A question that sometimes drives me hazy: am I or are the others crazy?

July 8, 2005

question and answer portion tayo ngayon, dear brader en sister. magtanong kayo kay unkyel batjay at pipilitin niyang sagutin ang inyong mga katanungan.

TANONG: dear unkyel batjay, why does superman always come to the rescue?

SAGOT: tinanong ko na yan dati kay superman kung bakit siya parating to the rescue. sabi niya eh ano raw ba ang suggestion ko na pwede niyang gawing alternative.

TANONG: anong alternative ang binigay mo kay superman?

SAGOT: sabi ko mag “BUY and SELL” na lang siya kasi malaki kita roon.

TANONG: napanood mo na ang war of the worlds? ano opinion mo rito?

SAGOT: oo napanood ko na. ano opinion ko? masarap panoorin si tom criuse pag tumatakbo siya ng mabilis.

TANONG: any other opinion?

SAGOT: oo mayroon pa – ang tatanga ng mga aliens doon sa movie. para tuloy nainsulto rin ang intelligence ko as a movie viewer. biro mo nga naman, the aliens had the advanced technology to build all those machines of destruction pero… bagsak sila sa biology dahil hindi nila alam ang tungkol sa germs? ngyehehe. sumasablay na ata si spielberg. sana ET part 2 na lang ang ginawa niya!

TANONG: should gloria resign?

SAGOT: oo

TANONG: sino ipapalit?

SAGOT: si mareng winnie

TANONG: bakit si mareng winnie?

SAGOT: mas maputi yung kanyang sabong panlaba.

TANONG: ayaw mo ba kay susan roces?

SAGOT: yung last press con niya kasi parang over acting siya dahil pasigaw sigaw pa. mas gusto ko si ate guy kasi mas magaling talagang siyang umarte kaysa kay susan. lalo na doon sa pelikulang “sidhi”. napanood nyo na ba yon? gandang pelikula noon. nakaka sikip ng pantalon ang mga sex scenes ni glydel at ni albert martinez.

Advertisements

No Responses Yet to “A question that sometimes drives me hazy: am I or are the others crazy?”

  1. delish Says:

    others are crazy: possibility
    you are crazy: absolute reality

    but we love you anyway… and no, that doesn’t make us crazy ha?

    siguro… understanding lang talaga…and tolerant… and patient… and kind to animals :p

  2. March One Says:

    Joke lang tong question ko ha….(neophyte ako dito eh so dapat behave muna).My question, “Are you as dumb as you look?PEACE!


  3. hi march one. yes, i am as dumb as i look. thanks for dropping by, sana kunin ka na ni lord.

    hehehe. joke lang din tong reply ko.


  4. hi mec. maraming salamat sa pagbisita. kind to animals talaga ako. please see previous reply to comment.

  5. Robbie Says:

    Sir Batjay,
    Naku wala ka na pala sa Singapore, sayang siguradong maraming makaka-miss ng SG adventures mo. But I am quite sure, US will be as colorful as SG especially ‘pag ikaw na ang nagkwento.

    Nakalungkot ang nangyayari sa pinas these days. Nagiisip na naman ng bagong EDSA. Pinagtatawanan na nga dito ang politics ng pinas eh. Everytime something goes bad, we go to the streets. Susan Roces or Gloria or Noli? It is like choosing your own poison, the real question there is — which one is more lethal?

    Good luck!

  6. Bat-ugan Says:

    sabi ni tita cory mag resign daw si ate glo.
    dapat si kris na lang pinag-quit niya ng showbiz.
    bloghopping for the past 2 hours about this thing. stressful. nagkagulo daw sa makati this afternoon.

    sumibat na pala kayo ng singapore?

  7. ruth Says:

    apolitical as i am, ayoko mag-comment dun sa content, pero your title reminds me of paulo coelho’s veronika wants to die. kung di mo pa nababasa, basahin mo, bossing, philiosophical teaser sya.

  8. rolly Says:

    Kung si Nora aunor ang nagsalita nun, magalang ang dating no.

    “YOu have cheated the Filipino people of their votes!

    po!

  9. buttgirl Says:

    uncle batjay,
    superman always comes to the rescue because CLARK KENT!!! hehe!! ayos ba!?

  10. kengkeng Says:

    akala ko kuya jay sasabihin mo sa huli, nakakasikip ng pantalon ang sex scenes ni glydel atsaka ni ate guy… hehehe…

    anong gagawin mo kapag si ate guy naghubad sa harap mo?!

    hi ate jet! *waves*

  11. airwind Says:

    utot ako ng utot sa katatawa sa entry mo today. kaya lang gusto ko pa naman panoorin yung war of the worlds, kaya lang with your post parang ayaw ko na ata…. huwaaaa …

  12. Renee Says:

    It’s entries like this which earned you a special mention in my latest post on Prada Mama.

    BTW, did you ever see delish’s comment to my Father’s Day post, where she said Troy looked like you in the lead picture?

    Here’s the link:

    http://pradamama.pansitan.net/2005_06_01_pradamama_archive.html#111792817437344914

  13. alex Says:

    its my fist time to throw a comment here, pero matagal na ko pasilip-silip dito. riot talaga tong blog mo!

  14. duke Says:

    tama ka nga.. ano kaya ang naisip ni Steven Spielberg at naging ganun ang War of the Worlds.. feeling ko nasayang ang binayad ko sa movie na yun.. mahal pa naman ng sine dito! lol

  15. Jet Says:

    ayoko din ng ending ng War of the Worlds… masyado ang feel-good effect, hindi realistic, hindi logical

    but I’ll watch it again if you’ll take me, complete with the nachos and extra cheese dip… ehehe

    labyu!

  16. ECE no. 34066 Says:

    Kakaaliw ung blog nu po. Sana ako rin pag nagmatured(hindi pagtanda ha?) maging kwela rin. Ayoko muna pag-usapan ang politika… War of the World was written on 1898 ni Pareng H.G. Wells so imaginin mo na lang kung gaano kataba ng utak ng author nun at naisip na nya lahat un. hehehe. Pareng Steven Spielberg just rely on the book alone di na nya inalter ung istorya unlike LOTR na binago ni Pareng Peter Jackson.

  17. Capt. Kupal Says:

    maraming salamat schoolmate. sana rin pag matured na ako eh maging kwela rin ako.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: