Life is not a journey to the grave with intentions of arriving safely in a pretty well-preserved body, but rather to skid in broadside, thoroughly used up, totally worn out and loudly proclaiming … WOW! What a ride!

July 27, 2005

bakit OK sumakay ng singapore airlines? 1. masarap ang pansit bihon guisado doon sa kris flyer lounge sa NAIA. 2. libre ang singapore sling sa eroplano (naka dalawa ako ngayon). 3. masarap panoorin ang mga stewardess pag tumutulong silang mag lagay ng mga bag sa compartment. 4. minsan masarap din daw pag nasa aisle seat ka at madikit ang mga stewardess sa braso mo.

kamusta naman ang trip mo to singapore? ewan ko, tulog ako buong flight. pero mayroong small periods na gising. just awake enough to say to the stewardess – “i like the tanigue fish meal” and then eating it before losing consciousness once more. binabawi ko pa rin ang puyat sa mount apo last week.

ano ang pinaka pissed off moment mo while you were in the philippines? ang makita sina satur ocampo, aimee marcos, butz aquino, ping lacson at jejomar binay na magkasama sa iisang rally. just proves to you that almost everything in pinoy politics is a fucking marriage of convenience. a close second is hearing mrs arroyo speak and close third is watching the balimbing frank drilon flip flop. mukhang kailangan na talaga ng delubyo para gumanda ang bayang magiliw.

how does it feel to be back in singapore? STRANGE. very strange. nasa immigration pa lang, iba nang pakiramdam ko. kailangan na kasi naming magregister dahil hindi na kami residents ng singapore. nakakalungkot dahil alam mong hindi na ito ang tahanan mo. our former home is now just a waystation. familiar pa rin ang surroundings but i know that we don’t belong anymore. transients – that’s what we are right now.

anong hindi mo mami miss sa singapore? yung heat and humidity, body odor ng mga kapatid nating mahilig sa spicy food at nabanggit ko na ba ang tungkol sa heat and humidity? bwisit kasing humidity yan, nag aamay kesong puti tuloy ang singit ko.

No Responses Yet to “Life is not a journey to the grave with intentions of arriving safely in a pretty well-preserved body, but rather to skid in broadside, thoroughly used up, totally worn out and loudly proclaiming … WOW! What a ride!”

  1. lukin4gf Says:

    Uncle! na-try mo na yung salmon sandwich nila? Ansarap nun, bihira lang kasi i-serve yun, kaya thrice ko pa lang siya natikman.

  2. auee Says:

    Dati loyal Emirates customer ako pero nung April we took Singapore Air with our toddler. Very accommodating ang mga stewardess. Tapos dami pa toys ni pogi!

    At masarap nga ang food, up to date pa ang movies.

    Siguro kung may hate figure ako sa mga trapo si Drilon, grabe ang kapal ng apog. Of course GMA is the same but she’s an obvious choice.

  3. gail Says:

    san mo po ba nakukuha ideas mo sa title ng entries mo? they’re really good!

  4. Paul Says:

    Sa Singapore lang ako nakaamoy ng taong ang anghit ay amoy kusot.

  5. AnP Says:

    haha kulit mo talaga.

    anyway, goodluck to you and jet sa new chapter sa buhay nyo.

  6. ate sienna Says:

    hinihintay na namin kayo dito… wag na kayong malungkot 🙂

  7. March One Says:

    Yup.yup.yup.The best talaga Singapore Airlines. I love Thai Airways, Lufthansa and Northwest,too. Panget ba talaga service ng Plane Always Late (PAL)? Hindi ko pa kasi ako natry eh!


  8. subukan mo rin ang PAL kaibigan. para masabi mong nakasakay ka rin doon.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: