang kwento… nagising nga ako ng medyo masakit ang ulo. dumiretso agad ako sa banyo at nagsalamin – baka kasi may palakol na nakasaksak sa ulo ko. kakabasa ko lang kasi the previous night tungkol sa isang russian na nagising isang umaga na masakit ang ulo – nakita na lang niya na may kutsilyong nakasaksak sa kanyang mukha. CLICK HERE para sa full story.

Read the rest of this entry »

BATJAY, BIKER DUDE balik bisikleta ako this week after being away for over 3 weeks. kanina lang ulit ako nag bike to work. hirap pala ng nahinto ng matagal, nag cramps ako at medyo nahirapan sa mga paakyat. tapos muntik pa akong na-late papasok kasi hanap ako ng hanap sa helmet ko sa bahay kaninang umaga. ang tagal ko – silip dito, silip doon, silip kung saan saan. kaya pala hindi ko mahanap eh suot ko na pala. sobra ata ang pagka light weight at di ko naramdaman (puro na lang dahilan ano? ayaw pa kasing aminin na ulyanin na). doon nga pala sa mga nahihiyang magtanong, sasagutin ko na po kayo: opo, mayron na rin pong helmet ang asawa ko. matagal na. kaya ngayon, kahit mauntog siya ng paulit ulit eh di magbabago pagtingin niya sa akin.

POPE BATJAY DA PERS

April 20, 2005

POPE BATJAY DA PERS gusto ko lang pong i-announce na may bago nang pope ang mga demonyito sa mundo – si pope batjay da pers. BWAHAHA. yan ang magiging pope kung nagkatutuo yung “super suspension of disbelief” angels and demons story ni dan brown. kanina nga pala, nagpunta ako sa suntec city for a trade exhibit. may nakasabay na naman ako sa train na may bitbit na “da vinci code”. lalapitan ko sana at ibubulong ko ang ending ng libro. hehehe. kaya lang, baka sapakin ako. nginitian ko na lang at ibinulong na kanya na – “hoy pssst, repeat after me: mary magdalene is the holy grail, mary magdalene is the holy grail“. na bad trip kaya yon? mukhang kakasimula pa lang niya ng pagbabasa eh. ‘nga pala, yung exhibit na pinuntahan ko ay tungkol sa mga drug lords pharmaceutical industry. may dumating nga na customer kanina. eh di kinamayan ko. firm handshake raw, sabi ng daddy ko para sign daw ng confidence. ok na sana eh, kaya lang pagkatapos kong makipag handshake sa kanya, bigla ba namang tumalikod at nangulangot. bwakanginangyan. di ko alam kung matutuwa o maiinis. matutuwa dahil nangulangot siya pagkatapos kong kinamayan. or, maiinis dahil baka kanina pa yon nangungulangot at ginawa lang niyang interlude ang aming handshake. ah, better not dwell on that thought.

KARAGDAGANG BALITA: punta nga pala kayo sa blogkadahan.com site dahil toka ko po ngayon. basahin ninyo ang blog kong pinamagatang “GUSTO KONG MAGING ASTRONAUT NA MARUNONG MAGKULOT NG BUHOK“. sana po ay magustuhan ninyo. mag iwan din kayo ng comment doon para masaya.

FULLY EXPOSED

April 18, 2005

BATJAY PORNSTAR nagsimula akong mag blog nung september 2001. just around the time ng pag crash ng mga eroplano sa world trade center. isang buwan pa lang ako sa singapore nung time na yon, malungkot at undersexed. in short, homesick ako at namimiss ko si jet. i was almost at a point of giving up. mas masarap kasi sa pilipinas – may sariling bahay, maganda naman ang trabaho at kasama pa ang mga kaibigan at kamag-anak. ang aking frame of mind when i started working in singapore: bored and unhappy. ang site na ito ang tumulong to keep the demons at bay, so to speak. naging therapy ko ito pag homesick. pag sobra na sa pag ingles at gustong managalog, dito lang ako pupunta. for about a year i kept my site private pero nang magtagal, napansin ko may mga bumibisita na at eventually may mga naglalagay ng mga comments. pagtapos, may mga nakilala na rin na mga disenteng mga tao (na tulad kong perverted inside) na naging mga kaibigan ko (pwedeng utangan – BWAHAHA). tapos ngayon, na feature pa ako sa dyaryo. kung may kaunti kayong barya, bili naman kayo ng manila bulletin at basahin ang “BLOG-O-RAMA” article ni Annalyn Jusay. naka feature ako, believe it or not. hehehe. not bad for a simple bastos OFW from singapore na isang dating supot pero tuli na ngayon kaya wala nang kupal. bilang pagpapasalamat, hayaan nyo akong mag speech…

ay wan tu tenk Annalyn Jusay for being mahusay. ay wan tu tenk my parents for giving me baon. ay wan tu tenk god for making me pogi and most of all, for giving me a nice looking penis that i play around with sometimes. ay wan tu tenk my wife jet for loving me in spite of my eccentric behavior and for always being by my side all these 14 years. i also wish for world peace! (sabay kaway na parang miss universe)

on the last leg na ng aming two week road show. we were in mumbai, new delhi and kolkata last week. then manila last tuesday and finally cebu this thursday. nakakapagod na talaga. pero at least masaya dahil narito sa bayang magiliw. nasa cebu na kami. we flew in from manila this morning at delayed ang flight. may problema raw ang isang engine ng eroplano at kailangan pang i-manual restart. ano kaya ibig sabihin non? itutulak kaya nila ang eroplano para mag jump start ang engine? pero sabi naman ng pilot di raw ito makaka apekto sa pag lipad ng eroplano. “don’t worry, ladies and gentlemen. engine number 4’s failure will not crash the airplane” – sabi ng piloto. thank you captain. that is certainly nice to hear. cool na cool ako sa labas pero deep inside, the reptilian part of my brain says “bwakanginangyan, sana naman engine 1, 2 and 3 wont quit on us“.

Read the rest of this entry »