THE PROPER WAY TO EAT BALUT

October 11, 2005

kapag tinatanong ako ng mga kaibigan kong singaporean nung araw kung kumakain ako ng balut, ang parati kong sinasabi ay – “siyempre naman. it makes my pototoy harder“. pag naririnig nila na kumakain ako eh parang nandidiri sila dahil alam nila na may duck embyro na puno ng anmiotic fluid sa loob ng itlog. apparently maraming mga documentary na ipinalabas doon na ipinapakita ang actual ng pagkain nito. minsan, gusto ko ngang sabihin sa kanila – “eh bwakangina naman, kung kayo nga, kinakain ninyo yung pinatuyong titi ng tigre, balut lang nandidiri kayo”.

Read the rest of this entry »

Advertisements

dear unkyel batjay,

kamusta na po kayo diyan sa amerika? nag-iba na ba ang accent mo? eh yung ugali mo, nag-iba na rin ba? sabi kasi sa akin ng tito ko eh, nagbabago raw ang mga pinoy pag napunta sa amerika. nagiging mga kupal. napasulat po ako sa inyo para tanungin kung mayroon kayong mga bagong recipe. nag-aaral po akong magluto ngayon. sabi kasi ng misis ko, pag hindi ko siya pinagluto eh hindi raw po ako makaka kain ng luto ng diyos. agad-agad po akong nag-isip isip na kailangan ko na po talagang matuto. yun lang po at kamusta na lang kay ninang jet.

nagmamahal,
gentle reader

Read the rest of this entry »

first day of work ko ngayon sa bago kong opisina dito sa ‘merika. swabe lang dahil nasa orientation pa rin ako – tinuro sa akin ngayong umaga kung nasaan ang kubeta (“dats damos imfortant fart op da opis” ang sambit ko sa english na halos hindi ko maintindihan). tapos dinala ako sa pantry na kung saan may libreng kape at snacks na nasa vendo machine (“dats dasican mos imfortant fart op da opis”, ang ganti ko na naman sa nag tour sa akin).

BATJAY: “is ebriting here in da pantry por free – oldis pud en sopdrinks?”
HR GUIDE SA OPIS: “YES, batjay!”

BATJAY: “how abawt di chips, di tsokoleyt bars endi beri meni beef jerky en eggs?”
HR GUIDE SA OPIS: “YES, they are all free,batjay!”

BATJAY: “kan i bring my wife en mommy to da opis en can we live here?”
HR GUIDE SA OPIS: “you trying to be cute, batjay?”

BATJAY: “how about balut? do yu hab da balut?”
HR GUIDE SA OPIS: “baloon?”

isa sa matagal na naming kinagigiliwan dito sa singapore ay ang ubod ng sarap na “beard papa cream puff” . ito ang type ng cream puff na gusto ko – hindi masyadong matamis. kaya nga kahit naka lima ka na, hindi pa rin magsasawa sa lasa. mga hapon ang gumawa nito and trust the japanese to create a better version of a western invention. highly recommended na naman – sigurado akong makakalimutan mo ang boypren mo pag nakatikim ka nito. kaya widawt parder adyuw, eto ngayon dear brader en sister, ang six easy steps kung papaano kumain ng cream puff.

Read the rest of this entry »

CURRY FISH HEAD lumabas kami ngayon for dinner. literally sa labas kami kumain. oo virginia, sa kalye mismo. hindi naman delikado na nahagip ng kotse kasi may harang naman ang entrance. habang ngumunguya nga, naisip ko kanina – ang isang part ng charm ng singapore eh kahit cosmopolitan pa siya at ultra modern, in her heart of hearts, it is still a small town. dito kasi, pwede kang pumunta sa mga maliliit na turo-turo na nakakalat sa isla, upo ka sa lamesa at kumain ng mura pero masarap na pagkain any time of the day. kung alam mo ang mga lugar kung nasaan ang mga special food, hindi ka uuwi ng luhaan sa gabi. yang nasa picture ay isa sa mga paborito kong pagkain: “fish head curry”. ito ay ulo ng isda na niluto sa sampaloc at curry sauce na may sahog na gulay. simple lang pero bwakanginangyan, ang sarap. ulam namin ito kanina. sa sobrang sarap ng kain ko eh para ko ngang gustong itaas ang paa ko sa silya at magkamot ng tiyan. tapos sinamahan pa namin ito ng pepper crabs, shrimp paste fried chicken, ginisang veggies at panulak na cold barley drink. perfect meal baby especially since we were with good friends.

kung sakaling umalis kami ni jet sa singapore, siguro ang mami miss ko most of all ay ang mga super seksing babae na mahilig mag suot ng low waist na pantalon na halos kita nang buhok sa ibaba ng pusod at ang pagkain. last week pa akong nasa food trip mode. nung weekend kumain kami ng paborito kong “curry fish head” sa chinatown. sinabayan pa namin ito ng “shrimp paste chicken“. last tuesday naman, nag “chili crabs” kami sa no signboard at halos matae nga si bong pogi sa anghang pero tuloy pa rin ang kain. kagabi naman, nagpunta kami nina eder, tintin, ron, owen at jet sa geylang para kumain ng “beef hor fun” at “oyster omelette“. kain kami sa kalye, walang pakialam sa mundo. then this lunch, nag yaya ako sa old airport road para makatikim ng paborito kong lomi (“lor mee” ang spelling dito) – thick dark sauce over noodles, shredded pork and fish, garlic, kikiam at kung ano ano pang secret ingredients. muntik na akong tigasan ma arouse sa sarap.

habang kumakain ng lomi, pinagusapan namin ng mga kaopisina ko ang mga style ng panliligaw ng mga singaporean. dalawa kasi sa kanila ay mga binatang nasa mid 30’s. bading ba sila? hindi naman siguro. hindi lang marunong manligaw. pinayuhan nga sila ng isang kasama ko na magpunta na lang sa vietnam. kasi doon, sa halagang $10,000 (mga 300,000 pesoses) may mga agency na maghahanap sa iyo ng asawa. all in na ito – kasali na yung wedding proper, reception sa vietnam, plane tickets, yung professional fees at siempre yung bayad sa mga magulang ng babae. kabisadong kabisado nga ng kasama kong binata ang ins and outs tungkol rito. mukhang nag apply na siya dati.

pepper steak and eggs, the perfect breakfast bilang celebration sa muling pagbabalik ng itlog sa singapore, nagluto ako ngayon ng isa sa mga paborito naming almusal ni jet: tantananan! (torotot epeks to announce something important) – “pepper steak and eggs with mushroom gravy“. bihira ko lang itong lutuin dahil medyo mabigat sa tiyan but when i do, i really enjoy it. nakabili na kami ng itlog last friday, sa wakas (akala ko kasi “sa wakas ng panahon“). rationed pa rin to two trays per customer pero at least mayron na. ang mga itlog ay galing pa sa new zealand. yup, you can say that they are “kiwi na, chicken eggs pa”. at oo virginia, pag kinamot mo – magiging itlog na maalat siya. CLICK on d’piktyur para gutumin kayo, or, you can also CLICK HERE para marinig ninyo ang aking pagbabalita tungkol sa pagbabalik ng itlog sa singapore. i swear (i got more hair), matatawa kayo.

BWAKANGINANGYAN, BEEF STEW!

August 22, 2004

BEEF STEW! tagumpay! hindi lason. hindi kaning baboy. ito ay beef stew (i think). sa unang pagkakataon sa tanang buhay ko, nakaluto na ako ng mas mahigit sa prito. sinundan ko ang recipe ni radical chef para sa beef stew. hayan, tingnan nyo ang ibidinsya (“sabi ng iba, bisaya raw ako. wala naman silang ibidinsya”. hehehe). according to jet masarap daw at lasang tinolang manok kaya lang maanghang. nilagyan ko kasi ng sangkatutak na paminta. pwede na talaga akong magbukas ng karinderya rito sa singapore. ano ba magandang pangalan? “the circumcised chef” siguro. BWAHAHAHA!

BIKER DUDE! ok ang sunday namin ni jet. maaga akong nagising at diretso akong nag bike sa beach. maganda ang panahon kanina. mahangin at di masyading mainit. pagdating sa bahay, nagluto ako ng brunch namin. siyempre, kumakanta ako habang nagluluto. yan nga pala ang dahilan kung bakit maamo sa akin ang mga kumakain ng luto ko. tumatalsik kasi ang laway ko sa pagkain eh. hehehe. simple lang muna ngayong lunch – salmon with olive oil at ginisang toge. mamayang dinner ang medyo challenging: magluluto kasi ako ng beef stew. upgraded na ang skill set ko at graduate na ako sa stir fry. di na nga ako makapaghintay. sa sobrang excitement ko nga, parang gusto ko na namang mautot.

ang maganda pang nangyari ay sa sobrang ganda ng araw na ito (so far), biglang na inspire na mag blog ulit ang aking mylabopmayn kaya na break tuloy ang kayang hayatus. puntahan ninyo sa “My Life… A Cup of Deja Brew”

Read the rest of this entry »

COOKING NG INA MO: tortang patatas with black sauce over bacon with stewed tomato ang paborito kong meal of the week… saturday brunch. ako kasi ang nagluluto pag sabado ng umaga at nakakapag experimento ako sa mga cooking ng ina ko. siyempre kung cooking ng ina ko eh, cooking ng ina nyo rin. ngayong umaga, gumawa ako ng “tortang patatas”. specialty ito ng mommy ko at regular fare namin sa bahay simula pagkabata hanggang tubuan ako ng pubic hair. nilagyan ko lang ng kaunting singapore twist by adding “black sweet and thick soya sauce“. tapos kasama netong torta ay fried bacon, with my ispesyal “tomato with extra virgin (tulad ko nung araw) olive oil“. pakingsheet ang sarap.

Read the rest of this entry »

COOKING NG INA MO... weekend ngayon, ako ang nagluto ng brunch. hinanda ko ang paborito ni jet na ulam lately… pritong baboy (extra crispy), pritong itlog na sunny side, ginisang toge and my special suka, toyo, bawang, sibuyas at sili na sawsawan. niluluto ko nga kanina, nag hunger pangs na ako dahil ang bango bango. pwede na akong magtayo ng karinderyang karaoke. yehey, ayos ba ate sassy? pwede na rin akong gumawa ng cooking blog – “the prodigal chef“.

COOKING NG INA MO RIN... kita nyo naman – hehehe. kalahati ang simot sa baboy. ubos ang toge at itlog at busog na busog kami. dahil dalawa lang kami sa bahay, malamang ay ulam namin ito hanggang bukas ng umaga. ngyahaha. ang sarap ng luto ko. simple lang pero rock. marunong na akong magluto besides the fact na magaling akong umutot at mangulangot. pwede na siguro akong maging renaissance boy.

friday at wala ang boss kaya nagplano na namang kumain ang mga kaupisina ko sa turo-turo ng old airport road. mayrong isang stall dito na well known sa buong singapore dahil sa lor-mi (lomi sa mga pinoy). ok lang na maghintay ng 30 minutes dahil sa haba ng pila. sulit naman kasi… steaming hot lomi na may sahog na bawang, crispy daing na isda, big slices ng sweet pork, chicharong balat ng baboy, itlog, shredded meat at may toppings na haugang otah fish cake. sabayan mo ng panulak na sugar cane juice na may lemon at tapusin with a big bowl of CHNG TNG, ang dessert na walang vowel.

pakingsheet, ang sarap.

seedless grapes
seedless watermelon
seedless bayabas
seedless orange

puro seedless na lang halos lahat ng mga nakakain kong prutas dito sa singapore. kailan kaya sila maglalabas ng seedless na kasoy?

nabawasan nga pala ako ng 2 lbs. yehey! kaunti na lang, pwede na akong mag sideline na sexy macho dancer. hehe. maganda rin sanang sideline yung tulad ng trabaho ni ronnie lazaro sa “boatman” pero baka malamang sigurado oombagin ako ng misis ko.

narito ako ngayon sa bahay, nagesesnti. medyo malungkot dahil bilang nang araw namin dito sa pilipinas. sa lunes, lipad na kami pabalik ng singapore. para bigyang dahilan ang pananatili namin doon, iniisip ko na lang na “weathering the storm” lang ito. balang araw dito na talaga kami sa pilipinas for good. sayang, kung patas lang sana ang labanan, di ako aalis. kagabi, kasama ko ang mga barkada ko. pinag-usapan namin ang aming mga collective futures. marami sa kanila ang nag-iisip na ring umalis. the best and the brightest people i know are seriously thinking of moving out. pakingsheet. i’ve moved out earlier than them. a fact that fills me with guilt sometimes. di ko alam. minsan iniisip ko kasi, swerte ako dahil kumikita ako ng maganda samantalang…. fill in the blanks: a. marami akong kaibigang naghihirap dahil walang opportunities, b. di pa rin nawawala ang poverty sa bayan ko, c. di ko maasikaso ang mga kamag-anak kong maiiwan.

Read the rest of this entry »

KATAKAWAN DOES NOT PAY

December 26, 2003

christmas day, 2003 will forever be remembered as a day of infamy. naimpatso ako dahil sa sobrang katakawan. bwakanginangyan. napagtripan ko kasing kainin ang crispy pata at barbeque sa bahay ng parents ni jet. masakit pala ang hindi matunawan. all afternoon hanggang sa pagtulog ko eh mahapdi ang aking sikmura. nag maneho nga ako from novaliches to antipolo tilted side view na parang jeepney driver sa pilipinas.

ngayon lang nangyari ito sa akin as far as i can recall. kinuwento ko nga sa mommy ko kaninang umaga dahil nag-alala rin siya. sabi niya, nung bata ako eh parati raw akong naiimpatso at nilalabatiba nga raw nila ako para ako matae (excuse me, hehe). perhaps, it’s my body’s way of telling me to slow down. i just turned 38. kailangan mag ingat na ako if i want to enjoy my retirement later on.

anyway, ok na ako ngayon pero sabi ni nurse jet eh wala raw akong solid food for the whole day. dang. question: yung kare-kare ba eh considered na solid food?

kung ikaw ay nasa death row at bukas ng umaga nang bitay mo, eto ang masarap na last meal. pwede itong kainin na one ulam at a time per breakfast. pero sa katulad kong matakaw, mas maganda pag nakahain siya ng sabay-sabay. this is my all time favorite pinoy breakfast. isa-isahin po natin ang aking menu:

1. hot pandesal with prinitong kesong puti. bili ka lang ng kesong puti along the highway in any town sa laguna. ang sikreto sa masarap na kesong puti ay i-prito muna siya ng mga 20 seconds, preferably sa isang teflon pan para walang mantika. flip once over tapos ipalaman na agad sa pandesal. medyo malambot na ito by this time and will melt in your mouth pagka subo.

2. garlic rice. left over kaning puti from dinner of the previous night, mas maganda pag may konting tutong. lots of garlic. i-prito hanggang medyo golden brown na ang kanin.

3. langgonisang lucban. para talagang authentic, ikaw na mismo ang bumili sa lucban, quezon. take the backroads of rizal, up the mountains of pagsanjan para maganda ang view, wala pang traffic. mas gusto ko yung medyo malaking size na langgonisa. prito till crispy outside, wet and juicy inside.

4. daing na espada from pangasinan. fried extra crispy para makain pati ulo, buto at buntot. eto ang medyo pang harmonize sa langgonisa – parang counter point kung baga. marami nito along the highway going to baguio or ilocos.

5. paksiw na tiyan ng bangus. parang adobo, ang paksiw ay masarap kung isang linggo nang nailuto at continously mo na lang na pinapainit. by this time, halos wala na itong sabaw at maasim na maasim na ang lasa ng tiyan ng bangus at sahog na gulay. samahan mo na ng sawsawan na patis, durugin dito ang sili na ginamit sa pag gawa ng paksiw.

6.pritong itlog. sunny side egg, gawing toppings sa sinangag. basagin ang pula sa kanin at ihalo halo. kung medyo oragon ka eh, lagyan ng ilang patak na green tabasco.

7. sukang iloko. home made sukang iloko na galing sa ilocos ang pinakamasarap na sawsawan sa langgonisa at daing na espada. haluan ng isang maliit na siling labuyo para may sipa. damihan ang suka para pag bitin ka eh pwede mong higupin ito ng kaunti.

o, ano pang hinihintay nyo? kain na tayo!

WHAT IS DINUGUAN IN ENGLISH?

November 28, 2003

nung nagtatrabaho pa ako sa pilipinas, marami kaming mga projects where foreigners get involved. eh di siyempre kasama rin namin silang kumain.

one time, ang isa sa mga ulam namin ay dinuguan. nagtanong etong si curious white boy “WHAT IN THE WORLD IS THAT?, pointing to the really thick and very black dinuguan.

“ah that…” , sabi ng isa naming tao na di masyadong marunong mag english, “that, my friend, is a menstruation dish”.

THE SWEETEST EATING TABOO

November 27, 2003

may taboo na rin ako sa pagkain, recently developed actually. di na ako kumakain ng hipon. may allergy kasi ako sa shrimp na dito lang lumabas sa singapore. pag may nagtanong sa akin, sinasabi ko na lang “its against my religion to eat shrimps“. pag may nagtanong kung bakit, sinasabi ko na lang: i belong to a religion called “iglesia ni kulafu” o kaya “saksi ni tarzan” (depende sa mood ko), and we believe that shrimps are sacred.

normally after that, it is pointless for them to ask further questions.

BREAK FAST, EAT CHEESE CAKE

November 25, 2003

holiday ngayon sa singapore. end of ramadan (ang bahasa term ay “Hari Raya Puasa“). siyempre end na rin ng fasting ng mga muslim. ano bang “fasting” sa tagalog? “bilisan mo”. ngyahawhaw (TV CANNED LAUGHTER).

‘nga pala, before i proceed, allow me to greet our muslim friends all over the world (isama na natin si bwakanginang kotong boy na nangikil sa akin last week sa indonesia) – “Selamat Hari Raya Aidilfitri!

hinahangaan ko ang mga taong may self control na hindi uminom, kumain (at makipag sex) during the hours of fasting during ramadan. lalo na para sa mga muslim sa southeast asia, na kung saan napaka init.

malakas akong uminom ng tubig and the idea that i will not be able to drink any during a hot day is certainly very terrifying. ISA PA, mahirap tanggihan ang aking mga very powerful eating urges (LALO NA) pag natapat ako sa coffee shop na nagtitinda ng malalaking slice ng cheese cake.

SINGAFOOD

October 23, 2003

For the past 3 days, since coming back from China, ang lunch ko ay ang mga sumusunod:

1. Monday: Nasi Bryani with Fried Chicken
2. Tuesday: Chicken Curry with white rice
3. Wednesday: Nasi Bryani with Chicken Curry.

Nakita nyo bang pattern? Hehehe. Nakita nyo ba ang tendencies? Napansin nyo ba na mahilig ako sa Nasi Bryani with Chicken Curry? One of the best can be found near Bedok, 10 minutes or so away from our office in Changi… great thick rich and flavorful curry sauce, soft and tender chicken, yellow bryani rice with anis seeds. Sarap nito man.

Nasi Bryani Chicken together with Chicken Rice, Curry Fish Head, Pepper Crabs, Katong Laksa at Katong Yang Tau Foo. Yan ang mga mami-miss kong pagkain kung sakaling umalis na kami rito sa Singapore.

Buti na lang masarap ang adobo ni Jet. At least, kahit saan man kami mapunta ay mayrong “to die for” na pagkaing pinoy na parating available sa bahay.

for lunch today, kakain kami ng lor mee (in tagalog “lomi”). silent “R” dahil intsik-british accent eh. ang pinakamasarap na lomi sa singapore ay matatagpuan sa hawker centre ng old airport road.

oo nga pala: ang “hawker centre” ay isang area na pinagsama-samang mga low cost na turo-turo na makikita mo sa kahit anong sulok ng singapore. ang mga turo-turong sikat ay malimit na dinadayo ng mga tao dito. hulaan ninyo kung magkano ang ginagastos ng mga singaporean sa pagkain sa mga pwestong ganito sa isang taon? S$ 8,000,000,000. that’s right. 8 billion dollars was spent on over 1.8 billion meals in a small island of over 3 million people. you do the math.

mabalik tayo sa lomi…

ang isang malaking mangkok na lomi ay S$3 (approximately 90 pesos). iba ang lasa at histsura ng lomi rito kompara sa mabibili mo sa pilipinas. maitim ang sauce at hawig sa lasa ng sarsa ng lumpiang hubad. may mga hiwa ng karne ng baboy na binudburan ng chili at tinadtad na bawang.

dahil sa dami ng mga kumakain dito, ang normal waiting time pag lunch ay around 30-45 minutes. habang hinihintay namin ang lomi, imbis na mangulangot eh kumakain kami ng “OTAH”. ito ay fish cake na niluto sa dahon ng buko. minsan naman ay “ROJAK”, isang uri ng salad na may pinag halo-halong rekado (hindi isang uri ng kalbong detective na americano). bilang pangtapos, ang paborito kong kainin ay “CHNG TNG, ang Desssert na Walang Vowel”.

WALK ON THE WILD SIDE

August 25, 2003

kumakain ako ng durian ngayon. bumili ako kanina sa grocery dahil inutusan akong bumili ni jet ng kamatis. kumuha ako ng walong pirasong kamatis, pinatimbang at pinapresyo. kita ko yung total eh 90 cents lang. tiningnan ko yung pila sa counter. mahaba. inisip ko parang nakakapanghinayang kung pipila ako ng matagal tapos kamatis lang ang laman ng basket ko. napakuha tuloy ako ng durian. total bill ko sa durian at kamatis? $ 10.90 – ang gago ko talaga.

di bale masarap naman yung durian. hehehe. smells lilke shit but tastes like heaven.

pinapanood kong parati ang mga bisita naming amerikano pag kumakain kami ng durian sa office. tinitingnan ko kung sino yung mga matatapang na tumitikim nito. konti lang ang naglalakas loob. ang pagkain ng durian for the first time ay tutuong test of character. it means you are willing to look beyond appearances and preconceived notions. it means that you are willing to walk on the wild side and take risks. it means that you enjoy things that are way beyond your comfort zone.

cheer up kung na-devirginize ka na sa pagkain ng durian. the future is only for the brave.

INTERNATIONAL CHICHIRYA

August 22, 2003

maraming chichirya ngayon sa office namin. panay kasi ang alis ng mga taga rito ngayon at panay rin ang dating ng mga bisita galing sa kung saan-saan. kahapon may mga indonesian kaming bisita at dala nila ay chicharong langka. ngayon lang ako nakatikim nito… masarap pala.

si michelle galing sa hainan, china itong week para mag scout ng venue sa aming next conference. nag-uwi siya ng iba’t ibang produktong gawa sa buko… may buko candy, buko crackers at pinakapaborito ko sa lahat: “Coconut PANGAKE”. muntik ko na ngang di kainin kasi medyo duda ako sa quality eh. pag ang manufacturer ay hindi mai-spell ang “cake” na tama eh siyempre, kwidaw ka roon.

Read the rest of this entry »

POSTSCRIPT

July 14, 2003

ok, so mahilig tayong mga asians na kumain ng mga exotic animal parts, pero don’t you think we are going into extremes when people start eating their own penis.

siguro gusto niyang maging soprano.

LONGGANISANG TUTUO

July 14, 2003

here i am back in singapore, riding the bus and train on the way to work. picking up the free newspaper at the train station so i won’t get bored on the 45 minutes that it takes me to travel from home to office.

inside the train: there i am, reading the weird news that once in a while pops up in the otherwise boring singapore newspapers…. whoa!!!! mahalagang weirdong balita ito: isang lalaki sa malaysia ang pumutol, nagluto at kumain ng sarili niyang pagkalalaki kahapon.

kundi ba naman sira ulo! puputol lang ng tarugo eh linggo pa ginawa. GAGO!

post conference lunch namin kanina. nagpakain ang opisina in celebration for the success of the conference yesterday. pumunta kami sa isang halal indonesian-thai restaurant at isa sa mga inorder namin ay curry fish head. pag lapag sa mesa, yung kasama naming tatlong babae eh nag-uunahan doon sa mata ng isda. hehehe… kakatawa tayong mga asians, walang kiyeme sa pagkain ng mga exotic animal parts.

pero teka, kagabi, si tom at si ceci (na mga amerikano) eh kumain din ng “drunken prawns”…ito yung buhay na hipong nilasing sa whiskey at kakainin mong gumagalaw-galaw pa.

POST CONFERENCE DINNER

July 10, 2003

tapos na yung user conference namin dito sa singapore at iniwan na namin kanina sina ceci at tom sa kanilang hotel. pero nag dinner kami at sinama ko si jet para naman makaharap niya ang mga bagong kaibigan ko. bukas lilipad na sila pabalik sa america.

nakakalungkot din. magkakasama kami ng 2 linggo at wala lang… ngayon lang ako talaga nag enjoy sa trabaho ko. it brings back memories of the days when i was working with a group of people whom i respected and whose company i loved. ceci, tom, gk and norman: they are that kind of people. they work their butts off when its time to work but they find humor in every situation. yeah, kinda like me. hehehe. i look forward to the day when we can work together again.

be safe guys, till next time.

paano ba magluto ng kanin? hehehe… tinuruan ako ni jet bago ako umalis pero parang nakalimutan ko na eh. hirap talagang home alone. bili na lang kaya ako ng chicken rice takeout mamaya? pizza hut? burger king? magpaampon muna kaya ako sa kapitbahay namin

ang tanga tanga ko no? engineering graduate, di marunong mag-saeng. bahala na, kung maluto eh di may kanin. kung hindi, eh di may lugaw.

eto subok na subok na: kung di kayo makaebs, umordor lang kayo ng take out na korean food. sigurado after the meal, halos lumakad takbo kayo papunta sa comfort room. tulad kanina, pagtapos ng dinner namin at pagkarating na pagkarating dito sa hotel room ko, nakita ko pa lang ang inodoro sa CR, napa-upo na agad ako….

(pregnant pause)

actually, napaupo ako ng 2 beses. hehehehe… simula nang dumating ako dito sa seoul kahapon, nakaka 6 na dalaw na ako sa trono. di ata kaya ng tiyan ko ang long term barrage ng kimchi at korean barbeque. ang maganda lang eh masarap ang pagkain dito, kaya pinagpapasensyahan ko na ang hilab ng tiyan, malimit na pagutot at minsan pa nga eh UST. alam nyo bang ibig sabihin ng UST? hehehe…