THE PROPER WAY TO EAT BALUT

October 11, 2005

kapag tinatanong ako ng mga kaibigan kong singaporean nung araw kung kumakain ako ng balut, ang parati kong sinasabi ay – “siyempre naman. it makes my pototoy harder“. pag naririnig nila na kumakain ako eh parang nandidiri sila dahil alam nila na may duck embyro na puno ng anmiotic fluid sa loob ng itlog. apparently maraming mga documentary na ipinalabas doon na ipinapakita ang actual ng pagkain nito. minsan, gusto ko ngang sabihin sa kanila – “eh bwakangina naman, kung kayo nga, kinakain ninyo yung pinatuyong titi ng tigre, balut lang nandidiri kayo”.


anyway, sa dami ng nagtatanong sa akin eh gumawa na ako ng tamang procedure sa pagkain ng balut. mayroong dalawang paraan sa pagkain nito – the first one is the “gross me out method” kung saan kakagatin mo ng dahan dahan ang balut, one baby duck body part at a time (ie, head, shoulders, hands, feet., body). ayoko ng ganitong method dahil medyo sadista at parang mayroong latent cruelty. i go for the 2nd method kung saan, ipipikit mo ang iyong mata, magdadasal ng grace before meals at lululunin ang itlog ng buo. so, eto na ngayon ang aking paraan sa tamang pagkain ng balut:

1. crack the shell on the top part of the egg with a blunt object (don’t use a hammer)
2. tingnan ang loob at baka may free
3. put asin to taste (knorr seasoning is a good substitute)
4. sip the sabaw (slurp kung mainit init pa ito)
5. widen the crack (magaling ang mga lalaki rito)
6. put sukang maanghang (mas ok yung suka ng magbabalot kasi marami itong vinegar eel)
7. close your eyes and repeat after me (“bless us oh lord and these thy gifts…”)
8. one big swallow
9. nguya
10. breath in
11. nguya
12. breath out
13. wash with ice cold coke

ayan, pwede ka nang makipag sex ng hindi nanlalambot ang tuhod.

Advertisements

No Responses Yet to “THE PROPER WAY TO EAT BALUT”

  1. tony Says:

    ako naman, konting tikim muna sa egg, tapos check kung kaya kong lulunin ng buo, lagay ng asin tapos kunyari titingin sa iba, diretso nguya walang bukasan ng bibig…minsan, nakabili ako dito sa oriental store, niluto ko, pag crack ko, pucha pwede nang lumipad sisiw sa laki e..ngiii! ni halos wala ng egg at bato!
    pero masarap daw pag pinirito na may kulay orange ba yun na batter? tapos sawsaw sa sukang me paminta at sili..hehe

  2. Dennis Says:

    ako gusto ko lagyan muna ng pulbos…


  3. sounds like the balut of the vietnamese, tony. mahilig din sila sa balut. ang difference lang eh mas gusto nila yung mas malaki ang sisiw. mas kadiri nga yung sa kanila kasi mukha na talaga itong lilipad.

    yung sa mga pinoy ay balut sa puti. more yellow yoke than sisiw.

  4. mrs. p Says:

    dear unkyel batjay,

    eh what is the effect of eating balut for girls?

  5. Barb Says:

    AFLAC.

    I don’t know how much American TV you’ve watched yet, so you might not get my rather lame joke. But it was the first thing I thought of.

  6. Robbie Says:

    Sir Batjay,
    It has been a while since I last ate balut, siguro 5 years ago na yun. Pero may isa pang way ng pagkain ng balut – compartmentalize way. Syempre, gaya ng sa’yo unahin ang sabaw na binudburan ng asin. Tapos lagyan ng suka at isunod ang yoke. Lagyan ulit ng suka at isunod na ang sisiw (gross out method can be applied at this point). Lagyan ulit ng suka at kainin ang bato. Parang chewing gum to at magandang exercise sa panga. Pero di pa dito natatapos ang pagkain kasi masarap ding higupin yung natirang suka dun sa shell. Now, you are ready to “go”.

  7. Dr Emer Says:

    Mabuhay ang balot na pampalakas ng tuhod! Mataas ang uric acid at cholesterol, pero kung grabe naman ang kayod natin, eh ok lang.

  8. rolly Says:

    i used to eat a lot of balut. I always take it in one gulp. hindi ko kaya yung kinocompartmentalize. Kaso malakas daw ang collateral nyan e baka magkasakit ako sa puso, kaya tigil na muna.

  9. auee Says:

    dyan daw ako pinaglihi sabi ng nanay ko…
    😉

    Tagal ko ng di nakakakain nyan.

    BTW bakit po ba wala na yung blog ni aling Jet?

  10. transience Says:

    i don’t think it’s a matter of perspective, really. some people are just honest-to-goodness snobs. heh.

  11. Jet Says:

    Basta ako hanggang sabaw lang tsaka itlog. Kaya nga madalas penoy na lang binibili ko kasi nasasayang yung ibang part ng balut. Yung bato kinakain ko pag gusto kong mainis… wehehehe…

    Auee, may problema lang sa system ng provider. It will be up soon. Thanks for asking. 🙂


  12. hi transience.

    well, yes that’s true. sometimes the best counter to this to to actually show them exactly what grosses them out.

    so when’s your book coming out?


  13. pinaglihi ka pala sa balot. ngyehehe. hindi ka naman siguro mukhang pato, auee. down pa ang pansitan dahil may kaunting technical problems. ito ang dahilan kung bakit wala ang site ni jet. babalik din ito agad.


  14. ako tigil din tito rolly. ang last balut ko nga ay nung magkasama tayo sa pasig. hanggang ngayon, di ko pa rin makalimutan na una – inindian tayo ni sassy. at ikalawa – napakasarap ng balut surprise sa via mare.


  15. ngyehehehe… MABUHAY!

    kailangan pala doc, pag malakas kang kumain ng balot malakas ka rin dapat mag ensayo.


  16. ayoko pa rin ng compartmentalized method. mga sadista kayo!

  17. Haba ng Dila Says:

    hi barb.

    i’ve googled AFLAC and one website was talking about a commercial that they created that had scenes with the ducks in “literally or implicitly harmful situations”. well that’s whats in the complaint of a group called the United Poultry Concerns, Inc.

    i haven’t seen the ducks quacking “AFLAC” yet. hopefully, i will soon.

  18. Isip Bata Says:

    hello mrs. p – ang aga mong gumising.

    what is the effect of eating balut for girls? that is the question. hmm… good question. so, what’s the answer?

    cheers!


  19. ako rin mylab. gusto ko ring kaining yung bato. kahit hindi ko gustong mainis. pero masarap talaga ang balut sa puti.

  20. auee Says:

    Di naman ako mukhang pato awa ni Lord… pero mahaba nguso ko… hmm

    Ayoko ng penoy para lang nilagang itlog. Pero gusto ko sa lahat, itlog na pula!

    naughty.. 😉

  21. roamee Says:

    tanong lang.. pag kinain ba ang bato ng balut tapos sumigaw ka ng darna.. magiging superhero ka?


  22. hindi, pero kung sumigaw ka ng “darna” at may tumalsik na pira-piraso ng bato ng balut tapos acidentally ay may natamaan kang ibang tao, baka magulpi ka.


  23. ngyehehehe.. para ka bang si angelina jolie, auee?

  24. auee Says:

    i would like to think that angelina looks like me… hehe


  25. thank you very much. i love your confident answer, woohoo!

  26. megende Says:

    Good afternoon everybody! speaking of Balut,I just want to know kung may mabibili bang balut dito sa US? Kasi,paborito kong kainin ang balut nung nandon pa ako sa Pinas,lalo na ung katamtaman lang ang sisiw. Kasi, i use to eat Balut with rice and patis.Please help me, buntis na yata ako eh! and also,my husband want to see on how to eat balut.Sana may pumansin ng tanong ko,T.Y.


  27. depende kung saan ka nakatira – if you are based in california, try to look around where most of the pinoys gather: ie – daly city, west covina and cerritos.

    many years ago, may nakikita akong mga rolling stores (people selling food in their cars) at nagtitinda sila ng balut.

    magtanong ka lang sa pinakamalapit na pinoy restaurant.

    good luck.

  28. piffit Says:

    dito ko lang narinig na nilalagyan ng suka ang balut… masubukan nga bukas. 🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: