MAY BALAT SA PWET ANG KEYBOARD KO

May 11, 2004

ok so, eto ako sa opis, tuwang tuwa dahil nabili na yung DVD drive para sa notebook ko. kailangan ko kasi para sa trip ko sa US sa june dahil lahat ng mga course material namin at application programs ay nasa DVD na. isa pa, matagal ko nang gustong ipakita ang “scorpio nights 2” sa kaopisina kong mahilig sa mga sex drama.

habang pinagmamasdan ko ang DVD drive, bigla ko itong nabagsak. tinamaan ang keyboard. lipad ang “BACKSPACE” key. pilit kong ibinalik. sa sobrang pisil ko, natanggal yung “\” (backslash) key. di ko maibalik ang dalawang keys dahil tanggal yung parang spring sa likod. ginawa ko: sinilip ko yung “RIGHT ARROW” key para malaman ko yung principle of operation. ayun, sa sobrang silip ko, natanggal din siya.

tatlo na ngayon ang keys na natanggal. nakita ko na di na siya pwedeng ibalik dahil sira na talaga yung locking mechanism. bwakanginang, bobo ko talaga. tawag ako sa DELL. di raw pwedeng backspace key lang ang palitan. kailangan daw palitan ko ang buong keyboard. magkano po ba, ang tanong ko. almost $100 including freight charges. @#$@^!#$%^inang yan. yaman din lamang na sira na talaga ang keyboard ko, mabuti nang pag-aralan ko na yung principle ng kanyang operation. first on my list na busisiin… aha! ang SPACE BAR.

nakuanobayanwalanatalagangpagasaangkeyboardko.bwakanginangyan.gago!gago!gago!

Advertisements

No Responses Yet to “MAY BALAT SA PWET ANG KEYBOARD KO”

  1. ate sienna Says:

    di ko alam kung matatawa ako o maaawa ako sa keyboard mo. hindi kaya ang DVD drive mo ang may balat? o dikaya, baka scorpio nights ang may sa-malas? hehehe…

    kelan punta mo ng states, fafa? atsaka saang state ka pupunta? dito ba ulit?

  2. BatJay Says:

    roger ninang. nasa LA-LA Land ako ng june 6. tawag ako sa iyo.

    kanina pa nga ako naiinis dahil sa keyboard na yan. malamang ako pang magbayad dahil ako ang nakasira. pero siyempre, tatanong ko muna sa boss ko, baka makalusot. hehe. pahiram ko sa kanya yung scorpio nights 2 para bumait sa akin. ngyehehe.

  3. gulaman girl Says:

    yan ang malas…di kayat thats your notebooks way of saying hindi pa sya handa ma-devirginize sa mga bomba films?

    may kasabihian kahit makina may spirito din..halaaa!

  4. AnP Says:

    dito sa office, kahit ako kunyari nakasira pero kung dito ko sya nasira, office pa din ang sagot! try mo, baka naman sila ang magbabayad.

  5. Dr. Emer Says:

    Pareng BatJay, palagay ko ayaw ni GOD na masyado kang nawiwili sa Scorpio Nights, maging 1 or 2 man yun. πŸ™‚

  6. ina asusera Says:

    Laos na raw si Joyce, hehehe!

  7. carmela Says:

    wow, punta kang LA ba? thats great! kaya lang medyo mainit na seguro by that time…

  8. rolly Says:

    Wag mo munang amining nasira mo. Sabihin mo me konting factory defect na di kagad napansin. Baka makalusot. hehehe

    PAg di lumusot, sabihin mo, sige na nga aabonohan ko na lang tutal ako naman ang gagamit nito. O di ba medyo galante pa dating mo at me malasakit sa trabaho.

    Yun e kung kaya ng konsensya mo, di ba?


  9. tsk tsk tsk. wawang keyboard.

  10. toni Says:

    The tale of the harassed keyboard and its owner. Hehehe. Funny!

  11. tin Says:

    malamang ang scorpio nights dvd mo ang may balat. hehe. lipad ka na naman? pasalubong namin, hoki? hehe.

  12. tanya Says:

    aray.. ang sakit… at least may bagong DVD player ka! hehehe! :-p

    hey when are you guys coming home? πŸ™‚

  13. kiwipinay Says:

    ahahayyy!!! isa lang natanggal naging tatlo pa. eh kuyang, sabihin mo na lang, natanggal nung ikinabit yung dvd drive ek ek na yan. nakalog kamo. $100 lang pala eh. sasagutin na nila yan. ginagamit mo naman pala sa work mo kaya pwede na nila palampasin ang $100…. wag na lang nila i-convert sa pesoses… o kaya, sa june pa naman pala ang alis mo, sabihin mo, palitan na nila ang laptop. makes sense? πŸ˜‰

  14. T. Says:

    Mahal naman ng keyboard na ‘yon. Php300, meron ka na dito sa Pinas! πŸ™‚

  15. Sassy Says:

    Hindi yata balat sa pwet ng keyboard ang dahilan, batjay… butterfingers ka hahahaha lampa kamay mo kaya mo nabitawan yung DVD hahahaha

  16. ate sienna Says:

    FAFA… sige kol ka lang sa housing. May bago na akong cell no. by tomorrow. gibs ko sa inyo ni ateng para ma-tek nyo ako hokey?

  17. Yupki Says:

    Batjay, I always enjoy reading your entries. Cool at katawa, they always make me laugh kahit mukha akong tanga na tatawa-tawa sa harap ng computer. Keep on making us laugh and learn!

  18. xhean Says:

    bago lang po at makikisabat…hahahahha!
    ayaw pa kasing amining ikaw ang me balat sa
    wet pu…check mo maigi…sa kasuluksulukan!
    pinagbintangan pa ang kawawang si joyce este keyboard!
    at pagkatapos, maghugas ng kamay!

    kakatuwa ng site mo po koya! god bless


Comments are closed.

%d bloggers like this: