"sweater, n.: garment worn by child when its mother is feeling chilly." – ambrose bierce

November 28, 2005

may napansin ako sa sarili ko lately. simula nang lumipat kami rito sa california, panay ang bili ko ng sweater. nakaka apat na ako. eh apat na buwan pa lang kami rito – ang ibig sabihin nito, every month, bumibili ako ng isa. medyo weird nga eh. naisip ko baka dahil ito sa deprivation resulta ng pagtira ng matagal sa tropical country. ngayon lang kasi ako nakakatikim ng malamig na panahon ng matagal kaya ngayon nga rin lang nakakapag suot ng panlamig. iniisip ko nga, baka pagtagal, magaya ako kay imelda marcos. di ba nung bata siya, deprived siya sa sapatos dahil mahirap lang sila kaya nung naging first lady eh sangkaterba ang collection. sa case ko naman, sweater imbes na sapatos. over compensating na ba ako dahil sa lamig kaya bumibili ng maraming sweater? gardenget.


at least, hindi ako nagdo-drawing ng mga kung ano-anong mga weird symbols. napanood nyo ba yung “imelda” documentary ni ramona diaz? kinillabutan ako ng magsimulang mag drawing ng kung ano-ano si madame habang nagpapaliwanag sa harap ng camera tungkol sa “beauty, truth and love”. mas sira ulo pa siya kaysa doon sa mga sira ulo. bigla tuloy akong nalinawan kung bakit bumagsak ang pilipinas nung sila ang nasa malacanang. we were ruled by madmen (and madwomen).

Advertisements

No Responses Yet to “"sweater, n.: garment worn by child when its mother is feeling chilly." – ambrose bierce”

  1. missP Says:

    hehehe, welcome to the club. ako man nung bagong dating sa europa, di lang sweaters kundi pati jackets…in all colors, AS IN! due to deprivation nga ba ito kiliti lang ng utak?

  2. Allen Says:

    kelangan talaga ng sweater e. sabi nila sakin nung bata ako, “mainit” sa california kesa sa east coast. at naniwala naman ako dahil sa mga napapanood ko sa tv dati. mga nakasando o hubo pa nga. tama naman pala sila; kaso, ISANG season lang mainit dito! putik!

    after 2 years, ginawin pa rin ako! ewan ko ba. di na nasanay. minsan, 3 na patong pa. di pa kasama yung thermal at tshirt. (pero sa umaga lang naman.) kaya tancha ko, kulang yang apat na sweater mo. (lalu na kung tipong nagtitipid pa kayo sa electric/gas bill.) or pwedeng irotation mo nalang yung mga kulay. 🙂

  3. auee Says:

    Normal yan BJ (aka batjay)
    😉
    Ako nga panay bili ng turtle neck para di na ko nagsusuot ng scarf! Pero panay din bili ko ng scarves & pashmina hehehe

    Susunod nyan bibili ka na din ng gloves of all makes.

    Trivia, in the UK there’s no such thing as sweaters, it’s “jumpers”… Which to us are over-alls hehe


  4. batjay siguro namimiss mo lang pawisan ang kili-kili mo kaya subconsiously ang sinasabi ng utak mo e “Sweater”.

  5. Jet Says:

    Naku mylab, e pano mo naman nasabing overcompensating ka… E nagswea-sweater ka nga, pero naka-boxer shorts ka pa rin. Ibig mong sabihin, yung upper half lang ng katawan mo ang giniginaw at yung lower half hindi? O wag mo naman sabihin na fashion statement yan for Winter ’05… hehehe 🙂


  6. NGYEHEHEHE… mylab naman eh. binibisto mo ako.


  7. hindi na nga ako pinagpapawisan sa kili-kili. actually huminto na ako sa pag gamit ng deodorant simula nang mag dry ang underarm ko.

  8. Capt. Kupal Says:

    akala ko blowjob na ang itatawag mo sa akin. jumpers – ayos. hindi talaga marunong mag english ang mga english ano, auee?


  9. hi allen. hindi nga kami gumagamit ng central heating kasi magastos. bumili lang kami ng maliit na heater. kaya naman niyang painitin ang bedroom kaya ok na yon. misis ko lang naman ang ginawin. ako, ok lang sa ginaw ng southern california.


  10. hehehehe. i could just imagine. mas malamig diyan sa lugar ninyo. siguro, puno ang cabinet mo ng jacket at sweater.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: