A REALLY CHEAP WEB SERVER

May 5, 2004

pasensya na kung nawala ang mga comments nyo sa blog ko. naglipat kasi ng server ang aking host at mga bwakangnangyon, di man lang ako sinabihan. buti na lang at nag back-up ako last week. na restore ko yung database pero lahat ng comments after the back-up ay nawala. kung di pa ako nag punta sa support site nila eh di ko malalaman na nagpalit ng nameservers. yung 2 days na nawala yung site ko eh dahil lang pala rito. hehe… that’s what you get for getting a cheap host.

having said that. yung host ng webserver namin ni jet is still one of the cheapest available anywhere. salamat sa ninang naming si ate sienna na siyang nagturo sa amin dito. ang host namin ay xstreamhost.com – ang pinakamurang rates nila: $ 2.95 (less than 200 pesos) per month for 200 MB of space. para sa registration ng domain name, ang godaddy.com naman ang kinuha namin. ang bayad doon eh $ 8.95 (almost 500 pesos lang) a year. with these rates, kayang kaya na itong i-afford ng maraming mga pinoy. huwag mo lang isali yung kagaguhan nila last week, ok naman ang serbisyo nila.

pero bakit nga ba kailangan pang kumuha ng sariling webserver?

pag marami ka ng mga opinion na gustong isabulat sa mundo at gusto mong magpakyut o kaya isa kang OFW at gusto mong balitaan ang mga kamag anak mo’t kaibigan sa pilipinas kung ano ang nangyayari sa buhay mo, ang natural tendency pagtagal ay magtayo ng sariling website. iba kasi pag may sariling website. pwede mong gawin lahat ng gusto mong gawin. walang limitations except your imagination. walang pop-up ads at walang kukulit sa iyong bumili ng viagra o kaya pampahaba ng uten.

kailan lang lumipat rin ako ng blog publishing tool from BLOGGER to movable type. natural progression siguro dahil gusto mong pagandahin ang site mo. i’ve also tried greymatter. it’s a great tool but its not as feature rich as MT. kaya yan – after everything i’ve tried over the past three years, here’s where we are right now: xstreamhost sa webserver, godaddy sa domain name at MT sa blog. so far, it’s been fun at kung interesado ka rin na gumawa ng sarili mong website – eto ang recommended ko.

Advertisements

No Responses Yet to “A REALLY CHEAP WEB SERVER”

  1. Jet Says:

    Ay, no comment ako dito. Masyadong simple itong topic na to para saken. Pagkatapos nito mylab, balik dighay at utot na lang pagusapan natin ha… ehehe. 🙂


  2. sige mylab, bukas ibabalita ko yung dinner natin nina mari at yung tungkol sa teacher sa malaysia na hinampas ng yantok ng kanyang principal.

  3. tiptoes Says:

    Hi Batjay,hello Jet:-)

    Batjay :sa iyong katanungan —>bakit nga ba kailangan pang kumuha ng sariling webserver? kun ganyan naman kamura,mas mabuti na yung sarili mo di vah?dito rin makakakuha ka na less than 3 Euro per month..napag-usapan nga namin ni MissP yan eh at sabi ko nga ngeee!—isang meal sa chinese Restaurant eh,mas mahal pa keysa sa one year web server !!grabee tingnan mo ako astig na astig ayaw magbayad,hehehe


  4. hi tiptoes… eh di kumuha ka na ng webserver mo. no pang hinihintay mo?

    o kaya, ilibre mo na lang kami sa chinese restaurant! hehehe.

  5. gulaman girl Says:

    oo nga nabura ang comments ko dun sa test of true lab. hindi ko na ma-recreate yun hirit ko, pero napakaswerte nyo ni ma’am jet na nahanap nyo ang isat isa na wont mind dighay-halik kahit pa kilawin ang kinainain.

    nai-share ko sa papa kong ofw ang site na ito (na nahanap ko sa kaka-butingting sa site na nakaka-aliw ni mona veluz) at tuwang tuwa sya. kahti papaano daw hindi na malungkot gaano buhay nya sa canada…which in a weeks time ay mabubulabog ng todo kasi mamaygrate na ang 2 kong utol na lalakeng walang kwenta sa kanya! yehey! gagaan na ang bulsa ko..salamat sa pagbigay aliw sa buhay ng mga ofw at pinoy na naiwan sa napakagandang bansa na gangdemet ang gubyerno.

    i hope okay lang po na ni-link ko sa site ko ang site na ito. “spread the good word” ika nga…

  6. catsudon Says:

    batjay, nasubukan mo na wordpress?

  7. CG Says:

    Batjay, ano naman ang free webhosting? May ganun ba? Naghahanap kasi ang friend ko pero gusto nya puro images lang ilagay pero ayaw naman nya sa ph.photo or webshots, may mare-recommend ka ba?

    I’ll keep your recommendations in mind din. Malay mo by next year, handa na ako kumuha ng sarili kong site! mwahahahahaha

  8. ate sienna Says:

    fafa, xstreamhost ba ang nag-down? saang server ka ba? dun sa ‘bob’ o sa ‘ken’? ang pansitan.net nandun sa ‘bob’ and ok naman sya. hindi namna kami nag-down.

    hehehe.. pinag-iisipan ko na rin nga ang dedicated webserver. pero tsaka na, pag sumobra na ang dami ng traffic ng pansitan.net 🙂 hehehe… (mangyari kaya yun???)

  9. Sassy Says:

    200 MB na webspace… eh, gaano ang allowed na bandwidth consumption per month. Doon ako dinudugo eh.

  10. BatJay Says:

    hi bossing sassy. ang 200MB ay 4GB, 500MB ay 10GB, 800MB ay 15GB (eto ang kinuha ko) at 1000MB ay 20GB.

    NINAAAAAAANG! patay na si ken ninang. baka nabaril ni barbie. sabi sa FAQ eh parati raw nagloloko kaya pinalitan na nila ito – si ted na ngayon ang pumalit kay ken. ang ang mga ulol. di man lang nagsabi na nagpalit sila ng server. two weeks ago pa pala at during the transition, sabay umaandar si ken at ted kaya di ko alam na papatayin na nila si ted. bigla na lang nawala sa circulation ang site ko nung isang araw at doon ko lang nalaman na tigbak na si ted. problema, yung backup nila sa ken server na nilipat nila kay ted ay 2 weeks ago pa. kaya yung blog ko from last week ng april ay nawala.

    hi christine. malamig na siguro diyan sa bayan ng mga kiwi. ang alam kong libre na webhosting ay yung geocities.com ng yahoo. kaya lang masyadong limited. mayron ding binibigay ang mga ISP. pero limited din. limited bandwidth at limited size kaya halos wala ka ring magagawa. sa $3 a month ng service provider na ginagamit ko, halos libre na ito. dati naman sa http://www.imagestation.com/ ako naglalagay ng mga pictures. libre ito at walang limit sa dami ng mga pics na pwede mong ilagay sa album mo.

    hi catsudon. di ko pa nasubukan ang wordpress. di na muna siguro. medyo happy na ako sa MT para sa blogging ko.

    hi Gulaman Girl. nakaka aliw naman ang pangalan mo. kamusta mo na lang ako sa asawa mo sa canada. di ka ba susunod sa kanya? nalink na rin kita. maraming salamat nga pala sa comment mo at pati na rin doon sa nabura. ingat!

  11. gulaman girl Says:

    err…manong batjay…by papa i really mean PAPA as in tatay/father/ama…heaven forbid magka-asawa ako tulad ng papa/tatay/father/ama ko kasi chickboy sobra yun (tanda tanda na eh…) at ibang klase ang pagmamahal nalang siguro ng ermat ko sa kanya…

    ay salamat sa pag-link..naway maloka pa ako araw-araw sa pagbasa ng iyong mga lathala.

    nde muna ako susunod sa canada, ipon pa muna kaunti pangnekosyo. atsaka maliit pa si bunsoy 2 years old palang. kung pwedeng magsama ng yaya eh bakit nde kaso…

    dehins ko kaya style singapore sa pag-raise ng bata pre..

  12. BatJay Says:

    hi gulaman girl. ah ok… hehehe. papa mo palang tunay na as in tatay. mwahahahaha. daddy ko rin chickboy. let me rephrase that chixboy – plural eh. hehe.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: