The University of Nebraska says that elderly people that drink beer or wine at least four times a week have the highest bone density. They need it – they're the ones falling down the most

July 30, 2005

narito na kami ni jet sa airport and on our way to la. pinaghalong lungkot at saya. mami miss ko talaga ang singapore kahit papaano. it has been home for four years. binigyan niya kami ng sustento, security, di mabilang na exciting experiences at maraming kaibigan. iba iba ring klaseng mga tao ang na meet namin itong mga nakaraang taon. may mga halos magdugo ang ilong sa pangungulangot, mayroong malakas pa sa kanyon ang putok at mayroon ding mga mas kupal pa sa tutuong kupal. bagay na madalas kong ikatuwa at ikwento rito. ngayon ang last entry ko sa singapore adventure namin ni jet at mami miss ko silang lahat.

ano bang mangyayari sa buhay namin simula bukas? malaking question mark. sana maging exciting din siya tulad ng buhay namin dito. sana mababait ding kaibigan ang maging kasangga namin. sana i won’t screw up in my new job. ano ba ang “screw up” sa tagalog? “umikot ng pataas”, “turnilyong paitaas”. ewan ko. malayong malayo na talaga ako sa aking comfort zone at siyempre takot ako. yung betlog ko ngayon nasa leeg na dahil sa nerbyos. pakiramdam ko, tatalon kami ni jet sa bangin at hindi ko alam kung makakalipad kami or babagsak straight down.

pero alam ko naman na parang first day of school jitters lang ang takot na ito. sasayawan ko lang ito ng “first day funk” at hindi na babahu ang kilikili ko. in effect eh – we will make it work somehow. lahat naman ng ibinato ng buhay eh nasalo namin kaya bring it on.

No Responses Yet to “The University of Nebraska says that elderly people that drink beer or wine at least four times a week have the highest bone density. They need it – they're the ones falling down the most”

  1. Cynthia Says:

    uyyy! dito na kayo sa l.a.? saya naman! san po kayo sa l.a.? hehehe… as if pupuntahan eh…pwede rin. mwahahaha! sabi nga ng kaibigan ko, lahat ito ay isang adventure lamang. kaya alam ko, magiging makulay at masaya ang buhay nyo rito. good luck!!!

  2. tin Says:

    nakakatuwa at naka blog ka pa sa airport. i’ve posted our pics on my blog. ingat kayo and sana sa taiwan maka free internet pa rin kayo.

    kitakits sa october. maraming salamat sa masasayang memories.

  3. DarkBlak Says:

    good luck po sa inyong bagong tirahan….. and hopefully makapag blog pa kayo… mukhang mapapalitan na ang title ng blog nyo ah 🙂

  4. owen Says:

    again, uulitin ko yung sinabi ko sa video ni jet kanina. maraming salamat po sa inyong dalawa for the company! kahit less than a year pa lan tayo magkakilala, feeling ko ang tagal-tagal na.

    all the best in LA!

  5. cbs Says:

    kay apo jim p. ko nabasa to: sa pagtalon sa bangin, magugulat ka sa kaalamang kaya mong tubuan ng pakpak. (o, baka naman mag lipad darnita lipad ka pa jan!) hemingway po, sabi nga ng mga manlalakbay, the greatest outcome in the discovery of all things is the discovery of oneself. yun na.

  6. toni Says:

    And the excitement is only about to begin. 🙂 Be safe always, Jet and Jay!

  7. dinah Says:

    Goodluck po sa inyong bagong adventure!

  8. auee Says:

    uy blogging-on-the-go!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: