"Sacred cows make the best hamburger" – mark twain

November 30, 2005

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATE LINE MANCHESTER, N.H – isang taong nagngangalang ronald macdonald ang nahuling nagnakaw sa isang wendy’s fastfood store kamakailan. nahuli ng store manager si ronald ng red-handed habang binubukasan ang kahera ng mga ala-una y medya ng madaling araw. ayon sa mga pulis, mayroon kasamang accomplice si ronald macdonald sa kanyang pagnakaw. patuloy pa rin ang imbistegasyon pero na confirm na ng mga awtoridad na hindi si hamburgler ang kasama niya.

ang balitang ito ay inihatid sa inyo ng belchtree holland powder milk, ang gatas na may gata.


PAKINGGAN ang dalawang version ng newscast na ito. para sa walang betlog version, click lang sa BatJay’s Newscast on Steroids at para naman sa normal bedroom voice pakyut version, click lang sa BatJay’s Normal Newscast. maraming salamat at hanggang sa muli – good night and good luck.

Advertisements

No Responses Yet to “"Sacred cows make the best hamburger" – mark twain”

  1. Jet Says:

    newscast on steroids… hahaha!

    Di pa rin ako makapaniwala na Ronald McDonald talaga ang pangalan niya… hehehe.


  2. tutuo mylab.

    sabi nga ng mga tao, dapat daw sa umpisa pa lang ang nagsuspetsa na ang management ng wendy’s na ang isang taong may pangalang ronald macdonald ay walang gagawing magaling sa tindahan nila.

  3. owen Says:

    pangalan pa lang, nalaman na sana nila na ang allegiance nya ay sa McDo!

    pero kaaliw yung newscast nyo sir!


  4. ilalagay ko nga sa special section yung mga breaking news ko.

  5. tagasilipnglitratonggumagalaw Says:

    koyang batjay,
    matagal na rin akong ngi ngisi-ngisi habang nagbabasa ng blog mo at ngayon lang ako nagparamdam..nabasa ko yung tungkol doon sa concert nina binky sa singapore,(spreading the blues gospel ba sila doon?) sana andoon din ako, nagkita kami ni binky sa 70’s bistro dahil nag text si edwin, yung gitarista nya na meron daw send-off, masaya at nagkitakita ang nga ADD, (ang dating doon)emen! nadinig ko din mga recording mo at mukhang pwede a..teka..sige.
    kung pwede nga lang mapili ang klasmeyts, sana naging kaklase kita, kaya lang sa row 4 sa tabi ng basurahan. maiba ako, nakukuryente ka ba ng mga cart sa changi airport? ako lagi pag kinukuha ko na mga bagahe ko, pag nadikit ang braso ko sa bakal ng cart nagugulat nalang ako, anlakas ng kuryente. minsan may spark pa (no stir man)di kaya sobrang static electricity yun? o baka naman malakas din kuryente ko? he he..

  6. Capt. Kupal Says:

    sabi nga ni binky, naghanda sila para sa singapore concert sa 70’s bistro gig. i’ve always loved to watch them perform. si edwin magaling din. lahat sila magaling at talagang pinabilib nila ang mga nanood ng concert. marami kaming pinanood na mas sikat sa kanila pero para sa akin – yung concert nina binky sa esplanade ang pinaka memorable. proud na proud ako nung gabing yon at hanga talaga sa talent nila.

    bonus na lang yung nakasama ko silang mag one for the road.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: