umuulan ngayon dito sa southern california. bigla ko ngang naalala ang tag-ulan sa pilipinas at na home sick tuloy akong bigla. ibang klase nga kagabi – may kulog at kidlat pa kasama ng malakas na pag buhos. nagulat nga ako sa tunog ng ulan na tumatama sa bubong ng apartment. pinikit ko lang nga yung mga mata ko at nag imagine na nasa bahay ako sa antipolo kasama si jet, naghihintay na matapos makaluto si anna banana para makakain na kami ng hapunan. nakakatawa ano, mga simpleng bagay lamang tulad ng tunog ng ulan na dati rati di mo pinapansin, ngayon sanhi na ng pinagsamang melancholy at saya. ano ba ang melancholy sa tagalog? wala yata tayong salita para dito. siguro dahil likas tayong masayahin.

Read the rest of this entry »

Advertisements

FULLY EXPOSED

April 18, 2005

BATJAY PORNSTAR nagsimula akong mag blog nung september 2001. just around the time ng pag crash ng mga eroplano sa world trade center. isang buwan pa lang ako sa singapore nung time na yon, malungkot at undersexed. in short, homesick ako at namimiss ko si jet. i was almost at a point of giving up. mas masarap kasi sa pilipinas – may sariling bahay, maganda naman ang trabaho at kasama pa ang mga kaibigan at kamag-anak. ang aking frame of mind when i started working in singapore: bored and unhappy. ang site na ito ang tumulong to keep the demons at bay, so to speak. naging therapy ko ito pag homesick. pag sobra na sa pag ingles at gustong managalog, dito lang ako pupunta. for about a year i kept my site private pero nang magtagal, napansin ko may mga bumibisita na at eventually may mga naglalagay ng mga comments. pagtapos, may mga nakilala na rin na mga disenteng mga tao (na tulad kong perverted inside) na naging mga kaibigan ko (pwedeng utangan – BWAHAHA). tapos ngayon, na feature pa ako sa dyaryo. kung may kaunti kayong barya, bili naman kayo ng manila bulletin at basahin ang “BLOG-O-RAMA” article ni Annalyn Jusay. naka feature ako, believe it or not. hehehe. not bad for a simple bastos OFW from singapore na isang dating supot pero tuli na ngayon kaya wala nang kupal. bilang pagpapasalamat, hayaan nyo akong mag speech…

ay wan tu tenk Annalyn Jusay for being mahusay. ay wan tu tenk my parents for giving me baon. ay wan tu tenk god for making me pogi and most of all, for giving me a nice looking penis that i play around with sometimes. ay wan tu tenk my wife jet for loving me in spite of my eccentric behavior and for always being by my side all these 14 years. i also wish for world peace! (sabay kaway na parang miss universe)

BLOGKADAHAN IN ANTIPOLO

April 17, 2005

blogkadahan in antipolo nagkaroon ng salo-salo ang blogkadahan kahapon sa aming munting tahanan sa antipolo. marami namang nagsidatingan. from left to right: batjay, tito rolly, apol, mari, doc emer, soulmate jane, ajay at si mec. dumating ding late si ate sassy lawyer. at nag call in sina cathy, rogue at ang aking mylab opmayn jet. ang saya nga – as usual may kantahan (nagdala ng gitara si tito rolly) at maraming tawanan. at siyempre, ginawa rin namin ang paborito naming gawain pag ganitong may salo-salo: pag-usapan ang mga hindi nagpunta. BWAHAHAHA. maraming pagkain (tuwang tuwa nga si soulmate jane).

Read the rest of this entry »

TAKIPSILIM SA ANTIPOLO sa isang linggo kong pananatili sa pilipinas, isang beses lang akong nakauwi ng maaga. parati na lang madaling araw dahil sa maraming mga meeting at pakikipagkita sa mga kaibigan. the one time na nakarating ako sa bahay ng may araw pa – kinuhanan ko ang litratong ito. this is how our home looks like during dusk, my peborit part of the day. kaya lang nga ay this time, wala nang yosi at kape na kasama ko sa pag appreciate ng sunset. in my old life, pag ganitong oras, i’d be outside our house. nakaupo sa garden at naninigarillo habang hinihintay ang pagkagat ng dilim. bwakanginangyan, para tuloy gusto kong magsindi ng yosi. huwag na oy – nakaka one hundred thirty one days ka nang walang sigarillo.

every flower tells a story. ang bulaklak na ito ay galing sa orchid na bigay sa akin ng isang kaibigang es-pulis. minsan kasi nagkainuman kami sa bahay ng kumpare niya malapit sa amin at kinaplog niya ang halaman na ito. ang bulaklak na ito ay may kwento. ito’y galing sa orchid na bigay sa akin ng kapitbahay kong ex-pulis na dating reporting sa isa ring ex-pulis na ngayo’y tumatakbo ng presidente. marami akong tsismis tungkol sa ex-pulis na ito, pero di ko sa inyo ikukwento. i-ping nyo ang site ko at baka mapilitan ako. mwahaha. masipag itong mamulaklak (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). almost year round. ang tawag nga pala rito ay phalaenopsis (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). ilagay sa parte ng garden na may shade (ayaw niya kasi ng direct sunlight) at kaunting dilig ng tubig. pwede mo na siyang pabayaan.

malapit ko na ulit makita ang mga halaman ko’t bulaklak. uwi kasi kami ni jet sa mayo para sa 13th 14th anniversary ng aming kasal. at siyempre, para sa 80th b-day ng mommy ko. isang linggo lang kami pero alam kong sulit ito. miss ko na kasi ang pamilyang naiwan. miss ko na rin ang bahay sa antipolo. miss ko nang matulog sa sariling kama sa sariling kwarto sa sariling tahanan. anim na buwan na pala kaming di nakaka uwi. ang bilis ng panahon.

SUICIDE IS PAINLESS

March 28, 2004

two weeks ago, pinanood ko ang “M*A*S*H” (yung masterpiece ni robert altman, hindi yung tv series). ever since, di na nawala sa loob ng ulo ko yung paulit-ulit na pagkanta ng “suicide is painless“, the lyrics of which incidentally, was composed by altman’s son. kahit saan na lang kinakanta ko ito – sa banyo, sa opisina, sa train (much to the amazement of the other passengers). nung di ko na matiis, kinuha ko yung gitara kanina at nirecord ang aking take sa kantang ito. pakinggan nyo na lang.

Read the rest of this entry »

bumisita kanina sa antipolo ang mga mommy ko. kasama niya ang kapatid kong si gigi, si tj, si az at si glenda. dumating rin sina denden at meng, mga classmates ko at sina kuya bong, darlene at lucas. ah, oo nga pala, humabol din sina ate lannie, dennis at axl.

PI-AUG-03-006

ito ang mommy ko, sister ko si gigi, si tj (ganda ng ngiti), si glenda at ang anak niyang si az. kuha ito sa harap ng bahay namin ni jet sa antipolo. naglambing kasi ang mommy ko na gusto nilang mag swimming sa amin kaya ginawa ko eh ni-rent ko yung clubhouse ng buong araw para naman makapagsaya sila. sinundo ko sila sa novaliches ng umaga at sa amin na sila nag lunch.

PI-AUG-03-038

nag swimming party kami. despedida ko at celebration na rin sa birthday ng pamangkin kong si denden. si denden ay anak ng ate kong si gigi. sabay si gigi at ang mommy ko na nabuntis kaya halos sabay rin kaming lumabas ni denden sa mundo. actually birthday niya ng august 17, kung kaya mas matanda siya sa akin ng apat na buwan. sabay kaming lumaki, magkaklase rin kami at magkabarkada. eto si az at ako, sa gazebo, sa tabi ng pool ng clubhouse ng subdivision namin.

PI-AUG-03-029

solo namin ang pool kanina. sarap nga eh. ngayon lang ulit ako nakapag swimming in a long while. karga ko si tj sa gitna ng pool.

PI-AUG-03-015

eto si tj nangungulit habang nagbababad sa pool. eto ang batang ayaw umahon. kanina, hehehe, para lang umahon siya eh inuto ng lola niya… sinabi eh papalitan na daw ang tubig ng pool at kailangan na ni tj umalis.

PI-AUG-03-058

inimbita ko rin ang mga classmates ko at dumating ang iba. from left to right: kuya bong, jun alferez, rey opena (ate kiwi, binata ito!), ako, si denden (ang pamangkin kong kabarkada), si raymund at si lucas (na extra pa!). masaya na naman ay kwentuhan namin at siyempre, pinagusapan namin ang mga classmate naming di nagpunta. hehehe. lahat ng mga nasa litrato ay mga kaklase ko since kinder and friends for over 33 years.

PI-AUG-03-090

si az. gustong gusto ko ang kuhang ito dahil bukod sa guwapo si az, kitang kita sa background yung storm clouds na parating. actually umulan 30 minutes after kinuha ito kanina. kung gusto ninyong malaman kung anong hitsura ko nung baby ako… tingnan nyo na lang ang mukha ni az.

PI-AUG-03-050

pinalaro namin sa pool sina lucas at tj. enjoy na enjoy nga ang dalawa. lalo na si lucas, nakakapunta na nga sa malalim dala ang kanyang salbabida. kaya eto, tuwang tuwa rin ang tatay niyang si kuya bong. kung si paquito diaz kaya ang gumamit ng salbabida, tatawagin ba itong salbakontrabida? ngye-hehe.

PI-AUG-03-085

mylab, balik na ako sa singapore bukas. miss na miss na nga kita eh. kaya eto ako, umiinom na lang ng san mig light para mapabilis ang oras. sarap talaga ng malamig ng beer pag nasa pilipinas ka!

Hi Ester.

I did get your letter but I was traveling so much this past four weeks that I had barely enough time to do other stuff. I was in Manila 3 weeks ago with Jet and I took some pictures of mom and the rest of the gang in Novaliches. Hope you got my previous email with the pictures. Last week I returned to Manila and went to Davao to close a project. We went back to Singapore this Sunday and I had to fly to Sydney this Tuesday. I am still in Australia as I write this letter. My life has been a blur this past four weeks and I apologize for not being able to answer you sooner than I wished.

I was so happy that you did get me letter, happier when you answered. It was a long shot as I was not sure if you were really in Florida. It turns out you were and para akong nabunutan ng tinik knowing that you are alive and well. Mom did get your letter and card and was very pleased that you wrote to her. She probably is still thinking of how she will answer you… we haven’t heard from you in a while and you can just imagine how it must have been a shock to her when she read your letter. Please give her some time.

I’m glad that Donna was able to send you that postcard. She is probably somewhere between New York and the Caribbean as I write. David is probably somewhere in the Pacific Ocean as well. Like I said, a lot has happened since you lost touch with us.

I have a big presentation tomorrow. I hope to impress these pesky Australians. Wish me luck. I will write often now that I know you email address. O sige. I still have to prepare. Ingat na lang diyan. I miss you so much and we hope to see you when Jet and I go to the states one of these days. Susurpresahin ka na lang namin – just you wait and see.

With much love,

Jay

XMAS_02_001

“at the end of the day”

pag naririnig ko itong phrase na ito eh kumukulo ang dugo ko. sobrang overused at tangina talaga, pag naririnig ko ito sa opisina, parang gusto kong mang gulpi. pero pag pinaguusapan ang tahanan eh, eto ang pinaka paborito ko – the end of the day. upo ka lang sa labas ng bahay, samahan mo ng yosi at malamig na iced tea at hintayin ang pagdating ng takipsilim.

PI-JUNE-03-015

ito na ngayon ang hitsura ng bahay sa antipolo, almost 2 years after lumipat kami sa singapore. malalaki nang mga halaman ko. medyo wild na rin ang ibang mga tanim. ok lang yon siguro. wild rin naman ako. malapit nang mag-sunset nang kinuha itong larawan…my favorite part of the day. sina jet ay nasa loob ng bahay at naghahanda nang hapunan. ako naman ay umiinom ng iced tea at naghahanda nang magdilig.

NAKAHIGA SA ANTIPOLO

June 8, 2003

nakahiga sa kama sa isang makulimlim at medyo mahangin na umaga dito sa antipolo. ang sarap ng pakiramdam. mamaya, bababa kami para mag tanghalian sa mga mommy ko. tapos balik ulit dito sa taas mamayang late afternoon. itong hapunan naman, magluluto ako ng aking famous inihaw na pork liempo. tapos, bukas ng gabi, babalik na ako sa singapore.

natapos ang linggong ito, punong puno ng mga meeting sa cliente at mga presentation. kasama ko si henry, ang aking kaupisinang malaysian-chinese. buti siya ang kasama ko dahil di siya maselan sa pagkain. nung lunes ay pinakain ko siya ng balut. walang ka-kurap-kurap niyang isinubo ang itlog. hehehe… gustong gusto rin niya ang sisig natin. at siyempre, ang tuna belly. sinama ko rin siya rito sa bahay at pinatikim ng bihon guisado. buti yon para malaman niya na walang kalasa-lasa ang pansit sa singapore. bumili rin kami ng marang at kinain namin sa aking hardin.

masarap daw ang buhay ko rito, ang sabi niya… may sariling bahay, may garden, nakatira sa bundok, sariwa ang hangin at maganda ang view. isang malakas na “i second the fucking motion!”, ang sagot ko.

WELCOME HOME BATJAY

June 2, 2003

gumising ako kanina at ang una kong ginawa ay uminom ng kape, habang pinagmamasdan ang mga halaman at bulaklak ng aking hardin. kung makailang beses ko na itong iniisip gawin habang nagpapakahirap magtrabaho sa singapore. wala, masaya lang ako.

nagpakapagod kang magtrabaho sa ibang bansa. bawat araw na lumilipas ay nagdaraang mabilis, tapos gising ka na lang isang umaga, nasa pilipinas ka na. kahapon ng umaga nasa singapore ako, pagkatapos ng pananghalian, nandito na ako sa bahay sa antipolo. parang milagro. isang iglap lang biglang nagbago ang itsura ng mundo ko.

dito kami natulog sa sala ni jet, kagabi. naglatag lang kami ng kutson at nagbaba ng unan. kinaugalian na namin ito nung dito pa kami sa pilipinas nakatira. sina kuya bong, darlene at lucas ang sumundo sa amin. dito na rin sila natulog at pinagamit namin ni jet ang aming bedroom. katabi namin sa higaan si datu, ang aming alagang mini-pinscher.

dumalaw din nga pala sina jun alferez, si edwin narciso at si mon rivera, ang aking mga classmate since kinder (1971) at long time friends. uminom kami ng isang case at kalahating san mig light, ang aming drink of choice since last year. gumawa rin si anna banana ng “menstruation dish” (dinuguan), pansit at sinigang na baka na siyang dinner/pulutan namin. nagpabili rin ako ng andok’s liempo ng tatlong beses dahil na-miss ko ang lasa ng inihaw na baboy ng anim na buwan. umuulan kagabi at sa garahe kami nag-inuman.

nagpunta rin sina lolet at ang kanyang mister na si sir bong at kanilang mga anak. sila ang aming mga kapitbahay rito at siyang umaalalay sa bahay namin habang wala kami. dito na rin sila naghapunan.

masaya ang unang araw namin sa pilipinas. binisita ng mga kaibigan at kamag-anak, narito sa aming sariling tahanan at natulog ng mahimbing sa isang malamig at maulan na gabi.

BY THIS TIME TOMORROW

May 31, 2003

by this time tomorrow, nakahiga na ako sa sarili kong kama, sa sarili kong bahay. masarap isipin na mangyayari na ri ito pagtapos ng anim na buwan dito. masarap umuwi, kahit na working trip.

CHINA_071

ang pag-pasok ng linggong ito ay medyo exciting na naman. since medyo tapos na ang SARS dito sa singapore, pwede na ulit mag-travel. medyo matagal na rin kaming na buro sa opisina. ang huli kong byahe ay nung february pa. yung boss ko ay nauna na ngayong gabi papuntang tokyo, we will hook-up on friday in seoul, korea. my flight leaves on wednesday. iwan ko ulit si jet dito sa singapore hanggang sa pagbalik ko sa sabado.

Read the rest of this entry »

CHARACTERS

April 6, 2003

PI_SEPT02_173

ganda ni tj ano? si tj ay anak ni donna. si donna ay anak ni gigi. si gigi ay anak ni angela. si angela ay mommy ko. lahat sila ay magaganda. pinapatay kasi ang pangit sa amin eh. matalino si tj, mahilig siyang magbasa ng mga libro na bigay ng kanyang mabait na tito jay at tita jet. three years old na si tj. diretso na siyang magsalita at may accent ang english niya na slang na amerikano (di ko alam kung saan niya napulot ito). minsan naman ay sumasayaw din siya. mahilig siyang magpatugtog ng cd (alam na niyang i-operate ang cd player sa bahay) at mayron siyang sariling music collection. pag nag-swimming kami ay ayaw niyang umalis sa pool kahit nanginginig na sa ginaw. magaling siyang kumanta. manang mana sa mommy niya, sa lola niya, lola at lolo niya sa tuhod at sa kanyang mga tito at tita – lahat sila’y may magagandang boses. bukod sa lahat ng mga nursery rhyme songs ay kabisado niya ang “dancing queen” ng abba at lahat ng mga kanta ng sex bomb girls.

XMAS_02_138

luneta, chrismas vacation 2002: from left to right – si kuya bong, lucas, darlene, jet, dennis,axl at si ate lannie. si kuya bong ay classmate ko simula kinder. simula 1972 (30 years) ay kakilala ko na siya at isa sa pinakamalapit kong kaibigan. si darlene ay kapatid ni jet. anak nila si lucas. si lucas ay makulit. nagkakilala si kuya bong at darlene dahil napangasawa ko si jet. pinanganak si lucas dahil kaklase ko si kuya bong simula kinder. si axl ay si axl dahil rocker ang tatay niyang si dennis. si dennis ay bilas ko dahil napangasawa niya si ate lannie na kapatid ni jet. si ate lannie ay interior designer tulad ni darlene. di masabi ni axl ang pangalan niya kaya tawag niya sa sarili niya ay “atoy”. si atoy ay tahimik at parating umiiyak pag nilalapitan ko siya. si axl at lucas ay magpinsan, ibig sabihin nito ay bilas ko rin ang kaibigan kong si kuya bong. lahat sila ay magaganda at guwapo. pinapatay din kasi ang pangit sa pamilya nina jet.

linggo ngayon at family day. dahil family day, ipinapakilala ko sa inyo dahan dahan ang pamilya ko.

XMAS_02_118

ito si mang boy. kapitbahay ko siya sa antipolo. magaling siyang magluto ng bibinka, palitaw at ginataan. hindi ko siya kamag-anak kaya di ko masasabi na guwapo siya. malamang ay hindi pinapatay ang pangit sa kanila kasi buhay pa siya. pero sa kasuwertehan ay maganda naman ang kanyang anak. ganumpaman, katulad ng marami kong kapitbahay sa antipolo, likas siyang mabait, mapagbigay at marunong magpintura, magtanngal ng anay at gumawa ng mga sirang tubo.

disclaimer: (sabi ni jet ay gumawa daw ako ng disclaimer eh dahil baka raw may ma-offend ako, kaya eto…) sabi nila ay “beauty is in the eye of the beholder. sabi rin nila ay “beauty is relative”. kaya, para sa akin na beholder, lahat ng mga relatives ko ay magaganda at guwapo. kung sa tingin ninyo ay di kayo maganda o guwapo, sorry na lang. para kasi sa akin ang kagandahan at kagwapuhan ay hindi lang sa mukha. lahat ng nasa litrato sa taas (kasama na si mang boy) ay tunay na tao. mga magaganda’t guwapo sa aking paningin. in short, yung main lesson ng “the little prince” ang nangingibabaw sa aking definition ng beauty, i.e. what is essential is invisible to the eye. maliwanag ba? ok. bilang panghuli: doon naman sa mga naniniwala na “pinapatay ang mga pangit sa amin”, eto lang ang masasabi ko: mga uto-uto!

ayan, happy ka na my lab?

ANTIPOLO SUNSET

February 8, 2003

Antipolo Sunset

pag ganitong nag-iisa ako sa opisina at walang kaingay-ingay, nasesenti ako. iniisip ko ang pilipinas, ang mga naiwan namin doon, at siyempre, ang aming munting tahanan.

Read the rest of this entry »

Antipolo bishop quits

February 2, 2003

Antipolo bishop quits after reported affair…our hometown bishop gets horny and pays for it. too bad.

THE MEANING OF HOME

January 6, 2003

huling gabi na ng christmas vacation…shitdapwetnamalagkit talaga, ang bilis ng araw. nakakainis. tangna talaga, sarap sana kung pwede pang isang linggo na extension pero wala na talaga – balik singapore na kami bukas.

three weeks din ang tinagal namin dito. three weeks, parang ang bilis pag nagbabakasyon. pero hindi na rin masama: ang daming nangyari itong mga nakaraang araw, maraming kaibigang nakitang muli at maraming napuntahang lugar.

masarap talaga dito sa pilipinas. kahit maraming problema ang bansa natin, di mo pa rin siya matatalikuran. iba talaga pag nasa sariling bayan. mas masaya, mas makahulugan.

Read the rest of this entry »

KAPIT-BAHAY

January 6, 2003

kanina, mga alas 4 ng hapon, nagulat na lang ako nang dumaan si mang boy kasama ang pamangking niya’t kapatid. galing pa sila sa pasig at umakyat dito sa antipolo upang tuparin ang kanyang pangako na pakainin ng ginataan si jet bago umalis papuntang singapore. noon pa kasi niya ito binibida, bago pa mag-pasko.

sa madaling sabi, bumaba siya sa pasig galing dito sa antipolo upang magpaluto sa kapatid niya ng ginataan. di lang ginataan ang dala niya, may kasama pang palitaw na binudburan ng niyog, anis, asukal at sesame seeds. masarap!

ginawa tuloy namin ay nag-lagay na naman kami ng mga lamesa sa kalye para sa impromptu merienda. nilabas ang mga plato at kubyertos, malamig na pop cola at sinistensyahan na ang masarap ng ginataan at palitaw.

ang sarap talaga sa pilipinas. aalis ka na lang papunta sa ibang bansa, di pa rin nakakalimot ang mga kapit bahay na pasayahin ka’t busugin.

NAKADAPA

January 2, 2003

madaling araw na pala… sige tutulog na ako. dito ako ngayon nakahigang nakadapa sa kama habang nagsusulat… minsan nakadapa at naghahanap ng palakang may buhok, pero ibang storya naman iyon.

habang sinusulat ko ito, malakas ang hangin sa labas. may kalamigan ngayon dito sa bundok ng antipolo. nagsimula ito kagabi, bisperas ng bagong taon: bigla na lang lumakas ang hangin na may dalang konting lamig. sarap nga eh. pero teka…nagugutom ako! kumain kaya ako ng fruit salad? gumawa kasi si jet ng kanayang espesyal na fruit salad… frozen na ito dahil magdamag na sa freezer. tapos mayron din itong topping na grated cheese. hmmm….

teka, maka-baba na nga nang masistensyahan na ang fruit salad na iyan.

masaya ang new year namin dito sa antipolo. ito ang aming unang new year simula nang maging OFW ako. nung isang taon eh sa singapore kami nag bagong taon at talaga namang ubod ng boring at walang kalatuy-latoy. hindi nga pala ako bumili ng paputok at nanood (at nakinig) na lang kami sa mga paputok ng kapitbahay. sa trabaho ko kasi, importante ang kamay at ayokong mabawasan ang mga daliri ko… nga pala, yung isang kaibigan ko, muntik nang mawalan ng daliri. hindi dahil sa paputok kundi dahil sa isang aksidente sa plantang pinagtatrabahuhan niya sa new zealand. ok na naman: pagkatapos ng mahabang operasyon at theraphy ay nakakapag-jakol na raw siya… hehehe.

asan na ba ako: ah… yun nga, pagkatapos ng isang boring na bagong taon sa singapore, itong bagong taon na ito ay masaya. marami ring mga kapitbahay ang may magarbong paputok mula kwitis hanggang sa mga chinese firecrackers na talagang mapapa “wow” ka sa kulay at epeks.

espesyal din ang salo-salo. nagluto kami ng tacos, crepe, hamon at fruit salad. kapitbahay namin eh may pansit at palitaw (lulubog-lilitaw). sa labas ulit kami kumain pagtapos ng putukan ng bagong taon, limang pamilya naman kami ngayon.

siyempre, nakapula kaming lahat (para suwerte). may pera sa bulsa (para may pera buong new year) at siyempre bagong ligo (para walang anghit buong taon?).

sa bahay naman ay bukas lahat ng ilaw, bintana at pinto (para pumasok ang suwerte sa aming tahanan).

pagsapit ng umaga ay byahe naman kami sa novaliches. lunch sa bahay nina jet at dinner sa bahay ng mommy ko. puro kain, puro kain. kain na lang ng kain. hirap talaga rito sa pilipinas pag bagong taon! hehehe…nakakainis.

muntik nang di naging happy ang new year dito sa subdivision namin. pano kasi pinag-awayan ang kakulangan sa pondo para sa sweldo ng security guards. nangyari tuloy, nagkaroon ng mga tampuhan ang iba sa aking mga kapit-bahay. ang suma, dapat by the stroke of midnight ng pagdating ng bagong taon, tanggal lahat ng security guard ng aming munting community.

buti na lang at naayos ang mga gusot. paano ito naayos? nag salo-salo ang buong subdivision sa gitna ng kalye. pot luck dinner from 9:00 hanggang 11:30 pm ng december 31. sinabay na rito ang meeting at open forum. eventually, nagkasundo rin ang lahat at nagka-ayos ang mga nagkatampuhan. solve na rin ang problema sa security guards.

buti na lang at nagkaayos ang lahat. ang aking kasing paniniwala eh ang iyong tahanan ay ang iyong refuge at fortress. mahirap ang may kaaway sa iyong place of refuge. at the very least kung hindi mo magawang makipag kaibigan, dapat cordial ka sa lahat ng miyembro ng comyunidad. lalo na dito sa aming tirahan kasi maliit lang ang mundong ginagalawan namin. sa ngayon, 39 na bahay lang kami rito. 39 na pamilya ang miyembro ng aming comyunidad.

very interesting ang mga homeowners sa subdivision namin. iba-ibang nationality, ugali at hanap buhay…

mayron akong 2 kapit bahay na hapon na nakapag-asawa ng pinay (isa nagtitinda ng mantika at isa ay may karaoke sa sumulong highway overlooking manila), may doctor na matandang dalaga, may negosyante na every month ay pinapipinturahan ang bahay niya, may opisyal ng gobyerno, mayrong matandang lalaki na may asawang teen-ager (hehehe), may guro, may tsismosa, may kulang sa pansin, mayrong maytopak, may matandang dalagang us citizen, mayrong magaling magluto ng bibingka at may us navy ng japan.

iba sa kanila ay nakakainis, iba nama’y nakaka-aliw. ang iba naman ay tunay na kaibigan na parating handang makiramay. silang mga tunay na kaibigan ang nagbibigay saysay sa kahulugan ng salitang “kapitbahay”.

MANO PO

December 30, 2002

taong bahay ako ngayon. bakit? nanood ng sine sine jet kasama si anna banana ang aming alalay. kasami rin nila si elena (ang pangalan ng asawa niya ay constantino, parang flores de mayo na santa cruzan, i kid you not) at ang kapit bahay nilang si lolet. pinanood nila? “mano po” at “dekada sitenta”. back to back na sine ang papanoorin ng mga bruha, ika nga ni mang boy na kapit bahay ko.

ok lang, minsan lang naman mag girls day off ang mga bruha. hehehe… they deserve every minute of it, ika nga. kaya eto ako ngayon, home alone kasama si datu.

christmas day 2002, part ii

December 26, 2002

matapos ang kapit-bahayang christmas noche buena party at kahit puyat, gising kaming 2 ni jet ng maaga upang dumalaw itong araw ng kapaskuhan sa mga loved ones na kapamilya…first stop, breakfast sa bahay ng mommy ko sa talipapa, novaliches. alas-9 pa lang ng umaga ay nandoon na kami’t nambulabog. labas agad ang mommy ko ng pagkain – pritong manok na binabad sa 7-up, hamon, tinapay at mainit na kape. pagkaing angkop na angkop para sa isang kapaskuhang almusal. habang kumakain ay may running kwento galing sa mga utol ko at nanay na may kasama pang sayaw galing kay tj, ang anak ng anak ng kapatid ko… ano ko na si tj? apo na siguro ano? malamang.

Read the rest of this entry »

christmas day 2002

December 26, 2002

bisperas ng pasko, sama-sama kami ng mga kapit-bahay dito sa antipolo upang salubungin ang kaarawan ni jesus. sinara namin ang kalye at apat na pamilya ang nagtipon-tipon upang pagsaluhan ang noche buena.kanya-kanyang luto siyempre. mayron kaming fried dumplings, hamon, cake at ang aming contribusyon… makabagbag damdaming spaghetti! marami ring red wine, san mig light at soft drinks para panulak.

Read the rest of this entry »

senti-MENTAL

December 22, 2002

isang linggo na ako dito sa pilipinas… bawat araw na nagdaan, isang paalala kung ano ang nawala sa buhay ko simula ng umalis ako rito at nangibang bansa.

bawat araw ko rito ay mahalaga… sinasamsam ko at binibigyang kahulugan, isinisilid sa puso para muling gunitain ng paulit-ulit. ano bang meron dito na wala sa singapore? marami! hindi ko naman sinasabi na pangit doon. mas okay lang talaga dito sa pilipinas. una, nandito ang aming pamilya. pangalawa nandito ang mga kaibigan. ikatlo, nandito ang mga kapitbahay.

pamilya, kaibigan, kapit-bahay – halos lahat sa kanila, walang pakialam kung ano ang estado mo sa buhay, walang pakialam kung gaano kalaki ang kita mo, kung may kotse o condo ka. walang intriga pag nakatalikod ka. sa madaling salita, dito sa munting mundong ginagalawan namin sa pilipinas ay nararamdaman ko ang “belonging”. ano ba ito as salitang pilipino? belonging – “kaisa”, “kasama”, “kabayan”, “katoto”, “kabilang”. lahat ito’y napapatungkol sa akin bilang kabahagi… kabahagi ng isang pamilya, kabahagi ng isang barkada, kabahagi ng isang komyunidad.

sa singapore, si jet lang ang pamilya ko.

Read the rest of this entry »

ANTIPOLO BLUES

December 18, 2002

miyerkoles ng umaga
nakahiga pa rin sa kama
nakabukas ang bintana
pasok, hanging sariwa
sarap ng bakasyonista

ahhh, pwede na akong pumalit kay aprils boy! lahat ng kanta ko eh, nagtatapos sa “A”. hehehe.

Read the rest of this entry »

TINDERO NG BIBINGKA

December 17, 2002

lunes, december 16 2002 – anong ginawa ko ngayong araw na ito? una gumising ako ng tanghali! hehehe… a far cry from my normal routine. araw araw ay gumigising na normal sa umaga (tuwing lunes). force of habit siguro. sa akin kasi, lunes ang pinaka-importanteng araw sa empleyado at dito nakikita ang dedication. kadalasan kasi eh ay gimmick tuwing sabado at linggo at ang typical reaction ng isang empleyadong tamad is to call in sick during mondays. kaya ako, nung boss pa ako – pag may empleyado na nagkaroon ng LBM (loose bowel movement) ng lunes eh sinasabon ko ng husto. minsan nga eh may sinibak pa nga ako.

Read the rest of this entry »