"With more people, there are more voices to tune out." – Susan Sontag

December 18, 2005

dalawang Podcast ko nga pala ang naka register sa iTunes ngayon – “Dear Unkyel Batjay” at “Mahalagang Balita“. kung gumagamit kayo ng iTunes, punta lang kayo sa music store, click sa “podcasts” then do a search – ipasok niyo lang “batjay” or “philippines” or “pinoy” as your search words at makikita na ninyo yung mga podcast ko. marami na kami ritong mga pinoy podcasters at matutuwa kayo sa variety na available dito. ang maganda sa iTunes based podcast ay pwede kang mag subscribe dito ng libre at kung mayroon kang iPod, automatically mo itong mai-do-download at pwede mong marinig kahit saan.

Dear Unkyel Batjay – ito’y isang advice column na may nakakatawang spin (well hopefully nakakatawa). tribute ko ito sa daddy ko. mayroon kasi siyang radio show called “maala-ala mo kaya”. ang ginagawa niya doon sa radio show niya ay nagbabasa ng mga sumusulat sa kanya on the air. pagtapos nito ay magpapatugtog siya ng senti na kanta at magbibigay ng payo. sikat ito nung 1960s at tumagal ito hanggang sa mamatay siya nung 1991.

Mahalagang Balita – podcast patrol in a way. tribute sa lahat ng magagaling na pinoy newscasters. matagal na rin itong mainstay sa aking blog. kumukuha ako ng mga weird news sa kung saan saan at hinahaluan ng pinoy humor. siyempre nasa pilipino – sino pa bang makakaintindi ng pinoy humor kundi ang mga pinoy. ang isa ngang kinaiinisan ko rito minsan sa amerika eh hindi nila makuha ang humor ko. ngyehehe – in most cases, i laugh alone.

kung wala kayong iTunes, punta na lang kayo sa “Mahalagang Balita” at “Dear Unkyel Batjay” audio blogs at doon na lang ninyo pakinggan. ok, narito na tayo sa “aywantutenks portion” – alam naman ninyo na utak ipis lang ako (pero mahaba naman ang paa ko) kaya kinailangan ko ng tulong sa pag research kung papaano gumawa ng podcast. aywantutenks don manuel viloria dahil siya ang tumulong sa akin ng husto. what a guy – generous and smart. may podcast din si don manuel at isa ito sa pinakasikat sa iTunes. salamat bossing, ang bait mo talaga. sa susunod uutang na ako sa iyo!

Advertisements

No Responses Yet to “"With more people, there are more voices to tune out." – Susan Sontag”

  1. lukin4gf Says:

    Ankel,

    Hekshuli, ala kinalaman ang comment ko sa entry mo dahil sa ala akong iPod.

    Malapit na kasi ang pasko kaya gusto kitang batiin ng Merry Christmas, nais ko din sabihin na tumatanggap na din ako ng gifts he he he.

    Intay ko entry mo Christmas Experience mo he he he.

  2. roselle Says:

    pinakinig sa akin ni lenin yung news na ginawa mo tsaka mga kanta mo din…. ang masasabi ko lang ay,,,,

    ang ganda ng boses mo!

  3. owen Says:

    macheck nga to pagbalik sa Singapore!

    sir isang araw na lang birthday mo na!

    Happy Birthday!


  4. sige pareng owen. by the time na bumalik ka sa singapore, mas marami nang podcast entries ang available. salamat sa bati – happy birthday din sa iyo.

    sana mas maligayang bagong taon sa iyo. sa iyo, at higit sa lahat, sa iyo.


  5. hi roselle.

    oo baklang bakla nga si allan at si lenin sa boses ko. napapa buntung hininga sila parati, lalo na pag galit ako at nagtataas ng boses. hehehe.

    merry christmas sa inyo. ikamusta mo na lang ako sa mga dati kong ka trabaho pag nagkita kita kayo.

  6. Capt. Kupal Says:

    dear lukon4gf.

    merry christmas din sa iyo. kung gusto mo ng regalo, punta ka sa ninong mo. mamaya may kunwari ay christmas entry ako, abangan mo.

    hindi mo naman kailangan ng iPod para marinig ang mga podcast. mag download ka lang ng iTunes at pwede ka nang makinig ng libreng podcast dito. ngayon, kung ayaw mo ng iTunes, pumunta ka lang doon sa podcast site at pwede mo nang marinig ang mga entry.

  7. roselle Says:

    naku siguro ay patok na patok ka din sa FM stations (just in case gusto mo magpalit ng career hehe)…btw, i saw allan pala last week w/ his gf when we attended their college friend’s wedding.


  8. pang AM ang boses ko. lalo na para sa mga Mahalagang Balita. merry christmas na lang sa inyo.

  9. Jet Says:

    Naks! Podcaster na mylab ko!! 😀

  10. Engr. Bogus Says:

    siyempre naman mylab. ngyehehe. natutupad na nga yung pangarap kong maging DJ. ibang medium nga lang pero what the heck, it feels the same.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: