I love walking in the rain, 'cause then no-one knows im crying'

October 17, 2005

umuulan ngayon dito sa southern california. bigla ko ngang naalala ang tag-ulan sa pilipinas at na home sick tuloy akong bigla. ibang klase nga kagabi – may kulog at kidlat pa kasama ng malakas na pag buhos. nagulat nga ako sa tunog ng ulan na tumatama sa bubong ng apartment. pinikit ko lang nga yung mga mata ko at nag imagine na nasa bahay ako sa antipolo kasama si jet, naghihintay na matapos makaluto si anna banana para makakain na kami ng hapunan. nakakatawa ano, mga simpleng bagay lamang tulad ng tunog ng ulan na dati rati di mo pinapansin, ngayon sanhi na ng pinagsamang melancholy at saya. ano ba ang melancholy sa tagalog? wala yata tayong salita para dito. siguro dahil likas tayong masayahin.


bigla nga akong nagka flash back episode pag labas ko ng kotse kaninang umaga. naka amoy kasi ako ng basang damo and all of a sudden it’s 1973 at ako’y isang eight year old na naglalakad sa gilid ng tullahan river pagkatapos ng bagyo. very powerful talaga ang sense of smell sa pagbabalik ng mga old memories.

at bwakangina, malamig na. bigla na ngang nagsusuotan ng mga jacket ang mga kasama ko sa opisina. nararamdaman ko nga agad ang ginaw kasi biglang tumigas ang paa ko. mangyari eh nakatapat kasi ito sa bintana (oo, huwag kayong mag-alala, paa lang ang tumigas). bigla rin akong nagka craving kumain ng tuyo ang tsamporado. epekto siguro ng ulan. panay rin ang takbo ko sa kubeta. wala akong LBM, virginia. ihi lang ako ng ihi.ganyan kasi ako pag malamig. panay nga ang silip ko sa ibaba dahil sabi kasi ng mga kaibigan ko, pag malamig, umuurong daw ang crown jewels. yung huling silip ko eh ok pa naman siya.

Advertisements

No Responses Yet to “I love walking in the rain, 'cause then no-one knows im crying'”

  1. Jenny Says:

    True, in my case, hearing the sound of an rotating electric fan (the metal kind)in my room brings back memories when I was young and taking an afternoon nap in our old home. Nalungkot tuloy ako!

  2. kat Says:

    ako rin… pagumuulan na malakas, i end up thinking of being a kid in the philippines. na alala ko mga pinsan ko nag lalaro nang barkong papel sa kalye pag my baha…

  3. kat Says:

    p.s. did you get the camera yet?

  4. rolly Says:

    Ewan ko Bosing pero I also love the sound of rain on the rooftop whereever I am. Parang may peaceful effect sa akin.

    Anyway, buti na lang at tsamporado at tuyo naisip mo. Mukhang madaling makuha yan jan. Ako kasi, nilagang talbos ng kamote na ibinabad sa bagoong, sibuyas at kamatis ang naiisip ko pag tag-ulan e. Pero baka mahirap maghanap nun jan kaya wag mo na lang isipin yun kung ganon din ang nakagawian mo nung bata ka pa, hane?

  5. Jet Says:

    Ganyang ganyan din feeling ko nung isang araw, nanonood ako ng TV Patrol. Biglang parang bumabalik sa isip ko pag yung nasa Antipolo tayo and we’re waiting for you to come home so we could have dinner. Nakahiga ako sa maliit na sopa natin, katabi si Datu at nanonood ng balita.

    Pero yung ulan kagabi, parang di ko naramdaman. Basta alam ko antok na antok ako… 😀

  6. Jet Says:

    Naku Tito Rolly, ako naman ang tinakam mo! Waaaa!

  7. rolly Says:

    Ay sorry, Jet. Dapat pala hindi ko na binanggit yung talbos ng kamote na binabad sa bagoong. Di bale sa susunod di na ko babanggit ng talbos ng kamote at bagoong. hidni ko naman kasi akalain na ganito rin pala nakagawian mo e. Yung pagkain ng nilagang talbos ng kamote na binabad sa bagoong balayan tapos lalagyan ng sibuyas at kamatis. hehehe Tapos tumutunog yung yero dulot ng ulan.

  8. tony Says:

    medyo malamig na nga jan sa lugar nyo…marami ka pang maalala and medyo malulungkot ka pag dating ng pasko, ibang iba kasya sa pinas..though nakasanayan na rin namin ang holidays dito, iba pa rin yung sa atin…buti na lang dito sa lugar namin allowed ang paputok pag bagong taon kaya medyo parang feel ko e nasa manila din ako..


  9. itong darating na mga araw iinit uli. pero not much – just enough to take off the jackets pag nasa labas. it’s not so bad at the moment.


  10. bumili nga pala ako ngayong tanghali ng talbos ng spinach, tito rolly. igigisa ko siguro bukas, katambal ng grilled longganisa sausage. pwede na siguro yon kapalit ng talbos ng kamote na binabas sa bagoong.

    parepareho pala tayong mahilig sa ulan at sa tunog ng ulan. daming ala-ala ano?

  11. Capt. Kupal Says:

    naku kat, ipinaalala mo ang mga bangka. doon sa amin sa novaliches, we make small wooden boats and we race them sa canal. may mga pangalan ang bawat boat – during those times, most of the boats were named after race horses. malaki ang pustahan and a lot of money is won and lost during the rainy season.


  12. hi jenny, ako rin maraming trigger… ang amoy ng katol for instance. naalala ko rito yung bahay namin sa pasay city nung 1960’s.

  13. mrs. p Says:

    ako ang memory ko ng basang damo, sari-sari. ang pinaka gusto ko, yung amoy ng damo sa golf course pag umaga, yung mabasa-basa na fresh na fresh ang amoy. ang pinaka hindi ko gusto ay yung minsan naglalakad ako nung bata ako, nakakaita ako ng ang dami, dami, daming bulate … yuk, kadire!


  14. na experience ko na yan sa luisita sa tarlac. naglaro kami ng boss ko ng 6 ng umaga. kami ang unang players sa course. basa ng hamog ang damo at paglakad mo, nag-iiwan ng footprints.

    yung bulate, maganda yon gamitin sa pag bingwit ng isda.


  15. oo nga mylab. naalala ko yung time na nanonood tayo ng tv sa bahay sa antipolo. kaya lang ayoko naman manood ng mga telenovela kaya nangungulit lang ako.

    mamayang gabi, nood tayo ng TV patrol.

    lab U!


  16. Ahhh… ang ulan napakasarap magmuni-muni, napakaraming alaala.

  17. ibalik Says:

    aros kaldo ang gusto kong lamunin pag umuulan.

  18. kenji Says:

    gusto ko ang title neto idol! 🙂


  19. galing ano – parang “smoke gets in your eyes”


  20. tama yan bossing ibalik – arozcaldo na may kalamansi at patis, maraming bawang na sunog. sarap!


  21. tutuo yan, maraming flashback pag umuulan.

  22. roselle Says:

    ang naaalala ko pag umuulan, nung bata pa kami nagsisiksikan kaming magkakapatid sa kama kasama ang nanay namin tapos kumakain kami ng cheesecurls na sinalin sa malaking bowl habang nanonood ng tv. tapos magluluto si mommy ng champorado at maaamoy namin ang pinipirito na tuyo 🙂

  23. Jakolito Says:

    wow – sarap nga noon. ako rin, very vivid ang memory ko na kinukumutan ng mommy ko pag malamig at umuulan.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: