You know the preacher likes the cold

December 5, 2005

alas sinko pa lang ng hapon, sobrang dilim na. nakakapanibago nga kasi gusto mo na agad umuwi at magpahinga. samahan pa ng malamig na hangin eh parang gusto mo nang magtalukbong ng kumot. unang winter namin sa california. actually, mild lang ito compared sa nangyayari ngayon sa east coast. sa new york at chicago halimbawa, may snow na. naku, malapit na pala akong umuwi – 5:30 na ng hapon at pitch black na sa labas. pero dadaan muna ako sa tindahan dahil pinapabili ako ng jet ng kamatis. para saan kaya yung kamatis? hindi ko alam. baka ulam namin mamaya. hindi kasi ako nagtatanong eh – siguro yan ang sikreto kung bakit nakatagal kami ng 14 years. oo lang ako ng oo.


pagkatapos ng ilang sandali…

narito na ako sa bahay ngayon. sa henry’s nga pala ako nakabili ng kamatis. maganda rito kasi lahat ng tinda ay organic. mahirap lang nga para sa akin ang magpunta sa grocery kasi kung ano-ano ang nabibili ko na hindi ko naman kailangan. bukod sa organic na kamatis, bumili rin ako ng organic na tsaa, organic na biscuit, organic na dried fruit na pang nguya pag nagutom, organic na muffins at organic na spinach. may nakita pa nga ako na organic na tsinelas pero hindi ko na ito binili. huwag nyo nang itanong kung paano naging organic ang tsinelas dahil hindi ko alam.

Advertisements

No Responses Yet to “You know the preacher likes the cold”

  1. roamee Says:

    sir batjay, yan ba ang sikreto ng matagal na pagsasama? mula ngayon eh gagayahin ko na ang style mo. pero pwede bang pasigaw naman yung “oo” para naman may dating?


  2. oo tapos ilapit mo ang ulo mo habang nagsasalita ka para mabatukan ka ng misis mo.

  3. Gigi Says:

    Hello KB,

    Nakapunta na ba kayo sa Trader Joe’s? Yung pinakamalapit sa atin yata nasa Rancho Santa Margarita, sa tabi ng pet store (dan-dan-dan-dan — mystery music sound epeks). Naku, kung hindi pa, sumama kayo sa akin. Nakakaloko talaga. I’ll call Jet –ah oo nga, ikaw pala ang tagabili — the next time we go.

  4. rolly Says:

    Uy, California dreamin’
    on such a winter’s day!

    Ang bilis ng transition nitong post mo bosing, isang paragraph lang ang nakalipas, nasa bahay ka na agad. hehehe

  5. joni Says:

    hi! napadaan lng! ang interesting ng site mo at entries. hehe. gudlak sa inyo ng asawa mo. 🙂

  6. auee Says:

    eh bossing ano ginawa nyo sa kamatis?
    😉

  7. arenar Says:

    tama ka dyan sir – oo lang ng oo para magtagal ang samahan … sabi nga ng boss ko …

    Ladies you don’t have to understand your husband just LOVE them …

    Gentlemen you don’t have to love you wife just UNDERSTAND them!

  8. gail Says:

    pareho tayo, hindi din ako pwedeng mag-grocery o kaya mamalengke mag-isa. nung isang beses na pinapunta akong palengke para bumili ng gulay para sa sinigang, umuwi ako na may dalang pang-sinigang, pang-bulalo, baron’s super antenna, gigantic ihawan, at 10 metrong chicken wire. don’t ask me why.

  9. bote Says:

    kailangan din naman humindi.

    hindi ka tumataba switipay, healthy ka lang.

  10. owen Says:

    Organic foods! wow! in na in nga ngayon yan eh. pero ang mahal nyan dito sa SG. palibhasa, imported lahat.

  11. Badz Says:

    Uy bosing okay yan ah! Orgasmic food! Di ba nakakapanghina yan?

    Tsk, ala ka na pala sa sg. Ingat na lang sa lamig dyan, baka yang kamatis mo maging pasas. Tsaka yang machete mo maging machinko na lang hehe. Biro laang! =)

  12. tintin Says:

    welcome to your first winter in california. di naman masyado malamig and winter dito, it could get chilly but not freezing.

    what part of california you’re from? san diego here 😉

    by the ways, nice turf you got here. keep it up.

  13. Jet Says:

    Thank you sa kamatis mylab ha. Ang lalaki! Auee, panggisa lang naman e. Pero nakakatuwa kasi fresh and healthy ang itsura nila tsaka ang laki talaga.

    Mylab, oo ka ba ng oo saken? Di naman di ba? Sumagot ka!

    hehehe… labyu!

  14. jennipeng Says:

    sino nangamatis? 😮

  15. tony Says:

    baka ibang pag oo naman ang ginagawa ni bossing–iba kasi ang oo sa gabi- panay yes, yesss, oh yeessssss!!! hehe


  16. jennypeng! ako ang napabili ng kamatis pero dati rin nangamatis.

  17. Capt. Kupal Says:

    hi tintin. thank you for the welcome. i was watching the news and saw the snow storm in the upper northeast. it didn’t look good at all… and all the more thankful that we’re here in OC instead of there.


  18. oo maraming orgasmic food dito.

  19. Engr. Bogus Says:

    growen – saan ba may organic food sa singapore? sa cold storage ba? maganda naman ang quality ng produce diyan sa singapore kahit mahal ng kaunti.


  20. hi gail. sige, panalo ka na – hindi ako bibili ng 10 meters na chicken wire na walang dahilan. ang galing mo!


  21. arenar – ok yung boss mo magaling ang sinabi niya. buhay pa ba siya?

  22. Haring David Says:

    hi auee. hindi ko pa rin alam kung para saan ang kamatis. ikaw na lang magtanong kay jet.

  23. Jakolito Says:

    uy very sharp si tito rolly. maraming nalilito sa lyrics ng california dreaming. yung iba nga nakakatawa.

    galing sa http://www.amiright.com/misheard/artist/mamasandthepapas.shtml

    Misheard Lyrics:Can’t afford the treatment
    Original Lyrics:California dreamin’

    Misheard Lyrics:I know the creature likes to crawl.
    Original Lyrics:I know the preacher likes the cold.

    Misheard Lyrics:Oliver leads the blind.
    Original Lyrics:All of the leaves are brown.

    Misheard Lyrics: Polynesian brown
    Original Lyrics:All the leaves are brown.

    ok ang transition ko ano? nilagyan ko na nga ng pasakalye para malinaw. hehehe.


  24. kapit bahay na gigi!

    kamusta na? actually nautusan lang ako pero si jet talaga ang namimili ng supplies namin. kayong dalawa dapat ang mag plan pumunta sa trader joe’s. i don’t think we’ve been there yet. ano makikita roon? na itriga tuloy ako, sige punta tayo roon!


  25. nagustuhan mo ba ang mga kamatis mylab? ang laki ano – masarap yan gawing tomatoe with olive oil. yummy! pinili ko talaga ang mga iyon sa pile – gusto ko kasi yung kamatis na malutong pag pinitik.

    lab U!

  26. owen Says:

    sir, meron po sa Market Place sa may City Hall. 🙂

  27. Barb Says:

    There’s really such a thing as organic tsinelas? Sometimes hindo ko alam kung nag bibiro ka lang. 😀

    You and Jet are becoming *so* California, going to the organic grocery store!

    We have snow now, and today it was about 10F. As long as you’re bundled up, though, it’s not bad. I super cold to super hot weather.

    Isn’t there DST in the Philippines? I know that not every place does that.

  28. Dennis Says:

    sir…medyo makikialam lang ng konti. kung merong world foods market sa vicinity niyo, this place is way better that trader joe’s, and it’s more complete- one stop shop kumbaga.

  29. tin Says:

    bilib talaga ko sa yo, bossing. kwento mo lang tungkol sa organic kamatis, naaliw mo na kami.

    lapit na beerday natin ha! saan ba tayo? hehe.

  30. Gigi Says:

    Hi KB and Jet,

    You can’t say you’re from Southern CA kung hindi ka pa nakakapunta sa TJ’s. Or maybe I just think like that because I’ve been a customer there for 20 years.

    It’s hard to define, but it’s probably unlike any grocery you’ve been to before. Prices are good and you’re certain to get addicted to some of their items (that you can’t find elsewhere). For instance, I get my kosher chicken there (da best for adobo!), Niman Ranch hormone-free beef, and Fage yoghurt (from Greece).

    Basta, sama kayo sa akin. I haven’t led you astray so far naman, di ba? 🙂 hehe.


  31. hmmm… i’ve been to their site saint gigi. it looks like a cool place. sige punta tayo doon. di pa ako nakakakita ng kosher chicken.

  32. Mister E Says:

    hi tin. punta kayo rito next week, may party sa bahay. dala kang fish head curry ha!


  33. world foods market? hmm… matingnan nga kung mayroon dito. ano ba makikita roon?


  34. hi barb. i heard about the snow and the runaway airplane. it must really be bad in your part of the world. over here we’re still in the high 70’s during the day time. take care and have a great week end!

  35. Philis Stine Says:

    ah growen – sa market place. malayo pala sa pasir ris kaya di ko alam. HOY, magpakita ka naman sa amin pag punta mo rito. move mo na lang ang lakad mo para makapamasyal tayo.

  36. tintin Says:

    thanks for swinging back to my site.

    orange county is a great place, don’t they just envy us californians?

    happy holidays to you and your family.

  37. Q-Langot Says:

    yup. i love orange county. i really do.

  38. Pisser Says:

    Batboy,
    Inbayt kita fishing trip. Halika dito sa San Diego, everyday may trip na nagpupunta sa gitna ng dagat, Baja California. Walang mga sea gull, sea otter, seals at kung anu-anong mga hampas tubig na hayup. Wala din mga lintik na pelikan at wala kang mahuhuling ahas na isda. Dito ay mga tuna ang mahuhuli, barakuda at iba pa pero kung malasin ka naman ay pating makukuha ng bingwit mo, tiyak sira ang bingwit dahail magaling lumaban ang lintik na pating.


  39. mukha ngang masarap mag fishing sa baja. sige, makapunta nga diyan at baka makahuli ng barracuda. sarap i-grill nito.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: