NOTHING LAST FOREVER BUT THE EARTH AND SKY

November 3, 2005

dear unkyel batjay,

kamusta naman po ang all saints day ninyo diyan sa america? mayron din po ba diyan dumadalaw sa sementeryo tulad dito sa pilipinas?

ingat na lang,
gentle reader


dear gentle reader,

para ka namang sira ulo eh. wala namang all saints day rito sa america. although pag pumunta ka sa ibang parte ng los angeles na maraming mga mexicano eh makakita ka ng mga iba’t ibang mga litrato at estatwa ng mga bungo at ni kamatayan kasi mayroong “dia de los muertos” or “day of the dead” sa kanilang tradition. similar ito sa all saint’s day natin kasi nagpupunta rin sila sa mga sementeryo. pero may mga kaunting kaibahan din sa celebration natin. paano ko ba ito mai describe? isipin mo na lang na pinaghalong halloween at araw ng mga patay. pero come to think of it – bihira nga ang mga sementeryo dito sa titirahan namin. ang nakita ko lang na libingan simula ng dumating kami ay yung mausoleum sa ilalim ng cathedral of our lady of the angels. maraming mga mayaman na pinoy ang nakalibing doon kasama ng artistang si gregory peck.

kung hindi man sikat dito ang all saints day dito eh siya namang todo bongga ng halloween. in fact, hit na hit nga yung haunted house sa opinsina namin. hindi ako nakapunta dahil busy ako sa trabaho pero ang balita ko eh apat na babae at isang bading ang naihi sa salawal dahil sa sobrang takot.

yon lang muna at reporting from orange county, ang inyong
unkyel batjay

Advertisements

No Responses Yet to “NOTHING LAST FOREVER BUT THE EARTH AND SKY”

  1. Jet Says:

    Sayang nga mylab, sana nakapunta tayo dun sa haunted house sa opis nyo. Mukhang maganda dun sa pagkakakwento ng kaopisina mo e. Di bale, maybe next year. All in all naman, ok na din ang first halloween natin.

    Sunod… thanksgiving naman. 🙂

  2. owen Says:

    bago yun a, dito lan pala sa atin (i mean sa pinas) meron “All Saints Day”? Hmmm, ang meron pala jan ay yung mga singer na “All Saints”. Acheche!

  3. maisky Says:

    manong batjay nais ko lang iparating sa inyo na hanga ako sa intelektwal niyong kapasidad., hehe hindi ko maarok! ^_^

  4. cbs Says:

    ang pagkakaalam ko (na malamang e gaya ng ibang alam ko na puro pala mali), ang pinaka undas sa amerika e memorial day, which is the last monday of may – and popularly considered (though technically incorrect) as the 1st day of summer. awooooo.

  5. joyce Says:

    kami dito sa callcenter, wala ring holiday gawa nang sinasabayan nga namin ang holidays ng amerika. sabi nga nung isa kong caller na onaks “why are you still at work on holloween night???” medyo na disorient ako ng bahagya at tirik na ang araw dito sa atin noon dahil mag aalas-7 na ng umaga nung tumawag siya. kako “i’m just taking your call and will be going home in a while…” hehehe nakaka miss lang ang tradisyon

  6. Tita Nene Says:

    Hi Batjay and Jet

    I visited your “Tahanan” webpage, its very nice. Well done…Babalik ulit ako.

    Regular reader mo na rin ako Batjay dito sa kuwentong tambay,

    hindi ko pa na-explore and site ni Jet….soon…


  7. haay dito sa singapore naman. boring. bitin and holiday (tapos na ramadan).

    heto konting pahinga at konting inom.

    dati yang c jet at jay tambay sa singapore.

    idol ko yan 2 kaluluwa na yan. (hehehe holloween e!)

    teka kwento mo naman jay yung tungkol sa takutan sa opis nyo…please!


  8. di ba double holiday kayo sa singapore – ramadan at deepavali all in 1 week?


  9. dear tita nene,

    thank you very much. i haven’t touched the tahanan page in years – buti naman nagustuhan mo. sana mabasa mo ang site ni jet. she writes better than me.

    ingat at hanggang sa iyong muling pagbalik,

  10. Capt. Kupal Says:

    hi joyce. oo nga ano – kailangan mo makisabay sa mga holiday at trends dito to be able to identify with your customers. that’s tough.


  11. pag memorial day ba bossing CBS eh people go to the cemeteries to remember the war dead? o dead in general?


  12. hello maisky. intellectual kapasidad? parang running on empty na nga eh.


  13. mayroon sa mexico pareng owen na day of the dead. nagpupunta rin sila sa mga libingan. baka nga doon galing ang practice natin pag all saints day.


  14. sayang nga mylab. sabi nina Ceci, mas maganda raw yung sa opisina kaysa doon sa bahay nina linda. neberdamaynd, nek taym na lang nga. lab U!

  15. cbs Says:

    yes, people go to cemeteries to visit their dead on memorial day, and i mean the dead in general, not just the dead general. if we talk about the “war dead”, i believe that’s what will be celebrated on friday, nov. 11, as veteran’s day.

  16. rolly Says:

    Kung naihi sila sa takot, ano kaya ang gagawin mo? Wait, alam ko – pareho tayong mag-isip e. Pihado, yayakapin mo yung babaeng nagpapanggap na multo no? hehe

  17. Haring David Says:

    hehehehe… yung mga nagpanggap na multo eh nanghahawak ng mga paa at kamay. kaya nga maraming naihi sa takot. kasi pitch black sa loob ng room tapos may hihila sa paa mo.

  18. Isip Bata Says:

    kamusta cbs. “DEAD GENERALS” – that would be a nice title for a movie. ayun ang naalala ko – veteran’s day this coming friday.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: