Dusky butterfly, sweet and sure

October 27, 2005

nagiging metrosexual na ata ako. napansin ko kasi, simula ng lumipat kami rito sa california eh mas matagal na akong gumamit ng banyo sa umaga dahil sa kung ano-anong mga ritual na dinagdag ko sa aking “after i wake up and before i go to work” ceremony. dati rati kasi simple lang ang banat ko: inom ng kape, watch the morning news, upo sa trono, toothbrush, shave, talon sa shower, lagay ng kili-kili power, pabango, bihis at sibat. normally i can do all these in less than 20 minutes. pero iba na ngayon. oo virginia, change me. lumandi na ako ng tuluyan.


ever since na nag zebra epeks ang kutis betlog ko eh i now pay more attention to my body. na late nga ako sa pagpasok sa opisina kanina kasi bukod doon sa karaniwan kong ginagawa, dinagdagan ko pa ng paglagay ng katakot takot na lotion sa halos buong katawan – paa, kamay, siko, dibdib, kili kili at kung saan saan pang parte na tuyo. oo, pati pisngi ng pwet. bwakanginangyan.

parang alam ko na ang susunod na mangayayari – pag pasok ng winter, magsisimula nang pumutok ang labi ko. siyempe, kailangan ko nang bumili ng… ano na nga ba yung lipstick na nilalagay sa labi para kapag nakipag lips to lips ka sa partner mo eh hindi magkakapaltos ang mga nguso nila? lip shiner ba yon? naisip ko nga, mas mabuti na rin siguro ang pumutok ang labi kaysa magkaroon ng putok ang kili-kili.

tapos na imagine ko rin – ang susunod na mangyayari pagkatapos pumutok ng labi eh matutuklap naman ang balat mo sa pisngi at magmumukhang night of the living dead ang mukha mo. siyempre, kailangan mo ng moisturizer (hindi raw pwede ang lotion kasi bawal maglagay ng lotion sa mukha). ano ba yan, sa sobrang dami ng mga nilalagay at hindi ko na alam kung ano ang uunahin.

who knows what i will do next? i don’t. siguro magpapa ahit na ako ng pubic hair na style hitler na parati kong nakikita sa mga playboy playmate. kapag ginanahan ay baka pwede ko na rin sigurong ipatanggal nang lahat ng buhok south of my navel. kaya lang, baka panggigilan ako dahil magmumukha akong baby. kanina ko pa pilit ini imagine – parang ang sagwa ata.

Advertisements

No Responses Yet to “Dusky butterfly, sweet and sure”

  1. Tita Nene Says:

    hi Batjay,

    siguro dapat gumising ka ng maaga para di ka ma-late sa opis… so you can enyoy your “morning beauty ritual”

    I really enjoy reading your post, keep up the good work!!!


  2. dear tita nene,

    una, maraming salamat sa pagsulat mo sa akin. ang ganda naman ng pangalan mo “tita” na “nene” pa. parang oxymoron ang dating pero typical naman ito sa mga pinoy. mayroon nga akong kilala na “tito” at “tito uncle” ang tawag sa kanya ng mga pamangkin niya.

    asan na ba ako? ah ok – tama ka, next week nga mga 6am pa lang babangon na ako para di ako ma late sa kakalagay ng lotion sa katawan.

  3. tony Says:

    simple lang yan, gawin mo pa late ka ng gising konti..tignan mo sisimple ritual mo, bibilis pa! hehehe

    mag wi winter na nga pala, dapat redi ka na rin sa bwiset na static shock pag labas mo ng sasakyan..good word of advice, kung me hahawakan ka na metal, tapikin mo muna malakas para di masakit ang kick…sama mo na rin yan sa mga ritual mo in the next3 months..hehehe

  4. eye Says:

    hello batjay, sensya na ang tagaaaaaaal kong di nakabisita. ngayon ko lang nalaman na nakalipat na pala kayo 🙂

    mararanasan mo na ngayon winter, na tuwing sasakay ka sa kotse mo eh tatayo lahat ng buhok mo dahil sa static hehe! sadyang matakaw nga sa oras, hanggang likod kelangan lagyan ng lotion.

  5. Jet Says:

    hehehe… sige mylab, gising tayong mas maaga para may time ka sa beauty rituals mo ha. 😀

  6. BongK Says:

    Sir Batjay,

    siguro nga eh magiging metrosexual ka na nga, susunod nyan eh patatayuin mo na ang buhok mo na may sangkaterbang gel tapos mapupuna mo na lang na nag e-enrol ka na sa gym, then before you know it eh naka bodyfit ka na din.. wow macho gwapito ka non hehehehe

    ingat palagi

    PS: thanks nga pala sa mga MP3/M4 files

  7. paola Says:

    hhmm..lol eh bakit kpa kasi nag iinarte ng pagllagy ng kung ano ano sa muka??now after all u sound like a gay..just be a simple lang gosh!!!baka pag hinawakan kita sa braso mo, eh madulas ako!


  8. Welcome to America! LOL. No, I don’t think you’re a metro-sexual but rather the newer term “uber-sexual.” Sounds better, di bah?

  9. Barb Says:

    What kind of lotion do you use? I think that as long as you don’t get it from Bath & Body Works you’ll be ok. 😉

  10. rolly Says:

    Bakit kasi hindi na lang sila umimbento ng isang ltion na pwede na sa buong katawan e no? E di hindi na kung anu-ano pa ang iisipin mo. Ako din nang mag lip gloss sa Canada dahil sa sobrang lamig, pakiramdam ko, para kong nagli-lip stick.

  11. Yasmin Says:

    Vanity, oh, vanity — what have you done to Batjay?

  12. jhaya Says:

    hi vatjay,

    ay oo nga, nagiging metrosekswal ka na. vongga ka day! Enjoy sabi nga nila “loving yourself is a lifetime affair”.

    Anyway, gusto ang blogs mo.. pwedi bang matag kita, bago lang kasi ako sa blogging…and more friends kailangan para enjoy dieva? punta ka naman and comment plissss?

    salamat

  13. redjeulle Says:

    don’t forget mag conditioner kasi nagdadry din ang hair. o kaya anti-frizz serum especially ngayong lapit na magwinter. ang cuticle cream para di magbakbak ang cuticle; petroleum jelly na lang sa lips, it’s cheap and it works. pwede rin sa elbow and ankles. magpabrazilian ka na rin para total makeover ka na. 🙂

  14. usagi Says:

    atleast ngayon alam mo na kung gano kahirap maging babae wala pa nga po sa kalahati ang ginagawa nyo sa ginagawa ng mga babae, neks taym siguro pwedeng pwede ka nang makipag tsikahan sa kahit kaninong vain tungkol sa mga pahid pahid ano po?

  15. ate sienna Says:

    Fafa, moisturizer in the morning for the face pero pag summer lang, pag winter, hydrating cream naman. And since naglalagay ka ng ganun sa umaga, siempre, pagdating ng gabi, kelangan hugas ka ng ulit ng mukha kasi na-trap naman ang mga dumi sa mukha from the creams. Kaya mag-nutrogena skin clearing face wash ka for men sa gabi.

    samahan mo na rin ng foot scrub galing ng bath and body works kasi nga magda-dry at magkakaliskis ang paa mo kapag winter.

    hehehehehe…

  16. roamee Says:

    mas mabuti nang metrosexual kesa naman asexual.. dipo ba?
    try mo din likas papaya soap.. maganda sa balat kahit sa siko at sa kutis siko.. ambangu-bango pa…

  17. non-practicing virgin Says:

    manong batjay,

    na try mo na bang gumamit ng body butter from the body shop? hanep sa lagkit! para kang nagsabon ng mr.clean and hindi nag banlaw! very effective sya, moisturised ka hanggang bulalo and it also keeps u warm espeycially during the uber maginaw months.


  18. body butter na malagkit? para naman akong hot pandesal niyan.

  19. Capt. Kupal Says:

    di ba asexual yung mga halaman yon?


  20. NINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG!

    ano yung hydrating cream? dami ko palang kailangan pag-aralan.

  21. Engr. Bogus Says:

    vanity talaga yasmin. but now it’s more of a necessity. with the coming of winter, my skin’s getting more drier. i need the lotion after the bath.


  22. ako, sa buong katawan ko nilalagay yung lotion tito rolly. except sa mukha. malapit na rin akong maglagay ng lip shiner. otherwise tuklap tuklap ang nguso ko.


  23. hi barb. what’s wrong with the bath and body works products? i use a medicated lotion. i forget the name. it’s worked like magic.

    this is one more addition to my “now that you’re here in california, here’s what you should do” list.

  24. Haring David Says:

    hi plain na jane pa.

    UBERSexual – that sounds cool and i’ve heard it mentioned already. but what does it mean, really?

  25. Isip Bata Says:

    hi paola.

    thank you sa payo. sige, i will just be a simple from now on.

  26. Jakolito Says:

    BongK – welcome back.

    ayokong aroko ng gel sa buhok. kahit siguro maging kalbo na ako, hinding hindi pa rin ako maglalagay ng gel sa ulo.

  27. Kakang Gata Says:

    EYE!!!!

    welcome back., ako man ay di na nakakadalaw sa site mo. bigla ko tuloy na miss ang mga magaganda mong mga photo.

    STATIC – very sensitive ako riyan. parati akong napapasigaw pag natamaan ng charge.

    o nga pala, umakyat akong mt. apo last july to do a project. naalala kita.


  28. maaga na akong bumangon ngayon mylab. enjoy kasi ako sa morning rituals. sana nga mas may time pa para talagang super enjoy.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: