All weddings, except those with shotguns in evidence, are wonderful

November 7, 2005

dear unkyel batjay,

gusto ko lang pong humingi ng payo sa inyo. malapit na po akong ikasal, unkyel. balak ko nga po sanang gawin ito ngayong june. ang dami po palang mga kailangan ano? mayroong reservation sa reception, schedule sa simbahan, pagkuha ng pari, pag ayos ng ceremony at liturgy ng misa. mayroon ding pag-aayos ng mga damit ng mga abay, sali na rin po ang damit pangkasal. tapos mayroon din pong pag ayos sa cake. pati nga rin yung mga puting kalapati, kailangan pa yatang bihin sa pet shop sa cartimar. nalilito na nga po ako. ano pa bo ba ang kailangan ko unkyel, para maging successful ang aking kasal?

nagmamahal,
gentle reader



dear gentle reader,

ang pinakaimportante sa sa lahat eh dapat mayroon kang mapapangasawa. all the rest are inconsequential.

good luck,
unkyel batjay

Advertisements

No Responses Yet to “All weddings, except those with shotguns in evidence, are wonderful”

  1. toni Says:

    hehehe agree! πŸ™‚ the rest doesn’t matter!

  2. rolly Says:

    Tama nga naman. haha

    Kung mamarapatin mo sana, bosing, pwede ba kong magbigay ng sagot kay gentle reader?

    Marami ngang mga tao na pinagtatrabahuhan ng husto ang kanilang kasal. Maganda yan pero sa palagay ko, ang importante sa lahat ay pagtrabahuhang maging maganda ang pagsasama habang buhay kesa sa ilang oras na paggasta at pagpapakain ng ibang tao. Kung may pagmamahalang tapat, kahit na pinakasimpleng kasal, gumaganda. Ang kailangan lang naman talaga sa isang kasal ay ang pares ng ikakasal, ang magkakasal at ilang testigo. Tapos.

    Ngayon, kung meron din namang sobrang pera, ayun, masarap gastusan ang okasyong iyan. Pero kung ipangungutang pa, hindi na siguro maganda.

    Ay napahaba. Sorry, bosing. Carried away e hahaha

  3. marse Says:

    At kung maghahanap ka ng mapapangasawa at lalake ka, dapat babae ang mapangasawa mo.
    Ang payo ko sayo,Normal lang ang nararamdaman mo kasi first time mo ikasal unless you know?? hehehe at tingin ko medyo tight ka sa budget (nag ala Madam Auring).importante ay go for the more important things in your list..food,liturgy ng misa etc etc etc.Make it simple and devine ika nga.

  4. tanya Says:

    hahaha! eto na ito! hehehe! you really did post it!

    Me excited! Eeeeee! can’t wait to visit you and ate jet! wahoo!


  5. hi tanya loca.

    ngyehehehe… oo nga napost ko na yung wedding angst topic. hirap nga ng ikakasal ano, ang daming iniisip. i’m sure you’re doing well in your wedding preparations. enough to stay focused on the essentials like your husband to be. ngyehehe.

    ingat!


  6. dear marse,

    maraming salamat sa pag comment mo. simple and divine, tama yan. focus on the essentials. agree din ako diyan. pero yung tungkol sa mga ikinakasal – minsan may boy on boy at girl on girl na kasal na ngayon. do i agree? yes i do. to each his/her own i say. kung gusto ng isang tao makasama sa buhay ang ka sex niya eh di ibigay ang hilig.

  7. Capt. Kupal Says:

    maraming salamat sa mga payo mo tito rolly. buti nga nagpayo ka – alam ko kasi na may sense ang sinasabi mo dahil matagal ka ng kasal at may magandang pamilya at ulirang kasama sa buhay.

    naalala ko tuloy yung kasal namin ni jet – dalawang testigo (buti na lang hindi susan ang pangalan. at buti na lang hindi sila ngo-ngo, at hindi sila tumayo) lang at kami ni jet. sa jolibee pa ang reception. ngyehehe – hanggang ngayon kasal pa rin kami.


  8. hi toni – as long as you have a spouse, the rest doesn’t matter that much. for jet and i – that is so true.

  9. roamee Says:

    sir, natawa ako sa comment mo sa comment ni tito rolly (ayos nakiki-tito na eh no?).. dalawang testigo! pag tumayo ang isang testigo ayos lang, pero pag 2 testigo? mahirap ata yun! pero pag tumayo ang isang testigo ng 2 beses, pwede. (ngongo kasi pag-iisip ko eh).. sensya na po nawala sa align ang comment na ito!

  10. Engr. Bogus Says:

    magirap nga kasi pag yung ngo-ngo ang sumigaw ng – “TUMAYO ANG TESTIGO, KAY SUSAN TAYO!”

    iba ang interpretation.

  11. del Says:

    hi gentle reader,

    hope u don’t mind me butting in….isang tip lang po based on experience…….
    gawa ka ng bridal registry para hende mapuno ng pinggan, salad bowl, kawali at arinola yung iyong bagong tirahan ….. i think those of you who are already married understands what i’m referring to….. he he he meron nga pala akong binabargain na mga mamahaling pinggan, kitchen utensils , atsaka tatlong arinola he he he…

    rgrds,
    del

  12. hazel Says:

    tama, batjay! agree din ako kay tito rolly (nakitito na rin po) ganyan din ang sinasabi ko sa mga kaibigang ikakasal, kaso meron pa rin talagang matitigas ang ulo dahil minsan lang daw ang okasyon, sayang naman. ayun pagkatapos ng kasal, lubog sa utang πŸ™‚

  13. Jet Says:

    I think everyone, especially women, dream of the most wonderful wedding and they will make it happen as best they can. But when push comes to shove, I’d rather relish in the most wonderful marriage that will go on for years, than in the most wonderful wedding that will be done in a day.

    Labyu mylab! πŸ™‚


  14. tama ka mylab. mas importante yung marriage sa wedding. pag nag 25 years na lang tayo magpakasal sa simbahan para engrande.

    malapit na yon. lab U!


  15. masarap naman magpakasal – huwag lang magkanda utang para lang matuloy ito. hindi na ata ito practical.

    ok lang na maki tito ka kay tito rolly. tito naman siya talaga.

  16. Haring David Says:

    bridal registry – ano na nga yon?

  17. Jenny Says:

    k tong topic nyo. Totoo nga, bat nga ba karamihan sa ating mga pinoy gusto engrandeng kasal kahit d na kaya. Like sa kapatid ko, dati nyang gf, demand nya bonggang kasal, buti na lang d sila nagkatuluyan kundi lubog tiyak sa utang yung kapatid ko. Kung me pera oks lang nmn, kaso kung wala wag pilitin. Pakitang tao lang ang labas niyan.

  18. Isip Bata Says:

    mahirap nga pag sobrang laki ng allocation mo sa wedding pero parati kong naririnig yung – “bahala na, napasubo na eh”. di ko naman masisi dahil siyempre gusto mo the best for your wedding.

  19. tin Says:

    di rin ako agree sa iuutang ang pangkasal basta lang engrande. masarap ikasal (kung pwede nga lang namin ulitin yung araw na yon..) and mas masarap kung talagang nagmamahalan ang kinasal. hehe.


  20. oo nga tin – alam ko maganda ang kasal ninyo ni tito ron. sana nga lahat ng kasal, tulad ng sa inyo. kamusta na riyan? back to work ka na ulit?

  21. tin Says:

    salamat, tito jay. mag-a-apply na rin akong wedding coordinator nyo ni tita jet pag dumating ang pagkakataon. πŸ™‚ si jenn naman ang host, si leah & eder in-charge sa catering, si owen ang photographer, si amor sa entertainment and si ron sa logistics. tanong ko na rin si ellen & jere kung anong participation gusto nila. hehe.

    di pa ko work. baka next year pa. heto, init-lamig. umuulan lately e.

  22. tin Says:

    salamat, tito jay. mag-a-apply na rin akong wedding coordinator nyo ni tita jet pag dumating ang pagkakataon. πŸ™‚ si jenn naman ang host, si leah & eder in-charge sa catering, si owen ang photographer, si amor sa entertainment and si ron sa logistics. tanong ko na rin si ellen & jere kung anong participation gusto nila. hehe.

    di pa ko work. baka next year pa. heto, init-lamig. umuulan lately e.


  23. sige – ikaw na lang wedding coordinator. i’m sure pwede ka sa role na ito dahil pareho kayo ni jet na OC. ngyehehe.

    maulan ba ngayon diyan? oo nga at monsoon season sa singapore pag palapit na ang pasko.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: