My philosophy of dating is to just fart right away

November 22, 2005

habang papasok sa opis kanina, may narinig akong bagong term sa radio – “ON FARTING TERMS“. ang ibig sabihin daw nito ay you are at a point in your relationship where you are comfortable enough with each other na pwede ka nang umutot while your partner is in the same room with you.

na discuss ko na rin dati yung next step dito – “ON FARTING TERMS WHILE UNDER THE SHEETS“. ang ibig sabihin naman nito ay talagang comfortable na kayo sa isa’t isa na kahit umutot ang partner mo habang nakatalukbong kayo ng kumot eh ok lang ito sa iyo. yung iba nga, ang tawag dito ay true love. para sa akin, isa itong form ng sadomasochism.

kung ako ang tatanungin, ang pinaka extreme expression ng true love ay kapag kayo ay – “ON BURIS TERMS“. parang hindi ata magandang pakinggan pero ang ibig sabihin nito ay talagang comfortable na kayo sa isa’t isa na handa na ang partner mo na labahan ang underwear mong may stain ng nicotene. ang tawag ata sa english nito eh “shit stain“. ang slang term ay “skid mark”.

Advertisements

No Responses Yet to “My philosophy of dating is to just fart right away”

  1. Manong Bidoy Says:

    Katuwa! weird no?, pero true, minsan nga sagutan pa kami ng loveski ko eh… pero Sir Batjay ano tawag naman sa “habang ikaw ay nag sisipilyo sa toilet yung loveski mo naman ay ume-ebs?…”
    hmm….

    p.s. Kakatuwa talaga mga post mo..

  2. rolly Says:

    bosing, parang kinabahan yata ako dito sa post mo. Kasi tanda ko pa noong bagu-bago pa lang kaming mag-asawa, sinubukan kong mag-fart e. Sabi ko sa kanya, may ibubulong lang ako sa loob ng sheets. Noong ipasok nya yung ulo nya, I let go. Sinapok ba naman ako. Ibig bang sabihin non, hindi nya ko mahal?

  3. cbs Says:

    para walang shit stain, gumamit ng itim na underwear. parang advise ng tatay ko, anuman ang kelangang gawin outdoors e gawin sa gabi parang walang alikabok. hapi gobble gobble pow.

  4. Jet Says:

    Talaga atang yan ang mark ng true love mylab. E di ba nga, ang finale ng marital vows ay ’till death do us fart’? 😀

  5. auee Says:

    the same goes kung doubled-over ang wife mo tapos lalabhan mo regla-stains off your sheets right? Or ibabad mo undies nya?


  6. hi auee.

    siyempre – vice versa yan. if a man’s willing to wash the blood stained sheets or blood stained underwear of his partnet then that’s true love.

    pero hekshuli, iba na ngayon – men do the laundry as well so they also have a shot at washing skid marked underwear.

  7. Gigi Says:

    Ay naku KB, I still remember it well. Wala pang one month kami ni Arnel (mag-“on” lang), umutot na siya ng malakas — at kilig na kilig pa ako! Sabi ko kay besfren, siguro feeling comfortable na kasi siya sa akin. Pero tama nga ang saying “be careful for what you wish for; you might just get it.” Ngayon kasi hataw nang hataw siya ng utot, kung saan saan. Under the sheets, inside the car or elevator, sa kusina pag nagluluto. Walang tigil talaga ‘to. And yes, I do the laundry so I have to be very careful doing the whites kasi baka ano pa ang hawakan ko. I guess true labs ko talaga si mister, ‘no? (Buntong hininga).

  8. toni Says:

    Hahahahaha gross but true!!!

  9. roselle Says:

    pero yung mga lalaki, likas talaga na walang pakundangan kung umutot noh?! kumbaga, strike anywhere.

  10. d2 Says:

    nakows… maraming-maraming kaibigan na pala ako!!!

    hahahahha… (hanggang fart lang kaya?)

    just kidding!!!

  11. Capt. Kupal Says:

    may mga kakilala rin akong mga babae na walang pakundangan kung umutot.


  12. hi toni – ganyan talaga mag-asawa. magkasama through farting and sweet smelling times.


  13. ngyehehehe… hi kapitbahay st, gig.

    yan ang maganda kay arnel. tutuong tao at walang kyeme. did you guys have a great thanksgiving? i hope you had a great time. kailangan na nating i-arrange ang ating next dinner na hind na matuloy-tuloy. ngyehehe. ingat!


  14. mahal ka pa rin ng misis mo tito rolly, nanggigigil lang siya sa iyo.


  15. ano tawag naman sa “habang ikaw ay nag sisipilyo sa toilet yung loveski mo naman ay ume-ebs? ang tawag dito ay “nagmamadali”.


  16. tama ka mylab – till death do us fart, fartners through thick and thin, fart of my life and all that jazz.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: