When the world wearies and society ceases to satisfy, there is always the garden

July 4, 2005

super ngiti hanggang tenga narito na kami sa pilipinas. halata ba ang saya ko? ngyehehe. ngiting abot tenga na medyo nakakaloko. ngayon lang nga ako nakaka ngiti – the night before we left singapore, hindi kami natulog ni jet dahil sa last minute na empake kaya pagdating ko sa airport hindi na ako makausap ng matino. nakatulong yung short flight dahil tulog ako most of the time pero running on empty na ako by the time kaming umakyat papunta sa bahay namin sa antipolo. medyo nanibago pa ako sa pagmaneho dahil right hand drive sa singapore. siguro pinaghalong pagkalito at antok, muntik akong makasagasa ng tumatawid na babae. pero ngayon fully rested na ako. nakapag garden na nga ako kaninang umaga. maraming bulaklak sa garden at pati nga yung mga gumamela kong lavender ay in full bloom din. maulan ngayong gabi kaya medyo malamig ang panahon at nakahiga ako habang sinusulat ito. sa labas ng bintana ng kuwarto namin ay may tanim akong jasmin. hitik na hitik siya sa bulaklak kaya amoy na amoy namin ang bango niya. ang sarap talaga rito sa bahay, sana hindi na matapos ang bakasyon na ito.

No Responses Yet to “When the world wearies and society ceases to satisfy, there is always the garden”

  1. The Ca t Says:

    ganda ng garden mo jay.


  2. kaya nga ang saya ko ngayon ate Ca T. naka uwi na kami ni jet at tamang tama – full bloom ang mga bulaklak ko.

    maulan pa ngayong gabi kaya medyo malamig. naaamoy ko ang bulaklak ng jasmin na gumagapang sa bintana ng master’s bedroom.

    sarap.

  3. len Says:

    inggit ako! i wanna go home..waaahhhh!!! enjoy every minute of your vacation kuya jay, ang bilis matapos nyan…

  4. carol Says:

    huwaw!! cguro kuya batjay nung una mong buhay eh isa kang magsasaka at ikaw ay may green thumb ikanga nila. mahilig kang magtanim ng mga flowers eh.. ang srap tlga kung nsa sariling bahay k dava?
    sana makapagrest kau mabuti bago ulit kau umalis sa inyong bagong tahanan sa US, i know matatagan ang pag uwi nyo d2..

    maligayang pagbabakasyon, mag eb kau ng mga ka berks mu sa blogkadahan!!

  5. gail Says:

    nice naman po! plano din namin ni mi amor na magtanim ng jasmin sa malapit sa bintana ng kwarto namin para natural ang bango!

  6. Gil Marco Says:

    Mang Jay,
    Sali ako sa mundo nyo…ramdam ko kung paano mo ninanamnam ang buhay..marami akong akong natutunan dito…

    There’s no place like home talaga…

    Mabuhay po kayo…

  7. Achilles Says:

    Ano nga ba yung bulaklak na kapag naging high ka eh mamatay ka or masisiraan ka ng ulo… nabalita na ito noon.

    wala lang, natanong ko lang…


  8. talampunay ang tawag sa puno na may mabango at malaking bulaklak. mayroon akong mga tanim sa backyard, pag gusto mong mabaliw, sabihin mo lang sa akin.

    ingat.

  9. Capt. Kupal Says:

    kamusta gil marco?

    salamat sa pag dalaw. masarap mabuhay lalo na ngayon dahil narito kami sa bayang magiliw. kahit magulo at maraming nangyayari rito, there is always the garden.

    ingat.

  10. Demonyito Says:

    hi gail.

    medyo wild nga lang ang garden ko ngayon dahil matagal akong nawala. pero ok na rin dahil maraming bulaklak. aayusin ko siguro ito one of these days. maulan lang ngayong past 2 days.

    ang bango nga ng jasmin namin especially now dahil hitik sa bulaklak. it was a good move to plant it right outside our bedroom window.


  11. maraming salamat carol. gusto ko ngang mag tanim ng marijuana para parating nakangiti ang mga kasama ko. ngyehehe. 3 weeks kami rito sa maynila. siguradong masaya.

  12. Fr. BatJay Says:

    hi len.

    oo nga sinusulit namin ni jet ang bakasyon. tanghali na kaming gumising ngayon. hehehe. at kanina nagpabili kami ng jollibee chicken joy. sarap!

  13. Yasmin Says:

    I like the photo of the lamp post with the flowers best. Ang sarap naman ng bakasyon ninyo. So when are you leaving for the US of A?

  14. transience Says:

    welcome home! how cool is that???

  15. monicai Says:

    welcome back po. nice to see you sporting the make-poverty-history tag asa site mo. 😀


  16. hi monicai – i’m glad to be back kahit maulan. after watching live8, i had to contribute one way or another. the banner was the least i could do.

  17. Home Boy Says:

    hi transience.

    it’s great being back home, even if my internet connections really slow. at least my garden’s real and my flowers are blooming.

  18. Isip Bata Says:

    hi yasmin.

    i like the lamp post picture as well. there is a homey kind of appeal to it. we’ll be here until the 3rd week of july. then back to singapore for a few days. then off to the wild blue yonder.

  19. Jet Says:

    Sana nga, di na natin kelangang umalis dito mylab.

  20. auee Says:

    Wow nasa Pinas na kayo uli… i want to go home!

    Bilib naman ako sa garden mo, kahit wala ka tuloy na nabubuhay. Ako nawala ng 2 weeks, patay lahat pagbalik ko. For hire ka ba para sa landscaping?
    🙂

  21. AYEZA Says:

    Welcome home… ayan inggit na naman ako.

    Gaganda ng mga bulaklak 🙂

  22. tin Says:

    ako naman ay napapa-sigh.. downside ng bakasyon sa pinas is yung knowledge na maikli lang sya. roller-coaster ride na emotions – sky rocket na saya at bottomless pit na lungkot. life.

    di ka lang pala elvis ng quiapo, batjay hardinero din. hehehe.

    regards kay tita jet!

  23. Rene Says:

    ang buhay nga naman, parang life. ‘eto, ako naman ngayon ang nagbabalak magpalipat sa singapore office namin. 🙂

  24. Jolog BatJay Says:

    hi rene.

    kung mayroon opportunity na lumipat sa singapore, don’t think twice – it’s alright.


  25. hi tin.

    buti nga sa amin medyo matagal tagal na vacation. at least makakapag pahinga until we make the move to the us. sarap dito sa bahay – maulan kaya medyo malamig. sarap matulog at mahiga.

    ganda ng garden ko ang daming bulaklak. sana narito kayo para makapag barbeque sa antipolo.

    kamusta na lang diyan.

  26. Lolo Libog Says:

    musta na diha ayeza? guwapo dinhi. oo nga pala, papasyal kami ni jet sa davao in two weeks time.


  27. hi auee.

    oo nasa rainy philippines and currently enjoying the great antipolo weather. buhay na buhay nga ang garden ko – minsan sobrang buhay. my plants need a major trim. but i’ll do it later. sayang yung mga bulaklak.


  28. pero medyo magulo mylab. mas maganda munang kumita sa labas ngayon habang hindi pa malinaw


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: