In every real man a child is hidden that wants to play

October 24, 2005

simula nang makalipat kami sa bagong apartment, ang daming nagregalo sa amin ng kandila as a house warming present, halos lahat scented – sarap ngang amuyin ng mga lekat. nilalagay namin ang mga kandila sa loob ng banyo at ginagawa namin itong parang air freshner. sarap nga, pag ume-ebs, para akong nasa loob ng simbahan lalo na pag patay ang mga ilaw. hehe. tapos masaya pa pag tapos kong gamitin ang banyo – hihipan ko ang mga kandila at kakanta ng “Happy Birthday to you!” sa loob. para nga akong sira ulo pero di ko talaga mapigilan. hindi pwedeng hindi kumanta ng happy birthday every time i blow candles dahil parang nakaprogram na ito sa aking kaluluwa.

Advertisements

No Responses Yet to “In every real man a child is hidden that wants to play”

  1. sha Says:

    scented pa ha pang romantic mood ninyo ni jet… dito ako sa london bweset wala araw.. miss ko france arghhhh

    hoy you need cake every time you blow candles….

  2. sha Says:

    PS nag kita na kami ni celia kusinera dito sa london hurray maybe i will find an excuse to fly to LA…

  3. Jet Says:

    mylab, hindi yung regalo nilang kandila ang sinisilaban… este… sinisindihan ko, prini-preserve ko yun for special occasions, like a true blue Pinoy… hehehe. Gusto mo next time, after mo umebs, kakantahan kita ng happy birthday para feel mo ang pagblow ng candles. 😀

  4. rolly Says:

    Nadinig ko nga si Liberace na sinabing “The only difference between a man and a boy is the price of their toys.”

    Ayaw mo nun, araw-araw birthday mo? Araw-araw celebration!


  5. toys for the big boys. di ba si liberace eh bading na nagka aids. na alala ko ang mga costume niya.


  6. hi sha. wow – nagkita pala kayo ni manang celia. she’s a great person and a rocker like me. are you staying for a while in london?

  7. Capt. Kupal Says:

    huwag mo na akong kantahan mylab. nahihiya ako eh. hehehe.

    lab U!

  8. favel Says:

    batjay! ayan, kung saan-saan na naman ako nag-c-comment..hehe, pasensya na. anyway, gusto ko lang sabihin na na-enjoy ako magbasa nung archives mo sa home 🙂 parehas yung na-experience namin sa inyo, mula sa apartment hunting, sa pag-shopping for furnitures, sa pag-assemble..and yeah, nauna rin internet connection namin sa lahat! hahaha katuwa 😛 yung pc nga namin nasa kitchen pa rin ngayon…


  9. hi favel. ok lang kahit saan-saan ka mag comment. nakita ko nga ang latest post mo tungkol sa ikea. talaga tayong mga byahero na palipat lipat ng bahay ay mahilig sa mga do it your self furniture. marami rin kaming mga war stories sa paglipat. from singapore to california – 13 bags and 13 boxes. tapos sangkatutak na furniture ang binili after makakita ng apartment.

    siguro ganoon din kayo ano?

  10. favel Says:

    wala kami masyadong gamit nung pumunta dito. pinadala namin ahead by post around 6 boxes na tig-20 kg each..puro personal na na gamit, books, pictures, clothes etc. tapos pagpunta namin 25kg each lang ang allowance sa plane! hay, ang hirap! anyway, sana di na kami lumipat muna in the next 10 years…haha! sarap mamili ng furniture no? nag-e-enjoy ako 🙂 masakit lang sa bulsa hehe
    btw, kamusta ang presyo ng bahay dyan sa OC? dito sa sydney pinakamahal all over oz. kaya minsan naiisip namin lumipat ng melbourne…ayan na naman!!!!! haha

  11. Engr. Bogus Says:

    aray – 25 kg lang. mura lang naman siguro mag ship ng mga gamit from SG to sydney. medyo mahal na nga ngayon sa sydney ano? ok rin naman daw sa melbourne. yung close friend ko ay doon nakatira. isa sa mga IT geeks ng monash university.

    masarap nga bumili ng mga gamit sa bahay sa ikea. lalo na yung mga kitchen showcase. peborit ko yon!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: