"When Black Friday comes, I'll fly down to Muswellbrook" – steely dan

November 27, 2005

black friday ang tawag sa biyernes pagkatapos ng thanksgiving. importanteng araw para sa retail industry ng america at paborito ng mga adik mag shopping dahil ito ang pinakamalaking sale sa buong taon. madaling araw pa lang ay bukas na ang mga tindahan at may mga sira ulo ngang natutulog sa labas para sila ang mga maunang makapasok. may napanood nga ako sa TV na nag stampede pag bukas ng pinto. maraming mga nanunulak at natutulak, nadadapa, gumugulong at nadadaganan. balita ko nga eh may mga nagsusuntukan pa dahil nag aagawan sa mga produkto. hindi ko naman sila masisi, pag sale kasi rito sa amerika, talagang sale.


bakit ba “black friday” ang tawag sa black friday? may ipinako rin ba sa cross tulad nung nangyari nung panahon ni harold? hindi naman daw, sabi ng mga kaibigan ko: kaya raw “black friday” eh dahil sa dami raw ng mga nabibiling produkto ng mga tao, yung mga “in the red” (o mga naluluging kumpanya) ay nakakabawi (“back in black”) hence the term black friday. para sa maraming tao – ang black friday ay nag si-symbolize din ng isang malaking calbaryo, lalo na para sa mga kalalakihan na buong araw na nakabuntot sa mga asawa nilang halos walang kapagurang mag shopping.

masuwerte nga ako at iba si jet. gusto niya kasing mamiling mag-isa. so typically, pag nasa outlet kami, galit galit muna. she goes her own way and i go mine. napaka predictable nga ng mga shopping habits ko at kung gusto mo akong hanapin sa mall or sa outlet, punta ka lang sa tindahan ng sapatos, levi’s, bookstore, toy shop, record store. minsan, gusto ko ring magpunta sa nagtitinda ng panty kaya lang baka sapakin ako ng asawa ko.

Advertisements

No Responses Yet to “"When Black Friday comes, I'll fly down to Muswellbrook" – steely dan”

  1. tony Says:

    grabe nga dito pag black friday, agawan and you have to be in line so early para nasa unahan ka..madalas kasi may mga door busters for let’s say the first 100…
    it’s crazy but good for retailers and isa pa naiingganyo tao na bumili lalo na pag days na lang before christmas, tapos santambak utang by new year..


  2. mayroon pang “cyber monday” – monday after thanksgiving naman where the online shopping season begins.apparently, mayroong spike sa online buying the monday after thanksgiving dahil hindi pa rin kuntento ang mga shoppers and they shop some more online.


  3. hi batjay! you and your wife jet inspired me to create my own blog.wala lang, pantanggal stress. God bless to you and your family.


  4. good luck sa iyo, alinaya cortez. sana nga makapag tanggal ito ng stress. hanggang sa iyong muling pagbalik.

  5. auee Says:

    ey ganyan din dito sa London… Pero the day after New Year naman. Natutulog ang mga tao sa labas ng malls/shops, esp sa Harrods! Dahil ayaw ko ng siksikan I’ve never been one. Pero pumupunta ko sa warehouse sale ng FCUK hehe Sumasama din hubby ko dahil nakakasilip sya ng mga desperadang nag-fi-fit kahit saan (wala kasing fitting room)…

  6. Capt. Kupal Says:

    uy gusto ko ring makakita ng desperadang nag-fi-fit kahit saan. huwag lang lalaki kasi sawa na ako sa pototoy.

  7. auee Says:

    Then you really should visit London before XMas for the French Connection warehouse sale… Kaya lang baka magselos si Jet.
    😛

  8. rolly Says:

    bosing, nagulat ako sa title mo. Tingin kagad ako sa kalendaryo kasi baka mali ako’t baka Marso o Abril na e hindi ko man lang napansin. Tapos sabi ko, I know time flies so fast pero hindi naman siguro ganon kabilis. Buti na lang inexplain mong maigi. Thanks ha.

  9. Junnie Says:

    naku, tinulugan ko yang Black Friday na yan, at inalisan pa kamo…mahirap na maubusan ng pera sa LA… pero i was reading the papers sa airport, nakita ko yung flyers ng Fry’s – i wanted to step out at makipagsuntukan at makipagagawan na rin….sa susunod na balik ko, tawagan tayo ha….

  10. jennipeng Says:

    may boxing day din ba jan, which is the day after xmas? sa canada kasi, yun naman ang biggest sale! boxing day yun hinde dahil kay ali or pacquiao ha.. boxing day daw dahil dami boxes na nagkalat dahil nga pakyawan kung bumili ang mga tao!

  11. Jet Says:

    E di ba mylab, mas masarap naman kung leisurely shopping kesa patayan shopping? Think of it, gagastos ka na nga, di ka pa mag-eenjoy. E what’s the point?

    It’s nice to know you enjoy my shopping style. We really do fit like a horse and carriage… naks! hahaha!!!

    Labyu!

  12. Barb Says:

    I’ve never been to “black Friday.” It scares me!

  13. jop Says:

    bosing,
    salamat doon sa tip mo about great reads ha? hayaan mo, kakaririn ko yan pagkatapos ko sa the historian.

    after my personal black friday experience sa target, naintindihan ko na kung bakit black friday ang tawag sa araw na ito.
    will i do it again next year? malamang. baliw talaga ako. 🙂
    kami ni P, galit galit din kapag namimili. well, ako yung nagset ng ganitong guideline. ayoko kasi ng may umalialigid kapag namimili ako. but now that i drive, pinapabayaan niya akong mag-isang magliwaliw sa mall hanggang magsawa ako.
    bosing btw, nasubukan mo na ba ang pandora.com? magaling itow! subukan na!
    sige, sibat na muna ako, may klase pa ako. uupo na naman ako at maglilimlim sa silya habang nakikinig sa yakidakdak ng aking mga kaeskwela at propesora.noo-ni-noo-ni-noo

  14. haydee Says:

    so nakasilip ba kayo sa after thanksgiving sale?

    kami ng aking hubby e naghintay ng 3pm bago lumabas. medyo wala na syempreng natira sa $375 laptop ng walmart..pero enjoy pa din 🙂


  15. hi haydee. hindi kami nakasilip. hindi namin feel na makipag siksikan sa mga tindahan.

  16. Engr. Bogus Says:

    hi jop. bago ko nabili ang libre ko eh narinig ko yung interview kay frank mccourt sa newsweek. ang galing niyang teacher. bagay sa iyo dahil nagturo siya not far from where you teach. sana mabasa mo agad.

    so naglakas loob kayo ng black friday. bwahaha. ang tapang mo.


  17. hi barb. it scares me too. big time – i hate big crowds. hey, i finally saw ang AFLAC commercial last weekend. i was watching a football game and there it was. major milestone.


  18. jennypeng!

    sa mga british colonies lang ata may boxing day. well british colony rin nga pala ang america pero mga sutil kasi mga tao rito kaya siguro di nila sinunod. hanggang ngayon nga eh di maintindihan ng mga tao rito ang metric system. hehehe. so yun pala ang ibig sabihin ng boxing day. akala ko kasi eh mayroon talagang nagboboxing . manonood pa naman sana ako.

  19. Haring David Says:

    sige ka junnie. tawag ka lang sa amin. bigay ko ang number ko. sana sinubukan mong mag black friday shopping. dami kong nakitang gumulong gulong sa TV. pero actually may bagong trend na – “Cyber Monday” ang tawag nila. it’s the monday after thanksgiving kung saan maraming mga amerikano shop online. ang laki raw ng surge sabi sa news.

  20. Isip Bata Says:

    oo nga tito rolly – black friday. araw ng shopping sa america. araw na parang mga sira ulo ang mga taga rito na mamili sa mga mall.

  21. Jakolito Says:

    “french connection” – wow.


  22. oo nga mylab. gusto kong mag shop pag tahimik. gusto ko rin slow. pag maraming tao, nayayamot ako.

    lab U!

  23. abunjoh Says:

    bosing, punta ka sa barney’s warehouse sale during the summer, usually sa Santa Monica Hangar…. diyan may mga desperadang nag-fit kung saan saan….


  24. ayos – kung ano ano ang mga itinuturo ninyo sa akin, mga demonyo kayo.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: