And if the cloud bursts, thunder in your ear, you shout and no one seems to hear

October 18, 2005

ang isang malaking problema ko rito sa amerika, in particular dito sa california ay ang dry weather. parati kong binibiro na kutis betlog ako. nagiging tutuo na nga yata. one month pagkadating ko rito, napansin ko na nangingitim ang tuhod ko dahil sa sobrang tuyo ng aking balat. nilagyan ko agad ng lotion. pag tagal, nawala naman. after the second month, yung siko ko naman ang namumuti. dahil din siguro sa sobrang tuyo ng aking balat. nilagyan ko agad ng lotion at pag tagal nawala rin. naisip ko nga – what the fuck, nangingitim ang tuhod, namumuti ang siko. kulang na lang tubuan ako ng kulugo sa mukha.


akala ko nga dito na matatapos, eh hindi pala – nung isang araw pag tingin ko sa kili-kili ko, nangingitim sa bandang dibdid ay namumuti naman sa bandang looban. napakamot ako ng ulo – pinagsamang black and white naman ngayon. packingsheet, malapit na ata akong mag mukhang zebra. ang theory ko ay baka aggrevate ng anti-perspirant based deodorant ko yung epekto ng dry weather dito. hindi na kasi ako pinagpapawisan sa kili kili. hininto ko na nga ang paglagay ng deodorant at nilagyan ng lotion. nawala naman.

ano bang experience ninyo sa weather dito? ganoon ba talaga ang epekto pag galing ka sa lugar na may high humidity papunta sa desyerto? weird. nakakainis na weird.

Advertisements

No Responses Yet to “And if the cloud bursts, thunder in your ear, you shout and no one seems to hear”

  1. rolly Says:

    hindi kaya dahil sa yan ang pinangtutukod mo – – –

    sa pag-eexercise?

    nakukuha naman pala sa lotion e di bili ka lang ng maraming lotion. 😉

  2. auee Says:

    ok lang yan… ganyan din hubby ko during his first autumn in London… Ngayon he even has his own moisturiser & an aftershave lotion! The first time I bought those for him ginagawa ko daw syang babae, pero after one bottle, nagpapabili pa! And he makes sure we stock it now before he runs out.

    Metrosexuality?

  3. ibalik Says:

    lalo na dito sa begas. nagsisilabasan mga galis ko sa kakakamot. e tamad pa naman akong mag lagay ng lotion. yung water softener, nakakatulong, pero dyahe mag refill ng asin.

  4. jan Says:

    ayos ka talaga batjay! ang sarap nga ng buhay mo eh! pa travel travel ka na lang! samantalang dito sa Pilipinas nakakasuka na! walang pagbabago.. cge enjoy ka lang jan! lagi mo lang dalin yang lotion mo! hehe

  5. len castro Says:

    dagdag mo pa yung magda-dry din lips mo, kaya gagamit ka na ng chapstick, tapos maglalagay ka na rin ng konting petroleum jelly sa loob ng ilong kasi dry din minsan nga dudugo pa sa sobrang lamig naman pag winter.ang balat mo sa kamay at dulo ng mga daliri magka-crack dahil sa dry din at sa kagagamit ng mainit na tubig.at kuta-kutakot na lotion sa binti at napakakati!yan ang na-eexperience ko dito sa iowa..

  6. Jet Says:

    Ayan mylab, normal naman pala nangyayari sa atin e. Sabi na nga ba reaction lang ng katawan natin ito sa change ng humidity. At pati ako, nalaman ko tuloy from Len na normal reaction din yung pagdudugo ng ilong ko. Thanks Len! 😀

  7. tony Says:

    normal nga talaga dito pagdudugo ng ilong and dryness ng skin lalo na pag winter..makati pa anit!

    may i suggest na gumamit ka ng “cetaphil” lotion, medyo mahal pero sulit!

    and as far as lip balm, mas mahal mas epektib.

  8. ate sienna Says:

    hehehehehe.. parang nung unang dating ko sa calgary, feeling ko para akong sirena (o ahas) na nagkaka-kaliskis sa legs. ang sagwa!

    buti na lang byuti ako! kaya kahit may kaliskis ako feeling ko dyesabel ako. (or kahit na sa valentina na lang) mwahahahahaha!!!!!

  9. Cindy Says:

    suggestion po: gumamit kayo ng lotion na may aloe vera. isang brand na alam ko, yung st.ives lotion.

    yun lang 🙂


  10. ah – ok. may factory ata ang st. ives dito sa LA area. isang engineer na kakilala ko sa pilipinas works there. maraming salamat sa payo.


  11. cetaphil lotion. got it. maraming salamat.

  12. Capt. Kupal Says:

    hi len.

    dry lips. i remember i was here last year and natutuyo ang labi ko. minsan nakakagat ko nga ang dry skin at mahapdi. napatingin tuloy ako sa siko ko – dry na naman. maka kuha nga lotion sa kotse. salamat sa payo.


  13. hi jan. maraming salamat sa pag comment. tama ka. dapat parating may lotion. mayroon akong isang bottle sa kotse. kakagaling ko lang doon ngayon at naglagay ako dahil namumuti na naman ang siko ko.


  14. boss ibalik – oo nga ano. mas tuyo diyan dahil mas desyerto sa vegas. eh paano ginagawa mo pag summer, ligo ng ligo?


  15. hi auee.

    metro sexual – yan nga next topic ko next week. napapansin ko kasi, it takes me longer now to take a bath dahil ang dami ko nang mga post bath rituals. ingat!


  16. oo nga tito rolly. ang problema minsan eh sa sobrang pagka ulyanin ko eh nakakalimutan kong maglagay ng lotion. wala kasi sa usual ritual ko.

  17. Haring David Says:

    ako rin mylab, nagdudugo ang ilong ko rito. lalo na pag nangulangot ako. hirap pala ano – ang daming kailangan para hindi matuyo ang balat. yung mga amerikano kaya, ganyan din?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: