Well, I'm leaving in the morning as soon as the dark clouds lift

October 10, 2005

ang topic ngayon sa “rebels without because” ay tungkol sa mga multo. malapit na kasi ang holloween at araw ng mga patay. kaya kung may oras kayo, imbis na magkamot ng galis eh baka gusto ninyong basahin ang mga entry doon. toka ko ngayon kaya nag post ako ng top 10 places kung saan magandang makakita ng multo – sana matakot din kayo tulad ko.

1. umuwi kang mag-isa ng madaling araw, malakas ang ulan at may nakita kang babaing nakaputi na nakaharang sa daan. gusto mong makatulong kaya ihihinto mo ng kotse. bigla kang kikilabutan dahil bigla itong nawala.

2. ipapasa walang bahala mo ang nakita mong babae sa gitna ng daan at magpapatuloy sa pag maneho. bigla ka na lang makakaramdam na parang hindi ka nag-iisa sa kotse. titingin ka sa rear view mirror at makikita mo ang mukha ng babae na nakatingin sa iyo – nanlilisk ang mga mata at mukhang nagagalit.

3. pag pasok mo sa kubeta para maligo, may payat na taong nakatayo sa loob ng bath tub pag tanggal mo ng shower curtain – nakangiti at nakatingin sa iyo ang kulay dilaw na mata.

4. pag bukas mo ng trunk ng kotse, papawisan ka ng malamig dahil may katawan na nakahiga sa loob, umu ungol at gustong lumabas.

5. pag buhos mo ng tabo habang naliligo ka ng madaling araw eh biglang naging kulay dugo ang tubig.

6. pag pasok mo sa kwarto mo, bigla kang makakakita ng katawan ng tao na nakabitay from the ceiling at ang mga mata ay sinusundan ang bawat kilos mo.

7. pag tapon mo ng basura, makakakita ka ng kamay na puro buhok, biglang lalabas sa trash can

8. pag gamit mo ng salamin habang nagbibihis sa umaga, bigla kang makakita ng taong maitim sa gilid ng mata mo na mabilis na naglalakad sa likod mo

9. mapapatingin ka sa bintana ng dahil may maririnig kang kaluskos. tapos, biglang may biglang lalabas na matandang babae na may itim na pakpak na humahampas sa salamin ng bintana.

10. may taong nakatayo sa likod mo habang gumagamit ka ng computer. mararamdaman mo ang malamig niyang kamay na nakahawak sa batok mo.

Advertisements

No Responses Yet to “Well, I'm leaving in the morning as soon as the dark clouds lift”

  1. Jet Says:

    Wala ka ngang kwento pero dito ata ako mas natakot sa mga suggestions sa imagination na binigay mo mylab. Susmio!


  2. yan nga ang mga scary eksena na masarap isipin pag gusto mong matakot, mylab.

    and besides…

  3. tony Says:

    ganun nga daw yun pag nakita ka ng multo, wag mo nang alisin mata mo kasi isang kurap wala na, pwera na lang pag dilat mo, nasa harap na ng mukha mo multo tapos puti mata…meron pa nga daw, pa pag higa mo para matulog sa gabi at patay na ilaw, me nakatayo sa paanan mo at nakatitig sa yo..e yung namang pagpasok mo sa kotse tapos amoy korona ng patay?


  4. nung bata ako, sabi sa akin ng mga kalaro ko, maglagay raw ako ng muta ng aso at makakakita ako ng multo. hindi ko alam kung tutuo kasi pag sinusubukan kong kumuha ng muta sa aso eh pilit akong kinakagat.

  5. mrs. p Says:

    hi batjay, long time no see! 🙂

    alam ko na, maglagay ka na lang ng ihi ng palaka para makakita ka ng kulugo. hindi lang ikaw ang matatakot, pati sila matatakot sa iyo


  6. MIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIISSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSSIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIS P!!!

    GARDENGET, i missed you. where the hell have you been all this time?

    tama ang suggestion mo. gusto ko rin idagdag na kumain ng butiki para hindi magkahika at mag dikdik ng pototoy ng langaw sa noo para hindi makalbo.

  7. MarchOne Says:

    parang the return of “Regal Shocker.”Yung mga movies ni Mother Lily nang Regal Films…hehehe…


  8. may mga ginagawa pa bang horror movies sa pilipinas ngayon?

  9. MarchOne Says:

    Latest blockbuster was Kris Aquino’s “Feng Shui.”

  10. tony Says:

    e yung sinasabi nila na pag patay ilaw, mag lagay ka ng apat na mamera sa lamesa, tapos dalawang daliri ipatong mo tig isang kamay, habang nakaharap ka sa salamin, may maaninag ka na image sa likod mo na nakatanghod sa yo…ang trick, wag kang kukurap dahil mawawala image…

  11. con Says:

    naku unkel batjay, andaming horror nanaman ngayon. ako kasi e nagtrtrabaho dito sa regal kaya alam ko.. hehe. katunayan, gagawa nanaman ng Shake Rattle and Roll 2k5! Ika-7th part ng Regal’s shake rattle and roll. o di ba, ang hightech ng dating. si mother lily kasi e mahilig gumwa ng horror. Then, panoorin nyo yung “Sigaw” or “the Echo”… kasali sya sa Los Angeles Scream Fest, kaya nakakaproud din kasi pinoy film ito, na most likely gawan ng hollywood re-make.

  12. Lola Baby Says:

    Ay naku, Jay, you are one funny person! I burst out laughing after reading your comments. Never heard of such things but made me laugh like crazy. Akala tuloy nang mga scientists nasisira na ang ulo ko. (Alam mo na.) Talagang magaling ka pa kesa sa mga komedian. Saludos!


  13. hi lola baby. para talagang oxymoron ang lola na mayroong baby. but it sounds great kaya ok na ok sa akin ang pangalan mo. it reminds me of a guy i know named “tito”. his pamangkins call him “tito uncle”.

    alam mo, kaya ka siguro natawa ng malakas ay baka nami miss mo ang pinoy humor na mahirap i-translate sa english. isa sa mga dahilan why i love to write and speak in pilipino ay ang fact na may mga kwento na walang dating pag sinabi mo sa english.


  14. wow! shake, rattle and roll 2005. sana maganda ang pagka gawa para masarap panoorin. sino-sino ba ang mga artista? saan makakakuha ng “SIGAW”? mukhang maganda nga yon.

    pwede ba akong mag-suggest ng title ng susunod na horror movie ni mother lily? eto… “PATAYIN SA KINDAT SI KIRAT!”


  15. para palang sakla, tony.

  16. Haba ng Dila Says:

    feng shui – oo nga. pati yung last movie nung artistang navarro ang apelyido. ano na ba yon?

  17. Lola Baby Says:

    OO nga, kasi lola na, baby pa rin. (my nickname is Baby and I’m stuck with it.) I’m really a lola but young at heart. Bungisngis especially if I read or hear something like what you talk about in your blog. Yes, there is a big difference between yong puting joke and pinoy joke. Talagang nakakahimatay tawa yong sa atin. Ipagpatuloy Tito Uncle………..

  18. con Says:

    marami po unkel bat, trilogy ulit ito, may ai ai delas alas, ogie alcacid, ara mina, mark anthony fernandez, elizabeth oropeza, etc… http://www.regalfilms.com/v2 di ko po alam kung meron na jan yung “sigaw” (or the echo). pero you can buy it online. http://www.echothemovie.com

    ang ganda naman po ng title nyo ng movie! pag dumaan po si mother e sasabihin ko!hehehe

  19. Isip Bata Says:

    aba….. mukhang maganda nga yan. lalo na’t nariyan si ara mina. may bold scene ba?

  20. con Says:

    hehe. wala po yata. pampamilya po kasi, kasama mga bata… ehehehe


  21. ngyehehe… sino bang BF ngayon ni ara mina? si jomari pa rin?


  22. i love lolas who make bungisngis. that’s really cool.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: